Chapter 72
"HE'S MY BOSS"Airah POV:
Hinang-hina akong napaupo sa gilid ng kalsada matapos akong kaladkarin ng mga guards ni Gino palabas ng Mansion.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko wari'y maisip na mangyayari ang lahat ng to at hahantong sa ganito ang relasyon namin ni Gino.Tinakwil nya ako at pinandidirihan dahil sa videong kanyang napanood.
Walang tigil pa rin ang pag-agos ng aking luha.Pakiramdam ko, napakarumi ko ngang babae dahil sa ginawa ko at ginawa ng mga hinayupak na lalaki sa akin.
Oo, hinalikan ko ang lalaki at naging mapusok ako sa mga oras na yon dahil sa drugs na pinainom nila pero hindi naman nila nakuha ang pagkababae ko.
Kaso sa pananaw ni Gino, nakipagtalik ako sa kanila.
Hindi ko naman sya masisisi kung bakit galit na galit sya sa akin, pero sana naman hinayaan nya akong magpaliwanag.
Dahil sa kaguluhan at samut-saring pumap
Chapter 73"HE'S MY BOSS"Jake POV:Matagal bago pumayag si Airah na sumama sa akin pauwi ng Bicol.Naiintindihan ko ang kalagayan nya ngayon.Dahil sa video na kumalat ay halos kamuhian na sya ng maraming tao at ang masakit pa don ay tingin sa kanya ay isang pokpok at maruming babae.Hindi ko naman masisisi sila kung ganon na lamang ang trato nila kay Airah, dahil kung panonoorin mo yung video-- iisipan mo agad sya ng masama.Pero ako? Hindi sumagi sa isip ko na husgahan agad sya.Dahil matagal ko ng kilala si Airah at higit sa lahat, wala syang kakilala dito sa Bicol kaya imposibleng ginusto nya ang nangyari.Kung ano man ang dahilan ni Airah, makikinig ako sa kanya at paniniwalaan ko sya.Sa puntong ito ay nasa loob na kami ng bus.Halos isubsob na nga ni Airah ang kanyang mukha para hindi sya makita ng tao at makilala.Pero kahit anong gawin nya, may isang tao pa ring nakapansin sa kanya."Grabe M
Chapter 74"HE'S MY BOSS"Leny's POV: (Sister ni Gino)"Mom! Mom!" tawag ko sa aking ina habang mabilis akong tumatakbo pababa.Kasalukuyan kasing bumungad sa aking YouTube account ang s*x scandal ni Airah na ngayon ay milyon ng tao ang nakapanood.Nang tuluyan na akong nakababa ay naabutan ko si mom na may kausap sa telepono na tila ba importante ang kanilang pinag-uusapan.Kaya't hindi ko na muna ito inistorbo at hinayaan na makinig na lamang kung ano ang kanyang sinasabi sa taong kausap nya sa telepono."Kung ano man ang binabalak nila, hayaan mo lang sila. But make sure na meron tayong ebidensya na ipapakita kay Gino, okay?" bigkas nito sa kabilang linya at maya-maya ay binaba nya na ang tawag.Nagtataka naman akong napatingin rito dahil na rin sa huling katagang narinig ko mula sa bibig nya."Oh Leny? Bat parang nakakita ka yata ng multo?" tanong nito nang ibaling nya ang tingin sa akin."Sino yung kausap mo mo
Chapter 75"HE'S MY BOSS"Jutay POV:Hindi muna ako bumalik ng Manila at nanatili muna ako dito sa Bicol.But as of now, narito ako ngayon sa isang club kung saan may mga babaeng sumasayaw sa entablado habang may mapang-akit itong taglay sa mga manonood na lalaki.Halos kita na kasi ang kanilang katawan dahil sa hapit na hapit na damit at maikling short.I'm not a minor anymore kaya nakapasok ako sa ganitong lugar.Umiling na lamang ako at itungga ko sa aking bibig ang isang beer.Kung tutuusin, kagabi pang mga alak ang laman ng sikmura ko.Pero puta! Wala akong pake!Gusto kong lunurin ang sarili ko rito para kalimutan ang lahat ng nangyari.Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iinom ay may isang magandang dilag ang syang lumapit sa akin at humaplos sa aking dibdib."Hi lover boy, mukhang may problema ka yata?""--Kanina pa kasi kitang pinagmamasdan habang sumasayaw ako, and I think kailangan m
Chapter 76"HE'S MY BOSS"Sarah POV:"I got it!" ngiting sambit ko nang makuha ko ang damit na katulad kay Airah kahapon.After naming magsalo sa sarap ni Ralph sa kama ay dumiretso na agad ako rito sa Mall.Ilang minuto lang ang ginugol ko bago ko mahanap ang kaparehong damit na sinuot ni Airah.Mabuti na lang talaga at sumasabay sa akin si Tadhana at hindi na ako pinahirapan pa.Nang bumalik na ako sa lugar kung saan namin gagawin ang plano, nadatnan ko roon sila Ronald at Cedric na nakikipaghalikan na sa babaeng kasama nila.Ang babaeng yon ay hindi nagkakalayo kay Airah.Maikli rin ang buhok nito at balingkinitan ang katawan.Base palang sa postura ng babae ay halatang pokpok na pokpok ito.Masyado rin kasing makapal ang make-up nito at yung damit nya, halos kita na ang dalawang papaya nya sa dibdib."Oops, mamaya nyo na muna ipagpatuloy yan." bigkas ko para mahinto sila sa kanilang ginagawa.Napa
Chapter 77"HE'S MY BOSS"Sarah POV:Habang naghihintay ako sa labas ay rinig na rinig ko ang ungol ng babae sa loob.Siguro ay sarap na sarap ito sa dalawang lalaking gumagalaw sa kanyang katawan.Masyado talaga itong pokpok at hindi nagkamali ng pinili sila Ronald.Halos kalahating oras bago natapos ang tatlo sa mainit na pagsasalo nila sa kama.Nang matapos yon, ay nakita ko ang aking boyfriend na si Ralph na lumabas ng kwarto.Palapit na sya sa aking gawi ngayon habang bitbit ang camera na kanyang ginamit sa pagkuha ng video.Base sa mukha nito, umaapaw ang kasiyahan nya."Grabe babe! Ang hot ng ginawa nila sa loob. Medyo nainggit nga ako eh." bigkas niya nang makalapit sya sa akin ng tuluyan."Patingin nga." sambit ko rito kasabay nang pag-hingi ko sa kanya ng camera.Mabilis nya naman itong inilahad sa akin kaya inumpisahan ko na itong panoorin.Wild na wild nga ang galawan ng babaeng yon.
CHAPTER 78"HE'S MY BOSS"Airah POV:Matamlay akong humiga sa maliit na kama dito sa bahay ko.Matapos akong ihatid ni Jake ay sa kwarto agad ako dumiretso.Muling sumagi sa isip ko ang mga panghuhusga na naranasan ko kanina.Ang sakit eh.Sobrang sakit dahil tagos na tagos sa puso ang mga salitang binabato nila sa akin.Pero wala akong magawa kundi ang tanggapin na lamang yon, kahit na alam kong hindi totoo ang mga sinasabi nila.Mariin ko namang ipinikit ang aking mata kasabay ng pagka-usap ko sa aking sarili."Pagsubok lang to sayo Airah, kayanin mo to.""Wag mong hayaan na sumuko ka na lang."sambit ko para palakasin ang aking loob.Sana sa pagsikat ng araw, sana maging maayos na ang lahat. Kahit mahirap para sa akin ang nangyari ay pinilit kong matulog na lamang.Medyo masakit na rin kasi ang ulo ko dahil nga't na-ulanan at natuyuan ako kagabi.Hanggang sa nagising na lamang
Chapter 79"HE'S MY BOSS"Sarah POV:Naglilinis ako ngayon sa loob ng bahay.Gusto kong makita ni Jake na mabuting tao ako ngayon.Kailangan ko kasing magpanggap na walang kinalaman sa nangyari kay Airah.Ayokong masira yung pinaghirapan kong plano dahil lang sa pakikialamng pinsan ko.Lininis ko ang bawat sulok ng bahay.Masyado ngang maalikabok dahil ilang araw din itong napabayaan.Yes, tamad ako.At napipilitan lang ako na gawin to.Nang matapos ang lahat ay pagod akong napaupo sa sofa."Bwisit na buhay to oh!" Sigaw na bigkas ko kasabay ng pagsanday ko ng aking likod sa may upuan.Pero ang pagod kong yon ay nawala bigla nang tumunog ang cellphone ko.Hindi na ako magtataka at magugulat kung makikita ko yung pagiging trending ng videong ginawa ko.Sirang-sira na ang pangalan ni Airah.Kahit kailan talaga nagiging wagi ang plano ko.Nagbasa-basa lang ako ng masasamang komento ng
CHAPTER 80"HE'S MY BOSS"Gino POV:Mabilis na tumakbo ang oras at nakabalik na ako sa Manila.Nang makarating ako sa bahay na tinutuluyan namin ni Airah ay tahimik ang buong paligid.Isa lang ang ibig sabihin nito, wala sya sa mga oras na to.Tsk. mabuti na rin kung ganon, dahil ayoko rin namang makita ang pagmumukha nya.And beside, balak ko na syang paalisin sa bahay na to bukas.Pumunta agad ako sa kusina para maghanap ng makakain at matapos kong kumain ay natulog na ako.At sa pag-gising ko ay panibagong umaga na naman.Medyo nagdadalawang-isip pa ako kung papasok ba ako ngayon, pero sa huli ay napagpasyahan kong pumasok na lang.Mabilis akong naligo at di na ako nag-almusal pa.Malapit na rin kasing magtime.Nga pala, yung kotse na ginamit ng driver ko kahapon ay pinaiwan ko at binigyan ko na lamang sya ng pamasahe pabalik ng Bicol.Ito kasi ang gagamitin ko ngayon sa pagpasok sa campus.
Chapter 100 of He's My Boss (Book 2 Finale)"Nakahanda na ba ang lahat?", tanong ni Mommy Gina na halatang pawis na pawis sa sobrang pagka-busy.Tinitingnan niya ang bawat design na ginamit sa okasyon na 'to."--Yung mga pagkain, siguraduhin niyo na masarap ang pagkakaluto.", muling sabi niya sa mga tauhan.Nasa hacienda kami ngayon kaya gano'n na lamang ang tao dito sa amin.Nandito na rin ang mga kaibigan ko, but sad to say, wala dito sila Jake and Maxine.Ang pagkakaalam ko, pumunta si Jake sa abroad para do'n mismo ipagpatuloy ang pag-aaral.Samantalang si Maxine, alam naman natin na workaholic ang dalaga.Kahit may sakit, trabaho pa rin ang inuunahan. Gano'n talaga kapag business woman ka, wala ng oras para sa ganitong bagay."Ahm, ako na lang ang gagawa ng salad.", pag-iinsist kong sabi sa isang babae.Pero biglang sumingit si Mommy Gina at inagaw ang hawak ko."Airah, hija, 'wag ka munang gumalaw-g
Chapter 99"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:Buwan-buwan akong sinasamahan ni Gino sa check-up.Tinupad nga nito ang pangako sa akin na hindi niya ako pababayaan.Ang pinaglihi kong prutas ay mangga na sinasawsaw sa ladies choice.Wala eh, eto ang trip ng dila ko na gusto ko laging kainin.Kahit gabi, pinapabili ko si Gino sa palengke. At kapag wala s'yang mabili, nagwawala ako sa bahay at hindi siya kinikibo.Kaya ayon, gumagawa siya ng paraan para makahanap ng mangga.And that is my happitot in life!"My wife, hindi ba sabi ng doctor, konti lang ang kainin mo?", sambit habang nakatingin sa kinakain ko."Bakit ba? Ang sarap kaya ng ulam natin, kaya gusto kong kumain ng marami. Besides, wala rito si Doc, kaya pagbigyan mo na ako.", nguso kong sabi.The food that he cooked is my favorite.Kaya natatakam talaga ako."Hays. Bakit ba ang kulit-kulit mo? Manganganak ka na, Air
Chapter 98 of He's My Boss (Book 2)Airah's POV:Araw na ng kasal namin ni Gino.Araw na kung saan ihaharap niya ako sa altar at mag-iisang dibdib na kami.Sa wakas, magiging legal na kami sa harapan ng maraming tao lalo na sa harapan ng Diyos.Parang kailan lang, ang daming pagsubok ang dumaan sa relasyon namin.Pero heto at kami pa rin talaga ang tinadhana.I learned so much lesson about love.Nagawa kong magparaya at magsakripisyo pagdating sa pag-ibig.But still, nakamit ko rin ang totoong saya.Ang saya na kailan man hindi na mawawala sa akin.Pangmatagalan na ang pagsasama namin ni Gino kaya pinapangako ko na magiging mabuti akong asawa at ina sa anak namin."Are you ready, Airah? Nasa church na ang kapatid ko, and he's waiting for you.", saad ni Ate Leny at inalis ang hibla ng aking buhok sa pisngi.Bahagya n'yang hinawakan ang balikat ko para pakalmahin ako.Siguro nakita nito a
Chapter 97"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:"Cheers para sa kasal bukas nila Airah at ng anak ko!", panimulang sambit ng mom ni Gino.Siya ang unang tumaas ng baso na may laman na wine, kaya nagtaasan na rin kami.Ang saya isipin na lahat ng mahahalaga sa buhay ko, ay nandito at kasama ko.Kahit na magkakaroon na ako ng sariling pamilya, hindi ko sila malilimutan."And also cheers, para sa magiging pamangkin ko!", pahabol na bigkas ni Ate Leny dahilan para magtawanan kami."Iba rin talaga ang dugo ni Gino. Masyadong malakas at kambal agad! Sana makahanap ako ng katulad mo.", pagbibiro ni Annie na naging hudyat para maging maingay ang kalooban."I'm unique. Wala ka ng mahahanap na tulad ko.", pagmamayabang ng katabi ko.Bahagya ko s'yang siniko para tumigil na ito. Alam ko kasi na iiral na naman ang kayabangan niya kapag hindi ko pa siya pinigilan."Nga pala, may pangalan na ba kayo para sa baby niyo?"
Chapter 96"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:It's been one week since magpropose muli si Gino sa akin.Sariwa pa rin sa isipan ko ang nakakakilig na pangyayari.And now here, kasama ko na si ate Leny habang pumipili kami ng wedding gown.Hindi ko na inaya si Gino, since iba rin ang trip niya sa buhay.Beside, her sister said, mas maganda kapag hindi nakita ng lalaki ang isusuot ko para ma-surprise siya."Oh, ba't parang iba ang ngiti mo, Airah? Nababaliw ka na ba?","Hindi po ate. Bukod kasi sa matutuloy na ang kasal namin ni Gino, naging okay ulit tayo. Akala ko nga, hindi mo na ako mapapatawad.","Pakiusap 'yon ng kapatid ko. Sinabi n'yang bigyan kita ng pagkakataon, so I did. Kaya 'wag na 'wag mo ng bibiguin o sasaktan pa ang little bro ko. Dahil masyadong masakit sa part namin na makitang nadudurog at nagiging miserable ang buhay niya nang dahil sayo.","Yes ate. Hindi ko na siya iiwan pa.","Ed
Chapter 95 of He's My Boss (Book 2)Gino's POV:Hindi ako mapakali sa labas ng room habang tinitingnan ng doctor ang asawa ko.Sinugod ko si Airah dito sa malapit na hospital nang mawalan siya ng malay.And shit!Binabalutan ako ng pag-aalala, dahil baka maapektuhan ang nasa sinapupunan niya."Sino ang kamag-anak ni Mrs. Airah Magalang?", tanong ng doctor nang lumabas ito.Awtomatikong napalingon ako at mabilis s'yang nilapitan."I'm her husband, Doc. Kumusta ang kalagayan niya?", agad na sambit ko."She's now fine. Wala ka ng dapat ipag-alala.", turan nito dahilan para makahinga ako ng maluwag."P-pero yung anak ko, okay lang ba?", muli kong tanong."Yes. The twins are okay.","T-twins?", nagtatakang saad ko."Opo, Mister. Kambal ang dinadala ng asawa mo.","Oh God! Salamat! Maraming salamat.", ang paulit-ulit kong sinabi."Walang anuman. Pero gusto kong malaman mo na maselan ang
Chapter 94"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:I don't know how to react right now.Hindi ko alam kung matatawa ako, o ikahihiya ko si Gino.Nang dumaan kasi ang nagsasayawan na mga babae, bigla n'ya akong hinatak sa gitna at sumabay siya sa pagsasayaw.And guess what, hindi man lang kami sinita ng mga pulis, sa halip tawang-tawa pa ang mga tao. Ang iba, kinukuhanan kami ng video dahil sa ginagawa ng mokong na 'to."Gino, tumigil ka na nga.", giit kong turan sa lalaki.Habang sinasabi ko 'yon, nakangiti ako para ipakita na hindi ako galit.Mahirap na, pangit pa naman ako pagdating sa camera."Just dance, my wife. We're here to enjoy.", masayang wika ni Gino.Wala akong nagawa kundi ang makisabay sa trip niya.Feeling ko tuloy, kami ang leader ng Magayon Festival dahil sa kalokohan nito.Natapos ang pagsasayaw, marami ang nagpapicture sa akin, este, kay GINO!Oo, kay Gino lang sila nagpap
Chapter 93"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:Naging masigla at masaya ang araw namin ni Gino.Simula nung magkaintindihan kami, nagawa n'ya ng humingi ng tawad mismo sa Kapitan.And now here, gumawa siya ng paraan para magkakuryente kami.Nakakatuwa dahil hindi siya nakaramdam ng pagod at tuloy-tuloy sa pagtrabaho.Taga-linis.Taga-igib.Taga-hugas.Taga-laba.Taga-luto.'Yan ang paulit-ulit n'yang ginagawa na hindi man lang ako pinapatulong.Feeling ko, isa akong reyna sa bahay na 'to."Oh, mag-juice ka muna, Gino.", sambit ko at ibinigay sa kanya ang baso na may juice na laman."My wife, hindi ka na dapat nag-abala. Hindi ba sabi ko, ma-upo ka lang d'yan.", turan nito sa akin."Bakit? Bawal na ba kitang pagsilbihan? Besides, nakakaboring pala kapag nakatunganga lang.", nakanguso kong bigkas."Hays. Kung 'yan ang gusto mo, then sige. Basta 'wag ka masyadong gagalaw, baka ma
Chapter 92"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:"LINTEK KA GINO! GANYAN NA BA KAKITID ANG UTAK MO AT NAGAWA MONG PAGSIGAWAN ANG KAPITAN DITO SA BARANGAY?!",Ayan agad ang bungad na sermon ko sa lalaki.Binitawan ko na rin ang kamay ko dahilan para makahinga siya ng maluwag."My wife, h-hindi ko naman alam eh.","--Tsaka, si Steph ang m-may kasalanan.", he said na tila gustong magpaliwanag.Kaso ewan ko ba, ang hirap pakalmahin ng sarili ko."Ayan! D'yan ka magaling! Sa babae mo!", pagduduro kong bigkas nang marinig ko ang pangalan ng kasama niya kanina."H-hindi ah! Hindi ko babae si Steph. We're just friend.", pagdedepensa niya."Wow! Isang araw ka palang dito, may friend ka na? Ang landi mong lalaki!", saad ko muli na halos umusok na ang aking ilong sa sobrang galit."Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin, Airah?", pagtatanong niya."Dahil nakakainis ka! Hindi mo magampanan ang pagiging asawa