ILANG SAGLIT ding naghintay sa labas ng elevator na nasa car park si Garett bago tuluyang lumitaw si Iris. Kunot-noong tiningnan niya ito bago walang kibong humakbang patungo sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa shotgun seat at hinintay itong makapasok bago iyon isinara. Umikot siya patungo sa driver's side at wala pa ring kibong binuhay ang makina ng kotse.
Habang nasa byahe ay tahimik lang si Garett habang panay naman ang sulyap sa kanya ng katabi. Hindi na lang niya ito pinapansin at minabuting itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho.
Palabas na sila ng Seventh Stone nang magsalita si Iris.
"Aren't you going to say sorry to me?" kunot-noong untag nito kay Garett na tinugon lang ng sulyap ng lalaki. Blangko ang mukha nitong ikina-inis ni Iris. "Aren't you going to say something? Wala naman sigurong mawawala sa iyo kung magsasalita ka, hindi ba?" tuloy-tuloy na turan niya sa lalaki.
"I'm not in the mood to talk." malamig na turan ni Garett ditong ikinasimangot naman ni Iris.
"Why are you so arrogant?!" sikmat ni Iris sa lalaki.
Madilim ang anyong nilingon ni Garett si Iris at muli ring itinuon ang pansin sa pagmamaneneho.
"Ganyan ka ba talaga ka-arogante? Ano bang kasalanan ko sayo?"galit na patuloy ni Iris.
"And, why are you so loud and noisy?" inis na balik-tanong naman ni Garett sa babae.
"Alam mo bang nakakainis ka? Napaka-arogante mo. Ang yabang-yabang mo. Akala mo naman—" natigil si Iris sa pagsasalita nang biglang itigil ni Garett ang sasakyan nito. Muntik pang sumubsob sa dashboard si Iris kung wala lang itong suot na seatbelt.
"Get out of my car!" Mahina ngunit may diing ani ni Garett kay Iris na ikinatanga ng namimilog ang mga mata babae.
Shock was written on her beautiful face.
Ilang sandali itong nakatunganga sa lalaki at kumurap-kurap ang mga mata. "W-what?" tila wala sa sariling tanong ni Iris. Baka-sakaling mali lang siya ng dinig.
Oo...
"I said get out of my fuckin' car!" madilim ang anyong ulit ni Garett.
Ilang sandali nakatitig lang si Iris sa lalaki nang muli itong sumigaw na ikinagulat ng dalaga.
" Get out—now!"
Mabilis na binuksan ni Iris ang pinto sa kanyang tabi at nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Tinapunan niya ito ng hindi makapaniwalang tingin bago tuluyang isinara ang pinto. Mabilis namang pinasibad si Garett ang kalayo palayo. Hindi makapaniwalang sinundan na lang ng tanaw ni Iria ang papalayong sasakyan. Napakawalang-hiyang lalaki. Nasaan ang manners nito? Tama bang iwanan siya nito sa gitna ng daan? Ano na ang gagawin niya ngayon?
Lalo pang nainis si Iris nang maalalang naiwan niya ang dalang bag sa sasakyan ng sira-ulong lalaki. Paano niya matatawagan si Xien ngayon? Naku, humanda talaga sa kanya ang lalaking iyon.
Ilang saglit na siyang nakatayo sa gilid ng kalsada habang mukhang tangang nag-aabang ng p'wedeng mahingian ng tulong.
"Did he really left me here?" hindi pa rin makapaniwalang bulong ni Iris sa sarili. "That arrogant jerk, argh!" inis siyang napapiksi at naipadyak ang kaliwang paa bago patamad na sumalampak sa gilid ng kalsada.
What now? She's in the middle of a towering trees at hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Help, please...
Ilang saglit pa ang lumipas at inip na inip na si Iris habang umaasa na may dadaang sasakyan sa bahaging iyon nang sa wakas ay may matanaw siyang paparating. Kaagad na tumayo ang dalaga sa gilid ng kalsada at kinawayan ang paparating na sasakyan. Huminto naman ito sa mismong harapan niya at mula roon ay sumungaw ang ulo ng isang pamilyar na lalaki.
"Miss Iris, sumabay na kayo sa akin," turan nitong nakapaskil sa mga labi ang matamis na ngiti.
"You know me?" kunot-noong tanong ni Iris sa lalaki na itinuro pa ang sarili habang pilit na inaalala kung saan nga ba niya ito nakita.
Ngumiti ito at napakamot sa tungki ng ilong. "Yes, Miss Iris. I'm Zeth, taga Black Forest ako," tugon nito.
Pagkarinig ng Black Forest ay kaagad na nagliwanag ang mukha ni Iris at ngumiti nang matamis sa kaharap. " P'wede bang makisabay? Doon din ang punta ko, eh," turan niyang kaagad naman nitong tinugon ng tango.
Mabilis na lumulan sa sasakyan si Iris at nanatiling tahimik sa b'yahe. Natatakot siyang magsalita at baka mapalabas uli siya ng sasakyan. Nang makarating sa mansyon ng mga Hunt ay kaagad siyang humanga sa pre-modern design nito. Kaagad niyang natanaw si Xien na malapad ang ngiti at nagmamadaling naglalakad palapit sa kanya.
"Iris, thank you for coming," turan nito nang tuluyang makalapit at kaagad na humalik sa pisngi niya.
Tinugon ito ni Iris ng matamis na ngiti at humalik din sa pisngi nito. Habang iginigiya siya nitong papasok ay kaagad niyang binanggit ang ginawa ni Garett sa kanya. Panay naman ang hingi nito ng paumanhin dahil sa ginawa ng lalaki. Pinaupo siya nito sa sala at nagpahanda ng meryenda bago tuwang bumaling sa kanya.
Nasa kalagitnaan na sila ng pag-uusap nang biglang bumungad ang lalaking kinaiinisan niya sa pinto ng sala. Saglit itong natigilan nang makita siya ngunit kaagad nagbawi ng tingin at bumaling sa katabi niyang si Xien. Bahagya niyong ikiniling ang ulo sa Luna.
"Luna," bati nito.
"Garett Godfrey, what did you do?" seryosong tanong ng katabi niya.
Napabuntong-hininga si Garett pagkuwa'y saglit na sumulyap sa gawi ni Iris." I'm so sorry about that, Luna," turan ng lalaking muling napasulyap sa dalagang nakasimangot.
"Huwag ka sa akin magsorry," malamig na tugon ng Luna.
Saglit na natigilan ang lalaki pagkuwa'y umiling. " No. I'm not gonna ask any forgiveness from a human like—"
Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil mabilis itong nilapitan ni Iris at tinuhod.
"Damn you!"galit na sigaw niya sa mukha nitong namimilipit sa sakit habang sapo ang kinabukasan nito.Matalim ang mga matang tiningnan ni Garett si Iris at iniangat ang kamay ngunit kaagad din iyong ibinaba nang makita niya ang takot na bumakas sa mga mata ng babae.
"Fuck!" angil nito bago tumalikod at paika-ikang lumabas ng mansion.
"Ouch, that hurts," turan ng isang lalaking bagong dating.
Napalingon naman si Iris at napatitig sa bagong dating. His golden hair was tied on his back na nakadagdag sa misteryosong anyo nito. Ang mga mata nito ay kulay berdeng kasing tingkad ng kagubatan. Maputla ang kulay ng balat at matangkad. Katamtaman ang laki ng katawan na bumagay naman dito.
"Kuya Matte!" tuwang bati ni Xien sa bagong dating.
Matamang pinagmasdan ni Iris ang bagong dating na yakap si Xien nang mabaling ang pansin niya kay Garett na padarag na dumaan sa harap nila. Kaagad siyang napasimangot.
Hmp, antipatiko talaga. Nakakainis!
"HEY, DUDE!" nakangising untag ni Finn kay Garett na tahimik lang na nakaupo sa single sitter sofa sa salas ng mansyon ng mga Hunt.Kunot-noong tinapunan ni Garett ng nagtatanong na tingin ang Beta ngunit hindi siya nag-abalang tugunin ang pagbati nito. Kilala na niya si Finn. Tiyak na wala na naman itong magawa kaya naghahanap ito ng p'wede nitong pagbalingan ng atensiyon. At kagaya ng madalas mangyari ay siya na naman ang nakita nito.Muling ibinalik ni Garett ang atensyon sa. nilalarong online game ngunit tila wala yatang balak si Finn na tigilan siya dahil muli itong nagsalita."I heard the news," muling sambit nitong umupo pa sa tabi ni Garett. "I love her guts, huh. Imagine, nagawa niyang ilagay sa panganib ang kinabukasan mo." naiiling pang dugtong nito bago pumalatak.Tumiim ang anyo ni Garett. Ibinaba niya ang hawak na PS4 at tiningnan nang masama si Finn ngunit sa huli ay pinili niyang
"HAPPY BIRTHDAY, pretty!" nakangiting bati sa kanya ng lalaki.Kaagad siyang napangiti nang malapad pagkuwa't inismiran ito."Yeah, right—" tugon niyang sinundan pa ng isang irap.He cutted her off and smiled sweetly."C'mon, don't spoil my surprise," natatawang turan nito bago siya hinawakan sa kamay at hinila."I'm not gonna be surprised anymore..." nakangising sagot niya rito na ikinatawa nito nang malakas.BIGLANG NAPADILAT si Kesha nang maramdaman niya ang malakas na pagyugyog sa kanya ng kung sino. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito nang saglit siyang natigilan ngunit nang makilala niya ang kaharap ay kaagad siyang nakahinga nang maluwag."Zyrone," bulong niya sa bahagyang paos na tinig."What's wrong? Nightmare again?" tanong nitong kaagad na umupo sa kanyang tabi.
Pagpasok ni Iris sa loob ng kanyang opisina ay kaagad niyang ibinuhos ang lahat ng kanyang sama ng loob kay Garett. Pabagsak siyang umupo sa kanyang swivel chair at doon umiyak nang umiyak."Ang sama ng ugali niya!" puno ng galit na usal ni Iris habang pilit na pinupunasan ang mga luhang walang tigil na umaagos mula sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. "Bakit ba ganoon na lang niya ako kung tratuhin? Ano naman kung isa lamang akong hamak na tao? Does it evenn define my personality?" patuloy niyang himutok sa pagitan ng mga hikbi.Napatigil si Iris nang biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng kanyang maliit na mesa. Dinampot niya iyon at tiningnan kung sino. It was the Luna of Black Forest territory.Kaagad na pinunasan ni Iris ang mga luha at tumikhim nang mahina para alisin ang bara sa kanyang lalamunan."Hello," bati niya rito pagkaraang sagutin ang tawag."
Garett growled again at kusa nang yumukod si Juancho. Pagkuwa'y paatras na humakbang paalis at tinungo ang sasakyan nito. He submitted to him. Kaagad namang nilapitan ni Garett si Irene at nag-aalalang hinawakan ang nagduro nitong braso. "Damn! Are you hurt?" puno ng pag-aalalang tanong nito sa babaeng tila namamalikmatang napasunod ang paningin sa papalayong si Juancho. Umirap muna si Iris dito bago sumagot. "Kailangan mo pa bang itanong 'yan? Isn't it obvious?" tugon niya ritong bahagya nang napangiwi dahil saka pa lamang niya naramdaman ang kirot na dulot ng sugat sa kanyang braso. Napakamot naman sa ulo si Garett at umiwas ng tingin si Iris. Yumuko siya at sinipat nang mabuti ang braso ni Iris na patuloy sa pagdugo. Napatitig naman si Iris sa lalaki at bigla siyang natigilan nang makaramdam ng biglaang kaba. Ngayon lang niya natitigang mabuti si Garett. Umabot sa batok nito ang alon-along buhok na tila kay lambot
"MANANG, si Zyrone po?" tanong ni Kesha sa matandang nakita niyang nagliligpit sa kusina.Tuloy-tuloy siyang humakbang para kumuha gatas sa ref at nagsalin sa mataas na baso."Nasa pool side, iha. May bisita," tugon nitong tuloy-tuloy sa pagliligpit at hindi na nag-abalang lumingon kay Kesha.Nangunot ang noo ni Kesha at kaagad na ibinaba ang hawak na baso."Bisita? Ang aga naman yata." takang sambit ni Kesha sabay tingin sa relong pambisig.Alas- nuebe pa lang ng umaga.Humakbang si Kesha palabas ng kusina at nagpasyang pumunta sa pool side para alamin kung sino ang bisita ni Zyrone. Sa back door na siya dumaan dahil mas malapit iyon sa swimming pool. Kung sa main door kasi siya dadaan ay kailangan pa niyang umikot.Pagkalabas ay lumiko siya sa gruto at kaagad niyang natanaw ang swimming pool kung saan naroroon si Zyrone na nakau
MAAGA pa lang ay nasa Café na si Iris at naghanda ng gagawin niyang cake para kay Luna Xien. Napangiti pa siya nang sabihin nitong igawa niya raw ito ng marble cake na may cherry toppings. Magpo-propose na raw ito kay Cadmus. At nang tanungin niya ito kung nasaan ang singsing, ayaw daw nito ng singsing. Hikaw raw ang gusto nitong ibigay sa alpha.Napailing siya dahil sa alaalang iyon. Weird din talaga minsan ang Luna ng Black Forest at may pagkabugnutin.Nang masigurong maayos na ang lahat ay nag-ayos na rin siya ng sarili. Ayaw niyang mangamoy harina at pawis pagdating ng kaibigan mamaya at ng mga kasama nito. Mahalaga para sa kanya ang pagiging maayos at presentable palagi.Iris chose to wear a high rise cigaritte jeans and a black fitted sando topped with denim jacket. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok na bahagya niyang ikinulot kanina bago umalis ng condo. A signatured white skitchers on her feet and she's off to go.
"NOTHING, just eat." turan ni Iris kay Garett na ikinagulat nito.Buong pagkamanghang ilang sandaling napatitig si Garett sa katabing babae na bahagyang nakangiti habang hawak sa kamay ang cherry na kinuha nito sa ibabaw ng cake. Bahagya ring umawang ang kanyang mga labi habang sa mga mata ay bakas ang sandaling pagkalito dahil sa inakto ni Iris. Mas lalo pa siyang nabigla nang isubo sa kanya ng babae ang cherry nang tila mapansin nitong wala siyang balak na tanggapin ang pagkain. Tila naman may sariling isip ang mga bibig niyang kusang bumuka at tinanggap ang isinusubo ni Iris na tuluyang nagpangiti nang maluwag sa babae.Parang tangang patuloy lang na nakatitig si Garett kay Iris habang nasa loob ng bibig nito ang prutas na isinubo ng babae.Nangunot ang noo ni Iris bago sumimangot sabay irap."Chew it..." Turan ni Iris kay Garett sabay pisil ng babae ng lalaki para itikom ang mga bibig nitong nakaawang pa rin dahil sa pagkagul
NANGUNOT ang noo ni Iris nang mapansin niyang iba ang silid na kanyang kinaroroonan. Sandali siyang napaisip at kaagad na napangiwi nang may maalala. Nasa mansion nga pala siya ng mga Hunt sa Black Forest pansamantalang tumutuloy ngayon. Ayaw pumayag ni Luna Xien na magstay siya sa condo niya pagkatapos ng nangyari kahapon. At hindi rin pumayag si Garett na pumunta sa Café hangga't hindi nito nalalaman kung sino ang nagpadala ng package na iyon sa kanya.Napangiti si Iris nang sumagi sa kanyang isipan si Garettt. Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya pero hindi rin niya maitangging natutuwa siya sa nangyayari. There was something inside her that she can't understand yet but only one thing is for sure—she's happy.Mabait naman pala si Garett basta wala lang sumpong. Ramdam niya ang labis na galit nito kahapon gayun din ang pag-aalala sa kanya lalo pa't nanginginig siya sa s
Natitigilang napatitig si Garett sa bagong dating na dalaga hanggang sa mapako ang mga mata niya sa namumugtong mga mata nito. Tumiim ang kanyang anyo kasabay ng pakiramdam na parang dinukot ang puso niya nang makita ang sakit at pagdaramdam mula roon. Was it because of him? Akmang lalapitan niya ito nang bigla siyang matigilan. What was that smell? Si Matte ba ang naaamoy niya? Fuck! Garett sniffed the air once again. All he could smell is Matte and damn, an unfamilliar smell lingers on his nose down to his nostrils. He looked at her seriously ngunit saglit lang itong sumulyap sa kanya. Mas lalo siyang nabigla nang sabihin nitong pumapayag na itong magpakasal kay Bren Anton Falcon. Hindi pa siya tuluyang nakakabawi sa pagkabigla ay siya namang pagbungad sa pinto ng isang lalaking naka-itim na damit na pinatungan ng comouflage jacket. Comouflage din ang suot nitong pang-ibaba at combat shoes sa paa.Naningkit ang mga mata ni Garett at naikuyom niya ang kanyang mga kamay. He growled f
PAGKATAPOS makausap ni Irish ang kababatang si Anton para magpasundo gamit ang chopper ng third batallion ay umupo siya sa harap ni Luna Calla na tahimik lang naman na nakatingin sa kanya. Bukas pa raw mababakante si Anton dahil nasa kalagitnaan ito ng misyon kaya kailangan niya munang magpalipas ng gabi sa mansyon ng mga Hunt. Huminga ng malalim si Irish at pilit na nginitian ang kaibigang Luna."I'm so sorry about my sudden outburst a while ago. It's just that, I'm so pissed off and I don't know where to stand and what to think anymore," hinging-paumanhin niya sa Luna.Alam niyang hindi niya dapat na ibinuhos dito ang lahat pero hindi niya napigilang ilabas ang lahat ng galit at tampo. Ngumiti si Luna Calla sa kanya na tila ba nauunawaan nito ang pinanggagalingan niya."It's okay. No harm done," "Darating si Anton bukas. Please, allow him to land in the platform," pakiusap niya.May helipad sa Black Forest na walking distance lang mula sa mansyon at kailangan niyang hingiin ang pah
PAGKATAPOS masigurong maayos na sina Matte at Marckuz ay nagpasama si Irish kay Lexter sa bahay ni Garett para kumuha ng ilang bihisan. Nawawala pa rin si Tyra at nais ni Alpha Cadmus na doon na muna siya sa mansyon para masiguro ang kanyang kaligtasan. Iyon din ang bilin ni Garett kaninang bago ito umalis. Dahil kung mayroon mang babalikan si Tyra, siguradong siya iyon.Dumating si Alpha Cadmus kanina at sumaglit lang sa mansyon dahil kaagad din itong pumunta sa Detention Cell. Nagbilin itong huwag siyang umalis mag-isa dahil delikado hangga't hindi pa nahuhuli si Tyra. Nang tanungin niya ito kung nasaan si Garett ay sinagot siya nitong may inaayos lang daw.Marami siyang gustong itanong ngunit tila hindi ito ang tamang pagkakataon para roon. Alam ni Irish na may nangyayaring ayaw ng mga itong malaman niya. Kinakabahan man dahil sa mga ikinikilos ni Garett sanakalipas na isang linggo ay mas pinili na lamang niya
KASAMANG umalis ni Garett si Alpha Cadmus patungo sa napagkasunduan nilang lugar ni Juancho para magtagpo. Papunta sila sa Hunter's village kung saan nakatira si General Archer. They need to talk to him dahil ayon sa napag-alaman ni Cane ay walang alam itong sa nangyaring pagsalakay ilang taon na ang nakakaraan. Malinis ang pagkakagawa ng lahat at magaling ang mangkukulam na nakuha nina Zyrone at Renzo dahil nagawa nitong palabasing nawawala silang magkapatid na isang malaking tanong para sa kanila. Paano nila nagawang paniwalain ang lahat nang ganoon na lang? At ang sinasabing ama ni Ruru o Kesha Corbin ay dating opisyal ng mga hunters. Umalis ito sa serbisyo ilang taon na ang nakakaraan dahil hindi na daw ito akma para sa trabaho nito bilang hunter.Anong klase ng magic ang ginawa nila para magawa ang lahat nang ito? And they need to find the witch pero kailangan muna nilang makahingi ng tulong sa General pa
Matamang pinagmasdan ni Garett si Irish bago masuyong hinaplos ang mukha nito. "I love you, hon," buong pagmamahal na usal niya habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa mukha ng babae."I love you too," she answered and with that, Garett leaned down and claimed Irish's lips.Garett combed Irish's hair using his hand while continously kissing her. He passionately slid his tongue inside her mouth as she opened it as he started cupping her breast that made her moan and call for his name. Napasimangot pa si Garett dahil sa damit na suot nito at panloob na nakaharang. Ang daming istorbo. He caress her breast, massage it while kissing her and kissed her down to her jaw; up to her ear and slightly bit her earlobe. He sucked it and lead his kisses down to her neck 'til he found her collarbone. His canines lenghten
Pagkatapos nilang mag-usap sa opisina ay sa Quantum Leap napadpad si Garett kasama si Juancho at s Alpha Cadmus. Tumuloy ang Alpha sa opisina nito samantalang pinili naman nila ni Juancho na umupo sa pinakasulok na bahagi ng club. "Bakit mo inatake si Irish?" tanong ni Garett sa kababata pagkatapos sumimsim ng alak at kunot-noong tinitigan ito.Nang gabing atakehin nito si Irish ay nagulat sii Garett sapagkat hindi ganoon ang Juancho na kilala niya. Hindi ito umaatake nang walang dahilan lalo na kapag babae. The Juancho that he used to know was kind and passionate. Sa ilang taong nawalan sila ng komonikasyon ay ang laki ng ipinagbago nito. Was it because of his twin sister? And speaking of Ruru, they'll be together again soon. "That human!"
JUANCHO silently dried his tears using his hands while staring on the photo that was lying on the top of his table. Masayang- masaya ito sa larawan at kitang-kita ang kislap ng mga mata nito. This picture was taken a day before her birthday. Garett, her twin brother who was the new Alpha of Ambrose pack and him, planned on giving her a birthday party kasama ang mga kaibigan nito. Garett was born an hour before her birthday. Magkaiba ang birthday ng dalawa dahil isinilang si Garett bago mag-alas dose ng hating-gabi samantalang ang kakambal nito ay lumabas bandang alas-dos na ng madaling-araw.And on the day of her birthday, sa kalagitnaan ng kasiyahan ay biglang nagkaroon ng kaguluhan. She was abducted by the Alpha's friend. Nagkaroon ng matinding labanan dahil nahati ang Ambrose pack. Renzo, Garett's own brother attacked them. Juancho was the Gamma that time. Hin
PAGKATAPOS ng gabing iyon sa bar ay halos hindi mahagilap ni Kesha si Zyrone dahil abalang-abala ito kasama si Renzo. Madalas man si Renzo sa bahay ni Zyrone ay hindi pa rin palagay ang loob niya sa lalaki. There's this odd feeling na nagbibigay sa kanya ng hindi maipapaliwanag na kaba. Hindi niya mapangalanan ngunit hindi siya mapalagay tuwing nasa paligid ang lalaki.Muli ay sumagi sa isipan ni Kesha ang lalaking nakita niyang kaharap ni Zyrone at Renzo sa labas ng comfort room sa bar na pinuntahan nilang tatlo. Hindi niya alam ngunit may pakiramdam siyang kilala niya ang lalaking iyon. And what bothers her more was when he called her 'Ruru'. And she cannot forget the pain and the longing that she saw in his eyes. Sino ang lalaking iyon? Napahawak siya sa ulo nang muling makaramdam ng kirot. Sumasakit ang ulo niya tuwing pinipilit niyang alalahanin kung sino ang lalaking iyon. It's been a week at s
"WHOA, ang ganda yata ng ngiti natin ngayon, dude. Iba na talaga kapag in love," nakangising pansin ni Finn sa kay Garett.Kasalukuyan silang nasa training ground kung saan nila sinasanay ang mga miyembro ng pack na gustong maging warrior. Nilingon ni Garett ang Beta at tinaasan lang ng kilay bago muling itinuon ang pansin sa mga nagsasanay. They're all doing good so far."Alright, dismiss!" sigaw niya sa mga ito na mabilis namang nagsitigil sa pag-ensayo.Tumalikod siya at dinampot ang damit na nakalapag sa isang upuang na naroroon at isinuot iyon."Nagmamadali ka yata?" tanong ni Finn na hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngisi sa mga labi.Garett rolled his eyes and faced the Beta."Don't be so annoying, bro. Ang ganda-ganda ng araw ko ngayon eh," naka-ismid niyang turan dito bago tuluyang tinalikuran.Malayo-layo na si Garett nang marinig niyang sumi