FRANZ frowned. May ilang beses na inayos ng don ang salamin sa mga mata. Hindi pa nasiyahan ay itinaas ang album at sinipat nang husto. Napahugot ito ng hininga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa album. Hindi pa nasiyahan, tinuklap nito ang plastic at inalis ang larawan mula roon."Careful," babala ni Beatriz. "Baka mapunit mo, luma na iyang larawang iyan."Mula sa pagkakatitig sa larawan ay niyuko siya ng asawa. "Bea..." Franco stared at his wife with disbelief in his eyes. "Sinadya mo bang ipakita sa akin ito? May nais ka bang ipahiwatig?"Nagkibit siya ng mga balikat. "Hindi ko alam, Franz. Hindi ko rin alam kung ano ang iisipin. Pero kaninang nanananghalian tayo kasama ang dalawang bata ay nagtumining sa isip kong pamilyar sa akin ang bata. Kahit noong una ko siyang makita. Lamang ay hindi ko gaanong binigyan ng pansin. Kanina, sa kaiisip ko ay kumislap sa balintataw ko ang album mo."Franz was incredulous. "Ano ang maaari kong isipin dito, Bea?"Nakita niyang sunod-sunod ang pagt
"IKAW!" bulalas niya at mabilis na binitiwan ang T-shirt at agad inayos upang matakpan ang humantad na tiyan. Umaasang dahil nakatalikod naman siya ay hindi nito nakita ang tiyan at ang ginawa niya.Zion waved and smiled. "Hi, there.""Bakit ka narito? Ano angginagawa mo rito? Nagpapansin ka ba sa akin?" Singhal niya, simbilis ng kidlat ang ginawang pagtayo. " Paano ka nakarating dito?""Isa-isa lang ang tanong. Tinalo mo pa ang armalite, ah."Sinulyapan ni Leo ang kabayong nakatali sa isang puno sa di-kalayuan. Masyado ba siyang nag-emote sa kalagayan niya sa buhay at hindi man lang niya narinig ang pagdating nito?Nakita ba nito ang pag-iyak niya na parang loka? At nakita ba nito nang suminga siya sa T-shirt niya na tila batang munti? Napaungol siya sa pagkapahiya."Kanina pa ako rito," ani Zion, puno ng kaaliwan ang mga mata. "Hindi ko sinasadyang manubok pero ayoko namang abalahin ang pag-e-emote mo. Nang makita kitang niyuko ang bangin, as if contemplating on jumping to your deat
"THIS is very, very good," ani Zion, devouring her pie. "Hindi ganito ang natitikman kong apple pie, which by the way, ay pangatlong beses ko pa lang nakakain sa buong buhay ko," pag-amin nito, then smiled sheepishly."Sinabi mo pa," susog ni Caleb. "Katunayan, ngayon lang ako nakatikim ng apple pie satanang buhay ko." Sinabayan nito iyon ng nahihiyang tawa.Beatriz was beaming. "My children and grand children love my apple pie, boys. Kahit saang bahagi sila ng mundo, sinasabi ng aking mga apo na walang katulad ang aking apple pie.""Sana ay kaya ni Mommy na mag-bake ng ganito. May nabibili namang apple sa groserya sa bayan.""l might tell your mother my secret recipe."May panghihinayang sa ngiti ni Zion. "But she's not into cooking, ma'am. Mas nasa photography ang talino ni Mommy.""And I know nothing about photography except admiring them.""Lumalakas ang ulan," ani Franz sa mga bata. "Alas singko pa lang pero madilim na sa labas. Nais ba ninyong dito na magpalipas ng gabi?"Sabay
"GRANT?" he muttered the name with venom."Paano nalaman ni Grant ang numerong iyan at ako ay hindi?""l must have given Grant this number inadvertently. I don't know, for heaven's sake! Telepono lang ay issue na sa iyo."He took a calming breath. "Yes, Grant...""It's off office hour, David. So hindi nasasagot ni Sebastian ang private line mo. Walang sumasagot sa bahay mo at sa penthouse. You've changed cp number again at hindi iyon alam ni Don Franz. Tinawagan niya ako.""May emergency ba sa Alta Tierra?" he asked, a little bit worried. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya ang ginagawang pagpaparoo't parito ni Nicole. Lumakad ito patungo sa tray at muling nagsalin ng alak at muli ring inisang-lagok iyon."Walang sinabi si Don Franz, just to return his call.""All right, I will call my father," aniya. Pinutol ang paguusap nila ni Grant at hinanap ang incoming call kanina sa cell phone niya at tinawagan ang numerong nakarehistro doon.Kaninong telepono ang gamit ng papa niya? Kail
"WHAT do you mean your mother has no memory of her past?" Davi's voice shook. The anger came back with a vengeance. Kung hindi bata ang kaharap niya ay pinitserahan na niya ito at inihagis sa labas ng mansion. "Are you making a fool out of us, Zion?"Ang mga mata niya ay matamang nakatitig sa binatilyo, dark with anger. Tila kalangitan na nagdidilim bago ang bagyo.But Zion's eyes met David's with equal intent. With equal anger. Ni hindi gustong magbaba ng tingin ang binatilyo. "How could you accuse me of that, Mr. Samonte!""David, for Pete's sake, will you just listen to her?" barked Franz. The tension between David and Zion was palpable. Kapagkuwa'y banayad na hinawakan ni Don Franco sa balikat ang binatilyo. " Forgive my daughter, Zion. Labis ang naging paghihirap niya sa pagkamatay ng asawa. Gusto kong marinig ang tungkol sa sinasabi mong pagkawala ng memorya ng mommy mo..."Tumiim ang mga bagang ni Zion. Matalim na sinulyapan si David bago nagpatuloy, "According to my grandmothe
KANINA pa nag-aabang si Kris sa clearing, ang bahagi ng lupain ni Leoncia na nilapagan din ng helicopter noong unang ihatid si Zion. Tumawag ang anak at sinabing pauwi na at na ihahatid ito ng chopper.Nakalilito sa kanya ang ikalawang pagkakataong inihahatid ang anak niya ng helicopter. Anguna'y may dahilan at napakabait ng mga Samonte upang ihatid si Zion nang nasa ospital si Philip.Subalit sa ikalawang pagkakataon?Hindi niya maunawaan kung bakit, pero hindi niya maiwasan ang kabahan. Kanina pa parang binabayo ang dibdib niya na hindi mawari.Nang matuon ang pansin niya sa ere. whack... whack...Krid squinted her eyes, tumingala sa kalangitan. She saw the chopper. Nakahinga siya nang maluwag. Umikot ito nang ilang beses sa ere bago unti-unting bumaba. It descended smoothly onto the clearing. Umaalimbukay ang mumunting damo sa malakas na hanging dala ng pag-ikot ng rotors.Ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan. Hindi naman niya gustong salubungin si Zion na para bang matagal sila
"NARITO ka na pala, Zion. May bisita tayo, Kris?""Magandang umaga sa inyo. Ako po si David—" "He's my dad, Lola. Ang totoong daddy ko!"Ang pagkamangha ay agad lumatay sa mukha ng matandang babae. "Nagbalik na ang memorya mo,"H-hindi pa, Mama...""Kung ganoon ay paano ninyo nalamang siya ang daddy ni Zion?" Pilit nitong pinagtatakpan ang takot sa pagsisikap na maging kalmante. Inilapag nito sa sahig ang dalawang supot ng groserya na pinamili sa bayan."Ako ang magpapaliwanag sa inyo, Lola," Zion said eagerly. Sinimulang ikuwento ni Zion sa abuela ang unang pagtatagpo nito at ng mga Samonte hanggang sa kahapong makita nito ang wedding picture ng mga magulang sa family room sa mansion sa Alta Tierra.Nanatiling tahimik ang matandang babae lalo na nang ipakita ni Zion ang album at ikompara iyon sa mga larawang nasa ibabaw ng television. Leoncia sighed in resignation. Napuno ng lungkot ang mukha. Nilapitan ito ni Zion at niyakap."Lola, hindi kita iiwan. Alam mo iyan."May sumilip na m
DAVID had cleared his throat. "Sometimes in the mornin' when shadows are deep. I lie here beside you just watching you sleep..."It was off-key and Helaena had smiled against his chest."And sometimes I whisper what I'm thinking of. My cup runneth over with love... hmm... hmm...""Ano ang iniisip mo ngayon?" she had whispered suggestively. Agad niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi niya. Sa liwanag ng ilaw mula sa lampshade ay umaasa siyang hindi iyon mapupuna ni David.She had never been this bold. With Philip, she had been the one to offer that they had sex out of obligation in the later months after Zion was born. Subalit si Philip ang kusang tumanggi.Noong una'y hindi niya alam kung bakit tumanggi ito gayong mag-asawa sila. Hanggang sa minabuti nitong ipagtapat sa kanya ang sexual dysfunction nito. Dahilan upang minabuti nitong magpaka-tandang binata at magtrabaho sa ibang bansa.Si Kris, isang Phil-American na nakilala ni Philip sa America ay hindi binigyang-halaga ang ka