Share

Chapter 30 - Bastardos to the Rescue

"Ano na ang balita kay Zane? Mainit pa rin ba ang ulo?" Iyon ang bungad na tanong ni Chino kay Jed nang makabalik siya sa mansyon mula sa pangangalap nila ni Bogs ng karagdagan na impormasyon tungkol sa mga kumakalaban sa kanila.

Napapa-iling na lamang si Jed nang tugunin ang kan'yang kaibigan. "Ano pa ba ang aasahan mo kay Zane? Natural, mainit na mainit pa rin ang ulo at kanina pa nagwawala sa kuwarto niya. Hindi ko na nga alam kung natulog ba iyon o magdamag na nanira ng mga gamit sa kuwarto niya."

"Mukhang hindi naman natulog 'yon at magdamag din ang mga kalampag sa kuwarto niya kaya nga maaga na lamang din kami na lumabas ni Bogs. At sa totoo lang, mas gusto ko pa yata na ibang klase ng ingay ang marinig kaysa ang pagwawala niya ng gano’n." sagot naman ni Chino.

"Ano ba ang balita sa lakad ninyo ni Bogs?" Pag-iiba na lamang ni Jed sa usapan nila dahil baka maabutan pa ni Zane na siya ang pinag-uusapan nilang dalawa ay lalo lamang na magkalintik-lintik ang lahat. "We need info
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status