Pasensya na kayo kung hindi araw-araw ang update. Sana hindi niyo bitiwan at patuloy na subaybayan niyo parin ang pag-iibigan nina Lance at Letlet. MARAMING SALAMAT SA INYO 💖 💙
[Lance]KUNG gano'n ay nagkita na ang mga ito? Sabagay mabuti na rin na narito ang Lola ni Letlet dahil kailangan n'yang humingi ng tawad sa ginawa n'yang pagpapanggap."Sa tingin mo ay sapat na ang sinabi mo kay Lizeth para itanggi n'yang hindi ka niya kilala?" Boses iyon ng kanyang Uncle.His fist clenched. Pagkatapos n'yang sabihin sa kanyang abuelo ang ginawa ng Uncle niya ay tila balewala lang iyon dito? Damn! Wait... Lizeth? Bukod kay Letlet ay may sinabihan pa ang Lolo niya na itanggi na kilala ito? But why?"Masunuring bata si Lizeth, Ben. I'm pretty sure susunod siya kay Roro." May katiyakan sa boses na wika ng Lola ni Letlet."Maniwala ka, Ben, hindi masasayang ang ginawa nating plano." "Dapat lang, dad! Hindi niyo lang alam kung ilang gabi akong parang baklang umiiyak dahil sa sobrang takot at konsenya na baka malubha ang sugat na naibigay ko kay Lance." Malakas na tumawa ang Uncle Ben niya. "Pang best actor ang acting ko ng araw na 'yon. Fvck, kahit si Lance paniwalang-pa
[Letlet]"LETLET, kumain ka na. Magkakasakit ka na sa ginagawa mo." Mangiyak-ngiyak si Birang habang pinipilit siyang kumain.Nanatili siyang nakahiga ng nakatalikod rito. Dalawang linggo na siyang narito sa bahay ni Vicencio, sa kwarto kung nasaan ang kaibigan niya. Nang gabing iwan siya ni Lance ay hindi na rin ito nagpakita pa sa kanya. Nang magpahatid siya kay Vicencio sa townhouse ni Lance ay wala ito roon. Sinubukan siyang isama ng Lola Asun niya pero hindi siya sumama rito.Mahina siyang napahikbi at nagsimula na naman na rumagasa ang luha niya. Dalawang linggo na siyang umaasa na lilitaw si Lance sa kanyang harapan at aalamin ang katotohanan mula sa kanya. Umaasa siya na papakinggan nito ang paliwanag niya."L-Letlet..." Awang-awa si Birang sa kanya."W-Wala akong kasalanan." Umaalog ang balikat niya dahil sa labis na pag-iyak. "W-Wala akong kasalanan..." Yumakap sa kanya si Birang na umiiyak na rin. "A-Alam ko 'yon, Letlet. Wag kang mag-alala dahil tiyak na matatauhan si Lanc
[Letlet]PUMIKIT siya at sinamyo ang malamig na simoy ng hangin. "Sigurado na matutuwa sila nanay kapag nakita ako!" Nakadipa pa na sabi ni Birang habang sinasamyo din ang hangin. Narito sila ngayon nakasakay sa pag-aari ni Lance na yatch. Papunta sila ngayon ng Isla dahil napagpasyahan nila na doon unang ikasal bago sa Maynila."Letlet, tatlong araw nalang ay ikakasal ka na. Binabati kita dahil tuluyan ka ng makakapag-asawa ng isang imported!" Humawak siya sa dibdib. Sa sobrang saya niya ay ang lakas ng tibok ng puso niya. Noong nakaraang dalawang linggo lang ay umiiyak siya dahil sa malamig na pagtrato ni Lance sa kanya, subalit wala na ang sama ng loob niya ngayon. Naiintindihan niya ito. Alam naman niya na ngayon lang 'yon dahil galit ito. Tiyak na sa oras na maikasal sila ay babalik na si Lance sa dati."Basta, Letlet, wag mong kalimutan ang usapan natin na sabay tayong mag-aanak ng sampo, ha!" Paalala pa nito sa napag-usapan nila noong mga bata pa sila.Sabay nilang ikinaway a
[Gian and Chloe]LAHAT ng nasa ibabaw ng mesa ay pinatatapon ni Gian. "Tanģ ina!" Sinipa niya ang anumang makita niya.Si Noli na inutusan n'yang kumuha ng mas marami pang impormasyon sa Pentagon Dark Association ay biglaan na lamang nawala na parang bula! Ngayon ay wala na siyang mata sa loob ng organisasyon.Talagang matitinik ang mga ito at nagawa agad na alisin ang espiya niya. Nagtaas-baba ang dibdib ng binata sa labis na galit. Kung hindi siya makakapasok sa organisasyon na 'yon ay walang katiyakan na makukuha niya si Letlet."Arghh! Putà talaga!" Nanghihina na napa-upo siya sa lapag."What happened-""Shut up, bitch!" Singhal ni Gian kay Chloe na kararating lang. "Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi ko sayo na huwag kang magpapakita muna sa akin?!" Napa-atras si Chloe ng makita kung gaano kadilim ang mukha ni Gian. "Gusto ko lang naman malaman kung may plano ka na ba?" Bigla nalang ang pagtulo ng luha sa mata ng dalaga. "Si dad inatake sa puso dahil sa sama ng loob. My
[Letlet]TUMINGIN siya sa madilim na kalangitan. Napangiwi siya ng maramdaman ang malalaking patak ng ulan sa mukha. "Kainis naman!" Mabilis na tumakbo siya sa waiting shed para sumilong. Hindi pa naman siya nagdala ng payong kanina dahil maganda naman ang panahon. Tapos uulan pala.Pinanood niya ang mga pagdaan ng maraming sasakyan sa kalsada habang naghihintay ng pagtila ng ulan. Nang tumila ang ulan ay agad na sumakay siya ng dyip ng may dumaan. Halos bente minuto din ang inabot bago siya nakauwi sa inuupahan n'yang boarding house. Pagbukas niya ng pinto ng maliit n'yang kwarto ay agad na bumungad sa kanya ang kaibigan na si Birang na nangunguyakoy pa habang nanonood ng korean drama sa cellphone. Pagbukas kasi ng pinto ng kwarto ay bubungad agad ang double deck bed. Maliit lang kasi ang inuupahan niya. Pagpasok ay agad na bubungad ang higaan niya at maliit na mesa. Wala nga siyang upuan kaya sa sahig lang siya kumakain."Nandito ka na naman?" Paglapag ng bag ay kumuha siya ng damit
[Letlet]"Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa'yo?" Tanong ni Gian habang sumisimsim ng kape. Inaalok siya nito ng trabaho bilang assistant nito. Mas malaki daw ang sahod at ililipat din siya sa mas magandang apartment. "Ang totoo n'yan ay hindi pa ako makapagdesisyon ngayon. Pwede bang bigyan mo ba ako ng time?" Sa anim na buwan nila dito sa Maynila ni Birang ay medyo marunong na sila mag-english. Hindi naman gano'n kagaling- kaunting alam lang.Tumango-tango si Gian. "Just call me anytime sa oras na nagpasya ka na, hmm?" Nakangiting tumango siya rito."Naku, wag ka ng umasa na aalis si Letlet sa work niya." Naka-ismid na wika ni Birang. "Hindi aalis 'yan sa trabaho niya. Iyong inaalok nga ni Vicencio na trabaho sa kanya ay tinanggihan niya. Mas gusto niya kasi doon dahil wala siyang pasok tuwing sabado at linggo. Kaya mas marami siyang oras para hanapin si La-"Pinasakan niya ng karne ng baka ang bibig ni Birang. Kahit kailan talaga ay ang daldal nito.Natigilan siya ng hawakan
[Letlet]"HINDI ka pwedeng pumasok, Ma'am." Pigil ng guard sa kanya ng tangkain n'yang pumasok sa gusali na pag-aari ni Lance. "Ha? Bakit hindi pwede, manong guard? Eh, noong nakaraan lang ay galing ako dito?" Nagtatakang tanong niya. Ilang beses na siyang bumalik dito pero hindi naman siya pinagbabawalan pumasok.Kumamot sa ulo ang guard. "Pasensya na, Ma'am, sumusunod lang ako sa utos." Ani nito. Anim na gwardiya ang bantay kaya naman hindi talaga siya makapasok.Itatanong na sana niya kung sino ang nag-utos ng makita ang pagdating ng limang magkakasunod na sasakyan. Mayamaya pa ay may nagsidating ulit na iba pang mga sasakyan na agad n'yang nakilala.Mga reporters!Agad na binalot na nagsuot siya ng itim na face mask at sumbrero para itago ang mukha. Baka kasi makilala siya ng mga ito. Bumaba ang mga kalalakihan sakay ng apat na van. Lahat ay nakasuot ng kulay itim at naglalakihan ang katawan. Hinarangan ng mga ito ang mga reporters na nagpupumilit lumapit sa kulay pulang kotse.
[Lance]HE couldn't sleep. "Damn. Bakit gumugulo sa isip ko ang mukha ng babaeng 'yon?" Tinungga niya ang alak na nasa harapan. Narito siya ngayon sa isang ekslusibong bar habang umiinom. Gusto n'yang magpakalasing para makatulog siya. Simula kasi ng makita niya ang babaeng 'yon ay mas lalong naguluhan ang utak at puso niya.Lumalakas ang tibok ng puso niya sa tuwing nakikita niya ito."Fvck!" Nasabunutan niya ang buhok.May mali...Ang huli n'yang naaalala ay sumakay siya ng kanyang yatch--- that's all.Nang nagising siya ay nasa tabi na niya si Chloe at sinasabi ng dalaga na engaged na sila at ikakasal na dapat ang kaso ay na-aksidente siya. At first he thought that was a lie. Kilala niya ang sarili na hindi magpapatali at magmamahal, lalo na kung isa lang din sa mga fling niya ang babaeng 'yon. But everything changed when this fvcking dream came into his head every night.May mahal nga siyang babae- subalit hindi niya nakikita ang mukha nito. Then Chloe said that it was her. Lumin
[Lance] "Ahhhhh!!!!! Bwisìt ka, Lance Kerford!!!! Hindi ka na makakaulit sa akin!!!!" Umalingaw sa paligid ang malakas na boses ng asawa niya habang sakay ito ng stretcher. Hindi na siya sumunod pa papasok sa loob ng silid kung saan manganganak na ito. Hindi niya kayang makita si Letlet na nanganganak. Nanghihina ang tuhod niya sa nerbyos. Namewang si Birang at tumawa ng malakas. "Hindi na daw makakaulit pero pang-sampong anak niyo na 'yan! Aba, Lance! Paabutin niyo naman ang isang taon ang pagitan ng tanda ng mga anak niyo! Sinunod- sunod mo naman ang kaibigan ko!" Ngumiwi si Birang habang sapo ang malaking tiyan. Si Vicencio naman ay natatarantang lumapit sa asawa. "Mahal, manganganak ka na rin? Gaano katagal ang pagitan ng pagsakit? Humihilab na naman ba?" Magkakasunod na tanong ni Vicencio kay Birang. Napailing nalang siya. Tsk. Kung magsalita ito ay parang hindi pang- sampo ang nasa tiyan na ipinagbubuntis ngayon. Aba'y kapag buntis si Letlet at buntis din ito. Kung m
[Letlet]NAGHAHANDA siya ng pagkain para dalhin kina Lance at Stefano. Naroon rin kasi si Lance ngayon. Nakakaawa nga dahil pinatulog din ito ni Kapitan Tanggol sa takot na baka mangarate din ito katulad ni Stefano. Pagkatapos magluto ay agad na umalis siya para magpunta sa dalawa. Nasalubong pa niya ang isang babae na Menggay ang pangalan. Kilig na kilig ito at may dala din itong pagkain para kay Stefano."Ang swerte mo talaga, Letlet. Palagi ka nalang nagugustuhan ng mga imported at makikisig na lalaki!" Inipit niya ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti. "Gano'n yata talaga kapag maganda, hehe." "Sabihin mo naman ang sikreto mo. Gusto ko na rin mag-asawa, eh!"Huminto siya sa paghakbang ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanya mula sa hindi kalayuan. Natatandaan niya na Balug daw ang pangalan nito ayon kay Lance. Napansin niya na simula ng magising ito mula sa pagkahimatay ay palagi na itong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hanggang ngayon ay tila hindi ito makapaniwa
[Lance]MASAMA ang tingin niya kay Stefano kanina pa. Narito sila ngayon sakay ng Yatch nito papunta ng Isla. Nagpasya siyang do'n niya dadalhin si Letlet. Marami silang alaala ng magkasama sa Isla kaya baka makatulong 'yon para agad na bumalik ang alaala nito. Tsk. Ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan pang sumama ng Stefano na ito sa kanilang dalawa ni Letlet. Ang sarap itulak sa dagat. Pasipol- sipol pa ang gagò!"Letlet." Dinikit niya ang katawan sa dalaga. Grabe! Pakiramdam niya ay kinukuryente siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto nito sa kanya."Bakit, Lance?" Malambing na tanong ni Letlet. Napatitig siya sa labi nito na mamula- mula. Gusto n'ya itong halikan!'Shìt! Control yourself, Lance! Baka mamaya ay matakot mo siya!' Kastigo ng utak niya. Tinaas niya ang braso para akbayan si Letlet, pero may pumigil sa kanya- si Stefano! Napahilot siya sa sintido. Limang araw na siyang nagtitimpi sa siraùlong ito. Paano ay hindi siya makaporma kay Letlet dahil palagi
[Lance]Lumipas ang bente minuto bago niya naramdaman ang pagbalik ng kanyang pakiramdam. Puno ng katanungan na tumingin siya rito. "What the hell are you doing here, Vicencio?!" Sa pagkakaalam niya ay mahigpit at hindi basta- basta nakakapasok sa PDA events. Kaya ano ang ginagawa ni Vicencio rito?Umawang ang kanyang labi ng makita ang mga high-end weapons na nakasiksik sa tagiliran nito."Don't tell me..." Hindi siya makapaniwala ng aminin sa kanya ni Vicencio ang lahat. Isa pala ito sa miyembro ng Knights at maging si Joey. Kaya pala taon ng hindi nagpapakita ang isa pa nilang kaibigan ay dahil sa buwis-buhay na misyong ginagawa nito ngayon.Damn! Lahat ba ng malapit sa kanya ay kasapi ng organisasyong ito?Pinigilan na naman siya ni Vicencio ng maglakad siya pabalik sa loob kung nasaan nagkakasiyahan ang miyembro ng PDA.Madilim ang mukha na tumingin siya sa kaibigan. "Naglihim ka sa akin, Vicencio. Nakita mo kung paano ako umiiyak araw-araw dahil sa pagkawala niya. Pero hindi mo
NAGKAKASIYAHAN ang lahat sa Isla Lasun sa nalalapit na kasal ng magkasintahan na sina Lance at Letlet. Itinaas ni Kapitan Tanggol ang hawak na Red Horşe. "Para sa magandang kinabukasan nila Lance at Letlet! Magsaya tayong lahat at hilingin na silay magkaanak ng sampo o higit pa!" Wika nito sabay tungga."Walang uuwi ng hindi gumagapang!" Si Mang Hagud ay itinaas din ang hawak na Tandųay Ice na kulay pula. Tuwang-tuwa ito dahil ngayon lang ito nakainom ng iba't ibang kulay ng alak.Lahat ng matatanda sa Isla ay tuwang- tuwa dahil sa iba't ibang klase ng alak na dala ni Lance na galing pa ng Maynila. Ang mga kadalagahan naman ay kanya- kanyang pahid ng kolorete sa mukha gamit ang mga iba't ibang klase ng makeup na dala pa ni Letlet galing din ng kapatagan."Letlet, salamat nga pala dito, ha. Pakiramdam ko ay gumanda ako ng isandaang porsyento dahil sa mga 'to." "Anong gumanda? Aba, hoy, Menggay wag ka ng umasa na gaganda ka! Partida lasing pa ako neto pero hindi ka naman gumanda sa pan
[Letlet]HINDI niya mapigilan ang luha na patuloy sa pag-agos habang naglalakad sa altar kung nasaan si Gian naghihintay. Katunayan ay kanina pa siya umiiyak kahit noong inaayusan palang siya.Hindi niya gustong ma-ikasal kay Gian pero wala siyang magawa. Gusto n'yang humingi ng tulong sa kanyang Lola at sabihin na napipilitan lang siya subalit natatakot siya sa maaaring gawin ng mag-amang Garry at Gian kay Lance.Kaunti lamang ang bisita at pili lang dahil bukod sa minadali ang kasal nila ay iyon din ang gusto ng mag-ama. Ngayon ay malinaw na ang lahat sa kanya kung bakit gustong madaliin ni Gian ang kasal nila. Napakasama ng mga ito... mga walang puso...Inamin din ni Gian sa kanya na maging ang pagpadpad ng mga ito sa Isla ay planado, maging ang pagdating ni Chloe doon... ang masakit pa ay nalaman n'yang maging ang nangyari 2 years ago at ang aksidente kung bakit nawalan ng alaala si Lance ay ito ang mga dahilan...Nakakasuklam... hindi na yata tao sina Garry at Gian... masyadong ma
[Lance]Muntik na siyang matumba sa kanyang narinig mula sa kanyang Lolo Lauro. Si Letlet ay ikakasal na daw sa loob ng dalawang linggo.Nanlalabo ang kanyang mata dahil sa luha. "Lance!" Tawag ng kanyang Lolo.Hindi siya lumingon at agad na umalis para puntahan si Letlet.Sunod-sunod ang ginawa n'yang pagpindot ng doorbell at makailang ulit na kinalampag ang gate ng mansion ng Mardones."Sir, pasensya na po pero ayaw ni Ma'am na harapin kayo———""Pakisabi sa kanya na hindi ako aalis dito hangga't hindi niya ako kinakausap." Napakamot na lamang sa ulo ang kasambahay bago umalis. Mayamaya pa ay lumabas si Letlet na nakasuot pa ng pantulog."Umuwi ka na, Lance. Wala na tayong dapat lang pag-usapan." Iwas ang mata na sabi ni Letlet sa kanya.Akmang aalis na ito ng pigilin niya ito sa braso. "Bitiwan mo nga ako———" Natigilan ito ng makita ang kanyang mukha na puno na ng luha."P-Please, wag kang magpakasal sa kanya..."Bumagsik ang mukha ni Letlet at hinila ang braso mula sa kanya. "Wal
[Gian]"Ano ba, Gian! Bitiwan mo nga ako!" Pilit na hinila ni Lizeth sa kanya ang braso subalit hindi niya ito binitiwan, bagkus ay mas lalo lamang dumiin ang pagkakahawak niya sa braso ng dalaga.Punýeta! Ginagalit talaga siya ng babaeng ito! Ang tagal n'yang nagpakabuti makuha lamang ang tiwala nito, tapos makikita niya itong kasama si Lance at dinala pa ito sa hospital!"Nasasaktan ako, Gian—–—""Talagang masasaktan ka kapag inulit mo pa ang ginawa mo!" Banta niya kay Lizeth. Halata na nagulat ito sa sinabi niya subalit wala siyang pakialam. Sobra ba ang selos niya at galit... "Nangako ka sa akin na hindi na makikipaglapit pa kay Lance, hindi ba?!"Kahit minsan ay hindi ni Lizeth sinabi na mahal siya nito. Ramdam niya na wala itong pagmamahal sa kanya kahit na siya ang nasa tabi nito sa paglipas ng 2 taon. Kaya naman ang puso niya ay nanggagalaiti sa sobrang selos at galit ng makita na kasama nito si Lance.Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang pag-aalala ni Lizeth para kay Lance
[Letlet]"Ma'am, mayro'n dumating na mga bagong bulaklak galing kay Mr. Kerford." Imporma ng kanyang secretary habang inilalagay ang napakaraming bulaklak dito sa loob ng kanyang opisina.Napahilot siya sa sintido. Hindi pa ba sapat ang mga sinabi niya para tantanan na siya nito? "Itapon mo lahat ng iyan. Sa susunod na magpadala siyang muli ng mga bulaklak ay itapon mo na agad at huwag ng ipasok dito sa office ko." Agad naman na tumango ito sa sinabi niya.Dalawang buwan na simula ng bumalik siya ng Pilipinas, at isang buwan siyang kinukulit ni Lance. Panay ang padala nito ng mga bulaklak ba may kalakip na note na 'sorry'. Hindi lang iyon, palagi din siya nitong inaabangan at sinusundan saan man siya magpunta. Mabuti na lamang at hindi ito nagpapang-abot at si Gian. "Ma'am?" Untag ng kanyang secretary sa kanya. "Ipapaalala ko lang po ang meeting ninyo mamaya kay Mr. Ferrer." Tumango siya at saka tumayo.Siya na ngayon ang CEO ng Mardones Group of Companies. Dalawang taon na rin mula