SUMUNOD naman sa usapan si Vicente at hindi siya nito kinulit tungkol kay Cross nang mga sumunod na araw. Lahat sila naging abala sa maraming bagay hanggang sa mabilis na lumipas ang dalawang buwan. Wala ring nagawa si Cross sa mga nakalipas na linggo dahil lagi itong nasusupalpal ni Nikole at laging nakakagawa ng paraan ang dalaga na takasan ito. Ginawa na nga niyang katatawanan si Cross sa tuwing hindi sila nagpapangabot. Si Julian ang laging may pakana kung bakit hindi siya mahuli-huli ni Cross sa opisina at kahit sa bahay. “You’ve evaded Cross for the last two months. Congratulations!” bati ni Julian sa dalaga habang nagmamaneho. Kasalukuyan silang papunta sa Tagaytay Para sa monthly site visit nila sa project na hawak nila ni Clive. The three of them had stick on the schedules. Umuwi sila sa bahay sa Marikina kapag maraming libreng oras lalo na kapag Friday. Nikole enjoyed every Friday night for that. Hindi rin pinalampas ni Clive ang kanilang weekly date na minsan ay sinasama
“LET’S drop by to a clinic. Bernila is not feeling well,” suhestiyon ni Nikole matapos nilang kumain. Hindi nila naman binanggit sa dalawang lalaki ang posibleng dahilan hanggat hindi sila na kasisiguro. Naka convoy ang mga sasakyan nila pabalik ng Manila. Naroon si Bernila sa sasakyan ni Clive kasama ang driver ng mga ito.“Bern, what happened out there?” Nag-aalalang tanong ni Clive sa babae.Nag-iwas ng tingin si Bernila. Sasabihin niya ba sa boss ang hinala? Ilang sandaling nagtalo ang damdamin niya. Pero sa huli ay nagdesisyon siyang ikuwento ang nangyari sa loob ng ladies’ room. Clive was like her older brother.“I feel like the world is spinning, boss. Nalulula ako at nasusuka.” Nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago nagpatuloy. “Sabi ng isang marites doon sa ladies’ room… baka raw buntis ako.”“Oh,” napatango si Clive. Bagama’t hindi na iyon nakapagtataka dahil sa mga kalokohang iniutos ni Nikole rito. Pero nag-aalala siya na baka hindi nito gusto ang mga nangyayari. “Are yo
NAG-IPON ng hangin sa dibdib si Nikole bago nag desisyon. “All right, let him in.”Tumalima naman si Julian at binuksan ang pinto. Pumasok si Cross suot ang business suit na kulay maroon ay may dala itong isang bouquet ng pink roses. “Where’s Nikole?” Tiningnan nito si Julian na nakasuot lang na damit pambahay. “Join us, Mr. Santillan. We are having dinner.” Iginiya ni Julian si Cross sa kusina. Natigilan sa paghakbang si Cross nang makitang may mga bisita ang dalaga. “Oh, you have visitors. I should wait,” nakakaunawang wika ni Cross. “Please take your time, I’ll wait here.” Tinungo nito ang living room at naupo sa couch. Napansin ni Bernila ang biglang pagbabago ng mood ng mga naroon. Lihim lang siyang nakiramdam dahil wala siyang ideya sa kung ano ang nangyayari. The was who just arrived was the well-known Cross Santillan. Madalas niya itong nakikita sa mga society pages at balitang-balita ang tungkol sa naudlot nitong kasal. Pero bakit narito ito at may dalang bulaklak? Nanlil
BIGLANG napabalikwas ng bangon si Kaden. It was around seven in the morning when he glanced at his digital watch. Madalas namang pumupunta rito dati pa si Nikole dahil may sarili itong susi ng unit niya. Pero ano na naman ang ginagawa nito rito nang ganito kaaga?“What are doing here?!” bulalas ng binata. Lumagpas ang tingin niya sa kababata at nakita niya sa labas ng pinto sina Bernila at Clive. Narinig pa nila ang nagulat na boses ni Clive sa labas. “Vani?!” Hindi makapaniwala si Clive nang makilala ang babae. Minsan na niya itong naka-one night stand noon. Mabilis na kinabig ni Clive ang pinto ng silid ni Kaden.Maging ang babae ay nagulat din. “Oh, hi Clive!”“What the hell are you doing here?” Clive was curious and amazed at the same time.“It’s a long story.” Mabilis na nagsuot ang babae ng damit.Samantalang walang kibo si Bernila. Pakiramdam niya nangangatog ang tuhod niya dahil sa nasaksihan.“I should go. This situation spell trouble.” Hindi na naisuot ni Vanessa ang mataa
“BERN, I’m sorry about how Kaden acted. Please understand he’s just shocked,” wika ni Nikole nang naglalakad na sila sa malawak na hallway ng gusaling kinaroroonan ng bachelor’s pad ni Kaden.Walang kibo si Bernila na pinunas ang luha sa mata. Nagsalita rin ito pagkalipas ng ilang sandali.“Alam ko namang ganoon ang kalalabasan ng usapan. And I understand him. Kahit ako naman magugulat na katapusan na pala ng kanyang buhay-binata. But his rejection hurts, but I’ll get over this.” Puno ng determinasyon ang timbre ng boses ni Bernila.Inakbayan ito ni Nikole. “Just wait and you’ll see. When Kade had finished sorting his thoughts, he’d do the right thing. Maniwala ka dahil kilalang-kilala ko siya.”Bernila frowned. “Ayaw kong umasa. Baka lalo lang akong masaktan. Kuntento na naman akong mag-isa e.”Kumaway na hindi kalayuan si Julian na naghihintay sa kanila. Agad itong nagtanong dahil sa nakitang laglag ang balikat ni Bernila. “Anong nangyari? Did it go as planned?”Si Clive ang sumagot
HINDI sinabi ni Nikole kay Bernila na tumawag si Kaden. Mukhang mabilis na nakapag-isip ang kababata niya tungkol sa sitwasyon. As expected from him, he’d own his mistake and take responsibility. Masaya siya para rito at lalo na kay Bernila. Naroon sila sa poolside umiinom ng kape. Samantalang gatas naman kay Bernila. It was late in the afternoon. Nasa kusina naman si Julian dahil naghahanda ng makakain. Kahit sinabi nilang mag-order na lang, pero mapilit ito. Kaya hinayaan na lang nila. “When was the opera concert again?” biglang tanong ni Clive. “Next week. Why are you busy? Okay lang naman. Nandito naman si Jules.”“I have a business meeting in two days in Tokyo. Pipilitin kong makabalik.”“Take your time. Pagbibigyan ko lang si Cross. Para tumigil na rin siya.”Maya-maya pa ay biglang sumulpot si Julian pero hindi ito nag-iisa dahil kasama nito si Kaden. Hindi na nagulat si Nikole habang nasa tabi si Bernila na abala sa pag-inom ng gatas nang makita ang kasama ni Julian. Tuma
“THIS calls for a celebration! Let’s party tonight!” tuwang-tuwang niyakap ni Nikole si Bernila nang ibalita sa kanila ni Kaden na pumayag na itong nagpakasal sa kanya. Panay ang tili ni Nikole na hindi makahuma. “I won! I knew it!”“Niki, stop it!” Naiinis na saway ni Kaden. Inakbayan ni Nikole sina Clive at Julian. “And now, we’re everybody happy. We should watch the opera concert together. Cross invited me.”“I remember Dad mentioned it. Is it true that you are going to get engaged with Cross?” tanong ni Kaden.“No way! Kung noon sanang naglalaway pa ako sa kanya baka puwede pa. But now? No. Hindi na niya matitikman ang alindog ko. Inutusan lang siya ni Daddy palibhasa single na.”Natawa si Bernila sa sinabi ni Nikole. Napapalibutan talaga ito ng mga guwapong lalaki. Pero masaya siya para rito. Lalo na at ito ang nagtulak sa kanya para mas maging mapalapit kay Kaden. Ang sa isang iglap lang, ikakasal na sila. Siguro gagawin na lang niya ang lahat para mahalin din siya ni Kaden at
KABADO si Bernila nang nakarating sila sa mansion ng mga Elorde. Napakalaki ng bahay ng mga ito na nasa isang esklusibong subdivision sa Makati. Kitang-kita ang napakalaking agwat ng pagkakaiba ng kanilang mga pamumuhay. Kaden was literally a prince, while was the frog. Kaden was a fool for kissing the frog. Pero siya pa ba ang magiging choosy?“Take it easy. They won’t bite,” paalala ni Kaden. Tumango siya at nag-ipon ng hangin. Naglakad sila patungo sa main entrance ng bahay matapos maigarahe ang sasakyan. Sinikap niyang kalamahin ang sarili. Sinundo siya kanina ng binata sa ospital kung saan naroon si Bernadette at nagpakilala ito sa kapatid niya. Na-appreciate naman niya ang effort nito. Ngayon siya naman ang ipakikilala sa pamilya. Magustuhan kaya nila ang isang hamak na gaya niya? Pakiramdam ni Bernila ay para siyang presong malapit ng bitayin habang papasok sa loob. Lalo na ng makita ang mga magulang ni Kaden at ang bunsong kapatid niyo na tiningnan siya mula ulo hanggang pa
FAMILY REUNIONNAGTIPON ang lahat sa pahabang mesa sa loob ng mini library sa bahay. Kaden was explaining the situation and Nikole would support him with information. Ipinaliwanag nila kung ano ang hindi inaasahan na pangyayari noong debut ni Tehani. “In short, Lucas’ father is… Uncle Julian?” hindi makapaniwala si Kane. Although he couldn’t remember the man, puno ng pictures sa bahay na magkasama sila habang karga siya nito noong bata pa. “Now I know why Teha is not here. She’d surely freak out.”Hindi mapakali si Juli sa kinauupuan. Parang hindi agad natanggap ng kanyang sistema ang mga sinabi ng magulang. Buhay ang ama niya. Pero ang masaklap ay hindi sila nito makikilala. Pero kahit isang yakap lang sana, okay na siya roon. Matagal nang nag-iipon si Juli ng impormasyon tungkol sa pagkawala ng ama. Suportado naman siya ng magulang kahit sa napakaliit na tyansa na maaaring nakaligtas ito. Because everyone knew, Julian Arevalo died a hero. Kaya isang napakalaking surpresa sa kanila
THE PRESENT“BAKIT pakiramdam ko kilala ko sila. It’s weird, they felt familiar.” Lumalim ang gatla sa noo ni Luke habang pabalik na sila sa kanilang Mesa. Hindi naman kasi talaga sila dapat pupunta sa party na ito kung hindi sa pangungulit ni Lucas. Apparently, he liked this girl. Kaya kinilala na rin nila ang magulang nito. Biglang tinambol ang dibdib ni Hera sa sinabi ng asawa. May koneksyon kaya ang mag-asawang iyon sa nakaraan ng ni Luke? Alanganin na ngumiti si Hera. “Love, kalma lang. We’ve been together for twenty years. Even our son is having a girlfriend. You’d still want to know your past?”“I want to be whole again, Love. Para bago man lang ako mamatay masagot ang napakaraming katanungan sa isip ko.”Tumango si Hera. “I will help you…”Bumalik na sila sa mesa pero nagpaiwan si Lucas na kausap pa ang magulang ni Tehani. Luke couldn’t get his eyes off Tehani’s mother. She was surely pretty, but there was something about her that he could not explain. Bakit malakas ang kab
NAPASIGAW si Julian nang tumama sa kanyang ulo ang matigas bagay. It was a ship debris. Naroon na siya sa speedboat at papaalis na siya. Kailangan niyang makabalik sa pampang. Pero dahil sa malakas na hagupit ng hangin at sa kanyang tama sa ulo ay nahihirapan siyang makagalaw. “Hirsch! Do you copy?” There was a faint static sound. Mas tinatalo ng lakas ng hagupit ng hangin ang tunog mula sa kanyang earpiece. Pinanatili niya ang natitirang katinuan bago pa siya maianod ng nangangalit na mga alon kaya itinali niya ang sarili sa speedboat. “Hirsch! Hirsch!” Pero isa pang debris ang tumama sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Milagro na maituturing na sa isang pribadong isla napadpad ang naghihingalong katawan ni Julian na sa awa ng diyos ay nanatiling nakatali sa speedboat. Habang sa hindi kalayuan ay may isang babaeng panay ang hikbi at sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ay gusto niyang lamunin na lang siya ng karagatan. She just got married. But her husband die
20 YEARS LATERABALA si Nikole sa pagiging Chairman ng CREC at malalaki na ang mga anak nila. She had another two kids with Kaden, isang lalaki at babae ang bunso. Sina Nikolas at Tehani. Ang panganay nilang si Kane ay siya na ngayong namamahala ng law firm. And kambal nilang si Callie at Juliette ay siya namang namamahala ng negosyo ng naiwan ng mga ama niyo. Si Nikolas naman ay mukhang susunod sa yapak ng ama na mag-aabogasya rin. Pero ang bunso nilang si Tehani… ay mukhang hindi pa alam kung saan ang patutunguhan.Nasa loob si Nikole ng kanyang opisina nang biglang pumasok ang madilim na mukha ni Kaden. Halos dalawang dekada na ang dumaan mula nang ikasal sila pero makisig pa rin ito. Alaga nito ang katawan kaya parang hindi ito tumatanda. “What’s wrong sweetheart?” takang tanong ni Nikole sa asawa.“Ang magaling mong bunso may boyfriend na!” Nanggigigil itong naupo sa receiving chair. Masyado itong protective sa bunso na namana yata ang taglay na katigasan ni Nikole noong kabata
NIKOLE and Kaden celebrated a wedding of a century makalipas ang tatlong buwan. Napakabongga niyon na ginanap sa Manila Cathedral. Halos lahat ng kilalang tao sa mundo ng negosyo ay imbitado roon.Litaw na litaw ang ganda ni Nikole sa suot nitong traje de boda na idinisenyo pa ng pinakasikat na fashion designer sa Europe. She was like a princess. Even Kaden looked dashing in his wedding suit. Every guest was mesmerized by them.Puno ng galak ang bawat pamilya nina Kaden at Nikole. Lalo na si Vicente na hindi napigil ang maluha habang hinahatid si Nikole sa altar. Tuwang-tuwa rin si Kane na laging pinamamalita sa school nito na may bagong mommy na siya. Kane was their ring bearer. He even made Noah his best friend. Naroon rin ang bata bilang coin bearer. Callie and Juliette were the most adorable flower girls. Nagsasaboy ang dalawa ng petals ng pulang tulips sa red carpet nang ginanap ang wedding entourage. Kulay pula at ginto ang motif ng kasal at punong-puno ng mga fresh flowers a
“MAMA Niki and Daddy are sleeping together!” halos mabulabog ang buong kabahayan dahil pa ikot-ikot si Kane na nag-sisisisgaw habang hila-hila ang kanyang saranggola. “Yehey, they are making a baby!” Nagulantang ang mga nakarinig. Habang si Ken ay halos about tainga ang ngiti habang nagkakape nang umaga ng iyon. But the olds pretended they didn’t hear it. Bumalikwas ng bangon si Nikole. Kanina niya sapo ang noo dahil sa kahihiyan. Sa dinamirami ng makaka kita sa kanila ay ang batang makulit na iyon pa. Akmang tatayo na siya nang bigla siyang pigilan ni Kaden. “Stay…” “Kade, you have seen what happened? Ano na lang sasabihin ng pamilya mo?” parang biglang nawala ang antok niya sa katawan. “They won’t mind, believe me. Baka nga sila pa ang unang mag-celebrate.” Nikole’s face burned. “But—” “No more buts.” Hinila siya nito pabalik at bigla na lang itong pumaibabaw sa kanya. “You’re really something. After all our acrobatic show last night, you could still walk?” pinalihmgian si
MALALIM na ang gabi pero tuloy pa rin ang party. Pero natulog na nang maaga si Kaira. Habang si Kaden ay nakikipag-inuman sa ama nito. Naroon sila sa veranda. Nagsiuwi na ang ilang bisita. “What happened to the girl you brought here earlier?” usyoso ni Ken sa anak. “My son didn’t like her. So, I removed her from the list.” Kaden chugged his cognac. “Hindi ko kasi maintindihan. Bakit inilalayo mo pa ang mata mo kung meron naman sa malapit.” Makahulugang sambit ng ama. Natawa nang pagak si Kaden. “Who, Nikole? I wish.” “You wish? E tlagang hanggang sa wish ka na lang kung hindi ka gagalaw. You guys are both single now. Matagal nang magkakilala. You’ve been together through the darkest times of your lives. Ano pa ba ang hinahanap mo?” napapailing na saad ni Ken. “Niki didn’t like me.” “Then make her fall for you! Iba na ang sitwasyon niyo ngayon. You’ve both matured. Unlike before na mga bata pa kayo. You’re in your mid-thirties now.” “Niki didn’t want to be in a relationship
DUMATING ang baby shower ni Kaira. Pamilya at malapit na kaibigan lang ang mga naroon. Ginanap iyon sa mansion ng mga Elorde. Malapit na kasi ang kabuwanan nito. Kaira was expecting a baby boy. They all wore white dresses since it was the motiff. Iniwan ni Nikole ang kambal sa Lolo Vicente ng mga ito. Gustong-gusto naman kasi ng kambal doon. Lalo na ngayon na nakapansin-pansin na lalong lumalakas ang daddy niya mula nang magkaroon ng mga apo. “Congratulations, Kai! Now it’s your turn to be a mother!” She kissed Kaira’s cheeks. “Sorry, I didn’t get to buy a gift. Cash na lang. Is five million enough?”“Sure, no problem! That’s too much, Niki.”“It’s for the baby.” Hinawakan niya ang malaking tiyan nito.Nagulat sila nang biglang dumating si Kaden na may kasama ng mestisahing babae.“Who is that?” bulong ni Nikole sa kaibigan. Mula noong gabing aksidente silang nagkita saItalian restaurant kung saang nagkahulihan na magka-date ay wala pang nababanggit si Kaden na may bago na itong nak
DAHIL sa madalas na pangungulit ni Kane na gusto nang magkaroon ng nanay kaya sinubukan ni Kaden na makipagdate. Dahil wala siyang oras na maghanap kaya pinatulan na niya ang reto ng mga panyero niya dahil bihira raw mangyari na siya na mismo ang naghanap.Ngayon heto si Kaden nangangalay na ang panga sa kakangiti. Ayaw naman niyang magmukhang bastos sa kausap. Kasalukuyan siyang nasa isang kilalang Italian restaurant kasama ang isang Filipino Korean na si Samantha Park. She preferred to be called Sam. Parang gustong pagsisihan ni Kaden na sinubukan niya ang pagba-blindate.Goodness gracious, I won’t do this again! Kung sa hitsura lang naman ay wala siyang maipipintas dito. Taglay nito ang mga katangiang hinahanap madalas ng lalaki sa isang babae kung pisikal na aspeto ang pagbabasehan. Matangkad ito at makinis ang namumula-mulang kutis. Pantay-pantay ang ngipin at maganda ang tsinitang mata.Kaden tried his best to carry the conversation. Idinaan na lang niya sa mga biro. Pakiramdam