Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik lang sila.
Habang tumatagal nararamdaman ni Ashy na lumalayo ang loob ni Paul, pakiramdam niya kahit magkasama sila ay malayo ito.
Hindi niya alam kung bakit, wala din naman itong sinasabi na problema niya. Nahihiya din naman siyang magtanong dahil ayaw niyang isipin nito na hindi pa man sila ikinakasal ay nagiging possessive na siya.
Nakakaramdam siya ng selos pero ni minsan ay hindi siya naging possessive. Sa relasyon nila ni Paul, never naman siyang nakakita ng dahilan para magselos maliban na lang sa trabaho.
Subsob kasi ito sa trabaho at mukhang dun sila magkakaproblema.
Maya-maya pa ay nagring ang cellphone niya.
"Hello," sagot niya matapos ilagay ang cellphone sa tainga niya.
"Hello ma'am, sa food department po ito ng hotel para po sa reception ng kasal niyo. Remind ko lang po kayo about sa schedule natin bukas for food tasting," boses iyon ng babae sa kabilang linya.
N
Mabigat ang mga paa ni Ashy na pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi niya maipaliwanag kung anong damdamin ang dapat na manaig sa puso niya.Pinangarap niyang maikasal at bumuo ng sariling pamilya ngunit hindi sa ganoong paraan. Mahalaga sa kany ang oras at atensiyon s aisang relasyon. Hangga't maari hindi dapat mawala ang komunikasyon sa isang mag-asawa. Nakakara siya ng takot sa sitwasyong papasukin niya.Ito nga ba yubg dahilan kung bakit ayaw ni Storm na magpakasal siya kay Paul? Tama ba ang sinabi nito na hindi siya magiging masaya sa piling nito? Pero bakit. Ito ang hindi niya maintindihan.Dahan-dahan niyang binuksan ang kanilang pintuan.Pagpasok niya ay nakita niya ang mama niya na nasa sala at halatang hindi inaasahan na darating siya ng ganun kaaga."Ohh anak andiyan ka na pala. Akala ko ba hapon ka pa makakabalik. Ala-una pa lang ahh.?" takang tanong ng mama niya.Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay umupo ito sa tabi n
Matapos ang food tasting agad na ihinatid ni Paul si Ashy, pagkahatid sa kanya ay agad itong umuwi.Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya si Storm na nakaupo sa sala. Base sa ekspersyon ng mukha nito ay hindi na talaga siya natutuwa sa ginagawa ng kapatid."There you are. Pinanidigan mo na talaga ang pagpapanggap mo," puna nito sa kapatid na noon ay paakyat na sana sa kwarto nito.Bahagyang tumigil si Paul sa paglalakad ant nilingon ang kapatid."Anong pagpapanggap?" maang na tanong nito. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng kapatid. Ngunit hindi niya ito kakagatin na parang okay lang sa kanya na sabihan siya ng ganun."Best actor ka talaga Paul, eversince hindi ka parin nagbabago. Kaya mo paring paikutin ang lahat ng tao. Siguro nga, sila kaya mong paikufin sa mga palad mo. Kaya mo silang paniwalain sa lahat ng kasinungalingan at pagpapanggap mo. Pero ako, kahit kelan hindi ako maniniwala sayo." mriing turan nito sa kapatid na bahagya pa
Sa kabilang banda..Habang nasa mall ay inabala ni Ashy ang sarili sa pagtingin ng mga paninda. May mga nagustuhan din siyang mga damit kaya binili na niya ito. Sa sobrang pagiging abala niya sa trabaho at sa paghahamda sa kasal nila ni Paul ay nakalimutan na din niyang mag-enjoy. Nakalimutan na nga niyang may mga kaibigan siya.Minsan ay naisip niya na hindi na siya gaya ng dati. Nakalimutan na nga din niya na lahat ng tao kailangan din ng day-off. Buti na lang at hindi bumibigay ang katawan niya sa kabila ng pagod at mga pasakit na nararanasan niya.Maya-maya pa ay napansin niyang wala sa tabi niya ang kaibigan. Nilingon niya ito, napangiti na lang siya ng makita ito na may kausap sa telepono at sinenyasan siyang hintayin niya ito. Maya-maya pa ay lumapit na ito sa kanya."Akala ko nawala ka na ahh. Aino kausap mo?" maya-maya ay walang kung anong sa kanya."Ahh yun, yung manliligaw ko. Gusto niyaagkita kamiEhh sabi ko nextime na
Pagkapasok nila sa bakuran ng bahay ay agad na nagsara ang gate. Napaka-hightech ng lugar. Mahihiya ang pedicab na papasok sa lugar."Siya nga pala Ash, walang signal dito, pasensiya ka na ha?" ani ni Jem sa kaibigan ng subukang ilabas ang cellphobe nito."Ahh yun ba? Okay lang, saglit lang din naman tayong mag-stay dito diba? Ang haba din kasi ng biyahe," ngumiti ito sa kanya saka tumingin sa paligid.Ang laki ng lugar at halatang hindi biro ang ginastos dito. Makikita niya s amga materyales palang ng bahay ay hindi lang milyon kundi bilyon ang ang nagastos bago ito naitayo. Ang gaganda pa ng kulay ng maga bulaklak. Halos lahat ng paborito niyang tanim any nandoon."Ang galing din pumili ng lugar ni Mark ano? Napaka-relaxing ang lugar. Biruin ko, andito tayo sa taas pero may swimming pool. Nag sarap siguro tumira dito," niyakap nito ang sarili habang nakatingin sa kaibigan..Nakatitig lang ito sa kanya at mukhang walang planong magsalita."
Alas nuebe na ng gabi at wala paring planong pumasok sa loob si Ashy, nanatili siyang nakaupo sa may bench kung saan naamoy niya ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak na nakapaligid sa kanya. Ramdam niya ang lamig ng gabi, ang simoy ng hangin na nagmumula sa kalawaka.Maya-maya pa ay lumabas si Storm upang tawagin siyang kumain. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Susmunod agad siya rito dahil kanina pa man ay ramdam na niya ang pagkalam ng kanyang sikmura.Walang imikan habang sila ay kamakain. Pagkatapos niyang kumain ay tumayo agad siya. Wala siyang planong tulungan ito upang magligpit ng pinagkainan nila, gusto niyang maramdaman niya at pagsisihan niya na dinala siya nito doon.Habang nakaupo ito sa may garden ay nakita niya si Storm na umiinom ng alak. Ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda habang hindi pa ito lasing ay sinantala na niyang lapitan ito."Saan ako matutulog?" simpleng tanong niya habang nakatingin ito sa kanya na para bang pinagmasad
Lumipas pa ang mga araw na magkasama sila. Hindi masyadong nag-uusap, hindi maintindihan ni Ashy kung bakit nakaramdam siya ng selos sa nakita. Hindi niya iyon mai-alis sa isip niya kaya mas pinili na lang niyang hiwag itong kausapin.May mga panahon na kinakausap siya nito ngunit mas madalas na hindi.Wala din naman siyang ibang choice kundi ang kausapin ang isa't-isa dahil sila lang naman ang magkasama.Prinsesa kung ituring siya ni Storm, pagkagising niya ay kakain na lang siya. Wala ni kahit isa sa gawaing bahay ang ginagawa niya.Si Storm din ang nag-aalaga sa mga halaman, kaya kahit umuulan ay nasa garden siya para ayusin at linisin ang mga tani.Isang gabi habang mahimbing na natutulog si Ashy, napabalikwas siya mula sa kanyang kama.May narinig siyang ungol na di maintindihan kung saan nanggagaling.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Narinig niya ang ungol na nagmumula sa katabi niyang kuwarto. Napakunot-noo siya
Makalipas ang ilang araw ay sumigla na ang pakiramdam ni Storm. Mababakas parin sa mukha nito ang sakit na dulit ng mga nakalipas na araw na wala silang ginawa ni Ashy kundi magsagutan at magpalitan ng sama ng loob.Naisip niya na siguro nga ay wala ng pag-asa pa na maging okay silang dalawa. Gayunpaman gusto niyang malaman ni Ashy kung ano ang totoong nangyari kung bakit siya nawala. Kubg bakit kinailangan niyang umalis at lumayo kasama si Girlie. Hi di niya hahayaan na matapos sila sa ganung dahilan lang. Nakahanda na rin siyang pakawalan ito kung ito ang makapagpapasaya sa kanya."Ihand mo na ang mga gamit mo. Bukaw uuwi na tayo," tipid na turan nito sa kaharap.Kumakain sila isang umaga. Hindi alam ni Ashy kung matutuwa ba siya o malulungkot sa sinabi nito. Gusto na niyang bumalik sa dati niyang buhay ngunit may kurot siyang naramdan sa puso niya."Salamat," tipid na sagot niya ngunit sa loob-loob niya ay gusto niyang sabihin na sana ay magtagal pa si
Kinaumagahan ayy umuwi na nga sila. Habang nasa sasakyan at tahimik lang silang dalawa at walang nangahas na magsalita. Kung si Ashy lang ang tatanungin ay gusto pa niyang manatili sa lugar. Iyon ang isa sa mga pinakapangarap niya. Ang lugar na iyo at ang taong kasaama niya.Kaikangan niyang bumalik ng maynila upang ayusin ang may problema. Kailangan niyang harapin ang laban niya sa buhay,, ito lamang ang magbibigay sa kanya ng tunay na kaligayahan at kalayaan.Hindi niya maiwasang maluha habang naiisip niya ang mga nangyari. Lahat ng tanong sa kanyang isip ay unti-unti nang nasasagot."Anong plano mo ngayon?" bigla ay tanong ni Sto sa kanya habang nakatingin sa daan at hindi na nag-abalang lingunin siya."Hindi ko pa alam, pero sigurado akong galit na galita si Paul ngayon. Ramdam ko at alam kong may dahilan siya para maramdan iyon. Ikaw ba naman ang nasa posisyon niya. Ilang araw na mawawala ang pakaksalan mo nang hindi mo alam kung saan siya nagpunta h
Isang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Napabalikwas siya dahil sa lakas nito."Ma ano ba iyon?" nakasimangot na tanong nito sa mama niya."Anak,magbihis ka si Storm nasa baba hinihintay ka. Emergency daw,si Paul hindi maganda ang lagay." tuliro na sabi ng mama niya. Halata s amukha nito ang pag-aalala."Ha? Bakit ma, ano daw ba ang nangyari?" tanong niya."Hindi ko alam. Mabuti pa magbihis ka na para makaalis na kayo." utos ng mama niya saka ito dali-daling bumaba.Agad namang nagbihis si Ashy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Paul.Pagdating sa sala ay nakita niya agad si Storm."Ash, sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Paul. Kahit saglit lang."pakiusap nito."Kaya nga andito na ako diba? Tara na," agad na sabi nito. Nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mama niya dahil sa labis na pag-aalala.Habang nasa sasakyan sila
Lumabas sa veranda si Ashy dahil tulog na si Paul. Kinailangan niyang tawagan ang mama niya dahil kailangan niyang pagbigyan si Paul sa hiling nito.Habang nasa veranda ay lihim naman siyang oinagmamasdan ni Storm. Kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan nito base na rin sa suot niyang bestida.Lumobo ang katawan niya ng bahagya na bumagay naman sa maganda niyang mukha.Maya-maya pa ay lumaoit na ito sa kanya."Nandito ka pala, mabuti naman at pinagbigyan mo si Paul na dumito ka ngayong gabi." boses iyon ni Storm mula sa likuran.Panandalian siyang lumingon rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas."Maliit na bagay lang ang hinihiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, may pinagsamahan din kami at naging mabuti siya sa akin. Maliit na bagay lang ito kumpara sa kasalanang nagawa ko sa kanya." sagot nito na halos hindi maalis ang tingin niya sa kausap."Sabagay tama ka. Mabuti naman at naisip mo iyon." walang anu-anong
Sinubukan siyang habulin ni Storm. Sapilitan niya itong isinakay at dinala kung saan. Hanggang sa magdidilim na at sinabayan pa iyo ng malakas na ulan. Walang nagawa nag mga ito kundi tumigil s aisang tabi."Kailangan ko ng umuwi Storm. Hahanapin ako ni mama. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya rito."Dahil gusyo kong malaman kung talaga bang wala na tayong pag-asa pa. Gusto kong malaman kung hanggang dito na lang ba tayo." sagot nito.Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa.Agad niya itong hinila sa backseat ng sasakyan niya. Doon hinalikan niya ito."Storm ano ba? Pati ba naman dito? Ano bang akala mo sa akin?" pagpupumiglas nito ngunit hindi siya tumigil.Hinalikan niya ito ng halik na kailanman ay hindi niya malilimutan hanggang sa naramdaman niyang hinahalikan na din siya nito."I'm sorry pero kailangan ko itong gawin." gigil na sagot nito.Hinalikan
Halos matumba na si Ashy nang paakyat siya sa hagdan upang umakyat sa kanyang kwarto.Mabuti na kang at may matipunong katawan ang nakasalo sa kanya.Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyo. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hinayaan na lang ugong kargahin siya at ipasok sa kanyang kwarto.Pagkalapag sa kanya ay napaungol siya.. ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo.Pagdilat niya ng mata ay nakita niya ang mukha ni Storm."Don't cry, nandito na ako. Hindi ka na ulit masasaktan. Ramdam niya ang pagpahid nito sa mga luha niya sa mata.Dahan-dahang bumaba ang mukha nito at hinalikan siya. Nagpaubaya siya dahil iyon din naman ang gusto ng puso niya."Storm, mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lamang." malambing na turan nito habang si Storm ay abala sa paghalik sa buo niyang katawan.Bumalik ito sa mukha niya at hinalikan siya ulit sabay bulong.."Mahal na mahal din kita Ashy, hindi ko
Hindi pumasok si Ashy ng isang linggo dahil sa nangyari. Mas ginusto niyanv manatili sa kanilang bahay upang sa ganon ay makapag-isip. Pakirama niya unti-unting dinuduro ag puso niya.Bakit nga ba kailangan naying masaktan ng sobra?Bakit may mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo?Bakit may mga bagay na kailangan nating tiisin para lang maprotektahan ang iba?Bakit kailangang tayo lagi ang umuunawa?Totoo nga naman na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho.Habang nakaupo sa may veranda ng bahay nila ay narinig niyanh may kausap ang ina. Naisip niya na baka si Jem iyon at dinadalaw siya."Anak may bisita ka,"maya-maya ay narinig niyang sabi ng kanyang ina na noon ay nasa likuran na niya.Nakangiti siyang nilingon ito at agad na nawala ang mga ngiti sa kanyang labi nabg makita kung sino ang bisita niya.Si Paul.May dala iyong bulaklak na halata namang ibibigay sa kanya. Simole lang ang suot nito n
Pagbalik niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang mama niya na nasa pintuan. Hindi na niya mitatago pa ang katotohanan.Umupo siya sa sofa at umiyak ng umiyak.Naramdaman niya ang paglapit ng mama niya at umupo ito sa tabi niya."Bakit kailangan mong itago? Tinanong kita kung may problema ka. Hindi mo dapat itago sa akin anak. Nanay mo ako, kubg meron mang isang tao na dapat makakaibtindi sayo, walang iba kundi ako." itinaas nito ang baba niya upang makita ang mukha nito."Natakot ako ma. Natakot ako na masira ang magandang pagkakakilala niyo kay Paul. Ayokong mawala ang respeto na ibibigay niyo sa kanya. Ayokong maramdaman niya yung dating naramdaman na niya sa mga magulang niya.""Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdaman ng iba hindi mo namamalayan na sarili mo na ang nasasaktan. Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdan ni Paul hindi mo namamalayan na unti-unti ng nawawala sayo ang lalakeng minahal mo ng sobra. Bakit a
Lumabas na ito mula sa bahay ng magkapatid.Halos hindi ito masabayan ni Jem sa paglalakad dahil sa bilis nito."Ash sandali. Please kausapin mo ako." maya mayapa ay sinundansiya ni Storm.Hinarap niya ito at binigyan ng mag-asawang sampal."Sige saktan mo ako kung yana ng makakatulong sa'yo upang ilabas ang nararamdaman mo. Tatanggapin ko dahil alam kong mas masakut pa ang nararamdan mo sa ngayon. Patawarin mo ako kung hindi ko agad sinabi sa'yo. Alam ko pero wala akong karapatang manghimasok sa buhay ng ibang tao. Kapatid ko siya pero may mga bagay na siya dapat ang magsabi sa'yo." paliwanag nito."Alam mo. Pero hindi mo sinabi sa akin. Hinayaan mo lang na gawin akong tanga ng kapatid mo. Habang nagpapakatanga ako sa pag-aayos sa kasal namin mag-isa. Sa bawat pagkakataon na sinayang mo para sabihin sa akin doble ang balik na sakit nun dito," itinuro nito ang bahagi ng puso niya."Bakit Ash? Kung sinabi ko ba sa iyo noon pa,maniniwala
Natapos ang isang araw na hindi siya kinausap man lang ng maayos ni Paul. Papalabas na siya ng opisina ng makita niya si Jem na papalabas na rin."Ohh ano kumusta? Nagkausap na ba kayo?" tanong ng kaibigan sa kanya habang naglalakad sila palabas."Hindi pa, lalo pa nga siyang nagalit sa akin ehh. Nasahot ko kasi yung bisita niya kanina. Paano kasi, pabalang kung magtanong at sumagot sino ba naman ang matutuwa. Tama ba naman na panghimasukan niya ang pagiging sekretarya ko?" nakasimangot na tugon niya sa kaibigan na noon ay napatigil sa paglalakad."Iyon bang gwapo na bagong mukha? Nagoubta na iyon dito nun. Noong wala kayo ni Storm. Business partner daw, mukhang nagkakaproblema yata sa kabilang branch." sagot ng kaibigan."Kaya siguro maiinitin ang mga ulo. Pati ako damay.""Hayaan mo na muna. Magrelax ka din kaya. Ano akin tayo?""Sige, sagot niyo.Nakarating ang maga ito sa isang kainan. Doon ay simple lang ngunit mukhang mama
Masama man ang pakiramdam ay bumangon parin si Ashy upang pumasok sa trabaho. Inaasahan niya na makikita niya si Paul at baka sakaling kausapin siya nito.Pagdating sa opisina ay nakita niya na wala pang tao sa opisina ni Paul. Ibig sabihin ay hindi pa ito dumatingMaya-maya pa ay dumating na ito. Tumayo si Ashy upang salubungin sana siya ngunit nilampasan lang siya nito na para bang wala siyang nakita.Sinundan niya ito sa loob."Goodmorning sir," bati nito. Bahagya siyang lumapit sa kanya upang mapansin niya na nasa loob siya."Yes? What can I do to help?" pormal na tanong nito.Inilapag niya ang mga dokumento na kailangan niyang pag-aralan."Ito yung mga projects na kailangan ng approval niyo. Kailangan na kadi yan ngayong araw na ito sir." tipid na sagot nito.Nasaktan siya sa lamig ng pakikitungo nito sa kanya ngunit naiintindihan niya dahil alam niya na nasaktan niya ito."Storm will do the review. May mga ma