Pilit namang pina-normal ni Rafael ang paghinga sa pakiramdam na kinakapos. Pilit ang mga ngiting ibinigay nya sa bagong rating. Sadyang may kakulitan ang heredera. Hindi pa sya tapos sa gustong sabihin ay may nakahanda na agad itong pahayag. Ganoon kabilis gumana ang isip nito. Walang saysay ang umiwas sa pagkakataong ito. Mukhang wala ring balak na makinig sa mga sasabihin niya ang dalaga dahil sa pinaiiral nitong katigasan ng ulo. Kaya Malabong maipagtabuyan niya ito. Isa pa ilang ang sakahan sa bahaging ito ng San Isidro. Hindi malimit ang mga taong nagagawi sa lugar na ito maliban sa mga magsasakang tauhan ng asyenda. Bihira rin daanan ng mga sasakyan ang kalsada kahit na ito pa ang pinakamabilis na way patungong bayan. Sadyang iniiwasan ang diversion road na ito pagka't makitid na ay lubak-lubak pa. Katulad na lamang ngayon maputik at matubig ang kalsada gawa nang magdamag na buhos ng ulan. Walang mananakay at motorista ang maglalakas loob na pasukin ang ruta. Kaya sigur
“Ano't ganyan ang iyong wangis?" salubong ang kilay na usisa ni Pael. "Wa-wala." ang nautal na tugon ni Rada. Kasabay niyon ay pinamulahan sya ng pisngi. Nalunok nya tuloy ang sarili niyang laway. Agad siyang nag-iwas ng tingin at ibinaling ang pansin sa palayan. Lihim na ikinunot ang ilong upang masupil ang nagbabadyang ngiti. Juice ko huling -huli sya ni Pael sa nakakahiyang tagpo. Nakatanghod pa naman sya rito nang mag-angat ito ng mukha. Kulang na lang ay magdaop ang kanilang mga mukha. Pinilit niya na maging normal ang paghinga subalit patuloy ang pagsasal ng kaba sa dibdib niya. Isang marahang paghinga ang narinig niya mula sa binata. "Kailangan na nating umalis. Maaaring hinahanap ka na sa mga sandaling ito sa asyenda. Mukhang hindi ka na naman nagpaalam Senyorita." sabi ni Rafael na sinabayan ng tayo at pagkatapos ay naglakad patungo kay Malik. Correction ipinagpaalam sya ni Clark sa mommy at daddy nya. Ang nais niya sanang sambitin kay Rafael. Habang habol ng tingin a
“Ngayon maaari ko na bang malaman kung bakit magkasama kayong dalawa, Pael?" seryosong usisa ni Lourdes sa anak. Tahimik lang si Rafael. Maging si Rada ay hindi makaimik. Sinulyapan ng dalaga ang binata ngunit hinayon sya nito nang makahulugan. Bigla tuloy syang nailang. Hindi rin niya malaman kung paano tutugon sa nanay ni Pael. Paano niya sasabihin kay Aling Lourdes na sinadya nya talaga ang binata sa taniman? Na kaya hindi nito natapos ang pagtatrabaho sa bukid dahil sumulpot sya na parang bubuyog na nakalanghap ng nektar sa gitna ng palayan. At dahil masyado syang adbenturera ay naipahamak niya ang sarili. Naging kargo na nga sya ng lalaki ay mukhang masisisi pa ata ito ng ina. Ibinalik nya ang mga mata sa ginang pagka't di niya matagalan ang mga titig ni Rafael. Tumikhim muna sya ng marahan at bumwelo. "Sinadya ko po si Pael sa sakahan Aling Lourdes." simula nya. Kumunot ang noo ng babae na napatingin sa kanya tila nalito ito sa kanyang naging tugon. "Kinu-kumbinse ko po
"Ayaw kong masaktan si Rafael." pagbuo ng babae sa pangalan ng anak. "A---aling Lourdes..." aniya na hindi malaman kung ano ang sasabihin sa babae. Bigla syang nahiya rito, naisip niyang pasubalian na lamang ang sapantaha nito. "Hindi nagsisinungaling ang mga mata Ineng. Hindi ito marunong maglihim. Hindi mo man sambitin ang isinisigaw ng iyong damdamin ang iyong mata ang syang magsasabi. Pagka’t naisisiwalat nito ang nilalaman ng iyong puso." patuloy ni Lourdes na tila nahulaan ang kanyang nasa isip. Sa pagkakataong iyon ay hindi mawala ang titig ni Rada sa kaharap. Ang salita ni Lourdes at ng kanyang ina ay halos iisa. Hindi tuloy niya maiwasang manggilalas. "Hindi maitatatwa ang kislap ng iyong mga mata sa tuwing pinagmamasdan mo si Pael. At ang bagay na yan ay isa sa pinakamasayang pakiramdam para sa isang babaing umiibig. Ngunit kapara niyo ay langit at lupa, hindi aayon ang tadhana kahit na may katugon pa mula kay Pael ang iyong nararamdaman." Hindi napigilan ni Rada na ma
Pomorma ang ngiti sa mga labi ni Rada, nagkaroon din ng kislap ang mga mata nito. Bagay na nagpatigil kay Pael. Tila nahipnotismo na napatitig na lamang din ito sa dalaga. Wala na sa maayos na pagkakatali ang mga buhok ni Rada. Nakasabog ang ilang hibla ng buhok nito sa pisngi. Na nagbigay rito ng mala-inosenteng hubog ng mukha. Walang pintor na hindi ito gugustuhing iguhit. May namuo ring butil ng pawis sa noo nito na naengganyo sana syang pahirin gamit ang sariling palad. Subalit ay nagpakatimpi-timpi si Pael. Ang ekspresyon niya na nagbabadyang lumambot ay sinikap niyang maging pormal. Ito pa naman ang pinakaiiwas-iwasan nya ang maghugpong ang kanilang mga mata na animo namagneto. Hindi maaaring maapektuhan sya ni Rada. "I love it Pael." pagkuwa'y malambing na anas ng kaharap. Gumuhit ang kalituhan kay Pael. Inalis nya ang hangin na tila bumara sa lalamunan. "Anong ibig mong sabihin Senyorita?" tanong niya na gustong bahiran ng iritasyon ang tinig. Subalit pa
Hindi rin naman nakatiis, si Clara. She watched her daughter for some moments. Her face was calm and considerate. Rada knows her weakness. Alam na alam ng dalaga kung paano sya pakakalmahin. Isa pa hindi rin naman sya titigilan ng anak hanggat hindi sya nito napapaamo. And besides mukhang may natutunan naman ito sa pagkakamaling nagawa. Hindi na ito nagmamatigas katulad dati na walang imik at hahayaan lang sila na manermon. Makikinig subalit palalagpasin naman sa kabilang teynga. Recently pansin niya ay marunong nang tumanggap ng kamalian si Rada. Nagsasabi na rin ito ng totoo sa kanilang mag-asawa. Bagay na nagbigay kaluwagan sa kanya. Base sa kanyang nakikita ay mukhang may ginawa na namang kaintere-interesanteng bagay ang dalaga. Masaya ang bukas ng mukha at maging mga mata ay nakangiti. Kung anuman iyon ay sigurado syang nagbigay iyon ng labis na kasiyahan rito. Aamimin niya kahit na nakakaubos ng pasensya ang katigasan ng ulo ng kaisa-isang anak ay mapagbigay
Naka-apat na stick na sya ng sigarilyo subalit ay hindi pa rin sya makalma. At habang sinisindihan ni Clara ang pang-lima ay hindi maiwasang manginig ng kanyang mga kamay gawa ng nadaramang tensyon. Kasalukuyan syang nasa balkonahe at sinisikap na pagaanin ang lito at gulong isipan sa nagbibigat na pakiramdam. Tutal ay tuluyan na rin namang nagdamot ang antok sa kanya. Kanina sa higaan ay wala na siyang ginawa kundi ang magpabiling-biling. At kahit sinisikap niyang ipikit ang mga mata ay talagang nahihirapan syang hagilapin ang antok. Nag-alala syang baka maistorbo nya ang tulog na tulog na asawa kaya’t minabuti niyang magpalipas muna ng oras sa labas. Kaya heto sya ngayon sa balkonahe. Mula pa kanina pagdating nila sa asyenda ay labis nang binabagabag ang kanyang isipan. Sa kabila niyon ay pinanatili niya ang pagiging kalmado at normal upang hindi makahalata ang asawang si Ramon. Mabuti na lamang at maaga ring nakatulog ang lalaki. Dala marahil ng pagod sa maghapon nitong
Sabado at abala sa paglilipat ng mga punla si Pael sa araw na iyon. Hinanda na rin niya ang patabang gagamitin. Maaga siyang nagtungo ng sakahan. Umulan ng malakas ng nagdaang gabi kaya't nagmadali siyang pumaroon upang masuri ang mga pananim sa ginawang punlaan. Kanina ay sinipat niyang muli ang ginawang pilapil ng nagdaang araw. Nilinis iyon at binarahan ang mga butas na posibleng panirahan ng mga daga o pasukan ng tubig upang hindi malunod ang mga binhi at magkaroon lamang ng tamang suplay. Nauna na niyang naayos ang pagpapatubig. Mataas na ang araw at nakakasilaw na sa mata. Mahapdi na rin ito sa balat. Sa hula niya ay malapit ng mag alas-dose ng hapon. Inayos ni Pael ang suot na balanggot nang may marinig na pagtawag sa di kalayuan. "Pael!" anang sigaw. Natanaw niya ang inang si Aling Lourdes na paparating ngunit hindi ito nag-iisa. Awtomatikong nagdikit ang kanyang mga kilay nang makikilala ang pamilyar na bulto sa likuran ng ina. Isang linggo na ring wala syang nag
Noon nama'y ramdam na ramdam ni Pael ang panginginig ng babaing sinaklolohan. Marahan niya itong ibinababa sa lupa at maingat na isinandal sa punong muntik nang pagsalpukan ng sasakyan nito. Inayos niya ang ulo ng babae sa pagkakasandal at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa makinis nitong mukha. Subalit nauwi ang binata sa labis na pagkagulat nang tuluyang mapagmasdan ang babaeng nadisgrasya. Hindi agad nakakilos si Pael, animo binuhusan ito ng pagkalamig-lamig na tubig sa katawan at napako na lamang ang tingin sa babaing nasa harapan.Kahit na nanatiling nakapikit ang mga mata ni Rada ay alam ng binata na may malay ito base sa pasalit-salit na pag galaw ng mga talukap nito. Kapansin-pansin rin ang pagtaas-baba ng dibdib ng babae na tila naghahabol ng hininga. Sa tingin niya ay ninerbiyos ito sa muntik na pagkakapahamak kayat nakararamdam ng sobrang pagyugyog ng katawan. Pinalis ni Pael ang pag aalala pagka't sigurado syang maayos ang lagay nito. Umangat ang kanyang kama
Isang taon pa ang lumipas. Masaya at may pananabik na binabagtas ni Rada ang daan habang minamaneho ang isang top-down Jeep Renegade. Hindi alintana ng dalaga ang mabako at maalikabok na kalsada kung saan ay nahagip pa niya ng tanaw ang isang lalaking hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis dahil halos kumain na ito ng alikabok sa bilis nang pagpapatakbo niya. “Welcome home, Rada!” wika ng dalaga sa sarili nang sa wakas ay matanaw ang malaking arko papasok sa bayan ng San Isidro. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nasasabik na siyang makita ang mga magulang. Limang taon halos din siyang namalagi sa San Francisco sa kagustuhan ng ama na doon sya makapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa masyadong mataas ang standard ng daddy niya pagdating sa kalidad ng edukasyon ay may isang mabigat na dahilan ito kung bakit sya ipinadala sa pangangalaga ng tiyahin niya sa California. At ang bagay na iyon ay ayaw na niyang balikan pa. Pagka"t nagdudulot lamang ito ng ibayong sakit at poot sa damdamin
Dahil maaga pa ay humantong sila Rada at Clark sa Alamo Square Park. Napagkasunduan nilang dalawa na mamayang gabi na lang gumimik. Clark takes a deep breath. Iginala ng binata ang tingin sa palibot ng parke. Pamoso ang nasabing lugar dahil sa painted houses na siyang pangunahing dahilan nang pagbisita ng maraming turista roon. Kadalasan kasi ay napapanood ito sa mga movies o sitcoms. “Great view of the city overlooking the bay.” He thought of the city. “It's so lovely, isn’t it?”Rada said amusingly. “Yeah. Worth visiting place because of its breathtaking beauty,” he replied while still overlooking the surroundings. Clark rested his gaze on her after his exploration. Kasalukuyang inilalatag ni Rada ang dalang blanket sa damuhan. Ibinaba na muna ng binata ang hawak na basket na pinaglagyan ni Aunt Lucia ng baon nilang pagkain bago tinulungan nito ang kaibigan sa paglalatag. “Para lang tayong nasa burol niyo hindi ba?" ani Rada na naupo ng pa Indian sit. Hindi naman maiwasan ni
Mahinang katok sa pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Rada mula sa binabasa niyang magazine. Sumungaw mula sa pintuan ng kanyang silid ang nakangiting si Aunt Lucia. Tila ay excited ang tiyahin base sa panliliit ng mga mata nito. "Honey, someone is looking for you in the living room,” she said. Rada quirked her eyebrows. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw. Katunayan ay tumanggi na siyang sumama sa mga kaibiganng Franciscans na magpunta ng Monarch club mamayang gabi dahil mas gusto niyang manatili na lamang sa bahay at magbasa ng mga paborito niyang babasahin for a change. Unang araw ng spring break. Mahaba-haba ring bakasyon sa iskwela. Gusto niyang gugulin ang mga araw na walang pasok sa mga makabuluhang bagay. Pass na muna sya sa mga social activities like dancing at clubs, big parties, and live music concerts. Nightlife in other words. Babawasan na rin muna niya ang pag-iinom. Pansin niya ay nagiging alcoholic na sya. “Who is looking for me, Auntie Lucy? I don’t e
Mahal ko, Kumusta ang iyong araw? Sa oras na mabasa mo ang liham na ito ay hangad kong nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magka-usap. Nais kong ipaalam saiyo na labis ang aking nararamdamang pangungulila saiyong presensya. Pinanabikan kong marinig ang matutunog mong halakhak. Higit sa lahat ay nais kong masilayan ang ngiti saiyong mga labi at mapangusap na mga mata. Kung ako ang iyong tatanungin ay maayos naman ang aking lagay ganoon rin si Inay, bagama't napupuno ako ng kalungkutan. Mahal ko, isang taon na rin ang lumipas mula nang lisanin mo ang San Isidro. Subalit ni isang sagot sa aking mga ipinadalang liham ay wala akong natanggap na kasagutan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala saiyong kalagayan riyan sa ibang bansa. Katulad nang nasabi ko sayo noon ay naririto lamang ako sa San Isisdro at maghihintay saiyong pagbabalik. Pinagsusumikapan kong abutin ang ating mga pangarap upang maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo. Gus
Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad kay Pael. Nakaupo sya noon sa papag na upuan na ginawa niya sa palibot ng kanilang punong mangga. Kung saan ay nalililiman ito ng mayayabong na dahon sa bawat sanga. “Ang lalim ng iniisip mo anak ah kapara ba niyan ay balong malalim?" Nilingon ni Pael ang ina na kadarating lang mula sa pagsisimba nito. Agad siyang napangiti sa biro ni Lourdes. Tumayo siya at inabot ang palad ng ina para magmano.“Mano po, Inay." magalang niyang wika sa babae.“Kaawaan ka ng Poong Maykapal." tugon ni Lourdes na medyo hinihingal pa.Kaya naman ay agad itong inalalayan ni Pael para makaupo.“Sigurado akong naglakad na naman po kayo pauwi ni Lola Mareng mula sa Bongto." marahan niyang sambit rito.Mahigpit na bilin niya sa ina na huwag nang naglalakad pauwi kapag naluluwas ito ng bayan. May kalayuan rin kasi ang Bongto mula sa kanilang baryo. May hika ang ina kaya't ayaw niyang napapagod ito.“Ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala niyang wika.“Mabuti naman ako anak, h
Pagkagaling sa Laoyon ay tumuloy na sila Rada at Clark sa San Sebastian kasama si Kate. Nakilala ng dalaga ang pinakamatalik na kaibigan ng kababata na si Vincent Villaroman. Naging mainit naman ang naging pagtanggap sa kanila ng lola Consuelo nito na siyang may kaarawan. Inestima silang mabuti at ipinakilala sa mga naroong bisita. At dahill iisang circle lang naman ang ginagalawan ng kani-kanilang mga magulang ay hind naging mahirap para sa mga bisita ang killalanin silang magkakaibigan. Hindi rin sila masyadong nagtagal sa San Sebastian at tumulak na rin pauwi ng San Isidro pagdating ng hapon. Alinsunod sa bilin ni Senyor Roman kaya't maaga silang bumiyahe pabalik.Ngunit bago si Rada maihataid ng magkapatid sa hacienda ay sinadya nila sina Cathy at Bing. Gayun na lamang ang naging katuwaan ng dalawang kaibigan niya nang magkita-kita silang tatlo. Subalit nalungkot rin ang mga ito nang magpaalam siya na pansamantala munang aalis ng San Isidro para manirahan sa ibang bansa at
Naluha ang dalaga. Tila yelo na natunaw sa magkahalong saya at lungkot ang damdamin niya. Tuloy ay namalisbis sa luha ang kanyang mga mata. Mabilis naman iyong pinahid ni Pael gamit ang mga daliri nito. "Ikaw talaga, mahal, huwag ka nang umiyak. Baka akalain ni Zantillan ay pinapaiyak kita. Allergic pa naman sa akin ang kababata mong iyon" pabulong na biro ni Pael. Impit na natawa si Rada kahit panay ang tulo ng kanyang mga luha. Tinulungan niya si Pael na tuyuin iyon sa pamamagitan ng panyo na dinukot niya mula sa kanyang bulsa." Hindi ko alam na kenkoy ka rin palang kausap." kunwa'y ismid niya sa nobyo.Tumawa ng mahina si Pael.“Pinapasaya ko lang ang paligid. Dahil nalulungkot rin ako. Ayaw ko lang na maghiwalay tayo na parehong may dinaramdam. Nauunawaan niyo po ba iyon mahal na prinsesa?" tukso naman nito sa kasintahan.Ubod tamis na ngumiti si Rada at makailang beses na tumango sa nobyo. Alam niyang pinapagaan lamang ni Pael ang nagbibigat nilang pakiramdam dahil sa nalalap
"Kumusta po kayo Aling Lourdes?" may ngiti sa labi na bati ni Clark sa nanay ni Pael pagkapasok sa bahay. “Mabuti naman Clark." magiliw na tugon ni Lourdes sa binata. Kahit na pangalawang beses pa lamang niyang nakakaharap si Clark ay magaan ang loob niya rito. Kilalang may mabubuting kalooban ang mga magulang nito na sila Don Franco at Donya Isabel. Kaya't hindi na siya nagtaka na sa kabila nang hindi nito pagkakaunawan ng anak na si Pael ay maayos at may paggalang itong nakikisalamuha at nakikipag-usap sa kanilang mag-ina. Pinalapit ni Clark ang kapatid na si Kate at ipinakilala sa kanya. Katulad ng binata ay mukha rin itong mabait at magalang. “Nakababata ko pong kapatid si Kate." anito. “Nagagalak akong makilala ka Kate." bati ni Lourdes sa dalagita. “Ako rin po Aling Lourdes." Tugon ni Kate kasabay ng pagmano sa kanya. “Matagal na hong nababanggit sa akin ni kuya ang mala-paraiso niyong bakuran hindi ko akalain na mas higit pa pala roon ang isinasa-larawan ko sa aking isi