"Ma'am! Ma'am! Iyong cellphone po ninyo nalaglag," untag ng isang lalaki sa labas ng police station.Bigla akong natauhan. Nagulat ako sa ibinalita ni Ms. Anna.Hindi ako pwedeng umiyak.Natanya lakasan mo ang loob mo.Muli kong dinampot ang nalaglag kong cellphone."H-hello.. hello.. Ms. Anna, pasensiya ka na, nawala ako sa sarili ko. Nasaan kayo ngayon?” kabadong tanong ko.“O-okay sige magtataxi na lang ako papunta diyan baka kasi kailangan niyo si Mang Karding. Sige. Bye.”Nang may mapadaan na taxi ay sumakay na kaagad ako.“Kuya, Makati Medical Center po tayo.”Mga bente singko minuto lang ay narating na namin ang Makati Medical Center (MMC). Pagbaba ko ay dumiretso kaagad ako sa Reception.“Miss, anong room si Mr. Griff Harlow?” tanong ko sa nurse na naka-assign dun.“Sorry po, Ma’am, pero tapos na po ang visiting hours. Isa lang po ang allowed na bantay sa bawat patient.” Sabi ng nurse.“Okay, Miss. Just a sec.”Tatawagan ko nalang si Ms. Anna.“Hello, Ms. Anna, pwedeng bumaba
2 YEARS LATERNinoy Aquino International Airport (NAIA)June 20, 2015 (Saturday)Welcome home, Natanya Harlow!I felt nostalgic. Dalawang taon din akong nawala sa Pilipinas. Marami na talagang nabago. Mas dumami ang mga buildings at marami na din ang mga turistang pumupunta.Paglabas ko nang airport ay kaagad kong nakitang kumakaway sa akin si Ms. Anna. Kasama niyang sumundo si Manang Marilou at Mang Karding.“Ma’am Natanya, mas lalo kayong gumanda sa London.” Tuwang tuwang sabi ni Manang Marilou.“Oh, Thank you, Manang Marilou , for your compliment,” biro ko sa British accent at nakipag beso beso sa kanya.“Ay! Ma’am, na nosebleed naman ako,” natatawa si Manang Marilou. “ You’re welcome, Ma’am Natanya.” Nagkunwari din etong marunong ng British accent. Nagtawanan kaming lahat.Pagdating namin sa condo ay kaagad na pinamigay ko na sa kanila ang kani kanilang pasalubong. Alam kong pagod na din sila kaya pinagpahinga ko na muna sila. Magpapahinga na din ako dahil lampas labing-apat na or
“Hay!”Nag-inat inat muna ako bago ipinasok sa aking bag ang binigay na envelope ni Detective kanina. Andaming kong papeles na aasikasuhin. Nagyon ko lang napansin na mag-aalas onse na pala. Lalakarin ko nalang pauwi tutal malapit lang naman.May binili na akong Toyota Vios na kulay Green at ‘yon ang gagamitin ko pag-uwi ng El Leon. Si Mang Karding ay mas mabuting dito lang mag-drive sa Manila dahil mas kailangan siya ni Ms. Anna. Kahit na sabihing sa akin iniwan ni Mr. Griff ang lahat ng kanyang kayamanan at ari-arian ay hindi pwedeng basta ko na lamang lulustayin ang kanyang pera. Kailangan ko pa ding maging matipid at masinop.Pagdating sa condo ay nagluto nalang ako ng noodles. Linggo nga pala ngayon at day-off ni Ms. Anna at Manang Marilou. Baka dinalaw ang kanilang mga kamag-anak at bukas na sila uuwi.Nang matapos akong kumain ng noodles ay pumasok na ako sa aking kwarto. Ang kwarto ni Mr. Griff ay pinalinisan ko na lamang at ginawang guestroom. Sinabihan ko na si Ms. Anna na p
Ngayong si Senyor Roberto na lamang nabubuhay ay ito na lamang ang paghihigantihan ko. Wala na akong magagawa sa kung wala na si Madam Carmina. Siguro ay kapalaran na talaga ang gumawa ng paraan para hindi ako magpahirap sa kanya. Nabawasan kahit papaano ang kasalanan ko.Pagbaling ko ulit sa envelope ay natawag ng pansin ko ang isa pang envelope na binigay ni Detective Alonso. Naalala ko na sani ni Detective na naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa isa pang nak ni Senyor Roberto. Nagkainteres akong tingnan kung ano ang hitsura ng panganay na anak ni Senyor Roberto.Pinunit ko ang dulo ng envelope. Tinaktak ko ang laman nun. Nagkalat sa kama ko ang litrato ng panganay ni Senyor Roberto. Iba't ibang kuha iyon. May malayo, may malapit at minsan ay kasama pa ang babae sa mausoleum.Napatutok ang tingin ko sa isang close-up shot na nakangiti ang lalaki. Kitang kita ang magandang ngipin at ang nakatawag talaga ng aking pansin ay ang kanyang mata. Kung paano eto tumingin. Sa nangingi
"Maligayang pagbabalik, hija. Namiss kita." Niyakap kaagad ako ni Tita Crisanta pagkakita nito sa akin."Namiss din po kita, Tita Crisanta. Lalo na ang kaprangkahan niyo." Napahagikhik ako dahil totoo naman 'yon."Naku nagseselos na nga ako dahil mas close na kayo ngayon ni Ms. Anna." Pagtatampo pa ng matanda."Tita, mabait si Ms. Anna. Nagseselos ka lang sa kanya kaya ka ganyan eh. Wala na ngayon si Mr. Griff kaya siya na ang mamamahala ng ilang negosyo na naiwan sa akin. Bata pa ako at kulang pa ang aking nalalaman at kakayahan. Kailangan ko pa munang pag-aralan ang pasikot sikot sa negosyo ni Mr. Griff dito. Kung sa London lang 'yan ay okay dahil hands-on ako doon. Atsaka wala na naman si Mr. Griff kaya dapat bati na kayo. Wala na kayong pag-aagawan dahil ako ang nagwagi. Hahaha." biro ko."Nagwagi ka nga eh namatay naman na si Mr. Griff. Mabuti talaga at mabait ka ding bata kaya ipinamana sa'yo ang lahat ng kanyang kayamanan. Suwerte pa rin ako at damay ako sa yaman mo dahil 'pama
August 14, 2015 (Friday)Santa Barbara Comprehensive School AuditoriumMiss SBCS Coronation Night 2015“Ma’am, good evening po. Ano po ang gagawin nila sa loob?” tanong ng security guard sa gate nang binaba ko ang aking bintana. Chinecheck muna nila ang lahat ng sasakyan na pumapasok sa SBCS.“Good evening. This is my invitation card for tonight’s Miss SBCS Coronation Night. I’m a visitor.” Pinakita ko ang Invitation Card na bigay ni Mama Baby. Sa invitation card nakapaloob ang program at iilan lang ang kanilang binibigyan kaya alam na ng security na kapag may hawak kang card ay VIP.“Ay, sorry po Ma’am. Pasok po kayo, Ma’am. Diretso lang po kayo at may mga hazard sign po diyan na para lang sa VIP parking." Sumaludo pa ang security guard at iginiya kung saan ako magpapark ng aking sasakyan.“Don’t be sorry. You're doing your job well. Thanks.” Tinaas ko na ang aking bintana at pumasok na sa SBCS.Sinunod ko ang sinabi ng security na diretso lang. Alam kong sa may 3rd Year High School
Bigla akong napaharap sa nagsasalita. Halos lumundag ang aking puso ng makita ang lalaking kaharap ko ngayon. Nalulon ko 'ata ang aking dila at hindi ako nakapagsalita.Hindi nabigyan ng hustiya ng litrato ang mukha ng lalaki sa personal. Kung sa litrato ay may bigote siya dati ngayon ay may mumunting balbas na tumutubo sa kanyang mukha. Mas lalong naging lalaking lalaki siyang tingnan. Sa taas kong 5'9 ay matangkad ako kung ikukumpara sa normal na Pilipina. Pero ang kaharap ko ngayon ay malaking mama at sobrang tangkad. Kung hindi ko lang pipigilan ang aking sarili ay baka naglambitin na ako sa kanyang mamasel na katawan na hindi naitago ng kanyang damit. Para tuloy gusto ko nang maglaway.Bloody H*ll! Masisira talaga ang plano ko nito.Bigla akong napatakbo palabas."Sa tingin mo makakalabas ka dito," pigil nito sa aking braso. Hindi ko naisip na bago pala ako makalabas ay dadaanan ko muna siya dahil nakaharang siya sa kawayang pinto."A-aahhh... P-pasensiya na.. I w-was lost.. N-na
“Good morning, Detective Jeric. Anong oras ka pupunta dito?”"May ipapagawa ako sa'yo."“Okay, sige. Aantayin kita mamayang hapon.”Pagbaba ko nang aking cellphone ay naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hindi ako nanonood ng Coronation Night dahil hindi talaga ako mahilig sa mga patimpalak. Isang babae lamang ang pinanood ko at sampung taon na ang nakakalipas simula nang naging hurado ako sa patimpalak na ‘yon. Pagkatapos nun ay hindi na nasundan pa kahit anong pilit ni Papa. Pero lagi akong pumupunta sa SBCS tuwing Coronation Night dahil iyon ang araw na nagkakilala kami ni Anaya. Sampung taon at hanggang ngayon ay patuloy ko pa rin siyang inaantay. Para akong sira. Ni hindi ko nga alam kung babalik pa siya dito sa Santa Barbara o hindi na.Limang taon ang nakakaraan ay bumalik ako dito sa pag-aakalang dadatnan ko pa si Anaya. Pero ganun na lang ang panlulumo ko nang hindi ko na siya nagisnan sa kanilang bahay. Ayon sa aking napagtanungan ay naulila eto dahil nabangga ang kanyan
EXOTIC GIRL ( ANAYA VIJAR) FinalePabiling biling ako sa higaan. Parang may nakahawak sa aking kamay. Nakapikit pa rin ang aking mata. Ang huli kong naalala ay kausap ko si Johnson. Bigla kong naalala si Jude. Nawawala si Jude at ang sabi ni Johnson ay magkasama sila. Bigla kong naimulat ang aking mata."Thank God, gising ka na. Nag-alala ako sa'yo kanina." Totoo ba 'tong nakikita ko. Bakit si Rodolfo ang nagisnan ko.Mahigpit ang pagkakahwak niya sa aking kamay. Sobrang lapit din nito sa akin. Nilagay nito ang isang silya sa tabi ng aking kama.Biglang umagos ang aking luha. Hinawakan ko ang kanyang mukha. Bakit parang totoo?Ngumiti eto sa akin. Hinalikan ang aking kamay. Napansin kong umiiyak na din eto."God, I missed you so much!" Tumabi na eto sa akin at humiga na din sa aking kama.Totoo nga. Totoo si Rodolfo."Totoo ako?" nakangiti na eto. Niyakap niya ako. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Isiniksik ko lalo ang aking katawan sa kanya."Rodolfo, I'm so sorry.. S-sorry kun
Kasalukuyan akong nagluluto para sa hapunan naming tatlo nina Julia at Jude ng maalala kong tingnan si Jude. Dumaan muna ako sa kwarto nina Julia. Sinilip ko si Julia. Nakita kong nakahiga eto at hawak hawak ang tiyan. Parang umiiyak. Mabilis kong isinara na ang pinto.Mahal na mahal talaga nito si Johnson. Magkaibigan nga kami kasi pareho kami ng kapalaran, sawi sa pag-ibig.Lumabas na ako ng sala at tiningnan si Jude. Wala sa sala si Jude. Lumabas na ako ng bakuran namin. May mga nagkalat na laruan sa labas pero wala si Jude. Napatingin ako sa gate. Sarado naman ang gate. Kumabog na ang dibdib ko.Jude, nasaan ka na? Kinalma ko muna ang sarili ko dahil baka nasa likod lang siya ng bahay. Pumunta ako sa likod. Wala din doon si Jude. Nawawala si Jude. Kailangang makita ko si Jude bago pa mapansin ni Julia na nawawala ang anak niya. Baka kapag nagkataon ay tuluyan nang mabaliw ang kaibigan ko. Wala na nga si Johnson, pati si Jude nawawala din.Saan naman kasi nagpupunta ang batang 'yo
Tatlong buwan na ang nakakaraan simula ng tumalikod ako sa kasal namin ni Senyor Roberto. Umuwi lang ako sa El Leon ng isang araw at pagkatapos noon ay naglagi na ako sa dati naming bahay- sa bahay ni Manang Inday. Ang tanging nakakaalam lamang kung nasaan ako ay si Mama Baby, Tita Crisanta, Ms. Anna at si Julia dahil magkasama kaming dalawa pati ang anak niya.Noong hapon ng araw ng kasal ko ay tinawagan ako ni Julia. Naghahanap din eto ng lugar na mapagtataguan nila ni Jude. Buntis na naman eto at ang nakabuntis sa kanya ay walang iba kundi si Johnson. Hindi pa alam ni Johnson na buntis siya dahil bumalik eto ng Amerika at may inasikaso lamang. Isang linggo pag-alis nito ay dumating naman ang girlfriend ni Johnson na isa ring Filipino-American at nag eskandalo sa harap bahay nila. Kung ano ano ang sinabi kay Julia at ang pinakamasakit pa sa lahat ay may pinakita etong picture na naghahalikan sila sa Mommy at Daddy niya. Nagalit at dinamdam iyon ni Julia dahil akala niya ay may pagt
“Kung pinapanoond mo eto Rodolfo, ibig sabihin ay patay na ako. Ang una kong sasabihin sayo ay PATAWAD. Patawad dahil hindi ako naging totoong ama sa'yo. Patawad dahil ngayon mo lang malalaman ang totoong kuwento tungkol sa pagkamatay ng Mama mo. Patawad dahil naging duwag ako. Totoo, ako ang nakapatay sa Mama mo. Limang taon ka pa lamang noon ng dinala ka niya sa Abu Dhabi para magbakasyon dahil gusto kang makita ng Lola mo. Isang taon ang usapan namin na doon ka muna sa Lola mo at tatlong buwan lamang ang Mama mo doon at babalik din dito. Sa loob ng tatlong buwan na 'yon maraming nangyari. Pagkaalis ninyo, ang kaibigan ng Mama mo- si Carmina ay nilasing ako ng pumunta dito sa mansiyon. May nangyari sa aming dalawa. Palagi na siyang pumupunta dito dati pa at lagi na niya akong inaakit noon pa dahil kaibigan siya ng Mama mo. Hindi ko siya pinatulan dahil tanging ang Mama mo lang ang minahal ko. Pagkatapos ng isang beses na nangyari sa amin ay nabuntis ko si Carmina. Hindi ko eto matan
Andito ako ngayon sa loob ng ambulansiya. Katabi ko ang dalawang paramedics na siyang nagbigay ng paunang lunas kay Papa. Minomonitor nila ang kanyang kalagayan. May mga nakakabit silang bagay na inilagay kay Papa para lang manatiling buhay siya. Kailangan niyang masalinan kaagad ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Hindi pareho ang type ng dugo namin kaya hindi ko siya pwedeng salinan kahit na gustuhin ko man.Mga kalahating oras pa ang aming lalakbayin para makarating sa pinakamalapit na ospital dahil kapag dinala pa siya sa Manila ay hindi na siya aabot. Nakatingin lamang ako sa walang malay na katawan ni Papa habang nakahiga siya. Medyo nahimasmasan na rin ako sa galit ko sa kanya. Naisip ko na kahit patayin ko pa siya ay hindi na rin naman magbabago pa ang lahat. Marami siyang nagawang kasalanan pero ama ko pa rin siya.Ngayon ang tanging nais ko na lamang ay ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Mama para matahimik na din ako. Limang taong gulang pa lamang ako ng
Bang!Bang!Bang!Bang!Sh*t!“Ano ‘yon?!” Kinabahan ako sa tunog ng baril. Bigla kong naalala na kasal pala ngayon ni Papa at ni Natanya.. no.. hindi siya si Natanya. Siya ang aking si Anaya.D*mn!Sa sobrang kalasingan ko ay marami akong nakalimutan. Hindi sila puwedeng ikasal. Akin lang si Anaya. Lalo pa ngayon na alam kong ako lang ang tanging lalaking pinag-alayan niya ng kanyang sarili.Dali dali akong nagbihis at bumaba para alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng nagkasalubong kami ni Manang Diday.“S-senyorito R-rodolfo.. si ..si.. S-senyor Roberto po..” umiiyak na nagsasalita si Manang Diday.“Anong nangyari kay Papa, Manang?!” niyugyog ko si Manang Diday dahil panay lang ang iyak niya.“Binaril po si Senyor Roberto! Malubha po ang lagay niya. Nasa may hardin—“Iniwanan ko na si Manang Diday at tinakbo ang hardin. Pagdating ko doon ay nagkakagulo na ang mga tao.“Papa! Papa!”Si Anaya ba ang bumaril kay Papa?“R-rodolfo, 'andito a
August 31, 2015Capili MansionSanta Barbara11:00 AMRoberto Capili and Natanya Fabroa-Harlow NuptialGarden WeddingTimecheck:10:55 ..10:56 ....10:57 ......10:58 .......10:59 .........11:00Ting!Alas onse na ng umaga. Oras na nang aking kasal. Bumaba na ako para gulatin si Senyor Roberto. Eto na ang araw na pinakahihintay ko.Alas otso pa lang ay gising na ako kanina pa. Lahat ng gamit ko ay nailagay ko na lahat sa maleta. Maaga ding dumating ang ibang mga bisita pero si Ms. Anna at ang wedding coordinator na ang bahala sa kanila. Naligo lang muna ako at nagbihis ng itim na long sleeve top, itim na pantalon, itim na boots, itim na bag, itim na sumbrero. Pati makeup ko ay dark theme din.Kanina pa ako pasilip silip sa bintana. Tanaw ko ang malawak na hardin kung saan idadaos ang aming kasal ni Senyor Roberto. Kahit antok at pagod ako sa nangyari kagabi ay hindi ko pa rin pwedeng kalimutan ang aking plano. May konting pagbabago lamang at nasabihan ko na din ang lahat ng aking t
“Now it’s my turn again to pleasure you.. my babydoll.”“Wait… teka maglilinis muna ako kasi nakakahi—““Sshhh… akong bahala.. “Pinatayo na niya ako at pinaupo muna sa kama malapit sa headboard. Binalik nito ang silya sa dating pwesto. Tumabi eto sa akin at hinawakan ang aking mukha para magsalubong ang aming mata. Hinalikan nito ang aking ilong. Ang aking mata. At hinalikan ako sa labi. Kinagat kagat niya na parang nanunudyo. Bago pa lumalalim ang kanyang halik ay eto na mismo ang kusang lumayo ng kanyang sarili.“I can’t stop kissing you, Anaya.” Niyakap ako ni Rodolfo ng mahigpit habang hinahalikan ang aking buhok.Tinuro nito sa akin ang malaking frame ng portrait na nakasabit sa taas ng kama.“ Do you recognize that girl?”“Oo. That’s me. I was fifteen then. Ikaw ha ang bata bata ko pa diyan tapos pinagpapantasyahan mo na ako.” Natuwa ako kasi pinaframe pa talaga niya ang litrato ko noong sumali ako sa Miss SBCS.“Gusto ko na nga umakyat at pababain ka sa stage dahil ayokong may
Kahit na medyo masakit pa ang aking pagkababae ay nagpaalam muna ako kay Rodolfo na magbabanyo. Kumuha ako ng tuwalya at bimpo sa kanyang closet.Naglinis muna ako ng aking katawan atsaka ko binasa ang bimpo para linisan din si Rodolfo. Hindi ko siya pwedeng papuntahin dito sa banyo at baka mahismasan sa kanyang 'panaginip' ay maalala niya na ako si Natanya. Mas gugustuhin ko pang maging Anaya sa 'panaginip' niya kaysa gising siya na ako si Natanya na sumiping sa Papa niya. Baka isumpa pa niya ako kung bakit ako nandito.Paglabas ko nang banyo ay nakangiti lang etong nakatingin sa akin. Hindi niya inihihiwalay ang kanyang mata sa akin na baka kapag kumurap siya ay bigla akong mawala."Huwag ka ng pumunta ng banyo. Ako na ang maglilinis sa'yo. I'm your slave for tonight." nakangiting sabi ko kay Rodolfo.Tuwang tuwa naman eto na pinagsisilbihan ko. Inuna ko munang punasan ang kanyang mukha at katawan. Pagkatapos ay kumuha pa ulit ako ng isang bimpo at binasa para naman sa kanyang hita