Nilabas ko ang maliit na maleta at sinimulang mag-impake. Inuna ko ang mga gamit ni Xenon. Hindi ko sinama ang mga galing kay Xeonne. Sunod kong nilabas ay ang malaking maleta. Mabilis kong pinasok ko ang mga damit ko at wala nang tupi-tupi.“Whatever happens I want you to trust me.”Umalingawngaw ang boses ni Xeonne. Natigilan ako. Binaba ko ang tingin sa nakatumpok na mga damit sa maleta. Alam ba niyang mangyayri ‘to? May dahilan ba kaya niya nagawa ‘to?Huminga ako nang malalim at hinintay na humipa ang inis at galit na nararamdaman ko. I should be calm. I couldn’t think well when I’m overwhelmed by my emotions.I ruffled my hair in annoyance. “Gago ka talaga, Xeonne.”Umupo ako sa sahig at kahit ilang beses pa akong mag-inhale exhale ay ni katiting hindi naibsan ang inis na nararamdaman ko. Hinabol-habol ako rati tapos binitawan ako nang gano’n lang? Masmatimbang ba ang rason mo kaya nagawa mo akong saktan?Umaapaw ang inis na nararamdaman ko. Napasabunot ako sa sarili. Hindi ko m
“You both have a seat,” sabi ko sa dalawa sabay upo sa sofa.“Is this some kind of a joke? Where is Mr. Morales?” Padabog na umupo si Drizelle sa sofang pang-isahan na nakapwesto sa harap ko.“Straight English ahh... Mabuti at grumaduate ka na sa ka-oa-han ng pagka-conyo mo.” Nginisihan ko siya.“Ano’ng ginawa mo sa office ni Mr. Morales?” Umupo si Zander habang iniikot ang paningin sa silid na pina-renovate ko.“Office ko, Zander,” pagtatama ko rito sabay dekwatro.“Oh talaga ba, Anastasia?” Umismid si Drizelle.“That’s Madame Ave to you, Ms. Agoncillo.” Ginamit ko ang maawtoridad na boses nang nakaangat ang kilay at matalim ang titig. “Anyways I called you both here so I wouldn’t embarrass you any further since you’ve been embarrassing yourselves these past few years.” Mapang-insulto akong tumawa.“Ano’ng pinagsasabi mo?” Nginiwian ako ni Drizelle.“In other words you’re fired.” Nakangiti ko siyang tinuro sabay taas-baba ng isang kilay.“Wala kang karapatang tanggalin siya. She’s my
“Wais din ang Xeonne na ‘yon eh. Kung kailan ako tulog saka umuuwi at umaalis. Wala rin siya kanina sa office,” naiinis kong kuwento kay Reneigh sa phone.“Baka naman may rason siya. Sa loob nang tatlong taon na nakasama ko siya nakita at naramdaman ko kung gaano ka lalim ang pagmamahal niya sa ‘yo,” panglubag loob ni Reneigh.Bumalik na naman sa isipan ko ang gabing sinabi niya na kahit ano’ng mangyari ay pagkatiwalaan ko siya. Pagkatiwalaan at pagkakatiwalaan ko naman talaga siya kahit hindi pa niya sabihin. I genuinely trust him but it doesn’t mean I won’t get hurt. Seeing him with other girls is drowning me with what if’s and why’s.“Huwag ka nang mag-overthink jan. Isipin mo na lang na patay na patay siya sa ‘yo to the point na hinalughog niya ang buong Pilipinas at karatig bansa mahanap ka lang,” she assured me. “Anyways igagala na namin si Xenon,” dagdag niya.She was more likely informing me than asking permission.“Teka...” Natigilan ako nang may mapagtanto. “Namin? May kasam
Nabato ako sa kinatatayuan sa nakita. Parang pinipiga ang didbdib ko. “Sino ka? Sino ka?!” Hawak-hawak nang mahipit ni Luciano ang braso ng anak kong umiiyak habang niyuyugyog ito.Walang nangahas na sumuway sa kaniya maliban kay Reneigh na naitulak niya. Naramdaman ko ang mainit na likido na tumutulo pababa ng pisnge ko. Nangangalit ang mga ngipin ko.“Anak ko siya!” nakayukom ang mga palad na sigaw ko.Natigilan si Luciano. Lahat ng mga tingin ay lumipad sa direksyon ko. “Mama!” iyak ng anak ko nang makita ako.Lumapit ako at marahas na tinanggal ang pagkakahawak ni Luciano sa kamay ng anak ko. Lumuhod ako at niyakap ang anak. Inusisa ko ang katawan nito at hindi ko maalis ang titig sa munting braso nitong namumula. Nag-iwan ng marka ang mahigpit na hawak ni Luciano. Nakaramdam ako nang matinding galit. Nanginginig ang mga kamay kong pinahid ang mga luha ni Xenon.“Mama sad! Xenon made mama sad!” Lalong lumakas ang iyak ni Xenon.“Mama’s not sad, baby.” Umiling ako sabay punas sa
Binuksan ko ang cellphone para tingnan ang oras. Mag-aalas dose na ng hating gabi. Tinaob ko ang cellphone sa bedside table nang marinig ang kalaskas sa pinto. Dali-dali kong hinila ang kumot hanggang balikat. Ipinikit ko ang mga mata at nagpanggap na natutulog.Ilang segundo pa ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Palakas nang palakas ang tunog ng yabag. Sinyales na papalapit siya sa direksyon ko hanggang sa maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.Ilang minuto na ang nagtagal subalit tahimik lang siya. Tanging ang malalim niyang paghinga ang naririnig ko. Pinanatili kong nakatikom ang bibig kahit na marami akong gustong itanong. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.“I’m sorry, Wife. I’ll fix everything,” bulong niya at pagkatapos ay naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. “I love you, Wife.” Tatlong beses pa niyang hinaplos ang buhok ko bago tumayo.Bago pa siya makaalis ay umupo ako at pinaandar ang lampshade na nakapatong sa bedside table.
“Wife, I have a business meeting. You want to come?” aniya bago yumuko at hinalikan ako nang mabilis sa labi.“As your secretary or as your wife?” sabi ko sabay tali ng bahagyang magulong buhok.“As you,” sagot niya sabay abot sa ‘kin ng kurbata.Tumayo ako at sinukbit sa leeg niya ang kurbata. Hinila ko siya papalapit gamit ito. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t Isa at kunting galaw lang ay siguradong didik ang mga labi namin. Pansin ko ang sandaling pagtitig niya sa labi ko at paglunok niya. Napangisi ako sa isipan.Hinuli ko ang mga mata niya at inayos ang kurbata nang hindi inaalis ang titig. Humilig ako paharap na ikinapikit niya. Inabot ko ang kuwelyo niya at inayos ito sabay layo.“Tsk,” reaksyon niya nang mapagtantong tinukso ko siya.“Business meeting tapos magiging headline ka ulit kasama ibang babae?” Pinaikutan ko siya ng mga mata.“If only you’ve seen everything. She looks so stupid posing as if we’re lovers.” He chuckled.“And you look like you enjoyed it.” I raise
“Ako ang dapat magtanong sa ‘yo niyan. Bakit nandito ka pa?” Tiningnan ako ni Tremaine nang may panunuya.“Kasi nandito ako nakatira?” pabalang kong sagot.“Aba’t sumasagot-sagot ka pa?” tumaas ang boses nito.“Malamang tinanong mo ako eh,” pambabara ko.Pansin ko ang pagtakip ni Lolo Luxio sa bibig. Nakakaloka rin ang isang ‘to. No’ng huli naming pagkikita ay sa hapagkainan tapos ang lamig pa ng pakikitungo sa ‘kin tapos ngayon tatawa-tawa na.“Namimilosopo ka ba? Hindi ka dapat ganiyan sumagot sa ina ng mapapangasawa ng isang Monteverde.” Diniinan pa nito ang salitang ina.Napatakip ako sa bibig. “Omg, Lolo Luxio. Ikakasal ka ulit?”Mabilis niyang sinipit ang tungkod sa tuhod at tinakpan ng dalawang kamay ang bibig para pigilang kumawala ang mga tawa.“I’m talking about Xeonne not him,” matigas nitong pagtanggi.Napansin ko naman ang pagtahimik ni Lolo Luxio. He didn’t like the way she refused. He felt insulted.“You don’t have any right to call yourself that. You are never my mothe
“No!” mabilis at agresibo kong tanggi.“Mabuti.” Lumapad ang ngiti ni Chase.“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” Lumayo ako kay Zander.“Nandito ako para sunduin ang asawa ko.” Malamig ang tono ng boses niya pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.Kakaiba ang aura niya ngayon. Para siyang sugatan na sundalo pero determinadong sumulong sa digmaan.“Kasal na kayo?” Muling napatakip ng bibig si Chase. “Maliban sa hindi ako updated. Hindi mo man lang ako inimbita.” Naglungkot-lungkutan ito.“Si Ella ang tinutukoy ko,” klaro niya na ikinagulat ko. “Papunta ako sa mansyon ng Monteverde pero nakita ko kayo.” Paliwanag niya nang nakatingin sa ‘kin.Ngayon alam ko na ang sinisigaw ng aura niyang sinisigaw din ng puso niya, si Ella. I could finally see the overwhelming emotions in his eyes that I always see in Xeonne’s.Binaling niya kay Chase ang atensyon. “Even so I still couldn’t envite you. How can I when you’re behind bars?”Nagsalubong ang mga kilay ko. Sa pagkakaalala ko ay hi
Natigilan si Drizelle sa narinig.“Ate Cee?” mahinang bulong niya.Binaba niya ang kamay na may hawak na kutsilyo. Ngumiti siya at nilingon ang nagsalita. Tumayo siya para salubungin ang ate niya.“Ate Cee!” Masaya niyang inunat ang dalawang kamay sa direksyon nito.Nilampasan ni Ella si Drizelle at dumiretso sa ‘kin.“Ella, ano ang ginagawa mo rito?” nangangambang tanong ko.“Sinundan ko si Mom at Dad sa bahay ng mga Monteverde. Nagkakagulo na ro’n. Tapos may natanggap akong mensahe kung nasaan ka.” Tinulungan ako nitong tumayo.“Kailangan nating tumakas. Dala mo ba ang kotse mo?” mahinang tanong ko.“Hindi, nag-taxi lang ako kasi hindi ko kabisado ang daan. Ayaw ding pumasok ng taxi kaya naglakad pa ako ng ilang metro,” paliwanag nito.“Paano na ‘to?”“Huwag kang mag-aalala kakausapin ko siya.” Akmang lalapitan na nito si Drizelle na nakatayo at nakatalikod sa ‘min.Hinawakan ko ang braso nito at pinigilan. Umiling ako. Marahan nitong tinanggal ang pagkakahawak ko at ngumiti.“Dee,
Umiling ako. “H-Hindi ko piniling palitan ka, Drizelle. Bata lang ako noon. Wala akong kamuwang-muwang. It didn’t even cross my mind to replace anyone, especially not you.”“Shut up! Shut up!” Tinakpan niya magkabilang tenga. “Huwag kang bait-baitan! Hindi mo ako maloloko!” “Lahat ng sinabi ko sa ‘yo totoo. Lahat nang pinakita ko, pinaramdam ko.” Uminit ang mga mata ko. Bumalik sa isip ko ang mga pinagsamahan namin noong kolehiyo. Siya lagi ang kasama ko pag-break time, sa lunch at sa uwian kahit na magkaklase kami ni Ella. Ella was surrounded by girls our age while I felt like an outcast but everything changed when I met Drizelle. She made feel like I belong, like I’m not alone. She even defended me from Ella.“I-Ikaw lang ang tinuring kong kaibigan, Drizelle. Ikaw lang ang naging kakampi ko. Parang kapatid na nga kita-”“It’s because of my hardwork. I only befriended you to know you, to know your weaknesses. Dahil do’n I was able to make everyone envy you, hate you. Especially Ell
Nakahinga ako nang maluwag nang ginawi niya ang ulo sa direksyon ng silid na nakasara ang pinto.“I’m coming, Anastasia…” Pinihit niya ang doorknob.Napatakip ako ng bibig nang bigla niyang hampasin ang pinto nang mapagtantong naka-lock ito. Marahas at paulit-ulit niyang pinihit doorknob. Napaungol siya sa inis at sapilitang binuksan ang pinto gamit ang mga sipa.“Lalo akong nasasabik sa pgapapahirap mo, Anastasia,” aniya pagkatapos matagumpay na nabuksan ang pinto. “I’m coming, Anastasia...”Sumilip ulit ako at nakitang hinalughog niya ang kuwarto. Hindi niya pinalampas loon ng aparador at ilalim ng kama hanggang sa isang lugar na lang ang natura. Ang banyo.“Nandito na ako, Anastasia.”Napatayo ako nang tuwid nang bigla niyang pagsaksakin ang pinto ng banyo habang tumatawa na parang banyo.“Nanginginig kana ba sa takot? Ha? Anastasia?” Patuloy siya sa pagsaksak ng pinto.Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto habang naaaliw pa sa kahibingan niya si Chase. Sinenyasan ko si Drizelle na
Hininto ko ang sasakyan sa harap ng malaking gate na gawa sa metal at binalot ng baging. Hinayaan kong bukas ang ilaw ng kotse na nakatutok sa mansyon bago lumabas. Tinulak ko ito pabukas. Nangangalit ang mga ngipin ko dahil sa langitngit na tunog nito.Binalik ako sa sasakyan at nagmaneho patungo sa malaking abandonadong mansyon. Wala akong makita sa paligid maliban sa nagtataasang ligaw na mga halaman patunay sa matagal na panahon na napabayaan.I stopped the car at the towering mansion infront of me. It is twice bigger than the Monteverde’s. I went out with the duffle bag in my hand. I pushed the giant dusty door open and was welcomed by an empty huge living room. Napapikit ako nang biglang bumukas ang ilaw. Napamulat ako dahil sa walang tigil na ungos. Sa gitna ng silid ay si Drizelle na nakaupo at nakagapos sa silyang gawa sa sa makapal na tabla. Wala siyang panyapak at may busal ang bibig . Namumula ang pisnge at magulo ang buhok. Nagpupumiglas siya at may nais sabihin sa ‘kin.
ANASTASIA’S POVNaghihintay ako sa perang pinahanda ko nang nakaraang linggo. Napatingin ako sa cellphone nang may matanggap na mensahe mula sa cellphone ni Drizelle. Video iyon ni Drizelle na nakagapos at pinagsasampal ng lalaking naka maskara at may tattoong ahas na nakapulupot sa rosas sa braso. Nag-ring naman agad ang cellphone na hawak ko at bumungad sa screean ang pangalan ni Drizelle. Sinagot ko ang tawag.“Forward the video I just sent to Tremaine Sullivan,” utos niya.Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Ano ang gusto niyang mangyari? Ano ang gusto niyang palabasin?“Now!”Napamura ako sa likod ng isipan sa biglaan niyang pagsigaw kasabay niyon ang pag-iwas ko ng cellphone sa tenga. Agad kong pinasa ang video kay Tremaine nang walang pag-alinlangan. Wala na akong pakealam kung ano ang isipin nito dahil una pa lang ay maspinili na nitong
“Is this a new trick? You can’t use her mother to get her so you’re making up stories?” I sneered.“I’m telling the truth. Why don’t you ask your parents? They knew my son and daughter-in-law very well.” He diverted his eyes to mom and dad who were standing behind me.“What is he talking about?” My brows furrowed at them.“H-Hindi ko alam,” pagtatanggi ni Dad. Hindi ito makatingin nang diretso sa mga mata ko.Alam kong nagsisinungaling ito. Napayukom ako ng palad. Sasayangin lang ba niya ang pangalawang pagkakataong ibinigay ko sa kaniya?Tumawa si Don Hildegarde. Umigting ang panga ko. Pinaglalaruan niya ba ako?“Alam kong itatanggi mo kaya naman nagbaon na ako ng ebidensiya.” Binaling niya ang tingin kay Lucero.Lumapit sa ‘kin si Lucero at b
The phone Lucero gave me rang. The words bank manager appeared in the screen. My brows furrowed. We just talked awhile ago. I answered the call.“Xeonne…”I froze hearing her voice. My heart pounded fast against my chest. “Where are you, Wife?”Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagsalita. “Tumawag ako para sabihing huwag kang maalala-”“Paanong hindi ako mag-aalala when you’re walking towards a trap? The kidnapping is a bait, Anastasia.” Tumaas ang boses ko.“I know-”“You know? What do you mean you know?” Napahilot ako sa sintido.“I just want some answers, Xeonne,” mahinang sagot niya.“I have almost all the answers to your questions, Anastasia. I’m telling you everything just come back here please.” I begged.“Alam kong patuloy ang pag-iimbestiga mo, Xeonne, pero gusto kong malamaan kung bakit niya ‘to ginagawa. Gusto kong malaman kung bakit gano’n na lamang ang galit niya sa ‘kin. Gusto kong manggagaling mismo sa bibig niya ang lahat-lahat,” kontra niya.Bumuntong-hininga ako. “
Bumusina ako para kunin ang atensyon ni Anastasia pero nagmamadali siyang pumasok sa taxi habang may kausap sa cellphone. Tinapakan ko ang gas at binilisan ang pagmamaneho para hindi mawala sa paningin ang taxi. Kinabisa ko ang plate number nito.Napasulyap ako sa monitor ng sasakyan nang makitang tumatawag si Lucero. Nagsalubong ang mga kilay ko. Does he know Victoria?Mabilis kong sinagot ang tawag at binalik ang tingin sa harap.“I located Faker,” bungad niya.“And?” tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa taxi.“Pagmamay-ari ni Ella ang sapatos na nasa crime scene,” sagot niya.“Tell me there’s more to it, Lucero. Hindi pwedeng may kinalaman si Ella sa nangyari four years ago.” Humigpit ang hawak ko sa manibela. “Ikadudurog ito ni Anastasia.”Sandaling natahimik si Lucero. Dinala ng katahimikan niya sa isipan ko ang mukha ni Anastasia’ng umiiyak at nasasaktan. Fuck. I hate seeing her cry. Thinking of her hurt is hurting me.“Yes, there’s more to it,” biglang salita ni Lucero.“
XEONNE’S POV “Anastasia!” I called but she ignored me.I ran after her but Luciano ordered his men to stop me. Two men grabbed me and the other two blocked me with their bodies.“Anastasia!” I called again but she kept going she didn’t even look back.I tried to escape but I was outnumbered. They pin me down. I heard bewildered murmurs from guests. I feel their disgusted stares of judgements. Whatever they say, whatever they think of me doesn’t matter. What I worry most was Anastasia’s thought of me. “Mama!” my son cried out.His cry was painful. I felt a pang on my already hurting chest. I clenched my fist. “Let me go!” I screamed forcing myself on my feet and pushed off one of the men.“Let him go,” my grandfather commanded.“No,” Luciano opposed.The other three loosened their grasps. Wala pa sa kalingkingan ng matanda ang awtoridad ni Luciano. He couldn’t even over power me and he really think he could surpass the old man? His audacity is making him stupid. I pulled my arms off