Chocolate
Pagkagising ko ay agad akong naligo at nag handa. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba at pumunta sa kusina para kunin ang chocolate na nasa ref.
Binuksan ko ang ref at hinanap ang chocolate na pinatago ni Tey sa akin. Ngunit wala, tinignan ko na bawat sulok ng loob ng ref wala pa rin.
Habang naghahanap ako sakto naman na dumating sila kuya.
"Kuya Zid, nakita mo po ba 'yung chocolate dito?" Lumingon ito sa akin.
"Oo, kinain na namin ni Vid" Gulat naman ako tumingin sa kanya, 'yung as in na lumalaki ang mata at yung bibig ko ay bahagya nang nakabukas.
"Ano?! Bakit niyo kinain?!" Sigaw ko sa kanila.
Nagulat naman sila sa sigaw ko. "Oh bakit? Hindi mo naman mauubos iyon kaya kinain na namin" Pagdadahilan ni kuya Vid.
"Tapos kayo umubos?! Nako naman! Hindi sa akin yon!"
Bakit kasi may mga patay gutom ako na kapatid?! Paano ko sasabihin ito kay Tey? Jusko! Nakakahiya.
Bigla naman dumating si Mommy na nakasalubong ang kilay at mukhang yamot na yamot. "Ano bang ingay yan. Bakit ka sumisigaw Aleandra Kaye?!"
"Mommy, sila kuya kasi! Kinain 'yung chocolate na inuwi ko kahapon!" Pagrereklamo ko.
"Bakit? Saan na galing 'yan chocolate ma iyan at galit na galit ka na kinain ng mga kuya mo yon?" Taas kilay niyang tanong. "Sa boyfriend mo? May boyfriend ka na?"
"Luh? Anong boyfriend? Wala ako non!"
"Siguraduhin mo lang Aleandra Kaye, kakalbuhin ka talaga sa akin"
Napasimangot ako sa sinabi ni Mommy. "Wala akong boyfriend, galing yon sa kaklase kong babae. Pinatago sa akin 'yung chocolate"
"Sabihin mo na lang na kinain ng mga kuya mo na mahilig sa chocolate. Sabihin mo bibili ka na lang ng bago" Sabi ni mommy na ikinatango nila Kuya, inirapan ko sila samantala si Mommy naman ay lumabas na ng kusina.
"Aish! Hindi muna kasi nagtanong bago kainin!" Inis na sabi ko sa kanila.
Tumawa naman silang dalawa. "Ok lang yan, bahala ka na sa dahilan mo" Sabi nila sabay alis.
"Argh!"
Sumakay na ako sa kotse, sila kuya ay prenteng nakaupo sa mga inuupuan nila at nakangising nakatingin sa akin. Inirapan ko silang dalawa dalawa at pumunta na sa aking upuan.
Pagkarating ko ng school ay wala pa ang mga kaibigan ko, nahuli na naman. Palagi ako ang nauunang pumasok sa aming magkakaibigan tapos ang palaging huli ay si Fatima.
Habang naghihintay ako biglang lumapit si Jethro sa akin. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Ano na naman? Hihingi ka na naman ba ng lima?" Pagtataray ko sa kanya.
Humawak naman siya sa kanyang dibdib na akala mo ay nasaktan sa aking sinabi sa kanya. "Grabe ka sa akin ah! Parang pinapamukha mo sa akin na wala akong pera"
"Wala naman talaga!" Singhal ko sa kanya. "Tsk, umalis ka na nga dito! Wala akong pera ngayon"
"Hindi naman pera hihingin ko eh!" Inis na sabi niya.
"O sige, ano hihingin mo?"
"Hehe may assignment ka?"
Natawa ako ng sarkastiko. "Kung mangongopya ka sa akin, ang masasabi ko lang ay HINDI" Diniin ko ang salitang 'hindi' para talaga madama niya ang hindi ko pag payag sa balak niya sa buhay.
"Dali na Kaye! Mabait ka naman e'." Tinignan ko siya na nangdidiri dahil sa ginawa niyang pag papacute.
"Yuck! Ew! Kadiri! Wag ka ngang magpacute diyan. Mukha kang aso na kinulang sa purga at dog food!"
Hinampas niya ako sa aking braso. "Napakasama mo talagang babae ka. Mangongopya lang naman"
"Tse! Bawal mangopya!"
"Dali na! Kapag pinakopya mo ako, hindi na ako mangbuburaot sayo" Pang uuto niya pa sa akin.
"Scam."
"Dali na Kaye! Parang hindi kaibigan 'no?" Kinamot ko ang ulo ko at kinuha ang aking notebook sa aking bag.
Binigay ko sa kanya 'yung notebook. "Ayan! Letse ka, kapag iyan nadumihan papakainin talaga kita ng damo!"
Tuwang tuwa naman siyang tumingin sa akin. Niyakap niya ako. "The best ka talaga! Salamat!" Sabi niya sabay takbo paalis.
'Lintek na lalaking 'yon'
Nanahimik lang ako dito sa aking upuan. Kinuha ko ang aking cellphone para kahit papaano malibang ako. Ang tagal nila Ianne, kanina pa ang mga iyon.
Habang nagcecellphone ako biglang may humatak nito. Tinignan ko ang kumuha, si Meichell lang pala.
"You know siguro na, Cellphones are not allowed here 'di ba?" Conyo niyang sabi.
Kinuha ko ang aking Cellphone sa kanyang kamay. "Tsk, alam ko"
Umupo siya sa kanyang upuan at inayos ang kanyang bag. "Then, why are you using your phone? Are you not scared na mahuli ka ng teacher?".
"Hindi pa naman nagsisimula ang klase, pati nasa baba lahat ng teacher 'no"
Bumuntong hininga na lamang siya at kinuha ang kanyang notebook at nag susulat doon. Tinignan ko ang kanyang sinusulat at nakita ko na sinasagutan niya ang assignment namin na binigay kahapon.
"Ngayon mo pa lang gagawin?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, yes. I forgot kasi, nanood ako ng movie last night" Napatango na lamang ako at inabala ang aking sarili sa paglalaro ng Call of duty sa cellphone.
Bigla naman dumating si Jethro na hawak ang aking notebook. "Oh ayan na, malinis yan! Walang gusot" Pinakita niya pa sa akin ang bupng notebook ko para lang mapakita na walang kung ano ang notebook ko.
"Good" Simpleng sagot ko at pinagpatuloy ang paglalaro.
Sinilip niya ang nilalaro ko at tumingin sa akin. "Naglalaro ka pala ng COD?" Tumango lang ako. "Mamayang gabi laro tayo!"
"Sige" Simple ulit na sabi ko.
"Sabi mo yan ah!" Tumango lang ulit ako. Siya nama ay bumalik na sa upuan niya.
Natapos ang paglaro ko at dumating naman si Tey. Lumapit ako sa kanya.
"Tey" Lumingon ito sa akin.
"Hmm?"
"Yung chocolate mo kasi.." Kinakabahang sabi ko.
"Ano?"
"Kinain nila kuya" Mahinang sabi ko. "Pero don't worry, bibili na lang ulit ako ng bago para mapalitan" Aligaga kong sabi.
Tumawa naman siya. "Huwag na, ok na yon. Hindi naman ako mahilig sa chocolate" Nilagay niya pa ang kanyang kamay sa aking braso.
"Talaga? Ok lang?"
"Oo nga" Sabi niya at ipinagpatuloy ang kanyang pag aayos sa kanyang gamit.
'Jusko, buti naman kung ganon'
Friend-Zone“Hoy mga gaga!” Pagtawag ko sa kanila.Lumingon naman sa akin si Meichell. “What?”.“Punta tayo mamaya sa 7-Eleven?” Pag-aaya ko sa kanila. Binatukan naman ako ni Faith.“Lakas mo mang-aya tapos hindi ka naman papayagan? Kami ba pinagloloko mo?” Inis na sabi niya.Inakbayan ko siya at ipinakita ang laman ng aking wallet. “Nakikita mo ‘yan?” Tinignan niya ang laman ng wallet ko. “Binigyan ako ni mommy ng 200, nagpaalam na rin ako kanina. Kaya no worries mga pashnea, pinayagan na ako”“Sige, sige. Sama ako” Sagot ni Ianne.Tumingin naman ako sa iba a
Nandito ako ngayon sa bahay at nag cecellphone. Wala ako makausap dito sa bahay dahil lahat sila ay mga busy. "Kaye! Maghugas ka nga dito!" Biglang sigaw ni mommy mula sa baba. "Wait lang! Eto na baba na!" Pagsigaw ko rin. Chinarge ko muna ang aking cellphone bago bumaba at maghugas. Habang naghuhugas ako bigla naman bumaba sila kuya, tumingin ako kay mommy. "Mommy, bakit sila kuya hindi mo inutusan mag hugas? Palagi na lang ako ang naghuhugas" Reklamo ko kay mommy. Tumingin sa akin si mommy at tinaasan ako ng kilay. "Naghugas kagabi ang kuya Vid mo at kanina naman ang kuya Zid mo. Anong hindi naghuhugas? Ikaw, tigilan mo kakasabi ng mga ganyan, lahat kayo dito pantay-pantay kahit lalaki o babae uutusan ko pa
Masaya ang nagdaang araw. Ang dalawa ay komportabe pa namang nag-uusap, sila Mavy at Nicole naman ay going strong pa rin. Masaya naman kami, lahat kami ay nag tuturingan na akala mo pasyente sa mental. Palaging may mga kalokohan na nasa isip, lalo na si Jethro na ang lakas ng trip sa buhay. Sa sobrang lakas ay hindi na namin siya masabayan sa kalokohan niya, tapos magrereklamo na ang panget namin kabonding. Parang tanga lang hindi ba?. "Hoy, Kaye" Biglang tawag sa akin ni Jethro. "Samahan mo ako, bibili ako tubig. Libre kita" P.E time kasi namin ngayon, ang mga boys ay basketball habang ang mga girl naman ay volleyball. "Ikaw manlilibre? Bago 'yan ah" Hindi makapaniwala na sabi ko. "Parang naman ngayon lang kita nilibre" "Ngayon lang naman talaga" Asik ko sa kanya. "So ano 'yung milktea at fries na binili ko sa'y
"Argh! Bakit ba ang hirap ng english?!" Yamot na sabi ko. Sinabunutan ko ang aking buhok bago basahin ulit ang aking reviewer. Wala akong ma gets. Walang pumapasok sa utak ko. Bakit kasi napakahirap ng English?. Mag-aaral lang naman ako, bakit kaailangan mag hirap!. Naiiyak na ako, argh! Mag eexam na kami! Nareview ko na lahat ng lesson namin maliban dito sa english na kanina ko pa binabasa pero wala ako ma gets kahit isa. Na gets ko naman ang iba, bakit pag dating sa english nabobobo ako?. "Kaye, kakain na" Napalingon ako sa aking likod at nakita si kuya Vidd na nakasilip sa aking pintuan. Lanta akong tumayo. Taka naman siyang tumingin sa akin. "Anong nangyari sayo? P
Araw na ng Exam namin at lahat kami ay kabadong nakaupo sa aming mga upuan. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahin kung alam mo sa sarili mo na wala kang na gets sa nireview mo 'di ba?. At isa pa, gusto kong makapasok sa honor para kahit papaano may ambag naman ako sa mundo. Pero mukhang malabo. "Hoy" Biglang tawag sa akin ni Jethro. "Pakopya ako mamaya ah. Baka kasi may tanong na hindi ko alam hehe." Inalis ko ang kamay niya na nakapatong sa aking balikat. "Gaga ka ba?. Paano kapag nahuli tayo? Kasalanan ko pa?. Ikaw ah, manahimik ka sa isang lugar. Huwag kang mandemonyo, sapakin kita d'yan eh." "Napaka damot mo talaga kahit kailan, Kaye. Hindi k
Kaye:Galit yarn?.Jethro:Hindi, saya ko nga e'.Ianne:Ingay niyo.Nandito ba si Nica?.Kaye:Nandito kanina, nag out ata saglit.Ianne:Alisin nyo na 'yan dito.Kaye:Ha?Gago, bakit aalisin?.Ianne:Hindi natin kailangan ng plastic dito.
Pumasok na ako sa school at naabutan ko silasa room at mga nakaupo. Lumapit ako kina Ianne na nakaupo."Morning" Bati ko.Lumingon sila sa akin. "Morning".Inayos ko ang pagkalagay ng bag ko sa aking upuan."Hoy, nakita ko ig story mo. Ikaw ahh, hindi ka man lang nag-aaya" Singhal sa akin ni Nica."Oo nga! May pa KFC ka pa, pati wow ah. Talagang si Jethro lang niyaya mo." Pagtatampo kunwari ni Ianne."Mga gaga, siya nag aya non. Biglaan eh, pati nagugutom na ako non." Sabi ko."Ashuuu, edi wow. Nakita ko din yung ig story ni Jethro eh. Sweet niya ah, bagay kayo." Pinagtaasan ko ng kilay si Tey.
"Mommy, ok na po ba?" Pag tanong ko kay Mommy. "Wait lang, ayusin ko lang 'tong damit ko." Pagkarinig ko ng kanyang sinabi ay bumaba na ako at umupo sa sofa. Sila Kuya ay nandito din, mga ka chat ang mga girlfriend nila. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinignan ang nag message. From: Unggoy. Hoy, nasaan ka na?. To: Unggoy. Nandito pa ako sa bahay, wait lang. Hinihintay ko pa si Mommy. From: Unggoy. Ge, hintayin ka na lang namin dito. Nakita na namin yung nga list of honors, hindi ka kasali.
"Hoy, huwag kayong maingay ah. Huwag niyong sabiin kay Kuya na naguidance kayo kung hindi fo na tayo." Pagbabanta ko sa kanila. Agad naman silang natawa sa sinabi ko."Kaye, masyado kang kabado hahaha" Natatawang sabi sa akin ni Jansy.Nilapitan ko siya at piningot. "Gaga, ka pala eh. Ikaw kaya don kina Kuya? Nang malaman mo kung gaano sila ka pangey kabonding""Oo na! Bitaw na! Masakit" Binitawan mo ang kanyang tainga."Ok lang yan, Kaye. Wala naman magsusumbong haha-" Hindi natuloy ni Nica ang sasabihin ng biglang dumating sila Kuya. Halatang narinig ang sinabi ni Nica."Bakit magsusumbong? Ano ang ginawa ni Kaye?" Seryosong sabi ni Kuya Zidd.Tinikom ko ang bibig ko at tumingin sa baba."Kaye."Napaigtad ako ng bahagya nang bila akong tawagin ni Kuya. Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa kanya.
"Hala, gago?. Magkahiwalay na tayo?" Gulat na sambit ko."Nagtaka ka pa, kita mong honor kayo. Malamang, mapupunta talaga kayo sa Section A." Sagot sa akin ni Fatima."Hala, edi how yun? We can't talk together na?" Malungkot na sabi ni Michelle kaya nakatanggap siya ng hampas kay Nica."Gaga, makakapag usap pa naman tayo ah. May breaktime, pati pwede naman kahit pumunta kayo sa room namin, tambay kayo doon."Napaisip naman kami. "Sabagay, pwede din naman. Kayo talaga, wala kayong mga isip" Paninisi ko.Napatingin ako kay Jethro na tahimik na naman. Salubong ang mga kilay at ang mga braso ay naka krus sa kanyang dibdib.Lumapit ako sa kanya at kinuhit siya. "Anong nangyari sayo? Bakit parang bad mood ka ata ngayon?.""Tsk, huwag mo akong kausapin" Masungit na sabi niya.Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Dumilat ako at binuksan ang lamp shade ko.Pinatay ko ang aking alarm at tumingin sa kisame.'Ayoko na agad mag-aral.'Napabuntong hininga na lamang ako. Tumayo ako at tumingin sa salamin. Inayos ko ang gulo gulo kong buhok at pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko.7:30 palang naman, 9:30 ang pasok namin kaya matagal pa. Nag scroll muna ako sa instagram, biglang nag pop ang message ni Jethro kaya tinignan ko ito.@J.Ashier: Aga magising ah, ano nakain mo?.@Aleanduhh: Pake mo? Ikaw nga din ang aga magising.
~~~~~Necklaces with an anchor sign symbolise strength, security, stability. It’s your way of telling her that she’s the anchor that holds your life in place. Besides, an intricate anchor necklace looks chic and goes well with any kind of ensemble, be it western or traditional. If the occasion is extremely special, you can purchase a premium touch to these necklaces with special meaning by getting studded with diamonds or made in exotic metals like platinum. It’s the perfect way to say ‘I love you’ without saying anything at all. ------- That's all thank you and keep safe everyone!.
Maaga akong nagising ngayon dahil sa sobrang excitement. Alam niyo ba kung ano meron ngayon? Syempre hindi, duh.It's my birthdayyyy!!Ang tagal kong hinintay 'to kaya hindi pwedeng maganda ako ngayong araw.Nagpicture ako kagabi kaya may pang palit ako ng profile, maganda ako dito, huwag kayo. Ang bongga pa ng aking caption, 'today is the day that I was born without my permission'.'Panis!'Tinignan ko ang messages ko, at nakita kong ang daming mga bumati sa akin.From Ianne:Hoy, happy birthday! Makikikain lang ako mamaya. Sorry, broke ako ngayon.
"Mag-ingat kayo, iha ah?. Pati pagpasensyahan niyo na itong si Kaye. Nasanay kasi na nasa kanya abg atensyon ng mga kuya niya kaya ganyan" Napairap ako sa sinabi ni mommy."Ok lang po iyon tita. Naiintindihan naman po namin siya" Sipsip na sabi ni Rizza. "Sige po, mauna na po kami. Baka gabihin pa po kami"Nagpaalam sila sa isa't isa. Habang ako ay nauna nang pumasok sa bahay at pumunta sa taas. Mahaba ang naging biyahe namin kaya nakarating kami dito na palubog na ang araw.Pumunta ako sa banyo at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay agad kong kinuha ang aking cellphone.Tinawagan ko si Jethro na agad naman niyang sinagot."Yoo, good evening" Pagbubungad niya."Evening""Oh? Ok ka lang? Baka pagod ka, matulog ka muna" Alalang sabi niya. Natawa naman ako sa kanya."Huwag kang ganyan, hindi bagay sayo." Tawa kong sabi. "Mamaya na ako matutulog, hindi naman ako masyadong antok at pagod. Natulog lang ak
"Bakit kasama mga girlfriend niyo, kuya?" Reklamo kong saad sa kanilang dalawa.Umagang-umaga malalaman ko na kasama pala ang girlfriend ni kuya Vid at Zid."Kaye, umayos ka ah. Ate mo parin yon" Striktong saway sa akin ni Kuya Zidd.Paano ba naman kasi ako hindi mayayamot kung ang girlfriend nila ay puno ng make up sa mukha?. Okay naman ang mag make-up pero grabe na yung dalawa eh, halos maging clown na."Tsk, ayaw ko sa kanila. Bakit hindi na lang kasi kayo makipag break don?""Hindi porke ayaw mo, pati kami aayawan na din. Puso namin to Kaye, hindi sayo. Doon kami dinala ng puso namin, kaya sinundan na lang." Mahinahon naman na sabi ni Kuya Vidd."Puso, puso daming alam. Minsan
"Bakasyon na nga pero tayo naman pinaglinis ng Room, pisteng yan" Pagrereklamo ko."Malamng tayo talaga, sila ba gumamit ng Room?" Sabat naman sa akin ni Ianne. Ngumuso lang ako at tinuloy ang pagwawalis."Punyeta, nasan na ba ang mga boys at hanggang ngayon wala pa?" Inis na sigaw ni Nica."Hinanap mo pa e' alam mo naman na isa pang mga tamad 'yung mga lalaki na 'yon" Sagot sa kanya ni Tey.Nilagay ko lahat ng upuan sa gild at ipinagpatuloy ang pagwawalis.Pinagpatuloy namin ang pag lilinis nang biglang bumukas ng malakas ang pinto.'Bwiset na unggoy na 'to. Palagi na lang sinisipa ang pintuan'Tinuro ko siya. "Palagi mo na lang sinis
Hello, good day! I'm your author charmynx. Just wanna tell you guys that I'm not the type of author na mag update everyday. I'm busy din kasi. Madaming mga bagay akong dapat asikasuhin, lalo na ngayon na simula na ng online classes, kaya sana maintindihan ninyo. Pero don't you worry, every monday, 7:00 pm po ako mag uupdate. I'll try my best para makapag update ng maayos, mag post na lang siguro ako sa f* kung hindi ako makakapag update. Ayun lang, Thank youuuuu! Be safe always!</33 If you have some concern 'bout me or my story, fell free to dm me: F*: Charmynx WP I***a: Charmynx_wp Twttr: charmynxwp