Guys, sick lang po si ante. haha. Anyway, nagkita na si Roween at ante..
Beth went back matapos niyang makipag-usap sa lalaking hindi man lang niya nakuha ang pangalan. Malapit na siya sa kanila nang marealize na hindi niya pala naitanong ang pangalan nito.Sa may di kalayuan, nakita niya si Lucio sa kalsada.Nang mapatingin ito sa gawi niya, kita niya ang nag-aalalang mukha nito.Hindi pa man siya gumagalaw, lumapit na si Lucio sa kaniya. “Saan ka nanggaling?”Bigla siyang naguilty... “S-Sa p-plaza, huminga lang sandali.” Biglang tumiim bagang si Lucio. Halos mamatay siya kakalibot sa paligid para lang mahanap niya ang asawa niya.And now, sasabihin nitong huminga lang ito? Pakiramdam niya ay malapit na siyang sumabog sa tindi ng galit.Lucio’s slender fingers pinched Beth’s jaw and with his cold eyes, he said, “It seems like may hindi tayo dito pagkaka-unawaan wife.”Beth’s heart raced as it was the first time na makita niya si Lucio na taimtim na nakatingin sa kaniya. She knew what she did, at alam niyang mali siya doon.“I am evil, but I am patient w
Nakarating sila sa Peresela Beach Resort.Nag-aalalang tinignan ni Lucio si Beth, sa pag-aakalang umiiyak pa ito.Pero nang makita niyang hindi na at medyo excited pa ito habang nakatingin sa dagat, bigla siyang napangiti.‘I’m glad she’s okay now.’“Wala akong dalang swimwear.” Sabi ni Beth sabay lingon sa kaniya.“Pwede naman tayong bumili na lang dito.”“Ang foods?”“Lahat ng kakailangan natin e narito na.”Pinagsingkitan siya ni Beth ng mata. “Bakit parang marami kang alam?”“Pagmamay-ari ito ng kaibigan ko.”Napatango si Beth. ‘Akala ko e dinadala niya dito si Rainah dati.’Siya iyong nag-iisip ng hindi maganda, siya rin iyong masasaktan.Hawak kamay silang pumasok sa resort. At nang makapasok sila, yung vendor sa gilid e agad silang sinundan ng tingin.Tinawagan si Manzo nang makalagpas ang dalawa sa harapan niya. “Mr. President, nandito po ang anak ninyo kasama ang batang Floreza. Mukhang kagagaling lang po sa pag-iyak si Ms. Beth.”“Thank you. Please check my daughter from time
Bumalik na si Beth sa trabaho. After their beach trip, she was able to breathe and recover from the pain matapos niyang makita ulit ang dad niya.Pagpasok niya sa opisina, all eyes were darted on her.Nagtuloy-tuloy pa rin siya sa office ni Aidan to report, ignoring the people.She knocked thrice bago siya pumasok at nakita niya si Aidan na may ginagawa sa table nito.“Sir, good morning po…” Medyo kabado siya pagka’t hindi siya nagfile ng leave.Umabsent siya. Akala nga ni Leah sa text e nag-AWOL na siya. Sunod sunod ba naman ang absent niya without prior notice.“Kamusta ka na?” tanong ni Aidan.“Ayos naman po ako sir. Nakarecover na po.”“Mabuti naman. Hindi mo deserve ang ganoong klase ng ama Beth. Now that he’s out of your life, pwede ka ng maging masaya.”Ngumiti si Beth at tumango. Natanto niya na maraming nagsabi na pwede na raw siyang maging masaya ngayon na nakawala siya sa ama niya.She didn’t realize na sobra pala talaga siyang kawawa.“Sige na… Go back to your work. I am gl
Sa office ni Lucio,Kunot ang noo niya habang nakatingin sa CCTV footage galing sa beach na pagmamay-ari ni Peres.He could still remember kung anong sinagot ni Peres sa kaniya matapos niya itong tanungin kung siya ba nanlibre no’ng extra food na di niya inorder.“Brute, ang yaman mo. I won’t ask my staff na ilibre kayo.” Natatawang sabi ni Peres.Kumunot ang noo ni Lucio doon at agad siyang binagabag sa nangyari.Walang lason ang pagkain, but he’s curious kung sino marahil ang nagpadagdag sa pagkain nila ni Beth.Hindi siya pwedeng makampante knowing that there’s someone out there, eyeing his wife from afar.Napatitig si Regar sa kaniya sa isang tabi.Even in his serious stance, hindi maikakaila nito na isa ang mukha ni Lucio sa hinahangaan niya. From his perfect nose bridge, up to his purse lips, and to his charming jawline.Effortlessly, Lucio is handsome at aminado si Regar doon na ang amo niya ang may pinakagwapong mukha na nakita niya.Not in romantic way but he surely does adore
“Lucio,” unang banggit pa lang ni Roween ng pangalan ni Lucio ay ramdam na ng lahat ang kilabot dahilan ng kanilang pagtigil.Kung pwede lang pati ang paghinga ay tinigil na rin nila.“Roween Mackeleev,”Ngumisi si Roween sa kaniya. “Hindi ko aakalain na asawa mo si Beth.”“Yes, she is my lovely wife.” Walang kurap na sabi ni Lucio. “And I’m willing to do everything to protect her.” Aniya na iba ang gustong ipahiwatig kay Roween.Tumingin si Roween sa sasakyan niya kung saan naroon si Beth.“She’s fragile, nararapat lang na protektahan ang kagaya niya.”Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Lucio. Hindi niya gusto ang naririnig niya.“Anyway, hindi ako naghahanap ng gulo. I am here to get my daughter.” Sabi ni Roween sa kaniya. “But I cannot find her.”“What do you mean?”“Tinaguan niya ako. Nilayasan. Now, I couldn’t locate her.”‘It’s expected na tinaguan siya ni Rainah pero nakapagtataka na hindi niya ito malocate.’ Sabi ni Lucio sa isipan niya.“Spare me with some of your time, Lu
Pagdating ng bahay, halata pa rin sa mukha ni Beth ang pagkabigla.Lucio is watching her reactions.“Wife, can you tell me what’s on your mind please…” medyo may pag-aalala sa boses niya.“Kasi hubby, hindi ko alam anong iri-react ko. Possible ba talaga? Paano mo naisip yun? Kailan pa?”Huminga ng malalim si Lucio. Lumapit siya kay Beth, kinuha ang kamay nito at dinala siya sa sofa.Nang umupo siya, pinaupo niya si Beth sa kandungan niya at ang kamay niya ay nakapulupot sa maliit nitong bewang.“Sa Dubai pa lang. Nagtataka ako bakit ka niya pinapatawag ng ganoon. Ayah is dad in different language. Pero hindi sumagi sa isipan ko na baka anak ka niya dahil akala ko that time e ama mo yung walang hiyang si Bernardo.”Sumandal si Beth kay Lucio. Ang lakas ng tibok ng puso niya.‘Kaya ba magaan ang loob ko sa kaniya?’‘Hinanap ba niya ako? Ako ba ang sadya niya sa Dubai?’Sa mga kaisipang yun, mas lalo siyang kinabahan.Sobrang lalim ng iniisip niya…Si Lucio naman sa likod, nagsisimula nan
Nanlalaki ang mata ni Beth habang nakatingin siya kay Manzo. Hindi siya makapaniwala, hindi niya alam anong sasabihin. Paano? Bakit? Bakit nandito si ayah sa harapan ko? Iyon ang gumugulo sa isipan niya. Yung puso niya, halos lumundag na sa sobrang tuwa, sa galak, at lungkot. Para bang nangungulila siya sa taong nasa harapan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. “BITAWAN NIYO KO!!!” Napatingin siya sa harapan nang sumigaw si Nice na ngayon ay hawak hawak ni Ten at Rock. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Manzo sa kaniya kaya napabalik ang tingin niya dito. Tumango siya ngunit nakita niya ang dugo sa gilid ng noo nito. Labis siyang napasinghap at natakot. “A-Ayos lang po kayo?” nag-aalala niyang tanong. Tumango si Manzo. “I am fine. How about you? Nasaktan ka ba? M-May sugat ka ba?” maririnig ang pag-aalala sa boses ni Manzo. Agad na umiling si Beth dahil ayos lang naman siya. Mas nag-aalala pa siya sa kalagayan nito pagka’t ito ang natamaan no’ng bato ni Nice
“Dad oh,” sabi ni Ten sabay abot ng panyo niya kay Manzo.Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi dahil kanina pa ito walang humpay sa pag-iyak.“She knew, right?” tanong ni Manzo na malalaki ang butil ng luha sa mga mata.Ngumiti si Ten at tumango.“Alam na niya yata kung ano ang ibig sabihin ng ayah. Sinabi siguro ni Lucio.”Tumingala si Manzo, sobrang saya niya na halos hindi niya alam anong sasabihin niya.“Dapat sa Sabado, lahat ng pagkain na lulutuin e masarap. Dapat lahat ng makikita ng anak ko ay maganda sa paningin niya. Dapat magustuhan niya ang bahay ko, Ten. Gusto kong maging perpekto lahat.”Ngayon pa lang, kita na ni Ten kung gaano kasaya ang father-in-law niya.“Opo dad. Ako na bahala doon.”Masaya siya. At least, sa kanilang dalawa ng father-in-law niya, may isa ng unti-unting naghihilom sa sakit sa pagkamatay ni Atisha.Samantala, umiiyak si Beth habang nasa loob siya ng elevator.Walang sinabi si Manzo na siya ang ama nito, pero sa nakikita niyang reaction kanin
“Can we talk?” umagang umaga pa lang, iyon na ang bumungad kay Ten.Nadatnan niya ang father-in-law niya sa kaniyang kwarto, nakatingin sa kaniya.“About what?” naupo siya sa kama. Hindi pa rin siya masaya sa mga napansin niya kahapon.“About what happened last night.”Hindi nagsalita si Ten. He’s waiting kung anong sunod sasabihin ni Manzo.“I’m sorry…” Sabi nito kaya napaangat siya ng tingin ulit.Huminga si Manzo ng malalim bago nagsalita. “I love my daughters, Ten. Sila ang buhay ko. Kaya ko sinunod si Atilla sa pangalan ng mama niya dahil gusto kong maramdaman ng anak ko na kahit papaano, kasama namin si Atisha. Aware ako na kahit anong gagawin ko, hindi ko maiibigay ang lahat sa kaniya dahil walang makakapantay sa pagmamahal na naibibigay ng isang ina.”Kumunot ang noo ni Ten. Iba ang saloobin ng asawa niya.“Hindi yan ang naramdaman ng asawa ko, dad. You were so overprotective to her. Halos ikulong mo siya sa bahay para lang hindi siya mawala sa paningin mo. Takot kang mawalan
Kinakabahan na si Beth. Off ang phone niya kaya hindi niya natext si Lucio.Tapos alas nueve na ng gabi. Kaya kabado na talaga siya. Si Ten ang nagmamaneho ng sasakyan. Kanina pa sila walang imik sa isa't-isa hanggang si Ten na ang nangahas na kausapin siya."How's your dinner with your dad?" tanong niya pagka't nasa labas lang siya ng resto, nagbabantay. Tumikhim si Beth bago sumagot. "Good.""Nag-enjoy ka ba?""Yeah.""Mabuti naman."Hindi na sumagot si Beth kaya si Ten ay tinignan siya sa pamamagitan ng salamin.Pagkadating niya sa bahay ni Lucio, lumabas si Beth agad at nagmamadaling pumasok. Walang goodbye, walang thank you.Ten watched her going in at nang mawala na si Beth sa paningin niya, bumalik na siya sa bahay ni Manzo na naghihintay sa kaniya makabalik."Ten, how is she?""Ligtas ko po siyang naihatid, dad.""Mabuti naman kung ganoon. Come, may iuutos ako sa'yo."Hindi kumilos si Ten, nakatingin lang siya kay Manzo kaya nilingon siya nito."What?""You're doing it again
Umagang umaga pa lang, nauna nang magising si Beth.Tulog pa si Lucio sa tabi niya. Kinumutan niya ito at siya naman ay agad na naligo saka bumaba.“Good morning ma’am Beth,” bati sa kaniya ng katulong.“Hello po ate. Pwede po ako pahanda ng tea na dala ko no’ng nakaraan?”“Sure po ma’am. Sige po…”Ngumiti si Beth at nagtuloy sa paglabas ng bahay. Hindi pa masiyadong sumisikat ang araw.She’s smiling from ear to ear while looking at the view. Wala ng gaganda sa umaga niya.“WIFEEEE!” Napatalon siya sa gulat nang marinig ang boses ni Lucio.“Nasa labas ako!” Sigaw niya at nagtataka.“WHERE IS MY WIFE?”“Nasa labas po si ma’am Beth sir.”Rinig niyang mga boses sa loob.Nang makita niya si Lucio, agad nalukot ang mukha niya.“Bakit ka bumaba nang nakaboxer?”Tumingin siya sa likuran at kita niyang namumula ang pisngi ng mga dalagang katulong.Sinimangutan niya si Lucio.Nakagat naman ni Lucio ang labi niya. ‘Fvck!’ He said at malalaki ang hakbang na nilapitan niya si Beth at niyakap.Nap
“D-Dad!” Sigaw niya, ang lakas pa ng tibok ng puso niya.Natakot siya at kinabahan. Gusto niyang tumakbo palayo kay Bernardo.“DAAAAD!” Pagtawag niya kay Manzo at pinipilit na bawiin ang kamay niya kay Bernardo.“Beth!”“LET ME GO!” “Ms. Beth, relax…”Doon siya natigilan at napatingin ng mabuti sa nasa harapan niya.Nanlaki ang mata niya nang maklaro na hindi si Bernardo ang nasa harapan niya kun’di si Leo Floreza pala.At sa gilid ng senior ay naroon ang assistant nito na siyang tumawag sa kaniya ng Ms. Beth.“D-Dad,” nautal na sabi niya…“What happened to you?” kunot noong tanong ni Sr. Floreza.“I-I’m sorry dad.. I mistook you to someone else.” Aniya dahil akala niya talaga e si Bernardo ang nasa harapan niya kanina.Dumating si Manzo. He coldly glared at Leo dahilan para mabitawan nito si Beth.“What did you do to my daughter, Floreza?”Agad humarap si Beth sa daddy niya. “Dad, wala… Inakala ko si da- I mean si Bernardo ang nasa harapan ko kanina. I’m sorry…” Aniya dahil baka mag
Matapos nilang kumain, naunang tumayo si Manzo.“May ipapakita si daddy sayo, can you give me a moment, sweetheart?”Tumingin si Beth kay Lucio, and when Lucio nodded, bilang sagot na ayos lang sumama siya sa dad niya, humawak si Beth sa kamay ng dad niya.Nagtungo sila sa isang kwarto na alam ni Manzo e matutuwa si Beth.Samantala, napatingin si Lucio kay Ten na siyang naiwan sa dining table.“I want to make things clear to you. Hinding hindi ako papayag na dumikit ka sa asawa ko kahit butler ka pa ng ama ng asawa ko..”Ten chuckled. “You broke my bones dahil lang sa maling akala.”“Do you think matutuwa ako matapos kong makita na hawak mo ang larawan ng asawa ko?”“Natural meron ako no’n dahil pinapasundan siya ng ama niya.” Pagsisinungaling ni Ten.Sinamaan pa rin siya ni Lucio ng tingin. Kahit anong gawin ni Ten, kumukulo talaga ang dugo niya.“You know what, bahala ka kung ayaw mong maniwala.” Sabi nito at umalis.Samantala, ang kwarto na pinasukan ni Manzo at Beth e ang kwarto k
“I love you so much..” Pag-uulit ni Lucio doon.Ngayon lang nila nasabi na mahal nila ang isa’t-isa. Ganoon pa man, ayos lang kasi ramdam nila at pinapakita nila sa kanilang mga kilos ang nararamdaman nila.Tumingala si Beth at tumingkayad para maidampi niya ang labi niya sa labi ni Lucio.Ngumiti siya at lumingon sa dad niya na nakangiti sa kaniya.Kinuha niya ang kamay ni Lucio at hinila iyon palapit kay Manzo.Parang idinuduyan ang puso niya at proud na proud siyang iharap ang lalaking napili niya makasama buong buhay sa taong tinatawag niyang daddy.“Dad, I know you’ve met him. Pero gusto ko po personal na sabihin sa inyo that this is Lucio Floreza, my husband.”Never in her life na may inangkin siyang tao. Kahit noon kay Joliever, hindi siya kailanman nang-angkin dito.But right now, she feels different. Gusto niyang angkinin si Lucio. Gusto niyang siya lang ang asawa nito at wala ng iba. Iba ang tuwa na nararamdaman niya ng sabihin niya ang salitang ‘MY HUSBAND’.Sobra siyang pro
Puno ng hagolhol ang buong bahay. Ang luha na nagpapabatid sa kanilang lahat na pati kaluluwa ni Beth at Manzo ay umiiyak.Sobrang higpit ng pagayakap ni Manzo sa kaniyang anak.He waited for this moment.At sa bawat taghoy niya, nagpapabatid na sobra sobra ang kasiyahan na natatamasa niya.“I’m sorry… I’m sorry hindi ka nakuha agad ni daddy… I’m sorry my baby, hindi alam ni daddy.”Mas lalong bumaon ang mukha ni Beth sa dibdib ng dad niya.Matagal niya itong hiniling na marinig mula sa isang ama. Matagal niyang pinangarap ito.“D-Daaaad…”Halos manginig ang labi niya nang banggitin niya ulit ang salitang daddy.Nang hawakan ni Manzo ang dalawang pisngi niya, ngumiti siya dito.Halos umabot sa kaniyang mata.“Kamukhang kamukha mo ang mama mo…”Nakagat ni Beth ang labi niya…“And I’m sorry that it took me so long para makita ka.”“Ikaw po ba ang totoong daddy ko? Hindi po ba ito panaginip lang?” natatakot na tanong niya.Tumango si Manzo, umiiyak.“I am your father. Your real dad at wal
“Tabi nga!” Sabi ni Nice at binangga pa niya ang balikat ni Bernardo.Nanlaki ang mata ni Bernardo. No’ng una, napapalagpas pa niya na natataasan siya nito ng boses pero ngayon, sobrang pambabastos ang natanggap niya kay Nice.“WALANGHIYA KA!” Hinablot niya braso ni Nice at sinampal.“BERNARDO!” Sigaw ni Merna at dinaluhan ang anak.“Wala kang utang na loob ah!”“Bernardo, hindi… Hindi sinasadya ni Nice ito. Patawad! Patawad!”“Pagsabihan mo yang anak mo Merna. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila niya ngayon.”Umiyak si Nice at yumakap sa mama niya. Ngayon lang siya napagbuhatan ng kamay ng ama niya.Umalis si Bernardo para makahinga. Hindi na niya maintindihan ang sarili niya, ilang araw na.Kung saan wala na si Beth sa bahay niya, saka pa niya ito naalala. Kanina, hindi niya sinasadya na banggitin ito sa harapan ni Nice.Dapat matuwa na siya kasi wala na yung bunga ng pagtataksil ng asawa niya sa kaniya niya pero heto at pakiramdam niya may kulang sa bahay niya, may kulang sa buh
No’ng may nangyari kay Joliever at Leah, agad na umalis si Leah ng hotel kung saan sila nagsiping dalawa.Kapwa sila lasing ni Joliever, ni hindi niya alam ano ng mga pinaggagagawa niya.No’ng magising siya, agad siyang umalis na hindi man lang tinignan kung sino yung lalaki sa kama na katabi niya natulog. Clearly, that was a one night stand.Kilala niya si Joliever dahil isa itong Floreza. At nakikita rin niya ito minsan sa labas ng trabaho niya dahil nobyo ito ng ma’am Beth niya.Habang kapwa nila pinagsaluhan ang init ng gabing iyon, wala sa sarili si Leah at nagpadala lang sa sarap na tinatamasa nila. Wala sa isipan niya na si Joliever e may nobya.Noong magising siya, umalis siya kaagad. Nakalimutan rin niya ang ibang detalye no’ng gabing yun. Basta ang alam lang niya, she had sex with someone she met in the bar.Hanggang sa nagkaroon ng issue si Beth, nahulihan itong may kasama sa isang hotel room at yun ang husband niya ngayon na si Lucio Floreza.Nang magsimula ng maging malapi