Venus POV Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang nakahawak sa bewang ko si Sage. Bahagya ko pa itong tinaasan ng kilay upang mas lalong asarin. "You'll pay for this, bitch!" Sigaw nito kaya binigyan ko lamang s'ya ng matamis na ngiti. "Umalis kana, Menuevas! Kung ayaw mong ipakaladkad pa kita sa security!" Galit na saad ni Sage kaya agad itong napakuyom sa kamao. "Tandaan mo Sage, magkikita parin tayo sa ayaw at sa gusto mo! You can't reject my application kaya ako parin ang mananatiling representative ng mga Baleje!" Lintaya nito at muling sumilay sa labi n'ya ang isang ngisi. "I'll make sure na mapapasaakin ka- ulit." Makahulugan nitong sabi bago tuluyang lumabas. Inis ko namang inalis ang kamay ni Sage na nasa bewang ko lamang. Nakita ko naman ang pagngiti ni Flinn at agad akong itinuro. "Grabe ha? Hindi naman ako na-inform na palaban naman pala si Mrs. Dawson!" Ani pa nito sabay na pumalakpak. "I thought you'll gonna pull her hair! D
Venus POVTulala parin ako habang nakaupo sa sofa. Nandito parin kami sa opisina ni Sage. He even cancelled his appointments. Dahil gusto n'yang bago lumubog ang araw ay maayos kaming uuwi sa bahay. Ayaw n'ya raw na mabigat parin ang loob ko dahil sa kanya. "Wifey.." Napatingin ako sa kanya ngunit hindi na ako umimik. Wala rin naman akong mahagilap na sasabihin sa kanya. "Five years ago.. I met her- Cindy at the bar. Bukod kasi sa pagiging tarantado ko noon ay suki ako ng bar dahil gusto kong magrebelde kay lolo, lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto ko." Pinilit nitong ngumiti at bahagya pang tumawa upang alisin ang anumang tensyon na nasa pagitan naming dalawa. "At first, wala naman talaga akong balak na seryosohin s'ya. Kasi, wala. Gago pa ako noon at walang ambisyon sa buhay dahil mayaman naman ako. Ang nasa isip ko lang ay maging happy go lucky na tao! Pero, noong madalas na kaming magkasama.. naisip kong.. s'ya na talaga ang babaeng para sa akin. I c-court her
Venus POV "Hi Miss Venus! Buti naman at nakarating ka ngayon!" Bati ni Miss Yves at seksing-seksi ito sa suot na black tube dress! "Good morning Miss Yves!" Bati ko naman at agad s'yang kumapit sa braso ko. "Na-miss kita! Hindi ka na masyadong dumadalaw dito.. nakalipas na ang tatlong araw 'yung appointment mong nakascheduled pero hindi ka sumipot. Nag honeymoon ba kayo ni Mr. Dawson?!" Impit pa itong tumili kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Anong honeymoon ka d'yan?! Marami s'yang problema ngayon at isa pa abala rin ako kaya wala na kaming oras para sa ganyan 'no!" Saway ko rito pero natawa parin s'ya. Minsan may pagkaloka-loka talaga ang babaeng 'to. Napansin ko ang namuong pula sa kanyang leeg kaya bahagyang nangunot ang noo ko ng pakatitigan ko 'yon. Mukhang napansin naman n'ya ang paninitig ko kaya bahagya itong ngumiti. Bahagya pa akong nagulat ng makitang pumasok si Mr. Tan sa loob. "Hello, good morning sa inyo!" Bati nito
Venus POVNanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin ngunit nginitian ko lamang ito para lalo s'yang makaramdam ng galit. Smile is the best way to irritate your ugly enemy. "It's twenty thousand pesos! And then, sasabihin mong mura 'yon? Are you insulting me?" Galit nitong tanong kaya pinanatili ko ang aking ngiti at marahang umiling. "No, it's just that.. hindi ko kailangang makipag agawan sayo para sa isang bikini lang. Marami pa namang mas magandang designs." Komento ko at nilagpasan s'ya ngunit agad ako nitong hinigit sa aking braso at inis akong inismiran bago humarap sa isang staff. Let's see what she can do.. malamang ay hindi magpapatalo ang isang 'to. "What is the most expensive bikini do you have here?" Nakataas kilay nitong tanong bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "Bibilhin ko." Matigas nitong sabi. Inalis ko naman ang pagkakahawak nito sa akin at mukhang nataranta naman ang mga staff at agad na kumilos. Sabi ko na nga b
Venus POV "Oh, I thought.." hindi ko na natuloy ang plano kong sabihin ng humalakhak si dad. Juice colored! Kinabahan ako do'n ah. "I'm sorry sweetie. Anyway, what do you think?" Tanong nito na bahagya pang nakataas ang mga kilay. Marahan akong tumango at agad na ngumiti. I guess, nami-miss nila na may inaalagaan. Sino ba naman ako para hadlangan ang kaligayahan ni mom? Ang totoo n'yan, gusto ko na ring magkaroon kami ni Sage ng anak. Ang kaso lang- hindi ko naman alam kung 'yon din ba ang gusto n'ya. Marami s'yang iniisip at iniintindi sa kumpanya. Halos hindi na nga kami magtagpo sa bahay dahil abala rin ako sa pagi-edit ng aking manuscript. "Kung hindi lang siguro nahihirapang magbuntis ang mommy mo baka may mga kapatid ka ngayon. Ang totoo n'yan- hindi ikaw ang panganay na anak, Venus.." Napahinto ako sa aking narinig, ibig sabihin ay hindi ako ang unang ipinagbuntis ni mommy? "Dalawang beses na nakunan ang mommy mo noon bago ka dumat
Venus POVWala na akong nagawa ng tuluyan na nitong alisin ang manipis na telang nakatabing sa pagkababae ko. Naramdaman ko ang palad nito kaya mas lalo akong napasinghap. "You're wet baby.."Ngunit hindi pa man tumatagal ang kamay n'ya doon ng alisin n'ya 'yon kaya bahagya akong nadismaya dahil sa pagkabitin. Ngumiti ito sa akin bago ako hatakin papalapit sa lamesa! Nanlalaki ang mga mata ko ng mabilis ako nitong hawakan sa aking magkabilaang bewang at buong lakas na binuhat at iniupo sa lamesa. "I want to do it here baby.." Kinuha nito ang honey at walang pasabing inilagay at ikinalat magmula sa aking dibdib- pababa sa aking puson.. papunta sa aking hita, at sa aking- "S-Sage.."He kissed me again, mabagal.. marahan at maingat na halik ang iginawad n'ya sa akin. Naramdaman ko pa ang dahan-dahang pagtulo ng honey sa aking katawan ngunit hindi ko na pinansin iyon dahil muli kong tinugunan ang halik n'ya sa akin.Muling bumaba ang halik nito s
Venus POVAla-una na ng hapon ng matapos ko ang ilang edited manuscript na ipapasa kong muli kay Mr. Tan. Kaninang alas-kwatro pa lamang ay umalis na si Sage para sa kanyang business Trip sa Singapore. Nag-alangan man akong paalisin s'ya ay wala rin naman akong magagawa. Hindi naman puwedeng lagi kaming magkasamang dalawa dahil may mga kanya-kanya kaming trabaho na dapat asikasuhin. "Let's go, Denson!" Saad ko ng makasakay sa kotse. Nakabalik na pala sila galing sa bakasyon sa probinsya. Marami nga s'yang naging pasalubong pero ni isa ay wala akong nagustuhan. Mas gusto ko kasing kumain ng siopao ngayon. Kagabi ko pa nga gustong kumain no'n pero tiniis ko nalang dahil ayoko namang abalahin pa si Sage. "Sa SPC ba tayo Venus mah prend?" Kaswal nitong tanong pero nakangiti. Sinabi ko na bang na-miss ko rin kahit papaano si Denson? Pffft, s'ya lang kasi ang tumatawag sa akin ng ganyan! "Yes, Denson mah prend!" Natatawa kong sagot at narinig ko rin ang m
Venus POV Pangalawang araw na simula noong umalis si Sage. Palagi ko naman s'yang tini-text ngunit wala itong reply sa akin. Kasama ko pala si lola Maxima ngayon at nandito kami sa mall para mamili ng mga bago n'yang ido-donate sa charity. Puro damit ng mga pambata ang binibili namin. Ngayon lang ulit kami nagkasama matapos ng bakasyon dahil may mga inaasikaso rin kasi s'ya. "Look at this hija! This is so cute!" Komento nito sa isang pares ng damit para sa sanggol. Napangiti ako at hinawakan rin iyon. Maganda ang tela dahil gawa iyon sa cotton. Kulay puti lamang 'yon pero napakaganda sa paningin ko. "Kailan n'yo ba kasi plano kaming bigyan ng apo? Aba'y ang tagal na naming naghihintay!" Pasaring nito kaya natawa na lamang ako. Napatingin ako sa isang maternity dress. Nahihinuha ko ng suot iyon habang may kalakihan na ang aking tiyan at kasa-kasama si Sage! Ang sarap siguro sa pakiramdam na magkaroon na kami ng anak. "H'wag ho kayong mag-alala. Mala
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan