Home / LGBTQ + / FORGOTTEN / CHAPTER 5

Share

CHAPTER 5

Author: binibiningCieL
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

ELA's POV

"Isela..." narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Elise.

Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang haplos sa puso ko sa tuwing naririnig ko ang sarili kong pangalan.

Nakakatawang isipin pero masyado ko atang mahal ang sarili ko.

"...ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang masyadong imik," dagdag na sabi ni Elise.

Napatingin ako sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

Humahanga talaga ako sa ganda ni Elise kahit napakasimple lang nito. Napakaamo din ng mukha na akala mo ay hindi marunong magalit.

Naalala ko tuloy kapag sinusubukan niyang maging istrikta sa mga batang tinuturuan niya sa isla. Mukhang epektibo naman sa mga bata dahil tumatahimik naman sila pero iba ang dating saakin no'n.

"Ayos lang ako. Napagod lang ata ako sa dalawang oras na biyahe sakay ng bangka," sagot ko sa kanya sabay ngiti nang bahagya.

Mula kasi nang makarating kami sa may pier, parang sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko rin maintindihan ang biglang pagsakit ng ulo ko. Baka nabigla lang ako sa napakaraming tao na nadatnan namin nang makarating kami sa bayan.

Unang beses ko kasing pagluwas ito kaya paniguradong maninibago talaga ako.

Kadalasan kasi ay si Nanay Celia ang sumasama kay Elise sa pagpunta sa bayan kada buwan para mamimili ng mga kailangan ng mga bata sa pag-aaral.

"Bakit dito tayo Elise? Hindi pa ba natin nabibili lahat? Tsaka... h-hindi ba mahal ang mga pamilihin dito?" tanong ko nang bumaba kami mula sa tricycle na mukhang kakilala ni Elise ang may-ari. Panay naman ang tingin ko sa napakalaki at ilang palapag din na building na kaharap namin ngayon.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit mukhang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Napunta na kaya ako rito dati?

"May bibilhin lang ako na siguradong magugustuhan ng mga bata. Gusto ko rin na magandang kalidad ang gagamitin nila para kahit papa'no ay magtagal sa kanila," sagot niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Gagamitin mo na naman ba ang sarili mong pera? Elise naman. Alam kong masyado mong mahal ang mga estudyante mo pero kailangan mo rin namang magtabi para sa sarili mo," sabi ko sa kanya.

Tumawa lang siya nang bahagya.

"Alam ko naman yan. Wag kang mag-alala. May sapat akong panggastos para sa sarili ko," sabi niya habang natatawa pa saka hinigit na 'ko papasok ng mall.

Pumasok kami kung saan may nakikita akong mga libro at mga gamit pang-eskwela sa may bandang dulo.

Hindi ko alam kung ano-anong kinukuha ni Elise at nilalagay sa isang medyo maliit lang na handcart. Ako naman ay patingin-tingin lang sa mga gamit na nandoon.

Bakit kaya mukhang hindi ako naninibago sa mga nakikita ko?

"Mama! Bibilhan mo na ba 'ko nung sinasabi ko sayong mga libro??" narinig ko ang sabi ng isang bata na mukhang excited.

Narinig ko rin ang pag-ring ng cellphone ni Elise na agad naman niyang sinagot habang nagbabayad siya ng mga pinamili niya.

"Bibilhan muna kita ng papel dito 'nak. Sa susunod na 'yong mga librong yun. Wag na makulit ha? Bibilhan kita mamaya ng paborito mong ice cream doon sa ice cream shop na lagi nating pinupuntahan dito sa mall. Hm?" pagkumbinsi ng ina sa anak niya.

I-Ice cream shop...

"Mama naman eh! 'Di ba sabi ko kailangan ko 'yong mga libro na 'yon sa school?? Lahat ng classmates ko meron na, ako na lang ang wala! Sige na pleeeease??"

Hindi ko namalayan ang kusang paggalaw ng mga paa ko papalabas sa kung saan man ako naroon.

Bakit ganito? Parang... may gusto akong puntahan. Para bang hinihigop ang mga paa ko papunta doon. At parang... may pangungulila akong naramdaman... nasasabik akong puntahan ang isang lugar na hindi ko matukoy kung ano at saan.

At ang napakalaking tanong...

Bakit??

Patuloy lang ako sa paglalakad na para bang saulo ko ang bawat daan at sulok ng building na 'to.

Hanggang sa kusang tumigil ang mga paa ko sa isang....

Ice cream shop???

Alam ko naman ang ice cream at ang lasa nito dahil minsan ay nagdadala ng pasalubong saamin si Nanay Celia kapag sila ang lumuluwas ni Elise. Pero hindi ko naman yun gaanong nagugustuhan kahit sila ay gustong gusto nila lalo na't tsokolate at ube ang kanilang paborito. Kaya't sa tingin ko ay hindi ko naman talaga hahanap-hanapin iyon.

Pero bakit ako nandito??

B-Bakit parang... gusto kong pumasok at tignan ang loob kung... kung...

---ano nga ba?

Hay nako! Nahihibang na ba 'ko? Natatakot na 'ko sa sarili kong kinikilos!

"Isela! Nandyan ka lang pala! Pinag-alala mo pa 'kong babae ka nako! Bakit ba bigla ka na lang nawala? May sinagot lang ako na tawag hindi na kita makita!" narinig ko ang boses ni Elise ngunit hindi ko pa rin gaanong naitutuwid ang pag-iisip ko kaya hindi ko agad siya nasagot.

"E-Elise..." pilit kong sambit sa pangalan niya dahil baka mag-alala na naman siya.

"P-Pasensiya na..." dagdag ko pa. Napansin ko kasi ang mga mata niyang parang nagsasabi na hindi nga ako okay.

Mas lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Isela naman eh. Sa susunod magpaalam ka naman sa'kin. Masyado mo 'kong pinag-alala. Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tumango na lang ako bilang sagot at binigyan siya ng isang ngiti.

Hinawakan ko nang bahagya ang braso niya dahilan para dahan-dahan niyang tanggalin ang mga kamay niya mula sa mukha ko. Baka kasi mapansin niya ang pisngi kong sa tingin ko ay namumula na.

"Tara na," sabi ko saka kami sabay na naglakad paluwas ng mall.

"Tumawag sa'kin si Aling Trina kanina. 'Yong kilala kong isa sa mga tindera ng isda sa may pier. Pinapasabi raw ni Mang Kanor na magmadali na tayo at mukhang magiging masama ang panahon mamayang gabi. Baka delikado na raw ang pagsakay ng bangka." sabi ni Elise habang naglalakad kami palabas.

Napasinghap naman ako nang makatuntong kami sa labas dahil sa nasalubong naming mainit na hangin.

Napakainit naman dito. Mabuti pa sa isla. Sariwa ang hangin at tahimik. Malayo sa ingay ng napakaraming tao at mga tunog ng sasakyan.

Namimiss ko na tuloy sila Nanay Celia.

"Gano'n ba. Aba't kailangan na nga nating umalis. Nasa'n na ba 'yong tricycle?" tanong ko sa kanya.

"Teka lang... Dito lang 'yon naka-park eh. Baka do'n sa may dulo---" sabi ni Elise pero hindi natuloy dahil may biglang humigit sa kamay ko at napatigil din siya dahil hawak ko siya sa may braso.

"Zenice," tawag ng isang babaeng hindi ko alam kung sino.

Medyo nagulat ako pagharap ko sa kanya dahil hindi ko akalain na ganito kaganda ang bubungad sa'kin.

Ang ganda ng mga mata niya. Pansin din ang perpektong hugis at haba ng kilay niya. Mahahabang pilikmata. Matangos na ilong at magagandang hugis ng labi. Napakakinis din tingnan ang mga balat niyang mukhang nagniningning pa dahil sa kaunting sikat ng araw. Napaka swak ang pagkakahulma ng bawat parte ng mukha niya. Agaw pansin din ang kakaibang kulay ng kanyang buhok na mas lalong nagpapadagdag sa dating niya.

P-Pero maganda pa rin si Elise!

"B-Bakit po?" mabuti at nagawa kong makapagsalita.

Pero hindi siya sumasagot. Nakatitig lang siya sa... m-mukha ko.

"O? Ikaw yung kanina ah. May kelangan po ba kayo?" rinig kong sambit ni Elise.

Nakita na niya ang babaeng 'to kanina?

Gusto ko mang tingnan si Elise na nagsalita ay hindi ko magawa dahil parang nanghihigop ang mga tingin ng babaeng 'to.

B-Bakit parang kakaiba ang mga tingin niyang 'yon?

Bakit parang... nagugustuhan kong titigan din ang mga matang ramdam kong pamilyar sa'kin?

Umiling iling ako sa isip ko.

Nadadala lang siguro ako sa emosyong pinapakita ng mga mata niya.

Tsaka hindi ko naman siya kilala ah! Sigurado akong... h-hindi ko pa siya nakikita.

Napasinghap ako nang bigla niya 'kong yakapin...

Mahigpit.

Napakahigpit na parang matagal niya 'kong hindi nakita.

Yakap ng isang taong matagal na naghintay para sa pagkakataong mayakap ulit ang mahal nila sa buhay.

Hindi ako agad nakakilos o kahit nakapagsalita.

At alam kong ganoon din ang reaksiyon ni Elise ngayon.

Ramdam na ramdam ko ang yakap niya.

At tsaka....

Ramdam na ramdam ko din ang...

...a-ang dibdib niyang t-tumatama din sa dib--- ano ba Isela! Umayos ka nga! At kelan ka pa naging manyak ha??

Tatanggalin ko na sana ang pagkakayakap niya nang bigla siyang magsalita.

"Zenice... It's really you... It's you, Love," mahinang sabi niya. Malinaw sa pandinig ko 'yon pero hindi ko alam kung narinig iyon ni Elise.

Ramdam kong nababasa ang balikat ko.

Naglalaway ba siya--- Isela! Tsk!

"I'm so glad you're alive... You came back... like you promised. Thank you. Thank you for coming back," sabi pa niya.

Mukhang umiiyak ang isang 'to ngayon.

Hala. Wala naman akong ginagawa ah. Siya nga 'tong may ginagawa sakin eh.

Marahan niyang hinahaplos ang likuran ko at parang ayaw na niya 'kong pakawalan. Kaya pilit akong kumawala sa pagkakayakap nito dahil parang hindi na din ako kumportable. Napapatingin na din sa'min ang iilang taong dumadaan malapit sa amin.

"W-Wait lang po..." sabi ko.

Kita ko ang mga mata niyang may luha nang makaharap ko ulit siya.

"Mali po ata kayo ng nilapitan. H-Hindi po ako ang tinutukoy ninyo. Pasensya na po," sabi ko sabay iwas ng tingin dahil parang gusto kong punasan ang mga luhang dumadaloy sa mamula-mula niyang pisngi.

Napakamot na lang ako sa may bandang kilay ko nang mapansin kong nakatitig lang siya sa'kin.

Nagulat ako sa pagngiti niya pero hindi ko pinahalata. Nginitian ko na lang din siya para hindi siya mapahiya. Naku naman.

Nang mapansin kong hindi na siya nagsasalita ay bahagya akong kumaway sa may mukha niya para kunin ang atensiyon niya.

"Uy," tawag ko sa kanya.

May dumi kaya ako sa mukha? O baka muta? Hala Isela!

Kaya ba panay ngiti siya dahil natatawa na siya sa itsura ko ngayon?

"A-Ah... I'm sorry. You're just really pretty Zenice," sagot niya na ikinabigla ko naman.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil mukhang naapektuhan ako  sa sinabi niya.

Ano ba Isela! Hindi ikaw ang tinutukoy niya! Ibang tao yun! Tsk!

P-Pero... sino kayang Zenice? Hindi naman sakin pamilyar eh.

Tsaka... mas gusto ko ang pangalan kong Isela.

Hays. Eto na naman ako. Ipinagyayabang ko na naman ang sarili kong pangalan.

Sinuri ko ang babaeng kaharap ko ngayon.

"Maayos naman po kayo manamit... Sa totoo nga... sobrang ayos naman. Pero... m-may sakit po ba kayo?" tanong ko sakanya.

Maayos naman kasi talaga ang itsura niya. Mukhang mayaman pa. Hindi kaya sa utak ang problema niya?

Panay kasi ang banggit niya ng pangalang Zenice. Eh sinabi nang hindi ako 'yon. Baka... kamukha ko lang.

Teka... mayaman kaya 'yon kung sakaling may kamukha nga ako? Ano kayang itsura ko kapag nakasuot ng mamahaling dam--- Isela! Haynako! Tama na sa kung ano-anong naiisip mo ah. Tss.

Nagulat ako sa bahagyang pagtawa niya.

Hala. May deperensiya ata talaga 'to.

Dahan-dahan akong bumaling kay Elise at medyo tinakpan ang bibig ko para bumulong sakanya.

"E-Elise... t-tatakbo na ba tayo?" mahina kong sabi.

Pero kumunot lang ang noo niya. Ngumuso naman ako.

Hindi ba siya natatakot?

Hmp.

Binalingan ko ulit siya ng tingin at hindi niya pa rin inaalis ang pagtitig sa'kin.

Hindi niya ba nakuha ang mga sinabi ko kanina?

Hays. Mukhang kailangan niya talaga ng explanation. Sana naman ay madali siyang makaintindi tulad ng mga bata sa isla na madali lang kausap.

"Okay. Miss. Pakinggan mo 'kong mabuti ha?" sabi ko.

Umayos ako ng tayo para i-explain sa kanya na nagkakamali lang talaga siya.

"Hindi Zenice ang pangalan ko kundi Isela. Pero madalas akong tinatawag sa amin na Ela. Iyon ang palayaw ko. At ito namang kasama ko, siya si Elise. Isa siyang guro duuuuun sa napakalayong lugar namin," sabi ko pa.

Tumango naman siya.

Mabuti naman at naintindihan niya.

"Saan naman 'yong malayong lugar na 'yon?" tanong niya.

"Basta malayo. Isla Aparo ang tawag pero sa tingin ko ay hindi mo 'yon alam. Napakaliit lang ng lugar namin na 'yon. Saka..." tiningnan ko ulit ang kabuuan niya.

"...sa tingin ko hindi ka mahilig pumunta sa ganoong lugar. Kaya siguradong hindi mo talaga alam 'yon." dagdag ko. Totoo naman kasi eh. Mukhang sanay lang siya sa malinis, maganda at maayos na lugar.

Teka...

Eh malinis, maganda, at maayos naman ang isla namin ah. Malayo lang talaga.

"Uhm... Miss. Kailangan na talaga naming umalis. Naghahabol kami ng oras ngayon dahil baka hindi na kami makauwi sa araw na 'to. Mahirap kasi ang pauwi samin kaya... sana maintindihan mo. Tsaka... sino bang Zenice ang tinutukoy mo? Kaano-ano mo ba siya? Panigurado kasing nagkakamali ka lang," sabat naman ni Elise.

Hala oo nga pala! Kailangan na namin magmadali. Ilang oras pa ang biyahe namin.

Naku po.

"She's my wife."

Nagulat ako, pati na si Elise sa diretsong sagot ng babae.

Pero....

Ha?? Wife? As in asawa?

Siya? Ako? Kami??

Naguguluhan na talaga 'ko sa mga sinasabi nito. Hindi ko rin maiwasang mag-alala para sa kanya. Wala ba siyang kasama rito?

"H-hahaha... Pasensiya na pero w-wala pa 'kong asawa. H-hahaha..." Dinaan ko na lang sa tawa ang sinabi niya.

"Pasensiya na pero kailangan na talaga naming umalis," sabi ni Elise sabay higit sa kamay ko.

Nagpadala na lang din ako dahil baka hindi na nga namin maabutan si Mang Kanor.

Akala ko ay pababayaan na kami nung babae pero ramdam ko ang paghigpit niya sa kamay ko dahilan para mahinto kami ni Elise at biglang napaharap ulit sakanya.

"No please. D-don't leave me again... Zenice." Kita ko ang lungkot sa mga mata nito.

"Miss ano ba. Kailangan na talaga naming um---" naputol ang sinasabi ni Elise nang biglang sumigaw ang babae.

"I said no!" giit niya kasabay ang hindi magandang pagtingin kay Elise.

Hindi ko nagustuhan ang nakita ko.

"I-I'm sorry. I j-just---" hindi niya natuloy ang pagsasalita nang mapatingin ulit siya sakin.

Nalulungkot ako para sa kanya pero parang hindi ko naman matatanggap na bastusin niya si Elise. Siya na nga 'tong nakakaabala samin eh. 'Di ba?

Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko.

"Hindi mo siya kailangang sigawan. Pasensiya na at kelangan naming magmadali. Pero aalis na kami sa ayaw at sa gusto mo. At isa pa... Isela ang pangalan ko. At hindi ako ang taong hinahanap mo," sabi ko saka nagsimulang talikuran siya.

Bago kami makapasok sa tricycle ay parang gusto ko siyang lingunin. Mali bang sinabi ko 'yon sa kanya? P-Pero...

"I'm sorry Zenice! But I'll promise to find you no matter what! Pupuntahan kita kung saan ka mang lugar mapadpad so wait for me! I'll be there for you and I'll make sure to take you back!!"

Narinig ko ang pagsigaw niya. Hindi ko akalain na gagawin niya 'yon.

Pero ano daw??

Hahanapin niya 'ko?

Bakit??

T-tsaka... Take me back?

Hala. Hindi ata sa utak ang problema niya. May sapi siguro ang isang 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa naisip ko.

Isasama ko na lang siya sa mga dasal ko.

Tama.

Related chapters

  • FORGOTTEN   CHAPTER 6

    VIAH's POVMedyo nagtagal pa 'ko dito sa labas ng mall dahil hindi ko pa gaanong ma-absorb ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala.But... I'm really happy.I really am.Pinunas ko agad ang nangingilid kong mga luha.It's not the time to cry Viah. You should prepare everything to take her back.First thing I should do is... go to that place.Isla... Aparo?It's quite familiar.Napuntahan na ba namin 'yon?Pero... bakit hindi namin siya nakita?I need to find out what's going on.Another thing... she can't remember me.She might have been in shock. Or...Something like amnesia?I took a deep breath.Okay Viah.First, stop worrying about that. What's more important is that she's alive and well.Although, by the looks of it, mukhang simple lang ang pamumuhay niya ngayon.But I'm beyond grateful whoever they are or which family was it. I'll make sure to repay their kindness bigtime. For taking care of Zenice when I wasn't there for her in the past years.After some time, I decided to get

  • FORGOTTEN   CHAPTER 7

    VIAH's POVTahimik lang kami simula nang magdrive ako.Pasulyap sulyap lang din ako sa kanya sa rearview mirror.Pero...Ang sakit lang pagmasdan.Masakit makita ang sobrang pag-aalala niya sa ibang tao maliban sakin at sa pamilya niya. Na halos hindi niya 'ko mapansin kahit magkasama kami ngayon.I scratched the thought.Wag kang ganyan Viah. Baka masakal si Zenice sa'yo 'pag nagkataon. Lalo na't hindi ka naman niya naaalala. Be patient enough.Nagfocus na lang ako sa pagda-drive. Hindi naman gaanong malayo ang condo ko. A fifteen-minute drive will do.Maya-maya ay nakarating na kami. Tinulungan ko siyang alalayan ang kasama niya na mukhang lamig na lamig pa rin hanggang ngayon.Hindi ko maalis ang tingin kay Zenice. Gano'n din siya. Kaso sa iba nga lang at hindi sa'kin. Hindi niya maalis ang paningin sa kasama niya.I'm really happy that she's here... that she's well and alive.Pero hindi ko maiwasan ang malungkot dahil gustong-gusto ko na siyang yakapin at hawakan pero hindi ko mag

  • FORGOTTEN   CHAPTER 8

    ELA's POV"Sit down. I'll make some soup... or maybe you want some porridge?" tanong niya habang nakangisi.Takte naman Isela! Bakit ba kasi ngayon pa yan nag-alborotong tiyan mo?!Nakakahiya!Pero...Kung iisipin ay okay lang naman. Dahil dun ay nakalayo na siya sa'kin. Kesa naman halos mawalan na 'ko ng hininga kanina dahil sobrang lapit ng mga mukha namin.Ano ba naman kasing babaeng 'to! Hindi ko malaman kung anong trip sa buhay. Minsan mukhang may deperensiya sa pag-iisip. Pero mukha naman siyang okay kung titignan. Basta 'wag lang niya 'kong tatawaging Zenice."A-ako na lang gagawa niyan. Papakainin ko din si Elise maya-maya," sa wakas ay nagawa kong makapagsalita. Akala ko nalunok ko na dila ko eh.Pansin ko namang napatigil siya sa paggalaw.Akala ko nga uutot lang eh. Pero gumalaw naman agad siya ulit.Baka hindi natuloy. Pfft.Pero hindi niya ba 'ko narinig?Hindi ko namalayan na pinagmamasdan ko na pala siya.At dahil do'n ay napansin ko na naman ang damit at buhok niya na

  • FORGOTTEN   CHAPTER 9

    VIAH's POV"Z-Zenice... Zenice wake up. Zenice!"Bigla akong nataranta nang bigla na lang siyang mawalan ng malay.Marahan pero sunod sunod ang ginawa kong pagtapik sa pisngi niya.Hindi ko alam ang gagawin. Mga ilang minuto na rin ang nakalipas pero wala akong magawa.Hindi naman ako pwedeng tumawag ng ambulansiya. Hindi pa pwedeng malaman ng lahat na buhay siya. Sigurado akong may makakakilala sakanya lalo na sa mga ospital na malapit dito. Hindi ko siya pwedeng biglain. Lalo na't nawala ang mga alaala niya. Baka hindi niya kayanin na pagkagising niya ay bigla na lang nagbago ang buhay na kinagisnan niya sa isla na 'yon. At isa pa, di ko pa sigurado kung may gustong humamak sa kanya kaya nangyari ang insidente three years ago.Hindi ko naman mahingian ng tulong si Tobi dahil siguradong nasa ospital siya para sa Dad niya. Ayoko nang dumagdag sa mga problema niya ngayon.But what should I fckn' do?!"Zeni---" bigla akong napatigil sa paghinga."Uhmm..."Gumalaw siya!"...inaantok na '

  • FORGOTTEN   CHAPTER 10

    ELA's POV"Ela ano ba yan! Hanapin mo yung dulo! Bakit nagkabuhol-buhol na yan sa kamay mo??" sigaw sakin ni Kuya Kael.Tinutulungan ko siyang isampay yung lambat."Eh kasi!" reklamo ko habang pilit tinatanggal yung kamay ko na parang tinalian na."Hahahaha! Ano ba Isela. Hanggang ngayon hindi ka pa rin ba natututo niyan?" patawa-tawang lumapit si Elise samin.Ngumuso lang ako saka siya sinamaan ng tingin."Ikaw na ngang tumulong dito Elise. Magsisibak pa 'ko ng kahoy. Baka si nanay na naman ang nangunguha ng panggatong doon." sabi ni Kuya Kael pagkatapos ay umalis na rin.Araw ng sabado ngayon kaya walang pasok si Elise at ang mga bata.Tanaw na tanaw ko ang pang-araw araw na gawain ng mga tao dito sa isla. Naglalarong mga bata, ang ibang kababaihan ay nagbibilad ng isda, ang mga kalalakihan ay nag-aayos ng kanilang bangka pati na ang mga isdang nahuli nila, at ang iba ay abala ata sa kani-kanilang bahay.Pagkatapos namin ni Elise ay pumunta na kami sa bahay. Magsasaing na rin ako ma

  • FORGOTTEN   CHAPTER 11

    VIAH's POV"Tumahimik ka! Mabuti pa ay umalis ka nalang bago ko pa makalimutan na may utang na loob ako sayo sa pagtulong mo sa amin noon! At pwede ba?? Itigil mo na ang kahibangan mo at umuwi ka nalang kung saan ka man nagmula! Ilaan mo nalang yan na oras mo sa pagtanggap sa pagkawala ng kung sino mang kinakabaliwan mo!"Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga naririnig ko.Hindi ako makapaniwala.She's literally yelling at me. With pure anger.Na ngayon lang niya ginawa.Ang sakit pala...Ang sakit marinig at makitang hindi ka pinaniniwalaan ng taong mahal mo.Ganito ba ang naramdaman niya noon nang hindi ko inalam ang totoong nangyari?Noong agad lang akong naniwala at basta nalang nagpadala sa sarili kong emosyon?I'm so sorry Zenice.Everything was my fault.I'm deeply sorry if I ruined your life. I'm sorry if I let you go through all this pain and sufferings on your own.I'm sorry if... ...if I broke your heart that time.This might be that thing called 'karma'.And yes, it'

  • FORGOTTEN   CHAPTER 12

    ELA's POVNandito kami ngayon sa hapag-kainan para kumain ng tanghalian.Pinasadahan ko ng tingin yung babae, si... Viah."Baka bago ako makakain tunaw na 'ko niyan," sabi ko habang naglalagay ng kanin sa plato ko."H-Ha? Ah--- s-sorry..." mahinang sabi niya.Kita ko ang pagpipigil ng ngiti ni Elise kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa."Kumain ka na Viah anak. 'Wag kang mahihiya," malumanay na sabi ni Nanay.Bakit ba sobrang bait niya? Parang gusto nang ampunin lahat ng tao kung maka 'anak' sa kahit sino.Nakitang kong naglagay na din si Viah ng kanin sa plato niya.Pero halos malaglag ang panga ko sa soooobrang dami ng nilagay niya.Sana naramdaman niyo yung pagka-sarkastiko ko.Tss."Sisiw ka ba?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay."H-Ha?" walang malay niyang tanong.Napatingin siya sa plato niya na tinitignan ko.Pansin kong napatingin naman ang lahat doon.Dinagdagan ko yung kanin niya."Mas marami pa atang kumain yung mga manok namin kesa sayo. Tingin mo ba aabot ka pan

  • FORGOTTEN   CHAPTER 13

    VIAH's POVI'm busy rummaging through some scattered documents on my desk when I heard my room's door made a clattering sound.It's Vico."What the hell are you thinking Viah??!" he asked furiously.Tinaasan ko lang siya ng kilay.He took a deep breath, refraining himself."Saang lupalop ka ba nagpunta kahapon at ngayon ka lang umuwi dito sa bahay?? You just left from the office yesterday without saying anything! After squabbling with one of our investor?! Why---Where did that smart brain of yours go, Viah?!"Ayoko sana siyang sagutin but he might get really furious. Mom might be worried again."Umuwi ako kahapon Vico. I stayed at my condo," I answered while arranging the papers on my desk."And you didn't even call??" he asked in disbelief."There's no signal in that place," I simply answered."What?? Then where the hell was that---" I cut him off."Stop asking questions and just get out of my room," I said then looked at him with my dead serious look. Pero hindi pa rin siya nagpatal

Latest chapter

  • FORGOTTEN   CHAPTER 41

    VIAH's POVNaalimpungatan ako dahil sa nararamdaman kong may humahaplos sa mukha ko kanina pa.Dahan-dahan akong nagmulat at mukha ng isang dyosa ang naki--- wait.No. Stop it, Viah.She deceived you last night, right??Ha!Hindi talaga 'ko makapaniwala na---na. . .n-na binitin niya 'ko kagabi!Oo!That's my main punishment daw for leaving without saying anything.And damn! I can't do anything about it!Ang tagal ko ngang nakatunganga kagabi bago ko maproseso ang pag-iwan niya sakin sa ere."Is that a good-morning-look, Isela?" she asked while smiling sweetly.Nakatukod ang kanang kamay niya sa ulo niya habanag nakatingin sakin."Do you think I'd wake up with a good mood after what you've done?" mataray kong sagot but I still sound sleepy.She just gave me a soft laugh and damn... I love it.

  • FORGOTTEN   CHAPTER 40

    VIAH's POV"Fck that business convention." I grumbled while walking out of the airport's exit.My phone rang as I grab a taxi way back in my condo."Yeah Uncle Zac?" walang gana kong sagot."Ang paborito kong pamangkin! Hahahahaha"Bahagya kong inilayo ang phone sa tenga ko."I'm really thankful Viah. I owe you big time! Hahahaha. So how's the convention? At bakit nga pala tumagal ka pa ng two days dun?" Uncle Zac asked.Oh by the way. He asked me a favor last time.A business convention held in Mexico that was supposed to be attended by my oh-so-great cousin, Uncle Zac's only son. I showed up instead as his representative."Admit it Uncle, you already know I can't say no... But I admit, the convention was quite... interesting. So it's okay. And I talked to some business moguls there, that's why I stayed for a bit. Thank me for telling them good words about you. I actually found some intereste

  • FORGOTTEN   CHAPTER 39

    TOBI's POV"It's Kuya Vico." sabi ko saka ipinakita kay Zenice ang phone screen ko.She suddenly got attentive.Sinagot ko agad ang tawag at ni-loud speak yun.Pero mabilis na kinuha ni Zenice sakin yung phone."Kuya Vico?" agad na sabi niya."Z-Zenice..." rinig naming sabi ng nasa kabilang linya. Parang nagulat pa 'to na si Zenice ang sumagot.Ano ba talagang nangyayari??"Where's Isela? Did she contact you?""A-Ah... Y-Yes.. S-She just arrived in... M-Mexico---""W-Why?? Was it b-business related??" tanong agad ni Zenice.Hindi kaagad nakasagot si Kuya Vico."I actually... d-don't know...Wala siyang sinabi. S-She just said not to worry and I don't need to contact her." he said."What about me? H-Hindi niya ba 'ko b-binanggit?" umaasang tanong ni Zenice."It w

  • FORGOTTEN   CHAPTER 38

    TOBI's POV"Can you stop biting your fingers? That's not healthy... and it's gross." Terry said while looking at me with her nandidiring face.I glared at her."Eh ikaw bakit ka ba nandito?? You're not even that close with Zenny girl. At akala ko ba busy ka sa clinic mo?" I asked her with my mataray accent.Oh. And by the way. We're here at Tito David's hospital. Naka-admit si Zenice dito dahil sa minor accident na nangyari dun sa isla bago kami makauwi.Gosh talaga. Kung alam niyo lang kung pano nag-hysterical ang lahat. Syempre naman diba. Alam nila yung pinagdaanan ni Zenny girl noon. We don't want her to suffer like that again."Baka nakakalimutan mong ako ang nakakita at tumulong kay Zenice kahapon? So, I have the right to be here. Tito David also asked me a favor to check on her. And by the way, I temporarily closed my clinic. I need a break." sagot naman ni Terry.Medyo may na-feel akong something dun sa 'I need a break' niya kaya hindi na 'ko nagsalita pa.She's now sitting on

  • FORGOTTEN   CHAPTER 37

    ZENICE's POVPinag-isipan kong mabuti yung ginawa at mga nasabi ko.Masyado lang naman akong nag-alala para kay Elise kaya hindi ko na napansin pa kung ano mang lumabas sa bibig ko.Inaamin kong nainis ako kay Viah kanina. Pero hindi ko inintindi ang intensiyon niya at pinag-isipan pa ng hindi maganda.Aish. Sumobra ka na naman Isel--- Zenice eh. Tsk.Pumasok na 'ko sa loob.Nakita ko si Terry na nakahiga sa couch habang nakatakip ang isang braso sa mga mata niya.Mukhang tulog.Nalungkot ulit ako nang maisip ko yung nangyari kanina. Sana maging maayos din siya.Wala akong mahagilap na Viah dito kaya tinungo ko ang nag-iisang kwarto sa loob.At tama nga ako. Nandoon siya. Natutulog.Dahan-dahan akong pumasok at doon ko lang napansin na nasa loob din pala si Kuya Vico. Mukhang malalim din ang tulog sa couch.Lumapit ako kay Viah at nakita ko ang mukha niyang parang napakatahimik pag tulog.Umupo ako sa may gilid niya at napangiti nang hindi ko namamalayan.Umusod siya ng kaunti at tuma

  • FORGOTTEN   CHAPTER 36

    CLARA's POVIt's already six in the evening.And this is one of the best days in my life.Because I'm with my loved ones.The people from my past, my present, and future. They're all gathered here and it's giving so much warmth in my heart.I was a bit startled when someone hugged me from the back."I'm here with you, Sienn Clara. So why keep on thinking about me huh?" malambing na tanong ni Ace saka ipinatong ang baba niya sa isa kong balikat.Pabiro ko naman hinampas ang mga kamay niyang nakapulupot sa bewang ko."At sino namang nagsabi na ikaw ang iniisip ko? Ang feeling mo." sabi ko naman sakanya.Tinawanan lang ako ng loko."Ang ganda ng sunset 'no?" I said while we're watching the sun set."Hm... Parang hindi naman." sagot niya sakin na ikinasimangot ko naman.Tiningnan ko siya nang masama pero siya parang inosenteng nakatingin lang sakin."Ikaw lang naman ang maganda sa paningin ko, Sienn Clara." he said while smiling sweetly.Gosh. How could I pretend not to be affected if he'

  • FORGOTTEN   CHAPTER 35

    VIAH's POV"T-Terry?" naguguluhang sambit ko habang nakatingin sakanya, pagkatapos ay kay Elise."S-Sam?" Elise mumbled at halos sabay lang kami sa pagsasalita.Naguluhan naman ako dahil magkaiba ang pangalan na binanggit namin. Yun kasi ang pakilala samin kanina sakanya ni Gab, Kuya Zell's girl.Terry is crying nonstop. Without any sound, just tears running down her cheeks.Ibang-iba sa nakita naming behavior niya around all of us kanina. Palatawa, palabiro, at kaya din lumandi.Wait. D-Don't tell me..."A-A-Anong g-ginagawa m-mo dito...?" utal na sabi ni Elise. Bahagya pa itong napaatras."Tell me Elise... were you happy knowing that I was left behind? I tried hard to be happy for you dahil sabi mo tutuloy ka sa New York para makapagsimula ng bagong buhay!" Terry shouted."Hoy! Malanding Terry! Why did you lie na half brother mo si Sam Milby ha?! Porket may

  • FORGOTTEN   CHAPTER 34

    VIAH's POV "Kuya! Kuya!"Nabaling ang atensiyon namin ni Vico sa isang batang babae na tumatakbo papalapit samin.She's familiar. I'm sure she's one of Elise's student.Kita ko ang pagkunot ng noo ni Vico.Right. Hindi siya mahilig--- I mean... ayaw niya sa bata.Pfft.Pinagmasdan ko lang ang bata na ngayon ay nakatayo na sa harap ni Vico.Nakahalukipkip at nakanguso pa 'to habang nakatingala sa kaharap niya.Mas matangkad pa naman 'to sakin."Bakit niyo naman po pinaiyak yung bespren ko??" parang nanunumbat na sabi nung bata.Napatingin naman ako kay Vico.Nagpaiyak siya ng bata??"What? I didn't do anything. Sinabihan ko lang naman na hindi ako makikipaglaro sakanya because I'm too old for that and I'm not really in the mood." sagot naman niya na parang ang sungit pang pakinggan."Nagustuhan lang naman kayo ng bespren ko kaya gusto niya sain

  • FORGOTTEN   CHAPTER 33

    ZENICE's POVMabilis kaming nakarating sa Isla Aparo.Nakakapanibago nga dahil wala pang isang oras ay nandito na kami. Hindi tulad kapag gamit namin ay isang simpleng bangka lang. Magdadalawang oras at minsan ay higit pa.Kanina pa 'ko nakatanaw sa mga ka-isla ko.Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sakanila.Isang linggo din akong hindi nakabalik dito. Siguradong mabibigla din sila sa pagbisita naming ito. Ipapaliwanag ko nalang sakanila.Kitang kita din na mukhang natitipon ang mga tao sa isla at inaabangan kaming paparating.Hindi siguro nila inaasahan na may dadalaw sakanila dahil ngayon lang ito mangyayari na medyo madaming tao ang bibisita sa isla. Nang tumigil ang sinasakyan namin ay nagmadali ako para salubungin sila."Sinabi ko na sainyo at si Isela na nga iyon!" rinig kong sabi ng isa sakanila."'Nay!!!"Agad ko din naman natanaw ang kinaroroonan nila nanay kaya dumiretso ako doon."Anak!"Mahigpit akong yumakap sakanya at ganun din ang ginawa ni

DMCA.com Protection Status