Hindi naman nakakagulat na maliitin ni Mariotte Alferez si Esteban. Bukod sa edad ni Esteban, may isa pang dahilan—malakas din si Mariotte Alferez.
Si Mariotte Alferez ang nangangasiwa sa lahat ng lugar ng pamilya Santos na katulad ng Dixin Prison. Sa puntong iyon pa lang, sapat na para ipakita ang lakas ni Mariotte Alferez.
"Huwag mo akong patagalin pa, dalhin mo na ako," sabi ni Mariotte Alferez.
Tumango si Senyora Rosario nang may kumpiyansa.
Dahil ipinadala siya ng pamilya Santos, siguradong malakas siya, kaya wala siyang ipinag-aalala.
Naimbestigahan na ni Senyora Rosario ang tirahan ni Esteban. Siyempre, kung balak niyang kalabanin si Esteban, kailangan alam niya kung saan nakatira ito.
Sa pagmamaneho ng driver ng pamilya Montecellio, sumama rin si Demetrio sa kasiyahan at diretso silang pumunta sa komunidad ni Esteban.
"Lola, dito lang siya nakatira? Ang pangit naman ng lugar na ‘to," sabi ni Demetrio na may pagkadi
MATAAS ang sikat ng araw ngunit hindi ‘yon alintana ng lalaking nagngangalang Esteban. Pasipol-sipol lamang ito habang nasa palengke. Maraming napapatingin sa kanya na tila ba hinuhusgahan siya dahil sa suot niyang damit na halos yakapin na ng kalumaan at may munting mga butas ngunit hindi niya ‘yon pinapansin. Hindi man niya aminin ay nasanay na lamang siya sa mga pangmamata ng mga tao sa kanya. Tahimik niyang hinihintay ang binili niyang regalo sa isang tiangge. Ilang saglit pa ay lumapit sa kanya ang tinderang babae dala ang kanyang binili. “Salamat,” magalang niyang wika sa babae bago ito talikuran saka naglakad na pauwi. Nangingiti niyang sinipat ng tingin ang regalong sinadya sa palengke. “Señorito.” Napahinto siya nang may biglang humarang na lalaki sa kanyang daanan. Nakasuot ito ng itim na tuxedo. Kumunot ang noo ni Esteban, nagtataka ang mukha kung sino ang lalaking kaharap niya ngayon. “Naparito ako para sunduin ka, kailangan ka ng mga Montecillio.” Napaatras si
Tumingin sila sa kakarating lang na matanda, si Senyora Rosario. Simula noong namatay ang matandang Lazaro, ang Lolo nilang si Senyora Rosario na ang kumontrol sa lahat. Lahat ng desisyon ng angkan lalo na pagdating sa negosyo ay dapat munang dumaan sa kanya. Maraming may gustong mawala ang matanda ngunit animo’y isa itong masamang damo, malakas pa at alam na alam pa ang nangyayari sa paligid niya kaya marami ring takot na kalabanin siya. Wala pa ni isa ang nagtagumpay na pagbagsakin ito dahil alam nila kung kakalabanin nila ito, sila lang din ang mapapahamak. “Lola…” bati ng mga apo nitong nakalinya na kasama ang kanilang mga pamilya. “Lola, si Frederick. Mukhang bibigyan ka pa ng pekeng designer bag,” si Anna ang nagsalita na may kaba sa d****b. Tumingin siya kay Frederick nang hawakan nito ang kamay niya. Kumunot naman ang noo ng matanda at nagtataka sa sinabi ng kanyang apo na si Anna. “Lola, don’t believe them. Alam mo namang hindi kita bibigyan ng mga cheap na bagay,” mabi
Kinuha ni Estrella, isa sa mga apo ni Donya Agatha, ang listahan ng mga regalo na nagmula sa pamilya ng mga Montecillo. Nanlaki ang mata nito habang nanginginig ang kamay nang makita kung ano ang mga regalo."Beach Resort…" aniya. “At may titulo!”"Susi ng isang Bugatti La Voiture Noire..."Habang nakikinig sa listahan ng mga regalo ay hindi maiwasan na magtinginan ng mga taong naroon. Paanong hindi? Ang mga regalo para kay Donya Agatha Lazaro ay tila regalo sa babaeng ikakasal noong sinaunang panahon.“And cash gift… 500 million,” hindi makapaniwala nitong big
Sa isang sikat at mamahaling hotel, naglalakad ang isang babaeng magarang suot at naka-make-up na halatang mamahalin. Maraming suot na silver at gold sa katawan. Mapulang labi at suot ang yayamaning sumbrero, kitang-kita mo talagang isa itong senyora. Umupo siya sa harap ni Esteban na pinagmasdan lang naman siya ng walang emosyon. Ngumiti siya sa binata at kahit hindi niya ipakita, ramdam niya ang galak nitong makita si Esteban.“My son…” Hindi sumagot si Esteban nang magsalita ang kanyang ina.Siya si Senyorita Yvonne, ang kanyang ina. Masama ang tingin ng binata sa babaeng prenteng naka-upo sa harap nito. Gusto niya namang tanungin agad kung ano talaga ang pakay ng ina at kung bakit gusto nitong makipagkita. Hindi pa yata sapat sa kanila na tinaboy nito si Flavio noong nakaraang araw lang.&ldqu
"Ruben, yosi?" Inihain ni Esteban ang isang kaha ng sigarilyo kay Ruben na siyang may-ari ng maliit na karinderya sa construction site na isa sa mga negosyo ng pamilya ni Anna. Kumuha ng isa si Ruben habang nakangiting umiiling. “Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" tanong nito at kumuha ng lighter sa bulsa sa sinindihan ang sigarilyong hawak. Tuminhin ito sa kawalan. Bumuntong-hininga si Esteban at humithit ng sigarilyo saka pinaglaruan ang usok. Sa loob ng tatlong taon, araw-araw ay lilitaw nang napakaaga si Esteban umulan man o umaraw sa likuran ng construction site. Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng hinuha si Ruben tungkol
Sa sumunod na araw, nagmemeeting ang pamilyang Lazaro at sakop ng buong confession room ang malakas na tawa ni Frederick."Anong nakakatawa, Fred? May kailangan ka bang sabihin sa amin?" tanong ng isang pinsan niya, lahat ng kamag-anak nito ay nakatingin sa kanya at inaantay siyang magsalita."Paano ba naman kasi, itong si Anna magpapahatid kay Esteban eh ano namang susuotin ng basurang iyon? Nakakahiya, at kapag nakita iyon ng may-ari ng kompanya. Panigurado, hindi tatanggapin ang offer dahil may kasama siyang basura." Malakas siyang tumawa at ganoon din ang iba, sumang-ayon sa sinabi ni Frederick.Iniisip niya na kung makita ng may-ari ay mapapahiya si Esteban kasama na si Anna at sa pamamagitang iyon, magiging palpak si Anna makipag-ugnayan sa kompanya. Lilipat kay Frederick ang oblgiasyon kapag nangyari iyon, siya ang papaboral ng Lola nila at higit sa lahat, mawawala sa landas ng pamilya nila si Esteban, matagal na niyang gustong mawala si Esteban kaya guma
Panibagong araw panibagong meeting na naman ng angkan ng Lazaro. Pinag-uusapan nila ang ibinigay nilang mission para kay Anna at kahit isa sa kanila walang naniniwala na magagawa ni Anna."Ipupusta ko ang magiging position ko dito sa kompanya, hindi niya magagawang papirmahin ang Desmond Corp.""Tama, paniguradong magagalit si Lola sa kanya. Tama ba, Frederick?" Natigil si Frederick kakaisip nang banggitin ang pangalan niya, ngumisi siya sa kanila at sumang-ayon sa mga sinasabi."Tama, at mapapatakwil na sila sa pamilya lalo na ang Esteban na iyon." Kinuyom niya ang mga kamo na tila ba nanggigil.Hindi talaga mawawala sa buhay niya ang galit kay Anna at kay Esteban, wala namang ginagawa ang tao sa kanya ngunit kung umasta ay parang may malaking kasalanan sa kanya sina Anna at Est eban.Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto ng conference room, tumayo silang lahat upang magbigay galang sa matandang Lazaro na kakarating lan
"Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si Francisco."Si Anna ang nakipagsundo at sa kanya ang pirma, siya pa rin ang kakausap." Apila ng kanyang Lola.Gusto ni Frederick na siya na ang kakausap sa Desmond Corporation dahil ayaw niyang makuha ni Anna ang sa tingin niyang para sa kanya."I'll make sure to you, this will be successful kung ako na po. I mean, Anna can't do it for sure dahil wala naman siyang history sa negosyo. Paano kung sa pagpirma lang naging okay pero pagdating sa ibang bagay magiging palpak siya. Lola, iniisip ko lang din ang kapakanan ng kompanya natin. This is a big opportunity we can't lose." Mahabang wika niya."Lola, sigurado akong hindi kakayanin ni Anna. Paano kaya kung ako na ang makipag-ugnayan sa kompanya nila?"Panibagong araw, nakipag-usap si Frederick at ang kanyang ama na si F