Nagising ako ng may tumabi sa akin napangiti ako nang makita ko si Wigi, isang askal o asong pinoy (aspin). Si Wigi regalo sa akin ni Ging noong first anniversary namin bilang mag-syota.
"Wigi, halika ka nga kay daddy.." tawag ko sa kanya at dumagan siya sa tyan ko.Tumahol lang siya ng tumahol at dinilaan niya ako sa chin ko. Malambing siya at parang daddy niya talaga ako at anak ko siya kapag umaalis ako umiingit siya.Hindi lang ako nag-iisa dito sa apartment ko dahil kasama ko siya. Kaagad ako tumayo at lumabas ng kwarto nag-timpla ako ng kape at nagluto ako ng almusal namin ni Wigi. Napatingin ako sa orasan maaga pa naman pagkatapos ko magluto nilagyan ko ng pagkain ang lalagyanam ng pagkain niya. Bago ako naghain ng pagkain ko sa mesa at kumain na kaming dalawa ng sabay.Pinaliguan ko muna siya pagkatapos pinunasan hinayaan ko siyang maglaro naligo na din ako. Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako ng school uniform at kinausap ko siya.Nagising ako nang maaga dahil may pasok pa ako sa trabaho ngayon ang simula nang pag-trabaho ko bilang lawyer. Ginising ko rin ang katabi ko kung matulog tulog mantika."Babe!" tawag ko sa kanya niyuyogyog ko na siya para magising."Uhmmm..." ungol niya at tumagilid pa talaga at binato ko siya nang unan sa ulo."Bernard Williams! Gising na!" sigaw ko sa kanya dahilan para dumilat siya nang mga mata."Nasa kabila-" putol niya nang hampasin ko siya nang unan sa mukha.Bumangon kaagad ako at nang lalabas na sa kwarto namin hinaltak niya ako sa braso kaya natumba ako sa ibabaw niya."Ikaw ah!" biro niya sa akin nang halikan niya ako sa labi ko."Mag-almusal ka na, aalis na ako may trabaho pa ako hindi ba, babe pansamantalang teacher ka sa unibersidad natin? Baka mahuli ka." aniko sa kanya hinampas ko ang braso at naalis ito sa tapat nang dibdib ko.Inayos ko ulit ang buhok ko nang magulo dahil sa kagagawan niya at n
Tumayo na ako pagkatapos ko umiyak nakataggap ako nang text mula sa kanya. Binasa ko na lang at napangiti sa text niya sa akin pinunasan ko muna ang luha ko gamit ang panyo ko.Text messageBabe: Busy ka na dyan?Miss na kaagad kita, babe!Nag-reply kaagad ako sa kanya at nagsinungaling akong busy na ako kaya hindi na nakapag-text. Inayos ko ang suot kong polo shirt bago nag-suklay nang buhok gamit ang kamay ko.Nagpunta ako sa banyo nasa loob nang opisina ko at nakita ko ang sarili ko na mugto ang mata ko sa kaka-iyak. Nag-hilamos ako nang mukha at binasa ko ang buhok ko para fresh pa rin tignan.Naupo ako sa upuan at binasa ang mga nakapatong na folders sa ibabaw ng mesa."Sir, pwede ko na ba kunin ang napirmahan nyo?" pag-bungad ng pansamantala kong secretary."Kailan ako pupunta sa client ko para mapag-usapan ang kaso niya?" pagtatanong ko pagkatapos pirmahan ang mga binasa kong files.Mabuti na lan
Bernard/Light POVNagising ako nang dahil sa mahal ko pero nag-kunwari akong natutulog pa rin sa kama namin."Babe!" tawag niya sa akin at niyuyogyog niya ang balikat ko."Uhmmm..." ungol ko na lang at tumagilid pa talaga ako binato niya ako nang unan sa ulo ko napaungol na lang ako."Bernard Williams! Gising na!" sigaw naman niya sa akin dahilan para dumilat ako."Nasa kabila-" putol ko nang hampasin pa rin niya ako nang unan sa mukha ko.Bumangon na kaagad siya at nang lalabas na sa kwarto namin hinaltak ko siya sa braso kaya natumba siya sa ibabaw ko."Ikaw ah!" biro ko na lang sa kanya nang halikan ko siya sa labi niya."Mag-almusal ka na, aalis na ako may trabaho pa ako hindi ba, babe pansamantalang teacher ka sa unibersidad natin? Baka mahuli ka." aniya sa akin hinampas niya ako sa braso ko at naalis ko sa tapat nang dibdib niya.Inayos niya ulit ang buhok niya nang magulo dahil sa kagagawan ko at
Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Thana sa akin tama siya dapat kay Win ko tanungin itong napapansin ko. Nag-stream ako nang kanta na alam kong relate ang mga audience."Get ready!" sigaw ng host sa loob ng bar pagkatapos nang jamming sa isang variety show dito ang diretso namin."Guys, i-english version ko lang ang kanta ni Mr. Lloyd Umali na Bakit Kung Sino Pa sana magustuhan nyo." sabi ko sa mga audience sa isang sikat na bar sa Manila.Kumanta ako nang kumanta nang matapos nag-break saglit at muling bumalik sa stage hanggang sa nag-request ang mga nanonod sa akin ng mga bagong kanta.Pagkatapos ko kumanta bumaba na ako sa stage hindi ko na lang pinansin ang sigawan nang mga tao dumaan ako sa backstage."May problema ka ba, Light?" pag-bungad ni Dino sa akin sa backstage."Wala," sambit ko na lang sa kanya dahil totoo naman."Ang lungkot mo." sambit ni Dino sa akin."Oo nga, napatawag tuloy ako kay Ice at nagul
Win/Ice POVNaging busy ang araw ko nang biglang binigay sa akin ang ibang kliyente nang ibang lawyer na nag-bakasyon."Sir, nandito na siya." nasambit ng secretary ko nang tumingin ako sa may pintuan at nakasilip siya."Papasukin mo." sambit ko na lang at inayos ang mga nakakalat na papeles sa mesa.Ang iniwan ko lang ang folder nang taong inaasahan ko ngayon nabasa ko na ang nirereklamo nito."Magandang araw, attorney!" pagbati ng matandang lalaki may kasama siyang attorney."Ano ho ang ipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ko muna at tinuro ang couch."Kailangan ko kasi nang isa pang attorney, Mr. Kevin para sa lupang gustong ibenta sa iba ng adopted child ko na hindi niya pa pagmamay-ari," kwento ng matandang lalaki sa akin napatingin ako sa dalawang taong nasa harap ko."Hindi ba siya naniniwalang sa'yo nakapangalan ang lupa at hindi pa sa tinutukoy mong adopted child?" tanong ko na lang may mga ganitong kaso ang na-kwento ng mga kasamahan ko dito."Pupunta daw siya ngayon, attorney g
Napatingin ako sa nilabasan ng dalawang bisita ko at naalala ko kaagad si Ging. Nang lumabas ako saktong bumukas ang pintuan sa katabing opisina ko lumingon sa akin ang dalawang taong lumabas."Mr. Kevin," pagbati ng lalaking muntik ko nang masapak kanina, at nakita ko ang ginawa niyang paghalik sa labi ni Ging na alam kong hindi gusto dahil sinampal niya kaagad ang lalaki."Napaka-manyak mo!" sigaw niya at nakita ko ang takot sa mukha niya nang aambahan siya nang sampal nang lalaki kaagad akong lumapit at hinawakan ang braso nito."Lalaki ka ba talaga?" nasambit ko bigla sa kaharap ko at binalya ang kamay nito na ikinagulat naman nang lalaki."Ang—" putol ng lalaki nang sumigaw ako sa pag-mumukha niya."Bakla ka! Pumapatol ka sa babae, at lalong wala kang nirerespetong tao." sigaw ko na lang at nang susugurin na ako may umawat na kapwa naming abogado."Magbabayad ka! Putang ina mo humanda ka!" pagwawala ng lalaki at kinaladkad s
Bernard/Light POVBumuntong-hininga na lang ako dahil nang makauwi na ako sa bahay namin akala ko may aabutan akong Ice sa loob ng condo.Mag-gagabi na ah?Kinuha ko ang cellphone ko at unattended ang kabilang linya?Nabaling ang tingin ko sa suot ko hindi naman marumi at pinagpag ko na lang nang mawala ang alikabok ng kalsada.Tumalikod na ulit ako para balikan ang motor ko sa parking lot hindi siya ganito gumalaw kaya nagtataka ako. Umalis na ako at nagpunta sa pinag-trabahuan niya nang bumaba na ako nakita ko ang gwardiya na may hinahatak na lalaki."Kuya, anong nangyayari?" tanong ko sa lalaking nakikipag-usap sa kapwa empleyado ng pinag-trabahuan ni Ice."Sinampal ng lalaki 'yong attorney na babae, mabuti pinagtanggol ng baguhan namin," kwento nito sa akin at tumango ang katabi nito."Oo, si Winter Kevin mukhang magkakilala sila ni attorney eh at galit na galit siya nang ginawa ng lalaki sa harap
Nagising ako na wala akong katabi sa kama at bumangon ako at lumabas ng kwarto hinanap ko siya."Babe," tawag naman niya sa akin natuwa naman ako nandito pa siya ngayon."Wala kang trabaho?" tanong ko na lang sa kanya at lumapit ako para dumikit ang mga balat namin."Meron, babe half day ako dahil sa nangyaring gulo sa law firm." sambit na lang niya kaagad nabaling naman ang tingin ko sa kanya.Naalala ko tuloy ang nakita ko sa labas ng pinag-trabahuan niya."Sino ang dalawang kasama mo noon?" pagtatanong ko naman napatingin siya sa akin at hindi siya kaagad nagsalita."Ikaw nga pala ang nakita ko kagabi akala ko guni-guni ko lang," sambit niya sa akin."Oo, ako nga 'yon susunduin sana kita." aniko na lang sa kanya."Ah, 'yong babaeng nakita natin sa 7-eleven siya si ate Pam ex ni kuya Jirah at 'yong kasama niya ang kapatid niya." aniya sa akin malapit siya sa ex ng kuya niya.Hm..."Ah, bakit may napansin akong lalaking kinakaladkad ng mga security guard?" tanong ko naman."'Yon ang n
Nagpunta ako sa dating tagpuan namin noon para magpa-hangin kaso nagtago ako ng may tao ako nakita bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala ko ang likuran ng taong nakatayo sa dalampasigan. Sumilip ako at nakita ko pa rin nakatayo si Win sumandal na lang ako sa may puno ng buko at nakatingin sa taong sobra kong mahal.Ayokong lumapit dahil baka guni-guni ko lang ang nakikita ko at hindi siya.Lalo na baka, siya nga pero...Iwasan naman niya ako huminga na lang ako ng malalim. Nalaman ko sa kapatid ko na hindi nagka-balikan sina Ging at Win dahil hindi ito gusto ng dalawang panig naging civil ang relasyon nila para sa kanilang anak na si Frey na ngayon graduation na sa high school.Nagtago ako ng lumingon siya ayoko magpakita sa kanya natatakot ako.Tama ang kapatid ko, kung kami talaga ang tinadhana nag-tatagpo ulit kami sa tamang panahon. Nang sumilip ako wala na siya kaya tumakbo ako para siguraduhin na hindi lang guni-guni ang nakita ko nakita ko ang footprints.And I miss youLike
Bernard/Light POVMula ng makipag-hiwalay ako kay Win nawalan ako ng gana magturo sa mga estudyante ko. Nag-leave of absence ako sa school at ang ginawa ko kumanta lang sa gig ng banda ko tuwing gabi."Kuya, hindi ka ba babalik sa pagtuturo?" bungad ng kapatid ko ng umaga na ako nakauwi sa bagong condo ko.Lumipat ako ng tirahan mula ng mag-hiwalay kaming dalawa dahil sa tuwing uuwi ako doon naalala ko ang masasayang alaala na meron ang condo na kasama si Win. "No, bro pagod na ako sa pagtuturo mag-reresign na ako sa susunod na linggo ayoko ma-stress at madamay ang pagtuturo ko." sambit ko sa kapatid ko ng umupo ako sa sofa inalis ko ang suot kong sapatos at medyas bago ko hinubad ang shirt ko may suot pa naman akong sando sa loob.Marami nabago sa akin mula ng magsama kami ni Win kaya nakasanayan ko nang gawin. Tumayo ako para buksan ang electric fan nasa harapan ng kapatid na umusog ng bahagya."Sigurado ka sa desisyon mo, kuya?" pagtatanong ng kapatid ko nakita ko ang pagka-gulat
Nang mag-hiwalay kaming dalawa ni Light para ako naputulan ng kalahating katawan madaling matanggap na wala naman mararating ang relasyon namin if one of us is in love with someone else, there is nothing, the reason for our separation is about my daughter and his insecurity in himself that I might leave him because of my daughter and ex-girlfriend.I can't blame him for the fear he feels in his heart and identity."Ahhh!!!" sigaw ko na lang sa loob ng condominium na nirentahan ko pagkatapos ko makuha sa kaibigan ko ang gamit ko umalis kaagad ako sa hotel kung saan ako natulog ng ilang araw.Nag-resign ako sa ULF ng sabihan ako ni tito Edwin na magiging regular employee na ako sa kanilang kumpanya tumanggi ako sa promotion dahil, para ko nang pinakita sa kanila na hawak nila ako sa leeg at hindi ko na magagawa ang gusto ko.Nagulat ang mga kapwa ko abogado sa naging desisyon kong umalis sa kumpanya at hindi na manatili. Kahit alam kong may anak ako kay Ging hindi ko naman gusto na may
Bago mag-graduation nakipag-kita ako kay Light wala akong kasama kundi ako lang mag-isa. Naghihintay ako sa isang park na malapit sa school namin maraming dumadaang estudyante first year at second year college nag-text ako sa kanya. Umiinom ako ng milk tea na binili ko nauuhaw na kinakabahan ako ngayon.Wala dapat akong sabihin sa kanya tungkol sa nakaraan ko at kung magtatanong si Light sasabihin ko naman. Nakaupo ako sa swing at inuugoy ko lang ng mahina nakarinig ako ng yabag sa likuran ko. Hindi ako lumilingon dahil sa kinakabahan ako ng matindi."Akala ko, hindi ka pupunta dito kahit ikaw ang nag-aya makipagkita." narinig kong sambit ng taong hinihintay kong dumating.Uminom lang ako ng milk tea at hindi ako sumagot naiilang ako sa nararamdaman ko ngayon."Pinapunta mo ako dito pero wala ka naman sasabihin? Ako kasi, meron." aniya huminga na lang ako ng malalim.Nag-kwento na siya tungkol sa buhay niya nakikinig lang ako sa kini-kwento niya. Nang maubos ko ang milk tea tumayo ako
Win/Ice POVMakalipas ng ilang buwan, naghahanda na kami ng mga kaibigan ko sa graduation namin. Nagkaroon ng relasyon si Drake sa kapatid ni Light na si Francis hindi kami makapaniwala noong una dahil wala sa itsura at kilos nila na may namamagitan sa kanilang dalawa. Wala na akong balita kay Light kahit madalas kasama namin ang kapatid nito."Nakabili ka na ng damit para sa granduation ball?" tanong ni Cute sa akin nabaling ang tingin namin sa kanya."Ay, shit wala pa akong maisusuot..." wika ni Mat nabatukan tuloy siya ng pinsan niya.Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Mat sa nakalipas na buwan maraming nagbago naging busy ako sa school works. Hindi ako makapaniwala nang magkita kami ni Eumi sa mall accidentally sinabi niya sa akin na nabuwag ang bandang Winner Band mula ng humiwalay sa kanila si Light."Win, may maisusuot ka na ba sa grad ball?" tanong ni Mat sa akin nang balingan niya ako."Oo, meron na." sambit ko na lang sa kaibigan ko.Nasa canteen kaming lahat para mag-l
Nagpunta kami sa may claw machine doon namin nakita si Mike na kasama ang girlfriend nito. Nilapitan ni Chana ang kaibigan namin at nagpunta naman ang kapatid ko sa isa sa claw crane o claw machine sinundan ko na lang nang tingin ang kapatid at machine na kumuha ng atensyon ko.Lumapit ako at may nakita akong stuff toy na may pagkaka-hawig kay Win may barya ako at nag-hulog ako sinubukan kong makakuha nang isa napasimangot na lang ako dahil palaging sablay."Heartbroken kaya hindi mo 'yan makukuha," bungad ni Mike sa tabi ko inirapan ko na lang ang kaibigan ko at nag-hulog ako ng isa pang barya.Naka-ilang hulog ako at hindi pa rin ako nakaka-kuha ng isa."Sign na 'yan na tumigil ka na sa pag-habol sa kanya," sambit ni Chana at sumang-ayon ang kapatid ko sa sinabi nang kaibigan ko hindi nagsalita ang mga kasama namin na lumapit na sa amin.Huminga na lang ako nang wala ako nakuhang stuff toys at umalis na kami sa harap ng claw machine. Nabaling naman ang tingin ko sa kapatid ko at ngu
Bernard/Light POVHinatid ako ng ka-banda ko sa apartment ko at nagulat pa kami na nakaupo sa may tapat ng pintuan ang kapatid ko."Anong nangyari sa'yo, kuya?" tanong ng kapatid ko na biglang tumayo sa lapag nilapitan niya ako nabaling ang tingin sa mga kaibigan ko."Nagka-tuwaan lang kami ng kuya mo, Francis at may gig kami ipasok natin siya sa loob." wika ni Dino sa kapatid ko hinampas ko na lang ang balikat nito medyo nahihilo na ako para gumanti ng malakas.Hiniga nila ako sa sofa at nagpaalam na sila para umuwi sa kanilang bahay sinundan ko na lang sila nang tingin. Pinilit kong umupo nang maayos pero, nahilo ako at natumba napatingin pa ang kapatid ko na lumapit."Nagpaka-lasing ka pero, hindi mo kaya ang sarili mo." wika naman ng kapatid ko sa akin at tinulungan niya ako umayos ng pwesto.Nang masusuka na ako may kinuha ang kapatid ko at tinulak ko palayo sa akin sinamaan ko na lang ang kapatid ko at pinilit ko ang sarili ko na tumayo para pumunta sa banyo inalalayan na lang n
Inirapan na lang ako ng mga kaibigan ko sa ginawa ko at nakinig na kami sa professor namin. Nang matapos kami sa unang subject nag-ingay na ang mga kaklase namin tahimik lang ako na nag-iisip bago ako tumayo hindi ko pinansin ang dalawang kaibigan ko na tinatawag ako.Pumunta ako sa may puno na dati naming tambayan at umupo ako at sumandal na lang ako sa may puno. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko dahil sa nalaman ko kay Ging at sa tunay kong nararamdaman kay Light."Okay ka lang, Win?" bungad ni Thana nang marinig ko ang boses niya napangiti na lang ako nang pilit."Okay lang ako," pagkakaila ko sa kanya at umusog lang ako nang bahagya sa pwesto ko.Tinabihan niya ako at nakatingin lang siya sa akin."Kung hindi kita kilala nang lubos sasabihin ko lang na, hindi ka halatang okay o okay? Ano ba ang gumugulo sa isipan mo?" tanong niya sa akin huminga na lang ako nang malalim."Trabaho ang iniisip ko, kung saan ako maganda mag-apply o mag-bar exam muna ako." pagsisinungaling ko n
Nang mapansin namin ni kuya nalasing na ang mga kaibigan ko dahil nakatulog na sa mesa, nakasandal sa upuan at sa amin nabaling ang tingin ko sa kumakanta na banda."Win," tawag ni kuya sa akin dahilan para mapatingin ako hindi pa rin ako titigilan nito tungkol sa binanggit ni Thana sa kanya."Bakit, kuya?" tanong ko naman at inayos ang ulo ni Drake sa balikat ko."Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Thana, posible bang magka-gusto sa katulad natin?" tanong ni kuya sa akin tumitig naman ito sa mukha ko."I'm not gay, or anuman ang tawag sa mga ganitong uri sa LGBTQ+ pero, bukas ang kaisipan ko sa mga bagay na meron sa kanilang relasyon hindi ako mag-deny o umaamin na bahagi ako sa kanila o hindi kundi, hindi ko alam ang tamang sagot, kuya dahil hindi ko pa nararanasang umibig sa kapwa ko." pag-amin ko namam sa kuya ko tumatango sa akin si kuya at kilala niya ako hindi ako nagsisinungaling sa kanya palagi."Oo naman, kilala kita at nakikita ko sa'yo na kahit anong gender pwede kang m