Share

Chapter 88

HINDI maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ni Maris. Kinabukasan ay laman ng pahayagan ang mga nakapasa sa Board Exam. Maging ang kanyang ama ay hindi makapaniwala at sobrang proud nito sa kanya.

"Nasaan na ba ang darling mo?"

Napalingon si Maris kay Manang na nagtutupi ng mga damit.

"Darling?"

Makahulugan siyang nginitian ni Manang Bola. "Si River. Bakit hindi ka na niya dinadalaw? Hindi ka rin naman pumapasok?"

Inirapan niya si Manang. "Hindi ko darling iyon!" Sinisinop niya sa malaking supot ang isusuot na formal dress para sa oath taking niya kinabukasan. Ayaw niyang malukot ni marumihan ang kulay dilaw na mini strapless with a fitted bodice gown na niregalo sa kanya ng kaibigang si Vookie. Nang mabalitaan nito na nakapasa siya sa board, agad siya nitong tinawagan kahit nasa Malaysia pa. At heto nga at pinadalhan pa siya ng damit na saktong maisusuot niya bukas.

"Eh, bakit nga ba? Hindi mo ba siya nami-miss?" pang-aasar pa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status