Everything is smooth sailing. I don't know, but I am more than delightful.
We've been doing fine for the rest of the week. Maayos at miminsang nag-aasaran. But I never slept in his room. Hindi pa.In that span of time, kita ko naman na iniiwasan niya si Mila kahit hindi ko sabihin. Kapag nasa opisina ito ay sa field naman siya. Pero kapag wala ay nagpupunta siya ng opisina.
"Dadalhan mo ba ng pagkain si Sir West, Frey?"
Pumasok si Nay Lina na may dala pang iilang mansanas.
"Opo, Nay. Sa office po kami kakain," magiliw kong sagot.
Linagay ko sa food container ang linuto kong giniling. Binalot ko rin 'yon sa eco bag kasama ng plato, kutsara, at baso. Sa kabilang eco bag naman ay isang one liter Jar na may lamang buko shake.
"Napapadalas na 'yan ah," puna niya.
Ngumiwi ako at namula ang mga pisngi. Hindi ko naman itatanggi na madalas ko nga itong dalhan ng pagkain. Ang kaso ay nakakahiyang aminin.
"Hindi naman po."
She
Bumara ang lalamunan ko at hindi masabi ang oo. Parang kanina lang ay okay lang talaga sa akin ngunit ngayon ay hindi ko magawang ibuka ang mga labi ko."Frey, can I? Bubuhatin ko lang," muling paalam niya.Umawang ang mga labi ko at gustong magsalita ngunit inunahan ako ni Nardo."Ako na lang po ang bubuhat, Sir West," anito.Lumapit si Nardo kay Mila at siya na ang bumuhat dito. Nakaalalay naman sa likod nila si West kasama pa si Mang Isko.Natahimik ako at tumabi nang madaanan nila ako. Maging ang iba ay nagsipagbalik na sa trabaho nila.Dumiretso sila sa upuan sa harap ng mesa at doon iniupo si Mila. Kita ko pang sinuri ulit iyon ni West at napailing. Bumubuka ang labi nito at may sinasabi kila Nardo at Mang Isko.Sunod na lingon ko ay buhat na niya si Mila na umiiyak at nakakapit sa batok niya.Sumikip ang dibdib ko dahil doon at napa
It was still dawn and cold when I heard him sneaking into my room. Dinig ko rin ang may kalakasang patak ng ulan sa labas kasabay ng paglalapat ng pinto.My breath hitched when I felt him liedown beside me. Marahan ko pang minulat ang mga mata nang maramdaman angpaghiga niya at pagyakap sa akin mula sa likod."Can't sleep?" bulong na tanong ko.He wouldn't be here if he could get enough sleep.He showered my shoulder with small kisses that made me bite my lower lip harshly."I told you that you'd be needing me, but I guess I'm the one who neededand wantedyou," he whispered."Hmm," I moaned as I felt his hand travel inside my loose shirt.Ano pa bang magagawa ko? Nandito na at niluluto na sa apoy. I will not deny the fact that we now have this connection in bed, scorching or burning."If you stop me, I'll stop," he offered, but then he massaged my breasts, which were braless, and bit my earlobe.&nbs
And true to his word, Kilangin falls is very majestic. Sa Liliw pa rin ngunit mahabang lakaran. Mahirap pa ang daan. It's a trail under the enormous number of greens. But the tiredness is worth it. Mabuti na lang at hindi na umuulan. Natuyo na ang daan.Isang oras na lakaran. Pahirap pa nang pahirap ang daan. Mabuti na lang at may mga hawakan, dagdag pa na lagi siyang nakaalalay. Subukan niya lang na hindi at hindi na siya makauulit pa sa kama!My eyes widened, and my lips parted as I saw the hidden jewel of Liliw. It's clear and can even mirror its own surroundings, but it seems bottomless. Kahit malinaw ang tubig ay halos hindi mo makita ang ilalim niyon. Tila mahirap matanaw ang pinakailalim."Magical, right?" he whispered as he helped me go down into the water."Absolutely. This fall is alluring," I smiled and held onto his shoulder when the cold water consumed my system.Ang tunog ng pagbagsak ng tubig ay nakakagaan sa pakiramdam, maging ang t
"Malaki pa ang space, marami pa kayong matatanim." Inabot ko sa kanya ang buko na may nakasibol ng maliit na puno."I'm planning to plant more coconuts. Balak ko ring bilhin ang katabing lupa. Sayang lang at wala namang tanim."Kinuha niya sa akin ang maliit na puno ng buko at linagay 'yon sa inukay niyang lupa."Sobrang indemand ba?" kuryosong tanong ko bago kumuha ulit ng puno ng buko.Tinabunan niya nang maayos ang tanim bago nagsukat ng sapat na distansya para sa sunod na tanim."Oo. Hindi pweding tumigil at magbawas ng puno."Kinuha niya ang pala at inumpisaang magbungkal ulit. Kita ko pang naglalandas ang pawis niya sa hubad niyang likod. Even his muscles are flexing due to his exerted force.Umiwas ako ng tingin, takot na matukso."What about sa mga matandang puno at hindi na namumunga?" bawi kong tanong."We sell them too. Ginagawa silang coco lumber. Kahoy para sa mga gumagawa ng bahay." He placed the small coco
"Nikki, bakit ako? Hindi ako sanay sa ganyan," pagtanggi ko.Hindi ko kayang isuot ang ganoong kaseksing gown. Isa pa, sa sobrang sexy noong gown baka magwala pa roon si West."Please, Ate. Si Sir West at Ate Mila ang dalawa sa judges, so sure win tayo," masiglang pahayag ni Mae. Kumuha pa ulit ito ng Mushroom Chicharon.I shook my head. That's a very ill idea. Delikado na nga na si West ang judge tapos mas delikado pa na judge din si Mila. Baka hindi pa ako nakakaakyat sa stage, talo na ako."I don't think so. Pakiramdam ko pag-akyat ko pa lang sa stage ay talo na tayo."Knowing West? He won't agree. Idagdag pang mukhang masama ang loob ni Mila sa akin. Panigurado, zero lahat ng score ko sa kanya. I don't want to judge her credentials as one of the judges, but I'm just thinking ahead of time."Hindi. Kahit hindi na manalo, Ate. Basta ma-present lang ang gown ko," pakiusap pa nito.Nakagat ko ang labi at hindi alam paano pa tatanggi.
"Ate Frey, ngiti ka muna," si Mae na may hawak na camera. Lumang model pero maganda pa naman ang kuha."Luh, ganda," natutulalang pahayag ni Lea."Ganda ng creation ko 'no?" malawak ang ngiting sambit ni Nikki.Marahan kong hinagod ang gown at umiwas ng tingin, hindi sanay sa papuri. Nailang din ako at pilit tinataas ang tube na gown. May kabigatan dahil sa mga beads na nakalagay. Lace at malinaw. Puro beads lang. Masyado ring mataas ang slit nito. Halos abot na sa singit."Si Ate Frey ang maganda. Hindi naman 'yong damit." Irap dito ni Lea.Sinimangutan ito ni Nikki na kinangiti ko. Inambaan pa nito ng sabunot, pinigilan ko lang ang kamay niya."Thank you, Lea." Ngumiti ako nang bahagya, nabibigatan sa makapal na maroon lipstick sa labi ko.Light make-up lang at tanging lipstick lang ang makapal. Kumurap-kurap pa ako at sinasanay ang mga mata ko sa abuhing contact lenses."Final touch niyo na. Lalabas na sila."Agad na
"Ate!"Tapik sa mukha ko ang nagpabalik sa akin sa huwisyo ngunit nahihirapan pa ring lumanghap ng hangin.Tumango lamang ako upang hindi ito mag-alala. Ngunit humigpit din ang kapit ko sa braso niya."Lagot ako kay Sir West nito," dinig kong bulong niya bago ako alalayan paupo."Inom ka muna, Ate."Inabot ko ang bottled water at agad na uminom doon. Naninikip pa rin ang dibdib ko sa amoy. Naiwan pa ang amoy ng dalaga kaya pakiramdam ko ay pinipiga pa ang ulo ko."May alcohol ka ba Nikki?" mahinang tanong ko."Meron, Ate. Bakit?" Nilabas nito ang alcohol.Kinuha ko iyon at agad na nagwisik sa paligid. Kahit paano ay natabunan ang amoy ng pabango ng babae sa amoy ng alcohol. Doon lamang ako nakahinga nang maluwag. Gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang sakit ng ulo ko."Salamat. Nahilo kasi ako sa pabango niya," tukoy ko sa dalaga. Inabot ko ang alcohol sa kanya ngunit linapag na, lang niya iyon sa mesa."Malakas n
"Are you feeling alright?"I half opened my eyes, only to see him with a damp towel in his right hand.Tinaas niya iyon at pinunasan ang braso ko. Seryoso siya at nangingitim ang paligid ng mga mata niya."Ayos na. Si Nikki?" mahinang tanong ko.Pinilit kong umupo at agad naman siyang umalalay. Napahawak pa ako sa aking buhok matapos kong maramdamang nakalugay na iyon. Maging ang suot ko ay ternong jammies na kumportable sa katawan.Wala na rin ang pakiramdam ng make-up sa mukha ko. Pero mahapdi ang mga mata ko. Kumurap-kurap ako at natantong suot ko pa rin ang mga contact lenses."I don't know. Maybe they got home already." Tumayo ito at binitbit ang palanggana kasama ang towel."Nanalo ba?" I asked again.Mabilis kong inalis ang mga contact lenses ko. Hindi matagalan ang hapdi niyon. Nilapag ko lang sa bedside table at hindi ko na balak gamitin ulit.He stoped, then knotted his brows, "I'll call him. Itatanong ko
West SeverinoShe's good at teaching, I'll give her that. And she's good at manipulating? Or not?"Baby, throw it to Daddy," dinig kong utos niya sa anak namin.Hindi ko alam kung talagang galit pa rin siya na lalaki ang anak namin kaya't inuutusan niya ng kasamaan sa akin. O dahil mas madalas na sumunod sa akin si baby.Remo giggled and made some bubbling sounds before he threw his jelly toys at me. He even laughedmore when he saw my annoyed expression.Umungol ako sa inis. I didn't know if she was that mad. Hindi ko na nga gusto ang pinangalan niya sa bata pagkatapos ay uutusan pa niya ng kasamaan. But guess what? I can't make any protest."Stop it, Baby. Daddy will get mad," matatag kong baling kay Rem, that is much better. Rem.Kumurap ito at tumigil. Binalingan ang Mama niya at doon tinapon ang ibang laruan.
West SeverinoI have seen her many times in my canteen with her boyfriend. I know how much she loves my buko pie. She can't eat completely without it. Hindi ko nga mapigilan ang hindi siya titigan. Nang makita ko siyang nakapila ay linapagan ko siya ng dalawang platito. She even protested and fought, but I insisted. I even put a glass of buko juice in there for her. I think she deserves it. She deserves kindness.Well, I want to recognize her as my suki. She's my regular customer and the lover of my buko pie. I smirked when her image flashed inside my mind.Of all the teachers I know from this school, she's the one who got my attention. I liked her features so much that I even gave her a box of buko pie. As I told you, she deserves all of it.She looks firm and strong. A very lovely teacher. Every time she's here in my canteen, I can't help but gaze at her. From the way she walks,
Hindi ko siya pinayagan na matulog sa kwarto. Hindi naman siya namilit kaya hinayaan ko na lang. Sa sarap ng tulog ko, mag-aalas otso nang magising ako.Mabilis lang akong naligo at nagbihis bago bumaba. Kumukulo na ang tiyan ko, tiyak na gutom na si baby.Walang tao sa kusina ngunit may pagkain namang nakahapag na. Scramble egg and bacon.I was busy munching my food when West entered the kitchen. Natigilan pa ako at siniguradong siya nga iyon. Wala naman siyang kakambal kaya siguradong siya nga.Ngumisi siya at hinagod ang itim na niyang buhok. Bagong gupit kaya bumata ang itsura niya. Napatitig pa ako roon, naninibago na mas lalo siyang gumwapo."What's that for?" tukoy ko sa pagkukulay at pagpapagupit niya ng buhok."Pinasundo ko kay Rigel sila Papa."Papa? Matatawag niya kayang Papa kung nasa harap na niya."Hindi naman kailangang magp
Gaya ng gusto niya ay ni-unfriend ko si Rico. Kinalkal niya pa ang luma niyang account at ni-add ako. Pinapalitan ang status naming dalawa, from single to married. Pina-post niya pa sa newsfeed ko, naka-tag pa sa kanya.Ang dami tuloy komento sa post. Bukod sa Congratulations ay may iilan na nagtatanong at nagulat. Pinusuan ko na lang at hindi na binigyan ng reply.Isang buwan ata kaming nagpipicture para lang sa hiling niyang mga post. Pinapuno niya ang timeline niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis na ayaw niyang tumigil sa picture-picture na 'yan!Imbis na tuluyang mainis ay sinakyan ko na lang ang trip niya at ginandahan na lang ang mga kuha. Sa bawat post ay may tanong ngunit hindi ko sinasagot. Ang iilan lang na galing kay Celeste ang sinasagot ko.Maging sa account niya ay ganoon. Iilang kakilala ang nagkokomento."Alam mo na ang gender?" tanong ko kay Celeste na nasa video call.Nasa lilim ito ng puno at doon nakatayo. May
We've been doing great in our marriage. Sa dalawang linggong pananatili sa farm niya wala pa naman akong narinig na tsismis o husga kahit na alam na nilang kasal kami at buntis ako.Inaasahan ko pa namang marinig na baka kaya kami nagpakasal ay dahil nabuntis niya ako ngunit wala pa akong naririnig. Baka kung meron man ay hindi ko pa lang naririnig.It's true, but that was not the sole reason. We love each other, period.I bit my lip when he moved faster and harder before he poured all of his seeds inside. I scratched his back and arched my back with the hotness I was feeling inside. Humalik siya nang mabilis bago marahang inalis ang kanya. And people, that was just a breakfast in bed. A normal thing we do.Tumagilid ako ng higa at hinayaan siyang pumwesto sa likod ko at kinagat ang balikat ko na kanyang paboritong parte. Lagi siyang nanggigigil doon. May iilan pa nga akong marka roon kaya hindi ako makapagsando.He hugged me from the back and jail
Gabi na pagkarating namin sa farm. Si Nanay Lina na lang ang dinatnan naming gising. Niyapos pa ako nito ng yakap. Halata sa mukha niyang natutuwa siyang makita ako ulit."Sabi ko na sa'yo, Frey. Susuyuin ka rin," bulong nito sa akin."Nay, naman. Syempre," si West na narinig ang sinabi ni Nanay Lina.Sinabi naming kasal na kami na kinagulat niya ngunit kinangiti rin kalaunan. Sinabi ko ring buntis ako kaya naman nagmadali pa siyang maghanda ng makakain. Hinintay niya kaming matapos bago pinilit umakyat upang matulog ng maaga. Sabi niya ay masama raw magpuyat kapag bunts.Hindi na kami tumutol at umakyat na lamang. That was a peaceful night. The solace I felt in this town is unexplainable. Ever since I saw the beauty of Liliw, much more the church, I have had a vision of living here. I didn't know it would happen through him. Si West pala ang magiging daan upang manatili ako rito.I comfortably settled myself into his arm. Being this close to him i
Kahit na nahihiya kay Draco at Rigel ay sumama pa rin ako kay West paalis ng restaurant."Okay lang ba na iwanan sila? at bakit kare-kare lang?"Kumibit balikat siya bago ako pinagbuksan ng sasakyan."That's fine. They can order more and pay for it."Inakbayan niya ako at giniya papasok sa isang resort."Dito tayo?" kunwaring taas kilay na tanong ko.He smirked and kissed my temple."Puerto Del Sol offers a deluxe honeymoon rooms, so yeah? dito tayo," nakangising sagot niya.Hinampas ko nang bahagya ang braso niya na kanya lang tinawanan.Well. Totoo naman. Their villas are mansion types with glass windows where you can actually see the splendid view of Bolinao beaches."We'll rest for a while before we eat or gutom ka na?"We settled in one of their deluxe room. A large soft bed, television, and aircon.Binuksan niya ang aircon at namewang sa harap ko. Hinihintay ang sagot ko.I stared
I can't believe that we did it inside his car. May araw pa iyon at nasa public ang sasakyan. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at pinagpatuloy ko iyon.Bakit kasi nanunukso siya?Nahihiya pa ako sa inasal hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Mabuti na lang at wala sila Mama at mga kapatid ko. Sa sobrang hiya ko nanatili lang ako sa kwarto.Ngunit nawala rin iyon sa isip ko lalo na't naalalang kasal ko kinabukasan. Hindi ako halos makatulog at kinakabahan.I have lived under his roof before. Pero ngayon magkakaroon na ng titulo ay mas kinakabahan at nasasabik ako. I am not just a visitor, anymore. Asawa at magiging ina ng anak niya. Hindi ko lubos akalain na hahantong din kami sa ganito.Pinilit kong matulog kahit ayaw ng diwa ko. Ayoko naman na mukha akong zombie sa mismong kasal ko. Kaya lang, alas singko pa lang ng madaling araw ay gising na ako.Alas diyes pa lang ang kasal ngunit inayos ko na ang susuotin. I didn't buy a new dre
"Gusto mo bang samahan kita, Nak?" Si Mama na may pag-aalala ang tingin sa akin.Pareho kaming nakaayos ngunit iba ang destinasyon. Dalawa rin ang tricycle na nag-aabang sa gate. Isa para sa kanila na papuntang grocery store. Ang isa ay para sa akin papuntang terminal ng jeep."Kaya ko na po, Ma. Alam ko naman po kung saan kukuha ng Cenomar."Pilit akong ngumiti. Kahit gusto kong magpasama sa kanya ay pinipigilan ako ng matalim na tingin ni Papa.Kahit gaano ko pa palakasin ang loob ko ay humihina lamang iyonlalo na sa tuwing naiisip ko na galit sa akin si Papa at gusto na akong alisin sa pamilya."Hindi naman tayo magtatagal. Nandoon naman ang Papa mo sa grocery store," pilit pa nito.Kita ko naman na gusto talagang sumama ni Mama, ang problema ay tutol si Papa. At ayaw ko na mas magalit pa ito o idamay pa si Mama."Hindi na po, Ma. Okay lang po, kaya ko na-""Lorna, kasalanan niya ang nangyari sa kanya kaya pabayaan mo