Win/Ice POVpresent...Nakarinig ako ng nag-uusap sa labas alam kong babalik pa si Ging sa bahay dahil nandito pa ang anak namin. Kahit matagal na kami hindi nagkita hindi siya nagbago kung hindi niya ako iniwan noon at sinabi niya na nagkaroon kami ng anak hindi ko mababaling noon kay Light ang atensyon ko.Gusto ko na magka-linawan kaming dalawa kaso, alam kong iiwasan naman niya ako. Uminom lang ako ng uminom hanggang sa matanaw ko ang dalawang pigura ng tao.Si kuya at si Ging....Tinaas ko ang basong hawak ko na may laman na alak nakatingin sila sa akin."Nasa kwarto ko ang anak natin umuwi ka na sa inyo sa akin muna siya kahit dalawang araw pumayag sila, tita," sambit ko bigla nang matigilan silang dalawa ni kuya Jirah nang maabutan nila ako na gising pa."Wala siyang kasama na bumalik dito kundi ako lang, bro kaya dito na lang siya muna saka, gabi na." tugon ni kuya sa akin sumagot siya kaagad."Tatawagan ko lang si Papa para sunduin ako dito ayoko kayo abalahin kayo gusto ko l
Mula ng mag-hiwalay kami wala na akong balita sa kanya bumalik ako sa dati kong ginagawa kasama ang mga kaibigan ko."Win, umalis na si Light sa school nag-pokus na siya as singer sabi ng mga estudyante napag-tanungan ko at kina Dino nagtanong din ako." sambit ni Mat hindi ko siya pinapansin dahil gumagawa ako ng project namin."Win?" narinig kong tawag ni Cute sa akin nag-kunwari akong walang narinig."Ano? Sorry, tinatapos ko lang ang project na binigay sa atin ni professor, wala pa kayong ginagawa hindi ko kayo tutulungan." aniko sa mga kaibigan ko at umiwas na kaagad ako ng tingin sa kanila."Wala ka na bang pakialam sa kanya at sa damdamin niya sa'yo?" tanong ni Thana sa akin dahilan para mabaling ang tingin ko."Sa palagay mo, Thana hindi ko masusuklian ang pag-ibig na binigay niya sa akin alam mo kung bakit at hindi ako papatol sa katulad ko." sambit ko may kirot akong naramdaman nang banggitin ko 'yon."Huwag kang magsalita na parang hindi mangyayari ang huling sinabi mo ngayo
Bernard/Light POVpresent...Mag-kausap pa rin sina Dino at Gun iniwan ko sila bigla at tumalikod.Napalingon naman ako nang may lumapit sa tabi ko at kinalabit ako kumunot ang noo ko nang makita si Frey ang anak ni Win kay Ging lalayo sana ako nang magsalita ito."Tito Light, alam mo mas nakaka-inggit ka dahil ikaw ang kasama ni Papa noon habang kami ni Mama malayo sa kanya noong panahon nag-aaral pa kayo." sambit nito sa akin nagtaka naman ako sa sinabi niya.Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya at para akong namalik-mata dahil kamukhang-kamukha niya ang Papa niya babaeng version ni Win."Bakit mo naman nasabi 'yan?" tanong ko na lang parang wala akong pakialam sa kanya."Dahil kahit buhay na ako nung panahon na 'yon wala naman akong nakalakihang ama si Mama lang, tito ang sabi ni Mama nangako silang dalawa ni Papa na kapag nakapagtapos sila ng college magpapakasal sila kaso hindi nangyari dahil sa pag-hihiwalay ni tita Pam at tito Jirah, natakot na rin daw si Mama na magpakita kay
Kumanta ako sa gig sa isang bar dama ko ang sakit na pag-hihiwalay namin ni Win as fake couple na para sa akin totoo dahil mahal ko naman talaga si Win."Oooohhh!!!!" narinig kong sigaw ng mga costumer sa loob ng bar nang matapos ako kumanta."Gago ka! Pati sakit na nararamdaman mo dinala mo dito sa gig?" pagbibiro ni Dino sa akin kumakanta ng solo ang iba naming member sa banda."Hayaan mo na, Dino sakto kasi sa kanta ang nararamdaman niya ngayon." sambit ni Gun kinuha ko naman ang baso nang alak sa harapan ko.Nasa trabaho ang dalawa ko pang kaibigan kaya hindi namin kasama tinaas ko ang basong hawak ko bago tinungga."Anong balak mo ngayon, Light balita ko kalat na ang relasyon nyo sa school ah? Forbidden kaya ang relasyon nyo." sambit ni Eumi sa tabi ko hindi naman ako nagsalita.Tumungga na lang ako at ngumisi sa kanila alam nila kung sino ako at hindi nagbago ang trato nila sa akin."Oo nga, lumipat ka nang school pwede mo naman siya bantayan mula sa'yo eh." wika ni Nina katabi n
Win/Ice POVHindi ako makapaniwala nang sabihin sa amin na umalis na sa school si Light nang dahil sa kumakalat tungkol sa aming dalawa alam kong pinag-babawal ang fake relationship namin."Malaya ka na talaga, Win hindi ka na guguluhin pa ni Light dahil nag-resign na siya." wika ni Cute sa tabi ko sumang-yon naman sina Drake, Thana, at Mat sa sinabi nito."Hindi na kayo guguluhin pa ni Helga na sobrang obsessed kay Light," wika ni Drake sinabi namin sa kanya ang totoo nagtampo pa sa akin dahil, bakit siya ang walang alam sa totoong meron sa amin ni Light."Speaking..." nasambit ni Mat nang may tinignan sa gilid namin at tumingin ang mga kaibigan namin hindi ako tumingin."Ano pa ang ginagawa mo dito, Helga? Pwede mo na agawin ulit si Light wala na silang dalawa—" putol ni Drake nang sumabat ako nabaling ang tingin ko sa bagong dating."Mahal mo ba talaga si Bernard, Win?" tanong ni Helga sa akin hindi ako sumagot dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Light."Wala na ka
Nang makarating kami ni kuya sa bar na sinasabi niya hindi pa namin nakikita ang mga kaibigan ko nasa loob lang kami ng van kumunot ang noo ko nang matanaw ko ang banda ni Light na magkakasama na papasok sa loob ng bar."Anong bar 'to, kuya?" tanong ko bigla sa kuya ko nang balingan ko ng tingin ang kapatid ko."Exclusive sa mga artista ang bar na ito, bro at sa mga mayayaman katulad ng politiko, anak ng mga mayayaman, bakit?" tanong naman sa akin ni kuya nang tignan niya ako."May nakita akong banda na nag-extra income sa school namin kapag may foundation day kaya natanong ko, kuya." sambit ko kay kuya at nakatanggap ako ng text mula kay Thana.Text messageThana: Nandito na kami sa gilid ng entrance bawal daw kami pumasok sa loob."Nandyan na sila daw, kuya." banggit ko at pinakita ang text message ng kaibigan ko at nauna nang bumaba si kuya Jirah sumunod na lang ako sa kanya.Hindi man lang pinag-kaguluhan si kuya Jirah kahit sikat siya. Tinawag ko ang mga kaibigan ko nang matanaw
Nang mapansin namin ni kuya nalasing na ang mga kaibigan ko dahil nakatulog na sa mesa, nakasandal sa upuan at sa amin nabaling ang tingin ko sa kumakanta na banda."Win," tawag ni kuya sa akin dahilan para mapatingin ako hindi pa rin ako titigilan nito tungkol sa binanggit ni Thana sa kanya."Bakit, kuya?" tanong ko naman at inayos ang ulo ni Drake sa balikat ko."Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Thana, posible bang magka-gusto sa katulad natin?" tanong ni kuya sa akin tumitig naman ito sa mukha ko."I'm not gay, or anuman ang tawag sa mga ganitong uri sa LGBTQ+ pero, bukas ang kaisipan ko sa mga bagay na meron sa kanilang relasyon hindi ako mag-deny o umaamin na bahagi ako sa kanila o hindi kundi, hindi ko alam ang tamang sagot, kuya dahil hindi ko pa nararanasang umibig sa kapwa ko." pag-amin ko namam sa kuya ko tumatango sa akin si kuya at kilala niya ako hindi ako nagsisinungaling sa kanya palagi."Oo naman, kilala kita at nakikita ko sa'yo na kahit anong gender pwede kang m
Inirapan na lang ako ng mga kaibigan ko sa ginawa ko at nakinig na kami sa professor namin. Nang matapos kami sa unang subject nag-ingay na ang mga kaklase namin tahimik lang ako na nag-iisip bago ako tumayo hindi ko pinansin ang dalawang kaibigan ko na tinatawag ako.Pumunta ako sa may puno na dati naming tambayan at umupo ako at sumandal na lang ako sa may puno. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko dahil sa nalaman ko kay Ging at sa tunay kong nararamdaman kay Light."Okay ka lang, Win?" bungad ni Thana nang marinig ko ang boses niya napangiti na lang ako nang pilit."Okay lang ako," pagkakaila ko sa kanya at umusog lang ako nang bahagya sa pwesto ko.Tinabihan niya ako at nakatingin lang siya sa akin."Kung hindi kita kilala nang lubos sasabihin ko lang na, hindi ka halatang okay o okay? Ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" tanong niya sa akin huminga na lang ako nang malalim."Trabaho ang iniisip ko, kung saan ako maganda mag-apply o mag-bar exam muna ako." pagsisinungaling ko n
Nagpunta ako sa dating tagpuan namin noon para magpa-hangin kaso nagtago ako ng may tao ako nakita bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang likuran ng taong nakatayo sa dalampasigan. Sumilip ako at nakita ko pa rin nakatayo si Win sumandal na lang ako sa may puno ng buko at nakatingin sa taong sobra kong mahal.Ayokong lumapit dahil baka guni-guni ko lang ang nakikita ko at hindi siya.Lalo na baka, siya nga pero...Iwasan naman niya ako huminga na lang ako ng malalim. Nalaman ko sa kapatid ko na hindi nagka-balikan sina Ging at Win dahil hindi ito gusto ng dalawang panig naging civil ang relasyon nila para sa kanilang anak na si Frey na ngayon graduation na sa high school.Nagtago ako ng lumingon siya ayoko magpakita sa kanya natatakot ako.Tama ang kapatid ko, kung kami talaga ang tinadhana nag-tatagpo ulit kami sa tamang panahon. Nang sumilip ako wala na siya kaya tumakbo ako para siguraduhin na hindi lang guni-guni ang nakita ko nakita ko ang footprints.And I miss youLike
Bernard/Light POVMula ng makipag-hiwalay ako kay Win nawalan ako ng gana magturo sa mga estudyante ko. Nag-leave of absence ako sa school at ang ginawa ko kumanta lang sa gig ng banda ko tuwing gabi."Kuya, hindi ka ba babalik sa pagtuturo?" bungad ng kapatid ko ng umaga na ako nakauwi sa bagong condo ko.Lumipat ako ng tirahan mula ng mag-hiwalay kaming dalawa dahil sa tuwing uuwi ako doon naalala ko ang masasayang alaala na meron ang condo na kasama si Win. "No, bro pagod na ako sa pagtuturo mag-reresign na ako sa susunod na linggo ayoko ma-stress at madamay ang pagtuturo ko." sambit ko sa kapatid ko ng umupo ako sa sofa inalis ko ang suot kong sapatos at medyas bago ko hinubad ang shirt ko may suot pa naman akong sando sa loob.Marami nabago sa akin mula ng magsama kami ni Win kaya nakasanayan ko nang gawin. Tumayo ako para buksan ang electric fan nasa harapan ng kapatid na umusog ng bahagya."Sigurado ka sa desisyon mo, kuya?" pagtatanong ng kapatid ko nakita ko ang pagka-gulat
Nang mag-hiwalay kaming dalawa ni Light para ako naputulan ng kalahating katawan madaling matanggap na wala naman mararating ang relasyon namin if one of us is in love with someone else, there is nothing, the reason for our separation is about my daughter and his insecurity in himself that I might leave him because of my daughter and ex-girlfriend.I can't blame him for the fear he feels in his heart and identity."Ahhh!!!" sigaw ko na lang sa loob ng condominium na nirentahan ko pagkatapos ko makuha sa kaibigan ko ang gamit ko umalis kaagad ako sa hotel kung saan ako natulog ng ilang araw.Nag-resign ako sa ULF ng sabihan ako ni tito Edwin na magiging regular employee na ako sa kanilang kumpanya tumanggi ako sa promotion dahil, para ko nang pinakita sa kanila na hawak nila ako sa leeg at hindi ko na magagawa ang gusto ko.Nagulat ang mga kapwa ko abogado sa naging desisyon kong umalis sa kumpanya at hindi na manatili. Kahit alam kong may anak ako kay Ging hindi ko naman gusto na may
Bago mag-graduation nakipag-kita ako kay Light wala akong kasama kundi ako lang mag-isa. Naghihintay ako sa isang park na malapit sa school namin maraming dumadaang estudyante first year at second year college nag-text ako sa kanya. Umiinom ako ng milk tea na binili ko nauuhaw na kinakabahan ako ngayon.Wala dapat akong sabihin sa kanya tungkol sa nakaraan ko at kung magtatanong si Light sasabihin ko naman. Nakaupo ako sa swing at inuugoy ko lang ng mahina nakarinig ako ng yabag sa likuran ko. Hindi ako lumilingon dahil sa kinakabahan ako ng matindi."Akala ko, hindi ka pupunta dito kahit ikaw ang nag-aya makipagkita." narinig kong sambit ng taong hinihintay kong dumating.Uminom lang ako ng milk tea at hindi ako sumagot naiilang ako sa nararamdaman ko ngayon."Pinapunta mo ako dito pero wala ka naman sasabihin? Ako kasi, meron." aniya huminga na lang ako ng malalim.Nag-kwento na siya tungkol sa buhay niya nakikinig lang ako sa kini-kwento niya. Nang maubos ko ang milk tea tumayo ako
Win/Ice POVMakalipas ng ilang buwan, naghahanda na kami ng mga kaibigan ko sa graduation namin. Nagkaroon ng relasyon si Drake sa kapatid ni Light na si Francis hindi kami makapaniwala noong una dahil wala sa itsura at kilos nila na may namamagitan sa kanilang dalawa. Wala na akong balita kay Light kahit madalas kasama namin ang kapatid nito."Nakabili ka na ng damit para sa granduation ball?" tanong ni Cute sa akin nabaling ang tingin namin sa kanya."Ay, shit wala pa akong maisusuot..." wika ni Mat nabatukan tuloy siya ng pinsan niya.Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Mat sa nakalipas na buwan maraming nagbago naging busy ako sa school works. Hindi ako makapaniwala nang magkita kami ni Eumi sa mall accidentally sinabi niya sa akin na nabuwag ang bandang Winner Band mula ng humiwalay sa kanila si Light."Win, may maisusuot ka na ba sa grad ball?" tanong ni Mat sa akin nang balingan niya ako."Oo, meron na." sambit ko na lang sa kaibigan ko.Nasa canteen kaming lahat para mag-l
Nagpunta kami sa may claw machine doon namin nakita si Mike na kasama ang girlfriend nito. Nilapitan ni Chana ang kaibigan namin at nagpunta naman ang kapatid ko sa isa sa claw crane o claw machine sinundan ko na lang nang tingin ang kapatid at machine na kumuha ng atensyon ko.Lumapit ako at may nakita akong stuff toy na may pagkaka-hawig kay Win may barya ako at nag-hulog ako sinubukan kong makakuha nang isa napasimangot na lang ako dahil palaging sablay."Heartbroken kaya hindi mo 'yan makukuha," bungad ni Mike sa tabi ko inirapan ko na lang ang kaibigan ko at nag-hulog ako ng isa pang barya.Naka-ilang hulog ako at hindi pa rin ako nakaka-kuha ng isa."Sign na 'yan na tumigil ka na sa pag-habol sa kanya," sambit ni Chana at sumang-ayon ang kapatid ko sa sinabi nang kaibigan ko hindi nagsalita ang mga kasama namin na lumapit na sa amin.Huminga na lang ako nang wala ako nakuhang stuff toys at umalis na kami sa harap ng claw machine. Nabaling naman ang tingin ko sa kapatid ko at ngu
Bernard/Light POVHinatid ako ng ka-banda ko sa apartment ko at nagulat pa kami na nakaupo sa may tapat ng pintuan ang kapatid ko."Anong nangyari sa'yo, kuya?" tanong ng kapatid ko na biglang tumayo sa lapag nilapitan niya ako nabaling ang tingin sa mga kaibigan ko."Nagka-tuwaan lang kami ng kuya mo, Francis at may gig kami ipasok natin siya sa loob." wika ni Dino sa kapatid ko hinampas ko na lang ang balikat nito medyo nahihilo na ako para gumanti ng malakas.Hiniga nila ako sa sofa at nagpaalam na sila para umuwi sa kanilang bahay sinundan ko na lang sila nang tingin. Pinilit kong umupo nang maayos pero, nahilo ako at natumba napatingin pa ang kapatid ko na lumapit."Nagpaka-lasing ka pero, hindi mo kaya ang sarili mo." wika naman ng kapatid ko sa akin at tinulungan niya ako umayos ng pwesto.Nang masusuka na ako may kinuha ang kapatid ko at tinulak ko palayo sa akin sinamaan ko na lang ang kapatid ko at pinilit ko ang sarili ko na tumayo para pumunta sa banyo inalalayan na lang n
Inirapan na lang ako ng mga kaibigan ko sa ginawa ko at nakinig na kami sa professor namin. Nang matapos kami sa unang subject nag-ingay na ang mga kaklase namin tahimik lang ako na nag-iisip bago ako tumayo hindi ko pinansin ang dalawang kaibigan ko na tinatawag ako.Pumunta ako sa may puno na dati naming tambayan at umupo ako at sumandal na lang ako sa may puno. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko dahil sa nalaman ko kay Ging at sa tunay kong nararamdaman kay Light."Okay ka lang, Win?" bungad ni Thana nang marinig ko ang boses niya napangiti na lang ako nang pilit."Okay lang ako," pagkakaila ko sa kanya at umusog lang ako nang bahagya sa pwesto ko.Tinabihan niya ako at nakatingin lang siya sa akin."Kung hindi kita kilala nang lubos sasabihin ko lang na, hindi ka halatang okay o okay? Ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" tanong niya sa akin huminga na lang ako nang malalim."Trabaho ang iniisip ko, kung saan ako maganda mag-apply o mag-bar exam muna ako." pagsisinungaling ko n
Nang mapansin namin ni kuya nalasing na ang mga kaibigan ko dahil nakatulog na sa mesa, nakasandal sa upuan at sa amin nabaling ang tingin ko sa kumakanta na banda."Win," tawag ni kuya sa akin dahilan para mapatingin ako hindi pa rin ako titigilan nito tungkol sa binanggit ni Thana sa kanya."Bakit, kuya?" tanong ko naman at inayos ang ulo ni Drake sa balikat ko."Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Thana, posible bang magka-gusto sa katulad natin?" tanong ni kuya sa akin tumitig naman ito sa mukha ko."I'm not gay, or anuman ang tawag sa mga ganitong uri sa LGBTQ+ pero, bukas ang kaisipan ko sa mga bagay na meron sa kanilang relasyon hindi ako mag-deny o umaamin na bahagi ako sa kanila o hindi kundi, hindi ko alam ang tamang sagot, kuya dahil hindi ko pa nararanasang umibig sa kapwa ko." pag-amin ko namam sa kuya ko tumatango sa akin si kuya at kilala niya ako hindi ako nagsisinungaling sa kanya palagi."Oo naman, kilala kita at nakikita ko sa'yo na kahit anong gender pwede kang m