KELVIN CLYDE“DOES everyone is ready?!” Umalingawngaw na boses ni Kenneth sa microphone. Malakas na hiyawan at palakpakan naman ang sagot sa kaniya. “Are you excited?!” Muling tanong niya na ikina-buwisit ko.“Wag mo ng patagalin pa!”“Babae iyan, sengkuwenta ang pusta ko!”“Isang daan, lalaki ang anak ni Boss!” “Gender reveal na!”Sigawan ng mga tao na nandidito sa rooftop ng company ko. Madami ang tao ang tao sa rooftop, kaibigan, pamilya at empleado ng company ay dumalo sa gender reveal ng anak namin ni Claire. Kung excited sila mas excited ako! Sympre, ako ang Ama! Nakakabanas lang itong si Kenneth walang kwentang emcee daming alam sa buhay, pa-trill masyado.Marami ang regalo na nakatambak sa tabihan namin pambabae at panlalaki. Kaniya-kaniyang desisyon ang mga nagregalo!Nakatayo kami ni Claire sa harap ng maraming tao. There is a big celebration here, I prepare everything for this day. And, I also have an own technique how to reveal the gender of my child even if it I still d
CLAIRE JOYCEMABAGAL ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan habang nakahawak sa malaking umbok ng tiyan ko. Ingat na ingat ako sa bawat hakbang ko at halos hindi ko maalis ang tingin sa hagdan dahil kapag nagkamali ako ng hakbang paniguradong wala akong ligtas sa kamatayan.Nakahawak ako sa light blue long maternity dress na suot ko na pinarisan ko ng putting flat shoes. Naglakad ako patungo sa garden kung saan na ka handa ang dinner namin ni Kelvin. Mas lalong lumapad ang ngiti ko bumungad sa akin ang magandang decoration sa paligid. Candle lighting at nakapalibot na Christmas light na iisa ang kulay na kasing kulay ng candle light. Nakatalikod siya sa akin may ka-usap siya sa cellphone. Napaka-manly ng tindig niya, nakalagay pa sa bulsa ng pants niya ang isang kamay. Mukhang inis na inis siya sa ka-usap niya sa cellphone dahil frustrated na napasuklay siya sa kaniyang buhok gamit ang mga daliri. Ibinaba niya na ang tawag at ibinulsa ang cellphone. Naglakad ako papalapit sa kaniya h
KELVIN CLYDENANDITO ako sa position na sa lahat ng mahirap na decision ko sa buhay ito na ang pinaka-mahirap na pagpasyahan. Bata pa lang gumagawa na ako ng decision sa buhay at na lampasan ko ang lahat ng pagsubok sa mga decision na ginawa ko.Naglayas ako sa Bahay ng bata pa lang ako para makatakas sa sakit ng katawan pero mas mahirap pa ang naging buhay ko dahil na gawa kung kumain ng basura! Mas pinili ko si Grandpa na siyang Ama ko sa papel kaysa sa makasama ng buo ang pamilya ko. Nagpapahirap at pumapatay ng tao na humahadlang sa lahat ng pagkamit ko sa mga gusto ko. Mas pinili kung pabagsakin ang company ng tunay kung Ama kaysa tulungan itong makabangon. Lahat ng naging decision ko ay hindi ko pinagsisihan. Lahat ng naging resulta, mabuti man o nakakasama sa akin ay wala akong pakialam dahil mayroon ako siya… Meron akong Claire.Naka-upo ako sa upuan sa gilid ng hospital bed ng asawa ko. Hawak ko ang kamay niya na may suwero. Nakatingin ako sa maganda niyang mukha. May benda
KELVIN CLYDENAKATAYO ako sa loob ng bakod ng Bahay nakamasid sa tahimik na karagatan at ni nanamnam ang malamig at sariwang simoy ng hangin. I am just wearing a blue short with a pink swan print on it and topless. This is my life! Nakaharap sa karagatan at inaabangan ang paglubog ng araw at pagsikat nito. Sa paglipas ng panahon mas pinili ko na tumira sa isang resort for good with my son — my family. Sa madaming taon lumipas madaming nagbago. Kung noon na bubuhay ako sa galit, sakit at paghihiganti. Umiikot ang mundo ko sa kapangyarihan, kayamanan, babae at kasikatan. Bagay na hindi ko kayang mawala sa akin dahil para sa akin ito ang kaligayahan ngunit nagkamali ako… Lahat ng iyun ay nagbago mula ng makilala ko siya — Claire. Mula ng maging akin siya, lahat ng naka-sanayan ko ay unti-unting nagbago. Ang galit ay napalitan ng kapayapaan. Ang sakit ay unti-unting napapalitan ng saya. Napagtanto ko rin na hindi sagot ang paghihiganti sa mga taong nakagawa ng kasalanan kundi ka patawa
KELVIN CLYDENAGISING ako ng marinig ko ang mala-anghel na hagikhik ng anak ko. Pinilit kung iminulat ang mata ko kahit na kumikirot ang ulo ko dahil sa putanginang alak na nainom ko.Ihihilamos ko na sana sa mukha ko ang kamay ko ng mapansin kung basa ito. Kaagad naman akong napatingin sa anak ko ng bigla itong umiyak. Shit, kaming dalawa na lang pala ng princessa ko ang nasa kwarto at mas na una pa siyang na gising sa akin at ang kamay ko puno na ng laway niya.“Hey! Hey, baby…” Ibinigay ko ulit sa kaniya ang kamay ko dahilan para matigil siya sa pag-iyak. Napangiti naman ako ng makita ko siyang ngumi-ngiti at pa minsan minsan ay humahagikhik ng tawa na para bang nag-eenjoy siyang gawing lollipop ang hinlalaki ko.Naghugas naman ako kagabi pagkatapos, kaya malinis ito!Hinalikan ko sa noo ang anak ko. “Good morning my princess. Kaye Chelsea Castro Miranda.” I completely said her beautiful name. Pinupog ko siya ng halik sa mukha dahilan para mas lalo siyang humagikhik.“I miss your
CLAIRE JOYCE“MOMMY, I'm finished!” Itinaas ni Keith ang milk bottle niya na wala ng laman. Nakahiga siya sa sofa habang nanunuod ng cartoons sa TV.“Ang galing naman ng baby ko,” Inabot ko ang milk bottle niya at inilagay ko sa center table. Naka-upo ako sa pang isahang sofa habang nasa bisig ko si baby Kaye.“It's time to sleep, baby.”“Later Mommy, please... Let's wait Daddy.” “Umakyat na tayo, Kieth, baka madaling araw na siya umuwi, anak. Kaya wag mo nang hintayin.”Nakita ko na nalukot ang mukha ng anak ko. Wala na kasing oras na inilalaan si Kelvin sa kaniya kaya alam ko na miss na miss niyang kasama ang Daddy niya.Nandito kaming mag-iina sa sala. Pagkatapos naming kumain ng dinner, ayaw pang umakyat ni Keith sa taas dahil gusto niyang hintayin ang kaniyang Daddy. Hindi naging maayos ang pag-uusap namin kanina. Sa tingin ko ay wala siyang balak umalis kanina pero dahil sa nagkasagutan kami, umalis siya at hindi nagsabi kung saan pupunta.“Mommy...” Napatingin ako kay Keith.
CLAIRE JOYCE“WE'RE STAYING.”Natigilan siya bago humarap sa akin. Nandito kami sa veranda ng guestroom kung saan ay pinahanda ni Carry para sa amin ng mga anak ko dahil siya mismo ang gustong dito kami matulog sa kaniya.Mabilis kung tinapos ang pagkain ko lalo pa’t nagrereklamo na si Keith na inaantok na siya. Iyon ang naging daan para makaiwas ako sa kaniya. Dumiretso ako sa kwarto kung saan nilagay ni Yaya si Kaye na mahimbing ng natutulog. Pagkatapos kung palitan ng damit si Keith ay agad itong nahiga sa tabi ni Kaye at niyakap.Sa kalagitnaan ng pagmamasid ko sa kanilang dalawa ng bumukas ang pinto at niyaya ako ni Kelvin na umuwi na. Hindi ako sumagot sa kaniya dahil nagising si Kaye. Dumiretso siya sa veranda kaya ng masigurado kung tulog na saka ako sumunod sa kaniya.“Sa condo ko n—“Hindi mo kailangang alalahanin ang mga bata. Ligtas ang mga anak mo dito at walang mangyayaring masama sa kanila. Bukas na bukas babalik rin kami sa resort. Sige na, lumabas ka na baka hinahana
CLAIRE JOYCE HATING-GABI ng magising ako. Nilingon ko si Kelvin na mahimbing na natutulog sa tabihan ko habang nakayakap sa akin. Dahan-dahan kung tinanggal ang kamay niya sa bewang ko. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay dahil alam kung kaunting galaw lang ay nagigising siya.Dahan-dahan kung hinila ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Letse kasing Kelvin ‘to! Hindi ako tinigilan, tudo tangi naman ako pero traydor naman ang katawan ko. Ayan tuloy bumagsak na naman ako sa kama niya!Pumasok ako sa walk-in closet. Nagbihis ko ng pajama at long sleeve na pangtulog bago ako bumaba sa kusina. Hindi na ako nakakain ng dinner dahil ako ang kinain kaya ang bagsak gutom na gutom ako ngayon!Pagkatapos kung kumain umakyat na ako sa taas at sumilip ako sa kwarto ng mga anak ko. Pumasok ako sa loob at tiningnan sila. Inayos ko si Keith dahil nasa gilid na ito ng kama aalis na sana ako ng magising siya.“Mommy, please stay...”Bumalik ako sa kaniya at nakangiting humiga ako sa tabiha
KELVIN CLYDE“PUMUNTA ka ba rito para manginis? Pwes, kung oo umalis ka na!”I can't help but to smile ear to ear. My heart beating so fast and no one can stop on what I felt towards the woman besides me. Hindi ko akalain na ang gabing iyon hindi alam na ako ang kasama niya. Ang tattoo ko ba ang dahilan kung bakit na isip niya na ni hindi ako iyon? Nang gabing iyon kakarating ko lang mula sa business trip na minadali ko upang makahabol sa party ni Kyle ngunit hindi ko akalain na sa paglabas ko ng banyo si Claire ang bubungad sa akin and that's happened. Kaya naman pala nang magkita kami sa mansion ni Kyle ay tila wala siyang alam sa ginagawang panunukso sa akin ng mga loko.Napikon si Claire sa mga tawa ko halata iyon sa pamumula ng mukha niya at panay ang irap sa akin. She's about to walk out but I hold her wrist and pull her closer to me. “Kelvin, ano ba?! Bitawan mo ako!”Pumiglas siya sa hawak ko pero mas malakas ako sa kaniya. Isinandal ko siya sa railing at ikinulong ko siya sa
IKINASA ni Kelvin ang kaniyang baril at isinuksok sa likuran. Kinuha niya ang expensive black blazer, isinusuot niya ito habang naglalakad palabas ng silid. Inaayos niya ang suot niyang relo habang naglalakad pababa sa mahabang hagdanan.Four men in black with shades standing beside the staircase waiting for him. Tinanguan niya ang mga ito at nilampasan. Nakasunod sa kaniya ang apat at nang makarating sa garahe ng mansion pinagbuksan siya ng backseat ni Raul bago ito umikot at tinabihan siya. Sinulyapan niya ng malamig na tingin si Raul at tumingin ito sa gawi niya. “Pinaayos ko na ang kakailanganin mo, nakahanda na.” Sininyasan niya ang driver na magmaneho na at isinuot ang kaniyang magarang shades at relax na relax sa kaniyang inupuan at hinintay na makarating sa paliparan.Mula sa loob ng bintana na sinasakyan niya kitang-kita niya ang pagbaba ng ilang kalalakihan mula sa isang pribadong eroplano. Umikot muna ang sasakyan bago ito huminto. Na unang lumabas ang mga tauhan ni Kelv
CLAIRE JOYCEPAKIRAMDAM ko na durog ang puso habang nakatingin ako sa mukha ni Kaye na unti-unting nawala ang malapad na ngiti nito sa labi. Nangigilid ang luha nitong nakatingin kay Kelvin.Nakatayo ako gilid ng kama ni Kelvin habang nasa paanan naman ng kama niya si Baby Kaye at nasa likod nito ang mga pinsan niyang malungkot na nakatingin kay baby Kaye.Dahan-dahang naglakad si Baby Kaye patungo sa kabilang side ni Kelvin habang malamlam itong nakatingin sa Daddy niya at yakap-yakap pa nito ang kaniyang paboritong doll.“D-Don’t you remember me, Daddy?” Her voice was crack their eyes meet.Napahawak ako sa aking dibdib at napapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nasasaktan akong makitang nasasaktan ang anak ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na sobra siyang na lulungkot na hindi siya maalala ng Daddy niya.“How can I forget my princess?”Umuklo si Kelvin at binuhat si Kaye. Dinal niya ito sa kandungan kandungan niya at pinaupo paharap sa kaniya.“My Kaye Chelsea Miranda, turni
“KELVIN tara na!”Nilapitan ni Kyle si Kelvin at hinawakan sa balikat at hinila palabas ng pabrika na unti-unting natutupok ng apoy.“No! Where is my wife?!” “Hindi ba si Raul—“Boss!”Humahangos na si Raul ang dumating na pumutol sa sasabihin ni Kyle.“Nawawala si Ma'am! Hinanap ko na sa kung saan pero hindi ko matagpuan. Hinabol niya kanina si Miss Samantha at bigla na lang silang na wala!”“Bullshit!” Napasabunot si Kelvin sa sariling buhok. “Kailangan nating mahanap si Claire bago sumabog ang buong lugar na ito! Maghiwa-hiwalay tayo. Dito kami, doon kayo!” Pagbibigay ng instructions ni Kenji.“Kilos! Kilos! Kilos!” Utos ni Kelvin.Si Kelvin, Kyle at Raul ang pumunta sa likuran at sa harapan naman si Kenneth, Kenji at Kennedy. Sinuyod nila ang bawat sulok ng pabrika. Wala silang ibang makita kundi ang nagkalat na bangkay. Natigilan si Kelvin ng marating nila ang kinaruruonan ni Claire at Samantha na halatang nagtatalo ang dalawa. Sa itsura ng mga ito, halatang kanina pa nag-aaway
NAPAPIKIT si Samantha nang pumasok sa kaniyang isipan ang ala-alang hindi niya nakakalimutan. Nakatago siya sa mataas na halaman habang nakasilip sa loob nang gate kung saan naroroon ang kaniyang Ina na masayang nakikipaglaro sa anak nito.Ang saya-saya nitong inaalagaan at pinagsisilbihan ang anak. Naghahabulan ang dalawa at nang madapa ito ay agad na dinaluhan nang kaniyang ina. Ginamot nito ang galos sa tuhod nito dahilan para magbaba siya nang tingin sa kaniyang braso na puno nang pasa dahil sa pambubugbog na ginawa sa kaniya nang kaniyang ama dahil sa ginawa niyang pagsuway sa utos nito.Walang tigil sa pagbuhos ang kaniyang luha habang nakamasid sa dalawa. She's nothing but herself. Walang ina na gagamot sa mga sugat niya. Walang ina na nag-aalaga sa kaniya. Walang ina na sandalan niya at walang ina na nagmamahal sa kaniya.Iniwan siya na parang isang basura. Walang pakialam sa kung anong mararamdaman niya at kung ano ang magiging kinabukasan niya sa piling nang kaniyang ama.Wal
CLAIRE JOYCEHINDI pa ako nakakabawi sa nasaksihan ko muling may sumabog sa kabilang banda nang mansion. Hindi matigil ang pag-agos nang masaganang luha sa aking pisngi habang nakatitig sa mansion na tinutupok nang malaking apoy.“Boss sa likod mo!” Ilang tauhan ni Kelvin ang lumapit sa amin at bago pa man ito makarating sa kinaruruonan namin pinaulanan sila nang bala nang kalaban. Mabilis na lumingon si Kelvin sa likuran at agad akong dinampa nang yakap dahilan para magpagulong-gulong kaming muli habang hinahabol kami nang bala.“Are you okay?” Puno nang pag-aalala niyang sinapo ang mukha ko. Sunod-sunod along umiling, how can be okay if we are in this situation and to think that my—“Ahhhhh!”Mabilis itinulak si Kelvin nang makitang may lalaki sa likuran niya at tinutukan siya nang baril bago pa man nito maiputok, I tumbling and steal the gun from the guy, I kick his stomach before I shoot him.Nang maramdaman kung may tao sa kanang bahagi ay mabilis akong gumulong sa lupa at binari
CLAIRE JOYCEPAGKATAPOS kung mag-ayos mabilis akong bumaba sa hagdan at tinungo ang likod nang mansion. Habang naglalakad ako tinutupi ko ang mangas ng suot kung sweatshirt. Nakaponytail ang mahaba kung buhok at may ilang hibla ng buhok na naiwan sa aking mukha. Nakasuot ako nang isang itim na sweatshirt at itim na leggings na pinarisan ko nang isang puting sapatos.“Hi, Raul! Anong ginagawa mo dito?” Huminto ako sa paglalakad ng bumungad sa akin si Raul na nakatayo na para bang inaabangan talaga ako. Napakamot siya sa ulo at tumingin sa ibang direction na agad ko namang sinundan.Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na walang pagod na pinagsusuntok ang punching bag na nakabitay sa sanga ng malaking puno. “Anong ginagawa niya?” Hindi makapaniwalang tanong ko.Ang akala ko kasi ako ang tuturuan niya pero sa ginagawa niya daig niya pa ang sumabak sa giyera. Naliligo na siya sa sarili niyang pawis. Basang-basa na ang damit na suot niya maging iyong buhok niya may ilang butil
CLAIRE JOYCE“HINDI ako papayag sa gusto mo Kelvin! Ayaw ko!”Pagmamatigas ko kay Kelvin ng pinipilit niya akong kunin na namin ang kambal para sa iisang bahay na kami tumira.“Mga anak ko sila at walang masama kung gusto ko silang makasama sa iisang bubong! Bakit ba nagmamatigas ka pa?”Yumuko ako. “Hindi ko kayang maiwang mag-isa...”Hindi ko kaya kung pati ang kambal ko malalayo sa akin. Madaming taon na ang na sayang na hindi ko nakasama ang dalawa kung anak ayaw kong pati sa kambal ko malayo ako.“Sa ayaw at sa gusto—Tumunog ang cellphone ko dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Tiningnan ko ang cellphone ko at pangalan ni Aira ang nasa screen kaya bigla naman akong naramdaman ng kaba.“Who’s that?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Titig na titig siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.“S-Si Aira.” Tugon ko at agad kong sinagot ang tawag nito. Kinabahan ako ng bumungad sa akin ang mga hikbi ni Aira na halatang kinakabahan.“Aira, bakit?”[“A-Ate! Ate, p-patawarin n-n
CLAIRE JOYCENANGINGINIG pa rin ang buong katawan ko na tinungo ang mansion ni Kelvin. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang balitang narinig ko.Hindi ako makapaniwala kaya gusto kong masiguro at mariniing mula sa labi ni Kelvin ang totoong nangyari sa aming Baby Kaye!Mabilis akong lumabas ng driver seat ng maihinto ko ang sasakyan sa tapat ng kaniyang mansion. Agad naman akong pinagbuksan ng guard na naruruon kung hindi ako nagkakamali siya ang guard ng araw na dinala ako dito ni Kelvin.“Si Kelvin?”“Nasa loob—Ma’am hindi kayo pwedeng pumasok!”Habol nito sa akin ng mabilis ko siyang tinalikuran ng marinig kong nandito si Kelvin hindi ko na gusto pang marinig ang iba niyang sasabihin.Mabilis rin akong natigilan ng makatayo ako sa tapat ng pinto ng mansion ng marinig ko ang malakas na boses ni Kelvin na mukhang galit na galit kasabay ang pagkabasag ng kung anong mga gamit.Kung galit siya ngayon pwes may dahilan rin ako para magalit sa kaniya. Agad