ma curious muna kayo kay Maxim baby wala siyang naalala tingin niyo sino sya?
"Teka! Teka!" Nadatnan ni Clary si Knox na pilit bumabangon sa kama. Saktong ganoon kasi ang sitwasyon nito pagpasok niya sa kwarto. Dali-dali niyang inilapag ang tray ng pagkain sa lamesa at mabilis na lumapit rito. "Ano ba? Hindi ka pa okay," suway niya rito at pinigilan ito. Pero hinawakan nito ang kamay niya at pinilit talagang bumangon kaya wala siyang choice kundi alalayan na lang ito. "Okay na ako," ani pa nito, pero umigík din. Wala narin naman itong oxygen at tinanggal na nito ang dextrose pero ang sugat nito, hindi pa talaga tuluyang hilom. "Naiinitan ako dito sa kama, para akong magkakasakit lalo," rason pa nito. Ngumiti siya pero simple lang. "Sabi ni Doc, pwede ka na raw maligo. Gusto mo bang maghanda ako ng panligo mo, sa bathub na kasi hindi pwede ang shower." Tumingin ito sa kaniya, tila ba'y puno ng appreciation ang mga mata nito. Nahiya naman siya bigla, ngunit biglang sabi nito. "Paliguan mo ako." Napalunok siya. "H-Ha?" Naisip niya rin, mahina pa ito, kung
Baliwala ang sakit kung tawag ng laman na ang mangibabaw. Kasalukuyan dikit ang mukha ni Clary sa pader habang si Knox ay kasalukuyang nasa likuran niya, kumikilos nang minsan ay mabagal, minsan naman ay mabilis. Hindi nito alintana ang mga sugat, ingat din siyang hawakan ito sa mga braso, kaya sa pader siya kumukuha ng suporta para hindi madulas. "Oh! You're damn so good—fück!" sigaw nitong úngól halatang gigil sa kaniya. "Still so tight, baby!" Pigang-piga nito ang balikat niya para mas madiin nito ang sandata pa-loob sa kaniya. Bawat tulak nito, malakas na úngól din ang pinapakawalan niya. "Ah! Dahan-dahan iyong mga sugat mo! Ah shît!""It's okay, I'm okay, as long as nakakaenjoy ito, diba? Di ba? Masarap ba?" Todo kagat siya ng labi, napapapikit habang dinadama ang padulas na baon nito sa loob niya. Nag-eexpand lang ang pwerta niya sa laki nito, sakto lang niyang inúngól ang haba nito, tumatama kasi sa loob niya ang dulo. "W-Why—why are you so good at making me feel that I won
1 week later. May tatlong araw na rin na nakabalik si Knox sa patag, pero hindi nito pinansin si Clary. Si Clary naman, tinitiis lang ang sama ng loob sa pinapakita ng asawa. Hindi kasi talaga siya pumunta sa stronghold kahit anong pilit ng mga tauhan nito sa kaniya. Dahil naramdaman niyang may tampo ang asawa niya at ilang beses na rin niyang pinagtangkaan na kausapin ito pero umiiwas talaga si Knox pinili na lang niyang siya ang umiwas. Unti-unti narin siyang nagtatampo, at pinaniwala na lang ang sarili sa rason na dinala siya dito, hindi na pinapakawalan, pinapirma ng marriage contract at hindi hinahayaang asikasuhin ang dapat niyang asikasuhin. Walang rason para gumawa ng paraan para suyuin ang lalaki. At isa pa, ang isang Clary Maurissette Chen Alliarez ay hindi na maghahabol. Minsan na siyang niloko ni Tristan, doon pa lang sinabi na niya sa sarili niyang wala na siyang lalaking mahalin pa ng buo. Kaya kung inaasahan ni Knox na suyuin niya ito, no way. May isang linggo din n
Napailing-iling na lang si Caitlin nang lumabas mula sa opisina ni Walter. Dumaan siya sa daanan talaga kaya maraming attention ang nakuha niya. Sino kasi ang hindi magtataka sa ayos niya, mukha siyang kulto sa suot niya. Naka-hanfu na itim, na may malapad na belt sa tiyan, may viel sa mukha, at naka-hoodie black cloak. Kung hindi lang niya kamukha si Clary baka matagal na siyang nakikisabayan sa kasuotan ng iba. Hindi kasi pwedeng ma-expose publicity ang mukha nila ni Cassandra. Iyon ang proteksyon nila sa kanilang kapatid. Maraming kaaway ang kilala si Caitlin and Cassandra, na member ng Moretti, pero walang may nakakaalam na kambal sila ni Clary. Triplets. Kapag natunugan ng mga kalaban si Clary, maaring mapahamak ang buhay nito dahil sa kanila. Kaya ngayon na kinukulong ito ni Li Wei sa isla, mas matibay ang proteksyon nito. Pero may mga bagay pa si Clary na kailangan gawin, kaya hindi pwedeng expose ang mukha niya sa karamihan. May mga kaaway na silang nakita na ang mukha niya
Dumapa ang lalaki, sinalubong ni Caitlin ang mga bala na para rito gamit ang wagasa ni Li Wei. Napahinto ang mga ito sa pamamaril kaya pagtalon niya sa harapan ng mga ito, kitang-kita niya ang gulat sa mga nila. "Sino ka? Bakit ka ba nangingialam?" Dinantay niya ang payong sa balikat niya, at mayabang na tumayo sa mga ito. "Why are you killing him?" "Bakit ka ba nagtatanong?" tanong pa ng isa. "Dahil gusto kong malaman, iyon naman dapat ang gagawin kapag may gusto kang malaman hindi ba?" pamimilosopo niya. "Aba—" susugod sana ang nasa gilid ng lalaking nasa gitna at unahan ng lahat pero nagpigil ito. Ang lalaking nasa gitna ang humakbang paharap. "May atraso ang lalaking iyan sa boss namin. Para walang damayan, huwag ka nang makialam.""Wag makialam?" Wala sa sariling tanong niya, abala kasi sa pag-iisip ng rason ang isipan niya. Wala nga siyang karapatang mangialam pero may part sa kaniya na kailangan niyang iligtas ang lalaking ito. "Actually, kailangan kong makialam."Natawa
"Ang swerte-swerte talaga namin nakahanap kami ng ate at kuya na magaling lumaban!" masiglang wika ng batang babae, na tinatawag na Arian ng mga lalaking kasama niya. Sumama siya sa mga ito para umuwi sa tirahan, maliit na apartment lamang na may dalawang kwarto, tila pinag-isa lang ang kusina at sala saka iisang banyo. Mayroong dalawang couch, ang isa pangtatluhan ang isa naman pang-isahang tao lang. Natawa naman ang mga kuya nito habang si Maxim naman abala sa pagluluto deretso hain sa lamesa. Luto na ang ulam nito at kasalukuyan na itong nagsasangag ng kanin. Si Arian naman pasimpleng pitas ng ulam at kumain. "Saan ka natuto ng ganoon ate? Pwede mo ba akong turuan?" tanong naman ni Alec. Tiningnan ito ng kuya tila ba'y nananaway pero hindi masyadong minamasama. "Kapag marunong ka sa ganoon hindi ka lulubayan ng kapahamakan Alec kaya wag mo na subukan," ani naman ni Maxim, kumuha na ito ng planggana at sinasalin doon ang sinangag na kanin. "Lagi rin naman tayo nasa pahamak kuya
Talagang umiiwas na si Knox, nararamdaman iyon ni Clary. Bukod doon nakita niyang unti-unting nawawalan ng pakialam ang asawa niya sa kaniya at madalas abala si Knox sa mga transaksyon kung ano man iyon. Laging kasama niya ay si Pixie at Pippin lamang. Sagana naman siya sa pagkain pero habang tumatagal since may isang buwan na rin yata siyang buntis, nararamdaman na niya ang symptoms nito lalo na ang stage ng paglilihi. "Luluwas ako ng manila, pagbalik ko kasama ko si Cassandra and Caitlin, prepare yourself," ani Knox na tila ngayon lang siya kinausap nito, finally. Pero kirot naman ang gumuhit sa puso niya, umagang-umaga. Tila pumasok lang ito sa kwarto na gising siya at sabihin iyon. Hindi naman ito natulog sa tabi niya, sa stronghold ito palagi nananatili. Ngayong bagong gising siya, pinansin nga siya nito pero parang pinapaselos pa siya. "Anong gawin nila dito?" malamig niyang tanong. "Visit," maikli nitong sagot. "You?" tanong naman niya. "Maybe?" sagot naman nito. S
First time ni Knox na makarating sa unit ni Caitlin. Sinabi ni Caitlin nakilala na siya ni Yun Xiao bilang Knox Wolthorn kaya hindi na siya nagtakip ng mukha, ang dalawa naman, naka-mask lang ang mga ito. Blazer lang ang suot, at simpleng damit pero equipped pa rin. "Kuya nandito na si Ate Caitlin!" dinig niyang sigaw ng batang babae nang buksan ni Caitlin ang pintuan. "Ate!" boses naman iyon ng lalaki tila binatilyo. Si Cassandra ang unang pumasok, medyo na-excite. "Nasaan si Maxim?" tanong agad nito. "Nasa kusina po." Hinarap naman siya ni Caitlin at tinulak paloob. "Pasok na."Saktong may lumabas mula sa kusina. "Baby! Sakto naghanda ako ng tanghalian." Baby? Ang lalaking may hawak na sandok diretso kay Cassandra at walang anu-ano'y niyakap nito ang babae. "Wuy, anong ginagawa mo?" Nagpumiglas naman ang babae. "Shempre na-miss kita," ani pa ng lalaki at pangiti-ngiting papikit-pikit pa habang hinihigpitan ang yakap sa babae. So totoo nga ang sabi ni Caitlin, may gusto iton
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal