Raya Arellano
Katahimikan ang bumabalot sa lugar na kinaroroonan ko ngayon. Masyadong mapayapa, bagay na bagay sa akin upang matahimik naman ang buhay ko.
Ang mga tao sa paligid, hindi ka nila pakikialaman hangga't hindi mo sila ginagambala. Saang lupalop ba ako napunta? Isang kakaibang lagusan ang napasukan ko kanina at hindi ko akalaing dito ako dadalhin no’n.
May nakasalubong akong lalaki, hindi maganda ang aura niya. Mukhang may masamang binabalak kaya kailangan ko ring mag-ingat. Walang sinuman ang dapat makaalam sa tunay kong katauhan.
Ang maaliwalas na kalamgitan ay napalitan ng kadiliman. Ang mga tao kaninang walang pakialam sa ‘yo ay tila ba nag-aamok na ngayon. Ano ba ang kinalaman ng dilim na ito sa mga tao?
Ang anyo ng mga tao ay nagiging kalahating halimaw. Oo, parang katulad ng sa akin ngunit ang pinagkaiba lang ay may parte lang sa kanilang katawan ang nagbabago.
Napatingin ako sa itim na kalangitan at nakita ko an
Eli RobinsonMaagang pumasok si Eli sapagkat nagkaroon siya sama ng loob sa kaniyang ama at ayaw niya na muna itong makita.Pagkababa niya sa kotseng kinasasakyan, bumungad sa kaniya ang mga kababaihang hindi magkanda-mayaw na masilayan siya."Ang guwapo niya talaga!""Ang hot pa! Busog na busog na ang mga mata ko!""Makalaglag panty ka talaga Eli!""Puwede na ba kitang iuwi? Akin ka na lang, please!""Hay, nakakaasar talaga ‘yung mga babaeng iyan. Puwede namang huwag na nilang ipangalandakan sa buong campus ang mga katagang iyon," saad niya habang naglalakad sa loob ng campus patungo sa kaniyang silid-aralan.Napatigil siya sa paglalakad nang biglang sumulpot sa kaniyang harapan ang isang babae na mukhang clown dahil sa sobrang kapal ng kolorete sa kaniyang mukha."Eli Robinson, mahal kita! Matanggap mo sana itong regalo ko! Mahal iyan, binili ko pa iyan sa France!" wika nito na mayroong nakakahumindig na ngiti.
Cazandra ReyesHindi ko naman pinapangarap na magkaroon ng marangyang buhay, basta buo at masaya lang ang aking pamilya ay sapat na sapagkat hindi matutumbasan ng pera ang saya ng bawat-isa."Cazandra, ano ba? Late na tayo!" sigaw ni Edith na aking kaibigan na nasa labas ng aming tahanan.Baru-baro lang ang aming tirahan sa ilalim ng tulay. Mga tagpi-tagping kahoy ang nagsisilbing pundasyon ng aming bahay upang manatili itong matatag."Ayan na ako! Sandali lang!" tugon ko habang inaayos ko ang aking gamit na dadalhin patungong eskuwelahan.Fourth year high school na kami ngayon ni Edith at isang linggo na lang, gagradweyt na kami.Gusto kong maging chef someday ngunit wala kaming pera upang maipangmatrikula lalo pa't mahal ang matrikula kapag nasa kolehiyo ka na. Pero naniniwala ako na makakamit ko rin ang pangarap ko kapag nagsumikap ako."Ang bagal mo! Don't tell me na… nangangarap ka na naman ng gising?" bungad niya sa akin
Clyte Javier"Nakakaasar talaga! Lagi na lang akong top 2 siya na ang laging top 1! Kailan ko ba masusungkit ang puwesto na inaasam-asam ko? Ngayong 4th year high school na kami ay hindi ko pa rin siya matalo-talo! Ayaw ko nang maging top 2! Sawang-sawa na ako! Ayaw ko na ng ganito! Gusto ko ay maging valedictorian! Hindi puwedeng maging salutatorian lang ako kasi kasiraan iyon sa pangalan ng pamilya namin! Lahat ng miyembro ng aming pamilya ay nakamit ang pagiging valedictorian, hindi ko puwedeng sirain ang legasiyang nasimulan namin!" sambit ni Clyte habang nagkakakampag at inis na inis.Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kaniya, nasa canteen pa naman din siya kaya siya ang center of attraction doon.Nakaupo siya sa may table habang hinihintay ang dalawa niyang kasamahan na um-order ng kanilang pagkain."O, nagmumuryot ka na naman diyan. Kahit kailan talaga ay ayaw mong natatalo ka…" sambit ni Georgia habang bitbit nito ang kanilang p
Arvee CruzPagmulat ko ng aking mga mata, bumungad sa akin ang mga apparatong nakasaksak sa aking katawan. Nakagapos ako sa isang matigas na higaan na para bang pag-e-experimentuhan. Nawindang ako nang makita ko ang isang lalaking may hawak na ineksyon sa 'di kalayuan. Kinabahan ako bigla, tumibok nang pagkabilis-bilis ang aking puso.Kinislot-kislot ko ang aking katawan ngunit hindi ko magawa. Ang katawan ko'y parang patay, hindi ko maigalaw. Nais ko ring magsalita ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig. Ano ang ginawa niya sa akin?"Mabuti naman at gising ka na, Arvee," bungad niya sa aking harapan sabay ngiti na nakakaunsyami. Itinaas niya ang ineksyong hawak at unti-unting inilapit sa akin."Kung hindi ka mapupunta sa akin, sisiguraduhin kong hindi ka mapupunta sa kaniya…" turan niya habang humahalaklak na parang tinakasan na ng bait. Kamukatmukat ko, isinaksak niya na pala ang ineksyon sa aking braso. Tumirik bigla ang aking mata, nangingisay
Hailey BorromeoUmihip nang pagkalakas-lakas ang hangin habang ako'y naglalakad sa gitna ng kalsadang nababalutan ng dilim. Hindi ko batid na masama pala ang lagay ng panahon ngayon kaya heto’t sawing palad at lupaypay ako habang patuloy sa pagtahak ng daang walang patutunguhan.Ang bawat tao sa paligid ay pawang mga nagkukubli sa loob ng kanilang mga tahanan. Hindi nila alintana ang lamig sapagkat may init na dumadahop sa kanilang katawan. Hindi gaya ko, ni walang masilungan.Patuloy ako sa paglilibot sa madilim na daan. Tanging langitngit lamang ng mga kawayan sa aking bandang tagiliran ang iyong maririnig. Magugulat ka rin sa kaluskos ng mga dahon sa puno na pawang nagbabadya ng piligrong darating.Sa aking pagbagtas sa daang karima-rimarim, ang mga yabag ko'y nagmistulang mabigat. Bigla akong kinilabutan ng mapadako ang aking tingin sa may puno ng kawayan na tatlong magkakadikit, isang babaeng nakaputi ang kumakaway sa akin. Nagsitaasan ang laha
Caelum MarasiganSa pagtudla, huwag mabahala. Hindi ka maaaring maawa sapagkat siya ay madaya. Buhay ay giginhawa kapag misyon ay naisagawa na. Kaya huwag magpabaya, kalaba'y taningan na.Hindi maaangkin, kung hindi mo nanaisin. Kakayahan ay aanhin kung ito'y hindi mo gagamitin. Kaba ay balutin, lumuhod at manalangin. Ika'y diringgin, pag-ibig sa kapwa'y pagyabungin.---Ako'y sawang-sawa na puro pagpasok na lang lagi sa eskuwela. Wala rin lang namang kuwenta at ang kanilang tinuturo ay paulit-ulit pa. Marahil ako'y naaalibad-baran pa na makita ang mga kaklaseng matsura.Mga gurong nagbibigay dunong ay pasakit sa mga kaklaseng nagmamarunong. Hindi naman masagot ang iyong tanong. Marapat lang na sila'y pakainin ng talong.Mga literaturang nakakadugo ng ilong, sa utak ko'y parang mga tipaklong. Sa tainga nama'y parang bubuyog na bulong nang bulong. Aklat at panulat sa aki'y nakakandong. Kaya utak ko'y paikot-ikot na parang isang gulong.
Hope CrisostomoAng pag-ibig ay sadyang makapangyarihan, hindi mo alam kung kailan ka tatamaan. Palaso ni kupido sa puso'y tumarak man. Huwag pigilan, ito'y hayaan. Ang dalawang pusong nagmamahalan, kayamanan sa mga magkasintahan.Kasakiman sa kapangyarihan, dulot ay kayabangan. Kalaban ay susunggaban, lilipulin ang sinumang humadlang. Mamamayani ang kasakiman sa mga taong walang pakundangan. Kahit hindi kaniya ay paghaharian.Kaparusahan ang kapalit sa mga taong puno ng galit. Poot na nagngingitngit, nawa'y mapalitan ng malasakit. Puso'y maaakit sa mga mabubulaklak na salitang binabanggit. Kaya maging malimit sa mga salitang ginagamit.Kapwa'y mahalin, huwag maliitin, huwag inggitin. Bagkus, ito'y marapat na galangin. Kahit saan ka man dalhin, huwag sanang maging mahangin. Maging mataimtim, kaligtasa'y hilingin.Matutong makuntento, sa kayamanang natamo. Huwag maghuramentado, kung kalaba'y nanalo. Tanggapin ang pagkatalo, maging kalmado. Baunin an
Whitecat GarfieldNandito ako ngayon sa kagubatan para magsanay. Kailangan kong magpalakas upang makapaghiganti sa mga kalahating aso dahil sa paglalaspangan nila sa aking pamilya.Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula nang humangin sa paligid. Kasabay nito, ang pagliwanag ng pigurang pusa sa aking kamay.Ramdam ko na ang pag-angat ko sa hangin. Ang aking kamay ay nabalutan na ng puting buhok. Ang aking kuko'y unti-unti ng humahaba. Ang buo kong katawan ay tinubuan na ng buhok na kulay puti. Naging matalim na rin ang aking paningin na kulay berde.Ang aking buhok na kulay itim ay nagkaroon ng highlights na kulay asul. Lumabas na rin ang aking cute na buntot at ang taingang maliit sa aking ulo. Ang saplot ko sa paa ay napalitan ng flat shoes na kulay puti, may diyamante itong kulay asul sa paligid. Ang aking damit at shorts ay naging cocktail dress na kulay puti na may bala-balahibo bilang disenyo.Sa paglapag ko sa sahig, naramdaman kong luma
Louise Francoise, 18Half Human, Half DoveSpecial Abilities:•kaya niyang sumanib sa ibang tao para kontrolin ito•ang peacemaker, ang kaniyang balahibo ay parang injection na kapag tinamaan ka o naturukan ka ay kakalma ka it means manlalata ka•ang kaniyang pakpak ay humihiwalay sa kaniya para maging bumerangSi Louise ay hanggang beywang ang itim na buhok na medyo wavy, tapos may side bangs siya na nasa bandang kaliwa, maputi, hindi katangkaran, ang suot niyang damit ay laging pang detective with matching cap pa, tahimik kasi shy type, deep inside makulit at palatawa, isip bata rin, mahilig maglaro ng chinese garter kaya kapag niyaya ka niya ay talagang mapapasabak ka kasi tuturukan ka niya ng pampakalma gamit ang kaniyang balahibo. Introvert person kaya gusto niyang harapin ang mga problema niya na hindi niya malagpasan at makalimutan. Gusto niya kasing mapagtagumpayan ito.
Whitecat Garfield, 22Half Human, Half CatSpecial Abilities:•ang kaniyang mga kuko at pangil at sadyang nakakapanghilakbot dahil may lason itong taglay•kaya niyang mangamot gamit ang kaniyang mata ngunit kapag nasobrahan siya sa gamit tiyak na bulag ang kaniyang makakamit•sabi nila ay may siyam na buhay raw ang mga pusa ngunit taliwas ito sa kaniya dahil siyam na beses niya lang puwedeng gamitin ang kaniyang special power at ito'y tinatawag na, hound clawSi Whitecat ay matangkad, sexy, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata, morena, black na may blue ang kulay ng kaniyang buhok, light blue ang kulay ng kaniyang mga mata na nagiging dark blue kapag nasisinagan ng araw at kapag nakikipaglaban siya. Sa mga hindi niya ka-close ay snob siya, maldita, seryoso, at pasaway. Sa mga ka-close naman niya ay baliw, bubbly, maligalig na parang kiti-kiti, mabait, maaasahan at matulungin.Gusto
Raya Arellano, 20Half Human, Half SnakeSpecial Abilities:•ang kaniyang katawan ay nagiging elastic na parang goma•poison sting, ang tawag sa kakayahan niya na kapag bumuga siya ng laway then mag-fo-form ito like needle na kapag tinamaan ka ay tiyak na matitigok ka•nakakagawa siya ng usok na kaniyang ginagamit pang depensaSi Raya ay may taas na 5'3, maganda at sexy na sadyang kaakit-akit hindi mo maiiwasang hindi mapatingin sa kaniya, "Head Turner" kumbaga. Berde ang kulay ng kaniyang mga mata na kasing talim ng kutsilyo kung tumingin. Mahaba at diretso ang kaniyang itim na buhok, maputi, matangos ang kaniyang ilong, mapula ang kaniyang labi. Siya ay nagiging humanimal kapag nagagalit, natatakot at kapag may threat na nagbabadya sa kaniya. Kahit naman ganiyan siya ay maalaga iyan. Mabait, ismarte, kaso nga lang moody pero mahilig siya sa musika.Ang kaniyang ina ay isang mortal at
Fara Azure, 18Half Human, Half ButterflySpecial Abilities:•bihasa sa paggamit ng espada kaya kapag iyan na ang pinag-uusapan ay walang makakatalo sa kaniya•nag-iiba ang kulay ng kaniyang pakpak kapag may nakakaramdam siyang hindi maganda•mabilis lumipadSi Fara ay matangkad na babae na puwedeng isalang sa beauty pageant. Kasing kulay ng labanos ang kaniyang balat, mayroon itong kaakit-akit na mga mata na kulay lila, mahaba at kulay itim ang kanyang unat na buhok na naka-full bangs pa, lagi siyang nakasuot ng purple kasi paborito niya itong kulay. Matapang na dalaga si Fara ngunit cold ito sa mga tao, hindi niya trip makipag-usap ‘yung tipong may sarili siyang mundo pero may mga kaibigan naman siya kaso kaunti lang hindi karamihan.Pinahahalagahan niya ang mga taong mahalaga sa kaniya at willing siya na isakripisyo ang kaniyang sarili para sa kaniyang minamahal. Dahil sa isang
Ang Humanimal University ay nagbigay ng paanyaya sa mga humanimal sa bawat sulok ng mundo upang maging tagapagligtas ng ating mundo laban sa may balak na sakupin ito.Heto ang mga humanimal na tumanggap sa imbitasyon ng Unibersidad. Kilalanin mo sila.Hailey Borromeo, 18Half Human, Half CheetahSpecial Abilities:•mabilis siyang kumilos at mag-isip kaya walang nakakalamang sa kaniya pagdating sa diskartehan•maliksi kung gumalaw kaya nakikipagsabayan siya sa mga mananakbo sa kanilang lugar•mayroon siyang matutulis na mga kuko na kapag nasagi ka lang nito ay tiyak na wakwak ang balat moSi Hailey ay may taas na 5'4 na sabi ng iba ay hindi naman daw totoo. Nagsusuot lang daw ito ng mataas na sapatos upang hindi masabihan ng pandak. Mayroon siyang kayumangging buhok na umaabot hanggang sa kaniyang dibdib, almond shape brown eyes, saktong kulay ng balat hindi maitim at hind
Nagsimula nang magliwanag ang kanang kamay ni Raya at lumabas mula rito ang pigura ng isang berdeng ahas. Sa paglutang niya sa ere, pinalibutan siya ng itim na usok na wari mo'y nagtatakip sa pagpapalit anyo niya.Ang kaniyang mata na maamo ay naging kasindak-sindak; ang kulay nitong itim ay naging berde na ang talim kung makatingin. Ang kaniyang buhok na unat ay naging kulot; nagkaroon ang itim niyang buhok ng berdeng highlights. Ang kaniyang magkabilang kamay ay nagkaroon ng kulay berdeng gloves na hanggang braso ang haba. Ang kaniyang labi ay nagkaroon ng lipstick na kulay itim.Ang kaniyang kasuotan ay napalitan din. Ang kaniyang pang itaas ay naging strapless bra lamang na kulay berde na wari mo'y kaliskis ito ng isang ahas. Ang kaniyang pambaba ay naging itim na jeggings na mala-kaliskis din ang disenyo. Tinernuhan pa ito ng isang dark green na sapatos na mayroong four inch ang taas.Nagsimula nang magliwanag ang kanang kamay ni Craione at lumabas mula rit
Nagsimula ng magliwanag ang kanang kamay ni Mimay at lumabas dito ang pigura ng isang agila. Habang umaangat siya sa ere, tila ba umiindayog ang mga balahibo ng ibon sa saliw ng hangin.Ang mga kuko niya ay nagsihabaan, nagkaroon ito ng kulay na dilaw na mayroong disenyong tatlong ekis. Ang kaniyang blonde na buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay dilaw na naka-pony tail. Sa kaniyang noo, may nakalagay roong band na mayroong tatlong feather bilang disenyo. Ang kaniyang brown na mata ay naging dilaw din. Nagkaroon din siya ng wristband na kulay dilaw.Ang kaniyang kasuotan ay naging tube blouse na kulay dilaw at mayroong itim na sinturon sa bandang beywang. Ang kaniyang pambaba ay isang silk leggings na tinernuhan ng low cut boots na wari mo'y may pakpak na disenyo sa magkabilang gilid nito. Lumabas ang kaniyang pakpak na kulay puti na mayroong dilaw na linya sa bawat dulo ng balahibo.Nagliwanag ang kanang kamay ni Yell at lumabas dito ang pigura ng isang pan
Mayamaya pa ay umilaw ang kanang kamay ni Lilly at may pigura ng koala ang lumabas mula rito. Sa paglutang niya sa ere, mayroong dahong umiikot sa kaniya.Ang mga mata niya ay nagmistulang malamlam na kulay abo. Ang kaniyang buhok ay nagkaroon ng highlights na kulay abo. Medyo kumapal din nang kaunti ang kaniyang kilay. Ang kaniyang mga kuko ay nagkaroon ng kulay, kulay abo na mayroong design itim na pahabang linya sa gitna nito.Ang kaniyang kasuotan ay napalitan ng mini sando black na litaw ang kaniyang pusod. Pinatungan pa ito ng abong cardigan. Ang kaniyang pambaba ay palda na five inch lang ang haba na mayroong gray lining sa laylayan nito. Ang kaniyang sapatos naman ay naging low-cut boots na kulay itim.Nagliwanag ang kanang kamay ni Robbie at lumabas dito ang pigura ng isang paniki. Habang umaangat siya sa ere, pinaliligiran siya ng miniature na mga paniki. Humaba ang kaniyang mga pangil. Ang kaniyang mga mata at nagmistulang kahindikdik sa takot dahil n
Ang mga napiling humanimals ay hinati sa limang grupo.Team HVenus, Helvina, Laurice, Whitecat, Audrin, Mathie, Clyte, Arvee, Julie, at JadeTeam ULucifera, Mimay, Raya, Hope, Angie, Craione, Lilly, Sammy, Robbie, NicTeam MSelina, Kryzette, Caridad, Kate, Jubelle, Cazandra, Fara, Lucario, Caelum, AikaTeam ADahlia, Yell, California, Enzo, Karl, Tavitta, Teshia, Raven, Maricon, YuanaTeam NMachie, Eli, Clowee, Marama, Hailey, Joniel, Czarina, Runami, Louise, JacqueSila'y sasanayin at hahasain upang mahubog lalo ang kanilang nakatagong kakayahan. Mayroong tatlong pagsubok silang kahaharapin upang mailabas nila ang kanilang galing.Ngunit, pipiliin lamang ang higit na kinakitaan ng galing, kakayahan, at angking pagnanais na maipagtanggol ang sangsinukuban.Halina't alamin natin ang kaganapan sa loob ng Unib