Venus POV
Muli na naman akong napakamot sa ulo habang nasa labas ng building ng isa sa mga sikat na publication company dito sa bansa. For the nth time around ay rejected na naman ang istoryang nagawa ko.May panlulumo akong tumingin sa ibang tao na galing sa loob at mukhang masaya dahil tinanggap ng kumpanya ang mga kuwento nila.Ilang beses na din akong nag-apply pero paulit-ulit akong nire-reject. Bumuntong hininga muna ako bago sumakay sa taxi na huminto sa harapan ko."Saan po tayo ma'am?" Tanong ng taxi driver at tumingin pa sa rearview mirror nang tuluyan akong makasakay."Kahit saan kuya, sasabihin ko nalang ho kung saan ako bababa..," walang gana kong sagot at nag umpisa na itong mag-drive.Pagod kong idinikit ang noo sa windshield ng sasakyan habang matamlay na nakatingin sa labas. Hindi puwedeng ganito, dati ko pang pangarap na maging miyembro ng publication company na iyon! At hanggang ngayon ay pangarap ko parin.Napapitlag ako nang bigla nalang mag-ring ang selpon ko na nakalagay sa bag, dali-dali ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag."Hailey?" Bulong kong tanong.Agad kong sinagot ang tawag n'ya at itinapat ito sa aking tenga."Baksss?! Nasaan ka??" Tanong nito at napapikit naman ako sa lakas ng boses n'ya, bukod don ay maingay din sa kabilang linya."Ah, uuwi na sana. Bakit?" Tanong ko."Hanu baaaa, iinom pa 'ko aaahhh!"Agad na nangunot ang noo ko dahil sa narinig. Teka? Si Penny 'yon ah?"T-Teka nga! Patay gutom naman! Hello- hello, Venus? Puntahan mo na kami ditooo! Si Penny lasing na lasing na! Nandito kami sa bar!" Sigaw nito at bigla ding namatay ang tawag.Napailing nalang ako at bumuntong hininga bago tinapik si kuyang driver sa balikat.Kaagad ko ring natanggap ang text message nito na nasa Pub Palace raw sila- isa sa mga sumikat na bar dito sa Makati."Para na po kuya, dito nalang.." saad ko at agad din namang ini-hinto nito ang sasakyan."Dalawang daan lang po mam!" Saad nito at agad akong kumuha ng pera sa wallet.Nagmadali akong bumaba at tinanaw muna ang bar kung nasaan sina Hailey at Penny. Juice colored naman! For sure at madami ng mga tao d'yan dahil alas-nueve na ng gabi.Agad akong tumawid sa kabilang kalsada at pumila kung nasaan ang entrance, may dalawang bouncer ang nag tsi-tsek sa mga pumapasok."Ma'am, paki-bukas nalang ho ng bag,"Agad ko namang sinunod ang sinabi nila at ng matingnan nila ang mga gamit ko ay pinapasok na rin nila ako sa loob.Pagpasok ko palang ay madami nang tao at sobrang ingay dito sa loob. Halo-halo na ang usok at amoy ng alak. Halos magkanda haba-haba na ang leeg ko sa kakatingin sa paligid para mahanap kung nasaan ba ang magagaling kong mga kaibigan.Naglakad ako nang naglakad hanggang sa makita ko sa parteng dulo sina Hailey, patuloy padin nitong inaagaw ang alak kay Penny na mukhang lugmok na sa kalasingan."Hay, buti naman at dumating kana! Grabe, ayaw magpa-awat nitong baklang 'to!" Turo n'ya pa kay Penny na panay tungga ng alak."Bayad 'to lahat?" Nagtatakang tanong ko at mabilis itong tumango.Naupo ako sa tabi ni Penny at agad naman itong tumingin sa akin."Oh! Marshieee! Nandito ka pala! Buti naman at dumating ka, eto kasing si Hailey masyadong KJ eh. Edi tayong dalawa nalang ang uminom!" Tatawa-tawa nitong sabi kaya naman ay agad ko s'yang pinitik sa tenga."Ubusin mo na 'yan at uuwi na tayo!" Saad ko pa.Naupo na rin si Hailey sa tapat namin ni Penny, kinakain n'ya 'yong mga pulutan at naghatid pa nang panibagong pulutan ang isa sa mga staff ng bar."Oh, bakit? H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan bakla! Kanina pa ako nagugutom!" Singhal nito."Bakit naman umiinom 'to ngayon?" Ini-nguso ko si Penny na mukhang tinakasan na ng kaluluwa.Hindi ko alam kung aware pa ba s'ya sa mga pinaggagagawa n'ya eh!"Eh, pano- broken daw s'ya dahil nga nagbreak na sila no'ng Joshua! Ayan! Inubos ang sahod n'ya dito sa bar!" Nakasimangot na sagot ni Hailey sa akin at nakiinom na din ng beer.Naiiling nalang akong sumandal sa kinauupuan ko.Ayan, lovelife pa! Tsk. Mukhang may magtatawag na naman ng mga uwak mamaya! Matagal na naming sinabi kay Penny na manloloko 'yong Joshua na 'yon pero hindi man lang s'ya nakinig.Tumingin nalang ako sa paligid at marami ding nagsasayaw sa dance floor, 'yong iba ay naghahalikan na sa gilid kaya agad kong iniwas ang tingin ko. Saglit nalang akong pumikit dahil sa mga ganap dito sa bar.My virgin eyes! Paano ko ba sila mapro-protektahan sa ganitong klaseng lugar?! How to unsee?! Damn."Oh, Hailey! Tumagay pa tayoooo! Ikaw din marshiee! Dapat lango tayong uuwi sa bahay!!!!" Parang sinasapiang sabi ni Penny at itinaas pa ang hawak na bote.Nakipag-cheers din sa kanya si Hailey at mukhang mauubos naman nila ito agad. Tingnan nalang natin kung sino ang susuka sa kanilang dalawa. Bukod sa gutom ay pagod narin ako.Parang gusto ko nalang matulog sa kinauupuan ko dahil sobrang lambot!-A/N: I hope you liked it! Ratings and comments are well appreciated! Thank you for supporting my story♡ Stay Safe and God bless!(。Venus POV Ang aga ko kasing pumunta kanina sa publication company pero hindi naman ako ang inuna. Ang dami kong na-realize sa bawat araw na nagdadaan sa buhay ko. Biglang naging tahimik ang paligid, kaya naman ay napatingin ako sa dance floor. Kung kanina lang ay halos siksikan sila d'yan ngayon naman ay ni-isa wala ng tao doon. Bakit? Ano kayang meron? "Ladies and gentlemen, let's all welcome! The owner of Pub Palace! Mr. KD AMONTE!" Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig, what?! Si KD ang may-ari nitong bar?! Halos magtago na ako sa kinauupuan ko, kahit na nandito kami sa madilim- baka nakita na n'ya ako! Pinsan ko si KD. Anak s'ya ng kapatid ni papa. Simula kasi ng umalis ako sa amin ay wala na rin akong naging kontak kahit na kanino sa mga kamag-anak ko. Mas lalong hindi sa pinsan kong 'to! "Good evening everyone! I'm so happy that you're all here to support me! To my friends, family and even to my staff's I'm very thankful for your suppo
Venus POV "Ehem.., pwede na ba kaming makisali?" Sabat ni Penny kaya sabay kaming natawa ni KD. "Akala namin jowa mo si KD!" Natatawang sabi ni Hailey. "We're cousins. You must be Hailey?" Nakangiting sabi naman ni KD at inilahad ang kamay. "Ay! Oo! Ako si Penny, hihi!" Agad na sabi ni Penny at nakipag shake hands kay KD. "So, ibig sabihin ay anak ka ng mayamang negosyante?!" Gulat na sabi ni Penny ng marinig ang sinabi ni KD patungkol sa akin. "Gano'n na nga, napilitan lang akong umalis dahil gustong kontrolin ni daddy ang buhay ko. Lahat ng mga bagay ay naka plano na para sa kanila." Sabi ko naman at nakita ko pang napailing ang dalawa kong kaibigan. "Iyan ang mahirap kapag only child! Buti nalang lima kami!" Natatawang sabi ni Penny kaya saglit din akong natawa. "Ang sabihin mo hindi ka kasi peyborit ng nanay mo!" Sabat naman ni Hailey. "Ano palang trabaho mo
Venus POVMaya-maya lang ay umpisa na naman ng trabaho namin. Call Center agent si Penny, habang si Hailey naman ay isang Graphic artist. Habang ako ay isang Content Writer.Puro mga foreigners ang mga clients at mga employers namin. Through online ang trabaho kaya sobrang importante ang malakas na wifi at maayos na computer or laptop.Walang hussle or pagod sa byahe dahil sa walong oras na trabaho namin ay nakaharap lang kami sa computer dahil doon namin nakakausap ang mga employer namin.Bukod doon ay malaki din naman ang bayad sa amin lalo pa't marami na kaming naging mga employer sa upwork at pwedeng-pwede pa kaming mag dagdag ng trabaho kung gugustuhin.Sa isang araw ay kailangan kong mag sulat ng 2,500 word count na content. Iyan ang word count pero pwede ring mas higitan iyon at may additional na bayad. Though sa akin, kahit anong oras ko pwedeng gawin dahil mag susulat lang naman ako. Unlike kay Hailey at Penny
Venus POV Dahil birthday ngayon ni Hailey, maaga akong bumangon upang makapaghanda. hectic ang schedule ng babaeng 'yon ngayon kaya paniguradong babad na naman 'yon sa harap ng kanyang kompyuter. Nakapag-usap narin kami ni Penny patungkol dito at kagabi palang ay nakapagpa-lobo na kami ng mga lobong ipangde-decorate namin dito sa apartment. Tanging lola at lolo na lamang ni Hailey ang meron s'ya sa amin bukod sa may magaganda s'yang mga kaibigan- wala kasi s'yang ideya patungkol sa mga magulang n'ya. "Baks? plano mo bang magluto o omorder nalang ng mga pagkain? Baka kasi mamaya ay lumabas na s'ya sa kuwarto n'ya.." May pag-aalinlangan pang saad sa akin ni Penny habang nakapa-meywang sa harap ko. Saglit akong napaisip. Oo nga 'no? Dapat kasi surprise ang plano namin! "Siguro ay magluluto nalang ako ng kaonti- the rest ay ipapabili ko nalang kay KD tutal.. plano n'yang pumunta dito mamaya." kaswal kong saad at napatango naman ito. "Alam mo, nanghihinayang ako d'yan
Venus POVAgad kong nabasa ang naging tugon ni KD sa text message ko sa kanya. 'noted.' ayan lamang ang nakalagay. Mukha namang hindi pa s'ya abala sa ngayon. "Buti naman at tapos na tayo sa gawain! Hagardo na ako baks! Maliligo na nga ako!" Ani ni Penny at agad akong iniwan. Iniligpit ko muna ang mga basura at hinugasan ang mga nagamit namin sa pagluluto. Kahit papaano ay may magandang naidulot rin pala ang pag-alis ko noon. Naging independent ako. Natuto ako sa mga bagay-bagay. Ngunit- may isang bagay talaga akong hirap na hirap makuha! Ang kontrata sa SPC. Hindi ko alam kung bakit palagi nalang rejected ang application ko. Maayos naman ang mga ipinapasa ko sa kanila. Matapos kong mahugasan ang mga nagamit namin ay dumiretso ako sa sarili kong kuwarto at kumuha ng panibagong maisusuot. Nanlalagkit narin ako dahil sa init at pawis sa katawan ko. Kinuha ko ang aking sleeves down button dress at inilapag iyon sa kama. Kulay berde ang kulay nito at may dalawang
Venus POV "I'm sorry, Miss Amonte. But we are not going to accept your story for now." Malumanay na sabi sa akin ng may edad na si Mr. Tan. Ang nagmamay-ari ng stories publication company. Nanlulumo akong lumabas ng opisina nito at bumuntong hininga ng lingunin ko pa sa huling pagkakataon ang opisina nito. Pakiramdam ko ay nag sayang lang ako ng oras sa pag hihintay. Agad na akong bumaba at lumabas ng kumpanya, malungkot akong nag aabang ng taxi upang makauwi na dahil pasado alas-onse na ng gabi. Sana pala ay hindi na nila ako pinag hintay ng ganito katagal kung wala rin naman pala akong mapapala. Muli kong sinipat ang wrist watch ko at naiinip na kaya naman ay napag desisyunan ko ng mag lakad-lakad. Napahinto ako ng mag ring ang cellphone ko sa bag kaya naman dali-dali ko itong kinuha at sinagot ang tawag. "Bakekang nasaan kana?" Si Penny ang tumawag, panay parin ang lakad ko hanggang sa mak
Venus POVHuminto kami at agad na tinanggal ang busal ko sa bibig pati na ang takip sa mga mata. Hawak parin ako sa dalawang braso ko kaya naman hindi rin ako makakatakas.Dahan-dahan akong nag mulat ng mga mata at tumambad sa akin ang lalaking malamig na nakatingin sa akin. Bukod don, ay mas lalong nangunot ang noo ko ng makita si dad."D-Dad..""Now, that she's here. Maybe she can sign a contract para matapos na 'to." Sabi pa ng isang lalaki na malapit lang din sa kinatatayuan ni daddy."A-Anong contract ang pinag sasasabi mo?" Kabado kong tanong.Ramdam ko ang mga pawis kong tumutulo pa mula sa noo, hawak parin ako ng dalawang lalaki na kumaladkad sa akin kanina."Anak, malaki ang pagkakautang ng pamilya natin sa Dawson-"Hindi ko na hinayaan pang matapos si dad sa mga sasabihin n'ya. Iwinaksi ko ang mga kamay na nakahawak sa braso ko."At ano? Ano na namang plano n'yo?!"Nar
Venus POV"We're here." Aniya at inihinto ang sasakyan. "I'm Flinn Galvez and we can be a good friends!" He said in a genuine tone of his voice.I didn't accept his hands and manage to get out of his car. He open his window and I turn my back before actually leaving him."Salamat sa pag hatid." Walang emosyon kong sabi at dire-diretsong umalis.Hindi na ako lumingon pa sa kinaroroonan n'ya. Hindi 'to maganda. I signed those papers and it means na legal na akong kasal sa kung sino man ang Sage Dawson na 'yon!Saglit akong napahinto dahil para bang pamilyar ang pangalan n'ya. Para bang narinig o nabasa ko na sa kung saan.Napailing nalang ako at muling nag lakad. Nang makapasok ako sa apartment ay napansin ko ang mga tsenelas nina Hailey at Penny. Mukhang nandito na nga sila, agad akong dumiretso sa kusina at kumuha ng tubig sa fridge.Napansin ko pa ang mga pagkaing nakahain sa mesa pero may mga taki
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan