"Serene, Aliya has been doing her job well. She's actually one of the department's best employees." "But not good enough for me. Trust me, dad. I’ve done this in the States, and I know how well the media works. She still has to train a lot more for her to achieve her readiness." And Serene is actually hitting several birds with one stone in this plan of hers. Lahat ng nais niya ay makukuha niya kabilang na ang maaga na paghihiganti niya sa Aliya na iyon na umaagaw sa lalaki na dapat ay sa kan’ya lamang. "Now, how about Axel Salvacion?" "And who is this Axel Salvacion?" tanong pa ni Manolo. "Marketing specialist on team B. I want him on my team. He needs to be on team A with me." "At sino nga ang lalaki na ito?" Dismayado na tanong pa ulit ni Manolo habang patuloy na sumusulyap sa kan'yang relo. Alam ni Serenity na nagmamadali na ang kan’yang ama na naman na tapusin ang kanilang usapan, kaya ito rin ang tamang oportunidad para makuha niya ang nais niya na wala nang masyado na tano
Kadarating lamang nila sa mansyon ay bugnot na bugnot na agad si Zane. Naniningkit na naman ang mga mata niya sa sobra na kabuwisitan na nararamdaman niya. Padabog niya na ibinato ang hawak na papel sa lamesa at mabilis na sumalampak sa sofa. "Problem in paradise, Bossing?" Tanong agad ni Chino na napasulyap pa sa kan’ya buhat sa panonood nito sa tv. "Why are you here? Nasaan si Jed? Hindi ba dapat ay sa condo kayo uuwi ngayon?" "Nakahanap na naman ng rason ang boss mo para hindi umuwi sa condo." Sagot ni Jed kay Chino na papasok pa lamang ay nagsisimula na naman na maglitanya. "At siyempre, dahil siya ang boss, wala tayong magagawa sa kung ano ang gusto niya na gawin." "Stop it, Jed! Not now." May halo na agad ng pagbabanta sa tono na iyon ni Zane. He is frustrated again, and not just because of Aliya but because of another woman. And that is none other than Serenity Enriquez. "Ano ba ang nangyari? Problem in EMG pala at hindi problem in paradise." Napaharap na si Chino sa mga ka
Walang imik at diretso na lumabas ng bahay papunta sa garahe si Zane. Isang linggo na muli ang nakakaraan simula nang malipat siya sa kabilang team, sa team ng anak ni Manolo na si Serenity Enriquez, pero sa loob ng isang linggo na iyon ay hindi niya nakita o nakasalamuha man lamang ang heredera ng EMG, at sa totoo lamang ay hindi niya alam kung ikakatuwa ba niya iyon o lubha niya na ika-iinis. Sadya yata na hindi siya inaayunan ng pagkakataon dahil kung kailan naman na desidido na siya na makipaglapit sa babae ay roon naman na hindi niya iyon makita at bigla na lamang na hindi nagpaparamdam. At mas lalo lamang ang inis niya dahil imbis na mapadali ang trabaho nila ay lalo pa na napapatagal ang misyon nila. Nauubusan na yata sila ng mga paraan para maisakatuparan ang mga balak nila. Kung hindi lamang din na wala sa bokabularyo niya ang sumusuko sa laban ay matagal na niya talaga na nais na sumuko. Lagi na lamang na nagkakaletse-letse ang mga plano nila at ang lahat ng iyon ay bunso
Busangot na busangot si Serenity Enriquez na naglalakad palabas sa kan’yang opisina sa EMG. It’s lunch time pero wala siyang plano na kumain. Her mind is on something else. Ang aga-aga kasi ay nagtalo na naman sila ng ama niya. Well, siya na naman talaga ang nakipagtalo at iyon na ang palagian na eksena sa pagitan nila. Matapos nya hilingin sa ama niya ang posisyon ng marketing head at ang paglilipat kay Axel sa team niya ay naging mahigpit na rin sa kan'ya ang daddy niya. Hindi na nito pinagbibigyan ang lahat ng kapritso niya at ang mga pagdadahilan niya. At iyon ang rason kaya naman nang magpang-abot sila kanina ay sinermunan siya agad nito dahil sa hindi niya pagpasok ng isang linggo sa opisina. Tristan tried to comfort her pero sobra pa rin ang sama ng loob niya. Aminado naman siya na hindi siya nagpaalam na aalis siya dahil biglaan kasi ang pagpunta niya ng Amerika noong isang linggo at kasabay pa iyon sa biglaan din na pag-alis ng ama niya papunta naman ng Singapore, and withou
Dalawang mga kamay ang humarang sa mga dokumento na binabasa ni Axel kaya naman napakunot ang noo niya at napasimangot. Mabilis siya na nagtaas ng kan’yang ulo at ang sumalubong sa kan'ya ay ang ngiting-ngiti na mukha ni Serenity. "Uwian na. Bakit hindi ka pa naghahanda para umuwi?" magiliw na bati nito sa kan’ya. "Tinatapos ko pa ang pinapagawa mo sa akin." Simple na tugon niya habang hinawakan ang kamay ni Serenity gamit ang isang kamay niya at tinanggal iyon sa ibabaw ng mga dokumento niya. Kilig na kilig naman si Serenity sa pagkakahawak niya na iyon lalo pa at hindi niya binitiwan ang kamay nito at patuloy lamang siya na nakahawak sa sa babe habang ang atensyon niya ay ibinalik niya sa mga dokumento na binabasa pa rin niya. Napapangiti si Serenity habang tinititigan ang Mr. Right niya. Kagat-labi pa siya upang hindi masyado na mahalata ni Axel ang pagkakilig niya sa ginagawa nito sa kan’ya. It has been a month since they got close. And it all started that day when Axel comfort
"Hoy! Baka nakakalimutan ninyong dalawa na anak ako ng may-ari at ako ang boss ninyo pareho." singit pa ni Serene sa usapan ng dalawa. Hindi siya pinansin ng magkaibigan at patuloy lamang siya na iniinis. "Hihingi na nga ako ng bonus sa amo ko dahil simula kasi nang malipat ako sa departamento niya ay panay sakit lang ng ulo ang napala ko." "Buwisit." Bulong ni Serenity sabay pagsimangot pa. "Alis na kami." Pagpapaalam ni Axel kay Jed na tinanguan lamang ang dalawa habang nakahabol ang tingin sa pagsakay ng mag-amo sa elevator. "Stop pouting, Serene. This is all your fault." Pagsermon pa sa kan'ya ni Axel. Hindi siya kumibo at patuloy na sinimangutan lamang ang lalaki hanggang sa makarating sila sa parkingan. Inalalayan pa siya nito na makapasok sa sasakyan saka umikot sa driver’s seat. Nang makapasok ay napabuga na lamang ng hangin si Axel, humarap sa kan'ya at seryoso na nagsalita. "Sino ang ka-date mo, Serenity?" Hindi pa rin sumagot si Serenity kaya naman lalo na ang panggi
"So far, we have good information coming in. Nice one, Zane. Being close to the heiress definitely got us a bit closer to the information that we needed than nothing at all." Nakangisi na bati ni Chino kay Zane habang sila ay nasa meeting upang makapagbigay ng update sa itinatakbo ng misyon nila. At tama naman talaga ang mga kaibigan ni Zane sa pagpipilit sa kan'ya sa bagay na iyon. It's been nearly two months simula nang magkalapit sila ni Serenity at marami-rami na rin talaga na nakuha na impormasyon si Zane patungkol sa pasikot-sikot sa kumpanya at maging sa naging buhay ng mga Enriquez. At aaminin ni Zane na sa maikli na panahon na iyon ay napapalapit din talaga ang loob niya sa babae kahit na pilit niya na iniiwasan na mangyari iyon. He never gets close, especially to those related to the target of their mission. It is a big no lalo na at makakahadlang lamang iyon sa pagtapos nila sa misyon nila. And besides, falling in love is not in Zanes’ vocabulary. He will never do so lalo
Ilan segundo na natahimik ang magkakaibigan at ultimo si Jed ay walang salita na naisambulat matapos niya na sabihin ang bagay na iyon kay Zane. Lahat sila ay nakatuon lamang ang atensyon sa kanilang lider habang si Zane naman ay patuloy na hindi nakahuma sa kan'yang narinig. Isa lamang ang tumatakbo sa isip ni Zane sa mga sandali na iyon: hindi maaari na mangyari ang sinabi ni Jed. Napalunok pa muna siya at saka buong paninindigan na sinabi ang mga kataga na "That is the biggest bullshit you’ve ever said, Jed!" Walang umimik sa tatlong kaibigan niya at patuloy lamang siya na inoobserbahan. At sa mga oras na iyon ay kailangan niya na mapapaniwala ang mga kaibigan niya sa katotohanan na sinabi niya, at pati ang sarili niya ay kailangan niya paalalahanan tungkol sa bagay na iyon. "Anong katarantaduhan ang sinasabi mo? Ako mahuhulog? Kailan pa ako nahulog? Falling in love is not in my vocabulary. Ang pagmamahal ay isang pagkakamali na hinding-hindi ko gagawin. I am not that stupid to f
Tapos na po ang story nina Zane at Serenity. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at sana po ay nagustuhan ninyo. Pasensya na po kung natagalan ng sobra ang pagtatapos ng kuwento nila dahil naging sobrang busy po sa work. Again, thank you to all the readers. Sana po ay basahin ninyo rin ang iba ko pa na story sa GN. (Completed) The Invisible Love of Billionaire Married to the Runaway Bride Falling for the Replacement Mistress The Rise of the Fallen Ex-Wife My Back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) (On-going) In Love with His Brother's Woman (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress The Runaways' Second Chance Mate
"We’re home! Finally!" Patakbo pa na pumasok si Serenity sa mansyon ng mga Enriquez na animo batang excited na excited sa muling pagbabalik. Masayang-masaya rin niya na binabati ang mga kasambahay at tauhan nila na naroon para salubungin siya. After so many months away from home, she is finally back. They are finally back. "Welcome back, Mam Serenity." bati pa ng mga tauhan sa kan'ya. "Kamusta kayong lahat? Kamusta ang mansyon na wala na si Daddy?" tanong naman niya. "Ibang-iba, Mam Serenity, dahil parang laging may kulang." sagot ng mayordoma nila. "Miss na rin namin si Sir Manolo." "Ako rin naman, pero hindi niya gugustuhin na malungkot tayo. Let's enjoy that I am back for good now." Matagal-tagal din siya na nawala dahil halos kalahating taon din sila na namalagi sa ibang bansa at tumira sa magulang at kapatid ni Zane bago sila nagdesisyon na mag-asawa na magbalik na sa Pilipinas. Idagdag pa roon na bago pa mangyari ang mga kaguluhan ay hindi na rin siya madalas na umuuwi sa m
“Babe, I miss you.” Nakangiti na bati ni Zane sa asawa niya na kasalukuyan na nasa garden. Napangiti naman agad si Serenity pagkakita sa kan'ya kaya naman nang makalapit siya ay mabilis din na pumulupot ang mga braso niya sa beywang nito kasabay sa paghalik sa labi nito. "How was your day?" "I miss you." Sagot naman ni Serenity sabay ganti ng halik sa kan'ya at pagyapos din sa beywang niya. "Will you two stop with the PDA?" Pagrereklamo naman ni Ace na kasama ni Zane na dumating. "Kailangan ba talaga na lagi ninyo na gagawin iyan sa harapan ko?" Nagkatawanan lamang ang mag-asawa at nagpatuloy sa paglalambingan nila habang patuloy na binabalewala ang pagrereklamo ng kapatid ni Zane sa tabi nila. It has almost been four months since Zane made the decision to walk away from the people he considers his family, and life has been different for him. Does he regret doing so? Of course not, because he is living his life with the person he considers his salvation, but he can't deny the fact
"Tanga ka ba, Zane? Bakit umalis ka pa rin?" Hindi maiwasan ni Jed na mainis sa kaibigan nila matapos nito na ikuwento sa kan'ya ang panibagong problema na kinakaharap nito sa asawa nito na si Serenity. "Gago ka rin talaga. Binigyan ka na pala ng ulitmatum, umalis ka pa rin? Sigurado ka ba na kaya mo na harapin ang magiging desisyon ng asawa mo kung sakali? Ang lakas ng loob mo na makipagsabayan sa pagmamatigas niya pero sa huli ikaw naman ang maghahabol." "Ano ang gusto mo na gawin ko, Jed? Basta na lamang ako na umayon sa gusto niya?" tanong naman ni Zane pabalik sa kaibigan niya. "Tang-ina! My life is so messed up. Natapos ko nga ang problema natin sa tarantadong ama ko pero ito na naman at panibagong problema na naman ang kakaharapin ko. And what’s worst is that this time I don't think I can be able to solve this." "Why can't you? Madali lang naman ang problema na iyan, ibigay mo lang ang sagot na nais na marinig ng asawa mo at matatapos ang problema mo. It's as simple as that, s
It took him roughly a week to recuperate and be back on his toes, and all throughout it was his wife who was by his side. Hindi siya iniwan ni Serenity at lagi na nakaalalay ang asawa niya sa kan’ya sa lahat ng pgkakataon. Isang linggo matapos niya na magising ay nagdesisyon sila ng mga Bastardos na mangibang-bansa pansamantala at lumayo muna sa kaguluhan. Mainit pa ang usapin sa pulitika lalo na ang pagkakahuli sa ama niya. Oo, hindi siya ang nanaig na nag-iisang Lardizabal dahil gaya niya ay buhay pa rin ang ama niya. Napuruhan man niya si Jaime pero katulad niya ay nakaligtas din sa kamatayan ang ama niya. Tunay nga na ang dugong Lardizabal ay hindi basta-basta na namamatay, So has he failed the mission? No. Hindi man siya ang natirang nag-iisang Lardizabal sa laban nila ng ama niya ay napabagsak naman nila ang sindikato nito gaya ng plano nila. Kasalukuyan nang nakakulong ang senador habang hinihintay ang paglilitis sa patong-patong na kaso na kahaharapin nito. Nakabantay rin an
It was the same scenario that she is in. Parehong-pareho sa tagpo nila ng ama niya noon kung saan nakaratay si Manolo habang ang pagtunog lamang ng mga aparato na nakakabit sa pasyente ang maririnig ang kinakaharap niya na senaryo. Iyon na iyon din ang parehong sitwasyon niya habang nasa loob siya ng silid na kinaroroonan ng asawa niya na siya naman na nakaratay ngayon at nag-aagaw-buhay. It took her a lot of courage to be able to be here. She wanted to see Zane, but she was terrified of what she would see kaya naman nagpalakas muna siya ng loob niya. Mabuti na lamang din at nakapag-usap sila ni Jed kanina at iyon ang nakapagbigay lakas at kumpiyansa sa kan’ya na puntahan na ang asawa niya at kausapin. Umaasa siya na mag-iiba naman ang takbo ng kapalaran nila at kapag kinausap nga niya si Zane ay talagang lalaban ang asawa niya para mabuhay. She had tried the same tactic with her father before, but still, her father chose not to fight, and that is the reason why she is so scared to fa
"Zane is in a critical condition. He is almost dying." Ang mga salita na iyon ni Ace ang paulit-ulit na naririnig ni Serenity na parang echo sa kan’yang isipan. At sapat na ang mga salita na iyon para gumuho ang mundo niya. It is like history is repeating itself again for her. Ilan beses ba siya na pasasakitan ng tadhana at ilan beses ba nito na ipaparanas sa kan'ya ang mga tagpo na ayaw na sana niya na balikan pa? This is the same scenario as with her father, where things didn’t go well in the end kaya hindi niya ngayon alam kung paano haharapin ang tagpo na ito na ang sariling asawa na niya ang malaki ang posibilidad na mawala sa kan’ya. Hindi na nga niya alam kung saan siya nakakuha ng sapat na lakas para mag-ayos at kahit maglakad man lamang pero ito na siya ngayon sa sasakyan patungo sa isang lugar kung saan naroon ang asawa niya. All through the flight, she was anxious and crying at alam niya na ganon din ang nararamdaman nina Ace at Amalia pero sa kabila noon ay mas inalala p
"Serene, baka gusto mo na sumama kay Ace na mamasyal. He can bring you to the mall; after all, Zane mentioned to me that you like shopping a lot. You might want to go out and enjoy yourself, even for a while." If it were the Serenity before, she would surely grab the opportunity and say yes right away to Zane’s mother, but she is a different Serene now, and going out is no longer a part of her favorite things to do. All she needed to be able to make her happy was to see her husband again. Si Zane lamang ang kailangan niya at wala nang iba pa. "Yes, Serenity, I can take you out and tour you around. You need to get out of here, or you’ll be bored to death here." Dagdag na pagyaya naman ni Ace sa kan’ya. "I am free the whole day, so I can spend time with you." Bahagya na lamang siya na umiling kasabay sa tipid na pagngiti niya sa mag-ina. Lubos siya na nagpapasalamat sa presensya ng ina at kapatid ni Zane na siyang nagiging sandigan niya sa ngayon habang wala ang kan'yang asawa, pero h
"What?! Baliw ka na ba talaga, Zane? Hindi puwede ang nais mo na mangyari. Alam mo na walang iwanan sa laban." "Nakapagdesisyon na ako, Chino." "Mamamatay ka sa kamay ng ama mo ng walang laban. Nakita mo ba kung gaano siya kagalit kanina nang malaman niya ang mga ginawa natin? Nakita mo ba ang paghihimagsik ng kalooban niya para sa'yo? Hindi maaari ang gusto mo dahil wala iyan sa plano natin." Hindi kaya ni Chino na iligtas ang kan'yang sarili habang si Zane ay magsasakripisyo alang-alang sa kaligtasan nila. Iisa lamang ang misyon nila at nangako rin siya kay Jed na hindi niya hahayaan na may mangyari na masama sa lider nila. Alam din niya kasi kung gaano isinasakripisyo ni Jed ang sarili nito sa bawat laban nila lalo na at si Zane ang lagi nito na kasama at handa rin siya na gawin iyon para sa kaibigan. "Wala rin sa plano natin ang maipit tayo rito. Wala na tayong ibang pagpipilian, Chino. Kailangan na makalabas kayo para makahingi kayo ng back-up, I will try to buy as much time a