Andrea Nag-uusap sina Atlas at mga pinsan niya kasama si daddy Mattheus at Tito Matthias ganun din si Lolo Rowan, about business ang topic nila. Kami naman iba ang topic kasi lumipat sa akin si Laurice kumalong. Tungkol sa pagbubuntis. “Kayo ni Atlas hija, wala pa bang balak magka-baby?” tanong ni Lola Marycole na kina pula ng pisngi ko. Naisip ko rin baka nga makabuo agad hindi pa ako naka graduate. Kahit na pumayag si Atlas na hindi muna kami mag-anak. Wala naman akong iniinom na contraceptive ayaw naman niyang mag pills ako at siya raw ang bahala. E, sa loob naman pasok ano kaya iyon baka scam itong si Atlas. “Sabagay nasa honeymoon stage pa kayo ng apo ko,” muling sabi ni Lola Marycole. Bakit dito napunta ang topic sa akin hindi ako makasagot. “La, we're working po. Isa pa nag-aaral pa ang asawa ko ayaw ko po siyang i-pressure,” sagot ni Atlas akala ko hindi nakikinig sa 'min. “May point naman ang apo mo baby,” suway ng Lolo Rowan sa kaniya. Napangiti ako sa pagtawag
Andrea Ako:nasa school na ako. Nagkusa na akong ipaalam kay Atlas para hindi na magtanong. Kanina bago kami umalis tumawag na ito. Ngayon inunahan ko na sa isip ko hindi na ito maguusisa ngunit mali ako sa akala dahil mabilis pa sa five minutes reply agad si Atlas. Atlas: baby sinong kasama mo? Binabasa ko pa nga message ni Atlas tinatawagan na ako. Hindi talaga kontento sa text lang. “Hello Atlas,” anang ko same pa rin tinanong ako kung sino ang kasama ko. kasama. “Sino pa ba? Diba sina kuya Sonny at kuya Neil. Si ate Lucy kasama ko rin ngunit nasa kotse lang. Hindi na bumaba pero magkasama kami ni Vianca, Atlas kumalma ka! Ang AO mo lang.” “Naninigurado lang ako baby,” “Naniniguro nandito naman sina kuya Neil at kuya Sonny,” See alam ko gusto lang akong tawagan ng naboboring kong asawa. “Baby ang totoo I miss you,” pag-amin nito. “Narinig mo na boses ko so okay na?” “Not yet. Gusto pa kitang makausap,” “Atlas patungo na ako sa faculty bye na,” wika ko hindi
Andrea Luckily, Ms. Cassandra signed before she could tell me what she wanted. No way kahit na taasan pa niya ang grades ko sa dalawa n'yang handle na subject. Hindi ako makikiusap sa asawa ko na tanggapin siya sa kompanya. Unfair iyon sa mga nagtitiyagang mag-apply. “Napansin ko iyon ah,” bulong ni Vianca. “Sana ‘wag natin maging professor sa pasukan baka pag-initan ka,” sabi ulit niya humarap pa sa akin. “Hindi naman ako natatakot kay Ms. Cassandra, kung maging professor man natin siya next school year. Basta mag-aral lang tayo ng mabuti. Wala siyang karapatan mag-attitude sa ‘kin." “Subukan lang niya ang Mrs. Martinez gan'yan dapat,” hagikhik ni Vianca natawa na rin ako. “Vianca hindi ko gagamitin ang impluwensya ng asawa ko noh. Hindi ko nga dapat sasabihin na nakapangasawa ako ng Martinez, kung hindi nauna si Ms. Cassandra sa ‘kin,” “Eh hayaan mo na inggit lang sila kasi diyosa ang bff ko kaya inlove si Atlas Martinez sa 'yo." “Sobra naman ‘yan pero salamat Vianca.
Andrea “Senyorita nakapunta ka na ba sa RMTV?” tanong nito nasa kusina ako nagpresenta magluto ng ulam namin panaghalian. Kay bilis ng araw. Isang buwan na lang pasukan na. Maayos din ang pagsasama namin ni Atlas bilang mag-asawa. Sobrang sweet ni Atlas minsan pa mapipika ako dahil nasobrahan pero hindi talaga ito nagpapaawat sa ka-sweet-an. Talagang ipinakikita ni Atlas na mahal na mahal niya ako. Kahit hindi ko pa sa kaniya nasasabi na mahal ko rin siya. Restaurant ni daddy tapos na rin. Nakaraang linggo pa nag soft opening. Masaya ako para kay daddy. Nalaman ko pa gusto pala talaga ni daddy magkaroon ng sariling restaurant noon pa. Kaya lang gusto kasing ipakuha raw ng parents sa kaniya accountancy. Kaya kinalimutan ni daddy ang gusto niya kunin na HRM. Hindi naman din siya nahirapan kasi likas kay dad na mahilig sa math. Kaya madali siyang naka pag-adjust sa kinuhang kurso. Niyaya ko si ate Lucy magsigang kami ng malalaking hipon. Pinasobrahan ko na hanggang mamaya nami
Andrea Ako: nasa baba kami ni ate Lucy. Sinubukan kong i-text si Atlas. Sorpresa dapat ito ngunit kahit hindi na lang. May next time pa naman kaysa hindi kami makaakyat sa office niya at masayang ang dinala namin na pagkain. Ako: okay lang kung busy ka uuwi na kami ni ate Lucy. Pababain mo na lang ang sekretarya mo rito. May dala akong pagkain mo. Tawag ang sagot nito. “Atlas pababain mo na lang sekretarya mo kung gusto mo lang naman kainin ito—” “Pababa na ako! Bakit hindi ka nagsabi ng maaga pupunta ka pala?” “Sorpresahin sana kita eh,” mababa ang tuno ko narinig ko suminghap ito ewan kung para saan iyong pasinghap niya. Napairap ako kasi ayaw ba niya sorpresa ko. Hmp! Kung gano'n hindi na ako uulit pupunta rito. “Narinig ko bubulong mo baby. I didn't say anything,” wika nito. “Nariyan pa kayo ni Lucy sa baba?” halata sa boses galit ang Atlas n'yo. Nagtaka pa ako bakit galit. Malamang dahil sa bigla kong pagsugod dito. Diba nga ayaw niya ng wala sina kuya Neil. Kasas
Andrea Nang makarating kami sa office ni Atlas. Ayaw ni ate Lucy sumama sa loob kahit anong pilit ko sa kaniya. “Ate baka mainip ka mag-antay sa akin. Isa pa po kakain tayo tara na sumalo ka na sa ‘min,” pamimilit ko sa kaniya. “Sa food court na lang ako kakain. Babalikan kita mamaya senyorita kapag may nakita na ako kahit isa man lang na artista,” aniya lumapit sa akin iniabot ang lunch bag. Kinuha naman ni Atlas sa kamay ko siya na nagdala. Hindi na ibinigay sa akin. “Atlas gusto raw niya makita si Jhen Paulin. Pagbigyan mo na si ate Lucy para maka selfie lang,” “Sayang kung napaaga ang punta n'yo nagpunta iyon rito. Umalis din agad kasi may shooting iyon sa Tanay Rizal,” “Oh ayan wala rito kaya halika na ate dito ka na kumain.” “H’wag na senyorita para ma solo mo si senyorito,” Natawa si Atlas nag thumbs up pa sa ate Lucy bilang pagsangayon. Si Atlas pa gustong gusto niyan idea ni ate Lucy. “Wala naman problema kung kasama ka namin kumain,” sabi ni Atlas. “Sa
Andrea “Maraming salamat Mr. Martinez. Ma'am Andrea salamat po sa pahahatid sa 'kin." “Ingat ka,” pabaon ko sa kaniya bago niya isarado ang pinto. Ala-sais na rin kaya nagtatago na ang araw. Kahit hindi pa gaano'n ka gabi. Inantay muna namin si Kathleen makapasok sa bahay nito bago ko yayain si Atlas na umuwi na. “Ate Lucy nag-enjoy ka po sa studio 8?” “Sobra.Andeng…marami akong kuha kasama mga artista,” “Kita naman po ate Lucy sa ngiti mo pa lang panalo na," “Gusto n'yo nanood ng premier night kapag na palabas na sa senehan ang bagong movie ni Jhen Paulin?” “Talaga po senyorito? Ngayon pa lang po salamat agad. Mag-iipon na ako ngayon," labis ang saya ni ate Lucy. Napangiti na lang ako tahimik sa tabi ni Atlas hanggang sa makarating kami sa condo. Alas diyes ng umaga kagigising ko lang ng nabubulahaw ako sa nag-iingay kong phone. Mananatili pa sana akong nakahilata. Kung hindi lang maingay ang phone ko. Kaya naman kahit tamad bumangon ako at pinuntahan ang couch doo
Andrea Pagdating sa kitchen pinaghila ako ng upuan ni Jane at pinaupo sa dining. Iniwan ako sandali kasi kinuhaan ako ng tubig sa fridge. Nang maiabot niya sa akin. Inisang lagok ko lang ang laman ng baso parang uhaw na uhaw ako sa pagka bwisit kay Olivia. Kahit hindi naman ako masyadong nakipag away rito. Nag-vibrate ang phone ni ate Jane at ako naman nag-ri-ring. Dali-dali kong hinugot sa bulsa ng pants ko. Nang makita kong si Atlas ang tumatawag shit! Nakalimutan kong tawagan. Sa pagmamadali ko pumarito kahit text man lang hindi ko nagawang magpaalam man lang kay Atlas. Tumikhim ako. "Hello Atlas," Paktay hindi ako nagpaalam sasalubong naman ang kilay ng asawa kong OA.. Pero hindi naman niya alam na umalis ako ah. Trip lang siguro ng asawa ko na tawagan ako. Kasi ganito naman ito. Bigla-bigla na lang tatawag para lang kumustahin ako. Nasa condo na ako mamaya bago pa siya dumating. Wala na siya nagagawa kapag nakauwi na ako at saka ko lang sasabihin na umalis ako nagp
Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae
Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.
Andrea Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Erica. Sa mommy niya kami lumapit ni Atlas. Ganun pa rin tulala pa rin si Olivia. Bumuntonghininga ako sana lang hindi lang siya umaarte. Sa kabilang banda gusto kong gumaling agad si Olivia para sa mga anak niya. Nakita ko si Erica, nasasaktan sa nangyari sa mama niya kahit wala itong banggitin nagsasabi ang malungkot nitong mata. Nang tumingin ito sa mama niya bago sumakay sa taxi naluha si Erica. Dumating din pala ang kaibigan ni Atlas na head director ng rehabilitation center. Sinundo si Olivia. Si Atlas siguro ang tumawag kanina kasi marami naman tinawagan bago kami pumunta rito. May kasamang anim na mga nurse. Dalawang babae at apat na lalaki. Van ang dala naisakay na sa loob si Olivia ngunit nakasarado naman ang pinto at napalibutan siya ng apat na lalaking nurse. Kausap pa ni Atlas ang kaibigan n'yang head director. Maraming bilin si Atlas. Soon dadalaw kami. Baka kailangan din kasama si Erica sa pagdalaw para hindi maramda
Andrea Kanina pa ako nakatingin sa apartment ni Erica. Pinasok na nila Atlas. Marami na rin taong nakiusyuso dahil naging maingay si Olivia ayaw sumuko. Hindi nga noong una nakapasok sina Atlas maging ang mga pulis. Maingay rin ang kapatid kong si Alvina. Ngunit pagkatapos tumahimik kaya ako'y kabado sobra. Shit wala akong balita sa kanila. Ano na kaya ang nangyari? “Ma'am Andrea saan ka pupunta?” maagap na tanong ni Kuya Neil ng buksan ko ang pinto sa tagiliran ko. “Kuya sisilipin ko lang sila—” “Hindi pu-pwede ma'am. Kami ang mananagot kay Sir Atlas, kapag pinayagan kita. Ayaw namin mawalan ng trabaho. Dito ka na lang muna ma'am Andrea. Tingin ko po nagtagumpay naman sila kaya wala kang dapat ipag-alala.” “Hindi ako lalapit—” “Hindi pa rin pu-puwede ma'am Andrea. Dito na lang tayo mag-antay mamaya darating na rin ‘yan si sir Atlas,” pakiusap ni kuya Neil. “Kuya Neil hindi naman malalaman ni Atlas.” Bang! Bang! Shit! Dalawang putok sinong tinamaan. Nanlaki ang
Andrea “Daddy!” nagmamadali akong kumatok sa pinto ng kuwarto ni Daddy pagkatapos kong makipagusap kay Erica. Si Atlas tinatawagan si Balthazar. Sabi ko kami na lang ang pumunta kasi si Olivia lang naman ang kalaban. Hindi lang sumangayon ang asawa ko sa suggestion ko. Maigi raw makasigurado kami dahil wala na sa tamang pag-iisip si Olivia. Baka kung anong gawin mahirap sa huli pa kami magsisi kung mayroon ng ginawa si Olivia. "Hello, Neil. Malapit na ba kayo?" tanong pa ni Atlas sa bodyguard at driver ko. Huminto magsalita si Atlas. Mayroon siguro sinabi si Kuya Neil sa kaniya kaya tumigil sandali si Atlas. "Okay. Aantayin ka namin," tugon ni Atlas bago putulin ang tawag. "Tapos na akong makipagusap kina Neil at Balthazar. Ipinaalam ko na rin kay Mommy at Daddy. Antayin lang natin dumating si Sonny at Neil. At saka ko tayo lalakad." Tumango ako. Bumukas ang pinto naghihikab pa si daddy ng bumungad sa 'min. “Anak may kailangan ka?” nagtataka pa n'yang tanong. “Daddy, haw
Andrea Hindi kami umuwi ni Atlas sa condo namin. Dito kami sa bahay natulog. Maging ang ate Lucy, narito din sa silid ni ate Jane nakitulog. Natawagan na rin ni Atlas ang professor ko hindi ako papasok bukas dahil hindi pa ako uuwi sa condo. Aantayin ko na hanggang sa Sabado ang araw ng pamanhikan nila dito muna ako sa bahay mananatili. Pero papasok si Atlas bukas. Kaya maaga kaming natulog medyo malayo kasi ang aming bahay sa office ni Atlas. Nag-a-adjust siya ng gising bukas. Unti ng mahimbing ang tulog ko ng maulinigan kong may tumatawag sa cellphone ko. Hinayaan ko muna dahil gusto ko ng matulog. Subalit ayaw tumigil sa pagri-ring Iniisip ko si Atlas masarap ang tulog may pasok din si Atlas bukas kaya napilitan akong bumangon upang sagutin iyon. “Baby saan ka pupunta?” paos ang boses ni Atlas. Nagkamot ako sa buhok ko. Shit! Kay lakas ng pakiramdam ni Atlas. Mahimbing na ang tulog nito pero isang kilos ko lang nagising na agad. “Andrea Keth?” inulit pa at bumangon na rin ito
Andrea “May masama bang nangyari doon sa bahay n'yo?” hindi nakatiis na tanong ng ate Lucy. Kanina pa kasi patingin tingin siya sa ‘kin na may pagtataka sa mata niya. Oo nga naman ang tahimik ko kasi simula kanina paglabas ng condo hanggang ito malapit na kaming makarating sa bahay. “Ate Lucy nawawala po si Alvina,” Napatakip ng bibig si ate Lucy animo nabigla siya ng sobra. “S-sino naman ang kumuha na pakawalang puso noon.” “Ate wala pa kaming nakuhang lead. Pero sana okay lang ang kapatid ko. Baka kung anong gawin kay Alvina ng kumuha sa kaniya. Baby pa niya para makaranas ng ganitong ganid na tao.” “Sobrang lakas ng loob noon. Sa bahay n'yo pa dinukot si Alvina…sandali nga senyorita. Baka naman Ina ni Alvina ang kumuha. Kasi nga malayang nakakilos sa loob ng bahay n'yo.” “Ate same tayo ng iniisip. Kung nagkataon na si Olivia ang kumuha kay Alvina. Sana lang hindi niya pabayaan si Alvina. Nasaksihan ko kasi paano niya pinabayaan ang bata. Kahit may sakit hindi inaalagaa
Andrea Nang matapos kong tawagan si Daddy. Sinubukan kong kontak-in si Erica. Subalit unattended lang ang sumalubong sa ‘kin ilang dial na ang ginawa ko. Nailing ako kasi dati naman nag-ri-ring ang phone ni Erica. Ilang beses ko kasi si Erica tinawagan tungkol kay Alvina. Kung gusto n'yang alagaan ang kapatid niya bago magdesisyon si dad na akuin na si Alvina. Hindi sinasagot ni Erica bawat tawag ko. Ginagawa ko na lang nag-message na lang ako kung sakali man mababasa nito. Ako: Erica, si Andrea ‘to. Kung nasa inyo si Alvina mas okay. Pero kung wala. May kumuha sa kaniya. Kapatid mo pa rin ‘yon kahit na anong mangyari. Si mama mo rin nawawala sa rehabilitation center. Kung ako sa ‘yo. Hayaan mo gumaling ang mama mo. Wala na siyang kinikilala ‘wag mong hayaan na mapahamak pa pati ikaw at si Alvina. Nagpadala na lang ako ng text kung sakaling buksan n'ya ang phone papasok naman panigurado ang mensahe ko sa kaniya. “Bakit anong nangyari?” nagtataka si Atlas ng halos takbuhin ko an
Andrea “Ang lalaking nagbigay ng wine sa ‘kin doon sa Soltero noong gabing nag-break kami ni Kier, ay boyfriend ni Maxine?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Atlas. “Baby tama naman ang narinig mo,” tugon ni Atlas. “Sigurado ka ba rito ha, Atlas? Baka nagkamali lang ‘yang si Balthazar sa report niya sa ‘yo. Sandali nga. Iyon pala ang totoo mong pakay kaya nakipagkita ka kay Balthazar, ng pagkatagal tagal? Sabi mo dahil sa pinadala ni Kier, na picture kaya may usapan kayo ni Balthazar? Bakit ngayon pati na si Maxine?” “Tsk. Baby, bakit ba ang hilig mong banggitin ang pangalan ng ex mo,” may inis sa boses ni Atlas. Hindi ko lang siya pinansin. Nagpatuloy akong magtanong sa kaniya. “Ang OA mo Atlas. Magkakaanak na nga tayo at hello? Pangalan lang iyon ni Kier selos na selos ka pa,” “Damn pinagdiinan pa ang pangalan ni ex,” bubulong bulong si Atlas. “Ayaw kong sasambitin mo ulit ang pangalan noon. Baby naman,” Inukotan ko ng mata ko. Hanggang ngayon napaka big deal dito ang