Kian
"Kian!"Napatingin ako ng may tumawag sa akin. Si Trisha.Tiningnan ko ang mga studante ring sumusunod sakanya pero wala pa siya."Uuwi ka na? Sabay na tayo?" aya niya.Tipid akong tumango at nagsimula nang maglakad. Binabagalan ko ang paglakad at baka maabutan pa niya ako kung sakali. Agad akong lumingon sa likod kung sumusunod na siya pero wala pa. Hindi ko pa siya matanaw."What do you think? Maganda diba yung idea ko?"Tumingin ako sakanya nang mapagtantong kinakausap pala niya ako."Ha?" sa totoo lang ay hindi ko narinig na nagsasalita siya. Posible ba yun? Or sadyang focus lang ang utak ko para sa iisang tao na ngayon ay inaantay at hinahanap ko."Ang sabi ko mas maganda sana kung may pattern tayong sinusunod sa sabayang bigkas presentation natin. Magandang tingnan iyon. Tapos ... "Natigil siya sa pagsasalita ng mapansing hindi ko binibigyan ng pansin ang sinasabi niya.NaVia"Andiyan na!" sagot ko sa tawag ni Gail.Nasa labas ito ng kwarto ko at kanina pa katok ng katok. Binuksan ko ang pinto at agad niya akong hinila palabas."Alis na po kami tita!" siya na nagpaalam."Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ko habang patuloy parin niya akong hinihila palabas ng gate."May hindi ka kasi sinasabi sa akin eh noh. Naglilihim ka na ngayon sa akin." may patampong tono nito sa akin.Tumigil ito ng makarating sa harap ng gate at hinarap ako."Anong meron sa inyo ni Kian. Bakit lagi ka na niyang hinahatid?" humalukipkip ito sa harapan ko.Kumunot ang noo ko."Hatid lang iyon noh." Aalis na sana sa harap niya ng kumawit siya sa braso ko at sumabay sa akin sa paglalakad."Hatid lang ba? O may iba pa?" salubong ang kilay kong tumingin sakanya."Isa ka ring maissue. Magkaibigan lang kami. Period." Pagtatapos ko pero hindi parin siya tumigil."Magkaibigan daw."
Via"Guys! Final practice na natin to! Ayusin niyo naman!" naiinis nang sigaw ni Trisha sa amin.May ilan kasi sa aming nagkakamali pa at hindi nakakasabay sa action. Kitang kita sa mukha ni Trisha na nagpipigil ito sa inis. Ayaw sigurong masira ang poise nito. Nagmamaganda kay Kian eh. Kanina pa.Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sa tuwing lumalapit siya kay Kian. Parang nangangati ang kamay ko at gustong manabunot ng buhok."Inhale, exhale." pagpapakalma ko sa sarili at tinuon nalang sa iba ang mata ko.Nang matapos kami sa praktis at medyo handa na para bukas ay nagsiuwian na kami.Ilang araw din ang lumipas nang mapanood ko ang video at ngayon ay nasa likod ako ni Lalaine na naglalakad papuntang gate."Sigurado ka bang susundan natin si Lalaine?" bulong ni Gail na ngayon ay nasa tabi ko.Hindi ko kwinento lahat sakanya at baka madulas ang dila at masabi sa iba. Sinabi ko lang na hindi na niya ako pinapa
Via"Baka naman lagpas lagpas na Via. Ayusin mo!" reklamo ni Vim ng ako na ang naglalagay ng eyeliner niya."Relax ka lang. Expert ata tong kaharap mo." yabang ko.Nang matapos ko ay binalik ko ang ginamit ko sa pouch niya at tumuwid ng tayo.Tiningnan naman niya ang sarili sa salamin."Infairness, I like it." Puri niya at tiningnan ako. "Magaling ka palang magmake up?" muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin."Lagyan ulit natin ang lipstick mo."Kinuha ko ang lipstick niya sa pouch niya at maingat na nilagyan ito. Nang matapos ko ito ay satisfied na satisfied ito sa itsura niya at gandang ganda sa sarili."Wow. Thanks Via."Ngumisi ako."You're welcome." sagot ko."Guys!" agaw ng atensyon naming lahat nang magsalita ang kakadating na si Trisha. "Let's go. Nasa Auditorium na silang lahat." Imporma niya.Napunta sa akin ang mata niya at sinalubong ko iyon. Inirapan niya ako
ViaPara akong sasabog sa kahihiyan. Sinabi sa akin ni Kian na hindi talaga birthday ng mama niya ngayon. Iyong tipong nawalan ka kaagad ng mukhang ihaharap sa mama niya pagkatapos ng nangyari kanina?Ilang beses na ba Kian? Ha?Halos guluhin ko ang buhok ko sa hiya. Nagpaalam narin kami agad ng malaman ko ang totoo."Ayos lang iyon Via, ano ka ba. Natuwa pa nga si mama niya ng makita ang cake eh." Pagpapakalma niya sa akin pero mabigat parin sa loob eh. Nakakahiya talaga.Hinarap ko si Gail."Mukha akong tanga kanina Gail. Alam mo ba yun? Nakakahiya!" reklamo ko."Nakakahiya lang pero hindi ka nagmukhang tanga." pagtatama niya sabay kain ng bread na binili niya kanina. "Kain ka muna. Hindi man lang natin natikman iyong cake na binili mo. Umalis nalang tayo agad kanina." dagdag nito na tonong nagrereklamo.Napatakip na naman ako sa mukha at tiningnan si Gail."Ano ang sinabi ni tita kanina sayo?" curiou
Via"Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Babalik din kami mamaya." bilin ni mama."Opo."Ngayon palang ang tuloy nilang pupunta kina tita. Tumawag kasi ulit kanina na hindi daw maganda ang pakiramdam at nagsusuka daw. Mukhang tama ang duda nila kaya pupunta sila ni papa sa bahay ni tita ngayon.Pagkaalis nila ay tiningnan ko ang oras. May limang oras pa ako para magprepare. Maaga nalang akong pupunta roon para hindi hassle sa byahe.Simple lang ang damit ko ngayon compare kahapon na dalawang oras kong pinag-isipan ang mga isusuot at itsura. Hindi naman halata na excited eh no.Paglabas ko ng bahay ay isa't kalahati pa ang aga. Babalik narin sila mamaya at pinaalam ko namang lalabas muna ako.Pagdating ko sa bus stop ay saktong kakarating din ang bus kaya agad akong sumakay. Tiningnan ko ang phone ko nang saktong nagmessage sa akin si Jarus.Jarus:-magkita tayo sa entrance. Antayin kita doon.Me:
Kian"Kian, kian!" halos mapaigtad ako at gising sa katinuan ng mapagtantong tinatawag ako ni mama."Bakit ma? May kailangan ka?" agad kong tanong.Kumunot ang noo nito sa akin na parang naninibago sa kinikilos ko."Ayos ka lang? Parang ang bigat ng iniisip mo." pansin niya sa akin."Wala to ma. Napagod lang siguro." saka kinamot ang sintido ko. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko sa mesa at pasado 9 na.Minessage ko si Via kung nakauwi na pero wala pa siyang reply. Kung ano ano na ngayon ang nasa isip ko. Magkasama sila ni Jarus ngayon. May parteng naiinis ako. Dapat hindi ko siya hinayaan kanina. Dapat hindi ako ang unang umalis. Mali. Wrong move ka Kian."Para kang may inaantay nak." nilingon ko si mama na ngayon ay inaayos ang hinigaan.Lumapit ako sakanya at inalalayang makababa sa higaan niya."Wala po ma. Tiningnan ko lang po ang oras." Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ito."Anak."
ViaPagkatapos umamin sa akin ni Jarus ay hindi ko na alam kung paano ako gagalaw na hindi siya nasasaktan. Sa totoo lang ay hindi ko to inaasahan. Hindi ko na alam kung paano ako magiging komportable ngayon sakanya gayong nalamang kong gusto niya ako. Ang hirap.Kumain at may ilang pinagkwentohan then wala na. Tapos na. Hinatid na niya ako dahil masyadong gabi narin at tawag na ng tawag sila mama sa akin.Sa kanto na ako bumaba at hindi ko na siya pinaabot hanggang sa tapat ng bahay. Inantay ko pa itong umalis bago ako pumasok sa bahay. Huminga ako ng malalim ng nasa kwarto na ako. Napahawak ako sa noo ko ng kumirot ito. Sa pagod? Sa araw? O sa nalaman ko.Hindi ko rin halos malaman kung ano ang mararamdaman ko. Masaya? Maiinis? Malulungkot? Ayy ewan!Agad kong kinuha ang towel ko at pumasok sa CR para magshower at mahimasmasan. Nang matapos ako ay agad na akong nag-ayos at matutulog nang maalala ko ang phone ko. Binuksan ko ito at may m
ViaHindi na ako pumasok sa klase namin. Anong mukha pa ang ihaharal ko sa lahat kung napakasama ko naman sa mata nila. Maliban nalang kung may maniniwala pa sa akin at hindi magpapaniwala sa maling akusa sa akin ng Trisha na yun.Ang pinagtataka ko pa, sino ang kumuha ng larawang iyon. Imposibleng walang alam si Trisha dito. Releasing of ranks narin next week at pwede pa kaming mahila pababa kung makikitaan kami ng hindi kanais nais.Nagulat ako ng may mag-abot sa akin ng isang sandwich at juice na nas cup. Napatingin ako at si Lalaine iyon. Kinuha ko iyon at umupo siya sa tabi ko."Alam mo bang naiinis ako sayo." Kumagat siya sa sandwich niya. Tiningnan niya akong ngumunguya. "Naiinis ako sayo kasi hindi ka nagpapatalo." tumingin muli sa harapan at kumagat saka uminom. "Nakakainis lang din ang sarili ko at hindi kita matiis sa ganitong sitwasyon na kailangan mo ng taong makikinig sayo." sambit niya.Hindi parin ako umimik. Tahimik at nakikinig la
Via A month after the proposal, we got married. It was the happiest moment of my life. Yung hindi mo inaasahan lahat. Grabe pala makasurprise si Kian at ngayon ko lang yun nalaman. Lumipas ang ilang buwan ay marami nang nagtatanong sa akin kung may laman na ba. I was hoping too na sana ay meron na but sad to say ay wala pang positive result sa ilang beses na pagsusubok namin. Everytime na bumibisita ako kina Lalaine ay nakakaramdam ako ng inggit sa tuwing napapatingin ako sa matambok nitong tiyan. 5 months preggy na ito. Si Gail naman ay 1 month pregnant nadin. Nauna ang laman bago ang kasal. Alam kong dissappointed si tito pero andon na eh. "Love, bilisan mo." pagmamadali ko kay Kian. Araw ng kasal ni Gail at Elthon ngayon kaya dapat maaga kami. Ako kasi ang maid of honor at si Kian naman ang best man. Oh diba? Napilitan lang niya tinanggap dahil ayaw niyang ipartner ako sa iba. "Relax love, we'll be there in just 15 minutes." sagot niya. "Huwag mong sabihin paliliparin mo na nam
Via"Ha? Ano daw ang kaso? Bakit hinuli?""Talaga? Kaya pala hindi na natin sila nakita kahapon.""Grabe, kasing demonyo pala ng mukha ang mga ginawa niya.""Sabi na eh, sa mukha palang ni sir Kenji papatay na talaga ng tao yun."Sari sari't komento ng mga empleyado dito sa kumpanya ang naririnig ko mula sa balitang panghuli sa mag-inang Prescila Del Valle at Kenji Del Valle kahapon. Nagsilabasan ang ebidensya na halos hindi ko alam kung saan nanggaling. Maski sa news ay naipakita rin ang naretrieve na video ng CCTV na pagpasok ni Kenji sa bahay namin bago ito masunog. Speechless ako pero nakaramdam na kaginhawaan sa pakiramdam ko dahil nakamit ko ang hustisya sa pagkamatay ng magulang ko."Napakahayop ng mag-inang iyon. Mabuti at hindi ka nahulog sa pinapakita ng baliw na lalaking iyon noon Via." ngumiti lang ako sa sunod sunod na lintaya ni Nadine at Guia sa gilid ko."Mabuti nalang at hindi siya totoong Del Valle kundi malaking kahihiyan ang idudulot niya sa buong kumpanya. Hayp di
Third person POV"Don't be too obvious Kenji, lalo kang pagduduhan ni Kian.""Paano ako hindi mapapakali kung nakalabas na pala sa kulungan ang Joy na yun.""I told you to calm Kenji. Hindi ka ba nakakaintindi? Nothing will happen if you know where to place yourself." sermon nito sa anak. "I have a plan now on how to get rid of that lady, so don't ever middle again." warning sa anak."Wala akong gagawin mom? I want to help!" Lumapit agad ang ina nito sakanya. Napaatras naman siya ng bahagya at kita nito sa mukha ng ina ang matang nagpipigil sa galit at inis na pinapakita nito."When I told not to help, just obey." diin nito na waring may laman at ibig sabihin. Nanginig bigla si Kenji sa narinig mula sakanyang ina. Kilala niya ito kaya tumango siya agad na may takot sa mukha at pilit na ngumiti sa harapan ng ina. "That's my boy." she smirked and tap the cheek of her son.Umalis ang ina nito at naiwan si kenji sa kwarto nitong hindi parin makapaniwala sa nasaksihang ugali ng ina. Biglan
Third person POV5 years agoNakailang lakad at balik si Lyn sa harap ng isang malaking gate. Sa loob nito ay isang malawak, maganda at malaking bahay."Dodoorbell na ba ako?" tanong nito sa sarili. Huminga ito ng malalim saka pinindot ang doorbell.Agad may nagsalita na kinagulat niya."Ano po iyon maam?" Hinanap niya iyon pero wala naman siyang makita sa paligid."Sino ka?" tanong nito na may takot at kaba sa dibdib."Gwardiya po dito. May kailangan po kayo?" dagdag tanong nito."Ah o-opo. Kung pupwede ko bang makausap si Senior Del Valle?" Hiling nito."Ano ang pangalan?""Marilyn Gutierrez.""Saglit lang po." Makalipas ang ilang minutong pag-aantay ay binuksan na ang gate. "Pasok na po kayo."Pumasok si Lyn na mangha sa mga nakikita sa paligid."Wow. Totoo ba ang mga yan?" Mangha niya sa halaman at disenyong nakikita niya sa labas palang. Punong puno ito ng makukulay na bulaklak na para bang alagang-alaga ang mga ito."Opo. Dito po ang daan. Sa unang pintuan ay kumatok po kayo doo
Via POV Nakakainis talaga yung Trisha na yun. Alam na nga na out yung bola hinabol at tinira pa. Edi sa kabila ang points dahil hindi rin naman pumasok yung tira niya. Nakakasakit sa ulong kateam ito. Masyadong pasikat. Badtrip kong tinapon ang sumbrero ko sa upuan. Tiningnan ko ang paligid para hanapin si Kian pero hindi ko siya mahanap. "Via! Next game na! Doon tayo sa swimming pool." tawag sa akin Nadine. "Saan yung swimming pool dito?" hanap ko. "Doon sa resort nila ofcourse. Halika na." Excited nitong hila sa akin. "Wait lang, kunin ko lang yung gamit ko." Agad kong kinuha ang mga nilapag kong gamit sa inupuan ko kanina. Pagdating namin doon ay naroon na ang ibang mga kateam namin. Lumingon ulit ako sa paligid pero hindi ko parin makita si Kian. "Trisha? Andito ba si Trisha?" Tawag ni Marco. Siya nag team leader namin sa Red. 4 groups lang kami. Yellow, green, Pink at Red. "Nag CR daw." Aniya ni Adelfa. "Kanina pa yun ah." pansin ni Guia. "Baka kinarma dahil siya nagpa
Kian POV"Please. Answer the call Via." bulong ko sa sarili. Kanina ko pa tinatawagan si Via pero unattended ito kanina pa.Katatawag lang sa akin ni Rico na bumaba si Via at umiiyak itong nagmamakaawang bumaba. Hindi niya sinabi kung anong rason. "Whom are we waiting for? Let's go." utos ni lolo at sasakay na sana sila sa private plane ng magsalita ako."You can go ahead lo." saad ko. Saka tiningnan ang ilang mga kasama namin dito."What's wrong?" Tanong balik sa akin."I have to meet someone." Saka tiningnan ang watch ko. Baka maabutan ko pa si Via kung saan siya bumaba kanina."Are you sure?" pagdududa ni Chelsea.I look at her. "I won't care if you wouldn't believe me." Sagot ko dito saka tatalikod na sana ng magsalita ang nakababatang kapatid ni Kenjie na si Keanna."Baka naman tumatakas ka lang." saad nito.Nilingon ko siya."Malinis ang konsensiya ko para may takasan Keanna. Diba Kenji?" tanong ko kay Kenji na agad na kinasama ng tingin sa akin. Ngumisi naman ako."Make sure
3rd person POV"Linisan mo yan. Ang bagal mong gumalaw." reklamo ng isang babae saka binato ang isang pamunas sa kausap nito habang nagpupunas ng sahig sa seldang kinaroroonan nila.Binalingan niya ito ng matalim na tingin na agad napansin ng pumuna sakanya na agad namang kinaiwas."Sinasamaan mo ako ng tingin? Huh!" Galit nitong wika saka lumapit at hinila ang buhok na kinamilipit sa sakit ng babae."H-hindi. H-hi-hindi." sagot nito na halata ang nginig sa boses."Linda!" Tawag ng isa sa mga kasama nila doon. "Maglaan naman kayo ng kaunting awa kay Lyn. Bagong salta palang yan dito at paniguradong nani-""Baka gusto mo sayo ko ibaling ang inis ko sakanya. Gusto mo?" banta nitong agad kinatikom ng nagsalita. Marahas nitong binitawan ang buhok ni Lyn na halos masubsub ito sa sahig na nililinisan niya."Ang gusto ko lang sabihin sana ay - "Agad lumapit si Linda sa kumakausap sakanya at akmang kwekwelyohan na agad naagapan ng mga pulis na nagbabantay sa bawat selda sa kulungan."Anong n
ViaKanina ko pa kinukurot ang daliri ko. Kinakabahan ako sa maaaring malaman ko ngayon. Nasa isang coffee shop ako at halos hindi na ako mapakali dito.Nang dumating na ang mga inaantay ko ay agad akong tumayo para salubungin sila. Mukhang hindi pa sila ayos."Elthon. Ano nga pala yung sasabihin mo patungkol kay tita." Agad kong bukas.Tumingin saglit si Elthon kay Gail bago ito nagsalita."Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa tita mo at sinubukan kong hingin ang side nito pero hindi siya nagsasalita. Sinubukan kong sinearch ang pangalan niya pero puro Manilyn Gutierrez ang lumalabas. Clear ang records niya hanggang sa ibigay sa akin ng isang nurse sa hospital kung saan nakaconfine ang pamangkin mo na nahulog ito ng tita mo. Yung wallet niya." nilabas niya ito at binigay sa akin.Kinuha ko iyon at binuklat ko."May ilang pera, ID, resibo. Nandiyan din ang isang calling card na may nakalagay na pangalan na Ken Del Valle. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang ama ni Kian, tama ba?"Agad n
ViaNakarating ako sa apartment pasado 2:30 am na ng madaling araw. Sobrang napagod ako. Bente pesos nalang din natira sa pera ko. Kakasya pa kaya ito sa pamasahe kong pupunta ng office bukas?Bubuksan ko na sana ang pinto ng tumunog ang phone ko na agad kong kinuha sa bag ko at pangalan ni sir Ivan ang nagpakita doon."Hello po sir.""Salamat Via." napangiti ako at sumandal sa pader na katabi ng pintuan ko."Ako pa po dapat ang humingi ng tawad sa inyo dahil sa ginawa ng tita ko. Alam ko pong malaking kasalanan ang ginawa niya sa inyong mag-asawa. Ang pagkuha at paglayo ng anak niyo sa inyo ay mabigat na para sa inyo bilang magulang. How much more sa bata na maghahanap yan balang araw ng totoong magulang kung malalaman niyang hindi siya totoong anak nito."Yan ang bagay na hindi ginawa noong nalaman kong ampon ako. Bukod sa napakaswerte ko na at ramdam ko ang pagmamahal ng mga nilakihang magulang ko ay hindi na ako naghangad na hanapin pa ang mga ito."Malaking sakripisyo ang ginawa m