Venus POV
Dalawang araw na simula noong matanggal ang bala sa katawan ni daddy. Mabuti nalang at nadala s'ya agad sa ospital at naagapan.
"Mr. Amonte, may ideya ho ba kayo kung sino ang maaaring gumawa nito sa inyo?" Tanong ng isang pulis.
Saglit na napaisip si dad. Nag-aabang naman kami sa isasagot nito ngunit mabilis s'yang umiling matapos tumingin sa akin.
"Hindi ako sigurado. Magbibigay nalang ako ng panibagong testimonya kapag may sapat ng ebidensya." Ani nito.
"Anong hindi ka sigurado? Alam mo kung sino ang gumawa sayo nito, David!" Sabat ni tito kaya nabaling naman ang atensyon ko sa kanya.
"What do you mean, tito Albert?" Tanong ko rito at napahinto naman s'ya. "S-Sino ang may gawa nito kay dad?"
"Venus- it's nothing, okay? Sige na officer, gusto ko munang magpahinga. Balitaan n'yo nalang kami kapag nalaman o na-trace n'yo na ang nagmamay-ari ng bala ng baril na ginamit sa akin."
Nagt
Venus POVAla-una na ng hapon ng mapagdesisyonan kong itigil muna ang pagsusulat. Maaga na namang umalis si Sage ng bahay. Mukhang busy talaga ito at nasabi nga rin sa akin ni KD na magkakasama sila- lalo na kapag nakikipagtulungan sa mga pulis.Sa pagkakalam ko ay hindi parin nakakalabas si dad ng ospital dahil sa mga sugat n'ya. Sa ngayon ay wala parin silang ideya kung sino nga ba ang salarin. Nagkaroon na rin ng private investigation sa mga ospital na puwedeng puntahan ng salarin upang magpagamot, ngunit wala silang nahanap.Nang mai-park na ni Denson ang kotse ay agad na akong bumaba bitbit ang isang basket ng prutas at iba pang mga pagkain na paborito ni daddy."Sigurado ka bang hindi na kita sasamahan sa taas?" Tanong ni Denson sa akin.Mabilis akong umiling at bahagyang ngumiti. " H'wag na, ibibigay ko lang naman ito kay dad at pagkatapos ay aalis tayo kaagad para makapunta ako sa SPC." Malumanay kong saad at t
Venus POV Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay napalagay naman ako ng makitang medyo maganda naman dito sa loob. Ngunit, halatang hindi masyadong nalilinis ang buong kabahayan. May iilan ring sira na ang mga gamit at ang ibang bintana ay basag na. "Pasta lang ang meron ako dito- hindi pa kasi ako nakakapag grocery.." saad nito. Tumango lamang ako at naupo sa sofa. Oo, matigas na sofa dahil halos mapudpod na 'yon sa sobrang luma na. "Pasensya ka na at makalat o madumi itong bahay. Hindi ko na kasi masyadong naaasikaso." Muling sabi nito at inabutan ako ng tubig. "Bihira lang akong makauwi dito- nasakto pang nakita kita.." dagdag pa nito. Masyadong tahimik ang kapaligiran. Walang kaingay-ingay na maririnig. Sumilip ako sa labas ng bintana ngunit wala man lang kailaw-ilaw at tanging madilim na kapaligiran lang ang nakikita ko. Napapitlag ako ng marinig ang isang tagingting ng isang metal na bagay na m
Venus POVNapangiti ako ng makita ang mga iginuhit ni Elise sa maliit na kuwaderno nito. Magaling si Elise sa pagguhit. Isa ata iyon sa mga hinahangaan ko sa kanya. Sa bawat pahina na ito ay naglalaman ng iba't-ibang guhit na maituturing n'yang obra maestra. Mas lalong lumawak ang aking mga ngiti ng mabasa ko ang aking mismong pangalan sa kalagitnaan ng pahina, sa gilid non ay may heart shaped sticker. Muli kong inilipat sa sumunod na pahina at nangunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni daddy- "Venus?"Napapitlag ako sa gulat at napalunok dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas. Narinig ko ang boses ni Barron kaya naman dali-dali kong itinago sa ilalim ng kama ang kuwadernong pag-aari ni Elise. Huminga muna ako ng malalim at tsaka tumayo at naglakad papunta sa pinto. Agad ko itong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Barron na may dalang kumot at unan. "Nagising ba kita?" Tanong nito at alanganing ngumiti. "Hindi naman.." sagot ko at muli
Venus POV Sa mga oras na ito, mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak- habang si Barron ay walang humpay na tumatawa at para bang ito na ang pinakamasayang araw sa buong buhay n'ya! Itinali n'ya ng lubid ang mga kamay ko habang nakaupo sa isang silya, napansin ko ang makapal na bakal na itinapat n'ya sa apoy kaya naman muli akong nakaramdam ng takot sa mga maaari n'yang gawin! Tumigil ito at tumingin sa akin, nanlaki ang mga mata ko ng napatingin sa kanyang katawan! Ang tattoo na ay para bang nakita ko na noon-"Ang tagal kong hinintay 'to, Venus! Ang tagal kong naghintay para lang dito, para lang maisakatuparan ang mga plano ko!" Sumigaw ito at nanlilisik ang mga mata. Binitawan n'ya ang bakal at mabilis na lumapit sa akin! Akmang hahalikan ako nito sa labi pero mabilis akong umiwas! Marahas ako nitong hinawakan sa aking pisngi kaya muli na namang naglandas ang aking mga luha! "B-Bakit mo ba ginagawa 'to?" Nanghihina kong tanong. Dapat ba ay naki
Venus POVTumakbo ito papalapit sa akin kaya naman inihanda ko ang sarili upang siguraduhing tatama sa mukha n'ya ang baseball bat na hawak ko! Hindi pa man ito tuluyang nakakalapit sa akin ay buong lakas ko ng itinaas mula sa ilalim ang baseball bat at mukhang nagulat pa ito- sumakto sa mukha n'ya ang pagpalo ko at agad s'yang natumba! Ngunit ngumisi lamang ito at mukhang nagdulot pa sa kanya ng kasiyahan ang ginawa kong iyon! Agad akong tumakbo ngunit nahablot n'ya ang baseball bat na hawak ko kaya naman mabilis kong binitawan iyon at umalis! Sa sobrang pagkataranta ay agad akong dumiretso sa pangatlong palapag ng bahay! Nagtago ako sa ika-walong kuwarto na nasa hallway at mabilis na isinarado 'yon! May ibang gamit na nandito tulad ng tokador, upuan at lamesa na agad kong ipinangharang sa pinto! Sumilip ako sa basag na bintana at agad na nakaisip ng paraan kung paano bababa! Isa-isa kong tinanggal ang bawat kurtina na nakasabit at ipinagdugtong-dugtong 'yon. Mag
Venus POVBahagya kong iginalaw ang hinliliit kong darili ng nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Muli akong napapikit dahil sa liwanag na sumalubong sa akin! Nakaramdam ako ng paghapdi sa aking mga mata at kasabay no'n ay ang pagkirot ng bahagya. Bumuntong hininga ako at muling sinubukang dumilat ng dahan-dahan upang hindi mabigla ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang puting kisame- "Dapat na ba natin s'yang ilipat sa ibang ospital? It's been a week, David.." Napatingin ako sa kaliwang bahagi at nakita ko si mommy at daddy, maging si Sage ay nandito rin pala! Halos sabay-sabay silang napatingin sa akin ng makitang gising na ako!"V-Venus.." agad na tumayo si mom at naluluhang lumapit sa akin. Pinindot naman ni daddy ang buzzer para tumawag ng nurse at doctor na maaaring pumunta sa kuwartong kinaroroonan ko. "A-Anong masakit sayo anak? Tell me- uh, tubig! Bigyan natin ng tubig si Venus!" Natatarantang sa
Venus POVIt's been a week since I got recovered. Hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ni Sage dahil.. sobrang busy n'ya-"So, wala ka ba talagang planong kausapin ang asawa mo?" Untag ni Penny sa akin. Napairap naman ako at tsaka bumuntong hininga, tumaas ang dalawang kilay nito at saglit pang nailing dahil wala akong maisagot sa kanya. "Venus, hindi porque't mala-Aphrodite o mala-Psyche 'yang ganda mo feel na feel mo na teh, aba! Galaw-galaw naman. Hindi ako naniniwalang walang nag-aabang d'yan sa guwapo mong asawa!" Sabat pa ni Hailey at inihinto nito ang ginagawang pagwawalis. Nandito kasi ako sa apartment- halos araw-araw ata ay pumupunta ako rito dahil.. ayokong makausap si Sage. Tama, iniiwasan ko s'ya ng pansamantala. "Nag-iisip pa ako, okay?" Saad ko at iniwas ang tingin sa kanilang dalawa. Agad naman silang lumapit sa akin at sabay na hinawakan ang kamay ko. "Hoy, umamin ka nga! Hindi mo na ba mahal 'yong tao?" Tanong ni Hailey na ikinakunot
Venus POVInihanda ko ang sarili bago tuluyang harapin si Barron. Alam kong sa mga oras na ito ay alam n'ya na kung sino ba ang dumalaw sa kanya. Kasama ko si Sage at mahigpit nitong hawak ang aking kamay. "Puwede naman na tayong umalis kung-"Mabilis ko itong hinarap si Sage at umiling. Desidido akong makita s'ya. "No, Sage. We'll stay here and wait for him." Bumuntong hininga ako matapos kong sabihin iyon. Agad naman bumukas ang pinto sa kabilang kuwarto kung saan pumasok si Barron. Isang malinaw na salamin lamang ang pagitan namin kaya kitang-kita namin ang isa't-isa. Napangisi ito ng makita kaming dalawa ni Sage bago umupo sa upuan. Nakaposas ang mga kamay nito at napansin ko rin ang iilang pasa at galos sa gilid ng kanyang labi. Tumaas ang dalawang kilay nito bago tuluyang humalakhak, nagkatinginan kaming dalawa ni Sage bago s'ya muling hinarap. "Anong ginagawa n'yong dalawa dito?" Nakangisi nitong tanong at bahagya pang ipiniling ang ulo. "Ano
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan