“Rodolfo, hijo, I’m glad na bumisita ka dito. Ilang beses na kitang inimbitan na magbakasyon dito,” turan ni Senyor Roberto kay Rodolfo.Nasa hapagkainan silang lahat at naghahapunan. Si Madam Carmina ay tensiyonado habang kumakain. Si Ronnie at Ronila naman ay nagtataka kung sino ang lalaking kasalo nila sa malaking hapagkainan.“Papa, who’s he?” si Ronila ang naunang nagtanong kay Senyor Roberto. Hindi mapigilan ang kuryusidad. Hindi sila basta basta nagpapasabay sa hapagkainan tuwing kakain sila. Tiningnan nito ang lalaki na naka puwesto sa kanyang harap.Tiningnan din siya ng matiim ng lalaki. Hindi niya nakayanan at umiwas na lamang siya.“Ronnie, Ronila.. Uhm.. Eto na siguro ang tamang panahon para malaman niyo ang totoo. Si Rodolfo ay anak ko. Siya ang panganay kong anak sa una kong asawa, si Venus Villarica. Hindi ko lamang nasabi sa inyo dahil nagkalayo din kami matapos mamatay sa aksidente ang kanyang Mama. Let's say na hindi maganda ang aming relasyon dati. But eventually h
Santa Barbara Comprehensive School (Pre-pageant)"Good morning Anaya." sabay na bati ni Julia at Miana."Good morning din Julia, Miana." balik na bati ko sa kanila."Excited ka na ba mamaya para sa Coronation Night. Manonood kami mamaya para suportahan ka." excited na talaga si Julia."Salamat sa inyong suporta. Mamaya pupunta din ang Nanay Lucia, si Manang Inday, Mama Baby Mara at iba kong kapitbahay para manood at sumuporta sa akin. Nakakatuwa lang talaga." nagagalak ako at may mga taong sumusuporta sa pagsali ko sa pageant."Pero dinig ko na baka ang papanalunin nila si Ronila. Alam mo naman Anaya na ang Papa nun ang isa sa may-ari ng SBCS." umandar na naman ang pagkatsismosa ni Julia."Wag ka namang nega, Julia." kontra ni Miana. "Totoo 'yon. Naririnig ko sa mga tauhan namin dahil alam mo naman ang mga tao dito. Kung tayo ay inaapi at nilalait dahil sa mukha natin, may iba din na walang magawa kundi bantayan ang buhay ng mga mayayaman at kilalang pamilya sa Santa Barbara at ang p
Pagbalik ko sa aming table ay Top 3 na.Emcee: It is really a tough fight between our 10 lovely candidates. From their Introduction Number, to Casual Wear, Talent Portion, Swimwear, and Evening Gown...Students of Santa Barbara Comprehensive School, who do you think will be included in our Top 3???No. 1..No. 3... No 5... No. 2No. 6...No. 2...Anaya.... Go! go!go! Anaya...No. 1...Ronila... Go! go! go! Ronila...No. 2....Emcee: It seems na maraming fans si Candidate No. 2. Okay guys, please settle down. I will announce our Top 3 .... In no particular order. Please step forward when I call your number, ladies. Okay....You are in.....Candidate No. 5..Miss Maria Nerissa de la Vega.. Congratulations..Please step forward Candidate No. 5. Thank you.Okay guys, our next contestant is.......Candidate No.???.... Candidate No. 6, Miss Mia Angelique Hernandez. Congratulations. Thank you Candidate No. 6, please step forward.And now, to complete our Top 3...Please step forward.. Candidate No.??
Pagdating sa likod ng library ay napasalampak kaagad ako sa lupa. Wala akong pakialam kesehodang madumihan ang gown ko. Napahagulgol ako ng iyak. Tinimpi ko lang kanina sa harap ng ibang tao ang aking nararamdam kahit na gusto ko nang bumunghalit ng iyak at magsusumigaw sa sama ng loob. Wala akong may nakikitang mali sa performance ko. Lahat binigay ko. Kahit hindi ako manalo. Kahit man lang sana sa Top 3. Kahit ang mga manonood ay humihiyaw sa aking pangalan kanina.Anaya..Anaya…Pero lahat nang ‘yon ay nawalan ng saysay. Ngayon ko napagtanto na ang hirap pala kalaban ang mga mayayaman at may koneksiyon sa lipunan. Kahit anong pagpupursige mo, may mga balakid sa iyong pangarap. Katulad ni Ronila, mas magaling at maganda ang performance ko pero dahil isa si Senyor Roberto sa may-ari ng eskwelahan ay siya ang nanalo.“Huhuhu…” sumisinok pa ako habang tumaas baba ang aking balikat sa pag iyak.Habang umiiyak ay pilit kong inaabot ang zipper ng aking suot na gown. Lalo akong pumalahaw
Pagdating ng Lunes ay mainit na usapin sa buong eskwelahan ng SBCS ang pagkapanalo ni Ronila. Mas marami ang hindi natuwa lalo na ang mga nakapanood. Sa isang banda ay naging maugong ang pangalan ni Anaya dahil sa ganda ng performance na ipinakita niya sa pageant.“Anaya, balita ko badtrip na badtrip si Ronila dahil kahit siya ang nanalo ay mas maugong ang pangalan mo. Hehe.” Tuwang tuwang pagbabalita ni Julia.“Oy! Balita din na binigyan ka ni Johnson ng bouquet of roses.” Kilig na kilig na sabi naman ni Miana.Andito kami ngayon sa canteen at kumakain. Tanghalian na naman. Punuan ang field dahil maraming mga extra curricular activities kaya hindi kami tumambay doon. May sarili kaming mga baon at nagseshare lagi kung anong meron kaya nakakakain din ako minsan ng mga masasarap na ulam.“Kaya pala blooming ka Anaya dahil may pa-bouquet pala si Johnson Amboy sa’yo. Pag nanligaw sa’yo sa Amboy, sagutin mo na. Ang gwapo gwapo nun tapos pantasya ng buong SBCS. Hehe.” kilig na kilig si Juli
"Nanay, tapos na po ako magsaing. May ipapagawa pa po ba kayo sa akin?""Ang sipag sipag talaga ng Anaya ko. Wala na dahil ginawa mo na lahat.""Nanay gusto niyo masahiin ko kayo. Alam ko lagi kayong pagod galing sa palaisdaan at babalik pa kayo maya maya para tulungan si Manang Inday sa pagsasara." "Aba, malambing ngayon ang Anaya ko. May hihilingin ka ba bakit panay ang lambing mo?" nagtataka siguro si Nanay bakit nga ang lambing ko. "Nanay... K-asi...kasi.." hindi ko alam 'pano ako magpapaalam kay Nanay Lucia. "Kasi.. k-kasi?" nagtatanong ang Nanay Lucia. "Nanay, papayagan mo ba ako pag dumalo ako sa birthday party ng kaklase ko?" paalam ko kay Nanay Lucia. "Depende.. hhmm.. kaninong birthday party 'yan?" patay baka hindi ako payagan. "Nanay kasi si Ronila inimbitahan kami sa birthday ni Jessica, iyong kaibigan niya. Alam niyo ang Anantara Haven Beach Resort sa baranggay Tubigan, malapit lang 'yon dito sa atin. Sila Jessica ang may-ari nun. Bali kasama ko naman po Julia, Mian
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay kaagad na kinuha nang lalaki ang aking kamay. Dinala niya eto sa kanyang labi at hinalik-halikan. Agad ko namang binawi ang aking kamay pero hindi niya pinayagang bawiin ko ang aking kamay.“Don’t-“Binuksan nito ang makina ng sasakyan at pinaandar. Akala ko ay kung saan kami pupunta pero mga dalawandaang metro ang layo mula sa aming bahay ay itinigil niya ang sasakyan sa gilid. Pinatay ang makina pati na ang ilaw. Ngayon ay kalat na talaga ang dilim sa labas. Tanging ilaw na nagmumula sa poste ang nagsisilbing liwanag namin. Alas siyete na ‘ata. Mga alas nuwebe pa siguro ang uwi ni Nanay Lucia at Manang Inday. Kailangan makauwi ako bago pa nila ako mahuling kasama ang lalaking ‘to.Tumagilid ang lalaki at humarap sa akin. “Are you afraid of me?”Umiling lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi takot ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lamang ang antisipasyon. Para siyang apoy at ako ang gamu-gamo. Alam kong pag lumapit ako ay baka madarang ako
Bago dumating ang birthday ni Jessica ay kinausap ako ni Nanay Lucia tungkol sa birthday party. Pinapayagan na niya ako dahil naisip nga niya na parang ipinagkakait din niya ang mga bagay na dapat ay maranasan ng isang normal na nagdadalaga. Basta ang pakiusap lang sa akin ay huwag masyado magtitiwala kay Senyorita Ronila. Mas gusto pa ni Nanay Lucia na ang kasama ko ay sina Julia at Miana para mapanatag ang kanyang kalooban."Anaya sa Linggo bili tayo ng swimsuit sa palengke. May isang shop doon na mura lang kanilang binebenta. May extra ka ba? Kung wala papahiramin kita." aya ni Julia. Nakaupo kami ngayon sa canteen."Excited ka ha.. Akala ko ba dati okay na hindi ako payagan ni Nanay. Gusto mo lang magsuot ng swimsuit eh. Aha para makita ni Johnson kung gaano ka kaseksi. Mas seksi ka pa nga sa akin dahil mas malaki ang dibdib mo. Ang sa'kin parang kalahati lang ng sa 'yo, oh!" tudyo ko kay Julia."Okay lang ba sa'yo na agawin ko si Johnson sa'yo? Hehehe. Napansin ko kasi na parang
EXOTIC GIRL ( ANAYA VIJAR) FinalePabiling biling ako sa higaan. Parang may nakahawak sa aking kamay. Nakapikit pa rin ang aking mata. Ang huli kong naalala ay kausap ko si Johnson. Bigla kong naalala si Jude. Nawawala si Jude at ang sabi ni Johnson ay magkasama sila. Bigla kong naimulat ang aking mata."Thank God, gising ka na. Nag-alala ako sa'yo kanina." Totoo ba 'tong nakikita ko. Bakit si Rodolfo ang nagisnan ko.Mahigpit ang pagkakahwak niya sa aking kamay. Sobrang lapit din nito sa akin. Nilagay nito ang isang silya sa tabi ng aking kama.Biglang umagos ang aking luha. Hinawakan ko ang kanyang mukha. Bakit parang totoo?Ngumiti eto sa akin. Hinalikan ang aking kamay. Napansin kong umiiyak na din eto."God, I missed you so much!" Tumabi na eto sa akin at humiga na din sa aking kama.Totoo nga. Totoo si Rodolfo."Totoo ako?" nakangiti na eto. Niyakap niya ako. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Isiniksik ko lalo ang aking katawan sa kanya."Rodolfo, I'm so sorry.. S-sorry kun
Kasalukuyan akong nagluluto para sa hapunan naming tatlo nina Julia at Jude ng maalala kong tingnan si Jude. Dumaan muna ako sa kwarto nina Julia. Sinilip ko si Julia. Nakita kong nakahiga eto at hawak hawak ang tiyan. Parang umiiyak. Mabilis kong isinara na ang pinto.Mahal na mahal talaga nito si Johnson. Magkaibigan nga kami kasi pareho kami ng kapalaran, sawi sa pag-ibig.Lumabas na ako ng sala at tiningnan si Jude. Wala sa sala si Jude. Lumabas na ako ng bakuran namin. May mga nagkalat na laruan sa labas pero wala si Jude. Napatingin ako sa gate. Sarado naman ang gate. Kumabog na ang dibdib ko.Jude, nasaan ka na? Kinalma ko muna ang sarili ko dahil baka nasa likod lang siya ng bahay. Pumunta ako sa likod. Wala din doon si Jude. Nawawala si Jude. Kailangang makita ko si Jude bago pa mapansin ni Julia na nawawala ang anak niya. Baka kapag nagkataon ay tuluyan nang mabaliw ang kaibigan ko. Wala na nga si Johnson, pati si Jude nawawala din.Saan naman kasi nagpupunta ang batang 'yo
Tatlong buwan na ang nakakaraan simula ng tumalikod ako sa kasal namin ni Senyor Roberto. Umuwi lang ako sa El Leon ng isang araw at pagkatapos noon ay naglagi na ako sa dati naming bahay- sa bahay ni Manang Inday. Ang tanging nakakaalam lamang kung nasaan ako ay si Mama Baby, Tita Crisanta, Ms. Anna at si Julia dahil magkasama kaming dalawa pati ang anak niya.Noong hapon ng araw ng kasal ko ay tinawagan ako ni Julia. Naghahanap din eto ng lugar na mapagtataguan nila ni Jude. Buntis na naman eto at ang nakabuntis sa kanya ay walang iba kundi si Johnson. Hindi pa alam ni Johnson na buntis siya dahil bumalik eto ng Amerika at may inasikaso lamang. Isang linggo pag-alis nito ay dumating naman ang girlfriend ni Johnson na isa ring Filipino-American at nag eskandalo sa harap bahay nila. Kung ano ano ang sinabi kay Julia at ang pinakamasakit pa sa lahat ay may pinakita etong picture na naghahalikan sila sa Mommy at Daddy niya. Nagalit at dinamdam iyon ni Julia dahil akala niya ay may pagt
“Kung pinapanoond mo eto Rodolfo, ibig sabihin ay patay na ako. Ang una kong sasabihin sayo ay PATAWAD. Patawad dahil hindi ako naging totoong ama sa'yo. Patawad dahil ngayon mo lang malalaman ang totoong kuwento tungkol sa pagkamatay ng Mama mo. Patawad dahil naging duwag ako. Totoo, ako ang nakapatay sa Mama mo. Limang taon ka pa lamang noon ng dinala ka niya sa Abu Dhabi para magbakasyon dahil gusto kang makita ng Lola mo. Isang taon ang usapan namin na doon ka muna sa Lola mo at tatlong buwan lamang ang Mama mo doon at babalik din dito. Sa loob ng tatlong buwan na 'yon maraming nangyari. Pagkaalis ninyo, ang kaibigan ng Mama mo- si Carmina ay nilasing ako ng pumunta dito sa mansiyon. May nangyari sa aming dalawa. Palagi na siyang pumupunta dito dati pa at lagi na niya akong inaakit noon pa dahil kaibigan siya ng Mama mo. Hindi ko siya pinatulan dahil tanging ang Mama mo lang ang minahal ko. Pagkatapos ng isang beses na nangyari sa amin ay nabuntis ko si Carmina. Hindi ko eto matan
Andito ako ngayon sa loob ng ambulansiya. Katabi ko ang dalawang paramedics na siyang nagbigay ng paunang lunas kay Papa. Minomonitor nila ang kanyang kalagayan. May mga nakakabit silang bagay na inilagay kay Papa para lang manatiling buhay siya. Kailangan niyang masalinan kaagad ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Hindi pareho ang type ng dugo namin kaya hindi ko siya pwedeng salinan kahit na gustuhin ko man.Mga kalahating oras pa ang aming lalakbayin para makarating sa pinakamalapit na ospital dahil kapag dinala pa siya sa Manila ay hindi na siya aabot. Nakatingin lamang ako sa walang malay na katawan ni Papa habang nakahiga siya. Medyo nahimasmasan na rin ako sa galit ko sa kanya. Naisip ko na kahit patayin ko pa siya ay hindi na rin naman magbabago pa ang lahat. Marami siyang nagawang kasalanan pero ama ko pa rin siya.Ngayon ang tanging nais ko na lamang ay ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Mama para matahimik na din ako. Limang taong gulang pa lamang ako ng
Bang!Bang!Bang!Bang!Sh*t!“Ano ‘yon?!” Kinabahan ako sa tunog ng baril. Bigla kong naalala na kasal pala ngayon ni Papa at ni Natanya.. no.. hindi siya si Natanya. Siya ang aking si Anaya.D*mn!Sa sobrang kalasingan ko ay marami akong nakalimutan. Hindi sila puwedeng ikasal. Akin lang si Anaya. Lalo pa ngayon na alam kong ako lang ang tanging lalaking pinag-alayan niya ng kanyang sarili.Dali dali akong nagbihis at bumaba para alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng nagkasalubong kami ni Manang Diday.“S-senyorito R-rodolfo.. si ..si.. S-senyor Roberto po..” umiiyak na nagsasalita si Manang Diday.“Anong nangyari kay Papa, Manang?!” niyugyog ko si Manang Diday dahil panay lang ang iyak niya.“Binaril po si Senyor Roberto! Malubha po ang lagay niya. Nasa may hardin—“Iniwanan ko na si Manang Diday at tinakbo ang hardin. Pagdating ko doon ay nagkakagulo na ang mga tao.“Papa! Papa!”Si Anaya ba ang bumaril kay Papa?“R-rodolfo, 'andito a
August 31, 2015Capili MansionSanta Barbara11:00 AMRoberto Capili and Natanya Fabroa-Harlow NuptialGarden WeddingTimecheck:10:55 ..10:56 ....10:57 ......10:58 .......10:59 .........11:00Ting!Alas onse na ng umaga. Oras na nang aking kasal. Bumaba na ako para gulatin si Senyor Roberto. Eto na ang araw na pinakahihintay ko.Alas otso pa lang ay gising na ako kanina pa. Lahat ng gamit ko ay nailagay ko na lahat sa maleta. Maaga ding dumating ang ibang mga bisita pero si Ms. Anna at ang wedding coordinator na ang bahala sa kanila. Naligo lang muna ako at nagbihis ng itim na long sleeve top, itim na pantalon, itim na boots, itim na bag, itim na sumbrero. Pati makeup ko ay dark theme din.Kanina pa ako pasilip silip sa bintana. Tanaw ko ang malawak na hardin kung saan idadaos ang aming kasal ni Senyor Roberto. Kahit antok at pagod ako sa nangyari kagabi ay hindi ko pa rin pwedeng kalimutan ang aking plano. May konting pagbabago lamang at nasabihan ko na din ang lahat ng aking t
“Now it’s my turn again to pleasure you.. my babydoll.”“Wait… teka maglilinis muna ako kasi nakakahi—““Sshhh… akong bahala.. “Pinatayo na niya ako at pinaupo muna sa kama malapit sa headboard. Binalik nito ang silya sa dating pwesto. Tumabi eto sa akin at hinawakan ang aking mukha para magsalubong ang aming mata. Hinalikan nito ang aking ilong. Ang aking mata. At hinalikan ako sa labi. Kinagat kagat niya na parang nanunudyo. Bago pa lumalalim ang kanyang halik ay eto na mismo ang kusang lumayo ng kanyang sarili.“I can’t stop kissing you, Anaya.” Niyakap ako ni Rodolfo ng mahigpit habang hinahalikan ang aking buhok.Tinuro nito sa akin ang malaking frame ng portrait na nakasabit sa taas ng kama.“ Do you recognize that girl?”“Oo. That’s me. I was fifteen then. Ikaw ha ang bata bata ko pa diyan tapos pinagpapantasyahan mo na ako.” Natuwa ako kasi pinaframe pa talaga niya ang litrato ko noong sumali ako sa Miss SBCS.“Gusto ko na nga umakyat at pababain ka sa stage dahil ayokong may
Kahit na medyo masakit pa ang aking pagkababae ay nagpaalam muna ako kay Rodolfo na magbabanyo. Kumuha ako ng tuwalya at bimpo sa kanyang closet.Naglinis muna ako ng aking katawan atsaka ko binasa ang bimpo para linisan din si Rodolfo. Hindi ko siya pwedeng papuntahin dito sa banyo at baka mahismasan sa kanyang 'panaginip' ay maalala niya na ako si Natanya. Mas gugustuhin ko pang maging Anaya sa 'panaginip' niya kaysa gising siya na ako si Natanya na sumiping sa Papa niya. Baka isumpa pa niya ako kung bakit ako nandito.Paglabas ko nang banyo ay nakangiti lang etong nakatingin sa akin. Hindi niya inihihiwalay ang kanyang mata sa akin na baka kapag kumurap siya ay bigla akong mawala."Huwag ka ng pumunta ng banyo. Ako na ang maglilinis sa'yo. I'm your slave for tonight." nakangiting sabi ko kay Rodolfo.Tuwang tuwa naman eto na pinagsisilbihan ko. Inuna ko munang punasan ang kanyang mukha at katawan. Pagkatapos ay kumuha pa ulit ako ng isang bimpo at binasa para naman sa kanyang hita