Naglilinis ako nang bahay namin nang kumatok sa pintuan namin nagtaka naman ako dahil sa susunod na linggo pa babalik ang asawa kong nasa kalaguyo niya.
"Si Papa ba 'yan, Ma?" tanong ng panganay ko sa akin umiling kaagad ako at binuksan ang pintuan nabungaran ko ang isang civilian na lalaki.Kinabahan bigla ako at natakot para sa mga anak ko huminga ako nang malalim."Bakit po?" pagtatanong ko."Nandyan ba si Christian?" tanong ng lalaki umiling kaagad ako."Sino kayo?" tanong ko muna sa mga taong nasa harap ko."Mga pulis kami," sagot ng isa hindi naman ako nakapag-react."Wala po ang asawa ko dito sa liit nitong bahay namin," tukoy ko kaagad at inalok ko sila pumasok pina-ring ko ang cellphone number ng magulang nang asawa ko pumunta ako sa kusina para mag-timpla ng kape."Sigurado ka, Mrs.?" tanong ng lalaki tumango kaagad ako nang alukin ko sila ng maiinom."Opo, hindi man kami kasal ng asawa ko hindi ko siya kailangan itago kung may ginawa siyang mali, ano ba ang kailangan nyo sa kanya?" tanong ko umupo ako sa upuang plastic."May kaso siyang pag-pupuslit nang ilegal na droga sa Imus, at nakatakas siya sa amin," deretsahang sagot ng lalaki hindi naman ako nakasagot sa pulis."K—ailang—n nang—yari 'yon?" utal ko na lang hindi ako makapaniwala sa narinig."Kaninang madaling araw, Ms. nalaman mamin na dito siya nakatira kaya pumunta kaagad kami wala nga dito ang asawa mo." banggit ng isa sa pulis na naglibot sa loob ng bahay."Ma? Sino sila?" pag-bungad ng anak kong pangalawa at lumapit sa amin napatingin sa bisita ko.Tumingin ang mga pulis sa anak ko at sa akin nakita ko ang simpatya nila sa amin."Kung babalik ang asawa mo dito kontakin mo kaagad ang number na ito pati kayo nadadamay sa kagaguhan ng magaling mong asawa." naiiling nasagot ng pulis sa amin at tumayo para magpaalam na aalis na sila.Niyakap ko na lang ang anak ko at tumugon ito nang yakap sa akin."Mama, bakit nila hinahanap si Papa, sino sila?" tanong ng anak ko at bumitaw sa pagkaka-yakap huminga na lang bago ako umiling."Nagtatanong lang sila kung nasaan ang Papa mo at mga pulis sila," sagot ko."Mga pulis huhulihin ba sila si Papa? Hindi masama si Papa, Mama." angal ng anak ko hinawakan ko ang kamay ng anak ko."Hindi ko din alam ang pakay nila sa Papa mo, anak huwag mo i-kwento sa mga kalaro mo ang narinig mo.l kanina," utos ko at tumayo na ako."Pati kina Lola?" tanong ng anak ko na sumunod sa akin papunta sa kusina."Ako ang magsasabi sa kanila nang pagpunta ng mga pulis, mag-module ka na, anak," utos ko at tinulak ang anak ko palayo sa tabi ko."Sige po, Ma." sabi ng anak ko at tumalikod na sinundan ko na lang siya nang tingin.Ano na naman ang kalokohan mo, Chris!Napa-hawak ako sa pisngi ko nang may tumulong luha kaagad kong pinunasan ang mukha ko at hinugasan ang baso na may laman na kape na hindi ininom ng mga pulis.Pinuntahan ko ang tatlo kong anak sa maliit naming kwarto kung saan sila nanatili tumingin sa akin ang panganay ko at kaagad na tumayo nagtaka ako nang yakapin niya ako sa baywang."Mama, salbahe si Papa." mahinang sabi ng anak ko tinulak ko siya nang mahina at tumingin ng payuko."Hindi salbahe si Papa, bakit mo 'yan sinasabi?" tanong ko sa kanya at kinarga ko kaagad ito anim na taon pa lang ang panganay ko."Mama, nakita ko dati si Papa na may kini-kiss na babae nang makita namin ni tita." sabi ng anak ko tumitig naman ako sa kanya."Saan kayo galing ng tita mo nun?" tanong ko sa anak ko at umupo kami sa sahig."Hindi ko na matandaan, Mama pero tandang-tanda ko 'yon akala ko ikaw 'yon pero sabi ni tita ibang babae 'yon, Mama hindi ba tayo mahal ni Papa?" tanong ng anak ko."Mahal kayo ng Papa nyo pero, si Mama hindi na gaano mahal ni Papa," sagot ko at hindi na sumagot ang anak ko.Huminga na lang ako nang malalim at tinuruan ko na sila sa kanilang inaaral."Elisa?" tawag ng isang boses inangat ko ang ulo ko at bumungad sa akin ang hipag kong hilaw."Bakit, ate?" sabi ko nang bumungad sa amin ang kapatid ng asawa ko."May nagpunta sa aming mga pulis tinuro kami ng kapitbahay nyo may ginawa ba sa inyo ang mga pulis?" tanong ng hipag ko umiling kaagad ako."Wala, ate hinanap niya lang si Chris, ate the police told me that your brother smuggled illegal drugs in Imus, what should I do now?" tanong ko hipag ko tumingin muna ako sa mga anak ko na tumingala sa amin."Sa labas tayo mag-usap, Elisa ma-nosebleed ako sa'yo." sabi ng hipag ko at ginulo ang buhok ng bunso kong anak.Tumayo ako para sumunod sa hipag ko at umupo kami sa maliit na sofa."Anong gagawin ko ngayon, ate? Nagpuslit ng illegal na droga ang kapatid mo at kasama niya pa ang babae niya, ate tulungan mo akong makatakas sa kanya." umiiyak kong sabi at hinawakan ang kamay nito."Gustung-gusto kitang tulungan kaso malalagot ako sa asawa mo, Elisa hihingi ako ng tulong kapag nakakita ako ng pagkakataon." sabi ng hipag ko niyakap niya ako kaagad."Hindi ko na kaya, ate...durog na durog na ako..." humahagulgol kong sabi at mas hinigpitan ko ang pag-yakap.Napatigil ako sa pag-iyak nang may sabihin siyang hindi ko inaasahan."Kinausap ako ng kaibigan mo, Elisa tanggapin mo ang alok niya sa'yo kilala ni Chris ang kaibigan mo at sasabihin na lang namin na kami ang mag-babantay sa mga anak nyo." udyok ng hipag ko sa akin nang humiwalay ako sa kanya."Papaano, ate magagalit siya kapag iniwan ko ang mga bata." sabi ko kaagad sa hipag ko."Hindi 'yan, Elisa wala ka namang permanenteng trabaho eh, at para sa anak mo ang gagawin mo." udyok nang hipag ko naisip ko na din 'yan nang magdaan na araw.Hindi habangbuhay aasa ako sa asawa ko dahil sa sitwasyon na meron ako ang pagkakamali ko pumatol ako sa lalaking walang isip para sa amin."Sigurado ka, ate?" tanong ko sa hipag ko."Oo, hindi alam nila Mama at Papa ang inaalok sa'yo ni Deborah ako lang ang nakakaalam kung pwede nga lang na patulan mo ang foreigner na 'yon para sa kaligtasan ng mga anak mo." sabi ng hipag ko natahimik naman ako sa sinabi niya."Ate..." tawag ko."Totoo nga ang kasabihan kapag babae ang nagmahal nagiging bulag tayo." sagot ng hipag ko sa akin.Tumayo ito at tinapik niya ako hinila sa maliit naming salamin."Maganda ka, Elisa maraming ma-aakit sa'yo nagawa ka niyang lokohin kaya huwag mo na isipin ang kapatid ko kundi ang sarili mo at mga pamangkin ko." sabi ng hipag ko sa akin."Mali ang gagawin ko.." sabi ko."Para sa mga anak nyo kahit mali gawin mo," sabi ng hipag ko at tumayo na siya.Hindi na lang ako nakasagot sa kanya at hinatid ko siya sa may pintuan. Lumingon pa siya sa akin nakita ko ang lungkot ng mukha niya."Ate.." nagtatakang tawag ko sa kanya at bigla siyang nagsalita."Pupunta bukas ng presinto si Papa sa Imus hahanapin niya din ang asawa mo galit na galit siya sa nalaman hindi namin siya ma-aawat, Elisa may iniisip ka pa namin kaysa sa kapatid ko bobo at tanga ang kapatid ko para gawin niya ito sa pamilya natin." sabi ng hipag ko atHindi naman ako nakasagot sa kanya at umalis na siya sa bahay namin binalikan ko ang mga anak ko na gumagawa ng module nila."Mama.." tawag ng bunso kong anak napangiti ako nang makita ko ang pag-tawg niya sa akin."Mama.." tawag ng pangalawa kong anak napabaling ang tingin ko sa isa ko pang anak.Napangiti na lang ako mabigat ang problemang pinag-dadaanan ko pero dahil sa kanila nagiging matatag ako."Turuan ko na kayo." sabi ko na lang at binasa ang module ng mga anak ko.Pag-iisipan ko kung papayag ako sa alok nang kaibigan ko o hindi takot din ako sa asawa ko dahil unang beses niya ako nasaktan noong mag-apply ako ng trabaho ng hindi niya alam."Kailan uuwi si Papa, Mama?" tanong ng anak ko nang kumakain na kami ng hapunan."Ano ba ang sinabi sa'yo ni Papa?" tanong ko sa mga anak ko nakita ko naman ang mukha nang panganay ko.Kahit bata pa siya unti-unti na niyang naiintindihan ang sitwasyon ng pamilya namin."Pitong araw mula nang umalis siya mag-bilang daw kami dahil uuwi siya dito kinabukasan." sabat ng pangalawa kong anak sa akin pinang-gigigilan ko ang mukha niya."Nabilang mo ba?" tanong ko."Pitong araw na, Ma wala pa si Papa." sabat ng anak ko huminga na lang ako nang malalim at pinakain ko na ito."Uuwi din si Papa, anak..hindi lang natin alam kung kailan." sagot ko na lang.Nang maubos ang kanilang kinain pinaliguan ko ang mga anak ko nang matapos binihisan ko sila, at hinayaang manood ng TV.Binalikan ko ang mga pinag-kainan namin sa lababo at hinugasan nang matapos pinuntahan ko ang mga anak ko sa sala para samahan na manood.Hinatid ko sa school ang dalawa kong anak grade 1 at kinder naman ang pangalawa kong anak bitbit ko ang bunso nakasakay kami sa sidecar."Salamat, kuya," sagot ko at nagbayad ako bago bumaba ang dalawang anak ko sa sidecar.Hindi na lang umimik ang binata at kinuha ang bayad ko bumaba na din ako sa sasakyan.Naglakad na kami papunta sa classroom nila binati ko pa ang nasasalubong naming guro."Susunduin ko kayo mamaya, anak kapag isa sa inyo maaga natapos ang klase puntahan nyo ang isa't-isa sa may labas ng classroom," bilin ko sa kanila at tumango na sa akin hinatid ko sa kinder classroom ang bunso ko."Ma'am, paki-bantayan po, salamat," sabi ko sa adviser ng anak ko."Oo, ma'am nasunurin naman ang anak nyo at makulit normal naman sa kanila 'yon." sagot ng guro sa akin.Nagpaalam na ako sa kanila at nagpunta ako sa palengke para bumili ng uulamin namin sa bahay."Manang," tawag ko sa tindera na suki na ako."Hija, tama ang dating mo kararating lang ng mga bagong hango na isda mula sa
Nagising na may nakadagan sa akin tumingin ako sa gilid ko."Ma, pa-yakap ng isang buwan na walang nangyayari sa ating dalawa masaya na ako sa ganito, Ma patawad hindi ko kayang bitawan," bulong niya hindi na lang ako nakasagot naamoy kong amoy alak siya.Nag-kunwari akong natutulog pa rin at kunwaring gumalaw ako ng bahagya."Ma, alam mo kahit kasama ko siya at nakikipagtalik ako sa kanya ikaw pa rin ang iniisip ko akala ko mahal ko siya nang katulad ng pagmamahal ko sa'yo hindi pala," sabi niya sa akin.Hindi ako makahinga sa mga sinasabi niya sa akin."Ma, mahal ko kayo ng mga bata kung ito lang ang paraan para hindi kayo pinupuntahan ng mga pulis ako ang aalis kakalimutan kong nakilala kita para sa kaligtasan nyo rin kay boss lango na ako sa pinagbabawal na gamot hindi ko na siya maalis sa sistema ko kahit gusto ko kapag hindi ako nakaka-singhot iba ang nangyayari sa akin susubukan ko na lang siyang mahalin," sabi niya sa akin.Naramdaman kong tumulo ang luha ko at niyakap niya ako
Ako na ang nag-hatid sa dalawang anak ko at nakipag-usap ako sa guro ng anak ko."Ma'am, pwede ko ba kayo makausap?" tanong ko sa guro ng anak ko napabaling ang tingin niya sa akin."Pwede naman po, ma'am, bakit po?" tanong ng guro sa akin.Nagpaalam muna ito sa mga estudyante niya at dinala ko siya sa guidance office na pinagtataka niya.Bago man kami nagpunta sa classroom ng anak ko pumunta muna kami sa guidance office kung saan ang office ng principal."Bakit po tayo nandito?" tanong ng guro umatras siya bigla at tumingin sa akin."Kakausapin kita kasama ang principal ng school ayoko na tayong dalawa lang, ma'am huwag sana kayo umatras," sagot ko at sumeryoso ang mukha nito."Sige po," sabi nito sa akin pumasok na kaming dalawa at nakita naming tumingin sa amin ang principal."Maupo na kayo," tawag ng principal sa amin at tinuro ang sofa sa gilid."Sige po, ma'am." sagot ng guro umupo na lang kami na
Makalipas ng isang buwan, hindi kaagad umalis ang asawa ko dahil sa nangyari sa dalawang anak namin na wala pang malay sa mundo."Pa, aalis na kami ng ate mo ikaw muna ang bahala sa tatlo mong anak," utos ko sa asawa ko tahimik na lumingon sa akin."Sige, si ate talaga dinamay ka pa talaga baka kasuhan kayo nyan," sagot niya sa akin."Kami ang magsusumbong sa kanilang ginagawa, Pa unfair nila para hindi payagan ang mga anak hindi pumasok sa school nila wala silang kinalaman sa ginagawa mong kamalian!" sagot ko at umalis na ako sa bahay namin.Hindi ko pinansin ang mga naririnig kong maritess tungkol sa pamilya ko kailangan ko ring maghanap ng bahay na malayo sa lugar na ito."Anak, alam ko na kung saan kayo lilipat." pag-bungad ni Mama sa akin nang makita niya ako sa bukana ng maliit nilang bahay.Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay dahil nakatingin ang mga maritess sa amin."Saan nyo naman balak sila palipatin, Ma?" tanong ng hipag ko dahilan para mapatingin ako."Sa ninang mo s
Nang makabalik sila sa Noveleta nagtaka wala kami naabutan nagka-tinginan kami ng hipag ko at pumunta kami sa kanila."Ma! Pa! Andrei! Sean!" tawag ng hipag ko at naabutan naming nakahiga sa sahig ang mga anak niya maliban sa magulang niya."Nakauwi na pala kayo," bungad ni Papa sa amin sa amin dahilan para lumingon kami."Nasaan ang kapatid at mga pamangkin ko sa kabila, Pa?" tanong ng hipag ko nilapag ang dala naming plastic bag namili kami sa baclaran."'Yong dalawa mong pamangkin inatake daw ng allergy sinugod ng kapatid mo sa hospital dahil nagtaka ito na biglang namula ang buong katawan nila kasama nila ang Mama mo at 'yong bunso sabi nga namin tawagan ka, Elisa kaso sabi ng asawa mo huwag dahil importante ang pinuntahan nyo sa Manila okay na sila ngayon at may allergy pala ang mga bata sa alikabok at pagkain na chicken at cheese kahit gusto nila 'yon bawal na sa kanila," sagot ni Papa sa amin."Sa-" putol ko nang makita ko sila sa likod at napalapit ako sa dalawang anak ko na u
Hinatid ko sa school ang mga anak ko kasama ang asawa ko buhat ang isa pa naming anak."Ang kapal naman ng mukha nila para magkasamang ihatid dito ang kanilang anak," dinig naming sabi ng mga nakatayo."Sabi daw ng kapitbahay ko wala na daw sila sa kanilang bahay," dinig pa rin namin sa kanila.Hinila ko na lang ang kamay ng isa kong anak at lumakad na kami papunta sa kanilang classroom."Pa, ikaw na ang mag-hatid sa kanya," tukoy ko ang anak naming panganay."Sige, Ma," mahinang sabi niya sa akin at lumayo na sila sa amin.Nang huminto kami sa tapat ng classroom kinawayan ng mga kaklase ang anak ko na sinaway ng kanilang guro na lumapit sa amin."Welcome back, kiddo..." bati ng guro tumingin sa akin at tumango na may kakaibang tingin."Patapusin nyo lang ang anak ko sa school na ito kami na ang lalayo sa marumi nyong school pakisabi po 'yan sa principal nyo, salamat!" sabi ko na walang preno napabaling ang tingin nang guro sa akin na medyo nabigla.Pinisil ko na lang ang kamay ng ana
Nang matapos ang pag-titinda namin tumambay kami sa gilid habang nagpa-pahinnga."Insan, sa amin muna kayo tumira?" alok ng pinsan ko at tinanggihan ko kaagad 'yon."Hindi sa ayaw ko, insan ah? Ayoko lang na pag-chismisan kayo nang dahil sa amin," sabi ko kaagad sa pinsan ko."Ang ibang tao iniisip mo hindi ang pamilya mo," sagot ng pinsan ko sa akin."Dahil may asawa ka na, insan." sagot ko."Sa sobrang bait mo, insan inaabuso ka ng asawa mo huwag ka magalit, mare." tukoy nito sa hipag ko."Totoo naman ang sinabi mo, mare saka sabi ko nga sa kanya tanggapin na niya ang alok ni Deborah na trabaho bilang waitress sa resto pan-dagdag sa pang-gastos niya sa pamilya nila at huwag niyang isipin ang asawa niyang adik." diing sagot ng hipag ko sa pinsan ko."Pag-iisipan ko pa 'yan," sagot ko na lang para hindi sila magtanong sa akin."Tama din ang sinabi mo mas tamang pag-isipan mo muna bago magpadalos-dalos ng pasya," sagot ng pinsan ko."Kamusta ka naman, insan?" tanong ko."Mabuti na hind
Nang matapos ang pag-titinda namin inayos na ang gamit at umalis na kaming dalawa sa palengke. Inirapan naman ako ng mga kapitbahay namin."Huwag mo sila pansinin," bulong ng hipag ko at naglakad na kami pauwi sa bahay."Mama!" masayang tawag ng mga anak namin na naglalaro sa labas ng bahay namin.Inabot namin ang biniling miryenda sa kanila. Hindi kami madalas kumain nang hapunan dahil nagtitipid kami kakaunti ang kita ganun pero, dahil malaki ang kita namin ngayon sa pag-titinda bumili kami ng manok i-priprito namin ito."Wow! Fried chicken!" tili ng mga anak namin nang magtanong kung ano ang uulin namin.Natawa ang dalawang biyenan ko at inaasar sila ng bayaw ko. Iniwas ko naman ang tingin ko dito nang mag-tagpo ang paningin namin."Mukhang malaki ang kita natin sa tindahan ah," banggit ni Mama sa amin ng hipag ko."May nag-buwena mano sa amin, Ma kanina maraming dayo pala dito sa Noveleta pero ang babait nila." sabat
Masaya akong nakikita masaya ang pamilya ko sa nakalipas na taon maraming pagsubok ang dumating sa pamilya namin na hindi ko inaakala at maiisip na malalampasan namin. Kapag holidays umuuwi ang pamilya ko sa Pilipinas para makasama ang mga anak ko na nakapag-asawa na rin may masaya na silang pamilya ngayon.Dati, ang pamilyang meron kami parang babasaging pinggan na imposible nang mabuo dahil sa pinag-daanan namin mula sa relasyon ko kay Chris, sa pagkamatay ng anak ko at muntik mawalan nang pamilya ang anak ko. Kuntento na ako sa nakikita ko ngayon na dati imposible ko pang makita dahil nabulag ako binalik niya ang paningin ko nakita niya ang pag-asa sa isipan ko at binalik nito ang nawalang paningin ko."Elisa!" narinig kong tawag nang taong tumanggap sa nakaraan ko at minahal ako nang lubos pati ang mga anak ko.Napangiti na lang ako at yumakap kaagad sa asawa ko hinalikan naman niya ako sa labi ko na tinugon ko kaagad. "I love you, mommy.." pahayag niya nang humiwalay na siya sa p
Nakita ko na hinawakan niya ang kamay ni Amila at napangiti ako siya ang nakamana ng kabaitan ni Mama sa amin magkakapatid."Gago talaga ang magulang niya nasira tuloy ang magandang mukha ni ate Amila, kuya sana magising na siya, Eliza kung naririnig mo kami gisingin mo ang ate Amila mo kung nandito ka." banggit ng kapatid ko kinilabutan ako sa sinabi nito may third eye kami kaya alam kong nasa paligid lang sila.Kaya gusto ko alagaan at bantayan si Amila dahil nakikita ko siyang umiiyak at natatakot sa isang sulok ng kwartong ito. Hindi lang ako nagpa-halata dahil hindi pa rin nawawala ang takot ko sa multo. Nakikita namin noon si Papa noong dumalaw kami sa sementeryo kita namin na malungkot siya na hindi na siya ang kasama namin."Papa!" tawag namin ng kapatid ko nang umalis sandali si Mama at daddy sa tapat ng puntod ni Papa hinayaan nila kami tumambay."Papa, bakit mo nagawa sa amin 'yon?!" sumbat ng kapatid ko alam kong nakatingin sa amin si Papa ayaw niyang lumapit sa amin."Akal
Huminga na lang ako pagkatapos ko kausapin si Amila hinawakan ko ulit ang baby bump niya. Tumayo na ako at lumakad palabas ng kwarto niya nakita ko na nakikipag-usap si daddy sa magulang ng kaibigan ni Amila.Nakatayo lang ako at hindi nila ako napapansin ng umubo ako ng mahina tinawag ako ni daddy."Ricky?" tawag ni daddy sa akin nang mapansin niyang natutulala na lang ako sa likod nila.Kaagad niya ako nilapitan at niyakap nang mahigpit at hindi ko naiwasang humagulgol ng iyak kahit may mga taong nakakakita sa akin humigpit ang yakap ko nang hinimas niya ang ulo ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon parang gusto ko na lang bumagsak sa sahig huminga na lang ako ng malalim."Daddy!! Tama na!!!" sigaw ko habang umiiyak nang malakas wala na akong pakialam sa paligid namin.Naramdaman kong inaalo ako ni daddy at naalala ko noong bata pa ako ganito si Papa 'yong hindi pa siya nag-bibisyo sobra pa nga kaya nagalit ako sa gumagawa ng pinag-babawal na gamot dahil sa droga n
Napangiti na lang ako sa mag-asawa at nagsalita ako sa kanilang dalawa."Salamat sa malasakit nyo sa amin na kahit nyo kami kamag-anak at ka-close talaga tinulungan nyo kami sa problema namin," sabi ko sa kanilang dalawa nakita ko ang kanilang itsura."Nakita kasi nang anak ko ang tunay nyong ugali lalo na si Ricky, Troy kaya tinulungan namin kayo sa pinag-dadaanan nyo at hindi ko inaakala na magagawa nila ang ganito sa kanilang nag-iisang anak hindi hayop ang anak nila para parusahan ng matindi nagmahal lang naman si Amila ayoko matulad ang anak ko sa kaibigan niya at sa ninuno ng asawa ko na hindi nakakapili ng asawa ang mga panganay na anak—babae man o lalaki sa kanilang angkan." diing sagot sa akin ng magulang nang kaibigan ni Amila.I nodded because we have the same vision for our beloved children."My wife and I also have the same vision for our children who will find a partner in life in due time." I said."We want to see our son happy in his dream family of his own," Amila's f
Nasa mall kami ngayon ng anak ko para bumili ng mga gagamitin ng asawa ko at bago nilang kapatid. "Dad, pwede ba ako magtanong?" tanong ng anak ko sa akin habang naglalakad kami papunta sa department store.Nabaling ang tingin ko sa anak ko at natawa ako bigla first time daddy nauunawaan ko ang nararamdaman niya katulad ko siya noong pinag-bubuntis ng Mama niya si Eliza ang unang anak ko pero iniwan kaagad kami sa murang edad."Dad, bakit ka natatawa? Wala pa naman ako sinasabi." banggit ng anak ko sa akin wala na kaming dala dahil nasa baggage counter namin nilagay mabibigatan na kami sa dadalhin."First time dad ka, anak kaya parang hindi ka komportable sa sasabihin mo sa akin?" sabi ko nang tignan ko siya."Ang bilis mo talaga makabasa ng isip, dad kaya nahihiya ako kapag may problema ako sa school ayoko nang ma-stress si Mama maliban sa buntis siya gusto ko na ako makaka-solved ng problemang pinasok ko." pag-amin niya sa akin at mas kilala ko pa siya kumpara sa asawa ko sa kanya
Tahimik lang ang anak ko nang bumalik mula sa Visayas pati ang asawa ko hindi nag-kwento sa nangyaring pagpunta nila doon."Wala ba kayong sasabihin sa akin tungkol sa pagpunta nyo kay Amila?" tanong ko sa mag-ama ko nasa dining area kaming lahat para kumain ng hapunan."Makukulong na sila ngayon, mommy panatag na tayo na walang manggugulo sa atin ngayon kinasuhan na natin sila at kakasuhan pa sila ng pamilya nang kaibigan ni Amila dahil may dugong maharlika ito dinamay nila ito dahil sa kasakiman babalik na silang lahat sa New Zealand naiwan na lang kay Amila ang isa sa nurse na mag-babantay sa kanya." kwento kaagad sa akin ng asawa ko lahat kami hindi sumabat o nagsalita sa nalaman.Ang tahimik nilang buhay ma-isasa publiko na sa buong mundo dahil sa kagagawan ng magulang ni Amila wala nang paraan para ma-iligtas nila ito kundi humingi ng tulong sa kanilang pamilya."Grabe, dad pang-teleserye ang ganapan sa pamilya natin sana maging masaya na si kuya kahit alam nyo na wala tayong ch
Nasa mall kami ngayon ni dad para bumili ng mga gagamitin ni Mama at bago kong kapatid. "Dad, pwede ba ako magtanong?" tanong ko naman habang naglalakad kami papunta sa department store.Nabaling ang tingin ni daddy sa akin at natawa bigla nagtaka naman ako dahil wala pa akong sinasabi pero natawa na si daddy sa akin."Dad, bakit ka natatawa? Wala pa naman ako sinasabi." pahayag ko na lang kay daddy wala na kaming dala dahil nasa baggage counter."First time dad ka, anak kaya parang hindi ka komportable sa sasabihin mo sa akin?" sabi ni daddy sa akin nang tignan niya ako."Ang bilis mo talaga makabasa ng isip, dad kaya nahihiya ako kapag may problema ako sa school ayoko nang ma-stress si Mama maliban sa buntis siya gusto ko na ako makaka-solved ng problemang pinasok ko." pag-amin ko kay daddy mas kilala pa niya ako kumpara kay Mama dahil sa tuwing nahihirapan ako sa school siya palagi ang nandyan sa tabi ko.Proud ako na kahit hindi ko siya tunay na ama si daddy tinuring niya kami na
Nang makarating kami sa hospital tinawagan ko kaagad ang kapatid ko at sumagot ito nakasunod lang sa akin ang lolo at lola ko sa likod habang nakikipag-usap ako sa kapatid ko. Nang mag-tagpo ang mga mata namin nagbago ang seryoso nitong mukha nakita ko pa ang kaibigan ni Amila nasa isang pribadong silid kami nakatayo."Ricky..." tawag ng kaibigan ni Amila sa akin tinuro niya ang pintuan kung saan nasa loob ang babaeng mahal ko at mahal ako.Nabaling ang tingin ko sa kanila at sa grandparents ko nasa likuran ko lang."Her parents left before we met, kuya." my brother said when I hesitated to enter and grabbed my arm.Binuksan ko ang pintuan at kahit may harang sa kanya nakita ko ang mukha ni Amila para lang siyang natutulog. Lumakad ako papasok sa loob at naiiyak ako nang pag-masdan ko siya maigi."Kamusta ang anak namin?" tanong ko sa kaibigan ni Amila nang makita ko siya sa gilid ko."Malakas ang batang nasa sinapupunan ni Amila, Ricky sa dami ng pasang natanggap ng kaibigan ko sa ka
Sumama kami ng kapatid ko sa pamamasyal ng grandparents sa Visayas. Alam ko naman na gusto lang ng magulang namin maiba iniisip ko kaya pumayag na ako na sumama."Kuya, ang daming magagandang babae!!" bulong ng kapatid ko nasa dalampasigan kami at nagpapa-hangin.Tinignan ko naman siya bago hinayaan ganyan 'yan kapag hindi namin kasama si Mama nahihiya kasi magpakita ng interest sa mga babae. "Isang beses ka pa lang nagkakaroon ng girlfriend, Dex mahal mo pa rin ba siya?" tanong ko sa kapatid ko nakatanaw ako sa dagat."I don't love her anymore, and I'm looking for something in a woman that I don't meet and honestly, I'm okay with being single." sagot kaagad sa akin ng kapatid ko natawa na lang ako."Sayang ang lahi ni Papa sa'yo, Dex even if it is said that Papa did something bad to us, we know that he loved us too much, he just happened to be addicted, that's all we can give him." sagot ko sa kapatid ko nang magka-tinginan kaming dalawa."I know, I don't want to go back to the past