Share

Chapter 30

"Hi Manong Guard!" Masiglang bati ko nang makapasok sa gate ng school.

"Ang aga natin Aranza ah? Tsamba walang officers na nagbabantay ng gate!" Panunukso ni Manong Guard at may nakakalokong tingin kaya napabusangot ako.

"Grabe ka naman Manong Guard! Kaya nga inagahan para hindi magkaviolation!"

Nakipagtawanan pa ako kay Manong hanggang sa natanaw ko si Inigo papalapit dito sa gate kaya dali-dali akong naglakad paalis. Officer siya ng school at baka malista pa ako.

Nakarating ako ng building namin at dahil maaga pa, iilan palang kaming naririto sa classroom. Nakita ko si Kimberly at napag-isipang kausapin siya pero hindi pa ako nakatapos ay binara niya ako kaagad.

Napaupo ako sa silya at nanahimik nalang. Nakita kong napangisi si Kimberly kaya napairap ako. Kay aga-aga naghahanap ng gulo!

"By the way, bagay sayo ang gupit mo."

Namilog ang mata ko at napangiti dahil sa narinig. "Talaga? Oh my gosh, thank you—"

"Magsuot ka na din ng backpack tapos kumanta ng come on vamonos every body l
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status