"I can move mountains! I can move mountains! I am a winner.. I am a winner..! Breath in, breath out!"Sa wakas ay naging kalmado si Kathy after her repeated chanting habang nasa car, she's on the way to Forbes sa bahay ng mga Chua. All she needs is to reset her mindset and she's ready para sa meeting niya with Arvin. Tamang-tama lang dahil malapit na siya sa bahay ng mga ito.Binuksan ng guwardiya ang gate para makapasok ang kotse ni Kathy. Bagamat mayaman na rin si Kathy ay namangha pa rin siya sa ganda ng mansion nina Arvin.Paglabas ni Kathy sa sasakyan niya ay nakita na niya si Arvin na nag-aantay sa kanya. Ngumiti ito na lalong nagpasingkit sa mga mata nito."Tamang-tama ang dating mo dahil papalubog na ang araw. Hindi na masyadong mainit kaya masarap tumambay sa garden." Wika ni Arvin bago ito naglakad papasok ng bahay. Sumunod si Kathy dito, ang garden palang sinasabi nito ay garden sa rooftop ng bahay ng mga ito. Napakaganda ng pagkakadesenyo ng garden. Sa gitna ng garden ay
"Gerald?" Di makapaniwalang bulalas ni Kathy nang maabutan niya sa bahay niya si Gerald."Umalis ako sa bahay ko Kathy, di na ako babalik dun. I can't stand Kathy anymore. I hope you don't mind kung makitira ako sa iyo dito." Sabi ni Gerald.Kitang kita ni Kathy na napailing si Maribel."Ganoon ba? Pero paano si Mia?"Bumuntong hininga si Gerald."Nakapag desisyon ako na makipag hiwalay kay Mia.""Ha? Paano kung di siya papayag?""Wala naman siyang magagawa kung ayaw ko na sa kanya."Gulat si Kathy. Parang nabaliktad lang ang nangyari noon. Noon, siya ang iniwan ni Gerald para kay Mia. Ngayon naman si Mia ang iniwan ni Gerald para sa kanya. Nakakaganti na siya. Pero bakit di siya masaya sa narinig? Ayaw ba niyang siya ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa. Di bat una pa lang ay yun ang gusto niyang mangyari?"Huwag Gerald. Ayaw kong ako ang magiging dahilan ng paghihiwalay niyong dalawa. Pag-isipan mong mabuti, may anak na kayo at kasal na kayo..""I am filing for annulment Kathy. Aya
Mabilis lumipas ang oras, di ramdam ni Kathy ang paglipas nito dahil kasama niya si Gerald. Hindi niya namalayan na Lunes na pala at kailangan na naman niyang pumasok sa opisina niya. For the first time ay ngayon lang siya di excited pumasok sa trabaho. Dati rati ay na e excite siya Linggo pa lang dahil kinabukasan ay magtatrabaho na naman. Makikita na naman niya ang mga empleyado niya. Di na nagsabay na pumasok sa office sina Kathy at Gerald dahil ayaw nilang maging tampulan ng chismis sa opisina. Mas maaga na lumabas ng bahay si Gerald at nag taxi ito.Tinotoo naman ni Arvin ang sinabi nito. Di pa kasi gawa ang kotse ni Kathy kaya sinundo niya ito at inihatid din sa opisina ng huli.Nakita ni Cynthia na bumaba si Kathy sa kotseng hindi pamilyar sa kanya, obviously ay bigatin ang may-ari ng kotse dahil mamahalin ang sasakyan na yun.Sadyang tumigil si Cynthia para makita kung sino ang naghatid sa boss niya. Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan kung sino ang nagmamaneho sa kotse.
Dumating na si Arvin sa KK21 para pick up in si Kathy kaya dali-daling itong tumayo mula sa pagkakasubsob nito sa trabaho. Dinampot lang niya ang bag niya, walang retouch -retouch at di na siya nagpabango. Si Arvin lang naman ang kasama niya ngayon. Kilala na siya nito, mas malala pa nga ang itsura niya dati noong palengke girl pa siya kaya di na niya kailangan na magpaganda. Isa pa, sa site lang naman ang punta nila."Maiwan ka na dito Cynthia. Lakad na ako, parating na daw si Arvin." Sabi ni Kathy habang palabas ito sa private office nito.Nagtataka namang nakatingin si Cynthia dito. Walang nag ring na telepono. Ibig sabihin ba na magkatext ang boss niya at si Arvin? Paano na si Gerald? Speaking of Gerald, alam ba nitong magtatagpo sina Arvin at Kathy?"Bye Cynthia." Sabi ni Kathy, palabas na ito sa pinto."Bye po ma'am. Ingat ka." Sagot ni Cynthia. Nang makaalis si Kathy ay dali daling inililabas ni Cynthia ang brown envelope. Kanina pa siya naiintriga sa laman nito. Magkano kaya
Uwian na pero wala pa si Kathy kaya nagsend ng message si Cynthia sa boss niya na mauna na siyang umuwi. Isinara niya ang ilaw at isinara ang pinto bago lumabas. Through finger print recognition ang paraan ng pagpasok sa opisina ni Kathy kaya kahit isara ni Cynthia ito ay makakapasok pa rin ang huli.Nasa loob na ng bag ni Cynthia ang brown envelope. Nag desisyon siyang itago na lang muna ang pera. Saka na niya sabihan si Kathy pag nagkita sila bukas sa opisina. Na realise niya na kakarampot lang na halaga yun para sirain ang maganda nilang samahan ng boss niya.Habang naglalakad si Cynthia ay may napansin siyang tila sumusunod sa kanya. Kinabahan siya, si Mia kaya yan uli? Lumingon siya, normal naman ang lahat. Kung makikita niya si Mia ay ibabalik na niya ang pera nito. Ayaw niyang mainvolve sa alitan ng dalawa. Isa pa, boss niya si Kathy kaya dito siya kampi.Bigla na lang may bomondol kay Cynthia sabay agaw sa handbag niya.Napasigaw si Cynthia. "Ayyy!!! Snatcher!!" Hinabol ni C
Natigilan si Gerald nang makita sina Kathy at Arvin na magka hawak ang mga kamay habang papasok sa bahay ni Kathy. Tumigil ang mga ito nang nasa tapat na sila ng pinto. Halos sabay na lumingon ang dalawa.Nagkatitigan sina Gerald at Arvin. Dali-dali namang iwinaksi ni Kathy ang kamay ni Arvin.Di naman malaman ni Cynthia kung ano ang gagawin sa napaka awkward na sitwasyon na yun. Ang boss naman kasi niya eh. Di niya muna isahin para di nagkakagulo ng ganito. Pati tuloy siya nadamay sa kinasangkutang gulo nito. "Gerald? Cynthia?" Awang ang mga labi na balikas ni Kathy. Kumaway si Cynthia kay Kathy. Pilit ang ngiti sa mga labi nito.Pumasok na sina Cynthia at Gerald. Eye to an eye ang dalawang lalaki. Nagkatitigan din sina Kathy at Cynthia."Anong ginagawa mo dito Cynthia?" Nagtatakang tanong ni Kathy. "It's a long story po ma'am." Napabuntong-hininga na sagot ni Cynthia. "Puwede pong maki inom kahit tubig man lang?" Tanong nito. "Ah.. Oo naman. Sige pasok ka."Napatikhim si Arvin.
Nag-iinuman sina Arvin at Mr. Sandoval sa exclusive club na tanging mga members lamang ang pwedeng pumasok doon. "Mr. Sandoval, maalala ko nga pala. I hope na di mo masamain ang aking pagtatanong." Sabi ni Arvin pagkatapos nitong tumungga ng mamahaling Moutai. Aged for more than ten years ang elite brand na alak na yun at 53 percent ang alcohol content kaya naman ang isang bote nun ay nagkakahalaga ng mahigit isangdaang libong peso."Ano yun Arvin?" Tanong ni Mr. Sandoval, napatingin ito sa binata na bahagyang napapikit sa tapang ng alak na ininum nito. Halatang di talaga ito sanay uminom. Inilapag ni Arvin ang maliit na shoting glass na sadyang ginagamit para sa pag-inom ng Moutai. "Ang sasakyan ni Kathy na biglang di gumana, may kinalaman ka ba dun?" Ibinuga ni Mr. Sandoval ang usok pagkatapos nitong humitit ng Cuban cigar. Natawa ito sa narinig. "Bakit mo naman naisip na may kinalaman ako dun?" "Nagtatanong lang ako Mr. Sandoval. Kasi kung nagkataon ay pwedeng ma lose break ang
Napaismid si Mia nang mabasa ang message ng secretary ni Mr. Chua kay Cynthia. May pakinabang din pala ang karag karag na cellphone na to sa kanya.Nabasa niya dun kung saan katatagpuin ni Kathy si Mr. Chua at kung anong oras. Kailangan niyang maghanda, na e print na niya sa kanyang printer ang kuha ni Cynthia sa mga ito. Ang boba kasi ng secretary ni Kathy. Kahit pa e delete nito ang mga pictures at videos na kuha nito. Na access na niya yun at na e save na dahil lahat ng kuha ni Cynthia ay nasave na sa kanyang icloud.Napangiti siya habang nakatitig sa kanyang reflection sa salamin. Hinding hindi siya matatalo ni Kathy. Kung akala nito na nag tagumpay ito na agawin ang asawa niya, pwes nagkakamali siya. Nagkakamali ito ng binagga! Pagsisisihan ni Kathy ang pag hire nito sa asawa niya. Hiring Gerald is Kathy's big mistake! And what could be a bigger mistake than hiring Gerald? Fucking her husband is! Puno ng poot na isinuot ni Mia ang kanyang paboritong black dress. Sa Italy pa niy
"Nay, ano na?" Tanong agad ni Kathy kay Aling Dolor pagbalik nito.Abot hanggang tainga ang mga ngiti ni Aling Dolor pagkakita nito kay Kathy. "Sabi ko naman sa inyo na wag natin silang e judge nang basta-basta. Mababait sila, pinapasok pa nga ako sa loob ng bahay at inalok na mag tsaa pero humindi ako. Inaya ko sila na magsalo salo bukas. Kaya ngayon pa lang ay ihanda natin ang ating iluluto."Tumango na lang si Kathy."Anak baka gusto mong mamitas ng mga gulay sa labas. Para bukas ay magluto na lang tayo.""Sige po nay." Sagot ni Kathy at lumabas na ito ng bahay."Aling Dolor, samahan ko po si ma'am.""Bahala ka."Sumabad naman si Alan sa usapan. "Manghuli na po ba ako ng manok? Mamaya na lang pala, kapag natutulog na sila.""Oo bahala ka. Sabihan mo silang mamitas sila ng papaya at dahon ng sili para sa ating tinola bukas.""Opo Aling Dolor."Dali dali ngang pinuntahan ni Alan sina Kathy at Elena."O akala ko namimitas kayo ng mga gulay." Puna ni Alan.Napatingin sina Kathy at Ele
Pagbalik sa bahay nina Aling Dolor at Kathy ay agad silang sinalubong ni Elena. Nagtataka si Kathy kung bakit tila aligaga ang huli."Ayos ka lang ba Elena?" Tanong ni Kathy.Hindi agad sumagot si Elena.Binitbit naman ni Alan ang mga pinamili nila at ipanasok ang mga yun sa kusina. Walang sabi sabi na tumulong sa pag bitbit si Elena sa mga gamit at agad itong sumunod sa kanyang asawa.Nagtataka man ay hindi na uli nagtanong pa si Kathy. Sumunod na lang din siya sa bahay bitbit ang mga pinamili niyang personal. Agad niyang dinala yun sa kuwarto niya bago siya bumaba sa kusina.Pagbaba ni Kathy sa kusina ay agad niyang nakita ang basket na may laman na mga sweets."Ano to?" Tanong niyang kay Elena nakatingin."Galing sa kapitbahay." Sagot ni Elena na di tumitingin kay Kathy."Sinong kapitbahay?" Sabad ni Aling Dolor."Bagong salta daw po.""Alin diyan sa mga kapitbahay? Marami tayong kapitbahay a?" Tanong uli ni Aling Dolor.Tumingin uli si Elena kay Kathy na wari bay may pangamba sa p
May isang babae na kumatok sa Gate ng farm ni Kathy. Naka sombrero ito at naka bandana with matching shades. May bitbit itong ilang goodies. Pinindot nito ang door bell, agad naman itong sinilip ni Elena. "Sino po ang hanap nila?" Tanong ni Elena sa babae. Ngumiti ang babae kay Elena. "Gusto ko lang pong magbigay ng goodies. Bago niyo akong kapitbahay."Tinitigan ni Elena ang matangkad at maputing babae na nasa labas. Mukhang mabait naman ito kaya ngumiti rin siya dito. "Saan po kayo dito?" Tanong ni Elena. Itinuro ng babae ang katabing bahay na matagal na nilang minamanmanan. Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ni Elena na di nakaligtas sa babae. "Kayo po ba ang may-ari ng lupang katabi ng lupa ko?" Tanong ng babae. "Hindi po. Katiwala lang ako at ang asawa ko dito." Sagot ni Elena na nagsimulang manginig ang mga kamay. "Okay ka lang ba?" Tanong ng babae. "Mainit ang panahon, kailangan ko lang pong uminom ng tubig. Balik na lang po kayo kapag nandito na ang amo ko.""Saan b
**Ganap sa opisina ni Arvin Chua**Modernang babae, yun si Michelle Savar. Sexy na maganda pa kaya lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Pero may kakaiba sa lahat ng mga lalaking nakilala niya, ito ay ang pakipot niyang boss na si Arvin Chua. Halos ipakita na niya ang kaluluwa niya dito pero hindi siya nito pinapansin. Nakakababa ito sa kanyang self confidence pero welcome na welcome siya sa challenge - ang maka one night stand ang kanyang boss na walang iba kundi ang bilyonaryong si Arvin Chua!Balita ni Michelle na si Arvin Chua daw ay bilyonaryong virgin sa edad nitong tatlompo't anim! Kaya naman ang challenge ni Michelle ay ma dis virgin itong si Arvin, baka sakaling sa kanya mabaling ang pansin nito pag nangyari yun. Sa ngayon kasi ay alam ng lahat na may gusto ito sa disgraced business woman na si Kathy Reyes. Ang gaga lang ng bruha dahil pumayag itong maging kireda, ayun tuloy pabagsak na ang kabuhayan nito dahil sira ang pangalan nito. Napabuntong-hininga si Michelle. It's jus
"Arvin, balitaan mo ako kung may balita ka uli kay Gerald ha? Actually, is there a way to find out kung nakalipad na nga ito.. I mean, kung sumakay ba talaga ito.""Oo naman pwede kong gawin yan. Teka lang Kat, pinagdududahan mo ba ang sinabi ko na umalis na sa bansa si Gerald?""I trust you Arvin. Ang sources mo lang ang hindi ko masabi na accurate. But don't ever think na pinagdududahan kita. I just want to know if there is a way to find out kung nakalabas nga ba ng bansa si Gerald o hindi." Paliwanag ni Kathy.Napabuntong-hininga si Arvin." Don't worry, I will check for you.. Kat there is nothing that I would not do for you.""Thank-you Arvin. Isa pa pala Arvin, gusto kong malaman kung kailan lumabas ng decision ng korte na approved na ang divorce ni Gerald... Sorry for asking you to do this pero ikaw lang kasi ang may maraming connection na kakilala ko."Dinig ni Kathy ang malakas na pagbuntong hininga ni Arvin bago ito nagsalita."Okay Kathy. I will do it kung ikakasaya mo.""Gus
Pagkatapos mag-almusal ay pinuntahan ni Kathy ang mag asawang Alan at Elena. Tuwang tuwa ang dalawa nang makita si Kathy."Ma'am Kathy pasensiya na hindi ka namin nasalubong kahapon. Pumunta kasi kami sa bayan para bumili ng mga supply." Kaagad na sabi ni Alan kay Kathy."Okay lang yun Alan. Kumusta kayo dito? Hindi ba kayo na boboring dito?""Naku po ma'am, masaya kaming manirahan dito sa bukid." Sagot naman ni Elena."Mabuti kung ganoon. Oo nga pala, pasalubong ko sa inyong mag-asawa." Sabi ni Kathy sabay abot sa paper bag na bitbit niya."Nakakahiya naman sa inyo ma'am, nag-abala pa kayo.""Maliit na bagay lang po yan kung ikukumpara sa kasipagan niyo. Kita nga niyo kung gaano kaganda ang mga pananim niyo dito."Napangiti ang mag - asawa at sabay na nagpasalamat."Oo nga pala, matanong ko lang. Kilala ba ninyo ang kapitbahay natin?" Tanong ni Kathy at kita niya ang biglang paglaho ng mga ngiti ng mag-asawa."Ah ma'am, sa loob po tayo mag-usap." Tila aligagang sagot ni Alan.Inaya n
Maaliwalas na kapaligiran ang tumambad kay Kathy pagdating niya sa kanyang farm sa Batangas. Masaya siyang sinalubong ng kanyang ina na dito na nanirahan kasama ng ilang katiwala sa kanyang farm magmula nang mabili niya ito. "Mano po nay." Magalang na sabi ni Kathy sabay mano sa kanyang ina. "Kaawaan ka ng Diyos anak." Sabi ni Aling Dolor, ina ni Kathy, pagkatapos niyang abutin ang kamay ng kanyang anak. "Siguradong gutom ka sa biyahe. Nakapagluto na ako ng tanghalian mo. Halika na anak, sabay na tayong mananghalian." Sabi agad ni Aling Dolor na walang mapagsadlan ng katuwaan sa muli nilang pagkikita ng kanyang anak.Habang kumakain ay di mapigil ang kuwentuhan ng dalawa hangang sa tanungin ni Aling Dolor ang tunay na dahilan kung bakit nagpasya si Kathy na sa Batangas na lang ito manirahan. "Nay, kailangan kong mag pahinga." Yun lang ang sagot ni Kathy at hindi na uli inungkat pa ni Aling Dolor ang tungkol sa bagay na yun. "Mabuti naman baka dito pala sa Batangas ka makatagpo n
For few days, someone has been vandalising Kathy's car, may nag susulat ng kabit o Di kaya ay may nangbabato ng itlog sa sasakyan niya. Pero kalaunan ay tumigil din yun. Kilala naman niya kung sino ang may gawa nun, walang iba kundi si Mia. But life goes on hanggang sa... Months later. Kathy Reyes is on the verge of bankruptcy. Para siyang pinarusahan ng langit, lahat ng contracts niya nagsi back out kaya she have no option but to fire some of her staffs na hindi na niya talaga kailangan.Kathy looks haggard, hindi na niya na ayos ang sarili niya sa dami ng problema na kinakaharap ng kumpanya niya. "Ma'am Kathy, you have a call.." "From who?" Tanong ni Kathy kay Cynthia na nangayayat na. Di ito makakain after everything that happened. Sinisisi nito ang sarili niya sa pagkalat ng pictures ng boss niya na may kayakap na pamilyadong lalaki."It's from Arvin." Sagot ni Cynthia. "Tell him I'm not interested to talk to him.""Pero ma'am, kailangan mo siyang kausapin. Kailangan mo si si
"Sir, Magpapakulong na po ako. Hindi ako babalik sa kanya." Sabi ni Gerald sa mga police bago ito bumaling kay Mia. "Antayin mo na lang ang annulment natin." Pinal ang desisyon na pahayag ni Gerald."Gerald, but why?" Gulat na tanong ni Mia. "You know the answer to your question Mia. Once I'm out, let's talk about the custody of our daughter." Malumanay pa rin na sagot ni Gerald. "What are you talking about? Gerald.." Halos magmakaawang sabi ni Mia subalit iniwasan ito ni Gerald kaya muli itong humarap kay Kathy. Sinugod nito ang huli subalit namagitan ang mga police. "Kasalanan mo tong babae ka! Mang aagaw ka!" "Hmm.. Speak for yourself!" Matapang na sagot ni Kathy. Iwinaksi ni Mia ang kamay ng police at tinitigan niya ito ng masama. "Don't you dare touch me! And since wala kayong silbi, umalis na lang kayo. Expect to hear from my General god father!" Pananakot ni Mia sa mga ito. Walang masabi ang mga police. Nag decide ang mga ito to step back. Humarap naman si Mia kay Kathy ul