Andrea “Dad!” nag-antay ako kung sasagot. Nang wala kumatok ako ng tatlong beses at nag-antay akong pagbuksan. Bumukas ngunit si Tita Olivia ang bumungad sa ‘kin. Akala ko nga matatagalan pa ako nakatayo sa labas ng pinto paano hindi naman sumasagot si Daddy. Iyon pala dahil tulog na yata dahil nakapikit si Daddy nakahiga na sa kama, ng silipin ko. “Magpapaalm lang ako kay Daddy, na aalis na ako,” wika ko kay Tita Olivia. Pagkatapos kasi namin kumain. Umakyat na sila ni Tita Olivia at Daddy. Ako naman ay nagligpit pa ng pinagkain namin. Kahit lumaki ako kasama ang Nanay Fidelisa. Marunong ako sa gawaing bahay. Kahit alam ko ay mga prito lang sa pagluluto kahit paano may alam ako. Naglinis na rin ako ng bahay walis lang naman ang ginawa ko hindi mabigat. Kaya mabilis din akong natapos umakyat agad din sa silid ko dahil nga ala-una ang alis ko. “Ako na ang magsasabi sa Daddy mo,” sabi ni Tita Olivia. Alanganin dapat ako baka magalit si Daddy, kasi nga ayaw ko ng maulit iyong
Andrea Pabalibag kong sinarado ang pinto ko sa k'warto dahil sa inis kay Tita Olivia. Talagang sinisiraan ako kay Daddy kaya lagi akong pinapagalitan sa mali-mali niyang sumbong sa ama ko. Pabagsak akong umupo sa gilid ng kama ko. Hinugot ko ang phone ko sa pants na suot. Tatawag ako sa Nany Fidelisa. Gusto ko munang mag bakasyon doon upang magpalamig. Kung mananatili ako rito sa bahay. Baka patulan ko na si Tita Olivia makalimot akong buntis ito. Tapos na rin naman ang finals namin. Cearance na lang asikasuhin namin. Mabilis lang naman ‘yon, at kaya ko na iyon tapusin ng three days. Sa enrollment naman matagal pa ang iskedyul. Baka nga sabay na kami ni Nanay Fidelisa makababalik dito bago pa dumating ang iskedyul ng enrollment. Nag-dial ako sa number ni Nanay Fidelisa kaya lamang hanggang sa magsawa ako puro unattended ang naririnig ko. Dalawa lang ang ibig sabihin nito. Walang signal o lowbat ang Nanay Fidelisa. Wala hindi ko talaga ma contact. Ang ginawa ko lang nag-text
Andrea Kumunot ang noo ko ng paglabas ko ng aking k'warto may naulinigan akong masayang halakhakan sa living room. May bisita at sino naman? Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ni Tita Olivia at boses ng isang hindi pamilyar na lalaki. Wala naman problema kung may bisita si Tita Olivia. Hindi naman bawal basta maayos na bisita. Hindi iyon boses ni Daddy dahil kilala ko ang boses nito at alam ko rin na nasa banko na si Dad kanina pa. Unless umuwi si Erica at bisita ito ni Erica. Dahan-dahan akong naglakad upang bumaba sa hagdan. Nanlaki ang mata ko kasi nakita ko nasa sala sina Olivia at ang lalaki naghahalikan. Torrid kiss pa iyon pinisti oi. May tunog pa ang halikan ng dalawa hindi ganito ang halik ng Isang magkaibigan lang….. Kalaguyo ito ni Tita Olivia. Dammit! Iniputan nito sa ulo si Daddy ng walanghiyang babae na ‘to. Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko mabilis kong nilapitan at hinila ko ang buhok ni Olivia. “Malandi kang babae ka!” buong lakas kong sinabun
Andrea Sandali muna akong tumigil nagbabakasakali akong sundan ni Daddy, pabalikin ako sa loob. Sabihin sa ‘kin nabigla lang siya dahil ganoon naman tayo. Kapag nauunahan ng galit nakagbibitiw tayo ng hindi natin gustong salita, at saka lang nating iyon mapagtanto kapag tapos na. Kapag nakasakit na tayo. Daddy ko siya mahal ko ang Daddy ko. Tawagin lang niya ako babalik ako sa bahay. Kalilimutan kong nasaktan niya ako. Kalilimutan kong pinalayas niya ako. Subalit… Sampung minuto na ang lumipas wala akong narinig na tinig ni Daddy. I sobbed….mariin akong napalunok. Impit akong napahikbi. Nag-abang ako ng taxi. Mabuti na lang mayroon agad dumating pinara ko at sumakay ako. Masakit na ang aking mata sa ka iiyak. Hindi ko alam kung saan ako patungo ngayon naguguluhan pa ako. Mag–iisip pa ako kailangan ko muna ngayon isipin wala akong pera. Wala akong pera naisip ko dumaan sa pawnshop. Isasanla ko muna ang suot kong bracelet. Kasi hindi p'wede ang hikaw ko. Si Mommy ang bumili n
Andrea Nang tuluyang akong makalayo sa apartment ni Kier. Doon ako sumabog. Kanina ay matapang ako. Hindi ko pinakitang nasaktan ako sa pagtataksil nila ni Erica. Ngayon wala ng nakakikita sa ‘kin doon ko lamang inilabas ang kahinaan ko. Dahil ang totoo sobrang sakit. Ang sakit lang dahil dalawang lalaking mahal ko sinaktan ako ng sabay. Tila ako mauubos sa sandaling iyon. I no longer care about my surroundings kung mayroon makakikita sa ayos ko ngayon. I'm broken emotionally. I would prefer if they just slapped me both. Kasi bukas agad din naman maghihilom. Kaysa ganito puso ko ang nasugatan at matagal maghilom. Si Daddy na mas pinili ang bago n'yang asawa kaysa sa 'kin na anak niya. Si Kier naman na pinagtaksilan ako ng babaeng anak ng asawa ni Daddy. Ang galing lang. Parehong mahalaga sa buhay ko. Sabay na nawala sa ‘kin at mag-ina pa ang involved. What did I do to be hurt like this? Hindi naman ako masamang anak. Hindi naman ako masamang girlfriend. Oo, hindi ako pumapay
Atlas Kung kailan nakarating na ako sa condo unit ko. Tumatawag si Gian sa ‘kin. Hinayaan ko dahil nakauwi na ako. Kaya lang ayaw tumigil ng gago kong pinsan. Kaya napilitan akong sagutin. “What do you want?!” singhal ko sa kaniya ngunit bumunghalit lang ito ng tawa ang gago kong pinsan sa kabilang linya. “Anong nakakatawa?” may inis sa boses ko. “Ang init ng ulo mo sa baba,” sabi nito narinig ko ang boses ni Macarius, malakas itong tumawa sa sinabi ni Gian. So magkasama nga ang dalawa na nagtungo ng Soltero bar. Dahil kami ni Macarius palagi ang magkasama noong mga bata pa kami, hanggang sa makatapos ng college. Kaya naging kaibigan din nito si Gian. Sa side ni Mommy. Si Gian ang kadikit ko. Ayaw lang nito magpatawag ng Kuya sa ‘min ni Macarius kahit noon pa. Niyaya ako kanina tinawag ito ni Macarius. Tumanggi ako wala ako sa mood uminom ngayon masakit pa talaga ang ulo dahil sa hangover kagabi. Napadami ang inom namin kasalanan nitong si Gian. Bigo sa babae dinamay kami ni
AndreaNagising ako na masakit ang pagitan ng hita ko lalo na kung igagalaw ko ito. Ouch yawa ang sakit naman. Lentek sumabay rin ang ulo ko parang binibiyak sa sobrang sakit. Nanlaki ang aking mata pagkatapos naluha ako. Hindi maipagkakaila nawasak ang puri ko kagabi dahil maraming nalaklak na alak.S-sino ang kasama ko kagabi? Naisuko ko sa hindi kilala ang bataan ko ng wala man lang ako natatandaan.Mayroon din nakayakap sa baywang ko nasa likuran ko nga lang pero ang bango niya hindi amoy matanda. Jusko Lord sana naman pogi naman ang nakasiping ko kagabi para naman maganda ang lahi promise hindi na ako uulit na uminom ng alak.Nakagat ko ang labi ko dahil kumirot ang bulaklak ko ng ako'y gumalaw. Gusto kong umiyak sobra namang kamalasan ito oo. Pinalayas ako ng Daddy ko. Pagkatapos nag-cheat ang boyfriend ko. Naiwala ko ang puri ko at iyon sa loob ng twenty four hours lang.Pambihira buhay ito masaklap pa hindi ko kilala ang lalaki naka one night stand ko. Kasalanan ng gago kong e
Andrea “Kasal?” “Yeah. Don't worry this is only a fake marriage. Sabihin na natin pareho tayong makikinabang dito. All mine is yours too. Ngunit hindi kasali ang damdamin natin." “Wala ka namang obligasyon sa ‘kin kahit sinamantala mo kagabi ang kahinaan ko. Kaya naibigay ko ang sarili ko sa ‘yo.” “Correction! Ako ang ginapang mo,” wika nito kaya uminit ang mukha ko. Ano kaya ang ginawa kong kahangalan kagabi bwisit sinusumpa ko na talagang ang alak napahamak ako dahil sa kalasingan. Maya-maya naging seryoso ito. Sumampa sa kama dumukwang sa ‘kin. “A-Atlas….h-hoy,” nataranta ako kaya naman umatras ako wala na nga lang akong aatrasan dahil nakasandal na ako sa headboard ng kama. Tinulak ko siya sa mukha ngunit bumabalik din upang magkalapit ang mukha naming dalawa. “Ano ba! Umayos ka kasi, Atlas!” pagbabanta ko subalit bumungisngis lang ito hindi nakinig sa sinabi ko. Seriously? Akala ko suplado ito bakit parang lahat pabiro ang kilos nito ngayon. “Umayos ka kasi!” tinul
Andrea “May plano na ba kayo magkaanak ni Atlas? Kaya lang nag-aaral ka pa pala baka hindi pa ano, hija?” walang preno-preno tanong nito ako ang kanina pa mainit ang pisngi pagkabanggit nito ng apo. “Ahehe…ano po M-mommy. H-hindi ko pa po alam,” anang ko ngunit tinawanan lang ako. “Naiilang ka ba Andrea?” bumungisngis ito hinaplos ang buhok ko. “Sorry naging madaldal ako. H’wag mo na lang seryosohin ang mga sinabi ko. Halika na para makakain na tayo ng tanghalian,” aniya hinawakan ako sa kamay ko. Nang mag-umpisa kaming lumakad. Doon ko napansin t-shirt pala ni Atlas ang suot ko. Pinamulahan ako ng mukha kasi tumingin din sa akin ang ginang. Wala naman akong nakitang pinipintasan niya ako. Hindi ko lang talaga maiwasang mahiya kasi kaharap ko kaya ang mommy ni Atlas. “Oo nga pala may mga damit ka na r’yan sa closet ni Atlas. Kung gusto mong maligo muna. Aantayin na lang kitang matapos. Dito lang ako sa kuwarto n'yo,” ani nito. “Pwede po ba?” “Oo naman ikaw talaga mahiyai
Andrea “G-good morning po. M-mommy po kayo ni Atlas?” nauutal kong tanong sa nakangiting ginang na nakaupo sa tabi ng kama. Nakangiti itong tumango. “Mommy mo na rin ako, kasi asawa ka ng anak ko. H'wag kang mahihiya sa ‘min ituring mo na kaming pangalawa mong magulang?” ani nito hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya. Namamangha lang ako kasi ang yaman-yaman ng pamilya nila pero ang bait nito. Bihira lang ako makaharap ng mayaman pero itong ginang walang kaarte-arte sa katawan. Watch at hikaw lang ang suot nito kasama pala wedding ring. Bukod doon wala na itong ibang suot na alahas. Kanina pa nakangiti pagpasok ng pinto ako na lang ang nahihiya na i-dedma ito kasi ang lumanay rin ng boses niya. Dahan-dahan akong bumangon umalis ito sa kinauupuan niya tinulungan akong makasandal sa headboard ng kama. “Thank you po,” nahihiya kong sabi. Hindi ko rin masabi sabi ang ‘mommy’ sa kaniya naiilang pa ako. “Kaya mo na bang bumangon, hija?” ani pa nito pagkatapos inayos ang buh
Andrea Tahimik ako ng nasa biyahe na kami. Panay ko hikab kaya sinabihan ako ni Atlas na matulog muna kasi malayo pa kami sa bahay nila. Inayos din ni Atlas ang upuan ko at sinabihan ako matulog muna kung inaantok ako. “Kanina ka pa panay hikab. Baby, gigising kita pagdating natin sa bahay,” anang nito inabot pa ang pisngi ko hinaplos niya. Humalukipkip ako tinaasan siya ng kilay ngunit tumaas lang ang sulok ng labi nito ako pa ang pinagtatawanan ng loko. “Hmp! wag kang masyadong mabait sa ‘kin baka manibago ako kapag maghiwalay na tayo...bahala ka hindi na kita pakakawalan pa," ani ko kinangisi nito. "Paano nga ba kung ako rin hindi na kita pakawalan kasi panay mo pa cute sa 'kin," "Woi hindi ah! Ganito talaga ako cute. Kaya magtiis ka," wika ko hindi ko maiwasang tumawa kasi laglag panga ni Atlas. "Pero seryoso ako roon sa una kong sinabi. Bawasan mo pagiging mabait sa 'kin baka makasanayan ko." Hindi ko inalis ang tingin ko kung anong magiging reaksyon nito. Napairap
Andrea “Iyan po ba ang gusto mo Dad, hindi na ako pupunta rito? Bahay ko rin po ito at gusto rin po kitang madalaw—” sabi ko pa dahil humabol ako sa kaniya ngunit nilampasan lang ako ni Dad. Inayos ko muna ang sarili ko. Naka labas na ako ng office ni Daddy. Ayaw ko makita ni Atlas ang hitsura ko na wala sa ayos. Though hindi ko maitatago sa kaniya ang namumugto kong mata at least maayos ang hitsura ko. Napangiwi ako ng salatin ko ang aking mata halata iyon namumugto ang takikap ko. Woah! Napabuga ako ng hangin sa bibig. ‘Okay Andeng! Kumalma ka. Nag-usap na kayong mag-ama at may sagot na siya. Malinaw naman na ang bagong asawa ng Daddy mo ang pinili. Kaya tanggapin mo na lang at ayusin ang pag-aaral mo. Tama. Pero hindi ibig sabihin na sumuko na ako. Hindi ibig sabihin na kalilimutan ko na si Daddy. Mag-aantay pa rin ako hanggang sa bumalik ang dating mapagmahal kong ama. Dumaan muna ako sa dining area bago ko ipasyang bumalik sa living room. Nakaramdam ako ng pagkauhaw pagk
Andrea “Atlas,” pigil ko sa kaniya dahil namumula sa galit si Daddy. Ngunit hindi talaga ito magpapaawat sa halip kasi ay tumayo na ito inilahad ang kamay nito sa akin senyales na aalis na kami. “Let's go,” he said. Umiling ako kaya napabuntong hininga ito. "Baby?" aniya nagpipigil ewan kanino ito galit dahil malambing naman ang titig nito sa 'kin. “Gusto ko pang makausap ng masinsinan si Daddy,” wika ko kay Atlas. Humugot ito ng hangin pagkatapos tumango. “I'll wait for you here,” tugon nito binitiwan ang kamay ko. “Thank you. Mabilis lang ako,” paalam ko sa kaniya pagkatapos ay tumingin kay Daddy. “Daddy please naman po. Mag-usap muna tayo ng masinsinan. Mahalaga po itong sasabihin ko kailangan mo itong nalaman,” wika ko ngunit naningkit anga mata ni Daddy hindi ako nagpatinag. “Tungkol saan nanaman ba ito ha, Andrea?” tanong nito at galit. “Sa office mo po dad. Pagkatapos ko itong masabi sa iyo. Nasa iyo po ang desisyon kung maniniwala ka sa ‘kin. Basta totoo po ang sasabih
Andrea “Daddy,” nakangiti ko pa sabi sa kaniya subalit hindi ako pinansin sa halip pumasok ito sa loob kaya nahiya ako kay Atlas hindi tuloy ako makatingin dito. Napayuko ako pinalooob ko ang buong labi ko upang hindi ako maiyak. Naramdaman ko humalik si Atlas sa buhok ko natigilan ako hindi ko lamang ‘yon pinahalata sa kaniya. “Ahm…pasensya na nakita mo pa ang kasungitan ni Dad,” ani ko wala naman akong nakuhang sagot galing sa kaniya. Bakit niya ako hinahanap kay Vianca kung ganito pala siya malamig ang pakikitungo sa ‘kin. “It's okay. Kasama mo ako,” paalala pa nito. Tumango ako. “Salamat. Tara na pasok na tayo,” umangat ako ng tingin kay Atlas ng maayos na ako. Tahimik lang ito sumunod sa akin. Kasi bakit sumama pa ito ngayon ‘yan tuloy malalaman nito hindi kami okay ng ama ko. “Hey, okay lang ‘wag kang mag-alala,” narinig ko pa bulong nito. “Halika upo tayo,” nakangiti kong alok sa pangusong itinuro ang sala namin. Naroon na si Daddy nakaupo roon nakatalikod sa a
Andrea “Iyan na ang bahay namin,” turo ko kay Atlas ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Wala kaming guard kasi ang Nanay Fidelisa ang taga bukas kay Daddy at Mommy noon kapag papasok at uuwi galing trabaho. Kasi sila lang ni Daddy, ang mayroon kotse. Pero may susi ako sa maliit naming gate wala lang dito ngayon sa ‘kin kasi naroon sa backpack kong ginagamit pagpasok ng school. Alanganin akong ngumiti ng magbusina si Atlas. Wala kasi magbubukas ng gate. Seryoso lang ito nag-antay pa kami sa labas. Ewan ko kung nasa bahay si Daddy. Kung tawagan ko kaya. Pero baka nasa trabaho ito sayang naman ang punta namin ni Atlas, kung walang mangyari sa lakad ko. Inuna pa naman nito dito pumunta sa bahay kahit inaantay na ito ng Mommy nito. “Baka walang magbukas sa ‘tin,” naging tabingi ang ngiti ko kasi sampung minuto na kami sa labas ng gate. “W-wala yata ang Dad ko umalis na lang tayo," dugtong ko pa. “Antayin na lang natin ayos lang kahit mag-antay tayo," tugon ni Atlas pinas
Andrea Paglabas ng gate sa bahay ni judge Stewart. Kumaripas ng patakbo sa kotse niya si Macarius. Na welcome naman niya ako sa family nila pagkatapos umalis na may meeting daw ito sa trabaho sabi ni Atlas. Nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag ko. Senyales na mayroong bagong pumasok na text. Tumingin si Atlas sa ‘kin wala naman sinabi ng kunin ko sa bag ang cellphone ko. Bigay rin ni Atlas itong dala kong shoulder bag. Bago kami umalis sa condo unit nito inabot niya sa ‘kin. Kaya pala hindi ko napansin sa loob ng k'warto kasi nasa sofa kanina. Ibinigay niya sa ‘kin ng palabas na kami ng condo. Vianca: Andeng? Nag-reply agad ako upang alamin kung anong kailangan nito sa ‘kin. Ako: Besh? Yeah, pupunta ako mamaya. Sa bahay n'yo. May sagot agad ito sa ‘kin pagkasend ko ng reply sa kaniya. Pero ng mabasa ko ang text ni Vianca, kinalaki ng aking mata. Vianca: Galit na galit ang Daddy mo. Hinanap ka sa ‘kin. Ako: Oo, uuwi ako mamaya sa bahay bakit naman niya ako hahanapi
Andrea Pagbusina ni Atlas sa hinintuan naming matayog na gate. Agad iyon bumukas. Inaasahan na yata ang aming pagdating dahil wala ng tanong, tanong. Kung sino ang nasa labas. Mayroon agad sa loob nagbukas. Usually dapat kapag ganitong mayaman. Alam ko inaalam muna ng duty guwardiya kung sino ang dumating na bisita. Dito kay Atlas. Hindi naman niyon ginawa sumaludo pa nga kay Atlas, animo kilala siya ng dalawang g’wardiya ng pumasok ang sasakyan niya sa malawak na bakuran ng bahay ni judge. Nang makapasok kami sa loob ng bahay. Salubong na ang kilay ng pinsan ni Atlas, naiinip nakaupo sala may kasamang may-edad na lalaki. Naisip ko ito na yata ang judge na tinutukoy ni Atlas, na siyang magkakasal daw sa ‘min. Parang kasing edad ni Daddy o mas matanda hindi lang gaanong malaki base lang naman sa nakikita kong itsura nito. Ang tinutukoy ni Atlas na pinsan. Ang lalaki pala roon na kasama niya roon sa Okada. Tinitigan ko magkamukha pala sila ni Atlas kahit magpinsan lang. Hindi k