Nate’s POV
Sa pagmulat ng aking mga mata, napagtanto ko na nakaupo ako sa isang upuan, nakatali rin ang mga kamay at paa ko rito.
Wala akong maalalang kahit anong detalye tungkol sa ‘kin, basta ang alam ko lang ay patay na ako. Aking iginala ang mga mata ko upang alamin kung nasaan ako.
Nandito ako ngayon sa isang lugar na punong-puno ng kadiliman, kaya naman sinubukan kong makawala sa pagkakagapos sa kinauupuan ko. Ilang saglit pa, lumitaw sa aking harapan ang isang lalake, “W-Who a-are y-you?” Nauutal kong tanong sa kanya, kaya naman tiningnan niya ako ng seryoso at siya ay nagsalita.
&nb
Phoenix’s POV “He destroyed my life,” Panimula kong kwento kay Patricia, “Sinumbong niya ako kay papa na naninigarilyo ako kahit hindi naman, inatake siya sa puso dahil doon,” Wika ko pa na naging dahilan upang tumulo ang aking mga luha. Nandito kami ngayon ni Patricia sa kwarto ko, nakaupo kami sa kama, “Kaya ba malayo ang loob mo sa mama mo?” Tanong niya at agad akong tumango bilang tugon. Maya maya pa hinawakan ko ang kanyang kamay at ako ay nagsalita, “Sinisi niya ako sa nangyari kay papa,” Wika ko at aking pinunasan ang aking mga luha. Kinuwento ko rin sa kanya lahat ng hirap na aking naranasan sa kamay ng aking kapatid. “Ipangako mo sa ‘kin na hindi mo sasabihin kah
Phoenix’s POV Isang text message mula kay Melody ang bumulaga sa ‘kin nang mabuksan ko ang aking telepono. Ayon dito, may surpresa siya sa ‘kin at pinapapunta niya ako sa abandonadong gusali malapit sa school. Masama ang kutob ko, kapag may nangyaring masama kay Patricia dahil kay Melody ako mismo ang papatay sa kanya. Agad kong nilagay ang phone ko sa bulsa at pumunta ako sa abandonadong gusali, lalong sumama ang kutob ko na may hindi magandang nangyari kay Patricia nang madaanan ko ang sasakyan niya na nakaparada malapit sa entrance ng eskwelahan. Aaminin ko, nagbabasakali pa rin ako na ligtas siya ngunit
Phoenix’s POV Nang makarating kami nina SPO2 Patrick Smith at Sage sa abandonadong gusali napayukom ang aking kamay nang makita ko na nakabigti ang bangkay ni Patricia, “Tumawag ka ng backup Patrick,” Utos sa kanya ni Sage na nagpangisi sa ‘kin, kaya naman agad akong lumuhod at nagsisisigaw. Iyak ako ng iyak upang ipakita sa kanila na hindi dapat ako paghinalaan, ilang saglit pa naramdaman ko nalang na hinawakan ni Sage ang aking balikat, “Calm down—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang bigla kong tabigin ang kanyang kamay. “Calm down? Namatay ang pinsan ko, paano ako kakalma?!” Umiiyak kong tanong ngunit sarkastiko lang niya akong tinawanan. &
Phoenix’s POV Kinaumagahan agad akong naghanda papasok ng eskwelahan. Hindi ko pinansin si mama habang kumakain kami ng agahan dahil masyado pang fresh sa alaala ko ang nangyari kay Patricia. Kinapopootan ko si Melody dahil sa ginawa niyang pagpatay sa kanya. Pagpasok ko ng classroom, agad akong umupo sa upuan sa pinakadulong part nito sa tabi ng bintana. Nakaupo rin sa tabi ko si Sage. I just looked at through the window while my classmates were talking with one another. Maya maya pa, dumating na ang teacher namin at agad siyang nagturo. Wala ak
Sebastian’s POV Nang mag-break time, agad akong pumunta sa garden ng school at umupo sa bench, nabalitaan ko ang nangyaring pagkamatay ni Patricia. Sabi sa mga usap-usapan nalaman niya kung sino ang pumatay kay Nate kaya siya pinatay. Naisip ko tuloy kung tama ba ang ginagawa ko na pagtakpan si Melody sa pagtulong niya sa killer sa pagbura nang lahat ng ebidensyang mag-uugnay dito. Pumunta rin sa school kahapon ang mga magulang ni Patricia at mama ni Phoenix. Sinuntok ng papa ni Patricia si Phoenix, sinisisi kasi niya siya sa pagkamatay ng dalaga. Kawawang Phoenix namatayan na nga ng kapatid namatayan pa ng p
Phoenix’s POV Nilagay ni Sage ang warrant of arrest ni Melody sa bulsa niya tsaka niya tiningnan si SPO2 Patrick Smith, “Posasan mo na siya,” Utos niya sa kanya na agad siyang sinunod, “May karapatan kang manahimik at kumuha ng abogadong magtatanggol sa ‘yo, anumang sabihin o gawin mo ay pwedeng gamitin laban sa ‘yo,” Wika niya kay Melody na nagpakaba sa ‘kin. Imposible! Nakapuntos siya sa ‘kin at hindi rin magtatagal magagawa na niyang paaminin si Melody na ako ang pumatay kay kuya, rito na nagtatapos ang lahat. Matapos na posasan ni SPO2 Patrick Smith si Melody sinadya nila ni Sage na idaan siya malapit sa ‘kin paalis ng garden. No! hind
Patrick’s POV Agad namin ni Sage kasama ang mga pulis na dinala sa hospital si Melody. Hindi pa siya pwedeng mamatay! Napakabata pa niya. Isa pa siya ay susi para matapos na ang kaso ni Nate. Nang maipasok si Melody sa Emergency Room, umupo muna kami ni Sage pati na ang mga pulis na kasama namin sa mga upuan na nakahilera sa labas nito, “Papuntahin mo rito ang mga magulang ni Patricia at ni Elisa,” Utos sa ‘kin ni Sage, “Dahil kailangan nilang malaman ang mga impormasyong nakalap natin,” Wika pa niya na agad kong sinunod. Tinawagan ko ang papa ni Patricia na agad niyang sinagot, “Hello,” Wika niya sa ‘kin. &nb
Patrick’s POV Nalaman namin ni Sage na patay na ang tunay na mga magulang ni Melody noong apat na taong gulang palang siya. Inampon siya ng mag-asawang hindi magkaanak. Dalawang araw ang lumipas mula noong mamatay si Melody napagdesisyunan namin ni Sage na ipalibing nalang siya since mukhang wala namang pakeelam sa kanya ang bago niyang mga magulang. Noong sinabi ko kasi sa kanila na patay na siya hindi man lang sila umuwi sa Pilipinas kahit isang araw lang sa halip ay mas pinili nilang asikasuhin ang negosyo nila kaysa sa bata, kaya siguro nagkaganoon siya. Inampon-ampon nila si Melody tapos hindi ‘man lang nila siya inalagaan. &n
Phoenix’s POV Hindi ko na nagawang barilin si Mantus nang pagbabarilin ako ni SPO2 Patrick Smith sa katawan, “Tumigil kana!” Sigaw niya. Hindi na ako muling nakatayo nang mangyari iyon, tumulo naman ang kanyang mga luha, at siya ay napaluhod. “Walang hiya ka! Sino sa tingin mong binabaril mo?!” Galit na galit kong tanong sa kanya kasabay ng pag-ubo ko ng dugo at pagkabitaw sa pagkakahawak ko sa baril, muli akong tumingin sa lahat, “Hindi n’yo ba nakikita? Biktima lang ako rito ng kapatid ko!” Galit ko pang wika, at ilang saglit pa kinuha ni Mantus ang baril ni SPO2 Patrick Smith tsaka niya ito itinutok sa ‘kin. “Arrest him now,” Malamig na tonong wika ni Mantus sa mga pulis, kaya naman lumapit sila sa
Phoenix’s POV Napangisi ako nang i-text sa ‘kin ni Mantus ang isang address kung saan niya gustong makipagkita kaya naman pinasa ko ito kay Sebastian, at minaneho ko ang aking sasakyan papunta roon. Nararamdaman ko na malapit na ang katapusan ni Mantus, seven na ng gabi nang makarating ako sa lugar kung saan niya gustong makipagkita, isa itong abandonadong warehouse. Agad kong pinarada ang aking sasakyan at pumasok doon. Nakita ko na nakaupo si Mantus sa lapag habang bumubuo ng rubik’s cube, “Bakit mo ko pinapunta rito?” Tanong ko ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay pinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Ilang saglit pa tuluyan
Phoenix’s POV Iminulat ko ang aking mga mata, nandito ako ngayon sa isang ospital at kung ano-anong aparatos ang nakatusok sa ‘kin. Maya maya pa pumasok sa kwarto kung saan ako naka-confine si SPO2 Patrick Smith, “Gising kana pala,” Wika niya sa ‘kin, “Tatlong araw kang comatose,” Wika pa niya na ikinayukom ng aking kamay. “Ligtas ba si mama?” Tanong ko, ngunit hindi niya ito sinagot sa halip ay bumuntong hininga lang siya, “Answer my question,” Malamig na tono kong wika kaya naman tiningnan niya ako ng seryoso. “She’s dead,” Sagot niya dahilan upang mapapikit ako, tama lang sa kanya ‘yun dahil napakawalang kwenta niyang ina. Hanggang sa huli mas pinaboran niya ang masama kong kuya kaysa sa ‘kin, “Nal
Phoenix’s POV Matapos iyon agad kong itinapon ang sandwich sa basurahan na ibinigay sa ‘kin ni Mantus kanina at ibinalik sa bag ang research paper namin ni Sebastian. Ilang saglit pa dumating si Sebastian, “Nagawa mo na ba ang inutos ko sa ‘yo?” Tanong ko na ikinangisi niya. “Yeah,” Sagot niya at kanyang inilabas sa bulsa niya ang relo ni Mantus tsaka niya ito ibinigay sa ‘kin, “I already did what you want,” Wika pa niya na naging dahilan upang sarkastiko akong tumawa na para bang nababaliw. Inutusan ko siya kanina habang kami ay kumakain sa cafeteria na kunin ang relo ni Mantus sa kanyang locker at palitan ito ng peke, ngunit dapat ay kat
Phoenix’s POV Napuyat ako kagabi dahil sa kaka-revise ng research paper namin ni Sebastian, nandito ako ngayon sa loob ng classroom nakaupo sa pinakadulong upuan sa tabi ng bintana at nakatulala, habang ang mga kaklase ko ay sobrang ingay. Ilang saglit pa dumating na si Teacher Lelouch kasama ang isang bata na sa tansya ko ay kasing edad ko lang, may suot siyang relo sa kanang braso, at hawak-hawak niya ang isang rubik’s cube. Unti-unting tumahimik ang buong klase nang pumunta sila sa harapan, “Class, I want you all to meet your new classmate Mr. Samuel Cumberbatch,” Wika ni Teacher Lelouch na naging dahilan upang kanilang makuha ang atensyon ko, “May we know more details abou
Lelouch’s POV 8:00 p.m. na ngayon, nandito ako ngayon sa loob ng aking bahay, nakaupo sa sofa, at wala akong suot na pang-itaas na damit. Inaamin ko na nami-miss ko ngayon si Yvonne, ang tagal na naming hindi nag-uusap simula nang kami ay maghiwalay. Maya maya pa, narinig ko nalang na may nag-doorbell sa pinto kaya naman agad ko itong binuksan. Nakaramdam ako ng matinding saya nang aking makita si Yvonne, ang babaeng pinakamamahal ko. “Yvonne!” Masayang-masaya kong wika sa kanya, “Napadaan ka,” Dagdag ko pa. Nakita ko sa kanyang
Patrick’s POV Hindi na namin nagawang lumapit ni Mantus sa bahay nang makita namin na nakakandado ang gate nito, “Paano ‘yan naka-lock,” Wika ko na kanyang ikinainis at iritado niya akong tiningnan. “Gumawa ka naman ng paraan, hindi ‘yung lahat ng nakikita mo sinasabi mo sa ‘kin!” Inis niyang wika sa ‘kin kaya naman iginala ko ang aking mga mata upang humanap ng pwedeng tumulong sa ‘min. Sakto namang may dumaang isang matandang babae, kaya naman agad ko siyang kinausap, “Hello po, kilala mo po ba ang taong nakatira diyan?” Tanong ko sabay turo sa bahay. “Hindi, matagal nang abandonado ang bahay na ‘yan—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Mantu
Patrick’s POV Matapos kong ikwento kay Mantus lahat ng nangyari sa kaso ni Nate kabilang na ang biglang pagkawala ni Rafael Lawliet, ibinigay ko sa kanya ang isang papel na ibinigay sa ‘kin ng kuya niya, “What is it?” Tanong niya habang hawak-hawak ito. “Bigay sa ‘kin ‘yan ng kuya Sage mo bago siya mamatay,” Sagot ko sa kanya, “Sinabi niya sa ‘kin na ibigay ‘yan sa ‘yo kapag hindi siya nagtagumpay sa imbestigasyon,” Dagdag ko pa dahilan upang buklatin niya ito. Sinenyasan din niya ako na umupo sa tabi niya upang basahin ang nakasulat dito, kaya naman agad akong sumunod. Nakasulat sa papel ang numbers one to nine, bawat numero ay may mga linya at tuldok na nakapalibot na bumubuo ng is
Aira’s POV Nandito ako ngayon sa condo unit ko, nakaupo ako sa sofa, malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dinadapuan ng antok, iniisip ko pa rin kasi ang mga nangyari kanina, mula sa balitang nalaman ko na patay nasi Sage hanggang sa tangkang pagpatay sa ‘kin ni Mantus. Maya maya pa narinig ko nalang na tumutunog ang phone ko palatandaang may tumatawag, kaya naman agad ko itong sinagot, “Hello,” Wika ko. “Hello, Ms. Freud!” Kinakabahang wika ng Amerikanang nasa kabilang linya, “Mr. Mantus Taylor escaped again,” Wika niya na nagpabuntong hininga sa ‘kin. “Don’t worry, I’ll do my best to find him,” Wika ko at pinutol ko ang linya ng tawag tsaka ngumis