Andrea “Bwisit! Argh nakasisira ka ng araw!” bulyaw ko pa sa phone ko kahit naka off na ito na s’yang naabutan tagpo ng kararating na si Atlas. Shit ano kaya ang iniisip ni Atlas sa bigla ko lang pagsigaw. Pasimple kong inilapag sa tabi ko ang phone ko. Bakit ganito pa niya ako naabutan nagmukha pa akong may sira, phone ko sinisigawan ko. Bwisit galing talaga tumiming ni Atlas. Hindi pa lumakad si Atlas tumayo pa muna ito sa pinto. Saglit akong pinagmamasdan na seryoso. “May kaaway ka sa cellphone mo?” nagsalubong ang kilay ni Atlas malakas akong umiling. Pambihira talaga parang ayaw pa maniwala nito kasi nakataas kilay naman ngayon sa ‘kin. “Ayaw mong maniwala?” sinamaan ko siya ng tingin. Umiling ito kaya inirapan ko. Talaga nga tingin ko hindi naniniwala si Atlas, kaya tumayo na lang ako at lumipat sa couch kasi matiim niya akong pinagmamasdan hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Dito sa couch nakatilod ako sa kaniya. Narinig ko sinarado ni Atlas ang pinto pumikit
Andrea “Okay ka na ba r’yan, Lucy?” saglit siyang nilingon ni Atlas ng makalabas na kami sa gate. “Ayos lang po ako senyorito,” tugon nito. Ako naman ang humarap sa ate Lucy ng matapos siyang kausapin ni Atlas. “Ate Lucy, sure ka po okay lang sa inyo sa condo unit ni Atlas, tumira? Kasi mag-isa ka lang doon. Unlike po sa bahay nila Atlas. Marami kang kasama,” “Naku itong si Senyorita Andrea, maliit na bagay. Kayang-kaya, ako pa ba?” tugon nito may kasamang pakita pa sa muscle niya. “Pero ngayon summer araw-araw mo akong kasama. Kapag magpasukan ka ulit mag-isa ka na lang doon.” “Wow....sabi ko na bata ka pa senyorita Andrea, anong year mo na sa kolohiyo?” tanong nito kaya maingay na tuloy kaming dalawa. “Graduating po ako sa next na pasukan. Bakit po ate?” “Akala ko first year college ka pa. Para ka kasing eighteen lang,” aniya namamangha. “Hala, si ate sobra naman 'yan. Baka lumapad tainga ko niyan sa papuri mo?” hagikhik ko pa. “Twenty na po ako though bata pa nama
Andrea “Sorry, nagising ba kita?” tanong ng dahan-dahan na bumangon na si Atlas sa tabi ko, hindi siya natuloy bumangon bumalik sa pagkahiga sa tabi ko nilingon ako nakangiti. “Good morning baby,” dugtong nito tumagilid ng higa sa kama. Pinatong ang ulo sa kamay niya at nakatukod ang siko sa kama bilang suporta. “Good morning too,” nakangiti ko rin tugon dahil mahirap tanggihan ang masayang ngiti ng asawa ko kay aga nitong magpa cute aba. “Matulog ka pa sorry kung naistorbo kita baby, kung hindi lang importante ang gagawin ko ngayon sa office. I still want to sleep with you while hugging you,” “Okay lang kasi gigising naman talaga ako,” saad ko na siyang kinataas ng kilay nito. Nagising naman talaga ako dahil may lakad ako ngayon. Hindi dahil sa pagbangon niya kaya ako nagising. Slight ko lang naramdaman na malikot si Atlas. Maingat nga ito ng inalis ang yakap niya sa ‘kin iniiwasan na magising ako. “May lakad din kasi ako ngayon kaya gumising na rin ako ng maaga,” “Sa
Andrea "Iiwan ko na muna kayo senyorito," nagpaalam si ate Lucy. Pinigilan ko inalok na sumabay ng almusal sa 'min para naman hindi ako mailang na kami lang na magkasama ni Atlas. "Ate Lucy. Ngayon ka na po kumain. Halika ka na dito ka umupo," giit ko tinuro ko pa ang katabi ng upuan ko. "Mamaya na lang Andeng, busog pa naman ako," tanggi nito at agad din tumalilis palayo sa kitchen. "Ayaw mo talagang mag-solo tayo," saad ni Atlas. Sinulyapan ako. Hindi ko pinansin. Sa pagkain lang ako nakatingin. Dahil hindi naman ako maraming kumain ng almusal mabilis akong natapos. Tumingin pa si Atlas sa 'kin at sa plato ko kumunot ang noo. "Naubos ko na baka sabihin mo pa kumain pa ako. Please lang Atlas Martinez, gan'yan lang ako kung kumain ng almusal kaya 'wag ka ng mapilit." Nailing na lang 'to at tumango. Mamaya tapos na rin siya kumain. Pero inantay ko pa rin naman siya hanggang matapos kaya wala ng masasabi si Atlas. "Ako na baby," inagaw sa akin ang hawak long plato. Magp
Andrea Nang makapasok ako ng kotse ikinabit agad ni Atlas ang seatbelt sa ‘kin. Hindi pa ito nakapasok kasi pinauna niya ako makasakay. Kahit kaya ko naman isuot ang seatbelt ko, effort talaga ikinabit muna bago lumayas sa harapan ko. “Atlas ano nga pala ang pinag-uusapan n'yo ni dad, bakit maraming beses kayo masinsinan nag-usap ng nasa bahay tayo," Nagmaniobra muna ito bago ako sagutin. “Inalok ko siya mag-business na lang kung ayaw niyang magtrabaho sa ACTV o RMTV.” “Nagtiwala ka kay dad?” “Of course baby, ano bang klaseng tanong 'yan?" walang pagdadalawang isip n'yang sagot sa 'kin. “Atlas paano kung malugi? Alam mong wala kaming ibabayad sa iyo," “Ganun naman talaga sa business. Sa unang subok hindi mo alam ang mangyayari. It's a gamble, baby, pero malaki ang tiwala ko sa daddy Alvin. Kasi nakikita ko naman sa dad, gusto niya ang naisip na negosyo." “Marami ka na kasi naitulong sa daddy. Ayaw kong isipin ng mommy at daddy mo. Ginagamit ko ang pagiging mag-asawa
Andrea Nang maya-maya pa patungo na kami sa building ng BS. Biology. May tumili at tinawag si Atlas. Tumigil kami at hinanap kung sino, kahit nabosesan ko ito at may idea na ako sinong babaeng 'yon. Sabi ko na kilala ko ang babaeng tumatawag kay Atlas. Walang iba kun'di si Brielle. Tama si Brielle nga malaki ang ngiti ng magandang dalaga pagkakita kay Atlas. “Atlas!” tinawag ulit ang asawa ko at tumakbo patungo sa 'min. Hindi ko tuloy maiwasang taasan ng kilay ang magandang dalaga. Si Atlas lang ang nakikita nito parang hangin lang ako. Sinunggaban ng yakap ang asawa ko. Sa inis ko pagalit kong inalis ang kamay ko kahit magkasugpong niyon ng kamay ni Atlas. “Brielle,” sinaway siya ni Atlas kaya lamang tila bingi ang dalaga. Tuwang-tuwa pa parang nagigil nakayakap sa asawa ko. “Brielle, kasama ko ang misis ko,” saad ni Atlas. Kumalas si Brielle ng yakap kay Atlas nakangiti pa rin ito. “Pupunta ka pala rito sana nagpasundo ako sa ‘yo. Sabi pa ni Brielle, parang si Atla
Andrea “Ayaw mo? Gusto mo pa daanin ka sa dahas Andrea!” madilim ang mukha ni Kier. May konting akong takot na naramdaman. Kitang kita kasi galit na galit ang nagbabaga nitong mata, nakatingin sa 'kin. Hindi ako maaaring magpadala ng takot sa kaniya. Aba siya ang may atraso sa ‘kin siya dapat ang matakot, hindi ako, tang-na niya. “Sinabi ko sa ‘yo ayaw ko ng makipag-usap sa ‘yo. Noong mahuli ko kayo ni Erica. Diba tinapos ko na kung anong mayroon sa ‘tin,” may inis ang boses ko na saad ko sa kaniya. Pagkatapos ay hinila ko na si Vianca, upang lampasan namin si Kier. “Para sa ‘yo, tapos na tayo ngunit sa ‘kin hindi ako payag, Andrea. Sa part ko hindi pa ako pumayag. Wala akong sinabi na payag ako na hiwalayan mo ako,” "E, siraulo pala ulo mo. Gagawa ka ng kalokohan, hindi mo tatanggapin ang desisyon ko. Please? H'wag mo na akong guluhin dahil ikaw ang sumira sa relasyon natin." Ngunit matigas talaga ang mukha ni Kier dahil sinundan kami ni Vianca at bigla akong hinawakan ng
Andrea “Ugh!” isa pa ulit na suntok ang pinadapo ni Atlas kay Kier. Doon ako napakurap kasi namaluktot na si Kier, sapo ang tiyan na nasaktan. Inubo pa dahil sa lakas ng impact ng suntok ni Atlas. Ikaw pa na bigyan ng dalawang malakas na suntok good luck na lang kay gagong Kier. Sa laking tao ni Atlas. Wala talagang laban itong si Kier. Kahit na hindi nalalayo ang tangkad nito kay Atlas. Mas may muscle naman ang asawa ko. "I will bury you alive, asshole!" Atlas said angrily. Inisang hawak ng kamay nito ang panga ni Kier mariin na hinawakan. “Tama na iyan baka mapatay mo pa. Hindi pa siya bagay na madeds. Kailangan muna niyang makulong,” anang ko kay Atlas, niyakap ko sa baywang kaya hindi natuloy ang dapat n'yang pagsapak sana kay Kier. Sinamaan ako ng tingin ni Atlas. Napanguso ako, kasi napunta ang atensyon nito sa papulsuhan ko at malutong na napamura ng makita namumula at kita pa ang bakat nito galing sa daliri ni Kier. “Tang-na!” pagkatapos sinulyapan si Kier. “I will make
Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi
AndreaNang paglabas ko galing CR tapos na magbihis si Atlas at busy kadodotdot sa phone niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil naka ngisi ito habang naka tingin sa phone niya."Baby," sabi niya at lumapit sa 'kin at nakangiti pa rin inirapan ko tss. Hmp sino naman ang kapalitan nito ng text at ang ngiti abot hanggang tainga."Si Yorme nag-text. Hindi raw siya makararating bukas, kasi pupuntahan niya ang mag-ina niya hindi raw siya tinitigilan na awayin ni mommy," nakatawa sabi ni Atlas, na para bang nakaalala nito ang katatapos na pag-uusap ng kapatid n'yang si Ishmael.Bahagyang tumulis ang nguso ko. Kasi ang ngiti ngayon ni Atlas para bang alam niyang nauurat ako ng maabutan ko siyang may ka-text kanina."Selos naman agad Misis? Kung hindi lang pamilya ko ang nag-text sa 'kin hindi ako mag-re-reply. Wala akong panahon sa iba dahil sa 'yo ko lang gustong ubusin ang oras ko.""Edi wow na lang,"Pinisil niya ang ilong ko. "Ayaw pa umamin ng asawa ko na kinilig
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”
Andrea “Dammit, baby. Hindi naman aalis si ‘nay Fidelisa nagmamadali ka,” suway ni Atlas ng nahabol niya ako bago pa makarating sa sala. Kasi iniwan ko na siya pagkababa lang namin sa hagdanan dahil sabik akong mayakap ang bagong dating na si nanay Fidelisa. “Ikaw ba naman na matagal hindi nakita ang tinuring mong pangalawang ina hindi ka ba magkaganito? Oh, sasagot ka pa talaga Martinez ang pangit mo ka-bonding." Hinayaan na lang ako ni Atlas na maunang maglakad upang puntahan ang nanay Fidelisa. “Nanay Fidelisa! Namiss kita promise,” wika ko pa umupo sa gitna nila ni ate Lucy. Kahit masikip na sila nila ate Lucy sa upuan. Dedma ko lang pinagkasya ko ang sarili ko ‘wag lang kumilos. Dahil magkakabunguan na. Kasama pa kasi nilang tatlo si Alvina, nakanganga matulog sa mahabang sofa. Sumiksik pa ako kaya naging lima na kami kasama si Alvina. “Baby sumiksik ka pa maiipit ang tiyan mo r’yan,” suway ni Atlas. Nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi ni Atlas. Sa halip masaya akong y
Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae
Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.