Nang makalabas kami ng network sumakay kaming dalawa sa sasakyan. Tinignan ko pa siya at hinawakan ko ang mahaba niyang buhok unang beses ko 'yon mahahawakan."Masakit pa?" tanong ko naman sa kanya pinasok ko ang susi ng sasakyan sa engine."Hindi mawawala ang sakit grabe kung manabunot ang ex mo sanay manapak," sagot niya at pina-andar ko na ang sasakyan sa parking lot."Ako na ang humihingi ng sorry sa ginawa niya sa'yo hindi lang niya matanggap na may babaeng papalit sa pwesto niya sa piling ko," bulalas ko naman sa kanya natahimik na lang siya bigla."Naalala ko lang, Allen mabuti na lang talaga hindi mo nabanggit sa kanya ang tungkol kay Yeona panigurado ganyan ang gagawin niya kay Yeona at dahil same place sila ng bansa hahanapin niya doon si Yeona." sabi naman niya sa akin.Natahimik naman ako bigla sa binanggit niya.Oo nga, kung sinabi ko kay Mariella ang tungkol sa first love ko gagawin niya 'to. Ngayon ko lang naisip na mabuti at hindi ko 'yon na-kwento sa kanya at sa dalaw
Gustuhin ko man na manatili dito na kasama siya ayokong masaktan at madurog ang puso ko ng dahil sa kanya...hindi niya ako mahal eh..."Mama, okay ka lang?" tanong niya ng pauwi na kaming dalawa sa mansyon.Hindi siya pumayag na mag-stay sa mansyon nila na kasama ang ate Andrea."Oo, okay lang ako...nag-iisa ang ate mo sa mansyon nyo doon muna kaya tayo ng ilang buwan, sa palagay mo?" bulalas ko naman sa kanya habang binabagtas namin ang kalsada pauwi sa mansyon.Huminto siya sa pagmamaneho dahil sa stop light minasdan muna niya ako bago siya sa magsalita."Bakit mo sinabi na posible na bumalik ka sa Korea, ayaw mo ba na matuloy ang relasyon natin sa totoo?" tanong naman niya natahimik naman ako sa binanggit niya."Ayaw ko masaktan at ayokong umasa na posible na mahalin mo ako, Allen nandyan pa si Mariella at Yeona sa puso mo." kaila ko naman sa kanya alam ko na ako si Yeona gusto ko lang makita ang sinseridad niya sa akin.Tinignan naman niya ako sa mata ko at nagsalita ako ulit sa k
May kumausap sa akin na management officer pagkatapos namin ilantad ang relasyon namin. Sinamahan pa ako ni Allen sa management office para linawin ang lahat na balitang kumakalat dahil alam namin na bawat galaw namin ngayon may mga matang naka-matyag sa paligid namin.Tinawagan pa ako ng manager ko sa Korea pati ang magulang ko tumawag sa akin alam kong nabalitaan nila ang tungkol sa pagpapa-kasal ko. Kilala nila si Allen kaya hindi na ako nagulat ng pagalitan nila ako nung tawagan nila ako.Ayaw nila na masaktan ako ni Allen dahil hindi na nila kilala nang lubos ito. Sinabi ko naman sa magulang ko na susubukan akong mahalin ni Allen kung sino ako ngayon at hindi kung sino ako nung nakilala nito.Habang naglalakad kaming dalawa sa hallway papasok sa network hindi namin pinapansin ang mga chismosa't-chismosong repoter nasasalubong namin at mga taong nag-kwentuhan tungkol sa aming dalawa."Wag na wag mo sila pakikinggan sa mga sinasabi nila dahil alam naman natin ang katotohanan," sag
Nasa byahe na kami ngayon papunta sa Quezon Province naka-sandal ako sa balikat niya humikab pa ako."Manager, after ng shoot ko ngayon may gagawin pa ba ako?" tanong niya humihikab na lang ako inaantok talaga ako."Wala na masyado may gagawin ba kayong dalawa?" tanong ng manager niya sa kanya dilat na dilat ako kaya alam ko ang pinag-uusapan nila."Gusto ko sana mamasyal kaming dalawa dito Quezon Province biglaan man ang desisyon ko at hindi niya alam 'to dito namin sisimulan ang honeymoon vacation namin," sagot naman niya tinapik ko naman siya sa narinig ko mula sa kanya.Tinignan kaming dalawa ng mga kasama namin bago natawa."Naistorbo pa namin ang honeymoon nyo, hm..sige, magpapa-sundo kami sa anak ko at maiiwan sa inyo ang van para magamit nyo sa pamamasyal." sabi sa amin ng manager nakita ko na ngumingisi sila kaya para akong nahiya sa sinabi niya sa mga kasama namin."Namula tuloy ang mukha ni Kim Joon ikaw ba naman ganyan ang sinabi mo sa harap mismo ng ibang tao at sa harapa
Nag-kwentuhan kaming dalawa tungkol sa magulang ko nang magtanong siya hindi naman ako nagtago ng sikreto sa kanya."Ang magulang ko may sarili nang pamilya nung high school pa ako independent na ako sa buhay ang kasama ko palagi ang kaibigan ko noon," kwento ko na lang hindi pa siya inaantok kahit sinasabi ko ng matulog na dahil may trabaho pa ito kinabukasan.Nakahiga lang kaming dalawa sa kama kahit ganoon ang set-up namin hindi siya katulad ng ibang lalaki na "Sino ang kasama mo nung naninirahan ka ng mag-isa?" tanong niya sa akin."Si mommy nung una bago siya sumama sa bago niyang asawa hanggang sa mag-isa na ako naninirahan kasama naman ang kaibigan ko," sagot ko naman sa kanya.Sinabi ko na kahit ganoon ang naging buhay ko hindi naman ako nagpabaya sa buhay.Kinabukasan, nag-almusal muna kaming dalawa kasama ang manager niya."Kamusta ang pamamasyal nyo nag-date kayo gusto nyo masolo pwede ako sumama sa kanila pabalik ng Manila," sabat naman ng manager/ninong niya."Maayos nam
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdam ko ng makasama ko siya. Tapos, ang 'yong pakiramdam na siya ang gusto kong maging ina ng anak ko hindi ako ganito sa ex-girlfriend ko."Salamat at dumating ka nung panahon na hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko," bulalas ko na lang sa kanya nang pauwi na kaming dalawa sa Manila.Hinalikan niya ako sa pisngi ko at umiiyak siya sa harapan ko niyakap ko na lang siya ng mahigpit."Kaunti na lang, Mama ko at ikaw na ang papalit sa pwesto ni Mariella," bulong ko sa kanya tumango na lang ako."Huwag mo pilitin, Allen hindi kita pipilitin kusa mo sana ako na mahalin." pahayag niya sa akin.Walang pamimilit, Kim Joon huwag mo 'yan iisipin.." sabi ko na lang sa kanya."Gusto kita, Allen at alam ko sa sarili ko na habangbuhay na ito hindi ko alam kung saan nagsimula pero, hihintay kita, I love you." sagot niya sa akin.Hinalikan ko siya sa noo at sumandal na siya sa balikat ko. Pauwi na kaming dalawa sa bahay ng magulang ko doon muna kami nakatira kasama
Nagulat kami nang sabihin sa amin ni ate Andrea na isasama niya sa pagbabalik ang pamangkin ko. Kasama ni ate ang pamangkin ko nang sunduin namin sila ng asawa ko sa airport mabuti na lang naka-suot kaming apat ng facemask walang makaka-kilala kaagad sa amin.Sa nakalipas na taon, hindi niya sinasama ang pamangkin ko sa pag-uwi sa bansa.Ano kaya ang nakain ng kapatid ko?First time ng pamangkin ko sa bansa at naging close kaagad sila ni Kim Joon at nang magulang nito nung una sila nagkita-kita dahil malapit sa mga bata ang asawa ko.Naghahanda na ang lahat para sa christmas eve ng buong pamilya. Gusto kong kausapin si ate ng kaming dalawa lang nang mapansin ko siya na nag-iisa siya nilapitan ko siya kaagad."Ate, alam na ba ni kuya Jin ang tungkol sa anak nyo?" bungad ko sa kanya habang nakatayo kaming dalawa sa veranda.Busy ang mga kasama namin sa pag-hahanda dumating din ang bagong pamilya ng magulang nang asawa ko."Hindi ko pa sinasabi sa kanya," sagot naman sa akin ni ate nakat
Kabado man ako, I'm ready to give myself to him dahil para naman talaga sa kanya ang iniingatan ko.Nang lumabas ako sa banyo nakita ko siya na nakatingin sa wedding picture naming dalawa na hawak niya."Allen," tawag ko sa kanya nang tinabihan ko siya sa gilid ng kama namin."May naging boyfriend ka ba sa Korea?" bulalas niya bigla habang nakatingin sa wedding picture namin kumunot ang noo ko sa tanong niya.Ano kaya ang koneksyon sa sasabihin niya ang tanong niya?"Wala ako naging boyfriend sa Korea may manliligaw naman ako pero wala ako nagugustuhan sa kanila," sagot ko naman sa kanya humilig ako sa braso niya pinabayaan naman niya at hindi inalis ang braso ko sa kanya.Nilingon naman niya ako at parang iniisip ang sasabihin sa akin."May naging ex ka?" bulalas naman niya kinurot ko ang baywang niya napa-ilag siya bigla.Seloso ang mahal ko..."Wala, NBSB ako." pag-amin ko gusto kong sabihin na ikaw lang ang lalaking minahal ko."Wala kang nagustuhan na lalaki man lang?" pahayag na
After 3 years (2064) In Seoul Grace Church, nagpunta kami ng anak ko doon para mag-pray. Madalas na umaalis ako ng Pilipinas dahil sa fashion week na dinadaluhan ko kaya akala ng iba hindi na ako umaakting. Nag-iba ako ng craft ngayon huminto na ako sa pagkanta at paggawa ng mga kanta. Minsan, sa Korea ako nag-stay para dalawin ang anak ko kumakalat pa ang balitang hiwalay na kami ng asawa ko natatawa na lang kami at nina ate Andrea sa nababalitaan namin. Lumingon ako nang tawagin ako ng anak ko. "Pillipin-e issneun appaleul eonje bangmunhalkkayo?" sabi ng anak ko sa akin at habang nasa loob kami ng simbahan. (When will we visit my dad in the Philippines?) Lumingon naman ako at tumingin sa kanya. "Ulineun pillipin-e issneun jib-eulo dol-agabnida. salamdeulgwa geuui paendeul-eun dangsin-ui appawa naega heeojyeossdago ohaehajiman sasil-i anibnida." sabi ko naman sa anak ko. (We are going home to the Philippines, people and his fans have mistaken us that your daddy and I have sep
Nag-kwentuhan kaming nang may mabanggit ako sa kanya. Napalingon tuloy siya sa akin at parang ayaw niya ang sinabi ko."Alam mo, Allen naiisip ko sa Korea ulit mag-aral si Ai." kwento ko naman sa kanya habang nasa kama kaming dalawa at nagpapahinga. "Ayaw mo ba na dito lumaki si Ai sa Pilipinas?" bulalas naman niya tumingin siya bigla sa akin."Gusto ko syempre kapag callege na siya ang tinutukoy ko," nasabi ko na lang sa kanya."Ibig mong sabihin sa Korea na tayo titira?" tanong naman niya may mansyon sila dito pati sa Australia."Hindi, siya lang kasama ng lolo at lola niya dadalawin na lang natin siya doon." sagot ko. "Akala ko ngayong high school na siya mag-aaral sa Korea," sabi niya."Hindi, pumunta kaya tayo sa puntod ng magulang mo habang rest day natin si Ai nasa school pa pagkatapos, pagpunta sa sementeryo sunduin natin siya." sabi ko at hinawakan ang dibdib niya."Maya-maya, ma inaamin ko sa'yo hindi ko inaasahan na magiging ganito ang buhay ko hindi maganda sa simula ang
Day 1Sa Kawit, Cavite City, nandito kami ngayon para sa taping na malapit nang matapos. Nagsabi ako na mahuhuli kami nang pagpunta.Lumingon silang lahat ng tawagin ng director. Nandoon na kami ng asawa ko at hindi lang nagpa-halatang nakarating na kaming dalawa."Guys, completed na ba ang lahat?" bulalas naman ng assistant director sa amin palipat-lipat ang tingin nito."Wala 'yong mag-asawang Dalton," bulalas naman ng staff sa assistant director.Ano kaya ang pinag-uusapan nila?"'Len, ano kaya ang pinag-uusapan nila?" bulong sa akin ng asawa ko."Nag-text sa akin si Allen ihahatid lang nila ang kanilang anak sa school," sagot naman ng assistant director sa kausap nito."Pinagsasabay nila ang hatid sa school ng kanilang anak at punta sa schedule ng trabaho nila," sagot ng staff sa mga kasama.Nagka-tinginan sila ng tingin at walang nagsalita kaagad."Hindi nila tayo agad mapapansin kung hindi ka mag-iingay," bulong ko naman at nag-sign ng hintuturo sa labi ko."Ang hirap ng ginagaw
6 month later, nasa loob na kaming tatlo ng airplane para bumalik ng Pilipinas.Tumagal kami sa Korea dahil tumulong ako sa case ni Mariella at nang asawa ko. Nagka-ayos na ang pamilya namin naawa na lang kami sa nangyari kay Mariella sa ganda niya at ugali niya natuluyan na ito."Marami tayong gagawin pagbalik sa Pilipinas," paalala ko naman sa kanya."Marami nga, mama ko lalo na ang taping ng teleserye at shooting ng bagong movie mo na-delayed." sagot naman niya sa akin."Okay lang 'yon, hindi na nababanggit ng anak natin ang tungkol kay Sam." sagot ko naman at hinimas ang ulo ng anak na natutulog sa tabi ko.Tinignan namin ng sabay ang anak namin at nagsalita siya."Tama ka," sagot naman niya sa akin.Nang nakarating kaming tatlo sa NAIA airport bumaba na kami sa airplane maraming pasahero ang kasabay namin sa pagbaba. Umiwas naman ako sa mga taong tumitingin at nasasalubong na tao sa hallway ng airport.Hinintay lang namin ang asawa ko na kinukuha ang gamit namin. Nakita ko na hum
Ang sakit ng batok ko kakatingala at hinawakan ko ito. Ano kaya ang ginagawa ni Allen?Pinahinto na kami ng director sa eksena dumeretso naman ako sa tent at kinuha ko ang gamit ko tinignan ang cellphone ko kung may text ang asawa ko.Pauwi na siguro siya sa bahay napalingon ako ng tabihan ako ng personal assistant ko."Nasaan si Allen, Yeona?" tanong ng personal assistant ko sa tabi ko nang maka-lapit ito."Hindi ko alam kung saan siya nagpunta ang sabi niya lang may pupuntahan siya, I trust him." sagot ko na lang hindi lahat nangyayari sa aming pamilya kailangan namin i-kwento kahit pinagkaka-tiwalaan namin sila may limitasyon na ngayon.May lumapit sa akin at nakita ko ang katambal ko. Nag-vibrate ang hawak kong cellphone at bumungad sa screen ko ang message ng asawa ko.Text messagePapa ko: Ma, pauwi na ako sa bahay.Binalik ko sa loob ng bag ang cellphone ko at nagpa-ayos ng make-up nabura sa pag-iyak ko kanina kaya pina-ayos sa make-up artist.Nang matapos ang taping namin nag
Habang nag-almusal kami sa dining table kinausap ko ang anak ko tungkol sa matandang lalaki nakausap nito."Aiyan, your mommy told me that you talked to an old man and you even let him into the mansion, we told you not to talk to people we don't know." sambit ko naman sa anak ko."Sorry, it will not happen again that he told me his name and he would talk to you, daddy." sagot naman sa akin ng anak ko."Did he tell you, where we talk, anak?" tanong ko sa anak ko at uminom ng kape."Dito daw, dad tomorrow at noon he knows that you are the actor and singer, daddy." sagot naman ng anak ko sa akin."May schedule ba tayo bukas?" pagtatanong ko sa asawa ko nang lumingon sa tabi ko."Tanungin mo si manager kung meron wala sa akin ang schedule list mo nasa kanya ang lahat," sagot niya naman sa akin."How did you and he say that I would agree to talk to him?" bulalas ko naman sa anak ko nang balingan ko ng tingin."I will call him and tell him that, dad he gave the number of his cellphone yeste
After 6 weeks laterMuli kami nag-taping para sa pagtatapos ng teleserye namin. Kumpleto ang buong cast, productions at iba pa dahil kasabay nito ang huling pagkikita namin.Magkikita na lang kami kapag sisimulan ang pilot episode ng teleserye."Maganda ang anak nyo medyo hawig mo mas malakas ang dugo mo," kwento ng kasamahan kong celebrity sa asawa ko."Sabi nga ng kamag-anak ko," narinig kong pahayag niya sa katabi niya."Siguro susunod sa yapak mo ang anak nyong dalawa," bulalas naman ng kausap niya.Hindi naman kaagad nagsalita ang asawa ko dahil kahit anong gusto ng anak namin susuportahan namin katulad ng magulang ko noon sa amin."Hindi natin masabi kasi katulad nina ate Andrea at Allen sumunod sila sa yapak ng magulang at saka, iba na ang isip ng kabataan ngayon." sabat ng isa pang katabi nila."Depende sa kanya kung ang gusto niya maging katulad namin ng mommy niya wala kaming magagawa para sa akin ayokong maging katulad niya kami gusto ko maging isang normal na dalaga ang an
2 months ago, nalaman naming dalawa na tuluyan nang nabaliw si Mariella. Sinabi ito sa amin ng magulang niya napag-isipan namin na dalawin siya para personal itong makita mula sa malayo tanaw namin siya nang puntahan namin siya.Kasama namin ang isa sa bodyguard namin at tatlong nurse nang humiling na lapitan ito."Akin ka!" sigaw ni Mariella nang makita ako nang lumapit kami sa dating girlfriend humarang ang bodyguard ko ng lalapitan kaming dalawa."Hindi na ako magiging sa'yo may pamilya na ako, Mariella at masaya na ako sa buhay ko magpagaling ka para sa magulang mo," sabi ko sa dating girlfriend ko."Anong meron na wala ako!?" tili ni Mariella hinahayaan nila na mapagod ito para maturukan ng injection."Mula sa simula siya lang ang babaeng minahal ko ng sobra inaamin kong minahal kita hindi nga lang tulad sa asawa ko!" sigaw ko naman sa kanya."Bakit hindi mo ba ako minahal ng lubusan?" sigaw ni Mariella sa akin.Ako ba minahal mo ba ako ng totoo, at habang may tayo bakit nagawa m
Ako naman ang naghahatid sa anak namin. Napag-desisyunan na palitan ang sundo at hatid na gagawin namin tuwing kada linggo."Bye, dad!" kaway sa akin ng anak ko nang pababa siya ng sasakyan ko."Bye, anak see you later!" sabi ko sa anak ko."Yes, dad see you later." sagot sa akin ng anak ko humalik pa sa pisngi ko at sumama sa nanny robot naghihintay sa labas.Kita ko pa rin sa mga tao na hindi sila sanay na hindi tao ang kasama ng anak ko. Marami nang nagbago sa nakalipas na taon nag-upgrade ang technologies at iba pa.Inutusan ko ang driver namin na pumunta sa lokasyon nang taping ko. Nang nakarating ako nagsisimula na ang taping nakita ko ang eksena hahalikan ng isang actor ang asawa ko sa labi. Umiwas ako ng tingin naglakad ako papasok sa dressing room tent normal ito sa industriya namin hindi ko lang mapigilan makaramdam ng pagseselos.Professionalism ang iniisip ko palagi sa sarili ko."Allen, heto ang script mo ngayong araw ang asawa mo may bed scenes na gagawin sinabi ko na sa