Umuwi muna ako sa bahay namin nagpa-book ako ng grab taxi para mabilis na maka-balik sa bahay. Naabutan ko siya nakahiga sa kama at natutulog lumapit ako sa cabinet namin para kumuha ng mga damit na dadalhin ko. Hinanda ko muna ang susuotin kong damit kasama na ang pang-alis kakausapin ko bukas ang manager ko kung pwede ba i-cancel ang ibang lakad namin para makasama ko ang pamilya ko.Nang makapag-impake na ako at nilagay sa gym bag na dadalhin ko nag-palit na ako ng damit bago ko siya tinabihan sa kabilang side. Gumalaw siya sa tabi ko at yumakap nang dumilat ang mga mata niya ngumiti na lang ako bago ko hinalikan ang noo niya.Pumikit na rin ako at nang magising ako bumungad sa akin ang seryosong mukha niya.."Morning, hon..." ungot ko sa kanya at inangat ang kamay ko."Ang galing mo naman umuwi ka pa talaga?" sabi niya sa akin lumingon pa siya sa gym na dadalhin ko.Bumangon ako sa kama at sumimangot ng mukha sa harapan niya. Tumayo ako sa kama at nilagay sa upuan ang gym bag bago
Magkasama pa rin kaming dalawa sa set nang pelikula hindi siya lumalayo sa akin kapag nag-break kami para mag-pahinga hindi ko na lang siya pinapa-alis napansin ko na-distract na ang mga kasama namin sa asta niya. Magka-sabay kami na lumingon nang tawagin siya ng director at tinulak ko siya palayo sa tabi ko."Tawag ka pupunta lang ako sa dressing room ko," bulalas ko at sumunod sa akin ang manager namin at personal assistant namin na hindi ma-ipinta ang mukha."Grabe ang bashing nila alaga ko," pahayag naman ng manager niya sa amin nauuna ako sa kanila pero naririnig ko ang pinag-uusapan nila."Eh, totoo naman ang kumakalat sa kanya tinatanggi lang ng management dahil sikat si Karen malakas ang kita nito sa network." bulalas ng manager ko sa manager ni Karen hindi ako sumasabat sa kanila."Selosa na nga, at mapang-mata pa sa kapwa akala mo naman hindi galing sa ibaba para magsalita ng hindi maganda saka, bakla kung hindi sa network at sa mga ka-trabaho niya wala siya ngayon sa kinata
Iba talaga siya mag-isip pero, hindi ko naman pwedeng sabihin na parehas ko na silang mahal. Ang pagkakaiba lang may anak ako kay Nikka at malalim kami pinag-samahan noong bata pa kaming dalawa."'Yon talaga ang iniisip mo? Mahirap 'yan, Karen baka magka-totoo ang sinasabi mo napaka-loyal ni Vhan sa'yo hindi ka niya iniwan kahit sakal na sakal na siya sa'yo ang gusto lang gawin ng alaga ko makasama ang dalawang anak niya na kasama ng ex niya—EX means nakaraan, anak na lang ang iniisip nilang dalawa." diing sagot sa kanya ng manager ko na katabi nang manager niya."Baka, gusto niya mangyari natatakot siyang mabuo ang pamilya ni Vhan pwede naman, Karen mawawala ka sa eksena nilang apat complete family ulit sila." pahayag sa kanya ng personal assistant niya na hinagisan nang unan at parehas sila na masama kung maka-tingin sa bawat isa."Gago!" sigaw niya sinaway ko na lang para tumigil siya pupunta kami ngayon sa photoshoot para sa fashion show.Nang maaga kami natapos kanina dapat uuwi
Nang makita ko siya lumakad bumilis ang tibok ng puso ko nakatingin lang ako sa kanya kinuhanan ko siya sa bawat rampa niya sa stage. Natatandaan ko ang huling napanood ko siya rumampa nung maging kandidata siya sa isang pegeant sa lugar namin. Maraming humahanga sa kanya noon pa man kaya marami ang nainggit sa akin nang malaman ng ibang nanliligaw sa kanya na ako ang pinili niya.Tatlong taon nagkaroon kami ng relasyon ng asawa ko bago kami nagpakasal sa huwes dapat engrande ang kasal naming dalawa dahil tutol ang pamilya namin sa relasyon na namamagitan sa amin si ate Rica, ang asawa niya pati ang matalik na kaibigan lang namin ang naging witness sa kasal namin. Pagkatapos ng kasal namin sa isang restaurant lang ang naging reception ng kasal namin kahit simple ang lahat naging masaya kaming dalawa.Hindi pa siya buntis nang magpa-kasal kaming dalawa gusto lang namin magsama sa isang bahay na may legal papers na pinang-hahawakan. Nung malaman ng pamilya namin ang ginawa namin nagalit
Namiss ko siya sa tuwing umuuwi ako sa bahay namin nalulungkot ako dahil pakiramdam ko bumalik ako noong panahon iniwan ako ng ex-boyfriend ko kaya, ayoko na nag-iisang umuuwi sa bahay namin.Kasama ko ngayon ang personal assistant ko para samahan ako sa bahay namin. Nagpunta ako sa kwarto ko at pumasok kaagad sa banyo para umihi at mag-bawas nang matapos nag-palit lang ako ng damit ko bago ako humiga sa kama.Miss na miss na kita, hon...5 days na wala siya sa piling ko pakiramdam ko isang buwan na siyang wala sa tabi ko. Bumangon ulit ako sa kama nang hindi pa rin ako maka-tulog lumabas ako ng kwarto namin para balak kong kumuha ng red wine gusto kong pampa-antok may trabaho pa ako kinabukasan. Binuksan ko ang refrigerator namin may mga beer nakalagay sa loob tumingala ako sa ibabaw ng drawer para hanapin ang red wine at sa ibabaw ng refrigerator wala naman akong makita na red wine.No choice ang beer na lang ang iinumin ko ngayon kinuha ko ang bote ng beer at gumawa ako ng pulutan
Napag-usapan namin ng asawa ko noong nakaraang araw na dalhin namin sa psychiatrist ang panganay namin gusto ko rin malaman ang kalagayan ng anak ko kung may cure sa ganitong sakit. Nag-aalangan pa noong una ang anak ko nang sabihin ko ang pinag-usapan namin ng asawa ko."Natatakot ka ba?" tanong ko sa anak ko naglalakad kami ngayon papunta sa faculty office ng teacher nila.Lumingon ako sa mga estudyanteng lumalapit sa amin bigla naka-suot ako ng salamin sa mata wala akong suot na contact lens naka-pulupot ang buhok at kasama ko ang mga anak ko. Kakausapin ko ang principal na kung pwede hindi pumasok ng dalawang linggo ang anak ko at sana payagan naiintindihan ko naman kung hindi kami papayagan naisip ko na hindi namin masabi ang resulta ng pagpunta sa hospital."Riko!" tawag ng isa sa estudyanteng hindi ko kilala nagpaalam naman sa amin ang anak kong bunso."Sino ang kasama nyo ng ate mo? Tita mo?" narinig naming tanong ng estudyanteng sumalubong sa amin."Hindi ko siya tita, pre siy
Nang dumating kami sa law office ng kakilala nang manager ko dito sa Pilipinas sinabi ko kaagad na gusto maging anonymous ang pagkakakilanlan ko ayokong masira ang pangalan ng asawa ko dahil kilala ito sa industriya ng showbiz."Ibig sabihin asawa ka ni Vhan Nieva?" tanong ng abogado sa akin at tumango ako sa kanya."Yes po, sir attorney I'm his wife legally naging complicated ang buhay namin kaya nag-hiwalay kaming dalawa ng asawa ko." sabi ko na lang hindi ako nag-sinungaling sa abogado."Alam ba ni Karen Diaz ang totoo nyong status?" tanong ng abogado sa akin sumeryoso ako ng mukha bago ako nagsalita."Sa palagay ko, sir attorney walang sinasabi ang asawa ko sa kanya kung ano ang status naming dalawa mula nang maging sila 'yon ang napansin ko mula nang bumalik ako dito sa Pilipinas kasi, kung may alam siya sa akin kinausap niya ako ng kaming dalawa lang, sir at wala na ako sa lugar para makialam dito kahit may karapatan ako sa iniisip ng asawa ko." pag-amin ko sa kanya at nakatingi
Nakita ko sa mukha niya ang kakaibang emosyon na ngayon ko lang nakita sa kanya. Tinabihan ko na lang siya at dinantay ko ang ulo sa balikat niya hinawakan ko naman ang kamay niya wala siyang reaksyon man lang."Ano ba ang pinag-uusapan nyo ng ex mo at parang ang lalim nang iniisip mo," tawag pansin ko sa kanya humarap naman siya sa akin at nagsalita kaagad siya.Pinisil naman niya ang kamay ko naka-hawak sa kanya."Nang malaman niya ang ginawa ng bayaw ko sa anak namin at nakalaya ang demonyong 'yon ng wala pang dalawang taon dahil walang matibay na ebidensiya maliban sa bunga ng pangagahasa nito at trauma na dinulot sa anak namin, gusto niyang kasuhan ulit ito ng rape case at iba pang kaso dahil pati ang pag-ma-maltrato ng pamilya ko sa kanya wala na itong lusot dahil matindi ang ebidensiyang hawak niya kapag napatunayan pa ito sa korte lagot ang pamilya ko, tama na ang ginagawa nila sa amin mula't-sapul." kwento naman niya sa akin nagtanong naman ako sa kanya kung ano ang dahilan n