Sumama ako at si kuya Jirah papunta sa mansyon nila ate Pam sa Parañaque hinatid na lang namin sa may kanto ng kanilang subdivision ang dati kong kaibigan nagbago na si Yumi 'yon ang palagay ko nang masdan ko siya kanina sa event. Nang dumating kami sa mansyon iniwan na lang kami ng asawa ni ate sa sala kasama ang kanilang mga anak.Nakita ko na iniwasan ni ate si kuya nang tingin kaya nagsalita na ako."Kuya," tawag ko bigla may gusto akong itanong.Tumingin sa akin si kuya at nakipag-titigan ako ayokong umiwas katulad ng ginawa ni ate sa kanya."Bakit hindi mo sinabi na pamangkin ko ang nakikita kong sanggol noong kami ng ate mo mahirap bang sabihin 'yon?" prangkang tanong ni kuya sa akin hindi naman ako nakasagot tama naman siya."Kuya, hindi ko din alam kung bakit hindi ko sinabi alam ko naman na-" putol ko nang sumabat si kuya jirah."Hindi mo alam kung ready na si Win sa responsibilidad sa anak nyo? Kaya hindi mo sinabi at takot kang malaman 'yon mula sa kanya na tanggihan ito,
Hindi ko kakalimutan na minsan sa buhay ko na nagmahal ako nang katulad mo. Lumayo na ako sa kanya nang matapos ko siya halikan nahiya ako sa ginawa ko."Win, masaya ako na ikaw ang una sa lahat hindi man tayo sa huli sana hindi magbabago ang pagkakaibigan natin at hindi ko ipagkakait sa'yo na makasama ang anak natin, salamat." aniko sa kanya pagkatapos ko lumayo at nagka-titigan kaming dalawa.Niyakap niya ako bigla nagulat naman ako sa ginawa niya tumugon na rin ako sa pag-yakap niya alam kong huling yakap ko na ito sa kanya as ex-girlfriend. Wala siyang sinabi lumayo kaagad siya at nakita ko ang pag-ngiti niya kaya nagtaka ako sa nakita ko. Ayoko naman mag-assume dahil alam kong hindi na ako ang nasa puso niya. Bumalik kami sa loob at nagtaka ako nang iiwanan niya ako sa loob nang hawakan ko ang kamay niya pinisil ko 'yon dahilan para tignan niya ako."May kailangan akong puntahan, Ging thank you na ikaw ang naging ina ng anak ko at hindi ko kakalimutan sa puso ko na nagmahal ako ng
"Ging..." narinig kong tawag ng boses napatingin tuloy ako sa likuran ko nakita ng mata ko si Thana nakatayo at naka-titig sa akin.Humarap naman ako at nailang ako sa pag-tingin niya sa akin huminga na lang ako."Ako ba ang sadya mo o sila?" tanong ko sa kaibigan ni Win naging kaibigan ko din.Nakita ko ang pag-lingon niya sa condo ni Win at nung Light. Binalik niya ang tingin sa akin bago siya magsalita nakita ko na may emosyon akong nakita sa mata niya."Wala naman sila dyan, Ging ikaw ang sadya ko," wika ni Thana sa akin inalok ko siyang pumasok sa loob ng condo ko.Alam kong alam niya na may anak kaming dalawa ni Win dahil inamin ito sa event kung saan nandun sila kasama ang iba pa nilang kaibigan. Sumunod siya sa akin inalok ko siyang uminom at sinabi niyang tubig lang."Busog pa ako," aniya at umupo siya sa sofa.Mamaya na lang ako mag-iimpake ng gamit ng anak ko at tawagan ang ate ko."Bakit ngayon ka lang bumalik, Ging kung kailan masaya na sa iba si Win?" pagtatanong niya sa
Pagkatapos ng hearing sa korte para sa kliyente ko at sa kalaban nito lumabas na kami kinausap ko pa ang secretary ko tungkol sa susunod na hearing nasa gilid nito ang pamilya at ang kliyente ko."Attorney, salamat sa help at hindi ako makukulong." bungad kaagad ng kliyente ko sa akin natahimik naman ako."Ayusin mo na ang buhay mo kapag naulit na pa itong nangyari sa'yo hindi na kita kayang tulungan," sambit ko at nagpaalam na ako sumunod naman sa akin ang secretary ko."Mabuti na lang, ma'am napatunayan natin sa korte na wala siyang kinalaman sa scam kahit modus 'yon ng kaibigan niya nadawit siya kasi nandun sila at magkasama." wika ng secretary ko sa tabi ko at tinanong ko kung may next client pa akong aasikasuhin."Wala na, ma'am pero may kakausapin ka tungkol sa pag-aaral ng anak nyo sa school." wika kaagad sa akin ng secretary tumango na lang ako sumama na siya."Ma'am, pwede ba ako magtanong? Curious na rin ako sa kumakalat na chismis." tugon naman ng secretary ko sa akin nang
Win / Ice POVInayos namin ni Light ang gamit namin sa loob ng tent dahil babalik na kaming lahat sa siyudad tapos na ang camping namin. Nailang ako sa natuklasan ko mula sa kaibigan niya noong nakalipas na araw na nag-kwentuhan kaming magkakaibigan at kasama silang tatlo. Hindi pa naman ako lasingin na tao kaya narinig ko ang mga sinabi niya huminga na lang ako hindi pwede ang nararamdaman niya sa akin. "Okay ka lang?" tanong niya bigla kaagad akong umiwas sa kanya at tinuloy ko ang pag-liligpit ko sa mga damit ko."Oo," sambit ko sa kanya at nang matapos ako sa pag-liligpit lumabas na ako sa tent.Lumapit ako sa mga kaibigan ko nabigla pa nang sabihin ko na huwag nang umalis si Thana sa tabi ko sa pwesto namin sa bus."First time na may umamin sa'yong kalahi natin, brad kaya pala mainit ang dugo niya kay Drake." pang-aasar ni Mat sa akin at nginuso ang taong iniiwasan ko."Tumigil ka na, Mat!" inis kong sambit sa kaibigan namin.Sinaway siya ni Thana at tumahimik silang dalawa inak
Bernard / Light POVNagising ako na wala sa tabi ko si Win bumangon kaagad ako ang sakit ng ulo ko!Inayos ko ang hinigaan ko at tinabi sa bag ko bago ako lumabas bumungad sa akin ang dalawang kaibigan ko na may gustong sabihin."Bakit parang may gusto kayong sabihin sa akin?" tanong ko sa dalawang kaibigan ko at tinulak nila ako ulit sa loob ng tent.Aangal sana ako nang magsalita si Chana at Mike ng sabay."Sinabi mo kay Win ang totoo mong nararamdaman sa kanya!" magka-sabay nilang sambit kaya hindi ko naintindihan inulit ko pa sa kanila bago ko naunawaan.Pinag-tutulak ko silang dalawa sa loob ng tent."Ano?! Ano pa ang sinabi ko sa harapan niya?" tanong ko sa kanila at sinabi nila sa akin."Buking ka na! Alam nila na nagpapanggap lang kayo pero sa ibang schoolmate natin hindi kundi kinilig pa sila sa ginawa mo." kwento ni Chana sa akin, ano ang mukhang ipapakita ko sa kanila?Sa kanya kaya, ano ang reaksyon?"Sumubra ba ang ininom kong alak kagabi?" tanong ko sa dalawang kaibigan
Huminga na lang ako ng malalim at pumasok ako sa loob ng bahay sumunod sa akin ang kapatid ko."Kuya, nagtalo ba kayo ni kuya Win?" tanong ni Francis sa akin hindi ko na lang siya pinansin.Pumunta ako sa kusina na katabi lang ng maliit na dining area."Kuya, uuwi sina Mama, at Papa dito na hindi ba nasa probinsiya sila, hinahanap ka nila sa akin," wika ni Francis sa akin dahilan para huminto ako at tumingin sa kapatid ko."Ano ang sinabi mo sa kanila?" tanong ko bigla sumeryoso ang mukha ko sa harapan ng kapatid ko."Ang sabi ko sa kanila, busy ka sa trabaho mo alam naman nila na professor ka, bakit ang bigat ng nararamdaman mo, kuya nagtalo ba kayo ni Win?" tanong ni Francis sa akin."Hindi kami nagtalo, bro napagod lang ako sa byahe huwag ka mag-daldal kina Mama at Papa tungkol sa relasyon namin ni Win," aniko sa kapatid ko at inabutan ko siya nang tubig na hawak ko."Ako pa ba, kuya ang pag-sabihan mo ang nakakaalam ng relasyon nyo ni Win sa school bawal pa naman na magkaroon ang
Naghihintay ako sa pag-text ni Win sa akin umupo ako sa maliit na sofa ko. Nakarinig ako nang pag-katok nagtaka naman ako dahil hindi pupunta ngayon ang dalawang mokong ngayon.Tumayo ako kaagad para malaman kung sino ang kumakatok nang buksan ko bumungad sa akin si Win na seryoso ang mukha."Ako na ang nagpunta sa'yo." aniya hindi naman ako naka-imik sinabi niyang mag-text siya kaya nakaka-bigla.Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa bago siya magsalita hindi kaagad ako umimik."Aalis ka?" tanong niya sa akin umiling kaagad ako at pinapasok ko siya sa loob ng apartment ko."Dederetsahan na kita, Light." wika naman niya sa akin kinakabahan ako sa sasabihin niya.Inalok ko siyang maupo sa sofa ko pero umiling na lang siya sa harapan ko. Bumuntong-hininga na lang ako at hindi ako gumalaw pakiramdam ko kapag umalis maglalaho siya sa harap ko."Tapos na ang pagpa-panggap nating dalawa, Light kahit hindi pa tapos ang deal natin tanggap ni Helga na wala ka nang pag-tingin sa kanya hindi
Nagpunta ako sa dating tagpuan namin noon para magpa-hangin kaso nagtago ako ng may tao ako nakita bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang likuran ng taong nakatayo sa dalampasigan. Sumilip ako at nakita ko pa rin nakatayo si Win sumandal na lang ako sa may puno ng buko at nakatingin sa taong sobra kong mahal.Ayokong lumapit dahil baka guni-guni ko lang ang nakikita ko at hindi siya.Lalo na baka, siya nga pero...Iwasan naman niya ako huminga na lang ako ng malalim. Nalaman ko sa kapatid ko na hindi nagka-balikan sina Ging at Win dahil hindi ito gusto ng dalawang panig naging civil ang relasyon nila para sa kanilang anak na si Frey na ngayon graduation na sa high school.Nagtago ako ng lumingon siya ayoko magpakita sa kanya natatakot ako.Tama ang kapatid ko, kung kami talaga ang tinadhana nag-tatagpo ulit kami sa tamang panahon. Nang sumilip ako wala na siya kaya tumakbo ako para siguraduhin na hindi lang guni-guni ang nakita ko nakita ko ang footprints.And I miss youLike
Bernard/Light POVMula ng makipag-hiwalay ako kay Win nawalan ako ng gana magturo sa mga estudyante ko. Nag-leave of absence ako sa school at ang ginawa ko kumanta lang sa gig ng banda ko tuwing gabi."Kuya, hindi ka ba babalik sa pagtuturo?" bungad ng kapatid ko ng umaga na ako nakauwi sa bagong condo ko.Lumipat ako ng tirahan mula ng mag-hiwalay kaming dalawa dahil sa tuwing uuwi ako doon naalala ko ang masasayang alaala na meron ang condo na kasama si Win. "No, bro pagod na ako sa pagtuturo mag-reresign na ako sa susunod na linggo ayoko ma-stress at madamay ang pagtuturo ko." sambit ko sa kapatid ko ng umupo ako sa sofa inalis ko ang suot kong sapatos at medyas bago ko hinubad ang shirt ko may suot pa naman akong sando sa loob.Marami nabago sa akin mula ng magsama kami ni Win kaya nakasanayan ko nang gawin. Tumayo ako para buksan ang electric fan nasa harapan ng kapatid na umusog ng bahagya."Sigurado ka sa desisyon mo, kuya?" pagtatanong ng kapatid ko nakita ko ang pagka-gulat
Nang mag-hiwalay kaming dalawa ni Light para ako naputulan ng kalahating katawan madaling matanggap na wala naman mararating ang relasyon namin if one of us is in love with someone else, there is nothing, the reason for our separation is about my daughter and his insecurity in himself that I might leave him because of my daughter and ex-girlfriend.I can't blame him for the fear he feels in his heart and identity."Ahhh!!!" sigaw ko na lang sa loob ng condominium na nirentahan ko pagkatapos ko makuha sa kaibigan ko ang gamit ko umalis kaagad ako sa hotel kung saan ako natulog ng ilang araw.Nag-resign ako sa ULF ng sabihan ako ni tito Edwin na magiging regular employee na ako sa kanilang kumpanya tumanggi ako sa promotion dahil, para ko nang pinakita sa kanila na hawak nila ako sa leeg at hindi ko na magagawa ang gusto ko.Nagulat ang mga kapwa ko abogado sa naging desisyon kong umalis sa kumpanya at hindi na manatili. Kahit alam kong may anak ako kay Ging hindi ko naman gusto na may
Bago mag-graduation nakipag-kita ako kay Light wala akong kasama kundi ako lang mag-isa. Naghihintay ako sa isang park na malapit sa school namin maraming dumadaang estudyante first year at second year college nag-text ako sa kanya. Umiinom ako ng milk tea na binili ko nauuhaw na kinakabahan ako ngayon.Wala dapat akong sabihin sa kanya tungkol sa nakaraan ko at kung magtatanong si Light sasabihin ko naman. Nakaupo ako sa swing at inuugoy ko lang ng mahina nakarinig ako ng yabag sa likuran ko. Hindi ako lumilingon dahil sa kinakabahan ako ng matindi."Akala ko, hindi ka pupunta dito kahit ikaw ang nag-aya makipagkita." narinig kong sambit ng taong hinihintay kong dumating.Uminom lang ako ng milk tea at hindi ako sumagot naiilang ako sa nararamdaman ko ngayon."Pinapunta mo ako dito pero wala ka naman sasabihin? Ako kasi, meron." aniya huminga na lang ako ng malalim.Nag-kwento na siya tungkol sa buhay niya nakikinig lang ako sa kini-kwento niya. Nang maubos ko ang milk tea tumayo ako
Win/Ice POVMakalipas ng ilang buwan, naghahanda na kami ng mga kaibigan ko sa graduation namin. Nagkaroon ng relasyon si Drake sa kapatid ni Light na si Francis hindi kami makapaniwala noong una dahil wala sa itsura at kilos nila na may namamagitan sa kanilang dalawa. Wala na akong balita kay Light kahit madalas kasama namin ang kapatid nito."Nakabili ka na ng damit para sa granduation ball?" tanong ni Cute sa akin nabaling ang tingin namin sa kanya."Ay, shit wala pa akong maisusuot..." wika ni Mat nabatukan tuloy siya ng pinsan niya.Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Mat sa nakalipas na buwan maraming nagbago naging busy ako sa school works. Hindi ako makapaniwala nang magkita kami ni Eumi sa mall accidentally sinabi niya sa akin na nabuwag ang bandang Winner Band mula ng humiwalay sa kanila si Light."Win, may maisusuot ka na ba sa grad ball?" tanong ni Mat sa akin nang balingan niya ako."Oo, meron na." sambit ko na lang sa kaibigan ko.Nasa canteen kaming lahat para mag-l
Nagpunta kami sa may claw machine doon namin nakita si Mike na kasama ang girlfriend nito. Nilapitan ni Chana ang kaibigan namin at nagpunta naman ang kapatid ko sa isa sa claw crane o claw machine sinundan ko na lang nang tingin ang kapatid at machine na kumuha ng atensyon ko.Lumapit ako at may nakita akong stuff toy na may pagkaka-hawig kay Win may barya ako at nag-hulog ako sinubukan kong makakuha nang isa napasimangot na lang ako dahil palaging sablay."Heartbroken kaya hindi mo 'yan makukuha," bungad ni Mike sa tabi ko inirapan ko na lang ang kaibigan ko at nag-hulog ako ng isa pang barya.Naka-ilang hulog ako at hindi pa rin ako nakaka-kuha ng isa."Sign na 'yan na tumigil ka na sa pag-habol sa kanya," sambit ni Chana at sumang-ayon ang kapatid ko sa sinabi nang kaibigan ko hindi nagsalita ang mga kasama namin na lumapit na sa amin.Huminga na lang ako nang wala ako nakuhang stuff toys at umalis na kami sa harap ng claw machine. Nabaling naman ang tingin ko sa kapatid ko at ngu
Bernard/Light POVHinatid ako ng ka-banda ko sa apartment ko at nagulat pa kami na nakaupo sa may tapat ng pintuan ang kapatid ko."Anong nangyari sa'yo, kuya?" tanong ng kapatid ko na biglang tumayo sa lapag nilapitan niya ako nabaling ang tingin sa mga kaibigan ko."Nagka-tuwaan lang kami ng kuya mo, Francis at may gig kami ipasok natin siya sa loob." wika ni Dino sa kapatid ko hinampas ko na lang ang balikat nito medyo nahihilo na ako para gumanti ng malakas.Hiniga nila ako sa sofa at nagpaalam na sila para umuwi sa kanilang bahay sinundan ko na lang sila nang tingin. Pinilit kong umupo nang maayos pero, nahilo ako at natumba napatingin pa ang kapatid ko na lumapit."Nagpaka-lasing ka pero, hindi mo kaya ang sarili mo." wika naman ng kapatid ko sa akin at tinulungan niya ako umayos ng pwesto.Nang masusuka na ako may kinuha ang kapatid ko at tinulak ko palayo sa akin sinamaan ko na lang ang kapatid ko at pinilit ko ang sarili ko na tumayo para pumunta sa banyo inalalayan na lang n
Inirapan na lang ako ng mga kaibigan ko sa ginawa ko at nakinig na kami sa professor namin. Nang matapos kami sa unang subject nag-ingay na ang mga kaklase namin tahimik lang ako na nag-iisip bago ako tumayo hindi ko pinansin ang dalawang kaibigan ko na tinatawag ako.Pumunta ako sa may puno na dati naming tambayan at umupo ako at sumandal na lang ako sa may puno. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko dahil sa nalaman ko kay Ging at sa tunay kong nararamdaman kay Light."Okay ka lang, Win?" bungad ni Thana nang marinig ko ang boses niya napangiti na lang ako nang pilit."Okay lang ako," pagkakaila ko sa kanya at umusog lang ako nang bahagya sa pwesto ko.Tinabihan niya ako at nakatingin lang siya sa akin."Kung hindi kita kilala nang lubos sasabihin ko lang na, hindi ka halatang okay o okay? Ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" tanong niya sa akin huminga na lang ako nang malalim."Trabaho ang iniisip ko, kung saan ako maganda mag-apply o mag-bar exam muna ako." pagsisinungaling ko n
Nang mapansin namin ni kuya nalasing na ang mga kaibigan ko dahil nakatulog na sa mesa, nakasandal sa upuan at sa amin nabaling ang tingin ko sa kumakanta na banda."Win," tawag ni kuya sa akin dahilan para mapatingin ako hindi pa rin ako titigilan nito tungkol sa binanggit ni Thana sa kanya."Bakit, kuya?" tanong ko naman at inayos ang ulo ni Drake sa balikat ko."Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Thana, posible bang magka-gusto sa katulad natin?" tanong ni kuya sa akin tumitig naman ito sa mukha ko."I'm not gay, or anuman ang tawag sa mga ganitong uri sa LGBTQ+ pero, bukas ang kaisipan ko sa mga bagay na meron sa kanilang relasyon hindi ako mag-deny o umaamin na bahagi ako sa kanila o hindi kundi, hindi ko alam ang tamang sagot, kuya dahil hindi ko pa nararanasang umibig sa kapwa ko." pag-amin ko namam sa kuya ko tumatango sa akin si kuya at kilala niya ako hindi ako nagsisinungaling sa kanya palagi."Oo naman, kilala kita at nakikita ko sa'yo na kahit anong gender pwede kang m