KUNOT NA KUNOT ang noo ni Cougar habang pinagmamasdan niya si Adrielle na balewalang ngumunguya ng mansanas habang tinatahi ng kakilala niyang doctor ang sugat nito sa balikat. Bumuka ang sugat nito dahil napuwersa nang umakyat ito sa punong mangga para kunin ang alagang pusa ni Xenia, ang pitong taong gulang na apo ni Nanay Tilde, ang kanyang katiwala sa farm. "What were you thinking, Allie?" muling tanong niya sa babaeng sinulyapan lang siya. Minsan talaga ay gusto na niyang isilid sa sako si Adrielle dahil sa katigasan ng ulo nito. Limang tahi na lang at tapos na tayo," turan ni Doctor Ignacio na bakas sa tinig ang pag-aalala. Nagkataon kasi na naubusan ng anesthesia ang clinic nito at mamayang tanghali pa darating ang bagong supplies. Kahit pa panay ang paghingi ng paumanhin ng kaawa-awang doctor dahil sa pag-aalalang baka mawalan ng malawan ng malay ang pasyente nito dahil sa sakit.Napailing na lang si Cougar. Mukha kasing hindi naman apektado si Adrielle dahil tila komportab
MAHIGIT na isang linggo na ring nasa San Simon si Adrielle kasama si Cougar. Natuyo na rin ang sugat sa balikat niya. Wala si Cougar sa farm house dahil nasa bukid ang lalaki. Umaga pa lang ay naroon na ito sa niyugan dahil anihan niyog para gagawing kopra. Ang tanging kasama lang ni Adrielle doon ay ang katiwalang si Nanay Tilde, ang bunsong anak nitong si Niña na siyang katulong ng matandang babae sa pag-aalaga ng dalawa nitong apo. Si Xenia na anak ng panganay nitong anak na lalaki na sa kasamaang palad ay maagang binawian ng buhay. Bukod kay Xenia ay may isa pang apo si Nanay Tilde. Ang walang buwan na si Codie na anak naman ng pangalawang anak ni Nanay Tilde na namatay naman dahil sa panganganak.Matamang pinagmasdan ni Adrielle ang makulay na mga bulaklak sa harapan ng farm house ni Cougar. Kasalukuyan siyang nasa terrace at nagpapahangin habang humihigop ng kape. Alas-nuebe pa lang ng umaga pero tirik na tirik na ang araw. To be honest, she somehow starting to like the place.
MAHIGIT DALAWANG oras mahigit yata silang nag-utuan ng walong buwang sanggol na apo ni Nanay Tilde. Lahat na yata ay ginawa niya para lang tumigil ito sa pag-iyak pero walang epekto kay Codie na ipinaglihi yata sa isang bobcat. Sumayaw na siya. Kumanta na rin. At sinubukan na rin niyang tumula. If only, her siblings saw what she was doing right now, they would surely laugh their asses out at him!Nilagyan na rin ni Adrielle ng makukulay na tali ang buhok niya, baka-sakaling maaliw si Codie sa kanya at maisipan nang tumigil sa pag-iyak pero wala pa rin. Imbes na maaliw ay natakot pa nga yata ang sanggol na tuloy pa rin sa pagpalahaw.Tostang-tosta na ang utak ni Adrielle dahil sa kaka-isip ng paraan na mapatahan ang binatayan niyang baby. At sa totoo lang ay may gusto pa niyang isabak siya ng Dad niya sa giyera ng mga magkalabang mafia organization kaysa mag-babysit ng eight months old na sanggol!Kunsumidong sumalampak na siya kanina sa sahig habang hawak niya si Codie na naghalo na a
FIESTA ng San Simon kaya abalang-abala ang lahat sa farm. Nagpakatay ng limang baboy para gawing litson si Cougar. May mga manok ding kinatay para gawing fried chicken para sa mga bata. Tulong-tulong ang lahat para sa pagdiriwang at nag-ipon-ipon sa isang bahagi ng manggahan.Sa isang parte naman ay naroon ang palaro kung saan, ang makakahuli ng kahit isa sa apat na biik ay mananalo ng limang libong piso. Pinaliguan ng langis ang mga biik at sinadya ring gawing maputik ang lupa na pansamantalang binakuran para hindi makalabas ang apat na hayop."Sali tayo, Ate El," yaya ni Eunice kay Adrielle na biglang napatigil sa pagsubo ng hawak na kapirasong balat ng litson na kinuha niya nang mapadaan sila sa mga nagta-tadtad ng litsong baboy. "Saan?" takang tanong ni Adrielle kay Eunice na bahagya pang nalukot ang noo.Inginuso ni Eunice ang apat na biik na paikot-ikot sa loob ng kural kung saan nakapalibot naman ang mga tauhan ni Cougar na gustong manood at sumali. "Doon," sabi ni Eunice sab
ALAS OTSO na ng gabi pero buhay na buhay pa rin ang mga tauhan ni Cougar sa farm. Naglagay sila ng mga mesa na pinagdugtong-dugtong sa labas ng farmhouse at doon nagkasiyahan. Bumaha ng mga anak at pulutan habang nagkakantahan. "Miss El, kanta ka po," tawag ng asawa ng isa sa mga tauhan ni Cougar. Napatigil sa akmang pagtungga ng hawak na beer si Adrielle nang marinig niya ang sinabi na iyon ng babae. Sandali siyang natigilan bago ngumiwi."No, please..." Tanggi niya habang mahinang iwinawasiwas ang kamay. "Hindi ako marunong kumanta." nakangiwing dugtong pa niya. Napangiti ang babae bago inabot ang hawak na microphone kay Adrielle. "Kami rin naman, Miss El pero kita mo naman, sige pa rin kami sa pagkanta. Tayo-tayo lang naman ang nandito." Pangungulit nito sabay kuha ng song book kung saan nakalista ang mga kanta na p'wedeng pagpilian. Napakamot sa ulo si Adrielle sabay abot ng microphone. Mukhang hindi rin naman siya titigilan ng babae kaya pagbibigyan na lang niya. Isa pa ay bak
NAPIKIT si Adrielle nang makita niyang dahan-dahang bumababa ang mukha ni Cougar palapit sa kanya. Dama din niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanyang balat at nagbigay iyon sa kanya ng nakakakiliting pakiramdam. Kumuyom ang magkabila niyang mga kamay na nakatukod sa kama at bahagya ring lumalim ang kanyang paghinga. Alam niya kung ano ang gustong gawin ng lalaki pero hindi na siya makagalaw. Pakiramdam ni Adrielle ay bigla siyang na-paralize lalo na nang tuluyang lumapat ang mainit at may kalambutang mga labi ni Cougar sa mga labi niya.Mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa bedsheet at isang mahinang ungol din ang pilit na kumawala mula sa loob ng bibig niya.It was her first kiss, for goodness' sake! Sa edad niyang bente-kuwatro ay hindi pa niya naranasang magka-boyfriend dahil umiikot lang naman ang buhay niya sa training at mga misyon. Wala ring nagkakalakas ng loob na manligaw sa kanya dahil intimidating daw ang dating niya. At si Cougar—siya pa lang ang kaisa-isang
"SI ALLIE ho, Nanay Tilde?" Tanong ng bagong dating na si Cougar.Alas singko pa lang ay nasa manggahan na si Cougar para tulungan ang ilan sa kanyang mga magsasaka na nag-spray ng pesticide sa namumulaklak na mga mangga. Pagkatapos ay pumunta naman siya sa niyugan para bisitahin ang mga nagko-kopra bago siya tumuloy sa palayan para tingnan kung maayos ba ang tubo.Nabili niya ng farm halos pitong taon na ang nakakaraan gamit ang mga naipon niya tapos nagloan na rin siya sa bangko para may pangdagdag siya. Then after two years ay nadagdagan iyon nang ibenta sa kanya ang katabing lupa at yun nga ang niyugan. Nagmigrate na sa America ang pamilya ng dating may-ari ng lupa kaya napunta iyon kay Cougar. Sunod niyang nabilli ay ang katabing lupa naman. Bakante iyon noong nabili niya tapos pagkaraan ng isang taon ay pinataniman niya ng mga mangga. Hindi alam ng Dad niya dati na nakabili siya ng lupa sa dulong bahagi ng Palawan pero nang magkaroon ng problema ang isang agent ng Falcon Survei
"WHERE ARE YOU?" mahina ang boses tanong ni Adrielle sa kanyang kausap mula sa hawak niyang cellphone. Pasado alas diyes na ng gabi at tahimik na ang buong paligid. Tanging huni na lamang ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid at ang panaka-nakang ingay na nagmumula sa tunog ng kuwago na nasa kalayuan. Alas otso pa lang kanina ay nagpahinga na si Nanay Tilde dahil inatake ng rayuma ang matandang babae. Si Codie naman ay kay Eunice natulog samantalang ang talaga niyang si Pexie ay iniwan niya sa kanyang silid na mahimbing na rin ang tulog. Si Cougar naman ay nasa kuwadra dahil nanganak ang isa sa anim na kabayong talaga ng lalaki.Walang sagot na narinig si Adrielle mula sa kausap pero naagaw ang pansin niya ng tatlong beses na pagpatay-sindi ng ilaw mula sa hindi kalayuan. "Okay, I'm coming..." aniya sa kausap bago nagmamadaling naglakad palayo sa farmhouse. Dumating sa Pilipinas ang isa pa sa limang Blades na hawak niya para tulungan siyang mahanap si Anya. Nalaman din niya mula
PAGDATING SA ISANG may kahabaan ngunit madiolim na kalsada sa bahaging iyon ng Malate ay bumaba na si Adrielle. “You stay here and wait for my signal, d’you understand?” bilin niya kay Zin na kaagad namang tumango.“Okay,” sagot naman ng lalaki sa kanya. Hindi niya p’wedeng salungatin ang bilin ni Adrielle kahit pa gusto niya itong tulungan na mailoigtas si Anya. Mas malaki ang maitutulong niya kung mananatili siya sa loob ng sasakyan at ituro na lamang dito ang tamang daan para mas madali nitong matunton ang kaibigan niya.Malaki ang abandonadong hotel na pinagdalhankay Anya. Marami ring guwardiyang nakakalat sa loob at labas ng hotel. Mayroon ding mga CCTV pero wala namang imposible sa kagaya niyang Blade. And he wouldn’t be one of Neon’s Blade for nothing…“I’ll go ahead,"Hindi na hinintay ni Adrielle ang magiging sagot ni Zen dahil kaagad na siyang tumalikod pagkatapos niyang isukbit sa kanang balikat ang dala niyang maliit na backpack.Lakad-takbob ang ginawa ni Adrielle papun
“ZEN…”“I’m on it, Neon,” kaagad namang tugon ni Zen mula sa kabilang linya. Isa si Zen sa limang Blades ni Neon. “Okay, good.” tumatango-tangong turan niya sa kausap habang ang mga mata ay seryosong nakatutok sa kaharap na laptop. May sinusundan silang lead tungkol sa bagong location ni Anya. Alam ni Adrielle na kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito ay nakikipaglaro sa kanya. Someone is luring her to a rat’s hole!“Are you sure about this, Neon?” tanong ni Zen pagkaraan ng ilang saglit, pagkatapos niyang maipadala sa babae ang files na kailangan nito.Walang nakuhang tugon si Zen mula kay Adrielle na kasalukuyan namang abala sa pagbabasa ng report na ipinadala ng lalaki.Ilang saglit pa ay muling nagsalita si Adrielle. “I’ll get Anya…” walang emosyong usal niya bago ibinaling ang pansin sa isa pang laptop na nasa kanyang harapan.Mabilis na tumipa ng sagot si Adrielle para sa email na kanyang natanggap at nang maipadala iyon ay kaagad siyang tumayo. Kasalukuyang nasa kanila
PAGKAGALING sa opisina ng kanyang Papa ay kaagad na dumiretso si Adrielle sa basement kung saan naroon at tiyak niyang naghihintay sa kanya si Crimson. Pagkababa niya sa basement ay natuon ang pansin ni Adrielle sa pet bed na nakalagay sa paanan ni Crimson. Abalang-abala ito sa kung ano mang tinitingnan sa kaharap na monitor habang si Pixie naman ay tulog na tulog. Muntik nang matawa si Adrielle nang makita niya ang kapirasong hiwa ng mansanas na nakasubo pa rin sa nahihimbing na biik. "Crim," tawag-pansin niya sa kapatid bago lumapit sa nakasaradong refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng mansanas. Mabilis namang lumingon si Crimson at napakunot ang noo nang makita ang hawak ni Adrielle. "Ibalik mo 'yan!" nakasimangot na aniya sa bunsong kapatid. Umirap naman si Adrielle bago tila walang anumang kinagat ang hawak na prutas pagkatapos niya iyong punasan gamit ang laylayan ng suot niyang sando. "Masamang magdamot sa kapatid." Sabi ni Adrielle habang ngumunguya. Umismid si
NAKATAYO si Cougar sa rooftop ng mansion ng mga Guerrero kasama si Raksha nang mula sa malayo ay matanaw niya ang paparating na itim na motorbike. Sinenyasan niya ang head bodyguard ni Azure na naging malapit na rin sa kanya na iabot nito sa kanya ang hawak nitong binocular. Walang salitang ibinigay ni Raksha kay Cougar ang binocular. May kausap ito sa cellphone kaya hindi na ito nagtanong sa kaibigan. Mabilis na itinapat ni Cougar sa kanyang mga mata ang hawak na binocular para tingnan kung sino ang paparating. Kumunot ang noo niya nang makilala ang pamilyar na motorbike na minsan na niyang nakita. "Allie..." tiim ang anyo na usal ni Cougar habang hindi pa rin inaalis ang binocular sa kanyang mga mata. Narinig naman iyon ni Raksha na nagkataong tapos nang makipag-usap. Kumunot ang noo ng bodyguard ni Azure nang marinig nito ang hindi pamilyar na pangalan mula kay Cougar. Ipinasok niya sa bulsa ng suot ng pantalon ang hawak na cellphone bago walang salitang kinuha ang binocular mul
"TURN ON THE TELEVISION and go to WCK news channel, hurry!" Iyon ang mga salitang kaagad na bumungad kay August nang sagutin niya ang tawag ni Trigger na kasalukuyan namang nasa Manila. Resident doctor ang lalaki sa isang kilalang hospital sa lungsod. Sa susunod na araw pa ang balik nito sa Quezon pagkatapos ng tatlong araw na duty sa hospital. Kumunot ang noo ni August dahil sa labis na pagtataka ngunit kaagadi ding sinenyasan si Brixx na buksan ang malaking television. Naroon siya sa training ground kasama ang isang bodyguards. Naroon din sina Kimhan, Azure at Russet pati abg bodyguard ni Adrielle na si Cougar na kahapon lang nakabalik mula sa Palawan dala ang biik na sinasabi nitong alaga daw ng boss nito. "Go to WCK News, Silva," utos ni August sa kanyang head bodyguard na kaagad namang sumunod.["Isa pong bangkay ng naaagnas na ng hindi kilalang babae ang hindi sinasadyang natagpuan ng isang residente ng Baryo Sapang-Bato sa bakanteng lupa na ito na siyang ginagawang tambakan n