Chapter 3
Outsider.
Nagising ako sa ingay ng bahay. Walang pasok ngayon pero kailangan kong gumising ng maaga para mag luto ng pag kain pero tinanghali ako kaya ang ingay ng bahay.
Tumayo ako at itinali ang buhok ko. Naghilamos mo na ako bago lumabas. Pag ka labas ko ng kwarto ay nakita ako ang nag wawalang si papa.
Ganito nalang ba talaga palagi? Hindi ba pweding kahit isang araw lang hindi muna niya ako sisigawan? Kahit isang araw lang...
Matalim na mata ang ipinukol niya sa akin pag kalabas ko ng kwarto."Oh! Ang aga pa, Aella! Baka gusto mo pang matulog, matulog ka pa!"Sarcastic niyang sabi sa akin.
Yumoko nalang ako."Sorry po."Naglakad na ako papunta sa kusina para mag luto.
Natutulog pa siguro si mommy. Wala naman siyang pakialam sa akin kung mapano ako dito, kung mapatay man ako ng asawa niya.
Over naman siguro itong isip ko ngayon.
Alas syete palang ng umaga at himala ata na gising na ang magaling kong kapatid. Favorite yan, hindi pinapatrabaho kasi baka daw masaktan. Masaktan? Mas matanda pa sa akin yun ng tatlong taon tapos yun yung rason nila, masaktan?!
"Aella! Pakikuha nga ng phone ko, nasa kwarto naka charge, bilis!"Sigaw niya. Natapos ako sa pag sasaing at mabilis na kinuha ang cellphone niya sa kwarto na kalapit lang sa kwarto ko.
"She's living like a princess."Mahilang bulong ko sa sarili.
Maganda ang kwarto niya. Pink ang design, the wall is well painted and the bed, queen size, huh.
"Bakit may picture ni Keane, dito?"Kinuha ko ang litrato sa side table kung saan nakapatong din ang phone ni Chyna na naka charge.
Ganda din ng phone nito, yung latest sa iPhone ngayon. Princess nga pala, nakukuha ang gusto. Pag dating sa akin kasi wala silang pera.
Need to work on my own para lang mag ka pera ako, mabuti nalang din at nag papahiram naman sila Crystal at Shane ng pera sa akin.
Gusto niya ba si, Keane?
"Aella! Bakit ang tagal mo!"Rinig kong sigaw sa labas.
"Ito na."
Kinuha ko ang phone at inilagay ulit ang picture ni Keane sa table. Lumabas ako ng kwarto at mabilis na ibinigay sa kanya ang phone niya.
Natapos na lahat ng gagawin ko. Nandito ako kwarto naka tambay lang. Ako lang mag isa dito dahil may date daw si Chyna at umalis si papa at mommy, may pupuntahan daw.
Kinuha ko ang phone ko at humiga sa kama. Kahit na hindi naman queen size itong foam ko basta may mahigaan lang ako. Okay na yun.
Mabilis kong sinagot ang tawag galing kay Crystal.
"Jamming tayo?!"
Bungad niya agad sa akin. Si Crystal iyong kaibigan ko na mahilig kumanta. May mga instruments siya kaya marunong akong mag piano, violin at guitar. Teacher ko siya pag dating sa mga instruments.
"Saan kaba?"
"Nandito lang sa bahay. Walang magawa kaya hali kana dito, kanta nalang tayo."
Napangiti ako. Gusto ko ring kumanta ngayon.
"Maliligo lang ako. Si Shane ba?"
"Nandito, susunduin
kanalang daw niya dyan."Napaka swerte ko talaga sa dalawang to. Si Shane ay hindi mahilig kumanta, mas magaling siya sa sayaw kaya kaming dalawa ni Crystal ang mag kakasundo pag dating sa music.
"Wala bang tao dyan?"lumingo-lingo lang ako sa tanong ni Shane. Na sa harap siya ng bahay namin naka sandal sa sasakyan niya.
"Mag isa ka na naman?"
Si Shane yung tipo ng kaibigan na sobrang protective at carrying. Maarte siya tignan sa labas pero sa loob-loob niya ay sobrang bait niya.
"Tara na...gusto ko ng kumanta."Binuksan ko ang front set ng sasakyan niya at pumasok narin siya.
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Crystal at agad din kaming nag kantahan sa music room habang si Shane ay nanonood lang ng movie sa cellphone niya habang nag he-headset.
"Meryenda!!"Sigaw ni Crystal. May dala siyang cookies habang ang katulong na kasunod niya ay mga chips at juice.
Lumapit ako kay Crystal at agad kumuha ng pag kain.
"My mom will kill me pag malalaman niyang sasalita ako sa contest sa school."
Seryosong mukha ang ipinukol ni Crystal sa akin. Hindi ko siya tinignan, nakatingin lang ako sa malaking TV na may mga lyrics ng kanta.
"Mahigpit parin pala sila sayo?"Nag-aalalang tanong niya. Nakita ko si Shane na tinatanggal na ang headset at lumapit sa amin ni Crystal.
"Bakit di nyu ko tinawag? May pag kain na pala!"Pagalit niyang sabi sabay kuha ng cookies.
Normal lang naman siguro sa isang magulang ang maging mahigpit no? Pero hindi ko makita ang rason kung bakit? Bakit ka mahigpit sa akin ma, kung wala ka namang pakialam sa akin?
Ayaw mo pa sa pag kanta ko, Bakit?!
"Pinag-uusapan nyu?"Umupo si Shane sa blue carpet kaharap sa amin ni Crystal na naka upo sa sofa.
"Bakit ba kasi sila mahigpit sayo?"Tumingin ako kay Crystal na naka taas ang kilay.
Kumunot-noo si Shane at uminom ng juice. Hindi ko talaga gustong pag usapan ang pamilya ko pero mapilit sila.
"Hindi ka ba pinayagan, Ae?"
Lumingo-lingo ako. "Wala pa akong sinabi kay mommy dahil paniguradong hindi ako papayagan."Uminom ako ng juice.
"Di ba wala naman silang pakialam sayo? Bakit hindi ka papayagan?"
Sasagot na sana ako sa tanong ni Shane ng mabilis na itinapun ni Crystal ang throw pillow kay Shane at sinamaan ng tingin.
"Shane! Wag ka ngang mag salita ng ganyan."
Natatawang bumaling si Shane sa amin at itinapun ang throw pillow pabalik kay Crystal, nasalo naman niya ito.
"What? I'm just saying the truth."
Tama naman kasi si Shane. Wala silang pakialam sa akin.
Hindi nag tagal ay hinatid ako ni Shane sa bahay. May ilaw na. Papagalitan na naman ako nito panigurado.
"Lumayas ka nalang."Impluwensya ni Shane habang nakatingin sa akin. Tumatawa pa siya dahil sa hitsura ko."Punta sa bahay pag lalayas ka."
"Ewan ko sayo, bad influence ka talaga! Sige na!"
Lumabas ako ng sasakyan at nag lakad na papasok sa bahay. Walang tao sa sala, baka nasa kwarto na. Alas syete na ng gabi.
"Buti at nakauwi ka."Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Chyna na nakatayo sa likuran ko kanina.
"May ginagawa lang."Mahinang sabi ko. Hindi ako tumingin sa kanya."Sige po ate."Tumalikod na ako sa kanya para pumasok sa kwarto pero may narinig akong salita na hindi ko nagustuhan galing sa kanya.
"Nag pra-practise ka sa contest no? Isusumbong kita kay mommy."
Nanlamig ako dahil doon. Hindi vocal si mommy sa akin at hindi ko rin gusto pag nagagalit siya.
"Ate, please wag...kailangan ko po ng pera para sa tuition ko ngayong Wednesday."Pag mamakaawa ko sa kanya pero inirapan at tinalikuran lang niya ako.
Huminga nalang ako ng malalim at pumasok na sa kwarto ko. Ang kwarto kong parang pang katulong.
White wall without any design, may picture ko pero isa lang na nakasabit sa dingding at kama na sobrang thin ng foam at side table na luma.
Thankful naman ako dahil kahit papano binigyan nila ako ng kwarto.
"I need money, sana hindi ako isusumbung ni ate."Bulong ko sa kawalan habang humihiga. Nakatitig ako sa kisami.
Sa pag kakakilala ko kay ate ay sumbungira siya. Hindi siya mapapa-kausapan. Ihanda ko nalang siguro ang sarili ko bukas sa matinding sigawan na naman.
Pumikit nalang ako. Ano ba kasi ang rason at bakit ayaw mong kumakanta ako, mom?
Kinabukasan maaga akong nagising. Nag handa ako ng pag kain at tama-tama ring lumabas sila ng kwarto.
Matalim ang matang ipinukol ni mommy sa akin habang nakangisi naman si papa at si ate na masaya ang mukha sa likuran nila.
Itinulak ni papa ang noo ko gamit ang kamay niya."Mabuti at natutu ka na!"Sabay punta niya sa hapag kainan.
Yumuko nalang ako at kinagat ang labi. Hindi ako pinapasama nilang kumain dahil daw hindi naman ako pamilya.
Nilagpasan ako ni mommy akala ko hindi niya ako papagalitan pero mali dahil nag salita siya sa likuran ko.
"Ano itong nalaman kong sumasali ka sa singing contest, Aella?!"
Mas lalo kong kinagat ang aking labi at humarap sa kanya. Bakit ba siya palaging nag dedesisyon sa buhay ko?
Wala naman siyang ginawa kundi mag cold treatment sa akin.
Tinignan ko si Chyna na nakataas ang isang kilay habang naka smirk. Inilipat ko ang tingin kay mommy. Galit ang ganyang mga mata.
"M-mom, kasi kailangan k-ko ng p-p-pera."Kinakabahan na ako. Nanginginig ang nga tuhod at kamay ko.
"Bakit sa singing contest pa?! Mag trabaho ka kung kailangan mo ng pera!"Sigaw niya na nag pa pikit sa akin. Kagat-kagat ko ang aking labi para pigilang tumulo ang mga luha ko.
Huminga ako ng malalim at tinignan si mommy na nag aalab sa galit. Naawa ako sa sarili ko dahil buong buhay ko hindi ko man lang naranasan na mag karoon ng pamilya, yung minamahal ko hindi yung trinatrato kang katulong.
"P-pero—"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa kamay na lumapat sa aking pisngi. Lumunok ako ng laway at yumuko nalang.
Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. I silently crying again.
"Sinusuway mo talaga ako, Aella?! Wala ka ng modo ngayon! Ano? Impluwensya ba yan ng mga kaibigan mo?!"
Naglakas loob akong tumingin sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim. Ayaw talaga tumigil ng mga luha ko, bagsak lang sila ng bagsak.
"Mom? Why treated me like an outsider to this family? Pamilya mo rin naman ako, ah?!"
Huminga siya malalim at hinawakan ang kanyang noo. Matalim na tingin ang tingin niya sa akin.
"Kasi outsider kanaman talaga! Sana pinalag-lag nalang kita, sana nakinig nalang ako sa daddy ni Chyna na ipalaglag ka dahil isa kang pag kakamali! Hindi ka dapat nabuhay! Dapat nasa spanya ka kasama ang totoong ama mo pero nandito ka at isa yung pag kakamali na ginawa ko noon at pinag sisihan ko na nandito ka!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni mommy. Hindi ko Alam kong ano ang sasabihin ko, na blanko ko.
' Sana pinalag-lag nalang kita! '
' Pinag sisihan ko na nandito ka! '
Paulit-ulit na naririnig ko ang mga salitang yan. Nakatingin lang ako kay mommy na kinakalma ni Chyna.
Matalim ang tingin ni Chyna sa akin. "Lumayas ka, Aella. Baka Ikaw pa ang maging dahilan at madala itong si mommy sa ospital, lumayas ka!"
"M-mom."Nanginginig ang boses ko.
"Wag mo akong tawaging mom! Lumayas ka dito! Pumunta ka na sa ama mo!"
Yumuko ako. "Mom, hindi ako aalis, dito lang ako, please."Pag mamakaawa ko. Nakaluhod na ako sa harapan nila ni Chyna."Mom, please dito lang ako."Yumuko ako habang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay ni mommy at mabilis niya itong hinawa.
"Sabing umalis ka na!"
"Umalis ka na kasi, Aella wala ng magagawa ang pag luhod luhod mo dyan." Rinig ko ang natatawang boses ni Chyna.
"Wag nyung paalisin, wala na tayong katulong."Nandito na pala si papa. Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"Kailangan ng paalisin ang walang silbi, dad."
Tumayo ako galing sa pag kaluhod at hindi nalang tinignan sila. "Sige po, Salamat nalang po sa lahat ng ibinigay nyu sa akin. Salamat dahil pinalaki mo ako, mom. Salamat dahil hindi mo ako pinalag-lag at Salamat dahil kahit papano, pinakain at pinatira nyu naman ako dito. Sige po, salamat."
Tumalikod na ako at umalis ng bahay. Wala akong kinuhang kahit ano dahil baka pag sabihan na naman akong hindi sa akin iyon.
Saan na ako papunta nito? Mukhang uulan pa naman dahil sa kulay itim na langit.
Naglakad nalang ako. Saan ako pupunta? Hindi ko alam. Wala akong pera at phone. Lalakarin ko nalang kela Shane, mas malapit sa kanila mga 20 minutes pag nakasakay at pag lalakarin, ewan.
' Sana pinalag-lag nalang kita! '
Naiyak na naman ako dahil sa ala-alang iyan. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mommy.
Sana pinalag-lag nalang niya ako para wala ng purwesyo sa buhay niya.
"Salamat mom, hayaan mo pag mag kikita tayo ulit ako na naman ang nasa itaas...I will make sure na magiging successful ang pag kanta ko...papatunayan ko sayong kaya kung mag isa."
Nakarating ako sa bahay nila Shane. Malaki ang bahay nila at ang ganda pa. Sobrang bait din ng pamilya niya. Second family ko na nga dahil mama ang tawag ko sa mommy ni Shane at papa naman sa daddy niya. Sobrang saya lang talaga dahil kahit papano may kaibigan ako na ang turing ng pamilya sa akin ay pamilya din.
"Oh My G! Anong ginagawa mo dito?!"Kita ko ang pag kagulat sa mukha ni Shane nung nakita ako sa harapan ng gate. Mukhang may lakad ata.
Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"What the fuck happen to you? Umiiyak ka ba? Ano? Pinalayas ka na?"
Napapangiti talaga ako nito. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Wag mo kong ma ngitian dyan, Ae."
Nag buntong hininga nalang ako at tumitig sa kawalan. Hindi ako makatingin kay Shane. Nahihiya ako.
"Pinalayas ako, e."
Chapter 4Dreams.Bukas na ang singing contest at kailangan ko talagang sumali dahil sa pambayad ng apartment na tinutuluyan ko.
Chapter 5Beautiful voiceRinig na rinig ko ang mga sigawan ng mga ka-klase ko dito sa stage. Kaharap ko ang stand mic. Nahihiya ako pero kailangan to.
Chapter 6Nakita ko ang dalawa kong kaibigan na nag sasayaw at mukhang lasing na lasing na. Pano kami uuwi ngayon?"You should go home, it's late."Napatingin ako sa lalaking kanina lang ay nakipag landian sa ibang babae.
Chapter 7OfferMaraming nag daan sa mga araw. Malapit na ang graduation naming mga K-12 kaya marami narin kaming ginagawang requirements.
Chapter 8Paasa"Saan niya nakuha ang number mo?"Dumapo ang tingin ko Kay Shane na may pag tataka ang mga mata. Nag kibitbalikat ako sa kanya dahil maski ako ay hindi alam kung bakit niya nakuha ang number ko.
Chapter 9ObsessPagkarating ko sa apartment ay agad akong nag tungo sa kwarto at humiga. Hindi pa ako nakapag bihis dahil tinamad ako.
Chapter 10BabyNabigla ako sa sinabi niya. The heck, me? Obsess? Imposible.Pinanlakihan ko siya ng mata."I am not."Diing sabi ko."You are." Nakita kong seryoso ang mukha ni Crystal. Kumain pa siya ng chips habang sa akin parin nakatingin.
Chapter 11Not meInilayo ko muna ang phone saglit sa aking taenga at tinignan si kyzo na seryoso sa pag da-drive. Bumagal ata ang pag mamaneho niya."What's your plan?" I aske
"You lose to a girl, bra!" Cayden said while drinking a beer beside me. Naglalagay pa ako ng yelo sa pisngi dahil sa pasa nito. I don't even fucking know why the hell I lose to that girl! Funny, I can see that she's fragile outside but fuck a stone inside. " Shut it. "Kanina pa siya nang-iinis sa akin. Tumingin ako sa mga kasama ko at wala si Chase. " Where's Chase? "I asked. Gagong yun saan na naman kaya yun nag punta at hindi kami sinama. " Club. yan lang sabi niya. " I raised my brows. Napapansin kong palaging nawawala si Chase ngayon." Hey, let's go to the bar the next day. I want to unwind. " Hearing Aella sing for the second time is like a drug to me now. I don't know but her voice is addictive. Closing my eyes while she's playing the guitar and singing. God, her voice were perfect. 'I like your eyes you
"You lose to a girl, bra!" Cayden said while drinking a beer beside me. Naglalagay pa ako ng yelo sa pisngi dahil sa pasa nito.I don't even fucking know why the hell I lose to that girl! Funny, I can see that she's fragile outside but fuck a stone inside." Shut it. "Kanina pa siya nang-iinis sa akin. Tumingin ako sa mga kasama ko at wala si Chase." Where's Chase? "I asked.Gagong yun saan na naman kaya yun nag punta at hindi kami sinama." Club. yan lang sabi niya. "I raised my brows. Napapansin kong palaging nawawala si Chase ngayon." Hey, let's go to the bar the next day. I want to unwind. "Hearing Aella sing for the second time is like a drug to me now. I don't know but her voice is addictive.Closing my eyes while she's playing the guitar and singing. God, her voice were perfect.'I like your eyes you look awa
"Walang katapusang pag tra-trabaho." Bulong ko habang minimake up-an ako. Mahinang tumawa din ang make up artist.Kanina pa kasi kami sa photoshoot ko para sa YSL endorsement."You still look so pretty maam."
'Let's Reminiscing'Nag lakad ako papuntang gazedo ng may madinig akong pamilyar na boses na nag uusap sa hindi kalauyaan.Tinignan ko kung saan nanggaling ang boses at nakitang nasa likuran ito ng malaking puno hindi kaluyan sa gilid ko and
Tumayo ako sa sofa at pumunta sa balcony para doon sagutin ang tawag niya. Kinabahan pa ako sa di malamang dahilan. Both of my hands are sweaty.I click the green button and place the phone to my ear."Baby, please say what you texted me earlier."
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at tumingin sa katabi kong mahimbing na natutulog.Sana ganito nalang palagi walang problemang iniisip. Walang sakit na dumating.Napansin ko din na mahaba na ang kanyang buhok. His handsome.
(WARNING)"What are you all doing here?!"Napatingin sila sa akin. Nandito sila sa kusina nag iinoman ng beer at kung ano anong alak pa.
I am here sitting at the bench with Villa. May malaking payong ang bench na ito. I'm so tired, wala pa kaming kain. Ilang oras nalang mag gagabi na.I haven't saw keane today and i wonder if pumunta siya sa lugar kung nasaan ang ka gang niya. Baka nga pumunta siya o di kaya'y pumunta kay Chyna...
"Aella, come with me."Hindi ako agarang naka-sagot. Titig na titig ako sa kanya ngayon kahit na hindi niya naman nalalaman dahil tinted ang window.I was shocked.