CHAPTER 1 "HE'S MY BOSS 2"
Airah POV:
"Babe, gising na. It's already 8 a.m."
Isang malambing na tinig ang syang narinig ko dahilan para mapamulat ang aking mata.
Sa pagbukas palang nito ay nasilayan ko agad ang gwapo kong boyfriend na si Jake.Napangiti ako ng bahagya sa binata kasabay ng pag-upo ko ng maayos.
"Goodmorning Jake." bati ko rito.
"--Sorry, na-late ako ng gising hehe." pacute kong paumanhin sa kanya.
Ngumiti lang ito sa akin habang marahan nyang hinahaplos ang buhok ko.
"It's okay. Nakahanda na yung breakfast, kaya mag-almusal ka na." tanging saad nya sa akin.
Tumayo na ito at iginaya nya ako papuntang hapag-kainan.
Nga pala, nandito kami ngayon sa America at halos 3 months na rin kaming nag-stay dito sa bansa.
Actually, wala talaga kaming plano na pumunta dito.
But because of the Company na binigay ng parents ni Gino ay napa-OO na lamang kami ni Jake.Ang katunayan nyan,
Chapter 2 of He's My Boss (Book 2)Airah POV:As of now, mag-isa lang ako sa bahay.Wala eh, umalis si Jake dahil sabi nya, 'sya na raw itong mag-aasikaso at bahala ng passport.Hindi na rin ako nag-atubling sumama pa sa kanya dahil medyo busy rin ang linya ko.Matapos kong mag-almusal ay kinuha ko agad yung laptop para tingnan kung may mga nagmessage ba tungkol sa kompanyang hina-handle namin ni Jake.Pero dahil wala naman akong nakita ay minabuti kong i-stalk ang account ni Ms. Maxine Mendez.Oo, yan nga ang whole name ng babaeng hinahabol-habol namin para maging ka-deal sa business.Lahat ng mga post nya ay isa-isa kong binasa.Pero natigilan ako bigla at nacurious sa status na kanyang pinost."Makikita na ulit kita G! I miss you so much."Awtomatikong naningkit ang aking mata dahil dito.Hindi ko alam, pero iba yung kabog ng puso ko.By the way, si Ms.Mendez, Pilipina sya.Kaya medyo mas
Chapter 3 of He's My Boss☺♥Jake POV:Nang matapos akong makapagbihis, ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.Ayoko kasing mawala ang excitement na nararamdaman ni Airah.Kaya naman tinungo na agad namin ang airport para sa ganon makahabol kami sa maagang flight.Pinasadahan ko ng tingin ang dalagang kasama ko, maganda ang suot nya kaya masyadong malakas ang dating nito.Paano ko nasabi?Karamihan kasi sa mga foreigners na nakakasabayan namin ay napapalingon sa kanya.Si Airah, marami sa kanyang nagbago.Kung noon ay wala syang pakialam sa sarili, ibahin natin ngayon.Palagi na syang nag-aayos kaya na-eexpose lalo ang kagandahang taglay nya."Jake, pwede ba, wag mo akong titigan. Baka matunaw ako nyan." pakunwaring mataray na sambit nito.Kinurot ko lang ang magkabilang pisngi nya dahilan para mapahiyaw sya."Ouch! Ang sakit non Jake." baing nya kasabay ng pagtingin nito ng masama sa akin.
Chapter 4 "BOOK 2 HE'S MY BOSS"Jake POV:Lutang ang isip ni Airah ngayon.Hindi ko alam kung ano ba ang gumugulo sa isipan nya sa mga oras na to.Pagkagising ko kasi ay ganito agad ang aking nakita."Goodmorning babe." pagbabati ko sa kanya para sa ganon ay matuon sa akin ang atensyon nito.Pero hindi eh, tulala pa rin sya at tila ba hindi kumukurap ang kanyang mata.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na ako para lapitan sya."Babe, ayos ka lang ba?" tanong ko rito at marahan kong hinawakan ang braso nya.Mabuti na lang at napatingin na ito sa akin."Huh?" Sambit niya at bakas sa mukha nito na hindi nya narinig ang aking sinabi.Ginulo ko lang ang kanyang buhok at ngumiti ng bahagya."Ang layo yata ng iniisip mo Airah. At sa tingin ko, kanina ka pa yata gising." wika ko na lamang."Ahm h-hindi ahh. Wala akong iniisip noh.""--saka k-kakagising ko lang." defensive na sambit nito.
Chapter 5"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah POV:Gusto kong bumawi kay Jake.Gusto kong iparamdam sa kanya ngayon na sya na yung mahal ko.Oo, aaminin ko na medyo nagkaroon ng kalituhan sa isip ko nang makita ko si Gino.Pero mali eh, maling maging ganon ako dahil nga't Ex ko lang sya at may boyfriend na ako.And yes, Jake is right.Masyadong unfair para sa kanya kapag naging ganito lagi ang akto ko sa harapan nya.So here, minabuti kong ibalik yung dating Airah na nakasama nya sa America.Kaya naman, I decided na paglutuan ko si Jake.Maliit lang na bagay ang ginagawa ko sa kanya pero alam kong naappreciate nya ito ng lubusan.After kong magluto at magprepare ay tumungo ako ng kwarto para sana tawagin sya.Kaso nadatnan kong busy ito sa pag-gamit ng laptop."Jake, is there something wrong?"Nag-aalalang tanong ko rito.Nakita ko kasi ang lungkot nito sa kanyang mukha.Ramdam k
Chapter 6Airah POV:Dahil mag-isa na lang ako sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi ang alamin kung saan ang destinasyon bukas ni Maxine.Ayoko na kasing patagalin pa ang deal na to.Nagmumukha akong aso sa kakahabol sa kanya eh.Tsk.Muli kong inistalk ang account ni Ms.Mendez, at don nakita ko ang mga bago nyang post."I still love you G♥""I will try my best na tulungan ka para makalimutan sya."Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nabasa ko.Hindi ko alam na may ganito palang pinagdadaanan si Maxine.She's so inlove with 'G' at base pa lang sa post nya, I know na meron ng mahal na iba si 'G'.My gosh! Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na di macurious. Hays.Akma sana akong magmemessage sa kanya kaso biglang nagring ang cellphone ko.Kaagad ko naman itong dinukot at mabilis na sinagot."Hello tita Gina?" sambit ko rito."Oh Hija, pasensya na kung napatawag ak
Chapter 7"HE'S MY BOSS" (BOOK 2)Gino's POV:Binalibag ko ng wala sa oras ang aking cellphone dahil sa inis na umaapaw sa akin ngayon.Fuckin shit!Kahit naman kasi ayaw kong pumunta ng resort ay hindi ako pwedeng tumanggi dahil mawawalan ako ng pera. Tsk.Kumukulo talaga ang aking dugo kay Mom.Tila ba kinokontrol na naman nito ang buhay ko."Hey Gino, can you please calm down? Para kang timang, alam mo yon?" mahinang wika ni Maxine na nasa tabi ko.Sinulyapan ko lang ito ng tingin at kasabay non ay tumayo ako para pumunta sa may ref."How can I calm down, kung pinipilit ni Mom sa akin ang mga bagay na hindi ko naman gusto." asar na sabi ko.Nang makatapat ako sa may ref ay mabilis ko iyong binuksan at kumuha ng malamig na tubig."If you don't mind, tungkol ba sa Kompanya ang pinag-usapan nyo?" tanong nito sa akin."Yah. That Fuckin Company! Bullshit!"sambit ko nang makainom ako.Nasi
Chapter 8"HE'S MY BOSS" BOOK 2Gino's POV:I can't believe it!Nandito rin si Airah?Paano nangyari yon?Sa pagkakaalam ko, hindi ako pumayag na maging kapartner sya in business.Tangina, malakas ang kutob ko na kagagawan na naman ito ni Mom.Napahawak ako sa aking labi nang maalala ko ang halik na ginawa nya kanina.Ewan ko ba pero maging ako ay nagulat nang malaman kong sya yung humalik sa akin.Kung noon ay kinikilig ako, ngayon napalitan na ito ng galit.Alam ko naman kasing di nya ginusto na halikan ako. Nagawa nya lang yon dahil sa pagbabanta ng mga lalaki sa kanya.Napailing na lamang ako kasabay ng pagtungo ko palabas ng resort.Doon ko kasi hihintayin si Maxine.Nauna na akong pumunta rito dahil may inasikaso pa ang dalaga.And she said, na salubungin ko na lamang sya sa labas.Ilang hakbang na sana ang gagawin ko at mararating ko na ang labas ng resort.Pero hindi
Chapter 9"HE'S MY BOSS" (BOOK 2)Airah's POV:Naging tahimik ang kalooban ng kwarto.Nagawa na ring humiwalay at bumalik sa pwesto si Gino.Until now, hindi ako makapaniwala sa mga lumabas sa bibig nya.How dare him! Talagang ipinamukha nito sa akin kung ano ang mga pinagbago nya.And yet, muling nabuhay ang galit ko sa binata.Para kasing ako pa ang may kasalanan kung bakit sya naging ganyan.Nasaktan din naman ako ha!Mas nasira ang buhay ko kesa sa kanya.Kung tutuusin nga, ako talaga tong naging kawawa dahil maraming tao ang nanghusga sa akin.Napahinga na lamang ako ng malalim at mariin kong ipinikit ang aking mata.Ayoko na sanang balikan pa ang mapait at masalimoot kong nakaraan.Pero dahil sa ginawa ni Gino, bigla tuloy nahalungkat iyon sa aking isipan."I'm sorry." Dalawang salita ang syang bumasag sa aming katahimikan.Dalawang salita ang syang binigkas nito dahilan para