Share

Chapter 2

Author: Haian
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

EWAN ni Jade pero naiinis talaga siya. Maybe dahil red alert siya ngayon kaya madali siyang mapikon. Well it is a girl thing.

"Jade Eriette Dela Cruz!" Tinig iyon ni Erie.

"Zach Erie Villa Real! Isa pa at talagang tatamaan ka sa akin!" Ah basta! Naiinis siya di niya maipaliwanag pero naiinis siya. Abnormal talaga ang mga babae minsan.

"Dinamay mo pa ang buong lahi ni Eba! Eh ikaw lang naman ang abnormal! At take note hindi minsan, kundi madalas!"

Nararamdaman ni Jade na malapit na niyang mapatay ang inner self niya! Hay! Bakit kaya ang mga babae pa ang dapat magka-period? Pambihira!

"So, may toyo ka nga—Ouch! What the heck!" Bulalas nito ng ibato niya dito ang isang throw pillow.

"Ang OA mo! Di naman masakit yan." Saad niya pero medyo nakonsensiya din. Parang napalakas yata ang pagbato niya rito.

"Ang sakit kaya! Matapos kitang piliin ito ang igaganti mo sa akin? It hurts you know." Sabay sapo pa sa dibdib nito.

"Oh! Ikaw na ang best actor sige!" Saad niya sabay palakpak.

"Thank you very much!" Anito sabay nag bow pa ang mokong! Pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis tamis. Inirapan niya ito.

"Gosh! Bakit ang pogi ng best friend ko? Lord please more shield po! Yung ultra shield po please."

Nagulat nalang siya ng biglang lumapit sa kanya si Erie at niyakap siya.

He really knows how to calm her. The irony of life, si Erie ang madalas na rason ng pagkainis niya dahil mapang asar talaga ito, sa kabilang banda si Erie din ang gamot sa pagkainis niya.

Hindi niya alam kung ilang segundo or minuto na siyang yakap nito. But his so familiar male scent always soothes her mood.

"Sorry, maybe you are on red alert kaya madali kang mapikon ngayon." Saad nito habang yakap yakap pa rin siya.

Napangiti siya sa sinabi nito. He really knew her too well.

"So, okay kana?" Tanong nito na bahagyang binigyang distansiya ang katawan nila at pinaka-titigan siya.

Tumango siya ng bahagya ngunit nanatili itong nakatingin sa kanya. Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa parang kakapusan siya ng hangin. Ang bilis ng pintig ng puso niya. Brown eyes to Brown eyes. How she wish they can stay like that forever. Parang may mahika na nagtutulak palapit sa kanila sa bawa't isa. Na para bang tumigil ang lahat sa paligid....

"Ang pangit mo!" Bulalas nito at hinilamos ang palad sa mukha niya, sabay takbo sa labas.

And just like that! Baliw talaga ang lalaking yun!

"Zach Erie Villa Real!!!!! Grrrrrr!!!!"

NANG makalabas si Jade sa opisina upang sundan si Erie, hindi na niya nadatnan ang binata. Mukhang mabilis pa sa alas kwatro itong nakatakas. Ilang saglit lang ay narinig niya ang message alert tone niya.

"Tapos na ang break ko mahirap na baka makaltasan ang sahod ko 😉

See you later babe!

PS: binabawi ko ang sinabi ko kanina, ikaw ang pinaka magandang babaeng nakilala ko 😘" - Amnesia Boy

"Baliw talaga ang mokong na yun!" Saad niya pero may sinusupil na ngiti sa mga labi. Alam naman niyang binobola siya nito para mawala ang inis niya pero effective naman yun. Dahil tuluyan na siyang napangiti dahil sa mensaheng iyon mula sa binata.

Maging si Erie ay matagal ng nagtatanong kung bakit "amnesia boy" ang pangalan nito sa cellphone niya. Ang sagot lang niya dito ay kapag naalala na nito iyon doon lang niya sasabihin kung bakit.

Bakit kaya ganun? 2 days ago nagdesisyon siyang bigyan ng chance si James - ang kanyang masugid na manliligaw, okay naman ito at feeling niya okay lang din kung magiging sila na ng binata pero bakit parang nagpaparamdam na naman si Erie? O baka naman talagang assuming lang siya. Umaasa na naman ang puso niyang sawi! Alam naman niya na best friend zone siya pagdating kay Erie.

"Talaga ba? Pero diba nga nung gabing yun..... may sinabi siya....- Oooppps don't go there!"

Erase erase erase! Hanggang dun nalang yun bawal umasa masakit ma-hopia!

"Flowers for you my beautiful lady." Napukaw ang pag iisip niya ng bigla nalang sumulpot si James sa harap niya.

Na may dalang red roses. Napangiti siya but not her favorite though.

"Thank you!" Aniya rito.

"Don't mention it. Hintayin na sana kitang lumabas and hoping that we can do an early dinner?" Anang binata.

"I'm sorry pare. But we have plans already"

Akmang sasagot siya kay James ng biglang marinig niya ang tinig na iyon ni Erie mula sa kanyang likuran. Anong ginagawa nito dito? Ang buong pagkakaalam niya bumalik na ito sa kabilang Café.

"Akala ko bang nasa kabilang Café kana? What are you doing here?" Nagtatakang tanong niya sa binata ng harapin niya ito.

"Bumalik ako." Bale walang sagot nito.

"Pare pasensiya na ha, pero this is between me and Jade." Saad ni James sa tono na parang hindi maganda.

"Jade is my bestfriend kaya damay ako dito. And teka nga, anong between you and Jade? Bakit? Boyfriend ka ba?" Sagot ni Erie sa di rin kagandahang tono.

Medyo dumarami na ang mga nakakapansin sa kanila kaya naman sinabihan niya ang dalawa.

"Doon nga tayo sa labas mag usap usap." Agad namang sumunod sa kanya ang dalawa.

"EXACTLY my point pare! You are just Jade's best-friend. Kaya siguro naman pwede ko siyang yayaing mag dinner and it is for her to decide." Maangas na sabi ni James sa kanya pagkalabas nila sa Café.

Hindi talaga niya ito gusto. Lalo na para kay Jade. Never! Kaya nang makasalubong niya ang kotse nito kanina, dali dali siyang bumalik ng Café. At tama siya pupuntahan nito si Jade and for sure bobolahin na naman. Ito namang si Jade mukhang paniwalang paniwala sa kabaitan ng James na ito. Lalaki siya kaya alam niya ang mga karakas ng tulad nito.

"Really? O baka naman nagseselos ka lang? Sino ba ang nagustuhan mo para kay Jade?"

Tinig iyon mula sa isip niya. And yes wala siyang nagustuhan sa mga nagpapalipad hangin kay Jade. Feeling niya lahat ng mga lalaking yun ay pinagnanasaan lang si Jade at gustong maka score. Well magkakamatayan muna bago nila lokohin ang best friend niya.

"Wow! Really? Best friend?"

Kaasar pero matagal na niyang pinipilit sa sarili niya na best friend zone lang talaga siya kay Jade. Pero nang sabihin sa kanya ni Jade na may possibility na sagutin nito si James. Masama na kung masama pero ayaw niyang makapagsolo ang dalawa. Hindi pwedeng maging first boyfriend ni Jade si James! Never!

"O sino pala dapat? Ikaw?" Anang munting tinig sa isip niya.

"Guys, pwede ba huwag kayong gumawa ng eksena dito." Awat ni Jade.

"Alam mo pare, kung makapag salita ka parang may karapatan ka kay Jade! Ni hindi mo nga alam ang favorite flowers niya!" Childish na kung childish pero naiirita talaga siya sa James na ito.

"Alam mo pare, magdasal kana dahil kapag naging kami na ni Jade. Ni anino mo di ko hahayaang makita niya" mayabang na sagot nito.

So, tama siya all along. Nagpapanggap lang talaga ito. He will never accept him as Jade's best friend.

"Conceited, are we? What made you think na magiging kayo ni Jade?" Binalingan niya si Jade.

"So? Heto ba ang gusto mong maging first boyfriend? Di pa man kayo binabakuran kana? And he wants your life without me!" Saad niya sa dalaga. And knowing Jade, alam niyang wrong move si James sa ginawa.

"Excuse me James, thanks! Because you just help me decide. Don't ever show me your face again. Ang ayaw ko sa lahat ay ang mga lalaking mayabang!" Saad ng dalaga na ikinatuwa niya. Si James naman ay parang maamong tupa na parang biglang na realize ang mga sinabi.

"Jade, I'm so sorry. I did not mean to say those words." Anito

"Wrong move pare." Sabi niya at hindi niya napaghandaan ang mga sumunod na kilos nito.

Isang malakas na suntok sa panga ang tumama sa kanya mula kay James. Nagulat siya noong una, ngunit mabilis din siyang nakabawi at nagpakawala ng dalawang magkasunod na suntok sa mukha nito at isang suntok sa tiyan dahilan para mapa uklo ang binata.

"Gosh! Stop it!" Sigaw ni Jade na pumagitna sa kanilang dalawa. Pagkuway lumapit ang security guard sa kanila.

Napanatag ang loob niya ng daluhan siya ni Jade. At pinahid malamang ang konting dugo malapit sa sulok ng labi niya.

"My gosh! Erie! This one really hurts! Dumudugo siya!" Natatarantang sambit ng dalaga.

"I'm fine, malayo sa bituka." Sagot niya na ngumiti.

"Jade, please give me another chance." Sabi ni James na nakabawi na din at may bahid din ng dugo sa may bandang labi.

"Please James, just leave and leave me alone as well." Sagot ni Jade na sobrang ikinatuwa niya.

Si James naman ay tumalikod at sumakay na sa kotse nito. Nang makaalis na ang binata. Bigla nalang siyang piningot ni Jade sa tenga.

"Ouch! Ouch! Aray! Ouch!"

"Alam mo ikaw! Talagang makakatikim kana ngayon sa akin! Ano ka? High school? Ang galing din naman ng timing mo ha!" Saad ng dalaga ngunit di parin pinapakawalan ang tenga niya.

"Babe! Ouch! Bitawan mo na ang tenga ko. Ang sakit kaya!" Pakiusap niya sa dalaga at salamat sa diyos at pinakinggan siya ng dalaga.

"Pasok sa loob ng Café! Gamutin natin ang sugat mo." Pagkuway sambit nito.

Walang imik na sumunod nalamang siya sa dalaga.

Related chapters

  • Hanggang Ngayon   Chapter 3

    "OUCH! Wait! Aray!" Daing ni Erie nang bigla niyang idiin ang cold compress sa sugat nito.Inirapan niya ang binata."Ang lakas ng loob mong makipagsuntukan tapos konting sugat lang kung maka ouch ka diyan akala mo ika-mamatay mo!" Mataray na sabi niya rito."Sinadya mo kaseng diinan eh. Wait a minute! Bakit parang sa akin ka galit?" Apela ng binata."Alam mong may balak na akong sagutin siya. Kaya alam kong pin-rovoke mo talaga si James." Saad niya."Woah! At pinag-tatanggol mo siya ngayon?" Magkasalubong ang kilay na bulalas ni Erie."I'm just telling the truth." Sagot niya rito.

  • Hanggang Ngayon   Chapter 4

    "SWEETIE, I was thinking na mag sleep-over. Punta tayo ng Bataan bukas. Mag-hiking tayo sa Mt. Samat. We can ask our parents too. Saturday naman bukas." Wika ni Erie. Napagpasyahan nilang tumambay sa may pool area.Their parents has the majority shares ng VRDC Group of Companies. Naghati ang mga ito sa 75% then 25% ay sa mga ibang stockholders. Ang Café nila though sariling pera at pawis nila ay under ito sa VRDC Group - Villa Real Dela Cruz group of companies. Hands on pa rin ang mga parents nila sa kumpanya ngunit laging sinasabi ng mga ito na soon enough sila din ang magte-take over. Sa kaso nila Erie at ng kuya nito maghahati ang mga ito. Ngunit sa kaso niya dahil nag-iisa lang siyang anak sa kanya ipapamana ang shares ng mama at papa niya."Okay lang sa akin." Kibit balikat na saad niya. Their Café will run kahit wala sila. Naroroon lang sila

  • Hanggang Ngayon   Chapter 5

    "BESTIE! I missed you!" Tili ni Ice sabay beso at yakap sa kanya. Icelandia - Ice for short is her girl best friend. But unlike Erie na simula bata palang magkakilala na, si Ice ay naging best friend niya simula high school. Nagkita sila sa isang mall. Nagpasama siyang mamili ng mga pwedeng ipa-salubong kay kuya Paul - ang kuya ni Erie. "Maka-miss ka diyan wagas! Dinalaw mo palang ako kahapon sa Café eh!" Natatawang saad niya rito matapos gumanti ng beso at yakap rito. "Ay! Kahapon lang ba yun?" Eksaheradang tanong nito. "Ay hindi! Last year!" Ganti niya rito at sabay silang nagtawanan. "Buti nalang sa akin ka nagpasama! Tinat

  • Hanggang Ngayon   Chapter 6

    PAGKATAPOS nilang kumain. Talagang hindi nagpa awat si Ice sa pag sa-shopping. Ngunit hindi naman para dito ang mga pinamili nito mostly mga laruan ng mga bata and teddy bears. And to think na walang reklamo mula kay Bastie. Halata naman na iniinis ito ni Ice pero naka ngiti lang ang binata. Paglabas nila ng toy store dalawang push cart lahat ng mga pinamili nila. "Good thing ang pick up ko ang dala ko." Ani Bastie. Walang kainis inis sa mukha nito. Si Ice ang higit na naiinis actually. "Sino namang may sabing isasakay yan sa pick up mo?" "Ako." Si Bastie. "Dala ni Jade ang

  • Hanggang Ngayon   Chapter 7

    "YOU CAN NOW open your windows to appreciate the view. Welcome to Dubai." Iyon ang narinig niyang anunsiyo habang nagla-landing ang eroplanong sinasakyan nila. Dahil siya ay malapit sa bintana, napatingin siya sa gawing ibaba only to be amazed with the view. It's exactly 9:30pm in Dubai. Napakaganda ng city lights mula sa himpapawid. "Wonderful!" Di niya napigilang ibulalas. "I agree!" Ani Erie sa tabi niya. Ngunit hindi niya namalayang naka sungaw din pala ito sa bintana sa may tagiliran niya. Kaya naman ng bumaling siya rito ay tila kakapusan siya ng hininga nang gahibla nalang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Halos magdikit na ang mga ilong nila. Nanlalaki ang mga mata niya alam niya. Si Erie ay nakatingin lang sa mga labi

  • Hanggang Ngayon   Chapter 8

    "THIS is the Atlantis. May mga activities na pwedeng gawin sa loob. Pwedi rin tayo sa water park nila if you want." Ani kuya Paul na animo tour guide. Pag-sapit ng alas otso ay nagyaya na itong mamasyal at dahil nasa The Palm na daw sila ang pinaka malapit na pwede nilang puntahan ay ang Atlantis. Nakakamangha, parang isa itong kaharian. "Wow! The Lost City of Atlantis!" Sambit niya habang nakatingin sa buong paligid. A kingdom facing the sea. Or mas tamang sabihin na a kingdom in the middle of the sea. Dahil napag-alaman niya na ang The Palm ay animo man made island sa karagatan. "And now we've found it." Ani Erie sabay kindat sa kanya. Na ikana-ngiti niya. "Baliw!" Aniya na may ngiti sa labi.

  • Hanggang Ngayon   Chapter 9

    HABANG papunta sila sa 'At The Top', hawak hawak pa rin ni Erie ang kamay niya. "Mawawala ba ako? Kaya lagi mong hawak ang kamay ko?" Tanong niya rito. "Mahirap na baka maagaw kapa nila." Anito sabay kindat. "Che! Mga kalokohan mong talaga." Sabay irap sa binata. Tumawa lang si Erie. Nang makarating sila sa observation deck, no words can describe what she is seeing right now. Her lips form in O as in O! Pakiramdam niya nakikita niya ang buong Dubai! Good thing she is not afraid of heights kase talaga namang ang taas ng Burj Kalifa, kitang kita niya lahat, ang mga kalsada, mga nagga-gandahang buildings, city lights at maging an

  • Hanggang Ngayon   Chapter 10

    KUMUNOT ang noo ni Erie. Wala siyang maisip na naging girlfriend niya na maaring lumampas sa pagmamahal niya kay Jade. Ni hindi nga nagtatagal ang mga naging relasyon niya dahil kadalasan sa mga ito ay nagseselos kay Jade. Well hindi naman kase siya masisisi ng mga ito, sila lang naman ang mga nagdi-declare na official na siyang boyfriend ng mga ito na hinahayaan lang niya then eventually magsasawa din ang mga ito at papipiliin siya palagi kung sila na girlfriend niya or si Jade. At ang ending ay walang alinlangan siyang sasagot na si Jade. Kahit may girlfriend siya sa mga nakalipas na taon. Jade has always been her priority. Kaya pinagse-selosan ito madalas. "Remember Caitlin? Alam ko naman na minahal mo siya. Siya lang ang tumagal sa mga naging ex mo." Ramdam niya na may panibughong kalakip ang boses ni Jade.

Latest chapter

  • Hanggang Ngayon   Chapter 26 - Ending

    "MY GOD! JADE! It's been 24 hours at wala kaman lang talagang paramdam!" Marahas na napabalikwas si Jade mula sa pagkakahiga sa kama at mabilis na tumayo ng mapagtanto kung sino ang pumasok sa kanyang silid. "Bago mo ako sigawan diyan! Uso ang kumatok!" Singhal niya kay Erie. "Eh ano naman ngayon kung di ako kumatok?" "Paano kung nagbibihis ako?" "Nakita ko na lahat yan." Sagot nito na may kalakip na pilyong ngiti. Sinimangutan niya ito, "Bakit ka nandito?" Matabang na tanong niya rito. "Hindi mo man lang ba ipapaliwanag sa akin kung bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? I was waiting for your explanation for 24 hours now!"

  • Hanggang Ngayon   Chapter 25

    NAPAKA-GANDA ng rest house nila Bastie. Nasa mataas na parte ito kaya kitang kita ang napakagandang view. Nakaka-relax at ang sarap din ng simoy ng hangin. Maraming silid iyon kaya kahit isa isa sila ng kwarto ay okay lang. Ilang saglit pa ay sama sama ang lahat sa kusina, ang lahat ay abala sa pagluluto. Nagpaalam saglit si Jade sa mga kaibigan upang kunin ang kanyang cellphone na naiwan niya sa kanyang silid. She was about to go back when she heard that voice.... "Caitlin, when are you going to tell them? Kailangan nilang malaman." Boses iyon ni Erie. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng iba. Ngunit nang mga sandaling iyon ay hindi siya makakilos mula sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya nakikita ang mga ito ngunit d

  • Hanggang Ngayon   Chapter 24

    NANG MAGISING si Jade ay wala na si Erie sa kanyang silid. Hindi niya tuloy maiwasang mapasimangot. "Hay naku Jade Eriette! Dapat good-vibes! Umagang umaga eh!" Kausap niya sa sarili at pilit na ngumiti. Ang kumag na iyon! Nag-eexpect pa naman siya na paggising niya ay mag-sosorry pa rin ito at may paandar ito na surpresa! "Yan tayo eh! Kapag nag-eexpect talaga masakit!" Aniya at umirap sa hangin, "Ay! Erase erase erase! Good-vibes...." Aniya habang nag-inhale at exhale. Napatingin siya sa bedside table. "Wala man lang kahit note na I'm sorry..." Muli ay di niya maiwasang magdamdam kay Erie. Pagkuway tumunog ang cellphone niya. "Good morning babe! I'm

  • Hanggang Ngayon   Chapter 23

    "AS YOU ALL know, magbi-birthday si Jade bago ang pasko, and this time, Jade does not want to celebrate it. Gusto niya isabay na sa yearly Christmas celebration natin." Paliwanag ni Ice. Nagpatawag ito ng 'emergency meeting' kuno at hindi kasama si Jade sa meeting na ito.Dalawang araw na niyang hindi nakikita ang dalaga, pupuntahan sana niya ito kahapon ngunit biglang nagpasama ang kanyang mama sa kanya na hindi naman niya matanggihan. And yes she missed her. Well, at least sinagot na naman ni Jade ang tawag niya kahapon at base sa tono ng boses nito ay okay na naman ito."So, you are suggesting na i-surprise nalang siya sa birthday niya? Wika ni Jayden."Yes, simple lang, cake and food and movie marathon nalang tayo sa may sala nila." Ani Ice."Okay ako diyan, and slee

  • Hanggang Ngayon   Chapter 22

    NANG MAKAALIS siya ng library, kaagad niyang hinanap si Caitlin. Kailangan niya itong makausap tungkol sa kalagayan nito. Natagpuan niya ang dalaga sa may terasa ng bahay."So, she told you..." Usal nito at tinalikuran siya. Nilapitan niya ang dating kasintahan at pinaharap sa kanya."Bakit hindi mo kaagad sinabi?" Tanong niya rito."Para kaawaan mo? Katulad ngayon?" Anito sa pagitan ng pag-iyak.Pinunasan niya ang mga luha ng dalaga."Ssssshhhhh...""Mamamatay na ako Erie.... Nararamdaman ko sa bawat araw na nagdaraan nanghihina ako at lalong namumutla." Patuloy sa paghikbi ang dalaga.Niyakap niya ito upang mapatahan. Nang pumikit si

  • Hanggang Ngayon   Chapter 21

    "KAMUSTA ANG pag-puno sa box mo kagabi?" Iyon ang bungad ni Erie sa kanya habang papunta sila sa bahay ni Caitlin. Nasa likod sila ng sasakyan. Pinag-drive sila ni mang Kiko."Okay lang." Matipid na sagot niya at tumingin sa bintana ng sasakyan. Kunwari ay tinatanaw ang mga tanawin sa labas kahit madilim na, ngunit ang totoo ay pinakikiramdaman niya si Erie."Hindi mo lang ba ako tatanungin kung kamusta ang pagsama ko kay Caitlin kagabi?"Wala sa sariling napa-irap siya sa may bintana. Sa ayaw nga niya iyong pag-usapan! Kung pwede nga lang huwag mag-attend ngayon eh! Mas gusto pa niyang humiga sa kama at magmukmok."I saw that...." Ani Erie na nagpabaling sa kanya sa gawi nito."What?" Kunot noong tanong niya.

  • Hanggang Ngayon   Chapter 20

    "SH*T! OUCH!" Bigla niyang nasapo ang ulo. Nang bigla nalang may pumitik at may maalala siya. Ngayon sigurado na siya na mga alaala niya ang mga iyon. Hindi panaginip."I can kiss you all day, you know." Paulit ulit iyon na tila sinasabi niya sa isang babae. Punong puno ng pagmamahal ang kanyang tinig."Erie? What happened?" Tinig iyon ni Jade, "Erie, Oh God! Please, talk to me..." Dama niya ang pag-aalala sa tinig ng dalaga.Unti unti niyang minulat ang mga mata at tumayo nang tuwid. Mahina niyang hinimas himas ang sentido."I'm okay, ganoon lang talaga kapag may bigla akong naaalala." Tumingin siya sa dalaga. Nasa mukha parin nito ang pag-aalala.Gusto lang sana niyang i

  • Hanggang Ngayon   Chapter 19

    "THERE IS really something in the way she looks at me...." Paulit ulit iyon sa isipan ni Erie. Iba eh, iba ang nararamdaman niya, naguguluhan siya. Tila ba may nais ipabatid si Jade sa kanya. Mayroon ba siyang kailangan malaman? Is there any important thing or whatsoever that happened within that 5 years that was forgotten? At bakit nanaginip siya kagabi na tinatawag siya ni Jade ng 'babe', samantalang never niyang narinig ang dalaga na tawagin siya sa endearment na nakasanayan niya para rito. Siya lang ang tumatawag kay Jade nang ganoon. Ngunit sa panaginip niya, buhay na buhay ang boses ni Jade. Masaya at tila musika sa pandinig niya. Pansamantala siyang lumayo sa karamihan matapos kumanta ni Jade. Nasa may hardin siya. Gusto niyang makapag-isip. "Huwag mong l

  • Hanggang Ngayon   Chapter 18

    KANINA PA naka-plaster ang matamis na ngiti sa mga labi ni Jade. Pakiramdam niya ay nangangawit na siya sa kaka-ngiti. Again, she is pretending she is okay in front of many people, specially to their friends. Pero ang kalooban niya ay nadudurog. Paano ba namang hindi, kanina pa ang tudyo ng mga kaibigan nila kina Erie at Caitlin. Masyado kaseng inaasikaso ni Caitlin si Erie at ganoon din ang binata sa dalaga. Nakangiti siya ngunit ang kalooban niya ay naghihimagsik sa sobrang panibugho. "O ano? Kaya mo pa? Ginusto mo yan eh!" At ayun nga pati inner-self niya ay ginagatungan siya! "Palagay ko may magkakabalikan dito." Tudyo ni Jayden. "Oh! No! Fiancé ko na si Erie!"

DMCA.com Protection Status