Share

Kabanata 034

Author: twinkle star
last update Huling Na-update: 2025-01-26 06:17:34

Sa sobrang takot ni Charles, nanginig ang kanyang katawan at nanlaki ang kanyang mga mata. "Ano ang ibig mong sabihin Mr.Luigi ? Hindi ba para sa amin ang sinabi mo?!"

"Ano bang iniisip mo? Nabagok ka ba sa ulo?" Matalim na tinitigan ni Luigi Ayala si Charles nang walang pag-aalinlangan, "Paanong makakapagsalita ako para sa inyo, mga huwad!"

Sa mga sandaling iyon, si Damian, na hawak pa rin ni Hector, ay pinagpapawisan nang husto at ramdam ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Sino kaya ang taong ito na kayang kontrolin ang pinakabatang tagapagmana ng mga Ayala, isa sa apat na pinakamakapangyarihang pamilya?

"Pwede bang malaman kung sino itong tao na sobra mong pinahahalagahan Mr.Luigi?" tanong ni Damian nang maingat, nagbabakasakali.

Sandaling sinipat ni Luigi Ayala si Damian, pero mabilis niyang naalala ang mga sinabi ni Renz . Hindi niya pwedeng hayaan na masira ang reputasyon ni Hector, kaya't tumugon siya nang mahinahon,

"Ah, nagkakilala lang kami dahil sa isang business n
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 035

    HECTOR POVHindi tulad ni Charles, si Anne ay hindi nagpapakita ng interes na makipag-daupan sa mga mayayaman. Matapos mag-isip ng sandali, tumayo si Anne at seryosong sinabi: “Isa pa, kahit wala nang kapangyarihan ang asawa ko ngayon, mas matanda pa rin siya sa iyo. Kung ayaw mo siyang tawaging Kuya, tawagin mo na lang siyang Mr. Valderama, magpakita ka pa rin ng paggalang sa asawa ko!” Nang marinig ko ito, bahagyang lumitaw ang paghanga sa aking mga mata, nakaramdam ako ng pagkakilig na kailangan kong itago pansamantala. Sa isip ko ay napapatawa ako, hindi ako nagkamali sa babaeng napili ko, napakaswerte ko kay Anne. Siya ang tipo ng babaeng papangarapin mo hindi lang dahil sa sex kundi dahil sa kabutihan ng puso niya! Talagang kakaiba siya sa karaniwang kababaihan! At ang mga salitang iyon na handa akong protektahan kahit na sabihin na wala ako sa kalimitang standard ng mga kababaihan ay handa pa rin niya akong protektahan, ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya ngayon. Piniit ni

    Huling Na-update : 2025-01-27
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 036

    Naintindihan ni Damian ang ibig sabihin ni Luigi, kaya hindi na siya gaanong natakot. Sinulyapan niya ang mga bodyguard sa likuran niya—tatlo sila! Samantalang ako na tinatawag niyang baldadong asawa ni Anne ay mag-isa lang, kaya nakakangiti pa ang baboy na to sa harapan ko na animo’y lamang siya. Ipinagpatuloy niya ang pagkain ng mga putahe sa mesa nang may kasiguruhan. “Sabihin mo, ano ba ang kailangan mo sa akin? Kung balak mo akong kikilan ng pera, wala kang mapapala. Hindi pa ako…” Bago pa siya matapos magsalita, tiningnan ko siya at agad na lumapit si Renz. Isang malakas na “klik,” at nadislocate ang panga ni Damian. Nang may tabinging bibig, hindi na siya makapagsalita nang maayos sa sobrang sakit. Napa-tulo na lang ang kanyang laway habang naglalabas ng hindi maunawaang tunog. “Kayo… bakit pa kayo nakatayo diyan… gumalaw na kayo, dali!”Agad namang kumilos ang tatlong bodyguard at pinalibutan ako. Ngunit bago pa sila makalapit, agad silang pinabagsak ni Renz. Napahiga silan

    Huling Na-update : 2025-01-27
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 037

    ANNE POVSamantala, sa kabilang banda, matapos naming maghiwalay ng landas ni Hector, dumiretso muna ako sa banyo ng mall para umihi ng biglang pumasok ang dalawang babae na nag-uusap at nagpapayabangan habang naghuhugas ng kanilang mga kamay tungkol sa mga luxury bags.“Hay girl, ang ganda naman ng bag mo.”“Ahhh alam mo naman , ito yung European version. Hindi ka makakabili nito sa Pinas. ”“Alam mo inggit na inggit talaga ako sayo. Biruin mo araw-araw iba-iba ang bag na gamit mo. Wala na talaga akong masabi sa asawa mo, ang bait niya sayo at talagang bigay luho ka. Siguro ang laki ng allowance mo monthly. ““Syempre naman… Hindi naman ako binibigyan ni limitasyon ng aking mister pag dating sa gusto kong gastusin buwan-buwan.”Sa totoo lang wala akong interes pagdating sa mga mamahaling bag o kung sa anumang pinag-uusapan nila. Kaya naman lumabas na ako ng cubicle pagkatapos kong umihi, at ng maghuhugas na sana ako ng kamay ay nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko inaasahang makikita k

    Huling Na-update : 2025-01-27
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 038

    Agad namang tumugon ang mga tao sa grupo.“Hay naku talaga ba mare?! Yan kasing si Jennie ubod ng yabang , hindi na makain ang mga sinasabi sa kayabangan. Wag kasing kumain ng hindi naman kayang lunukin!” “Talaga? Nakakahiya naman sa halagang 500 thousand lang nagpakilala na siya kagad!”“Susme, akala mo kung sinong mayaman, palaging ipagyayabang ang mga gamit niya. Na kesyo milyon ang bili ko sa bag na to , ung bagong sasakyan na nabili niya, ung alahas na binigay sa kaniya ng asawa niya. Kahit hindi tanungin laging pabida, yun pala may mga utang” malakas na nagtawanan ang mga ito.“At ang pinaka-nakakatawa siya na mismo ang tumatawag sa sarili niya na siya ang unang asawa na nagmula sa pinakamayang pamilya, nakakadiri!”Samantalang ng makaalis ang amiga niyo ay biglang nanlamig ang mukha ni Madam Jennie at bigla akong sininghalan.“Anne, tagalang sinasadya mong ipahiya ako!” "Oo, sinasadya ko." Seryoso kong sagot “nakakatanda ka sakin noon kaya nirerespeto kita pero ngayon?! Sa dug

    Huling Na-update : 2025-01-27
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 039

    Ngumiti si Jennie, pero puno ng kahulugan ang mga mata niya, "Kung ganoon ay hintayin na lang natin kung matatalo mo ako?" Pagkatapos niyang magsalita ay nagtaas baba niya akong tinignan saka siya lumabas ng banyo na may kaparehong hitsura ng kaniyang amiga. Naghugas ako ng kamay at sinundan siya palabas ng banyo. Bago pa ako gumawa ng ilang hakbang, isang pamilyar na pigura ang sumugod sa akin mula sa banyo ng mga lalaki, at nakitang siya ay nag-iisa, at umungol ng malakas. "ANNE!” Nagulat ako, at lumingon upang makita kung sino ito, si Charles ay parang isang asong sumusugod sa aking direksyon.“Anne, alam mo bang papatayin ako ng asawa mong baldado!” Galit na galit nitong bulyaw sa akin “Sino siya at anong karapatan niyang bastusin si Damian? Ang lakas naman ng loob niya!” Sarkastiko itong tumingin sa akin at ngumiti. “Hay Anne, talagang hinahangaan ko ang kapalaran mo! Napakamalas mo talaga at puro problema na lang ang dinadala mo sa pamilya natin habang nabubuhay ka!”Tiningna

    Huling Na-update : 2025-01-27
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 040

    Narinig ito ni Mr. Sy at sinundan ang tingin ni Charles. Nakita niya si Hector na nakaupo sa wheelchair. Sa kabila ng kanyang kalagayan, kapansin-pansin ang kanyang kakaibang anyo at matikas na aura. Maliwanag na isa siyang pambihirang tao—mas gwapo pa kaysa kay Charles! Sayang lang at may problema siya sa kanyang mga binti…Kilala si Mr. Sy sa kanyang magalang na asal. Tumango siya kay Hector at magalang na sinabi, “Dahil sa tila itinadhana tayong magkita, bakit hindi tayo magsalo ng isang pagkain?”Pagkarinig nito, biglang nagbago ang mukha ni Charles at dali-daling nagsalita nang may pag-aalala, “Hindi… Hindi na kailangan. May mahalaga silang pupuntahan at kailangan na nilang umalis.”Napangiti ako at kinuha ko ang pagkakataong ito para makabawi kay Charles. Dahan-dahan akong lumapit kay Charles. “Ano, Charles, natatakot ka ba?”“A-Ako? Bakit naman ako matatakot?”Namumutla si Charles at galit akong tinitigan habang nagngangalit ang mga ngipin. “Ano bang balak mong gawin?”“Ano?”

    Huling Na-update : 2025-01-27
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 041

    “Ano...kasi…” Matapos ang saglit na pagkataranta, kalmadong ipinaliwanag ni Charles ang kaniyang side, “okay sige…Dahil wala nang hiya ang kapatid ko, mabuti pang sabihin ko na ang totoo. Hindi gusto ng Mommy ni Vince si Anne, kaya gusto ng pamilya namin na si Elaine ang tumupad sa kasunduan ng mga matatanda sa amin. Wala naman akong magagawa dahil opinyon na ito ng pamilya namin!” Tumango si Irene. “Sige, opinyon ng pamilya ninyo, wala akong pakialam diyan.” Nakangiti si Charles, ngunit narinig niya muli ang kalmadong boses ni Irene. “Pero gusto kitang tanungin, kayo ba ang nagplano para i-frame si Anne at itulak siya kay Damian?” “Ah...” Napalunok si Charles, halatang naipit sa sitwasyon, ngunit nilapitan niya si Irene, marahang hinawakan ang mga braso nito, at nagpaliwanag, “Baby, komplikado talaga ang bagay na ito. Bukod pa riyan, hindi rin naman mabuting tao si Anne.” Habang nagsasalita, tumingin siya kay Hector. “Tingnan mo, pati ang isang may kapansanan, hindi niya pi

    Huling Na-update : 2025-01-28
  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 042

    THIRD PERSON POV Pagkatapos ng kanyang sagot, biglang narinig ang isang malakas at baritonong boses mula sa di-kalayuan. "Ano'ng pinagtatalunan ninyo?" Nilingon ni Charles ang direksyon ng boses at nakita si Mr. Sy, nakasuot ng Tang suit. Kahit hindi galit, nakakatakot ang kanyang presensya. Lumapit siya agad, nakatingin sa asawa at anak niya, handang protektahan ang mga ito. "Anong nangyayari?" Gulat pa rin si Mrs. Sy nang magsimulang magpaliwanag. "Ah, gusto niyang kanselahin ang kasunduan sa pamilya nila Charles." Habang nagsasalita, tumingin si Mrs. Sy kay Charles na may halong pagkadismaya, umiling at nagsalita nang may emosyon, " Hay Charles, alam mong palagi akong nakasuporta sayo at handa pa sanang sumuporta sa hinaharap dahil hindi na iba ang turing ko sayo. Inari na kita na parang tunay kong anak. Narinig ko rin na gusto mong makuha ang proyektong iyon. Kaya kahapon sa party ay ibinida pa kita sa mga kaibigan ko. Hindi ko akalaing magagawa mo ang ganitong kahiy

    Huling Na-update : 2025-01-28

Pinakabagong kabanata

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 316

    "Maganda kung ganun, dahil sa totoo lang wala akong kapatid na kagaya mo, kaya hindi ka na dapat nakikipag-ugnayan pa sa akin. At saka, kung gusto mong pagtawanan ako, mukhang hindi na yata yan mangyayari. Huwag mong kalimutan, Misis Valderama na ako ngayon. Kahit na bumagsak pa ang asawa ko , bilang isang Valderama ay igagalang pa rin ako sa buong Tondo!” "At saka, si Elaine, na pinakamamahal niyo, ano man ang gawin niya ay hinding hindi siya magiging Valderama."Hindi na ako nagtagal pa, in-screen shot ko ang tawag na iyon at pinatay ko diretso ang tawag ni Charles at ipinadala iyon kay Elaine."Elaine, tignan mo nga naman, si Charles mismo ang tumawag sa akin. Ang saya-saya ko!” Pagkatapos kong ipadala iyon, iniwan ko na ang cellphone ko at nagpatuloy ako sa pag-ihaw ng mga oysters.Kahit na may mga problema sa buhay, mas lalo ko nang na-appreciate ang pagiging medyo "makulit" na Anne ngayon. Iniiwasan ko na ang maging mabait at sunud-sunuran kanino man.Natigilan ako sa ginagawa

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 315

    Inisip ko na baka nakatulong na rin ang pagiging bukas ko tungkol sa aking pamilya, at baka kahit paano ay makita nila na hindi ako pabigat, kundi may malasakit din sa eskwelahan at mga mag-aaral.Pagkatapos kong magsalita, huminga ako ng malalim at napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Principal Leoncio. Hindi ako sigurado kung na-appreciate ba niya ang mga sinabi ko. Kung may naramdaman man siyang kaba kanina, ngayon ay tila nawala ito. "Sige, Teacher Anne, dahil malinaw naman ang paliwanag mo sa akin, tutulungan kita. Pero pwede bang ayusin mo ang isyu mo sa pamilya mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone ni Principal Leonci.Tiningnan niya ang pangalan sa screen, at ang dati niyang kalmadong ekspresyon ay bahagyang nagbago. Agad niyang sinagot ang tawag ng may nanginginig na boses."Hello, Sir Hector! How are you today?”Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang ‘Hector’Asawa ko ba ang tumawag sa kaniya?Paulit-ulit na sumagot si Principal Leo

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 314

    Sumunod agad ang isa pang executive ay nagmamadaling magpaliwanag."Oo, tama! Maganda nga iyan saka sa pagkaka-alam ko ang mga indgredients niyan ay organic kaya usually siyang pino-promote ng mga sikat na personalidad! Kaya din naging malakas ang item na yan. Alam ko long last iyan!” Mukhang unti-unting lumuluwag ang tensyon, pero biglang sumingit ang isang bagong executive."Tama! Hindi ibig sabihin nito na may problema si Mr. Valderama sa aspetong iyon!"Renz: ...Lahat ng nasa meeting: !!!Muling lumubog sa awkwardness sa buong paligid.Biglang tumunog ang telepono sa mesa ko at galit ko itong sinagot.Sa kabilang linya, malakas at tuwang-tuwang boses ni Direktor Manuel ang bumungad sa akin."HAHAHAHA... Hector, narinig kong hindi ka na daw tinatayuan?” Hindi ko mapigilan ang lalong magalit sa narinig ko. "Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?""Sino pa, edi ang Asawa mo! Siya mismo ang lumapit sa akin at nagtanong tungkol sa kondisyon mo. HAHAHA! Hector, kung may nangyari sa'yo

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 313

    Pagpasok ko pa lang sa loob ng principal’s office ay naglatag ng ilang picture si Principal Leoncio sa harapan ko. At ang mga picture na yun ay mga picture ko.Ang unang picture ay kuha noong araw na gusto akong hostage-in ng mga tauhan ni Papa sa harap mismo ng school.Sa isa pang picture, makikita akong nag-uutos sa mga bodyguard ng pamilya Valderama na itali ang mga taong iyon at dalhin sila sa teahouse sa kabila ng kalye kung saan naruruon ang Papa ko na nag-utos sa kanila.Sa anggulong ginamit sa kuha, nagmukha akong isang boss na matapang, may awtoridad, parang isang malaking boss sa isang mafia film.Nakita kong palihim na lumunok ng laway si Principal Leoncio , marahil ay natakot din siya..Dati, kaya pa niya akong kontrolin. Pero ngayon? Ibang Anne na ang nasa harap niya.Matagal siyang nag-isip bago maingat na nagsalita."Ganito kasi, Teacher Anne... may mga natanggap kaming reklamo mula sa maraming mga parents na may kasamang mga picture, at sinasabi nilang... nag-aalala s

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 312

    Pinisil ko ang labi ko at ngumiti nang bahagya. "Sa totoo lang Mary, mas gusto ko ang sarili ko ngayon." Tinapik ni Mary ang balikat ko saka ngumiti "Dapat matagal mo nang ginawa 'yan!" Pero sa halip na mapangiti ako, naramdaman kong may bumabagabag pa rin sa akin. Napansin iyon ni Mary at sinulyapan ako. "Bakit? Tapos na ang pinakamalaking problema mo, pero mukhang hindi ka pa rin masaya?” Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin ito. Walang kinalaman ito tungkol sa nangyari sa akin. Dalawang gabi nang kakaiba ang ikinikilos ni Hector at hindi ko maiwasang mag-alala. Dalawang beses na niya akong tinatanggihan. Sa huli, napilit din nila akong magsalita. Pagkarinig pa lang niyon, napamura si Mary. "My God! Hindi na ba tumatayo ang tit* ni Hector?” “Hindi... hindi naman, hindi ganoon ang ibig kong sabihin ano ka ba yung bibig mo talaga nakakahiya kay Mrs.Sanvictores" mabilis kong sagot at pilit na ibinababa ang ulo ko. "Okay naman siya noon..." Umiling sa akin

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 311

    "Naniniwala ako," sagot ko nang walang emosyon. "Pero alam mo naman ang ugali ni Papa, hindi ba? Tignan na lang natin kung paano ka niya paparusahan kapag nalaman niya ito." Sa sinabi ko kitang-kita ko kung paano siya napalunok at napaatras nang bahagya. Hindi na maitatago ang matinding takot sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi basta-basta palalampasin ni Papa ang ganitong usapin at kilala namin pareho kung paano magalit si Papa lalo na kung malalaman niyang iniiputan siya sa ulo ni Mama. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari dati , noong biglang yakapin ng isang baliw si Mama , halos mapatay na siya ni Papa sa bugbog. Dun pa nga lang sa bagay na hindi naman niya ginawa, paano pa kaya ngayon kapag nalaman ni Papa na ginamit niya ang pera ni Papa para ibigay sa ibang lalaki bilang tip? “Hindi. Hindi dapat malaman ni Rolando.” Matalim ang tingin na ibinigay sa akin ni Mama, ang kanyang mga ngipin ay mahigpit na nagkakaskasan habang nagsalita. "Hayop kang bata ka! Sabihi

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 310

    ANNE POV Nararamdaman ko ang bigat ng tingin sa akin ni Mrs. Sanvictores. Mababakas sa kaniyang mukha ang pakiramdam ng naaawa sa sitwasyon ko, isang emosyon na matagal ko nang hindi natatanggap mula sa kahit na sino. Pero wala akong pakialam. Hindi na ako nagulat na ganyan ang reaksyon niya. Alam kong darating ang sandaling ito. Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko-si Mama, ang babaeng dapat ay nag-aruga at pumu-protekta sa akin, pero mas pinili niyang tratuhin ako na parang hindi niya anak. Walang bahid ng emosyon sa aking mukha nang bitawan ko ang isang pangalan. "I-a-n C-a-s-t-i-l-l-o." Binanggit ko ito ng dahan dahan. Agad siyang napaurong at ang kayabangan sa kaniyang mukha ay biglang naglaho. Kung titignan ang kulay ng mga labi ni Mama ay aakalain mong nakainom siya ng napaka-raming suka. Ang kaninang naka-arko niyang kilay at labing nakataas ay biglang bumagsak. At kagaya ng inaasahan ko. Ayun na nga. Ang biglaang desperasyon sa boses ni Mama. Ang mga balukto

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 309

    Lumingon siya kina Mrs. Sanvictores at Mary.Tumango ang dalawa sa kanya, hudyat na handa na sila.Ilang saglit pa, isang tunog ng pagbukas ng kandado ang narinig.“Click.”Bumukas ang bakal na pinto ng detention center, at lumabas si Felyn na parang wala sa sarili.Magulo ang kanyang buhok, lukot ang kanyang suot na damit, at tila walang sigla ang kanyang mga mata habang naglalakad.Bago siya tuluyang lumabas, may sinabi pa ang isang staff ng detention center sa kanya.“Felyn, ngayong malaya ka na, sana naman ay maging mabuting tao ka na! Sumunod ka sa batas! Huwag mong balewalain ang isang paglabag. Kapag nilabag mo ulit ang batas, siguradong ipapadala ka ulit dito para sa administrative detention.”“Oh,” sagot ni Felyn nang walang emosyon, bago niya ibinaling ang tingin sa paligid, hinahanap kung sino ang sumundo sa kanya ang kanyang asawa ba? Si Elaine? O ang tatlo niyang anak na lalaki?Ngunit ang narinig lang niya ay ang sunod-sunod na pagbukas ng mga pinto ng sasakyan.Bang, b

  • Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle   Kabanata 308

    HECTOR POVPagdating ng gabi ay bumalik na ako sa kwarto upang maligo.Pagkatapos kong maligo ay bumungad agad sa akin si Anne.Bago pa ako makapagsalita, hinila na niya ang sinturon ng kanyang windbreaker at itinali ito sa aking leeg.Napakagat ako sa loob ng pisngi at napatingin sa kanya, ang tinig ko ay bahagyang napaos. Hinila ko siya palapit at pinaupo sa aking kandungan. "Anne, sa tingin ko ay naging mabait naman ako ngayong araw. Wala naman akong maling sinabi, hindi ba? Maaari ko bang malaman kung bakit mo ako tinatali?"Hinila niya ang sinturon nang mas mahigpit, inilapit ako sa kanya, at saka niya ikinuskos ang kanyang ilong sa ilong ko. "Dahil gusto kitang itali rito, para hindi ka makaalis kahit saan."Napangiti ako at naalala ko ang plano niyang magkaanak kagabi. "Anne, mukhang hindi yata pwede. Kailangan kong pumunta sa study room at mag-overtime kasama si Renz ngayong gabi."Nakita kong nagbago agad ang ekspresyon niya hindi siya natuwa sa sinabi ko. Kaya agad niyang h

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status