May isang nakahula!!! HAHAHA. Nahulaan niyo rin ba? haha
Kasama ni Patrio si Jenna at Jessica habang papasok sila ng presinto. Agad kinausap ni Patrio ang mga pulis na kakaupin niya si Shan Banzon.Naghintay sila ng ilang sandali bago dumating si Shan na agad nagulat ng makita ang dating asawa.“Ang ganda ng bagong mukha mo,” ang sabi ni Patrio habang nakatitig sa kaniya na puno ng pagkamuhi ang mata.“Anong ginagawa mo dito?” galit na tanong niya.“Ang mukha bang yan ang halaga no’ng sampung milyon na ninakaw mo sa vault?”Kagat kagat ni Shan ang pang ibabang labi niya.“Ano nga uli ang pangalan mo? Shan?” puno ng panunuya na boses ni Patrio. “Mas hamak na maganda naman ang pangalang Melody, Shan.”Ngumusi si Jessica habang disamyang nakatingin si Jenna.“Hindi ko aakalain na babagsak ka dito.” Saad ni Patrio at tumingin sa presinto. “Binigyan kita ng maayos na tahanan, binigyan ng pera pero hindi ka nakontento. Gusto mong angkinin ang lahat at talagang dinamay mo pa ang anak ko. Pinaikot sa mga palad mo para maging sunod-sunuran sayo.”“Hi
Tumuloy ang ama nila sa Saudi. Naiwan silang dalawa sa tiyahin nilang si Rosie. Nasa high school na si Melody at seryosong nag-aaral. Pag-uwi niya ng bahay ay siya pa ang gagawa ng mga gawaing bahay dahil kung hindi niya gagawin, pagagalitan siya ng tiya niya.Pauwi pa lang siya galing skwelahan, natagalan siya ng konti kaya kabado siya. Pero natigilan sa daan ng salubungin siya ng kapitbahay nila para sabihing pinapagalitan ni Rosie si Meldy. Nagmamadali siyang umuwi at naabutan niya ang tiya niya na pinapalo ang kapatid niya. Agad niyang nabitawan ang libro niya at tumakbo palapit kay Meldy."Tiyang!" Sigaw niya. "Tama na po," nagmamakaawang sabi niya. Tumayo si Meldy at tumakbo sa kaniya. "Ate," umiiyak na sumbong nito. Niyakap niya si Meldy habang pilit na pinapatahan."Naku Melody! Turuan mo iyang kapatid mo na magsaing. Tignan mo ang ginawa niya sa bigas, hindi naluto ng tama."Tumingin siya sa kaldero at tama nga ang sinabi ni Rosie, hilaw pa ang bigas. Trabaho niya yun, pero
Naluluha si Melody habang pilit na ipulupot ang kumot sa buo niyang katawan. Hindi niya aakalaing pinasok niya ang pr0stitution. Kahit na siguro mag-iisang buwan na niya itong ginagawa, hindi pa rin niya minsan masikmura na bini-benta niya ang sarili niya sa kung kani-kaninong lalaki para lang magkapera. Sa isang linggo, dalawang beses siyang nagti-table. Ang kadalasan niyang ginagawa ay sumayaw sa maraming tao o hindi kaya ay taga serve ng alak. Depende kung saan may available."Heto ang kita mo ngayong araw, Melody. Mukhang bet ka nong customer ah kasi nagdagdag pa siya ng malaking tip."Tipid na ngumiti si Melody. May iniwan ring tip sa kaniya sa table kanina. Syempre, hindi na niya yun sinabi sa may-ari para walang bawas ang kita niya.Binigyan siya ng 10k, bayad niya ngayong gabi. May tip na iniwang 5k kaya may 15k siya ngayong gabi."Salamat," sabi niya at umuwi na. Bago siya umuwi, bumili muna siya ng pasalubong para kay Meldy. Napapailing nalang siya dahil no'ng nandito pa
Isang linggo ng hindi umuuwi si Melody kaya balisa si Meldy at halos tambay na siya ng bar para lang makita niya ang ate niya.Nag-aalala na siya at hindi makatulog. Sa bar, namataan niya si Rita, ang kaibigan ng ate niya.Nagmamadali siyang nagtungo sa kinaroroonan nito para tanungin kung nasaan si Melody.“Rita,” tawag niya.Nanlaki ang mata ni Rita. “Anong ginagawa mo dito?” kinakabahang tanong niya.“Si ate? Nakita mo ba siya?”Nakagat ni Rita ang pang ibabang labi niya at binulungan si Meldy na huwag banggitin ang pangalan ni Melody at hintayin muna siya hanggang sa matapos ang trabaho niya.Kaya kahit na tatlong oras ang ginawa niyang paghihintay ay tiniis niya.Matapos gawin ni Rita ang trabaho niya, agad niyang pinuntahan si Meldy at hinila ito pasakay ng taxi.“Ano bang ginagawa mo doon Meldy? Alam mo bang delikado doon?”“H-Hinahanap ko po kasi si ate,” saad niya.Kumunot ang noo ni Rita. “Nasa bahay siya,” sabi ni Rita. “Hindi siya pwedeng makita dahil pinapapatay siya ng as
Isang buwan pa lang, nakaka adjust na si Melody at Meldy sa bago nilang bahay sa San Lazaro. No'ng una, masaya ang dalawa sa payapa nilang buhay. Palagi namang bumibisita si Butchoy, na lagi ring sinusungitan ni Melody. "Ano na namang kailangan mo dito?""Si Meldy, ate?" Tinaasan siya ni Melody ng kilay. "Huwag mo nga akong tawaging ate. Hindi kita kapatid."Napapakamot si Butchoy sa ulo niya. 'Bakit kaya ayaw niya sa akin? Magkapatid ba talaga sila ni Meldy? Bakit demonyita ang ugali nito?' tanong ni Butchoy sa sarili niya."Huwag mong nilalapitan ang kaparid ko Andrew. Ayokong may nanggugulo sa kaniya habang nag-aaral siya."Kumunot ang noo ni Butchoy. "Nag-aaral si Meldy?" Kumunot rin ang noo ni Melody sa reaction niya. "Pumasok siya sa skwelahan ngayon. Bakit?""Saan po siya nag enrol kung ganoon"Lumalim ang gatla sa noo ni Melody. "Hindi ba magka-klase kayo?" tanong ni Melody kasi ang sabi ni Meldy sa kaniya e naka transfer na ito sa skwlehan ni Butchoy at magka-klase pa sila
(Back to present)Nagmamadaling umalis si Eliot lalong lalo na si Meldy na agad tumayo para lang sundan si Eliot. Matagal na niyang hinahanap ang ate niya.Nang sabihin ni Mr. Sy na nagmatch ang fingerprints ni Meldy at Shan, bigla siyang kinabahan at iisa langa ng pumasok sa isipan niya.Na baka ang ate Melody niya ay si Shan mismo.Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. Miss na miss na niya ito. Ngunit sa kakamadali niya, nadapa siya. Hindi siya napansin agad ni Eliot.Tatayo na sana siya ng may batang lumapit sa kaniya para tulungan siya.“Ayos lang po kayo?” nagtataka ang mukha ni Meldy habang nakatingin sa bata. Alam niyang hospital ito pero nagtataka siya bakit may bata.“O-Oo, salamat.” Sabi niya at nagmamadaling umalis.Pagdating ni Meldy sa labas ng hospital, nakita niya si Eliot na hinihintay siya.“S-Sasama ako,” nakikiusap na pahayag niya.Nag-aalala ang mata ni Eliot pero kalaunan ay tumango. Habang nasa sasakyan sila, tanda pa niya ang lahat kung bakit nagsimula
“Ate,” umiiyak na sabi ni Meldy habang nakatingin kay Shan na hindi makatingin sa kaniya.“Ate, bakit mo nagawa ito?” tanong pa niya. Tumingin si Shan sa kaniya, naroon ang mata nitong unang nakagisnan ni Meldy. Ang matang puno ng galit at pagkamuhi.Nasasaktan siya. Alam niya. Alam niyang sinisisi siya ng kapatid niya na hindi nito naabot ang sarili nitong pangarap dahil inuna lang siya. Alam niyang sinisisi siya ng kapatid niya na hindi siya nabigyan ng ama nila ng pansin noon dahil sa pagiging sakitin niya.Mahal niya ang ate niya pero hindi niya alam kung paano burahin ang galit na nararamdaman nito sa kaniya.“Lahat nalang inaagaw mo Meldy,” sabi ni Shan. Nanlaki ang mata ni Meldy.Agad na lumapit si Eliot sa kanila. Kahit siya, gulat na gulat siya na ang babaeng halos dalawang taon niyang karelasyon ay ate pala ng babaeng gusto niya ngayon.“Ano naman ang inagaw ko ate?” mababakas ang lungkot sa boses ni Meldy.“Hindi mo alam? Una, inagaw mo sa akin si papa. Hindi niya ako mauwia
Nakatulog na si Meldy sa tabi ni Elise habang silang dalawa ni Eliot ay gising pa. Agad bumangon si Elise ng makita niya ang papa niya na nakatitig sa kanilang dalawa ni Meldy.“Papa, bakit po sad si mama kanina?”Bumalik sa ala-ala ni Eliot ang sinabi ni Meldy kanina, na iiwan siya nito para lang kay Shan. Nagalit siya ng husto at hindi niya hahayaang gawin nga iyon ni Meldy.Agad niyang hinawakan ang kamay ng anak niya.“Mama wanted to go home, at hindi na siya babalik.”Biglang nanlaki ang mata ni Elise. Nag-alala ito at agad na umiling, ayaw payagan na umalis Meldy sa kanila.“Papa, ayaw ko po.”“I know, anak. Mama loves you and that’s what stopping her to go home. So papa has a plan. Can you help me to work this out?”Agad tumango si Elise, handang gawin ang lahat para lang hindi umalis si Meldy sa kanila.“Ano pong gagawin ko papa?” tanong niya.“Just love her so much, Elise. Put in your mind that she’s really your mama. Don’t leave by her side and that way, she won’t leave us.”
Matapos mag-usap ni Meldy at ng papa niya, saka pa siya naglakas loob na sulyapan si Melody. Sobra itong payat ngayon. Namumutla at maraming sugat sa katawan. Mariin siyang napapikit. Hindi pa niya ito napapatawad sa ginawa nito sa kaniya at sa mga anak niya pero hindi rin niya maiwasang masaktan habang nakatingin sa sinapit nito. Napansin ni Meliciano ang mga tingin ni Meldy kay Melody. Nauunawaan niya ang anak niya kung bakit tila nag iwas ito ng tingin, kaya pinili na rin niya ang tumahimik. “Honey,” pumasok si Eliot at tumingin sa kanila. Yumuko pa ito para magbigay galang kay Meliciano. “Good evening po sir,” saad ni Eliot. Tumayo si Meldy at lumapit kay Eliot. Kita nila kung paano ito yumakap kay Eliot na para bang gawain niya ito lagi. “Uwi na tayo.” Sabi ni Eliot sa kaniya. Tumango siya at tumingin siya sa papa niya. Hinila niya si Eliot palapit dito. “Pa, ito po pala si Eliot. Siya po ang fiancé ko.” Nakita ni Meldy na hindi na nagulat ang papa niya kaya naba
“Stop sulking!” Bulong ni Meldy kay Eliot. Nasa sasakyan na sila at pauwi na. Si Mr. Sy ang nagmamaneho. “I’m not.” Pagdi-deny ni Eliot sabay tingin kay Mr. Sy na pinapakiramdaman lang sila sa likuran. “Sus. Hindi daw.” Umirap si Eliot at tumingin sa labas. Hindi tuloy maiwasan ni Meldy ang matawa. She finds him cute acting that way. “I can’t wait to go home.” Sabi ni Meldy at ngumiti. Namiss na niya ang mga anak niya. Hindi naman makapagsalita si Eliot dahil hindi niya alam kung anong madadatnan nila pagbalik ng San Lazaro. Tumingin siya kay Mr. Sy na nasa driver’s seat. Nakita niya itong nakatingin rin sa kaniya sa pamamagitan ng salamin. Sa tinginan nila, alam na ng isa’t-isa kung ano ang gusto nilang sabihin. Pagdating nila ng San Lazaro, nagulat si Meldy nang mapansin ang mga tao na nagkukumpulan na tila may pinag-uusapan. Tumingin siya kay Eliot. "Anong meron?" puno ng pagtataka na tanong niya. "I don't know, hon." "Ganito talaga ang Pilipinas. Hindi nawawalan ng chismi
“Papa,” malalaki ang luha sa mga mata ni Melody habang nakatingin kay Meliciano na umiiyak habang nakatingin rin sa kaniya.Nakita siya ni Jose na nakatayo nalang habang nakaharap sa lalaking nakatingin rin sa kaniya. Kumuyom ang kamao niya at tatakbo sana palapit dito nang biglang may bala ng baril ang biglang tumama sa tuhod niya dahilan kung bakit napaluhod siya sa lupa. “MELODY!” Sigaw niya pero hindi na siya naririnig pa ni Melody.Ang buong attention nito e nakatuon kay Meliciano at tila ba hindi na napapansin pa ang nasa paligid niya.Nawala nga rin sa isipan niya na hinahabol siya ni Jose. 'Kilala pa ba iya ako? Alam ba ni papa na ako ito? Na nagpalit lang ako ng mukha?' mga nasa isipan nalang niya. Gusto niyang sabihin at isigaw na siya si Melody pero hindi niya mahanap ang boses niya. Gusto niyang sabihin na saan ka galing papa? Bakit ngayon ka lang umuwi? Pero hindi niya magawa. Marami siyang gustong sabihin at itanong sa ama niya pero nauunahan lahat iyon ng luha niya
Umuwi sila sa apartment ni Pacio matapos silang hindi papasukun ni Elmira sa mansion ng mga Santisas. Kasama pa rin niya sina Meliciano at Butchoy.Mahigit dalawang oras na sila sa sala. Nakatingin lang si Butchoy sa kaniya habang siya ay kunot ang noo habang kausap ang ama sa cellphone niya.“Dad, please… Alam kong alam mo kung nasaan sila Melody ngayon. Saan sila nagtatago ni Jose?”“Hindi ko alam kung nasaan sila. I didn’t bother to find them.”“Then help me, dad.. I know you can help me.”Patrio sighed. “I don’t want you to get involved with this pero dahil mapilit ka, wala na akong magagawa. Just make sure Patrick na hindi ka mapapahamak dahil oras na may mangyaring masama sayo, si Melody ang sisingilin ko.”Tuso si Patrio at alam iyon ni Pacio. Alam ng ama niya kung paano siya pasunurin at kung paano siya takutin.“I promise.. Hindi ako mapapahamak.” Aniya dahil ayaw rin niyang mapahamak si Melody.“Give me 2 days. Gagawin ko ang lahat para mahanap sila.” Sabi ni Patrio.Nabuhaya
“Jose,” mahinang tawag ni Melody kay Jose para magpatulong ito sa pagtayo. “Pwedeng magbanyo?” tanong niya.“P-Pangako, hindi ako tatakas. S-Sayo lang ako.” Aniya, sinusubukang huwag kabahan.Tumayo si Jose at lumapit sa kaniya para alalayan siya. Puno ng pasa ang katawan niya at halos magkasugat sugat ang labi.Hindi niya kayang itayo ang mga paa niya ng ilang araw pero ramdam pa naman ang mga ito. Nanginginig rin ang mga binti niya dahil ilang araw siyang nakaratay sa kama at nakagapos. Binasag ni Jose ang pagkatao at ispiritu niya kaya ngayon ay halos hindi na siya makatayo.Para na siyang lantang gulay sa sobrang pagkapayat.Hindi siya nagsalita ng lapitan siya ni Jose para alalayan. Ang totoo e malakas ang kabog ng dibdib niya.Naigagalaw naman niya ang daliri niya sa mga paa. Kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa na makaalis pa siya.Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang tumakas.Dinala siya ni Jose sa kagubatan. Walang banyo sa bahay kubong ginawa ni Jose. Gumawa lang ito maliit na
“Mama! Kailan kayo uuwi?” nakangusong tanong ni Therese. Isang linggo ng nasa barko sina Meldy at Eliot.Agad nilayo ni Meldy ang mukha ni Eliot nang haIikan na naman siya nito sa dibdib. Wala silang saplot panloob, tanging bathrobe lang ang suot nila. Hindi naman sila makaalis sa cabin nila dahil sumapit na ang gabi at alam niyang simula na ng walang sawang kant*tan sa labas.Hindi na siya nagulat pa sa ganoong protocol sa barko pero every time may mangyari sa kanila ni Eliot e mas gusto niyang gawin iyon sa cabin dahil solo nila ang lugar.And Eliot doesn’t want her too to expose sa ibang lalaki. Kaya hindi rin niya gusto na mags3x sila ni Meldy sa labas ng cabin nila.“This Saturday, uuwi na kami ni papa diyan.” Saad niya sabay tingin kay Eliot na nakanguso dahil gusto pang umisa.“Nasaan si papa, mama?” tanong ni Therese dahil hindi niya nakita si Eliot sa tabi ni Meldy.“Hanap ka,” mahinang saad niya at binigay kay Eliot ang phone niya.Kinuha iyon ni Eliot at binuksan ang bintana
Series 3 will be available on October. (But tentative pa).After po ng story ni Meldy at Eliot, baka stop po muna ako magsulat para mag focus po sa work at sa review ko for board exam. I'm sorry everyone if medyo mahaba pa ang buwan na hintayan bago ko masundan ang SOT2.Nahihirapan kasi ako pagsabayin lahat. Tipong marami akong need alalahin sa nireview tapos iniisip ko pa ang susunod na scene. Haha. Nakakabaliw siya.Kaya baka e titigil muna ako sa pagpasa ng story dito. Pero after po ng exam, babalik ako agad and proceed ako sa SOT3- story of Maximilian. Wala po akong isusulat na iba dito kun'di ship of temptation lamang po hanggang matapos ko lahat ng bachelors.Thank you poooo. Pa unang abiso ko pa ito ah kasi baka sa August e magpasa pala ako lalo't pa bago bago utak ko hahaha.Sumasakit na rin kasi ang likod at mata ko lalo't after magsulat e manonood na naman ng live discussion sa YT.Pero iyon nga po, hindi rin ako sure na makakatigil magsulat lalo't I love writing. So much. W
He’s in hiding. Hindi pa rin nakikita ni Rita si Melody at Jose. Nakita na nila ni Fero ang sasakyan na ginamit nila pagtakas pero hindi ang dalawa.“Naku sir, matagal na po yan diyan. Mukhang hindi na po binalikan ng may-ari.” Sabi ng mga kapitbahay na napagtanungan nila tungkol sa nagmamay-ari no’ng sasakyan na nakaparada sa tabi ng kalsada.Lugmok na lugmok si Rita. Hindi niya kasi maipaliwanag bakit kinakabahan siya ng husto para kay Melody. Pero wala siyang magawa kun'di ang umuwi muna dahil maggagabi na. Umuwi sila ni Fero sa bahay na biguan. Kanina pa siya tahimik kaya hindi na rin siya kinausap pa ni Fero. “What happened?” his dad, Alfero, asked him pagkapasok nila ng pinto. “Wala dad. Sasakyan lang nila ang nakita namin. Hula ko ay baka nasa ibang lugar sila nagtatago at panglito lang yung sasakyan na iniwan ni Jose sa Division 11."Napatingin si Alfero kay Rita na tumuloy-tuloy papuntang kwarto. She got her hope na makita na niya si Melody ngayon araw pero mukhang hindi p
"Welcome to ship of temptation." Bati ni Jed kay Meldy habang tinutulungan itong makaakyat sa barko. Natawa siya nang makita na halos hindi na kumurap si Meldy matapos makaakyat. "Eliot, tama ba itong napuntahan natin? O dinala mo lang ako dito para manood ng live p0rn?" natawa si Eliot sa sinabi niya at agad na tinakpan ang mata niya."No but it's one of the rules dito sa barko. Every night, iyan ang makikita mo lagi.""What? Bakit hindi mo 'ko ininform?" sigaw ni Meldy. Napangiwi tuloy si Eliot. "You didn't tell her the rules?" Jed mouthed. He's not angry, in fact he's chuckling dahil sa itsura ni Meldy kanina."I forgot." Eliot mouthed back. Napailing nalang si Jed at hinatid sila sa kabilang cabin. "Bye," sabi ni Jed at umalis matapos niyang ituro sa dalawa saan ang cabin nila.Nang maiwan nalang ay si Eliot at Meldy, agad na tinanggal ni Eliot ang kamay niyang nakatakip sa mata nito."Ano yun? Bakit maraming live p0rn sa hallway?""Listen hon. Ganito talaga ang ship of tempt