Share

Chapter 77

Habang nakatayo ako sa harap ng printer ay biglang umakyat si Calvin sa opisina.

May inaayos ito sa mesa nito. Napatingin ako sa kaniya at pakunot ang noo ko ng makita kong may pasa siya sa mukha.

Lumapit sa may pwesto ko para kumuha ng bond paper kaya mas lalo kong napansin ang sugat niya sa labi.

Hinawakan ko ang mukha niya para humarap sa akin.

“Anong nangyari diyan?” nakangusong tanong ko na tinururo ang pasa niya.

“Tinamaan lang ng kamao,”walang buhay na tawa nito.

“Alam kong kamao ang tumama diyan. Nakipag-away ka ba?” nag-aalalang tanong ko at binitawan ang mukha niya.

Sa tagal naming magkakilala alam kong hindi siya palaaway. Siya pa nga ang manok ko para kay Reb kung hindi lang dumating si Dwayne at pinikot ang kaibigan ko.

Saka kilala ko siyang mabait. Mabait talaga siya, green flag nga tingin ko sa kaniya. Kahit na minsan nadadamay siya sa pagtataray ko ay tinatawan lang niya. Kaya nakapagtataka na may pasa siya ngayon.

“Hindi naman masyado.”

“Nabawasan ang kagwapuhan mo,”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status