Inis na inis syang bumalik sa sariling silid. Wala syang pakialam kung hubad syang naglakad sa pasilyo. Nais nyang makalayo kay Gavin. Wala na itong ginawa kung di paasahin sya. Puro ito simula, pero hindi nito tinatapos. Nakakainis pa kung bakit ba sa tuwing tatawag ang Sabrina na yon, ay natataranta si Gavin. At hindi pwedeng hindi nito sagutin ang tawag ng babaing yon.
"Sino ba sya?" inis na tanong nya. Sumampa sya sa kama at binalot sa kumot ang hubad na katawan. Masamang, masama ang loob nya kay Gavin. Sya na nga ang gumagawa ng paraan para may mangyari sa kanila, pero ito naman ang tila umiiiwas o sadyang ayaw nitong may mangyari sa kanila. Pero bakit naman? hindi ba't binili nga sya nito ng sampung milyon para makatalik? para saan pa at gumastos ito ng ganoong kalaki kung hindi rin naman sya nito aangkinin? Nagmamadali ba sya? Minamadali ba nya ang lahat? Isang buwan sila sa Isla yon ang pagkakaalam nya. Mananatili sila ni Gavin sa Isla sa loob ng is
Napansin nyang lumapag ang helicopter sa mataas na building. Sumilip sya sa bintana, pero wala syang makita dahil sa dilim. Hindi tuloy sya sigurado kung nasaan na sila."Asaan tayo?" tanong nya. At liningon si Gavin."San Sebastian" wala sa mood na sagot nito. Alam nyang nainis nya ito, dahil sa paguusisa nya kay Sabrina. Kahit hindi sabihin ni Gavin, alam nyang si Sabrina ang dahilan kung bakit biglaan ang pag-alis nila ng Isla."Let's go!" mariing utos nito. Sumimangot sya. Nauna na itong tumayo at naglakad pababa ng helicopter. Nakasimangot naman syang sumunod. Mabigat ang mga paang sumunod kay Gavin pababa. Hindi tulad kanina, hindi na sya inalalayan ni Gavin pababa ng helicopter. Kaya naman lalo syang nainis rito."Saan tayo pupunta?" tanong nya habang hinhawi ang mahabang buhok na linilipad ng malakas na hangin."Sa bahay ko" tipid na sagot nito. Nagkibit balikat nalang sya. Hindi na sya
Sumilip sya sa bintana mula sa silid. Nakita nyang papalabas na ng malawak na bakuran ang kotse ni Gavin."Saan ka ba pupunta Gavin? pupuntaan mo ba si Sabrina? gano'n na ba sya ka importante sa iyo?" tanong nya habang nakamata sa kotse'ng papalabas. Kinagat nya ang mga labi, nais nyang pigilan ang mga luhang nais pumatak. Ewan nya kung bakit gano'n nalang ang pakiramdam nya, kung bakit sya naiiyak, at kung bakit sya nalulungkot? Bakit nga ba? Hindi ba't sinabihan na sya ni Gavin na ilugar ang sarili. Hanggang kama lang sya, binili sya ni Gavin para sa kama nito. Kaya huwag na syang umasa pa, dahil masasaktan lang sya.Bumuntong hininga sya, at napansin ang pintuan papunta sa may veranda. Lumapit sya doon at binuksan yon. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Napayakap pa sya sa mga braso. Suot parin nya ang jacket ni Gavin. Lumabas sya at tiningala ang langit. Puno ng mga bituin na syang nagbibigay liwanag sa malawak na paligid.
"Nawalan na ko ng gana" Malamig na sabi nito. At tumayo mula sa upuan. Napakagat labi sya, alam nyang ayaw ni Gavin na pinakikialaman ito, hindi ba't sinabihan na syang ilugar ang sarili, nakalimut nanaman sya.Nakita nyang tumayo ito, at naghubad ng damit pang itaas. Muntik pa syang mabulunan matapos mahubad ni Gavin ang pang itaas nito. Mabilis nyang hinila ang baso ng tubig at uminom."Let's swim. Join me if you want" sabi nito, habang tinatanggal ang suot na short. Napalunok sa at mabilis na umiwas ng tingin. Hindi naman nya first time na makita ang hubad na katawan ni Gavin. Pero may kakaiba syang init na naramdaman."Mag swimming ka para mawala yang ano mang iniisip mo" May laman na sabi nito. At lumakad na palapit sa pool. Nakasunod sya ng tingin kay Gavin at hindi maiwasan ang humanga sa magandang katawan nito."Ano kayang ginawa nyo ni Sabrina?" bulong nya. Hindi kasi maiwasan na maglaro sa isip nya ang mga bagay-bagay. Kung anong ginawa
"Sir, Sir Gavin? andyan po ba kayo?"Tinig mula sa labas na nagpahinto sa ginagawa nila ni Gavin. Nilayo ng kaunti ni Gavin ang katawan sa kanya. Nakaramdam nanaman sya ng pagkadismaya. Alam nyang hindi nanaman matutuloy ang ginagawa nila. Nagbuntong hininga sya at nilayo ang hubad ng katawan kay Gavin."Answer her" bulong nya. At inayos na ang sarili. Tinakpan ang hubad na katawan gamit ang mga braso."Why?" may irita sa tono ni Gavin."Sir, may bisita po kayo. Si Ma'am Sabrina po" Nanlaki ang mga mata nya ng marinig ang pangalang Sabrina. Nilingon nya si Gavin, nanantili itong nakamata sa pintuan."Tama ba ang narinig ko? andito si Sabrina?" taas kilay na tanong nya."I guess" tanging sagot ni Gavin. At tumayo mula sa kama."I be there in a minute" sabi nito sa kasambahay na nasa labas ng pinto. Bumuntong hininga sya, hindi alam kung ano ang sasabihin, ku
"Sir, Sir Gavin? andyan po ba kayo?"Tinig mula sa labas na nagpahinto sa ginagawa nila ni Gavin. Nilayo ng kaunti ni Gavin ang katawan sa kanya. Nakaramdam nanaman sya ng pagkadismaya. Alam nyang hindi nanaman matutuloy ang ginagawa nila. Nagbuntong hininga sya at nilayo ang hubad ng katawan kay Gavin."Answer her" bulong nya. At inayos na ang sarili. Tinakpan ang hubad na katawan gamit ang mga braso."Why?" may irita sa tono ni Gavin."Sir, may bisita po kayo. Si Ma'am Sabrina po" Nanlaki ang mga mata nya ng marinig ang pangalang Sabrina. Nilingon nya si Gavin, nanantili itong nakamata sa pintuan."Tama ba ang narinig ko? andito si Sabrina?" taas kilay na tanong nya."I guess" tanging sagot ni Gavin. At tumayo mula sa kama."I be there in a minute" sabi nito sa kasambahay na nasa labas ng pinto. Bumuntong hininga sya, hindi alam kung ano ang sasabihin, ku
Nakataas ang kilay nya habang hinihintay si Gavin sa pintuan ng sala. Hinihatid kasi nito si Sabrina hanggang sa kotse. Nakita din nyang nagbulungan pa ang dalawa, bago tuluyang umalis si Sabrina, na lalo nyang kinainis. Pinagsalikop nya ang mga kamay sa dibdib at lalong tinaas ang mga kilay habang papalapit sa mau pintuan si Gavin. Nakita nyang tumingin si Gavin sa kanya. Pinanatili nya ang tigas ng mukha."Bakit sya pumunta rito?" hindi matagong inis na tanong nya. Huminto si Gavin sa tapat nya. Nagtaas sya ng kilay, ewan nya kung bakit pero naiinis sya, at naiinis sya ng sobra."Ano bang pinag-uusapan nyo? bakit kailangan pa nyang pumunta rito? hindi ba't magkasama nakayo gabi? hindi pa ba sapat ang magdamag na magkasama kayo, at kinailangan kapa nyang puntahan dito?" pigil hiningang litanya nya. Nanatili lang nakatingin sa kanya si Gavin, walang kibo sa mahabang litanya nya."Gavin ano ba?" at hinampas ito sa braso.
Pagbaba nya ng hagdan naningkit ang mga mata ni Gavin ng makita ang suot nya. Tanging T-shirt na puti ni Gavin, no bra just white shirt and undies."What are wearing?" kunot noong tanong nito, nasa tignig ang galit. Nagtaas sya ng kilay, at nagtuloy sa pagbaba ng hagdan."Your shirt" taas kilay na sagot nya, nang makababa ng hagdan."Damn" mura nito. At sinulyapan sya mula ulo hanggang paa, at bumalik sa mga dibdib nyang alam nyang halos kitang-kita na sa suot nyang puting t-shirt."I have nothing no wear" sabit nya at pinaikot ang mga mata."And you think I will allow you to go out, wearing that piece of shirt of mine? na halos wala na ngang natatakpan sa iyo" litanya nito, at tinuro ang mga binti nyang naka expose, sakto lang kasing umabot sa pang upo nya ang t-shirt nito. Nagkibit balikat sya kunwari, para itago ang kiliting naramdaman sa sinabi nito sa kanya."Wala naman akong damit, tinago mo lahat""Well I thought mag
Matapos nilang mamili ng mga kailangan nyang gamit, niyaya sya ni Gavin na kumain muna. Hindi naman na sya tumanggi pa, isa pa gusto nya ang nakukuha nyang atensyon sa mga taong napapatingin sa kanila ni Gavin. Alam nyang umaagaw ng atensyon si Gavin sa mga kababaihan at proud sya dahil sya ang kasama ni Gavin."Anything you want?" tanong ni Gavin matapos makapag order ng pagkain, sa mamahaling restaurant sa loob ng Saavedra Mall."Nothing" tipid na sagot nya at ngumiti rito ng malambing. Napansin nyang medyo kumunot ang noo ni Gavin."Why?" kunot noong tanong nito."Wala naman" nakangiting sagot nya. Pansin kasi nya ang dalawang babaing na panay ang sulyap kay Gavin at pagpapa cute kay Gavin."Anyway, how's your family? your Dad?" tanong nito, na medyo kinagulat pa nya. Mula kasi ng makasama nya si Gavin ay hindi pa ito nagtanong ng tungkol sa pamilya nya, kaya naman hindi nila napapag-usapan
G. Saavedra Company Anniversary "You look amazing Ellise" puri ng asawa sa kanya habang papasok sa building ng mga Saavedra. Dito pala ang opisina ng asawa. Hindi pa kasi s'ya nasama ni Gavin aa kompanya at ngayon nakita na nya lalo syang namangha at lalong humanga kay Gavin. Dahil nabasa nya aa business magazine na si Gavin ang nasa likod ng matagumpay na G. Saavedra Company. Kung saan mga real estate ang main focus ng negosyo. "I know" confident na sagot nya asawa. Pinagawan pa sya ng evening dress ni Gavin, na lalo nyang ikinatuwa dahil napakaganda ng evening dress, bagay na bagay sa kanya amg kulay kremang spaghetti long dress na nagpapakita ng maganda nyang katawan. Habang hindi rin maitatanggi ang kagwapuhan no Gavin sa suot nitong gray tuxedo. "You more handsome now" puri nya sa asawa. "I have to, ayoko yatang mapag-iwanan ng Misis ko" sagot nito at hinalikan sya sa pisngi. "Gavin Pare' tawag ni Mike sa may lobby ng building. Agad syang napakapit kay Gavin. "What do you wa
"What's that?" tanong ni Gavin ng linggong puntahan sya ng asawa sa kusina. Nagluluto kasi sya ng masarapa beff steak, balak nyang ihatid sa bahay ng mga magulang ni Gavin. Ilang araw na rin kasi mula ng pumasyal sila sa bahay ng mga Saavedra, at ramdam parin nya ang malamig na pakikitungo ng ama ni Gavin sa kanya. At nais nyang mapalapit rito, kaya naman pinagluto nya ito. Nasabi kasi ng Mama ni Gavin na mahilig da beff steak ang ama ni Gavin. Kaya naman sinubukan nyang gawin ang recipe ng Mommy nya."Beff steak para sa Papa mo" nakangiting sabi nya sa asawa, habang sinasalin ang nalutong pagkain."Kay Papa?" tanong nito at lumapit sa kanya. Agad nyang naramdama ang kamay ng asawa na pumulupot sa bewang nya, at pinatong ang baba nito sa balikat nya. Tila itong batang naglalambing."I love you so much Ellise" bulong nito at hinalikan sya sa leeg."I love you too, Mr. Saavedra" sagot nya."Pero mamaya na ang lambing, tapusin ko na muna ito para maihatid
Ellise POV"Pwede ba tayong dumalaw kina Mommy't Daddy Gavin?" tanong nya sa asawa, habang nakahiga sa kama at nakaunan ang ulo nya sa braso ng asawa.Kakatapos lang ng love making nila, at hindi nya mabilang sa mga daliri kung ilang beses syang sinabihan ng I Love you ni Gavin. At alam nyang mapapadalas pa ang pagsasabi ng asawa sa kanya ng I love you."You want to visit them?""Yes, matagal-tagal na rin mula ng huli ko silang makita at namimiss ko na rin ang mga kapatid ko" sagot nya. At nais din nyang ibalita sa Mommy nya kung gaano kasaya ang marriage life nya."Ok, let's us visit them now" sagot ni Gavin."Really?" masiglang tanong nya at tiningala ang gwapong asawa."Yes" sagot nito at mabilis syang hinalikan sa mga labi. Napapikit sya at gumanti ng halik sa asawa. Nang naramdamang gumagapang ang kamay ng asawa, agad nyang binawi ang mga labi rito. Baka kase hindi na sila makaalis nito para pumunta ng San Miguel."We can do
Gavin's POV"What did you just say?" tanong nya kay Ellise ng maunawaan ang sinasabi nito. Tila nawala ang kalasingan nya sa sinabi ni Ellise. Tama ba ang narinig nya? tama ba ang intindi nya sa sinabi ni Ellise mahal na sya nito? mga tanong na gumugulo sa isipan nya. Habang nakatitig sa mga mata ng asawa na mababakasan ng lungkot at pangamba."I said I love you Gavin" sagot nito sa kanya. Ano bang isasagot nya?Kagabi iniwan nya si Ellise nagpunta sya sa Bar ng kapatid, nagpakalango sya sa alak. Nais kasi nyang magkaroon ng lakas ng loob para maamin kay Ellise ang lahat, ngayon eto sya't kaharap ang napakagandang asawa ay tila natatameme sya, bakit tila nawala ang kalasingan nya at lakas ng loob nya para aminin kay Ellise ang totoong damdamin nya? Paano nya sisimulan ang pagpapaliwanag ng lahat kay Ellise. Lalo na ngayong umamin na sa kanya ang asawa na mahal sya nito.Kagabi nakausap nya ang kapatid nyang si Gab. At ayon sa kapatid kahit hindi pa daw
Pagdating sa bahay, padabog syang bumaba ng sasakyan at nagtuloy pagpasok sa loob ng bahay."Ellise" tawag sa kanya ni Gavin. Pero nagtuloy sya sa pagpasok sa bahay at umakyat sa mataas na hagdan. Magmamatigas sya hangga't hindi umaamin sa damdamin nya si Gavin. Ipapakita nya rito kung gaano katigas ang ulo nya kung hindi ito aamin na may damdamin din ito sa kanya. Hindi sya tanga o manhid para hindi maramdaman na kahit papano may damdamin sa kanya si Gavin. Marahil ang mga kaibigan nito ang tingin kay Gavin ay walang puso dahil ang mahalaga rito ay ang negosyo nito, kung paano ito magiging katulad ng ama nito pagdating sa negosyo. Pero para sa kanya iba at kung mali man ang iniisip nya handa syang masaktan. Handa nyang tanggapin ang katotohanan."Ellise!" tawag ni Gavin sa kanya ng makapasok na ito sa silid nila."What?!" inis na hiyaw nya at masamang tingin ang pinukol nya rito."Will you stop acting like a child!""Acting like a child? sa tingi
Mahigpit ang hawak sa kanya ni Gavin habang naglalakad papunta sa silid nila."Gavin" tawag nya rito. Pero nagtuloy lang ito sa paghila sa kanya hanggang sa makarating sila sa kwarto."Gavin!" inis na sabi nya sabay bawi sa braso nyang hawak nito."What?!" galit na tanong nito at liningon sya."Anong ibig sabihin non ah? anong ibig sabihin ng mga sinabi mo kay Mike?" lakas loob na tanong nya. Nais nyang malaman ang totoo, may karapatan syang malaman ang totoo."Anong ginagawa mo sa labas Ellise? at bakit wala ka sa silid ni Mia?" galit na tanong nito."Sagutin mo muna ang tanong ko!" inis na tanong nya at tinulak ito sa dibdib. Hindi man ito natinag."Answer my damn questions first Ellise?!" sigaw nito. Napapitlag sya at wala sa loob na napa atras. Napalunok sya at nag-iba naman ang aura ni Gavin ng makita ang gulat at takot sa kanya."Lumabas ako sa dahil, dahil...Hindi ko gusto ang pang iinsulto sa akin ni Sabrina" sagot
"What are you doing here alone?" tanong ni Mike habang palapit sa kanya. Nagkibit balikat sya. Katatapos lang ang bangayan nila ni Sabrina at ngayon naman eto naman si Mike. Kailan ba matatapos ito?"Alam ba ni Gavin na narito ka?" tanong nito. Nanatili syang hindi kumukibo. Liningon nya ang paligid. Nais sana nyang masolo ang ganda ng gabi, pero mukha hindi nya magagawa yon dahil sa presensya ni Mike."Aakyat na ko" sabi nya at lalagpasan na sana nya si Mike ng pigilan sya nito sa braso."Not so fast Mrs. Saavedra" nakangising sabi nito at nagbuga ng usok sa mukha nya. Agad nyang binawi ang braso mula kay Mike at umatras ng ilang akbang para makalayo rito."Why don't you join me, kahit ngayong gabi lang. Tutal busy naman si Gavin ngayon, and hindi naman nya malalaman pa" nakangising sabi nito. Habang papalapit sa kanya. Nais nyang pagsisihan ang paglabas ng silid ni Mia. Mas kaya naman yata nyang harapin si Sabrina kesa kay Mike."No, thank you!" marii
Kinagabihan pinuntahan sila nina Jerry at Mia sa room nila, para yayahin sa Bridal shower para sa kanya at Bachelor Party naman kay Gavin. Nahihiya naman tumanggi si Gavin. Dahil sa nangyari kanina sa Balcony nawala na sa mood si Gavin. Gusto na nga nitong umuwi kanina, pinigilan lang nya, dahil nakakahiya sa mga kaibigan nito. Sinabihan nalang nya ang asawa na huwag nalang pansinin ang pang-aasar ni Mike. Pumayag naman itong mag stay pa sila basta iwasan daw nya si Mike. Kahit hindi naman sabihin ng asawa yon ay iiwasan talaga nya si Mike. Dahil nakakaramdam sya ng takot mula kay Mike, ayaw nya ang mga titig nito sa kanya, tila sya minamanyak nito kung titignan. Pero hindi na nya sinabi kay Gavin yon baka kung ano pa ang gawin ng asawa."A-aattend kame" sagot ni Gavin sa soon to be husband and wife, bago tuluyang lumabas ng room nila."I'll wait for you Ellise" nakangiting sabi ni Mia sa kanya. Tumango sya at kumaway sa magandang babae."Let's enjoy the party toni
"Sabrina honey" tawag sa di kalayuan, si Mike at naglakad ito palapit sa kinauupuan nila ni Sabrina. Nakita nanaman nya ang ngising manyak ni Mike at kinikilabutan sya. Sinulyapan nya si Gavin sa kabilang mesa at nakatingin ito kay Mike na papalapit sa mesa nila."Inoorient mo na yata si Mrs. Saavedra?" nakangising tanong Mike ng makalapit sa kanila at naupo sa bakanteng upuan sa tabi nya. Hindi nakaligtas sa kanya ang malisyosong pagsuri ni Mike sa kanya, lalo na ng magtagal ang mga mata nito sa may hita nya. She want to cover herself. Iba ang takot na nararamdaman nya kay Mike."Sinasabi ko lang kay Mrs. Saavedra kung gaano sya ka swerte sa asawa nya" taas kilay na sagot ni Sabrina."Well, Gavin Saavedra is really a good man. He is a beast pagdating sa negosyo, pero mahina pagdating sa babae, naiiputan sya sa ulo" sagot ni Mike sabay tawa, tawang demonyo. Alam naman nya ang ibig nitong sabihin, ito at si Sabrina ang nang ipot sa ulo ni Gavin. Bumuntong h