(Missamy Charm POV)
“Naalala ko lang si Kuya kung paano siya mag-alala sa akin. Kitang-kita ko sayo kanina. Relaxs lang. Ang importante ngayon Jeff, ligtas yung dalawang bata. Di sayo magagalit yung Uncle Jay nila.”
“They are adopted children ni Jay.” Tumaas ang kilay ko.
“Adopted? At hindi anak ng kapatid ni Jay?” Ngumisi sa akin si Jeff.
“Isa lang ang kapatid ni Jay, si Dexs. Personal assistant ng fiancée ko.”
Ouch.
Biglang may sumakit sa akin ng marinig ko na naman yung salitang fiancée. Sana all, may fiancée.
Napatango na lang ako. Bakit niya sinasabi ito sa akin? Nanadya ba siya? At bakit sira ang puso ko? At nakakaramdam na lang ako ng pananakip ng dibdib ko.
Hala! May sakit na ba ako?
Si Jeff kasi, lagi na lang ako ginugulat at tinatakot. Baka nga natruma na ng tuluyan ang puso ko.
“So, meaning mahilig
(Jeff POV) Nagulat na lamang ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Jean. Nakarating pa ang gagong to dito. “Kamusta ang araw niyo dito?” tanong niya sa akin na may nakakairitang ngiti. “Ah. I'm sorry pinagmamasdan mo pala ang asawa mo.” “Tss.” Lumayo na ako sa kanya, at tuluyan ko nang hinila si Missamy papunta sa tent namin. How dare na sumulpot si Jean dito. Halatang nakainom na inawat ni Shin ng tangkang lalapitan kami nito. Pumasok na kami sa loob ng Tent ni Missamy. “Ano ba ang pinunta ni Jean dito?” mahinang tanong niya dahil tulog na yung dalawang bata. “Matulog ka na.” saka aktong lalabas ako, ng pigilan niya ang kamay ko. “Saan ka pupunta? Gagawa ka na naman ng gulo. Hayaan mo na yun Jeff, nakainom yun panigurado.” “Babalik ako.” Saka inalis ko na ang kamay niya. Lumapit nga ak
(Jeff POV) Juan Carlos, ano bang sumpa ang iniwan mo sa akin? Ginagawa mo akong sira ulo sa situation ko. Magastos kayong magkapatid, ngunit parang okey lang sa akin dahil nasa tabi ko naman ang kapatid mo. Tell me what to do Juan Carlos? Talaga bang iiwan mo ang kapatid mo sa akin? Tell me. Maria Missamy Charm Opiana, like your name kasing weird ng pangalan mo din. Pero ng dahil sa ugali mong yan, look what you have done to me. Lumalambot ang puso ko na parang tanga. Pinag-kaisahan niyo ako ng kapatid mo. Ginagawa ko ngayon ang lahat para masagip lang si Juan Carlos, Missamy. Siya ang pinagdarasal ko, because alam ko na palagi mo siyang inaalala. At natitigilan ka na rin magtanong dahil alam mong di naman kita sasagutin. Paningin mo sa akin, di ko naiintindihan ang konsepto ng taong nag-aalala para sa kapatid niya. Because you see me na wala akong paki-alam sa mga kapatid ko. I do care Missamy. Natatakot lang talaga a
(Chin POV) Abalang magbasa ng libro si Boss Jeff, at tulog parin si Missamy. Nang tumunog yung phone ko at si Madam Ivy. Pumunta ako sa sulok para sagutin. Walang alam si Boss Jeff na close ko ang fiancée niya, na ito nga ang pumasok sa akin ng trabaho sa pamamahay na’to. “Madam Ivy.” “Kamusta? Anong balita? Umuwi na ba sila? Di ba dala ni Jeff ang phone niya at di sinasagot ang tawag ko?” Well Madam Ivy, kawawa ka naman. Nakakalimutan ka na ata talaga ni Boss Jeff. “Di sila nakauwi ng pamamahay Madam Ivy. Isinugod si Miss Missamy sa hospital, at andito ako ngayon.” “Tungkol ba ito sa gamot na pinapalagay ko sa inumin ni Missamy.” “Parang.” Oo, may pinapalagay nga si Madam Ivy na ewan kung ano. Sana wag naman lason. Ayoko maging mamatay tao sa kwentong to. “Good. Di tatagal susunod di
(Jeff POV) Dumating si Jay. “Master Jeff, updated report kay Juan Carlos. Stable, walang nangyayaring progress.” Stable. Tss. Anong klaseng paggamit mo ng salitang yan Jay. “Wala pa lang kwenta ang papel na yan.” Napatango si Jay na di itinuloy ang pagbigay ng folder sa akin. “Sa tingin mo may gusto bang pumatay kay Missamy?” “Bakit Master Jeff?” “Sabi ng doctor ng Elder, nilason si Missamy at hindi ng dahil sa gamot.” Di makapagsalita si Jay. “Papuntahin mo dito si Butler Nang, kakausapin ko siya tungkol sa mga katulong. Nasa kontrata na dapat pangalagaan ko si Missamy sa loob ng limang buwan. Look kung ano itong nangyayari sa kapatid ni Juan Carlos.” “Yes Master Jeff, makakarating kay Butler Nang.” Umalis na siya ngunit iniwan ang ilang document na kailangan ko i-review at pirmahan. Bago ko atupagin ang mga pape
(Jeff POV) Kumalas na ako ng yakap kay Ivy. “Please escort my fiancée outside Jay.” “Pero Jeff.” “Just listen to me Ivy.” Ako na itong napahakbang palayo sa kanila. Nadatnan kong nakaupo sa higaan si Missamy. Ngumiti ulit siya sa akin. Napadaan lang ako sa paningin niya at pumunta sa malapit na bintana. Doon ako pumwesto. “Sira ulo ang fiancée mo Jeff.” Sinabi ni Missamy, na medyo malungkot ang tinig niya. Ngunit tumingin sa akin na may ngiti ang labi at napa-peace sign. “Tss.” “Anong ginawa niya sa akin?” tanong ni Missamy na may narinig nga siya. “Ano ang mga narinig mo?” Dahil bigla akong nag-alala na baka narinig niya ang tungkol kay Juan Carlos. “Sinasaktan ni Ivy yung tumutulong sayo? At isa nga ako doon? Tapos pinagbibintangan ka niya na nahuhulog ka sa a
(Missamy POV) Gutom na ako. At napapareklamo na ako kay Jay. Feeling ko nga gumaling ako dahil sa gutom na nararamdaman ko. “Umuwi si Master Jeff para ipagluto ka Miss Missamy.” “Marunong ba yun? Baka matuluyan ako sa lulutuin niya.” Pero di na ako pinansin ni Jay, tinignan yung phone niya at nawala sa paningin ko. Nang sumulpot ulit, may kasama na itong babae. Jowa ni Jay? Magkamukha sila. “Miss Missamy siya ang bagong personal assistant mo, si Dexs. Kapatid ko.” Ngumiti ito sa akin, at inabot ang kamay sa akin. “Hello.” Meaning sinisante nga ni Jeff si Chin. Hala! Ako nga ang dahilan kung bakit nawalan ito ng trabaho. “Si Chin?” tanong ko kay Jay. “Wag kang mag-alala sa kanya, may trabaho parin siya.” (Chin POV)
(Missamy Charm POV) Pumasok si Dexs at Jay. Pumwesto sa likuran naming dalawa. Sinipa ko na ang paa ni Jeff sa ilalim, na ngayon napatitig na siya sa akin ng masamang mata. Bad trip Missamy Charm, bakit lalo mong binabadtrip? “Kanino niyo na naman nakuha ang balitang yan?” Ang bobo naman ng tanong ni Jeff. Syempre yung tumingin na doctor sa akin. “Gusto mo bang pa-imbestigahan ko ang nangyari sa asawa mo Jeff?” “Don't do it. Kumilos na ako. Sibak lahat ng katulong sa pamamahay ko. At ang personal assistant ng asawa ko, pinalitan ko na ng kapatid ni Jay.” Ganito ba talaga ka-importante sa kanila ang kalusugan ng pamilya nila? Wow naman. Kaya pala ang tagal nilang mamatay. “Bukas na bukas maari na kaming umuwi. Kaya nothing to worry about my wife. Tss. Sa ginawa niyo, para na naman pinupolitika ang pamilya ko nito.” “Di ka na nada
(Missamy Charm POV) Tinakbo ko siya at hinampas na nga ng tuluyan ang sinira niyang bouquet. “Ang sama mo talaga!” kaya lang ng iwasan niya ang sunod kong atake, ako itong nadulas. Pero agad naman ako sinalo. Kaya lang ulit, nawalan siya ng balance na bago pa man bumagsak kaming dalawa sinigurado niyang ako itong mapapaibabaw. Nauntog ang mukha ko sa dibdib niya, at siya sa sahig. Masakit Jeff? Hangang sa nagkatitigan kaming dalawa. Ahem. Baka mangyari na naman yung halikan namin ni Jeff. Di namin alam na ginawa na lang namin. Ayoko nang mangyari yun, kaya bumangon na ako. “Nababagay lang yan sayo.” Ibig ko lang sabihin yung untog ng ulo niya. Sa sobrang sira ulo talaga eh. “Ang dami mong pinagseselosan na lalaki sa akin, wala naman tayong dalawa. Hmph!” saka napadive na ako sa higaan ko. Tumalikod na sa kanya. Kala mo naman kasi, mamahalin niya ako.