Kabanata 9
"Two cinnamon hazelnut cake, Miss," I ordered as the lady in uniform asked me what flavor of cake do I want.
"Okay, sir. Pakisulat nalang po ng name ng celebrant." Iniabot niya sa akin ang isang notepad at ballpen.
Agad kong kinuha iyon, isinulat ang pangalan ni Kane at Kylie at ang edad nilang dalawa. Today is their birthday. Sigurado ngayon ay nagsisiyahan na sila sa bahay. Balita ko ay inimbita nilang dalawa ang mga kaibigan nila.
Nabigyan ko na naman ng pera kahapon si Kylie para bumili ng sangkap sa handa at pinakiusapan si Aling Myra, kapitbahay namin na siya na ang magluto no'n. Pumayag naman siya, sinabihan na magbabalot nalang daw siya ng kaunti para sa pamilya niya.
Nang matapos ay ibinalik ko ulit sa babae ang notepad bago ako humarap kay
Kabanata 10"Siguraduhin mong patay ang ilaw sa kusina bago ka matulog," paalala ko kay Kylie pagkaabot ko ng palangganna sa kaniya na may laman na maligamgam na tubig.Tumango lang siya, nakanguso bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Isinarado ko na ang pinto at siniguradong naka-lock iyon. Pinatay ko rin ang ilaw. Hindi ako makakatulog ng nakabukas iyon.Nang humarap ako sa kama ay mahimbing ng natutulog sa ikalawang palapag si Kane. Anong oras na rin kasi natapos ang inuman, alas onse na rin siguro iyon at halos sila ay lasing na lasing.Ang mga bisita naman ay nakauwi naman ng ligtas. Malapit lang din naman ang bahay nila sa amin.Bumaba ang tingin ko sa kama ko kung nasaan ngayon nakihalata ang walang malay na alkalde. Katatapos ko lang siyang hilamusan at bihisan. An
Kabanata 11"C'mon, Kiro! Bilhin na natin!" pilit pa ni Nikkolai habang hawak ang isang gitara na kulay krema ang katawan. Kanina pa niya hawak 'yan at kinukulit ako na kuhanin na namin iyon."Nikkolai, huwag na. Maayos pa naman ang gitara ko kaya hindi ko rin naman magagamit 'yan," giit ko.Sa totoo lang, sa tingin ko ay malapit na talagang masira ang gitara ko dahil nakailang palit ako ng string ngayong linggo dahil sa palaging napipigtas. Minsan naman ay palaging wala sa tono. Nakakaasar nga dahil kung kailan malapit na ang fiesta, doon pa ito sumabay.Gusto man tanggapin ang alok niya na bilhin iyon para sa akin ay tinatanggihan ko talaga. Bukod sa nakakahiya ay ilang beses na rin niya itong ginagawa sa akin—sa amin ng mga kapatid ko."Edi gamitin mo nalang kapag tuluyan ng nasira ang gitara mo," pangungulit pa niya. "Look, Kiro. I just want this for you. It looks good on you. Isa pa, gusto kong tuparin sa'yo 'yong
Kabanata 12"Are you staying here for good?" tanong ni Mayor sa kaniya habang naglalakad na kami palabas ng perya."No, bakasyon lang. Baka pagkatapos ng fiesta ay lilipad na rin kami pabalik ng States," sagot ni Rios at inakbayan si Nikkolai.Patago nalang akong napairap sa pakikinig sa usapan nila. Inilagay ko ang dalawa kong sa mga bulsa ng pantalon ko at diretsong tumingin sa daanan. Hindi ko ba alam kung bakit ba ako nakakaramdam ng inis ngayon, pero sino bang hindi?Simula nung dumating siya kanina ay parang wala ng Kiro ang nag-e-exist sa harap nila. Parang nakalimutan na ako dahil sa masayang pag-uusap nila. Gusto na naman sanang mauna at umuwi pero hindi naman ako makasabat sa kanila kaya no choice kundi ang maging thirdwheel nila."Bakit parang ambilis naman?"He sighed. "Hindi ko nga alam kay Mama, e. Pero hayaan mo na. Sulitin nalang natin ang mga araw na nandito ako! Let's bond!""Sige lang," pagsa
Kabanata 13Kinabukasan ay alas diez na rin ang gising ko dahil sa puyat, kakahintay sa reply niya kagabi. Kahit isang emoticon man lang mula sa kaniya ay wala akong natanggap.Pagkabangon, wala na sa kama niya si Kane. Kung wala sa baba 'yon para mag-almusal, nasa basketball court siya para maglaro kasama ang mga tropa niya. Inayos ko lang sandali ang mga kalat sa kuwarto bago ako lumabas doon."Happy Fiesta, Kuya!" masiglang bati sa akin ni Kylie habang pababa ako sa hagdan. Tinanguan ko lang siya habang humihikab pa at nagkakamot ng batok. Ngumiwi naman siya habang pinagmamasdan ang mukha ko. "Ang pangit mo, Kuya. May bisita ka pa naman, oh!""Sino?"Nang tuluyan akong makababa ay tuluyan kong nakita kung sinong bisita ang tinutukoy ng kapatid ko. Nakaupo silang dalawa sa may sofa at may nakahapag na dalawang basong kape sa center table.Nakasuot pa sila ng shorts, muscle tee at rubber shoes. Mukhang kagagali
Kabanata 14Tunog ng makina ng aircon at mahihinang mga bulungan ng mga tao ang nakapagpagising ng diwa ko. Isang kamay ang nararamdaman kong humahawak sa kamay ko, marahan pang hinahaplos 'yon.Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Malabo at sumasayaw pa ang aking paningin, bahagya pang kumirot ang ulo kaya muli na naman akong napapikit. Matapos ang ilang segundo, dinilat ko ulit ang mata ko. Hindi tulad kanina, hindi na masyadong magalaw pero medyo malabo pa rin."Kuya?" boses 'yon ni Kylie na siyang nakahawak pala sa'kin. "Gising na si Kuya!" anunsyo niya. Naramdaman ko ang mga mata nila sa akin."Kuya!" si Kane na agad din akong hinawakan. "Ayos ka na ba? May masakit ba sa'yo?" puno ng pag-aalala na tanong niya.Hindi ko siya sinagot, bagkus ay inilibot ko ang mata ko sa paligid. Puti ang lahat ng nakikita ko mula kisame hanggang dingding. Sa kaliwa ko ay nandoon ang IV pole kung saan nakasabit ang IV fluid bag at dextr
Kabanata 15"Sigurado ka bang ayos ka na talaga?" tanong ni Nikkolai matapos akong pagbuksan ng pinto sa kaniyang kotse. Tumango ako bago ako pumasok sa may side seat. Siya naman ay umikot at binuksan ang pinto sa driver's seat at pumasok.Nilingon niya ako, may bahid pa rin ng pag-aalala ang kaniyang mga mata. Kanina pa siya ganiyan simula nung puntahan niya ako sa kwarto at gisingin upang tanungin kung puwede ko ba siyang samahan sa pupuntahan niya."Mukha bang hindi?" natatawang sagot ko. "Wala na talagang masakit sa'kin. Promise. Kahit tingnan mo pa 'to, oh."Itinaas ko ang aking kaliwang braso at pinaigting 'yon. Bahagya akong napangiwi sa biglang pagkirot no'n dahil sa ginawa ko, pero agad ko rin 'yong binura at ibinalik ang malawak na ngiti sa labi upang hindi na siya mag-aalala pa."See? Sabi sa'yo wala na, e."Hindi na naman kasi gaanong masakit hindi tulad no'n na halos kaunting kirot ko lang ng kamay
Kabanata 16Kailangan nga ba nagsimulang magkagusto sa kaniya?Nung itinakas ko siya sa mga raleshista sa harap ng munisipyo? Nung hinalikan ko siya sa balkonahe nung gabing nag-inuman kami? Baka naman sa pag-iwas niya sa'kin no'n at hinahanap-hanap ko siya? Hindi naman kaya nung dumating si Rios at nakakaramdam ako ng selos? O baka naman nung gabi ng fiesta nang kumanta siya sa stage?Sa totoo lang, hindi ko alam. I really don't when did I started to have this romantic feelings for him. Ang hirap para sa'kin na sagutin ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Sobrang gulo ng isipan ko sa tuwing pumapasok sa isip ko na may gusto ng ako sa kaniya."Hindi mo sasagutin ang tawag ni Mayor, Kuya?" kwestyon ni Kylie nang makita ang pangalan ni Nikkolai sa screen ng cellphone ko.He's calling again. Nangangati ang kamay ko na sagutin 'yon pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Ito ang palaging ginagawa ko sa tuwing tatawag siy
Kabanata 17"Bakit pa kasi sabay pa? Hindi ba puwedeng mamaya ka nalang?" nahihiyang reklamo niya.Isinara ko ang pinto ng banyo at siniguradong naka-lock iyon. Ngumisi ako sa kaniya. Nakasandal siya sa may sink, nakayakap sarili at nangangatog ang mga ngipin dahil sa lamig na nararamdaman.Tulad ng gusto niya kanina ay hinatid nga niya ako. At dahil ayaw ko na naman siyang umuwi dahil basa na siya masyado dahil sa ulan at masyado ng malalim ang gabi ay inaya ko nalang siya dito na muna matulog ngayon."Sabay na tayo para wala ng hintayan," sabi ko at lumapit sa kaniya. "Isa pa, para hindi na rin sayang ang tubig. Nagtitipid kami ngayon, e.""Pero hindi na tayo mga bata, Kiro. Isn't awkward kung sabay tayong maliligo ng hubo't hubad?" giit niya.I snorted. "Nagsabay na nga tayong umihi at nakita na natin ang nasa gitna ng hita ng isa't isa. Nagkatabi na tayong matulog. Ngayon ba pa tayo ma-a-awkward sa isa
Kabanata 34"Kiro! Ano ba ang nangyayari? Hey, where the hell are you going?! Ano'ng ibig mong sabihing nasa panganib si Nikkolai?!" sigaw ni Nathalia habang hinahabol ako palabas ng hotel. Kahit madami ang tanong na naibato niya sa'kin magmula kaninang nasa kwarto ay wala akong sinagot kahit isa. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya, wala nang oras para pansinin siya sa ganitong klaseng sitwasyon. "Kiro! Kinakabahan na ako sa'yo! What the hell is really happening with Nikkolai?!" Again, I didn't bother to turned to her.Sinubukan kong muling tawagan ang numerong nag-send sa'kin ng message at picture ni Nikkolai na kalunos-lunos ang hitsura, pero cannot be reach na rin tulad ng numero niya. Napahawak nalang ako nang mahigpit sa cellphone ko. Oh, God! Please, answer the call! Pagdating sa labas ay marami akong nababanggang taong nagsasayawan. Hindi na ako nagtangka pang humingi ng dispensa dahil sa sobrang pagmamadali. Sinisigawan ako ng iba, at ang iba naman ay hindi na ako
Kabanata 33"Ayos ka lang ba, Kuya? Maganda naman dito pero bakit parang hindi ka naman nag-e-enjoy?" tanong ni Kylie, bakas sa kaniyang boses ang pagtataka."Oo nga, Kiro. Kanina ko pa napapansin 'yang pagiging aligaga mo. May hinahanap ka ba?" si Ate Lillian na ganoon din ang tono ng kaniyang boses.And because of that, I stopped looking around and shifted back my eyes on them. Puno man ng kolorete ang kanilang mukha ngayon ngunit bakas pa rin ang magkahalong pagtataka at pag-aaala doon. Kahit na balot ako ngayon ng agam-agam ay pinili ko pa rin silang bigyang ng ngiti."Ayos lang ako," palusot ko. "Tinitingnan ko lang ang kabuuan ng isla. Ganda kasi, e. Halatang naalagaan nang mabuti."I gave them my sweetest smile, umaasa ako na mapapawi no'n ang pag-aalala nila ngunit mukhang bigo ako."Sigurado ka?" tanong pa ni Ate Lillian.Mabilis akong tumango."Ayos lang talaga ako, Ate. Don't
Kabanata 32 Love is really sweeter in second time around. Iyon lang ang napagtanto ko simula nang magkabalikan kami ni Nikkolai. Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat mga mahihinang bulong ng mga salita ay ramdam ko ang tamis. Ang tamis na akala ko ay nawala sa'min nung iwanan ko siya. Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa. Sa pagkakataong ito, wala kaming ibang ginawa kundi ang bumawi sa isa't isa, pinupunan ang mga araw na nasayang namin noon. May mga oras din naman na hindi namin nakakasama ang isa't isa dahil may pinagkakaabalahan kaming pareho; siya sa bayan ng La Castellion, habang ako naman ay ang band career ko sa Manila. Twice a month na rin ako kung umuwi dito sa La Castellion at isang linggo na nanatili dito para makasama siya at ang pamilya ko. Isang taon ang lumipas na gano'n ang ginagawa ko, ginagawa namin. Sinisigurado ko talagang may quality time kaming dalawa.&nbs
Kabanata 31"Sigurado bang wala kayong problema sa akin? Kahit na ganito ako?" tanong ko habang abala ako sa pagtingin ng aking repleksyon sa harap ng salamin, inaayos ang aking itim na buhok gamit ang hair wax.Medyo kumapal na ito dahil medyo matagal na rin simula nung huli kong punta sa barber shop. I also changed my hair style when I was in Manila. From faux hawk cut, I changed it to quiff. Bumagay naman iyon sa diamond shape kong mukha."Sus. Anong problema sa'yo, p're? Hindi naman big deal sa'min 'yan." tugon ni Oliver habang sinusuot ang silver necklace niyaMula dito sa salamin ay kita kong napatingin silang lahat sa'kin sa gitna ng pag-aayos nila sa kanilang sarili para sa magaganap na concert ngayon. Time really flies so fast. Parang noong nakaraan lang ay pinagpaplanuhan palang namin ito, pero heto kami ngayon at naghahanda na.Nandito kami sa i
Kabanata 30"Sigurado kang kaya mong magmaneho? Puwedeng ako naman kung hindi mo kaya."Hindi ko alam kung ilang beses na ba niyang itinanong sa'kin 'yan. Simula palang nung naglalakad kami papunta dito ay kinukwestyon na niya ako tungkol dito."Oo nga. Ang kulit mo," natatawang sagot ko at pinisil ang kaniyang pisngi."I'm just worried. Sabi mo kasi masakit pa rin 'yang..." He pointed pll my butt using his lips. "Baka kasi hindi ka maging komportable sa pagmamaneho mo."Masakit pa rin naman talaga ngunit hindi na naman kasing-sakit tulad kagabi. Medyo mahapdi nalang at minsanan nalang ang pagkirot.Kaninang nag-almusal kami bago umalis sa apartment niya, komportable naman ang pag-upo ko kaya siguradong hindi naman ako mahihirapan sa pagd-drive."Ayos na ako. No need to worry, okay? Atsaka kung sumakit
Kabanata 29"Masakit pa ba?" malumanay na tanong niya mula sa'king likod, rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.Kauuwi lang namin dito sa apartment niya. Dito na naming naisipan na umuwi pagkatapos ng nangyari sa'min sa ilalim ng tulay dahil bukod sa ayaw na naming makita kami ng mga tao doon na ganito ang histsura namin, maayos din ang banyo at puwestong pagpapahingahan namin dito.Marahan akong tumango, napapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko."Medyo nalang. Hindi na katulad kanina."My butt is really in pain right now. Makirot na mahapdi, lalo na kanina habang naliligo kami sa banyo. Siya pa ang nagbuhos sa'kin ng tubig dahil sa panlalambot na naramdaman ko na para akong lalagnatin. Maging ngayon nga sa pag-upo ko sa kama niya ay dama ko pa rin ang nangyari sa'min kanina.That's my first time. Kadalasan kasi na ako ang
Kabanata 28Dalawang kamay ang nararamdaman ko na pilit binobomba ang aking dibdib. Malakas at mabilis na halos maramdaman ko nalang din ang paghingal sa kaniyang ginagawa. Kasunod no'n ay ang pagsakop ng isang malambot na labi sa aking bibig at walang humpay akong binibigyan ng aking sa loob.Salitan niyang ginawa ang dalawang iyon hanggang sa naging mabilis ang pag-akyat ng tubig sa aking lalamunan at ibuga iyon ng aking bibig. I gasped hardly after all the salty water came out from my mouth. Naging mabigat din ang aking paghinga, pilit na hinahabol ang hangin na nawala sa akin."Kiro! Kiro!" Iyon ang malabong boses na narinig ko ilang sandali pa nang bumalik ako sa wisyo.Masyadong mahina na umabot sa puntong karamihan sa mga sinasabi niya ay hindi pumapasok sa aking tainga.He softly tapped my cheeks, trying to wake me up while calling my name. Dahil d
Kabanata 27"Gano'n ba talaga si Mayor? He's a little bit grumpy..." Huminga ng malalim si Yaz matapos niyang sabihin iyon at malungkot na ngumiti.I know she's still offended of what Nikkolai said to her. Kung ako nga nagdamdam, siya pa kaya? Masakit para sa kaniya iyon dahil hindi naman talaga niya sinasadyang magkulang ang dala niya. She was just trying to give what she have, pero kagaguhan lang ang isinukli sa kaniya ni Nikkolai."Hayaan mo na siya. Gago talaga 'yon kahit kailan kaya walang nagkakagusto sa kaniya." Ngumiti ako para kahit papaano ay mapagaan ko man lang ang loob niya."You two were friends, right?" Tumango ako. "Is he really that bad?"Nagkibit ako ng balikat. Gusto kong sagutin 'yon ng "oo" pero ayaw ko naman na magsinungaling sa kaniya at ayaw kong mapasama pa si Nikkolai sa mata niya."Hindi naman. Sakto lang...gaya ko, pero mas guwapo ako sa kaniya, 'di ba? Kahit na gago ako." biro ko pa
Kabanata 26"Hey, kids! Ayusin niyo ang pila niyo para mag-umpisa na tayo," natatawang suway ni Yaz sa mga bata na nagkakaroon nga ng krisis sa kanilang pila.Paano ba naman, kung hindi sila nagpapaunahan sa pila, nagtutulakan naman sila na para bang mauubusan sa ibibigay sa kanila ni Yaz. Parang kanina lang ay magkakasundo pa sila sa laro nilang takbuhan, ngayon ay parang kalaban na ang turing nila sa isa't isa."Ganito nalang," singit ni Kylie na ngayon ang ipamimigay nila. "Kung sino sa inyo ang pinakatahimik, siya ang unang mabibigyan ng tsokolate, okay?"Dahil doon ay natahimik ang mga bata, lalo na si Toyang na pinaka-ingay at magulo sa kanilang lahat. Nasa gitna siya ng pila, magulo ang maiksing buhok at nakanguso ang maliit niyang labi."Tatlo ibigay mo sa'kin, Ate, ha? Nauubos kaya pera ko sa kanonood ko ng music video niyo sa computer shop!"