"What?! She's back? Since when, and why? And how did she find you—her sister?" As usual, sunod-sunod na tanong na naman ang tangi na naging tugon ni Gray sa kan’yang kaibigan lalo nang sabihin nito sa kan'ya na nagbalik na si Reina, ang babae na puno’t-dulo ng lahat ng kaguluhan sa buhay nina Kenji at Reiko sa nakaraan. "Yes, she’s back. Actually, hindi ko alam kung ano ang buo na napag-usapan nila na magkapatid. Ayaw ko rin naman na panghimasukan pa ang bagay na iyon kung hindi pa handa si Reiko na sabihin sa akin ang lahat tungkol doon." Sagot pa niya habang panay rin ang pagbubuntong hininga niya habang patungo sila ni Gray sa paliparan. Gray and him don't actually spend a lot of time together in bars anymore. Kapag wala kasi siyang pasok o baka mas dapat na sabihin na kapag hindi siya pumapasok, ay mas pinipili niya na makasama ang mag-ina niya, kaya naman tuwing may lipad na lamang silang dalawa na magkasama siya nakakapag kuwento kay Gray ng mga nangyayari sa buhay niya at sa
Pangisi-ngisi si Reina habang nasa maliit na silid na iyon ng apartelle na pansamantala na nirerentahan niya. Ininis man siya ng kapatid niya kahapon ay nagkaro’n naman siya ngayon ng mas malaki na dahilan para pilitin si Reiko na sustentuhan siya. Bakit hindi? Ang lahat ng tinatamasa ng m*****a na kapatid niya ay dahil sa kagagawan niya. Kaya imbis na nagpuputok ang butsi ni Reiko sa kan’ya ay dapat pa nga nito na ipagpasalamat ang naging pagtakas niya noon. Napaka suwerte rin talaga ng kapatid niya kahit kailan. Kahit wala iyon na ginagawa ay kusa na nalalaglag sa kan’yang harapan ang suwerte. Sino ba naman ang mag-aakala na ang masungit na piloto na iyon ang makakatuluyan ni Reiko? Kung sinabi lamang sana noon pa ng Kenji Jarvis na iyon na papatol din siya sa magpapanggap na kabit niya, hindi na sana niya itinakbo ang pera at umalis. At sana, siya ngayon ang buhay reyna at nagpapasasa sa mga kayamanan nito. At sa lahat ng nalaman niya na iyon ay iisa lamang ang nararamdaman niya
Umaga pa lamang ay sira na agad ang araw ni Reiko. Kadarating pa lamang kasi niya sa coffee shop ay sinalubong na siya ng kan’yang kapatid. At dahil ayaw niya ng gulo ay wala siyang nagawa kung hindi ang pagbigyan ang nais nito na makapag-usap sila ulit. Kaya naman sa ikalawang pagkakataon ay nasa loob ng kan’yang opisina si Reina. "Ano na naman ba ang gusto mo, Reina? Hindi pa ba malinaw sa iyo ang mga sinabi ko? Hindi mo lang ba naintindihan o ayaw mo talaga na intindihin?" Ayaw man niya ay hindi niya maiwasan na sarkastiko ang maging dating niya sa kan'yang kapatid. Reina is simply impossible. Sa tingin ba ng ate niya ay magpapa-uto na naman siya? "Binibigyan kita ng pagkakataon na bawiin ang mga sinabi mo sa akin, Reiko. Binibigyan kita ng pagkakataon ngayon na ayusin natin ang pagiging magkapatid natin. Ayaw ko ng gulo at lalo na ayaw ko na masaktan kita. Hindi tayo ang dapat na nagtatalo at nag-iiwanan, dahil dapat ay magkasangga tayo sa lahat ng pagkakataon." Reiko can only s
"Hey, cupcake, are you alright?" Pumulupot ang mga bisig ni Kenji kay Reiko habang abala naman ang kan’yang nobya sa pag-aayos ng mga gamit nito sa silid nila. "What’s wrong? And don't tell me it’s nothing, because I can clearly see that it is something." Ipinatong pa niya ang kan’yang baba sa balikat nito habang hinahalik-halikan sa tainga ang kasintahan. "Kenji, stop." Pa-ungol na sagot niya sa nobyo niya. "Tell me what’s wrong." Pag-uulit pa na utos nito sa kan’ya habang lalo naman na hinigpitan ang pagkakayakap sa kan’ya. Ayaw na sana na ipaalam pa ni Reiko kay Kenji ang tungkol sa mga pagbabanta ni Reina. Problema na nilang magkapatid iyon at ayaw na niya na idamay pa ang nobyo niya sa mga kaguluhan nilang dalawa, pero magagawa nga ba niya na mag-sikreto kay Kenji kung napapansin nito ang lahat ng mga pagbabago sa reaksyon niya? "Reiks." Malambing siya nito na iniharap at saka ipinatong ang mga bisig sa balikat niya. "Ano ba talaga ang problema? Pinapakaba mo ako sa ganyan na
Sa isang high-end bar na iyon sa Makati makikita muli ang matalik na magkaibigan na nasa isang pribado na silid at masinsinan na nag-uusap at seryoso na tinatalakay ang mga mangyayari sa gabi na iyon. Pareho sila na kadarating lamang mula sa magkahiwalay na biyahe, ngunit dito nila naisipan na dumiretso upang gawin ang mga plano ni Kenji Jarvis. At kagaya ng dati, ang kasama niya ay ang matalik na kaibigan niya na si Gray Ricafort. Ito rin ang pareho na lugar kung saan nila una na pinag-usapan noon ang solusyon sa malaking problema niya sa kan’yang dating asawa na si Ica. Pero kaibahan noon, ang pinag-uusapan nila ngayon ay ang plano ni Kenji para sa panibago na problema sa buhay niya. Ang pagbabalik ni Reina, ang babae na dapat ay solusyon niya noon sa problema, ngunit ngayon ay siyang isang problema sa buhay nila ng kasintahan niya. "I am sure that Reina will come tonight. And although I am not sure that this would work, it is still best to try. Sabagay wala naman na mawawala, naga
"Oo, tama ka, baliw nga ako dahil tinalikuran ko ang trabaho na inalok mo sa akin noon. Tanga nga ako dahil kung hindi ko itinakbo ang pera na iyon, sana ako ang nasa posisyon ni Reiko ngayon, at kung hindi ako tumakas ako ang nagpapaligaya sa'yo. Pero nakaraan na ang lahat ng iyon, nagbabalik na ako para gampanan ang mga bagay na tinalikuran ko noon. At mas exciting nga ngayon, dahil ang magiging kabit mo ay ang hipag mo!" Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha ng lalaki ang galit dahil sa mga naririnig niya kay Reina. Siguro nga ay nababaliw na si Reina upang isipin ang mga ganito na bagay. She is clearly desperate for someone who wasn't even hers in the first place. "You really are insane, Reina!" Nanlilisik na ang mga mata ni Kenji sa galit para sa kausap niya. Kung baliw si Ica, mas baliw yata ang kapatid ni Reiko para maghabol sa kan'ya kahit na wala naman sila na naging relasyon. "You will never be a sister-in-law to me, because for me, Reiko doesn't have any family. Hindi kita ki
Pasulyap-sulyap si Arden sa kan’yang relo at halata ang pagka-inip na nararamdaman sa kan’yang paghihintay. Hindi niya ikinatutuwa na mag-iisang oras na siya na narito pero hindi pa rin dumarating ang babae na kausap niya. Halata na ang pagka-irita niya sa sitwasyon, lalo na at abalang-abala siya sa mga nakalipas na linggo sa mga responsibilidad na nakaatang sa kan'ya. His life with Kiro is not as easy as he had expected it to be, especially now that he and Reiko have broken up. Hirap na hirap na rin siya na balansehin ang kan’yang oras sa trabaho at sa anak niya, tapos isama pa ang pag-iisip niya ng mga plano kung paano muli na mababawi ang pagmamahal ng kan'yang kasintahan sa naging kabit nito. He and his family are not really on good terms because of his relationship with Reiko. At ang ginawa niya na pag-ako sa responsibilidad sa anak nito ang siyang naging dahilan at rason upang magalit ang mga magulang niya sa kan'ya, kaya ngayon ay wala siya na malapitan para matulungan siya s
Pailing-iling si Arden sa kan’ya habang sinasabi ang mga salita na lalo naman na nakapagpagalit sa kan’ya. "Ako ba ang sinasabi mo na puta o ikaw? Hindi ba at ikaw ang nang-akit sa akin kahit na may asawa ka na. Isn't that what bitches and whores do?" And that was the end of Ica's control and patience over Arden. In her rage for the man she seems to despise at this moment, she slammed her fist on the table. At ang aksyon na iyon ay hindi nakaligtas sa ilang tao na nasa restawran at agad na napatingin sa kanilang dalawa. Patay-malisya naman ang lalaki na nang-uuyam pa ang reaksyon kay Ica. Hindi niya gusto ang naririnig niya buhat sa dating matalik na kaibigan niya. How can Arden be this harsh to her? They should be on this together, but why is it that they are the ones fighting now? Paano nila mababawi ang mga dapat nila na bawiin kung sila mismo ay nag-aaway at hindi magkasundo? Alam naman din ni Arden na sumusobra na rin ang mga nasasabi niya kay Ica. He doesn’t want to, but he ca
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik sa istorya nina Reiko at Kenji. Natapos na po ang kuwento ng pag-iibigan nila at sana po ay nagustuhan ninyo. Sobrang thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga stories ko. This means so much to me. Sana po ay suportahan ninyo rin po ang iba ko pa na kuwento sa GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billlionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: The Rise of the Fallen Ex-Wife (Taglish) Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English)
Aligaga siya habang naghihintay ng abiso sa kan'ya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. She had been waiting for this day to come, and now that it is here, she doesn't really know if this is still what she wants. She doesn't really know if there is still something or someone out there for her when she goes out. Tatlong taon mahigit din na nakulong si Ica. Matapos siya na tuluyan na pabayaan ng kan’yang mga magulang at talikuran ng dating asawa niya, natutunan na niya ang mamuhay na mag-isa sa piitan. Hindi na nga niya inisip pa na mabibigyan pa siya ng pagkakataon na makalabas muli buhat sa mundo na ito, pero isang anghel ang dumating at binigyan siya ng isa pa na pagkakataon na ayusin muli ang buhay niya. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang sadyain siya ni Reiko sa kulungan. That visit was unexpected, but it was something that they both needed to find closure on everything that happened between them. —-- "Ano ang ginagawa mo rito?" Iyon agad
"Dad, do you think she’ll like this?" Nag-aalinlangan na tanong ng anak sa kan’yang ama habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang cake na nasa harapan niya. Malalim ang pag-iisip na ginagawa niya kung ano ba ang nararapat niya na piliin. "She will definitely like anything that you choose for her, son." Paninigurado naman ng ama niya sa kan’ya. "Are you sure? I’m not certain if this is her favorite or not." "More than the cake, it is your presence that will clearly matter for her, Kiro." Nakangiti na tugon ni Arden sa kan’yang anak. "Okay, let’s buy this one then." Sabay turo nito sa korteng puso na cake sa staff ng shop na iyon na agad naman na tumugon sa kan’ya at inayos ang order niya. Napapa-iling na lamang si Arden habang binabayaran ang kinuha na cake ng anak niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mag-aalala sa nakikita na pagka-aligaga sa kan’yang anak. He is not really sure because he is feeling the exact same way as Kiro is feeling at this exact moment. Pareho
"Hey, you’re in deep thought." Ang boses na iyon ng asawa ko ang nagpaputol sa akin sa pag-aalala ng amin nakaraan at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nakangiti siya habang papalapit sa akin, pero ang mga mata niya ay napupuno ng mga katanungan. "What are you thinking? May problema ba? May masakit ba sa'yo?" Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa nakikita ko na pag-aalala niya para sa akin. Everything is still as surreal for me as it can be. We may have been married already, but the butterflies in my stomach that she always makes me feel are still indescribable and unfathomable. Kalalaki ko na tao pero hindi ko maiwasan ang pagsirko-sirko ng puso ko sa asawa ko, lalo na kapag nakikita ko ang sobra rin na pagmamahal niya para sa akin. What we have is different from my past relationships. She is way different from all the other women that I’ve come across. And what we have will always be something that I'll treasure. "Pinapakilig mo na naman ako, misis ko. Alam mo naman na hindi
The set-up was going well for both of us. Hindi ko inakala, pero maayos naman ang naging usapan namin ni Reiko kung ano ang mangyayari sa kontrata. At gaya nang sinabi ko kay Reina, iyon din ang sinabi ko sa kan'ya. Ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Hindi namin kailangan na maging intimate sa isa't-isa. Wala akong plano na sirain ang relasyon namin ng asawa ko. Ginagawa ko lamang ito para mabawi siya sa pagkahumaling niya sa matalik na kaibigan niya. Matapos ang unang paghaharap namin nina Ica, I knew that I was back in the game. Alam ko na tama ang naging plano na ito ni Gray para muli ko na makuha ang pagmamahal ng asawa ko. Ayaw ni Ica sa kompetisyon, at nakita ko ang pagkabahala niya nang makita niya kami na magkasama ni Reiko sa restawran. And just as we have expected, Ica cannot bear the threats she sees in Reiko, and it is all the more fulfilling to see that in just a matter of days, I know this plan will succeed. And it should be, dahil hindi maaari na tumagal pa ang
I couldn’t keep the smile off my face as I watched the two most important people in my life enjoy our time together. It’s been a month since Reiko and I got married, and being married to her is the most wonderful feeling I have ever felt. I never thought I could still have the chance to find my happy ending in love. I never even believed that there was still somebody out there for me after Ica, but indeed, the right person will come at the right time. Habang pinagmamasdan ko ang mag-ina ko habang nagtatampisaw sila sa tabing-dagat, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na balikan ang aming nakaraan. Ang hindi ko inakala na pagmamahal na mararamdaman ko sa babae na pilosopa na naabutan namin ni Gray sa bahay ni Reina noon ay siya pala na makakasama ko sa habang-buhay ngayon. And who would have thought that I would even end up marrying the woman who got on my nerves the first time I saw her? Totoo nga siguro ang kasabihan na "the more you hate, the more you love", dahil ang pagmamaha
Paulit-ulit ko na sinasabi sa sarili ko, that for months I was already okay. I had been okay with the life that Kiro and I managed to have, or at least that’s what I have thought so and made myself believe. But guess what? I was so wrong to say that. Paulit-ulit ko na binabalikan ang balita na iyon na nasa feed ng social media account ko. Pilit ako na ngumingiti kahit na ang totoo ay durog na durog ang puso ko. Gusto ko na maging lubos na masaya para sa kan’ya, pero hindi ko pa rin magawa hanggang ngayon. Kahit na ano pa ang pagsisinungaling at pagtatago ang gawin ko, hindi maikakaila na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. At mas masakit na malaman na hinding-hindi na talaga siya magiging akin kailanman. Tuluyan na siya na naagaw sa akin ni Kenji Jarvis, at sa balita na iyon, muli na gumuho ang mundo ko. Kenji and Reiko had gotten married. Kahit na noon pa man nang magkapatawaran kami ay alam ko na rito rin hahantong ang lahat sa kanila. Pero sa kabila noon ay hindi pa rin ak
For months, I was already okay. I had been okay with the life that Kiro and I managed to have. Nang umalis kami sa Maynila ay nagpasya ako na magpunta kami na mag-ama sa Canada upang muli na makapagsimula at ayusin ang buhay namin. Mabuti na lamang din at hindi naging mahirap ang paglipat ko sa branch ng kumpanya namin dito sa ibang bansa. And it was as if everything had fallen into place for the first time. But the decision to leave the country was the hardest decision that I had to take. It was necessary for me to leave to be able to start anew with my and Kiro’s lives. Kinailangan ko na umalis at lumayo upang tuluyan ako na makakalimot sa lahat ng mga hindi maganda na nangyari sa amin sa Pilipinas, at para makabangon ako buhat sa lahat ng sakit at mga pagkakamali sa buhay ko. And in my desire to genuinely fix everything before we move on with our lives, a day before we left, nagpasya ako na dalahin si Kiro sa kan’yang ina sa kulungan upang pormal nang makapagpaalam. Hindi man nag
"Are you ready for me, cupcake?" Nang-aakit na tanong sa akin ng asawa ko habang dahan-dahan siya na papunta sa akin sa may kama. "Handa ka na ba, Misis Jarvis, sa magdamagan na mangyayari sa atin ngayon honeymoon natin?" "Paki-ulit mo nga ang sinabi mo." Utos ko sa kan’ya habang pilit na pinipigil ang ngiti na nais na kumawala sa akin. Pinagtaas-baba niya ang kilay niya habang nakakagat-labi pa, tinapunan niya ang kabuuan ko ng malalagkit na tingin saka inulit ang sinabi niya kanina na, "Handa ka na ba sa honeymoon natin? Handa ka na ba na mapuyat at mapagod?" Napasimangot ako habang umiiling-iling pa sa kan'ya, kaya naman nagsalubong ang kilay niya sa akin. "Hindi iyan ang pinapa-ulit ko. Ulitin mo ang sinabi mo kanina, ‘yun isa." Bahagya siya na natigilan sa paglapit, saka na naman na nangunot ang noo niya sa akin. Panandalian siya na nag-isip, then he smiled sweetly at me as he seductively tried to reach me again. "Are you ready for me, Mrs. Jarvis?" And a genuine smile swept