AARON“Susundan ko sila.” wika ko at nagmadaling sumakay sa kotse upang sundan sina Samantha at Spencer.“Sabay na kami sa'yo bro.” sabi ni Kevin at sumakay na silang lahat sa kotse ko.Sinundan namin si Samantha habang tangay-tangay si Spencer. Na una kami at nakasunod namin ang mga pulis. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa mahal ko.“Oh my God! Spencer, bilisan mo Aaron ang baka mapano ang kaibigan ko.” hindi mapakaling wika ni Larah sa likuran.“Come here! 'Wag ka nang mag-alala, magiging maayos din ang lahat. Maililigtas natin si Spencer.” pagpapagaan ng loob ni Kevin sa girlfriend niya at niyakap.Tanging kaba at pag-aalala sa mahal ko ang tumatakbo sa aking isipan. Nag-aalala dahil sa napakabilis na takbo ng sasakyan nila Samantha.Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone ko. At si Samantha ang tumatawag kaagad kong sinagot ito upang makausap siya."Samantha pakawalan mo si Spencer. Tama na! Walang kasalanan si Spencer ako nalang ang kunin mo." Kaagad kong sigaw
SPENCER"Samantha, please tama na itigil mo na 'to." Wika ko nagmamaneho si Samantha.Kanina ko pa sana gustong agawin sa kaniya ang manibela ngunit natatakot ako na mabangga kami at isa pang dahilan ay may hawak siyang baril na baka maputok niya sa akin."Pwede bang tumahimik ka!" singhal nito sa'kin."'Wag kang mag-alala matapos kong patayin si Aaron matatapos na rin ako." parang baliw nitong saad sabay halakhak na parang nasisiraan."Hindi ako papayag na gawin mo 'yan!" inis kong wika."At ano namang magagawa mo? Ako nga na nagiisa wala kang magawa. You're just a big dependent from the people around you. Mahina ka!" wika nito na nagpainit ng ulo ko.Nakita kong hindi na nakatutok sa akin ang baril niya at parang madali ko nalang itong makukuha kaya mayamaya pa'y bigla kong hinablot ang baril at nakuha ko naman ito.Nagulat si Samantha sa ginawa ko at kaagad na binawi ang baril. Itutok ko sana sa kaniya ngunit hindi ko rin alam gamitin kaya bago pa niya maagaw ay itinapon ko sa backs
AARONNarito parin kami sa prisinto at naghihintay sa update ng pulisya. Isang oras na ang nakalipas mula nang nakatakas si Samantha habang tangay si Spencer. Sobra akong nag-aalala sa kalagaya ng boyfriend ko ngayon. Kahit anong pilit kong pakalmahin ang sarili ay hindi ko magawa. Sandali lang akong mauupo ngunit agad na tatayo, nagpapaikot-ikot habang nag-iisip kung anong tamang sunod na gawin.Maya-maya pa'y lumapit ang isa sa nga pulis at may ibinalita na sa amin."Mr and Mrs Dela Cruz, 'wag ho kayong mabibigla pero hindi ho nakaabot ng check point ang sinasakyang kotse ng anak ninyo. Naaksidente po sila ng suspek na si Samantha Hermosa. Sinugod na po sa hospital ang anak ninyo,ngunit sabi ng intel wala pa pong statement ang doctor dahil kasalukuyan pa siyang inaagapan ngayon. At ang suspek nama ay dead on arrival sa hospital!" Pagpapaliwanag ng pulis.Habang sinasabi niya ang bawat impormasyon at parang nagiging estatwa ako. Pagkasabi namang na niya na aksidente si Spencer ay napa
2 WEEKS LATERAARONDalawang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon ay nasa comma parin si Spencer, at bawat araw ay binabantayan namin ang progress niya. Mabuti na lamang at sa pagdaan ng araw ay mas tumataas ang progress ng kalagayan ni Spencer, sa katunayan nga ay papunta ako ngayon sa hospital dahil sabi nina ate Eilana na gumalaw ang kamay ni Spencer kaninang umaga at sabi ng doctor na indikasyon ito na malapit na siyang dumilat ano mang oras.Araw-araw kong dinadalaw ang mahal ko at sinisiguro kong naibibigay ko ang kalahati ng araw sa kaniya kasabay ng pagtatrabaho sa kumpanya. Sa di kasi inaasahan ay 'di maganda ang naging estado ng kalusugan ni daddy sa mga nagdaang araw kasabay ng pagka-hospital ni Spencer kaya ako muna ang nag take over sa mga trabaho niya sa publishing house at iba pang negosyo, hindi pa kasi makakauwi si kuya dahil may biglang kumakalat na pandemya sa ibang bansa.Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay biglang tumawag si Kevin. Kaagad ko naman itong sinagot
***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin
“Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan
AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a
AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'