LYRA POV"Ano ba honey? Bakit hindi ka mapakali at bakit kanina mo pa ako pinipilit na umalis sa hall?" pagtatanong ni Edgar sa akin nang mapag-isa kami sa labas ng silid na pinagdadausan ng dinner meeting nila."Honey, alam mo ba na may gusto si Engineer Mondragon sa anak natin? Huh?" deretsong tanong ko sa kanya at napapasulyap pa sa loob.Hindi naman siya nagulat sa sinabi kong iyon at mukhang balewala lang para sa kanya ang lahat ng mga narinig niya mula sa akin."Hayss! Ano ba iyang mga pinagsasabi mo mahal ko? Papaano naman magkakagusto si Engineer sa anak natin? Tsismis lang ang lahat ng mga naririnig mo ano ka ba," bigkas niya sa akin at hinila na ako pabalik sa loob.Pero bago pa mangyari ang lahat ay marahas ko nang binawi ang kamay ko mula sa kanya na ikinagulat niya."Honey? Ano bang nangyayari sa iyo?" nagtatakang tanong na niya ngayon sa akin.Mariin akong napapikit at napasapo sa ulo kong sumasakit na dahil sa lahat ng mga nangyayaring ito.May hinala na ako noong una p
LYRA POV"Hindi ko alam na updated ka na pala ngayon sa mga nangyayari sa buhay ng anak ko, Mrs. Oroño? Bakit mo inuungkat ngayon ang mga maling nagawa ng anak ko? Dahil ba sa mga sinabi kanina ni Engineer Mondragon?" paturan ko nang tanong sa kanya na ikinataas baba ng dibdib niya.Nagpalipat-lipat ang tingin ng mga kasamahan namin sa aming dalawa at kung hindi pa nagsalita ang isa sa kanila ay baka sakaling hihirit pa sana siya ng mga masasamang sasabihin patungkol sa anak kong si Kylie."Tumigil ka na nga diyan Mrs. Oroño. Ano ka ba naman? Naiinggit ka ba riyan at ang anak ni Mrs. Clarkson ang nagustuhan ng panganay na anak ni Don Hitler?"Nagulat kaming lahat at sabay pa kaming napalingon kay Miss. Tuazon nang sabihin niya iyon. Hindi ko alam na nakikinig pala siya mula sa kabilang mesa sa mga usapan namin dito.Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa amin habang hawak-hawak niya sa kanyang kaliwang kamay ang isang kopita ng alak. Tiningnan niya kami isa-isa bago tuluyang huminto
LYRA POVNang makarating kami sa bahay ay agad kaming pumasok sa study room. Magkaharap kami ngayong tatlo dito at halos ramdam ko na ang kakaibang awra sa loob ng silid na ito. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang seryoso ng mangyayaring usapan ngayon sa pagitan naming tatlo.Biglang may kumatok at mula sa pintuan ay pumasok doon ang aming isa sa mga kasambahay. May bitbit itong isang tray na naglalaman ng tatlong tasa ng tsaa. Marahan itong lumapit sa amin at tsaka nito inilapag sa aming harapan ang kanyang mga dala. At nang matapos sa kanyang ginagawa ay mabilis itong yumuko sa amin at tahimik na lumabas ng silid.Ilang sandaling pumaibabaw sa amin ang isang mahabang katahimikan at si Engineer na mismo ang pumutol sa katahimikan na iyon."Gusto ko po sanang humingi ng paumanhin sa inasal ko po kanina sa dinner meeting Tita Lyra," panimula niya na ikinatigil ko.T-tita? Tinawag niya akong Tita?Hindi makapaniwalang nilingon ko si Edgar na siyang nasa tabi ko lamang. Marahan siyang tumango
KYLIE POV Tanghali na ng ako'y magising at pagkatapos kong kumain ay napag isip-isip kong maglakad lakad na lang muna sa may dalampasigan. Marami-rami na rin ang mga taong nakikita kong naliligo sa mapayapang dagat. At karamihan sa mga ito ay mga foreigner. Hindi masyadong mainit ang sikat ng araw kaya naman hindi na rin ito masyadong masakit sa balat kung maiisipan ko man na maligo ngayon. Umihip ang preskong hangin dahilan para liparin nito ang aking mga mahahabang buhok. Napapikit ako at ninamnam ang kapayapaang nararamdam ko ngayon. The breeze of the gentle wind and the sounds of the ocean added by the chirping of the birds. Sobrang nakakarelax sa pakiramdam. "Since how long are you planning to stay at this place?" Agad akong napamulagat nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. At nang lingunin ko ito ay agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya. Parang sa isang kisap mata ko lang ay nawala ang lahat ng kapayapaan na naramdaman ko kani-kanina lang. "Wh
KYLIE POV"I'm sorry.""I'm sorry about what happened."Halos sabay pa naming dalawa na sinabi iyon. Nagulat siya at ganon rin naman ako."What did you say?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.Napayuko ako at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang intensidad sa mga titig niya sa akin. Parang tumatagos iyon sa loob ko at may kung ano sa akin ang hindi mapakali kapag ginagawa niya iyon sa akin."I said...I'm sorry," ulit ko sa medyo niinis na tono."Bakit ganyan ang tono ng pananalita mo? Hindi naman ganyan iyong kanina ahh?"Napapantastikuhang tinitigan ko siya at nakita ko mula sa gilid ng labi niya ang isang multo ng ngiti."Iniinis mo na naman ba ako?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya."Ayan ka na naman. Kaya tayo hindi nagkakabating dalawa ay dahil diyan sa ugali mong iyan," nakaturong sabi niya sa akin habang nakapaskil na ang kanyang mga ngiti.Dumating ang order naming dalawa at iyon na lamang ang binalingan ko nang pansin. Habang siya naman a
KYLIE POVNanatili ako ng ilang mga minuto dito sa loob ng banyo at nang mahimasmasan na ako ay tsaka lang ako lumabas.Hawak-hawak ko ang aking magkabilang mukha sa paglalakad ko pabalik sa mesa namin. Ngunit natigilan rin naman ako nang makita ko ang isang babae na nakaupo na ngayon sa mismong upuan ko. Kaharap nito si Zamrick at sa nakikita ko sa kanilang dalawa ay mukhang seryoso yata ang pinag-uusapan nila.The woman is very beautiful. Isang tingin mo lang sa kanya ay alam mo na agad na nakapagtapos na ito ng kanyang pag-aaral at mayroon nang magandang trabaho. Hindi katulad ko na nag-aaral pa lamang at walang maipagmamalaki sa sarili kundi ang pagiging anak lang ng isang kilalang Clarkson.Nag-aalangan na tuloy akong bumalik pa sa mesa namin ni Zamrick. Bakit ba ako nag-iisip ng mga hindi magaganda at kailan pa ako naging conscious sa sarili ko tuwing nakakasama ko si Zamrick? Hayss!Muli ko silang sinulyapan at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-abot ng babae sa mismong kal
CARMELA POV "Engineer. Why are you even wasting your time on her? Unang kita ko pa lang sa kanya ngayon pero hindi ko na siya nagustuhan. She's a spoiled brat. Ni hindi niya nga ako pinakitunguhan ng maayos kanina. Talaga bang ganoong klase ng babae ang gusto mo?" sabi ko kay Engineer habang ang mga mata ay nakatingin sa pintuang nilabasan ni Miss Clarkson. Nang lingunin ko si Engineer ay nakita ko siyang nakatitig sa pintuang nilabasan ni Kylie. "Engineer?" tawag ko sa kanya para naman makuha ko ang buong atensyon niya. "I need to go now, Miss Oroño," biglaang sabi niya at tsaka nagbaba ng pera sa lamesa marahil ay para iyon sa inorder nila. "But...." Hindi ko na nadugtungan pa ang mga dapat ko pa sanang sasabihin nang sa malalaking mga hakbang siyang umalis din sa restaurant na ito. Where is he going? Susundan niya ba ang batang iyon? Dahil sa sobrang kuryosidad ko kaya napagpasiyahan kong sundan siya. Mabilis ang bawat lakad ko ngunit nang makalabas na ako ng restaur
KYLIE POVIt's been three days sinced the last time I saw Zamrick and his girl friend Carmela.Pagkatapos nang naging pag-uusap naming dalawa ni Carmela ay deretso na akong nagcheck-out sa hotel na iyon. I just can't stand another day or minute with them. Lalong lalo na at napapansin kong sinusundan ni Carmela si Zamrick.Napabuntong hininga na lamang ako at walang ganang napatingin sa designer na kausap ngayon ni Mommy. Nandito kasi kami ngayon sa isang boutique kung saan kami palaging nagpapagawa ng mga dresses. Magkaibigan na sila noong designer at kaya lang naman kami naririto ngayon ay dahil sa nalalapit na nga ang birthday ko. Kahit na sa susunod na buwan pa nga naman iyon ay talagang atat na atat na itong si mommy na magpagawa ng gown ko.Sinimsim ko ang juice na nasa mesa ko at ibinaling ko na lamang ang aking mga mata sa mga taong dumadaan sa labas nitong store."The motifs of the party is royal blue so I am expecting that the dress will be fit to it. I want something extrava
KAYE POVPagkatapos ng mga nangyari kanina ay minabuti na muna ni Nanay Neneth na pauwiin ako sa bahay. Hindi pa sana ako papayag nang ipagpilitan niya sa akin ang gusto niya dahilan para sundin ko na lamang nga siya.Marahan kong hinubad ang suot kong apron at tsaka ako nagpunas ng aking mga kamay."Sigurado po ba talaga kayo na ok lang po kayo dito mag-isa Nanay Neneth?" paniniguradong tanong ko sa kanya."Ok lang naman po sa akin na samahan po kayong magbantay dito Nay. Hindi ko naman po masyadong pinapansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan niyo po sa akin," dagdag ko pa.Mabilis naman siyang umiling-iling sa akin. At inabutan ako ng 500 pesos sa aking kaliwang kamay. Nagtatakang napatitig naman ako sa halagang iyon."Ok lang ako dito Kaye at tsaka isa pa ay mas mabuti na rin na mauna ka nang umuwi at nang makapag pamalengke ka na rin para sa hapunan natin mamayang gabi," mahabang sabi niya sa akin."Ok po," sagot ko na lamang sa kanya at tsaka na nagpaalam na aalis na.Lumapit ako
KAYE POVAbala ako sa pagpapaypay ng aming mga paninda nang may isang kostumer ang lumapit sa harapan ng mga paninda namin. At base sa itsura at postura ng suot nito ay mukhang turista pa ito."How much?" tanong nito sabay turo sa kumpol ng mga isdang tulingan na nakadisplay."280 per kilo sir," agad na sagot ko rito."How about this one? Is this new?" turo na naman nito sa ibang kumpol ng mga isda."This one is cost 250 per kilo sir. And yes it is new and still fresh. My father caught all of this early in this morning," tuloy-tuloy na sagot ko sa turistang kaharap.Nakita kong napatitig ito sa akin na tila ba manghang mangha siya sa akin."Ok then, I want to buy this one. Just a half of kilo if it is okay with you Miss?" nakangiting sabi nito sa akin."Sure!"Mabilis akong kumuha ng isang supot at agad na tinimbang ang isdang napili niya at nang maibigay ko ito sa kanya ay agad naman siyang nagbayad sa akin ng tamang halaga."You know I've been always here in Matnog and this is the v
ZAMRICK POV"Kuya," tawag ni Leon sa akin na kararating lang.Deretso siyang naupo sa upuang nasa harapan ko at marahan niyang sinuyod ng tingin ang buong lugar."Anong gusto mong sabihin sa akin, Kuya?" tanong niya sa akin.Nagtawag siya ng waiter para sa order niyang alak.Nandito kami ngayon sa isang nightclub. Kahapon kasi ay tinawagan ko siyang makikipagkita ako ngayon sa kanya at may importante akong dapat na sasabihin sa kanya."May pabor aka sa iyo, Leon," bigkas ko habang prenteng nilalaro ang alak na laman ng aking baso.Mukhang nakuha ko naman ang buong atensyon niya dahil agad na kumunot ang kanyang noo sa akin."What is it?" seryosong tanong niya sa akin.Dumating ang inorder niyang alak at nang matapos itong mailapag ng waiter sa mesa namin ay tsaka lang ako nagpatuloy."I need a break. Alam mo na ang ibig kong sabihin Leon," pakli ko tsaka marahas na tinunga ang aking alak.Marahan naman siyang tumango tango sa akin na tila ba naiintindihan niya ang ibig kong sabihin."
ZAMRICK POV "What is happening to you Zamrick?! Hindi ka naman dating ganito ahh? Sa nakalipas na tatlong taon ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagtuunan ng pansin ang paghahanap kay Kylie! Nakamove on na ang lahat hijo. Ikaw na lamang ang hindi!" Biglaang sabog ni Mama sa akin nang maabutan niya ako dito sa condominium ko na lasing. Sahalip na lingunin siya ay inabot ko na lamang ang isang bote ng alak. Nagkalat dito sa sala ang mga bote ng alak na ininom ko kung kaya'y ganoon na lamang ang biglaang galit niya sa akin. Tss! Who cares anyway? Akmang iinumin ko na ito nang marahas niyang inagaw sa akin ang boteng hawak ko at pagalit na inilagay ito sa mini table na naririto. "Pwede bang tumigil ka na, anak!" sigaw niya sa akin at nagsimula na siyang umiyak. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak pero anong magagawa ko? Kung ako nga mismo ay nasasaktan at nagdurusa rin sa kaloob-looban ko. "This is not you, son. Please, bumalik ka na sa dati. Ibalik mo ang dati
KAYE POV Mabilis akong inalalayan ni Kapitan at agad niya akong inilayo doon tsaka ipinaupo ako sa upuan. "Masakit ba? Tingnan ko nga," anas niya at agad na inabot ang aking kamay na napaso. "O-ok lang ako. Hindi naman ganoon ka lala ang nangyari sa akin," sabay bawi ko sa kamay na hawak-hawak niya. Halos sabay pa kaming dalawa na napatingin sa bukana ng kusina nang pumasok sina Nanay Neneth at Mang Roque doon. Maging ang mga baranggay tanod ay nakasunod sa kanila. "Anong nangyari, Kaye? Narinig namin ang pagsigaw mo. Ok ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Nanay Neneth sa akin at kaagad akong nilapitan. Mabilis namang gumilid si Kapitan upang mabigyang daan si Nanay Neneth sa akin. "Ok lang po ako, Nay. Napaso lamang po ako," sabi ko sa kanya at nilingon sina Mang Roque. "Pasensya na po sa abala at napasugod pa po tuloy kayo rito sa kusina. Pasensya na po talaga," hinging paumanhin ko sa kanilang lahat. "Naku! Sobrang pula na ng kamay mo, Kaye. Halika sa sala at nang malagya
KAYE POV "Kapitan, a-anong pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko sa kanya. Marahan siyang ngumiti sa akin at humakbang papalapit sa akin. Napatingin naman ako sa ginawa niyang iyon. "Sinabi ko na sa iyo, Kaye. Huwag mo na akong pino po. Magkaising edad lang naman tayong dalawa," ngiti niya at deretso akong tinitigan sa aking mga mata. Napalunok ako at agad na nakaramdam nang pagkaasiwa sa kanya. Bakit ba siya ganyan? Hindi niya ba napapansin na iniiwasan ko nga siya? Hindi niya ba napapansin na hindi ako komportable sa mga ginagawa at ipinapakita niya sa akin. "Pwede bang tulungan na kita diyan sa mga ginagawa mo, Kaye?" tanong niya sa akin tsaka tumabi sa akin at tiningnan ang mga gulay na nasa mesa. "Ahmm..." litong anas ko at hindi na ako nakaangal pa nang abutin niya ang isang sibuyas at sinimulan nang balatan at hiwain iyon. Kahit na naiilang ay hindi na ako umimik pa at hinayaan na lamang siyang gawin ang gusto niya. "Ahm..Kaye, malapit na ang pista rito sa bayan n
KYLIE POVMarahan akong pumasok sa maliit na gate ng bakod na gawa sa patpat ng mga kawayan. At tsaka dahan-dahang umakyat sa may kaliitan at iilang baitang ng balkonahe nitong bahay. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaakyat ay agad nang nakatayo si Kapitan at dali-dali akong inalalayan papaakyat sa balkonahe."Salamat po, Kapitan," marahang anas ko sa kanya ng tuluyan na akong nakaakyat.Isang ngiti ang kanyang iginawad sa akin."Huwag mo na akong pino po, Kaye," ngiti niya at naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kaliwang kamay na hawak-hawak niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinilabutan sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay hindi ito pwede at para bang may kung ano sa loob ko ang nagsasabi sa akin na may kung sino man ang magagalit sa ginawa niyang iyon sa akin.Mabilis pa sa alas kwatro kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kanya."Mang Roque, pasensya na po at natagalan na naman ako sa
KAYE POV Nakatanaw ako ngayon sa napakalawak na karagatan at halos ramdam ko pa sa aking mukha ang pagdampi ng malamig na hanging amihan. Bawat paghampas ng alon dito sa baybayin ay talagang hindi ko mapigilan ang mapatulala. At habang nakatitig ako sa kawalan ay may kung ano sa akin ang kulang. Pakiramdam ko ay may napakahalaga at importanteng bagay sa akin ang nawawala at hindi ko alam kung ano ba ang bagay na iyon. Napabuntong hininga na lamang ako habang tinititigan ang papalubog na araw sa may kalayuan na dagat. Panibagong araw na naman ito sa akin. Tuwing hapon na talaga ako dito sa maliit na kubo at tulalang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa karagatan at ni hindi ko alam kung bakit ko ba ito palaging ginagawa. Wala sa sariling napahaplos ako sa aking suot na kwentas. Sino ba talaga ako? Bakit nararamdaman ko ang lahat ng mga nakakalitong bagay na ito sa buhay ko? "Ate Kaye!!! Ate Kaye!!" Napalingon ako sa bandang kanan ko at doon nakita ko si Timothy na tumatakbo sa
KYLIE POV Malamig. Madilim. At ramdam ko sa aking mukha ang iilang patak ng ulan gayon din ay rinig na rinig ko rin ang tunog ng paghampas ng alon sa aking katawan. Mamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko? Nakakatakot. Natatakot akong mamatay sa ganitong klaseng paraan. Kakainin ba ako ng mga pating o magpapalutang lutang na lamang ba ang katawan ko dito sa karagatan. Muling nanlabo ang paningin ko at isang pag-igik ang aking pinakawalan nang makaramdam ako nang sobrang pagkasakit sa aking ulo. Ang aking natitirang lakas para sa aking paglangoy ay tuluyan ng nawala. At pakiramdam ko ay muli na naman akong nilamon ng tubig papunta sa pinakapusod ng karagatan. ( After 3 Years ) ZAMRICK POV "Please, Zamrick, tigilan mo na ang lahat ng ito! Kylie is dead! Hindi na siya babalik pa!" sigaw ni Mommy sa akin ng umuwi na naman akong lasing sa bahay namin. Marahan ko lang siyang sinulyapan at nakita ko pa si Leon sa kanyang likuran na tahimik lamang na nakatingin sa aming dalawa